A wish: 11:11

By senyoraflores

1.1K 111 424

11:11 is an angel's number. They say you should wish something when the clock strikes at exactly 11:11 in th... More

Author's Note
CHAPTER 00
CHAPTER 02
CHAPTER 03
CHAPTER 04
CHAPTER 05
CHAPTER 06
CHAPTER 07
CHAPTER 08
CHAPTER 09
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
FINAL WISH
Señora Flores says....
SPECIAL CHAPTER 1 (El×Kyro)
SPECIAL CHAPTER 2 (RACHEL)
SPECIAL CHAPTER: VON

CHAPTER 01

82 6 0
By senyoraflores

11:11 Happiness

Nagising na lang ako sa malakas na alarm ni El. Magkatabi lang kasi kami ng kwarto at hindi naman soundproof ang mga ito. Kaya dinig na dinig ko yung alarm niyang naka-connect sa isang speaker.

"Good morning...." bati ko sa sarili ko.

Alas kwatro y media palang ng umaga pero gising na kami. Naligo muna ako at nag-ayos ng sarili bago bumaba pero hindi ko pa sinuot yung uniform ko.

"Anong ulam?" bungad ko nang makitang nagkakape na sina Rachel at Von doon.

"Noodles." inaantok na sagot ni Von.

"Ilang oras tulog mo Dan? Ako tatlong oras lang," wika ni Rachel na nagpalalaman ng mga tinapay.

"Tatlong oras lang din. Sanay na rin naman tayo," biro ko pa.

Nagtawanan kaming tatlo doon. Kalaunan ay bumaba na rin si Stef na nakauniform na. Sunod sa kaniya si El na nakatapis.

"Anong gimik yan?" tanong ni Von sa kaniya.

Nakatingin kaming lahat ngayon kay El. Kunot-noo ko siyang tinignan, may dalaw ito.

"Wala akong extra,mare." saad ko.

"Same," -Rachel

"Same..."- Stef.

"Anong gimik yan?" tanong ni Von sa kaniya.

Umirap lang ito at umupo sa sahig. "Bibili na lang ako diyan sa baba at magpapaload na rin." wika ko.

Nagsuot ako ng trench coat. Oo, dahil sobrang lamig dito ngayon.  Isa lang ang store na kalapit namin at nasa baba pa.

Pagkarating ko doon ay papabukas pa lamang sila. Kaya ako ang buena mano. Okay lang, swerte naman ako.

"Ate, pabili ng pads isang pack at paload na rin globe."

"Okay, Ms. Beauty." sabi nito. "Pagraduate na pala kayo. Mababawasan na customer ko." malungkot na wika nito.

"Nako ate. Law school pa ako at yung mga barkada ko dalawa sa kanila magmemed school." paliwanag ko.

"Sana all hindi napapagod mag-aral." biro pa nito na siyang ikinatawa namin.

Nasa ganoon kaming sitwasyon nang biglang may dumating na customer. Pero hindi ko naman ito inabalang tignan.

"Ate, pabili po ng pandesal." malamig ang boses niya.

"Te, mauuna na ako." paalam ko naman kay Ate Tinang.

Habang nasa daan ako ay dinial ko ang number ni Sam. Yung kaibigan naming nasa Manila.

"Oh? Bahay pa kayo?" mapang-asar na bungad niya.

"Ang masamang damo matagal mamatay." natatawang sabi ko.

"I know right. Bakit ka napatawag? Yung utang ko sayo? Wala pang pambayad." deretsong wika nito.

"Hindi. Kailan punta mo dito?" tanong ko.

"Secret. Baka hindi pa ngayon." sagot niya.

"Ah okay. Bye."

Inend ko na ang tawag dahil baka hinihintay na nila ako. Pagpasok ko sa loob ay kumakain na sila.

Hindi manlang naghintay mga hampaslupa. Umupo ako sa tabi ni El at inilapag ang napkin sa harap niya.

"Thank you!!" masaya niyang wika at nagpunta sa cr.

Kumain ako ng marami dahil may exam kami ngayon. Next week thesis defense na. Nakaka-excite na nakakaba.

Pagkatapos kong kumain ay iniwan ko na sila para maghanda. Isinuot ko ang aking uniformed at hinayaang nakalugay ang buhok ko.

"Tara na!!" sigaw ko papababa ng hagdan.

Usually sabay sabay kaming pumapasok. Si Rachel ay mamayang ala una pa kaya maiiwan siya dito.

"Teka. Eto sandwich tig-iisa kayo. Good luck!"

Iniabot ni Rachel sa amin ang sandwich. I hugged her because she's so sweet. Sa aming magkakaibigan ay siya ang pinakamaalaga.

Naglakad lang kami papunta sa univerisity para mas tipid. Sampung libo nablang ang pera ko dito kaya kailangan ko na talagang magtipid.

