Love in a Game

By BriellethItGo

624 65 55

It's a Game. You're the Player and She's the subject. Will you play for her heart or for the fame? Not your t... More

,
Meet our Stars
Prologue_ Just a Peek
Chapter 01_ First Sight
Chapter 02_Warm Welcome
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12

Chapter 06

12 1 0
By BriellethItGo

Hindi na pala bukas ang update HAHAHA. Happy reading :))
_

Alana.
-

Sakto lang ang dating ko sa school at hindi si Dad ang naghatid ngayon sa akin kundi si Manong Tor.

Akala ko kahapon magiging madre na ako o anghel dahil sa pagsulpot ng mga liwanag. Grabe, rollercoaster ata ang pagsali sakanila. Marami akong natutunan maliban sa paggamit ng rosary dahil bata pa lang ay tinuruan na kami ni Mommy at nakakilala din ng bagong kasama. Mga Junior at Senior high ang kasama ko kaya ayos lang pero ni isa sakanila ay hindi ko na matandaan pa ang itsura, may kasama rin kaming iilang nagtagal na sa club para maggabay sa amin. May araw na itinakda lamang sila kung mag rosary.

Pumasok na ako agad sa klase at nadatnan dun si Belinda na nakasimangot. Hindi ko sya pinansin at umupo na lang ako. Naramdaman kong sinundan ako ng tingin nito at nakasimangot pa.

Dumating agad si Ms. A, may hawak na itong stick at attendance sheet namin at iniabot ito sa Secretary ng klase namin sa asignaturang agham niya. Nasa homeroom kami ngayon, gusto raw niya ngayon na magtagal kasama kami sa homeroom. Palibhasa dalawang oras kami ngayon sakanya. Kaya buong oras naka-tuon lang ang atensyon ko sakanya.

Matapos ang isang oras na pagtuturo, nagbigay ito ng maikling pagsusulit. Nagsikilos na kaming lahat pati narin ako. Nahinto pa ako ng makitang si Belinda ay naka-krus lang ang mga kamay at parang walang naririnig.

Hindi ko na sya pinansin at nagsimula na ako. Nagsusulat na ako ng pangalan at numero hanggang 40. Pero naabala ako sa inaasta ni Belinda kaya nagtataka ko itong binalingan ng tingin.

Hindi man lang sya gumagalaw sa kinauupuan niya at nanatili lang ang mga tingin sa harap. Nakanguso ito at wala sa katinuan. Himalang hindi niya ako ginugulo ngayon. Siguro ito yung tungkol kay Jacob kahapon dahil alam kong gusto niyang kausapin ko ito pero nilalayuan ko. Kahapon ay hindi sya lumalapit sa akin hindi ko alam kung bakit, dahil siguro sa tanong ko o dahil panay ang lapit ni Jacob sa akin. Baka kapag pinilit niya, pag-untugin ko lang sila.

Dahil ako ang naaabala sa ginagawa niya ay nagpilas ako ng labag sa loob ko ng isang pirasong papel at nilapag ito sa armchair niya. Nagulat sya sa ginawa ko. Nagbago bigla ang itsura niya at kunot noong tiningnan ako ngumiti lang ako ng tipid at nagsimulang magsagot.

Nagsusulat na ako ng sagot at nakikita ko sa gilid na nagsusulat na si Belinda sa papel niya pero nakasimangot parin siya. Madali lang naman ang mga tanong kaya lang walang choices sariling sagot talaga. Buti na lang walang explanations.

Natapos na kami at pinasa na agad sa harap ang papel. Inayos na yun ng presidente ng klase sa agham namin. Matapos niyon ay nagturo ng panibagong lesson si Ms. A madali lang.

Ganun parin ito si Belinda, nakasimangot at hindi namamansin. Nakatingin lang ako sakanya at sya walang pake, sa harap parin ang tingin. Mukhang bad mood talaga sya. Ganyan ba ang epekto sakanya ni Jacob? kakaiba pala sya magka-gusto sa isang tao. Huhulaan ko, buong araw ganyan ang trip niya.

Nagsilabasan na ang mga kaklase ko para sa breaktime namin. Hindi ako masyadong naka-kain dahil late na ako nagising, damay pa si Scott. Kaya kakain na lang muna ako. Tumayo na lang ako at hindi na tinawag pa si Belinda.

