REBEL HEART | TRANSGENDER X S...

By spirit_blossom

126K 7.7K 2.8K

Rebellious and an only child, Rhiannon Engres Fuego yearns the attention of her father. Kung kaya gumagawa si... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59

Kabanata 28

2K 157 149
By spirit_blossom

Magmula nang marinig ko ang mga iyon kagabi, hindi na ako nakapag-isip pa ng maayos. Imbis na pumasok sa silid ni Papa at tanungin siya sa mga nalaman ko, mas minabuti ko na lang ang umalis doon. Naging blanko ang isip ko at para akong naglalakad sa hangin habang pabalik sa sariling cuarto.

I wasn't able to sleep that night. Nakahilata lang ako sa buong magdamag sa malaki kong kama. Nakatitig sa kisame ng madilim kong cuarto. Namumugto ang mga mata. Naguguluhan ang isip na paulit-ulit na nagtatanong. Paano iyon nangyari?

Maski nasa sulok ng isip ko ang sagot, pilit ko pa ring kinukumbinsi ang sarili. I kept telling myself that this was only a big misunderstanding until it dawned on me that everything was correct. Our distant father and child relationship. Ang pagpupumilit niya sa aking umakto na parang anak na lalaki. Because he had one. Because he had a son that has been missing for years. Isa lamang akong kapalit sa nawawalang bata na may magandang buhay na naghihintay sa kaniya, tapos napakataas ng tingin ko sa sarili at nagawang hamakin ang batang iyon na ngayo'y isa nang binata.

I called him ampon too many times I couldn't even keep count. Minsan sa harap pa mismo ng ama niya. Oh, god.

Nangilid ang luha sa mga mata ko. Nakokonsensiya ako at sa unang beses nahihiya rin. Nu'ng naririnig kaya iyon ni Papa, ano ang naiisip niya sa akin? Na napaka-walanghiya ko? Na napakalakas naman ng loob kong tawaging ampon si Gino sa harap niya mismo samantalang ako naman talaga iyon? Naalala ko tuloy ang isang beses na pinapalayas ko pa sa mansyon si Gino. Napatakip na lang ako ng mukha nang isa-isang magsigapangan ang mga luha ko papunta sa magkabilang tainga. Parati akong tinuturuan ng mga tao sa paligid kong maging mapagkumbaba, pero hindi ako nakinig sa kanila at nanatiling mayabang. So life gave a lesson I could never forget.

Kung anong taas ng paglipad, siya ring lakas ng pagbagsak. Nakatikim ka ngayon ng sarili mong gamot, Rhiannon.

"Natapos na 'yung construction ng tinatayong country club sa ciudad natin, at ngayon naman balak nang i-blessing ng mga may-ari iyon sa Linggo. The Garcias invited my presence on their opening day. Gusto niyo sumama kayong dalawa total wala naman kayong pasok nu'n," banggit sa amin ni Papa nitong agahan.

Nanatili akong tahimik sa pag-intindi ng almusal ko. Narinig ko naman kalaunan ang boses ni Gino.

"Country club?" tanong niya sa baritono.

"Mga eksklusibong establisyemento, hijo. Madalas kailangan ng membership para makagamit ka ng mga pasilidad nila. Maraming puedeng gawin ru'n tulad ng golf at swimming."

"Nagpupunta ka sa mga ganu'n?" tanong pa ni Gino.

"During my younger years, yes. Maganda rin maging member sa mga ganu'n para magkaroon ka ng malawak na koneksyon. If you're aiming a spot in politics, you will need a number of acquaintances. Gusto mo i-member kita rito kanila Garcia?"

"Pag-iisipan ko," sagot naman ni Gino.

Nag-usap pa ang dalawa tungkol naman sa mga ibang panglalaking bagay. Napuyat ako kagabi sa kaiisip kaya para akong lutang ngayon. Nagkaroon nga ako ng mga dark circles sa ilalim ng mga mata pero hindi lang halata ngayon dahil sa nilagay kong concealer.

"Rhiannon," tawag ng boses ni Papa na hindi ko alam kung ngayon lang o kanina pa.

I expressionlessly turned to him.

"Ok ka lang ba, anak? Tahimik mo yata ngayong umaga. Tawag ako ng tawag sayo pero ngayon ka pa lang umimik." tanong ni Papa.

Naalala ko bigla ang mga narinig ko sa kaniya kagabi at nalipat agad ang mga mata ko sa harapan kung saan nakaupo si Gino. Nakatingin rin siya ng mainam sa akin habang nakahawak sa mga kubyertos.

