Tamed by the Billionaire (LOB...

By Gelailah

4.8M 111K 6.3K

He's a lazy billionaire. She's called a devil in the office. As time goes by she can't help but be tamed, eit... More

Tamed by the Billionaire
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue

Chapter 17

109K 3K 53
By Gelailah

I took the shot and raised my glass in the air. I started laughing. Hindi ko alam kung bakit ako natatawa pero tumatawa ako. Nagulat nalang ako ng biglang may humila sakin paalis sa crowd. Aww but I'm still having fun.

"Jaqie you're drinking too much. Tama na yan." She said as we approached our table. I looked at Jules.

"Nonsense. Hindi pa ako lasing nag eenjoy lang ako." Hindi pa naman talaga ako lasing. I can feel the alcohol inside my system pero alam ko parin ang ginagawa ko.

"Anong hindi? Tignan mo nga yang itsura mo." I looked at my clothes. Tinanggal ko lang naman yung cardigan na soot ko kanina dahil ang init at naglugay ako dahil medyo malamig. Grabe talaga ang global warming ngayon di ko na maintindihan kung mainit o malamig.

"Leave her alone Jules. She's having fun." I winked at Mira. Jules just shook her head.

I glanced around and looked for Keith. Again. Wala parin sila nung lintik na Maris na yun. Kanina pa kami nandito pero hindi parin sila dumarating. Siguro naisipan nilang sa isang hotel nalang mag celebrate and who the fuck knows what their doing.

Kumuha pa ako ng hindi ko na mabilang kung pang ilan kong shot. Whooo! Hindi ko na matandaan kung kelan ako huling nag enjoy ng ganito.

"I have to pee." I told them pero hindi siguro nila ako narinig. Tumayo na ako at naglakad papuntang cr.

Saan nga bang banda yun? Nakalimutan ko. Bakit ba naman kasi ang laki ng lugar na to sana pala nagpasama ako kay Jules or Mira. Sa kakahanap ko sa banyo nabunggo ako ng isang babae kaya medyo nahilo ako at muntik pang matumba mabuti nalang nasalo ako ng isang lalaki.

"Jaqie?" Tumingala ako upang tignan ang Lalaking tumawag sakin. Iniisip ko kung sino siya.

"Oh hey it's you! John Meyer!" I giggled "I didn't expect to see you here." He laughed.

"Uhm Jaqie, its Nuel and I didn't expect to see you  drunk."

"Who said I'm drunk? Tipsy lang ako." Natawa ako pero nakatingin lang siya sakin na nakangiti. Oh maybe he knows where the restroom is. "Alam mo ba kung nasaan ang cr? Kanina pa kasi ako naiihi at naliligaw ako." He chuckled.

"Tara samahan na kita papuntang cr."

Pagkatapos kong umihi bumalik na ako sa table namin. Sinamahan pa niya ko dahil baka daw kung mapano ako kahit ilang ulit ko na sa kanyang sinabi na hindi ako lasing.

"Saan ka ba galing? Kanina ka pa namin hinahanap." Nag aalalang tanong ni Jules.

"Sorry naligaw kasi ako. Mabuti nalang may tumulong sakin."

"Sino? Siya ba?" Turo ni Mira sa likod ko.

"Oh right. Girls this is John," I motioned my hands as I introduce them. I looked at him "This is Jules and Mira."

He lend his hand to them and said, "Actuall my name's Immanuel Meyer, just call me Nuel."

"Well you know what they say, ang babaeng lasing limot sa pangalan ng mga gwapo." Mira said.

"Ngayon ko lang yan narinig." I said. They all laughed and I rolled my eyes at them.

Nagkwentuhan lang kaming apat dito nakakatuwa din kausap si Nuel dahil sumasakay siya sa mga trip namin. Medyo nawala na din ang hilo ko sa dami ng tubig na pinapainom sakin ni Nuel. Hindi na din niya ako pinayagan uminom.

"Teka kanina pa tayo nag uusap dito pero hindi mo sakin sinasabi kung paano ka nakapasok sa party na to. No offense but I know that only the billionaires and some VIP guests are allowed to go here." Sabi ni Mira kay Nuel.

"Pinsan ko si Enrique." Nakangiting sabi ni Nuel. "And speaking of my cousin." May narinig kaming tumawag kay Nuel kaya sabay sabay kaming lumingon upang tignan kung sino ang papalapit sa amin.

Gwapo siya I'll admit pero tingin palang halata na sa kanya na isa siyang seryosong tao. Wala manlang kangiti ngiti sa mga labi niya, and his eyes, it's so cold. I wonder what happened.

"Wow" Napalingon ako kay Mira na nakatulala kay Enrique. I rolled my eyes. Uh-oh, looks like someone is swept off her feet.

"Enrique" nakangiting bati ni Nuel. "This is Jaqie, Jules, and Mira." Tumango lang siya samin ng isang beses pagkatapos ay ibinalik ang attention kay Nuel.

"We have to go." Tumingin sa kanya si Nuel. They looked at each other as if they are talking then Nuel just nodded his head. Naglakad na palayo si Enrique.