Palabas na ako, huminto muna ako at sandaling tiningnan sya. Parang ako ang naawa sakanya ng makitang naiinis na napasabunot sya sa buhok niya at ibinagsak na lang ang ulo sa desk.

Kakaiba ang feeling, sa tanang buhay ko bilang lang sa mga tao ang binibigyang pansin ko, hindi sa wala akong paki alam, natatakot lang talaga ako sa walang kasiguraduhan kaya sarado lang ang mundo ko sa iba. Tanging sa pamilya ko lang talaga umiikot ang mundo ko. Pero ngayon na dumating itong si Belinda na kahit iilang araw ko pa lang syang nakakasama at kakaramput lang ang laway na sinasayang ko, hindi ko maiwasang hindi maapektuhan sa sitwasyon niya.

Parang ako din ang nasasaktan. Ako din apektado sa problema niya. Kakaiba lang talaga kasi aminadong nalungkot din ako. Nasasaktan na nga siya kay Jacob pinipilit pa rin niya.

Pumila na agad ako at naghihintay na lang. Hindi na ako tumitingin kahit kanino pero batid kong nandito sina Sam at ang mga kaibigan ni Jacon sa Cafeteria dahil rinig na rinig ko ang tawa ni Sam.

Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa pila. Nang ako na, inorder ko lang ay isang carbonara at pinaramihan ng parmesan cheese na may kasamang garlic bread at isang orange juice. Nag-order narin ako para kay Belinda.

Kanina pa ako kinakabahan habang kumakain dahil nararamdaman kong kanina pa ako sinusundan ng tingin ni Sam bawat galaw ko ata kabisa na niya. Kaya nang makalabas ako sumandal ako sa gilid ng pader at habol ang hininga ko, napahawak pa ako sa puso ko. Kinalma ko ang sarili ko at lumabas na.

Nangiti ako ng walang umambang juice na bubuhos sakin. Dumiretso na ako sa Classroom pero wala pa dun ay may sumasalubong na saking dalawang babaeng ang sasama ng tingin at mabilis ang lakad patungo sakin.

Nanlaki ang mata ko ng sakin nga talaga ang tungo nila. Pigil ang hininga at matinding kapit sa paperbag na hawak ko. Kukurap-kurap pa ang mata ko ng huminto silang dalawa mismo sa harap ko. Nagtaka ako ng makitang si Charity ang isa dito, member ng Legionary.

Nawala na ang kaba ko ng biglang ngumiti sa akin si Charity kaya ngumiti rin agad ng nagtataka. Nabaling ang tingin ko sa babaeng kasama nito na ang sama ng tingin sakanya.

"Anong kailangan niyo?" mahinang tanong ko sakanilang dalawa.

Pinutol ko ang masasamang tinginan nilang dalawa.

"Ms. Auxillio, didn't you know that you are one of us?" tanong ng isang babae. Nakangiti itong tinanong ako.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, magsasalita pa sana ako pero inunahan ako ni Charity. "Kung alam niya edi sana nasa sa inyo sya ngayon." nakangiting sagot ni Charity sa babaeng kasama niya. Ramdam ko rito ang sarkasmo niya.

Mas lalo akong nagtaka at papalit-palit ang tingin ko sakanilang dalawa. Ano bang pinag-uusapan nila? Napataas na lalo ang kilay ko sa kanilang dalawa. Nag-uusap sila at sila lang ang nagkakaintindihan.

"But Mr. Owen says."

"At si Mrs. Alyse ang ina kaya alam niya ang nararapat para sa anak niya." agad na sagot ni Charity.

Mas lalo na akong nagtaka sakanilang dalawa. Ngayon pati sina Mom and Dad nadamay na ngayon.

"What are you talking about? and why the hell are you exchanging plastic smiles?" hindi ko na napigilan ang sarili kong magsalita.

"Your words, Miss Auxillio." nanlalaki ang mata na sabi sakin ni Charity at nananaway.

Oo nga pala. Naku naman. Sorry na. Hindi na mauulit.

"It's Business, Miss Auxillio. It's our nature exchanging plastic smiles." nakangiting sabi nito sakin.

Ngumiti lang ako sa kanya ng pilit or should i say, plastic. Napailing na lang ako sa kanilang dalawa.

"So what's the business?" mataray kong tanong.

Ngumiti ito kaagad sakin at may binigay na brochure. Binuksan ko ito at may nakalagay na pangalan ko rito.