Their moreno skin and charcoal-black eyes were so identical. I feel like looking at two of the same individual at once. One from the present, one from the future.

Hindi nga maipagkakailang mag-ama sila. Bakit hindi ko iyon napansin dati?

"Sorry may iniisip lang po ako. What was it again?" Humarap ako sa kaniya at nagpakita ng kunwaring interes sa topic. Umismid si Papa.

"Sasama si Gino sa Linggo para sa blessing ng country club. Gusto mo rin bang sumama?"

"Uhm, sorry. H-hindi po ako makakasama."

"Bakit?" dismayado ang tono ni Papa.

"May pupuntahan po kami ni Ava sa araw na 'yan," pagsinungaling ko.

"Hindi niyo ba puedeng i-move? Sayang naman kung hindi ka makakasama samin."

Umiling ako. "Gusto ko mang sumama pero we already planned this days before. Sorry po talaga."

"Linggo naman 'yun, anak." malungkot na pagpupumilit ni Papa pero ningitian ko na lamang.

Naasahan ko nang malulungkot si Papa pero nakonsensiya pa rin ako. The fact that I didn't even call him father made it worse. Hindi ko rin kasi alam kung dapat ko pa ba siyang tawaging tatay ko ngayong alam ko na ang totoo. Hindi na rin naman niya ako pinilit kaya naging madali nang lunukin ang pagsisinungaling ko. Infront, Gino was still eyeing me from his usual seat like an eagle carefully observing its prey.

I forced a weak smile before resuming breakfast.

Normal na nagpatuloy ng kani-kaniyang mga buhay ang mga taong nakapaligid sa akin. Umikot ang mundo nila at sa akin lamang ang hindi. I feel like the bright life I once knew suddenly became blur. Hindi ko na makita kung anong kahihinatnan ng buhay ko. Hindi ko na magawang tingnan ito gaya noong mga panahong nababalot pa ako sa kasinungalingan.

Heck, I don't even know who my real parents are and the reason I was brought into this family.

Hindi ko sila kilala. Hindi ko alam kung anong pagkakakilanlan ko. Siguro iyon rin ang dahilan kaya nakatigil ang mundo ko. I don't have the slightest idea of my real identity. Nangangapa ako sa dilim pero patuloy pa rin ang agos ng buhay sa ayaw ko man o hindi. Maski mahirap. Maski minsan tingin ko nahahalata na ni Gino ang nangyayari sa akin lalo na pag nasusuway ako ng mga professor sa pagiging tulala tuwing klase, sa pagiging tahimik tuwing kumakain kaming tatlo ng tatay niya.

I stared at the reflection of my vanity mirror on one afternoon of Wednesday. The looks my ash-gray eyes gave were now different. Nawala na ang pagiging mapagmataas. Napalitan na ng isang bagay na napakahirap sa aking matutunan dati: mapagkumbaba.

Nakarinig ako ng tatlong katok sa pintuan. "Ma'am?"

"Bukas 'yan." sabi ko.

Bumukas nga ang pinto 'tsaka nito niluwa si Manang Flor. "Pinapatawag niyo ho ako?"

"Yes. Pakisarado na lang ho ang pinto, manang." tango ko habang nakatingin mula rito sa repleksyon ng salamin.

Manang followed. Pagkatapos niya roon, lumapit siya at huminto sa gilid ko. Naroon pa rin ang distansya sa pagitan naming dalawa pero sapat para magkakitaan kami rito sa repleksyon ng salamin. Nakasalikop ang mga kulubot niyang kamay sa harap habang naghihintay sa akin.

I smiled. "Ilang taon ka nang naninilbihan rito, manang?"

"Mag-a-apat na dekada na ho," sagot ni manang na tila nagtataka ang tono.

I nodded. I knew she's been with this family for many years. Hindi ko lang talaga alam kung gaano nga katagal. Siya at si Mang Ben ang isa sa mga matagal nang nanilbihan sa mga Fuego.

"Bakit niyo ho natanong?" usisa kalaunan ni manang.

"Gusto kong malaman kung tama ba ang taong pagtatanungan ko. Ngayong alam ko na kung gaano mo na katagal kasama ang pamilyang 'to, may mga bagay lang sana akong gustong malaman, manang."

"Ma'am?"

Humarap ako ng upo. Tumitig ako sa mga mata niya at diretsahang itinanong ang isang bagay na gusto kong makumpirma mula nu'ng araw na iyon.