"I have to go. Salamat sa pag kupkop niyo sakin. Sa uulitin." Nalangiting sabi ni Nuel. Nagpaalam na din kami sa kanya.

"So tell me girls, what do you think of Enrique?" Excited na sabi ni Mira nang makalayo si Nuel.

"He's cold and he doesn't speak much." Yun lang ang sinabi ko bago muling sumulyap sa pinto kung saan lumabas si Enrique.

"Para sakin nakakatakot siya." Sabi naman ni Jules.

"I think he's hot and mysterious." Mira said dreamily.

Nilibot ko ang tingin ko sa paligid upang hanapin si Keith pero wala parin siya. Tumingin ako sa relo ko 11pm na pero wala parin siya. Ininom ko ang baso ng beer sa harap ni Jules at nang mag angat ako ng tingin nakita ko silang dalawa na nakatingin sakin at pawang nag aabang ng sasabihin ko.

"What?" I asked.

"Tinatanong ka namin kung bagay ba si Enrique kay Mira." Sabi ni Jules. I just shrugged.

"Lets not ask her, I think she's preoccupied because her boyfriend is still not here." Mira

"I don't have a boyfriend." Sagot ko ng hindi sa kanila tumitingin.  When did I have a boyfriend? The last thing I remember, I broke up with my ex boyfriend at a restaurant because he got his bestfriend pregnant.

Kinuha ko ang baso ng cocktail sa harap ni Mira at ininom ng deretso. "Hey that's mine!" Narinig kong sabi niya pero di ko siya pinansin.

"Huh? Akala ko ba boyfriend mo si Keith?" Naguguluhang tanong ni Jules. Napansin ko naman si Mira na nagtawag ng waiter at nag order ng inumin.

"He's not my boyfriend. Kapatid siya ng boss ko."

"Eh bakit kayo magkasama?" Jules

"At bakit ang lagkit ng tingin niya sayo?" Tumango naman si Jules sa sinabi ni Mira. I can feel their eyes on me.

Nakahinga ako ng maluwag ng dumating na ang waiter kaya naman napunta dun ang attention nila. Agad akong kumuha ng isa. Mukhang matagal tagal pa ang pagstay namin dito sa dami ng dala nitong drinks.

"Mira hindi ako umiinom ng ganito." Narinig kong sabi ni Jules ng makita ang Cosmopolitan sa harap niya.

"Beers are for boys Jules, you should try it first. Masarap yan." Napailing nalang si Jules at tinikman ang inumin.

"So?" I looked at Mira.

"So what?" I asked innocently hoping that she's talking about another topic.

"So why does he look at you like that if he's not your boyfriend?"

"Hindi ko alam." Seriously I don't know the answer to their question. Sometimes I feel like Keith likes me. Ayoko mag assume kaso minsan yun ang nakikita ko but then sometimes I think that he doesn't. Nalilito din ako sa kanya.

"Pero gusto mo ba siya?" Tanong ni Jules. Kanina lang ayaw niya pero ngayon paubos na kaagad ang inumin niya. Mukhang may malalasing ngayon bukod sakin.

"Hey she asked you if you like him." Ulit ni Mira.

"I don't know." I sighed. Do I like him? Masaya ako pag kasama siya kahit na minsan nakakainis ang katamaran niya. Pero imposible naman na magkagusto ako sa isang tao samantalang kakagaling ko lang sa break up. Come to think of it ngayon ko nalang ulit naalala ang nangyari samin ni Ed.

Naramdaman yata nilang wala ako sa mood magkwento dahil hindi na sila ulit nagtanong tungkol kay Keith. Kung saan saan na napunta ang usapan namin habang umiinom.

Hindi na dumating sa party si Keith kaya naman si Mira na ang naghatid sa akin pauwi. Mga 2am na kami nakauwi. Nakita kong nakapark ang kotse niya sa harap ng bahay kaya naman derederetso na akong pumasok. Medyo nahihilo pa ko sa dami ng nainom namin.

Tamang tama pagpasok ko ng pinto biglang lumabas si Keith sa kwarto niya. Nagkatinginan kaming dalawa.

"So how's the party?" Tanong niya sakin.

"Fun." I lamely said. Nagsimula na akong maglakad papunta sa kwarto ko.

"Karina" nilingon ko si siya.

"Sorry kung di na ako nakapunta sa party may nangyari kasi--" Hindi na niya natapos ang sinasabi niya dahil sa babaeng tumawag sa kanya sa loob ng kwarto.

"Kiko! Where's my water na?" Napabuntong hininga naman si Keith. I started walking towards my room again pero bigla nanaman niya akong tinawag. Inis na hinarap ko siya.

"You know what Keith? You don't have to explain. Who am I anyway? Salin pusa lang naman ako dito sa bakasyon mo. Just do whatever you wanna do. I won't mind." Yun lang ang sinabi ko at tuluyan na akong pumasok sa kwarto.

~~

Continue Reading

You'll Also Like

3.4K 146 8
Mike Geffen Castillo's story All Rights Reserved. April 2024. Miss Kae @KaeJune
10.3K 213 4
DELICIOUS TROUBLE (Kitchen Lover Series 1) Famous designer Charlie de Vera promised not to look back to the old life that she had. But when her mento...
26.5M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...