"Arts Club?" mahina kong basa. Nagtataka ko syang tiningnan.

Ngayon ko lang napasin na, nakasuot ito ng uniporme para sa mga nagpipinta. At mukhang naabala sya sakanyang pagpipinta.

"Yep. You read it right, Miss Auxillio. I don't know whats in you but it seems that you are extremely important." nakangiti nitong sabi.

Sumama ang mukha ko sa narinig ko. "Oo alam ko yun at pwede bang 'wag kang plastic?" ani kong nakangiti.

Nanatili ang ngiti nito sakin at hindi inaalis ang mga tingin. Nahimigan ko pang natawa ng bahagya si Charity kaya mas lalo akong ngumiti sakanya, ng plastic.

"I'm just being me, Miss Auxillio, kung plastic ako edi plastic ako hahaha." tawa pa nito. Nagtinginan na lang kami ni Charity. "Ok, to clear things out you can call Mr. Owen and ask about your official club." sabi nito matapos magbawi ng tawa kanina.

Ang seryoso naman nito. Bigla biglang nagbabago ang mood. Kanina'y nakangiti ngayon nama'y seryoso.

Tumango ako ng bahagya dito at tumingin kay Charity, ngumiti ito sakin ng magaan lamang at marahang tumango. Wala akong nagawa kundi dumistansya sakanilang dalawa muna.

Kinuha ko ang phone ko at ni-dial ang number ni Dad. Wala pang limang segundo ng sumagot ito.

[ Anak, ano nakilala mo na ba si Sia? ] sabi ni Dad sa kabilang linya.

Tiningnan ko ang babaeng nasa arts club. "What's your name?" tanong ko.

"Ana." agad nitong sagot.

"Dad, i don't know who's Sia." tamad kong sagot kay Dad.

[ What? Hindi pa sya nagpunta sayo? ]

obviously dad. "Opo." sagot ko.

[ Sa sobrang ganda mo ata anak hindi ka napansin ] pangangasar pa nito sakin. Sumama naman ang mukha ko sa sinabi ni Dad at hindi na lang sya pinansin. [ O sya matawagan nga yung Sia na yun, balimbing yun ah ] then he hunged up.

Nayayamot na bumalik ako sa dalawang may sariling clubs. Nakangiting nakatingin sakin si Ana para bang naghihintay ng sagot. Umiling lang ako dito at lumapit na sakanila.

"What do you mean? I thought you already-" hindi natapos ni Ana dahil may tumawag sa phone niya. Ngumiti sya at sinagot yun mismo sa harap namin.

"Yes, hello... Oh Mr. Owen... Nandito po ako ngayon sa harap niya... We have a small problem... yes, yung inutos po ni Mrs. Alyse na club for your daughter, Mr. Owen...Opo, thank you." pinapakinggan ko lang lahat ng sinabi ni Ana habang hindi naaalis ang tingin sa kanya.

Tumingin ito sakin at nagbigay ng ngiti. "Is that my-" hindi ko natuloy dahil biglang nag-ring ang phone ko, kinuha ko ito agad. "Dad." sabi ko habang nakatingin sa pangalan caller ko. Sinagot ko ito.

"Dad-"

[ Anak, nakausap mo na pala si Sia eh, nandyan daw sa harap mo. Minsan nga anak, wag ka ring balimbing ]

Nilayo ko sa taynga ang phone ko at nagtatakang tumingin kay Ana na ngayon ay nakangiti lang. "Ano bang buong pangalan mo ha?" maangas kong tanong.

"Just Ana Sia." tumango ako rito at tinapat muli ang cellphone sa taynga ko.

"Dad, bakit kasi Sia? ikaw talaga."

[ Anak ko, ang common kasi ng Ana kaya Sia na lang. Cool kaya ]

Nakakainis talaga kausap itong si Dad buti hindi ako nagmana dito.

"Dad oo na nga. Ano ba kasing meron kay Ana Sia na yan? at ano 'tong Arts Club?" irita kong tanong.

[ Alam mo kung hindi nadulas yang Mommy mo sa pagsabi sa sinalihan mong club aba'y guguho ang mundo. Ayokong maging madre ka, Alana. Ipapakalat mo pa ang magaganda nating lahi ]

Namana ko pala kay Dad ang sobrang pag-iisip, pati sya iniisip na magiging madre ako. Tsk.

