Love in a Game

By BriellethItGo

624 65 55

It's a Game. You're the Player and She's the subject. Will you play for her heart or for the fame? Not your t... More

,
Meet our Stars
Prologue_ Just a Peek
Chapter 01_ First Sight
Chapter 02_Warm Welcome
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12

Chapter 05

6 1 0
By BriellethItGo

Alana.
-

Bagong umaga muli. Sakto lang ang dating ko sa School. Marami ng mga tao at nandito pa rin ang bawat clubs.

Huwebes na ngayon, hindi pa rin nababasawan ang mga mapanlait na tingin sa akin. Para akong isang langaw na naglilikha ng ingay at iritasyon sa kanila.

Hindi ko magawang hindi tingnan ang mga tao sa mata nila kapag iiwasan naman sila ay diretso lang ang tingin sa daan. Ganun ka simple.

Ngayong umaga ay hindi ko nakita iyong Belinda, sana nga ay hindi na magpakita pa iyong muli o kausapin pa ako.

Pumasok na agad ako sa classroom namin at natuon agad ang atensyon ko sa mga kaklase kong nag-uusap.

"Sino naman kaya ang Adviser natin?"

"Bakit ba kasi binago?"

"I don't know. Pero ang sabi-sabi si Mr. Thyrst daw ang nag-utos."

"Oh? Kailan pa sya nakialam sa school natin?"

"We don't know either."

"Isa pa, pinagtatalunan daw ngayon kung sino ang adviser natin. Take note, tayo lang ang pinagtatalunan."

"What else do you expect? We are the highest section of all."

"That's right, girl."

Naka-upo ako ngayon at pinapakinggan sila. Kunot-noong nakatingin sa libro ko pero wala sa sariling nakikinig sa kanila. Sa pagkaka-alam ko ang adviser na naabutan ko si Mr. Bara pero hindi kami masyadong na-attached dito kasi hindi man lang niya kami pinapapunta sa Homeroom para kausapin. Kaya ayos lang siguro kung hindi na sya.

Mahirap naman kung nasanay na sa isang tao pero aalis lang din.

Lahat kami, pati ako napatingin sa pinto nang biglang bumukas ito, nawala ang ingay kundi napalitan ng katahimikan. Lahat kami naghihintay na may pumasok. At iniluwa ang babaeng Si Miss Adelina Vasquesa. Nakakamangha sya. Naglakad sya papasok at may mukhang seryoso at diretso ang tingin sa daan.

Umaatikabong ang takong nito na naglilikha ng ingay. Taas-noo syang tumingin samin. Sa pagkaka-alam ko, hindi naman sya ganyan. Palangiti ito, at palabiro din. Madalas lang magsungit at maging strict sa amin at sya rin ang unang bumati sa akin nang pumasok ako rito. Maganda ngayon si Ma'am, kita talagang nag prepara siya para rito.

Sunod namang pumasok ang lalakeng maskulado. Ang gwapo nito. Hindi sya kakikitaan ng katandaan at naglalaban ang itim at puti na buhok niya na dumadagdag sa kagwapuhan. Nakasalamin ito at naka-pink na uniporme. Lalaking-lalaki at ang cute nito sa uniform na pink. Pumasok ito sa classroom namin nang may magaan at tipid na ngiti lamang.

Pumunta silang dalawa sa harap ng buong klase namin. "Goodmorning, everyone." Pati ang kanyang boses ay malalim at medyo paos. Bagay sa kanya.

"Good morning, Dean. Good morning Miss." sabay sabi ng lahat maliban sa akin dahil namamangha ako sa postura nito.

At ano Dean? Dean namin sya? Sa unang nakaraang taon ko dito at sa pagbabalik ko, ngayon ko lang sya nakita. Ano kayang itsura nito nung nasa seventh year palang ako? Siguro ang gwapo talaga nito.

"I would like to apologize, misleading about your official Adviser." muli nitong sabi sa amin at ngumiti. Pati mga ngiti nito, nakakamangha rin.