"Kinakabahan ako." rinig kong sabi ni Von.

"Huwag kang kabahan. Desisyon ako." wika ni Steffi sa kaniya.

Natawa nalang kaming apat habang naglalakad. Nang makarating kami sa gate ng university ay nagpaalam na kami sa isa't isa.

Sina Von at Steffi ay sa College of Health and Sciences. Kami naman ni El ay sa College of Arts and Sciences.

"Halah!!" sigaw ni El kaya napatingin sa amin ang mga tao.

"Gaga. Nakakahiya ka!" bultaw ko sa kaniya.

"Nakalimutan ko yung Ipad ko."

Hindi pa ako nakakapagsakita ay tumakbo na siya. Napailing na lang ako nang makitang lumabas siya ng gate.

Wala akong nagawa kundi magpatuloy na lang sa paglakad . Pagpasok ko sa room ay kaunti pa lang ang tao.

Lumapit sa akin ang isa sa mga blockmates ko. I looked at him seriously.

"H-hi?" awkward na tanong nito.

"What do you need?" tanong ko sa kaniya.

Naupo siya ng maayos at humarap sa akin. Ano namang kelangan nito? He's Kyro. Gwapo naman siya kaso maingay.

"U-uh. Itatan-nong ko l-lang--"

"CAN'T YOU SPEAK PROPERLY?"

Tumikhim ito. "Itatanong ko lang sana kung anong pangalan nung kaibigan mong taga-Psychology department." deretsong sabi nito.

Napangisi ako sa kaniya. Tinignan ko siya sa kaniyang mga mata. So he's interested kay Ellaine.

Dahil mabait namana kong kaibigan at caring. Naglabas ako ng papel at ballpen.

Ellaine Faye Juarez.
20 years old.
Loves to eat and a bit clumsy.
IG: ellajuarez
Twitter: eljuarez
Fb:Ellaine Faye Juarez
Email: elfajuarez@gmail.com

Iniabot ko ang papel sa kaniya. Nang kukunin na sana nito ay inilayo ko.

"One wintermelon milktea. 75% sugar." wika ko at ibinigay ang papel.

"Noted, boss! Salamat."

Umalis siya sa harap ko kaya ipinagpatuloy ko na ang pagbabasa. After 1 hour ay dumating na ang aming professor.

Gaya ng inaasahan ay nagkaroon kami ng 50 items na exam. Last na naman to kaya ayos lang.

Pagkatapos ng klase ko ay pumunta sa ako sa cafeteria. Nandoon si El hinihintay ako.

"Oh? Musta?" tanong ko sa kaniya.

"Gagi! Impressive daw sabi ni Prof. Cruz!" masayang sabi niya.

"Libre moko. Carbonara." wika ko.

Tumango siya sa akin at dali daling nag-order. Nakatipid pa ako. Wala na akong klase mamayang hapon kaya uuwi ako ng maaga.

"Boss! Heto na. Isa para sayo at isa para kay Ellaine." nakangiting iniabot ni Kyro sa akin ang dalawang milktea.

Sakto namang dumating si El kaya nakita niya ito. Napansin kong hindi mapakali itong si Kyro kaya tinapakan ko ang paa niya.

"H-hi!" bakas sa boses niya ang kaba.

"Hi.." parang nagdalawang isip pa si Ellaine.

Kinuha ko ang nakastyro foam na carbonara at milktea. I stood up and walked away. Narinig ko pang tinatawag niya ako pero sinenyasan ko siyang uuwi na ako.

"Kupida na naman ako..." pakantang sabi ko habang naglalakad.

Umuwi ako ng flat namin para magpahinga. Nang papaakyat na ako sa daan dahim nasa taas ang area namin ay nakasalubong ko yung Nathan.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy na lang sa paglakad. Teka taga-dito ba yon? Ang alam ko ay sa kabilang subdivision siya.

"Hi!!!"

Napatalon ako sa gulat nang bumungad sina Sam at Zyra sa akin. Akala ko ba sa susunod na buwan pa sila dadating.

"Mukha bang hotel 'tong flat namin?!" sigaw ko.

Continue Reading

You'll Also Like

25.7M 472K 39
[WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.] She's the bride who arrived at the right time but in the wrong place. #TheBachelorsB...
651 69 11
Kung ang pag-ibig ay tila isang digmaan kung saan ito'y mapanlinlang na laro ng tadhana, handa ka bang...lumaban? Si Mateo ay pinuno ng isang sikreto...
2.4M 69.2K 56
Hindi si Eunice ang klase ng babaeng naniniwala sa forever kahit pa taken siya. At kahit pa apat na taon na siyang may boyfriend, sobrang bitter pa r...
1.1M 36.4K 31
(Trope Series # 3) Arielle was contented living her quiet life. She's got a job that pays well, a place to live, eats three times a day, and had frie...