Napasapo na lang ako sa noo ko. Nasa ideya ko naman na talagang si Mommy ang nagsali sa 'kin sa club dahil alam niyang wala akong sinalihang club at malapit si Mommy sa diyos.

"Dad guguho talaga ang mundo kung hindi mo pa sasabihin ang dapat na sabihin." Mahina kong bulong.

Narinig kong huminga ito ng napaka-lalim. [ Anak, i want you to paint again." As simple as that, diretsa niyang sabi without minding what'll i react.

Hindi naman ako tumigil, nawala lang talaga ang pagkagusto kong magpinta muli.

Kunot noong nakatingin kay Ana Sia. "Ok dad, i'll try painting again." napipilitan kong sabi.

[ Good yan Anak. Hindi naman masama ang magmadre, Anak. Pero alam ko na hindi mo gustong pasukin ang mga ganoong bagay. Sa larangan ng sining alam ko, magaling ka dun ]

Ngumiti na lang ako, yung totong ngiti.

[ Wag kang mag-alala anak, ako bahala sa Mommy mo, sisiguruhin kong guguho ang mundo niya- sa kama ] sabi nito at tumawa ng tumawa.

Nandidiri kong pinatay ang tawag. Hinanap ko agad si Charity-nandito pa pala sya, nawala sya sa eksena ha. Ngumiti ako dito at ganun din sya.

"Alam ko na ang nais na mensahe mo, Miss Auxillio." inunahan agad ako ni Charity. Nagtatakang nakatingin ako sakanya. "Nais ng Mommy mo na makasama kami at makahalubilo man lang kami at nangyare nga yun. Ngunit ang sabi ng Mommy mo, hindi ito ang tipo mong aktibidades."

Ngumiti ako sa kaniya, ng totoo.
"Thank you at tinanggap niyo ako." Niyakap niya ako ganun na rin ang ginawa ko.

Kahit isang araw lang akong naglagi at naglaaan ng oras sa kanilang club ay masaya naman at sulit sa oras.

"You are always Welcome, Alana."

Matapos niyon ay nagpa-alam na sakin si Charity. Nakakagaan sa damdamin. Nakangiti ko lang syang tiningnan na makalayo na.

"Ok, off to go." biglang sabi nitong Ana Sia.

Sinundan ko lang din sya ng tingin. Nagulat pa ako ng biglang humarap ito sakin. "Kahit anong petsa, kahit kailan mo gustong magsimula." saad nito at ngumiti lang at kindat pa.

Naiwan na ako dito sa hallway. Nakangiti lang akong naglalakad pabalik sa kwadraro namin. Pero akala ko lang pala magiging masaya na ako ngayon.

Nakita ko sa salamin na nadaanan ko may kung anong nakapatong sa buhok kaya mas lumapit ako sa salamin namin pero agad akong nagsisi nang nakita ko, mga alikabok at kita ko sa repleksyon sa itaas nito, isang malaking timba.

At huli na ang lahat para makaiwas. Ngayon ay naliligo na ako sa likidong toyo na naaamoy kong may halong suka. Nangiti na lang ako ng makitang naiwas ko ang paper bag na hawak ko na may lamang pagkain para kay Belinda. Nakataas ang kanang kamay ko sa ere para hindi madamay sa basa.

Buntong hiningang tinahak ang daan papunta sa locker ko. Habang naglalakad amoy na amoy ko ang sarili ko, ang baho ko talaga. Balak pa nila akong gawing adobo ha.

Napag-isip-isip ko din na, Sana pala hindi na ako umalis sa Legion of Mary, kinarma ata ako dahil hindi na ako sumali sakanila. Dahil nung kahapon na sumali ako sakanila, hindi man lang ako nabuhusan ng kahit na ano. Hindi ako na-bully.

Pwede pa atang palitan ang desisyon ko.

Biglang nag-ring ang phone ko at nanlaki ang mata ko ng mapagtantong nadamay nga pala ito sa basa ko kanina. Dali dali akong pumunta sa banyo, inilapag ko muna ang paper bag at naghugas agad ako ng kamay.

Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang phone ko. Buti na lang unti lang ang nabuhos sakin.

'Si Dad lang pala.'

Hindi pa ako nakakapagsalita nang inunahan ako ni Dad.

[ And that's your Final Club.]

Stay tuned. . .

Continue Reading

You'll Also Like

110M 3.4M 115
The Bad Boy and The Tomboy is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon p...