Nanatiling tahimik ang klase at hinihintay lamang tapusin ng Dean ang sasabihin dahil nahuhulaan na namin kung sino ang bagong adviser.

"But i have right here, Ms. Adelina Vasquesa your official Adviser. She's good not just in teaching also guiding her students." sabi ni Dean namin.

Nakangiti ko namang pinagmasdan ang bagong Adviser namin. Seryoso at blanko lang ang mga tingin nito. Para pa ngang nayayamot na sya sa kinatatayuan niya.

Lumapit sya kay Dean tinapik niya ito at bumulong na rinig naman namin. "Mr. D, good is not enough. I'm the best." biglang sabi ni Ms. Adelina.

Naglikha ng ingay at bulungan ng dahil sa inasta ng guro. Kunot-noo ko lang pinagmasdan ang mga asta niya, nagtataka rin. Tumikhim si Dean kaya umayos ng tayo si Ms. Adelina at sumeryoso ulit. Awkward.

Napalingon ako ng biglang may umupo sa tabi ko. Nanlalaki ang matang tinitigan ko sya. Hinihingal lang ito habang nakangiti. Tiningnan ko kung saan sya galing, sa backdoor pala. Tinanguan ako nito at nginitian.

"Ms. Buenavista" rinig kong sabi ng Dean. Lumingon ako rito at nakita kong matalim ang tingin nito kay Belinda. Nilingon ko rin itong babaeng ito na katabi ko lang, ngunit mukhang wala itong paki alam dahil ngumiwi lang ito at umayos ng upo.

Nagbabanta ang mga tinig ni Dean kanina sa pagtawag kay Belinda. Mayroong kasindak-sindak na mga tingin ang Dean. Isa pang tungkol dito sa babaeng ito, she loves to break rules.

"You are looking at me with a judgement in your eyes, Ivori." Nakikipaglabanan ito ng titig sa akin. Nanunuya ko siyang iniwasan ng tingin at tinarayan.

"Aba tinatarayan mo ako ha, gawin mo nga kay Sam yan." Paghahamon niya na buntong-hininga lang ang isinukli ko.

Hindi ko na pinansin ito at binalik ang tingin sa dalawang panauhin pero agad akong napako sa inuupuan ko nang magtama ang mata namin ng Dean, may laman ang mga pagtitig niya parang may gustong sabihin, hindi ko alam. Matapos ang pagpapakilala sa bagong guro namin ay buong oras ko lang pinagmamasdan ang kilos ng Dean habang hindi tumitingin sa mata nito at gano'n din siya. Umalis na si Dean at nagsimula na ring magpakilala si Ms. Adelina.

"Hi." Hindi niya talaga kayang itikom ang bibig.

Hindi ko lang sya pinansin at tahimik na nakatingin sa harap.

"Psst. Huy ano? may dala ka bang bagong gym uniform?" nang-aasar ba sya?

Lumingon ako sa gawi niya hanggang sa tingnan ko siya, nagkatitigan pa kami nang hindi ako ngumingiti ay unti unti syang tumawa. "Bakit ka nandito?" Mahinahon kong tanong.

Natigil ito sa pagtawa ng wirdo at ngumiti. "Classmate kita sa subject ni Ms. Vasquesa 'no." Sabi niya matapos ay ibinalik ko na sa harap ang tingin.

Tinuon ko na lang din ang atensyon ko sa harapan. Panay ang salita ni Ms. Adelina, dapat nasa Homeroom kami pero ayaw niya ng lumipat.

"Wag kang mag-alala, bestfriend. Hanggang kaya ko, ilalayo kita sa mga bullies." kumunot ang noo ko. Tiningnan ko sya ng nagtataka pero kinindatan niya lang ako at ngumiti lang sya. Nakatingin parin ako sakanya, hindi inaalis ang tingin. Pero hindi niya na ako pinansin.

Kung sa tingin niya ang kapalit ng pagtulong niya sakin ay si Jacob malabong mangyare yun. Kung gagawin ko ang parte ng gampanin ng isang kaibigan, mas mabuting ilayo siya at 'wag nang mapalapit kay Jacob.

"Ginagawa mo ba 'to dahil sa tingin mo ay ang kapalit si Jacob?" Diretsang tanong ko, natigilan sya at ngayo'y hindi makatingin sa akin. Bumuntong-hininga ako ng walang makuhang sagot sa kanya at hindi na muling nagsalita.

Matapos ang mga turo at paalala ni Ms. A, kung bakit Ms. A lang ay dahil sya mismo ang nagsabi. Natapos na ito sa mahabang speech niya at pagtuturo. Hindi man lang inisa-isang kilalanin kami.

Mabilis ang oras ngayon at aaminin ko, wala akong natutunan ngayon. Pumapasok sa taynga at lalabas lang sa kabila, gano'n ang naging pangyayare sa bawat subheto. Hindi na rin muling nagtagpo ang landas namin ni Belinda matapos ko syang tanungin. Uwian na
ngayon ay nagsisilabasan na ang lahat at ganon parin ang dating gawi, hinihintay na magsilabasan ang lahat. Nakalabas na ang lahat kaya ako na ang sumunod na lumabas. Luminga-linga pa ako sa paligid.

'Walang tao.'

Naglalakad na ako ngayon sa mga corridor at nagmamasid sa mga nakapaligid. Nakapagtataka lang na hindi man lang ako nabuhusan ng juice ngayong araw. Ako kasi, inaabangan ko para man lang maging ready pero himala ata dahil walang malamig na likido ang bumabalot sa katawan ko ngayon.

Nakakalungkot isiping hinihintay ko ang pagbuhos sa akin ng malamig na likido, parang ba nais kong sanayin ang sarili at maging handa. Kung titingnan naman ay hindi tama, hindi tamang magpatuloy sila at hayaan ko lang.

Ni hindi ko nga nakasalubong ang mga kaibigan ni Sam pati ang grupo ni Jacob, mas mabuti na iyon. Nakakapagtaka rin na kahit ang mga babaeng galit na galit sakin kahit na kumukulo na ang apdo nila para sugurin ako, ay hindi nila magawa. Hanggang tingin lang sila sakin at aamba pero wala namang gagawin.

At ang nakakainis ngayong araw, pinipilit na lumapit sa'kin ni Jacob. Nagagalit dahil bumalik ako tapos ngayon lalapitan niya ako. Isa pa, ayoko pa syang maka-usap dahil ayoko syang pagtuonan ng pansin. Nakakagulo sya ng isip dahil muli na naman syang lumalapit at nakakainis iyon.

Pero ano ang nakakatuwa? Ang Leader na si Paul ng The Red Flag ay hindi man lang ako kinanti o kahit ginalaw man lang dito sa school at masaya yun. Ikaw ba naman ma-ecounter mo ang isang lalakeng kinababaliwan pala ng lahat. Hindi ko talaga gugustuhing muling magtagpo ang landas namin o dumapo man lang ang paningin ko sa kanyang mga mata dahil huli na talaga iyong nangyari sa mall.

"Hi"

"Ay kampon ka ni Hudas." Katamtaman lang ang lakas pero matigas ang sambit sa bawat salita.

"Mukha ba akong demonyo?" Pag ngiwi nito.

Sinamaan ko siya ng tingin at inayos ang hininga ko. Sya ang biglang sumulpot sinong hindi kikilabutin. Sinuri ko ang suot niya, naka uniporme sya at may kapansin-pansing eleganteng kwintas na krus sa kaniyang leeg.

Tumikhim ito kaya ibinalik ko ang tingin sa kaniya nang kalmado na. "Ako nga pala si Charity Carerra." sabay lahad niya ng kamay at may kasamang ngiti.

Kunot-noo ko lang itong tinignan tapos tiningnan ko naman sya. "Ah?" inosente kong tanong, nangangapa ng salitang sasabihin.

Tumitingin-tingin pa ako sa paligid dahil baka kung nasaan lang sina Sam pero wala naman kaya nakahinga ako ng maluwag.

Binalik ko ang tingin sa kaniya, napaamang sya sa narinig niya. May mali ba sa sinabi ko? "Ah eh kasi," ngumiti ito ng pilit at tinago na lang ang kamay. "Kasi inaasahan ka na kahapon pa lang ng club namin." nakangiti nitong sambit.

Gusto kong matawa ngunit sinaway iyon ng isip ko dahil baka kung ano ang isipin niya. "Club? Inaasahan? Kahapon? Huh?" sunod-sunod kong tanong. Wala nga akong sinasalihang club, alam ng school iyon dahil pinasabi ko 'to kay Daddy.

Nakangiti naman itong lumapit sakin. "Ako si Charity Carerra, isa sa member ng Legion of Mary." magalang nitong sabi.

'Ano bang sinasabi nito?'

Nagtaka naman agad ako sakanya. "Anong Legion of Mary? Wala nga akong sinalihang club tapos hinahanap niyo 'ko?" masungit kong sagot dito.

Nanatili parin itong nakangiti. Pansin ko lang sa mga ngiti niya, napakaganda at payapa lamang kaya nakonsensya ako sa inasta ko sa kanya. "Ah para madali lamang sa iyo na maintindihan, pina-praktis natin dito ang pagrorosary at pagbibigay ng oras para kay Inang Birhen sa gamit ng pagrorosary."

"What? Rosary?" Wala ng salita ang nais na lumabas sa isip ko. Binalik ko ang tingin sa kwintas niyang suot at muling binalik sa kaniya.

Hindi ako makapaniwala.

"Tara na." sambit nito at puma-una na.

Nakatingin lang ako sakanya na nanlalaki parin ang mata at laglag panga. Naglalakad lang sya ng marahan kaya sumunod agad ako sakanya.

"Teka sandali." sigaw ko habang hinahabol ang lakad nito.

Nang magpantay na kami, nakangiti syang lumingon sakin.

"Klaro lang ha. Magiging madre ba ako?" pigil-hininga kong tanong.

Tumawa ito ng mahina kaya sinamaan ko ito ng tingin. Seryoso ako ha. "Pwede rin kung gusto mo."

"Ano?!"

Nang-aasar ba sya?

Napahinto ako sa sinabi niya. Magiging madre ako? Lagi na akong tatambay sa simbahan? Magsusuot ako ng puting mahaba na balot na balot sa katawan? Magiging tulay sa liwanag?

Sarado ang bibig habang nanlalaki ang mata sabayan mo pa ng pigil-hininga kong hindi ko na kaya, ay nakatingin lang ako sa likod nito. Napalunok ako sabay napa-atras ng tumigil ito sa paglalakad at dumagdag pa ang panlalaki ng mata ko ng humarap ito sakin at ang laki ng ngiti.

Tikom ang bibig syang sinamaan ng tingin. Kay raming tanong ang tumatakbo sa isip ko ngayon. Pero alam ko naman ang sagot.

"Bakit ba ganiyan ang iyong reaksyon, Miss Auxillio? Hindi ko naman sinabing magiging madre ka, nang sapilitan. Ang sabi ko, magiging madre ka kung gugustuhin mo. Wala namang pumipilit sa'yo."
tumawa pa ito ng bahagya.

Tama naman siya. Agad akong tumayo ng ayos ng marinig ang sinabi. Nanlalaki ang mata at may laglag panga na nakangiti ako.

"Cool" medyo plastik kong sabi.

Marahan itong tumango. "Oo, kaya tayo na sa bagong club mo." nakangiting aniya.

Napipilitan na lang akong tumango sakanya at nagbigay ng mahinang ngiti at nagpahila na lang sakanya.

Ano't hindi nasunod ang aking gusto.

Stay tuned . . .

Bitin 'no? Tomorrow another update pang bawi.

Have a good day ahead pips🖤

Continue Reading

You'll Also Like

110M 3.4M 115
The Bad Boy and The Tomboy is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon p...