"Manang.. ampon ba ako?"

Namilog ang mga mata niya.

"M-ma'am, hindi ko ho makuha a-reng t-tanong niyo," sabi niya.

"Hindi ba ko anak nila Papa?" tanong ko uli na ngayon mas malinaw ang tanong kaysa una.

"Ma'am Rhiannon."

"Sabihin mo 'yung totoo, manang; kasi alam ko na. Gusto ko lang makumpirma sa iba."

"S-san niyo po ba ireng nalaman?" tanong pa rin ni manang.

"Hindi na importante. Huwag ka ring matakot na ilalaglag kita pag sinagot mo ko, manang. Gusto ko lang malaman ang totoo. Tama bang ampon ako?"

Natahimik si manang. Nangangamba ang tinging binibigay sa akin hanggang sa napatango rin siya kalaunan.

"T-totoo ho."

Napalunok ako. Naramdaman ko ang pamimilipit ng puso kasi aminin ko man o hindi, naroon pa rin ang hiling na sana nga mali lang ang lahat. Ngunit hindi. I really am adopted.

"Paano?" tanong ko sumunod.

Manang was doubtful and also afraid. Siguro dahil isa itong sikreto na 'di ko dapat matuklasan kaso ganu'n nga ang nangyari. But she had no choice. Manang had nothing to do but confess everything to me.

"Isa ho ako sa mga tauhan ng pamilyang 'to na isinama nila nang makabili ng malaking lupain. Iba pa i-reng ciudad dati. Mahirap pa. Magulo din. Hindi pa mga Fuego a-reng namumuno rito ngunit unti-unti nang bumubuo ng pangalan iyong lolo-lolohan niyo, hanggang sa tumakbo nga siya sa sumunod na eleksyon at nanalo laban sa pamilyang matagal nang nanungkulan rito. Iyon po ang simula ng pamumuno nila; niyo."

"Maayos naman a-reng lahat. Nang matapos ang termino ng lolo niyo, sumunod namang tumakbo ang panganay niya."

"Hindi ba't di naman natapos ni Tito Jovan ang termino niya?" Hindi ko na binanggit kung bakit, pero parang alam rin naman ni manang.

"Tama, ma'am. Nangyari sa iisang araw ang trahedyang iyon sa mga Fuego. Papunta na sana sa city hall a-reng tiyo niyo nang harangan raw a-reng kotse niya ng mga armadong sasakyan. Tumawag sa mansyon a-reng mga pulis para ibalitang isinugod nga iyong tiyuhin niyo sa hospital ngunit dineklara na ring patay."

"Sa parehong araw rin nang isilang ni ma'am si Sir Joaquin sa isang hospital, kaso naging abala ang buong pamilya sa biglaang sinapit na trahedya ng dating mayor. Pagkatapos malaman ng lolo niyo iyong nangyari sa panganay niya, sumunod naman naming nabalitaan na nawawala nga iyong anak ng bunso niya; may kumuha kay Sir Joaquin ilang oras lamang pagkatapos mahiwalay sa mga magulang niya."

I didn't know that. Hindi nabanggit ni Papa sa akin ang ganu'n maliban sa nangyaring pag-assassinate sa tito ko noong naging mayor ito. I became doubtful of manang's stories. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko siya pero 'di ko rin maitangging tumutugma ang kuwento niya sa mga narinig ko kay Papa nu'ng isang gabi.

Joaquin. I remember hearing that name back then. Joaquin ba ang totoong pangalan ni Gino?

"Iyon ba ang dahilan kaya nag-ampon sina Papa?"

Umiling naman si manang. "Hindi ho, ma'am. Ni minsan 'di sumagi sa isip ng mag-asawa na mag-ampon ng bata kasi umaasa pa rin silang mahahanap si Sir Joaquin. Ngunit kahit ano hong sipag ng mga pulisya naging bigo sina mayor, hanggang makalipas ng mahigit isang taon nang makita ko ho kayo, ma'am."

Napatitig ako sa kaniya. Nagpatuloy naman si manang.

"Nagtatapon ako nu'n ng basura nang makarinig ako ng iyak ng bata. Nang lingunin ko nga a-re, naabutan kong maingat kang nilapag ng isang babae sa harap ng entrada."

"Sanggol pa kayo nu'n at parang ilang araw pa lamang na kapapanganak, kaya binuhat ko agad kayo bago ko tawagin a-reng babaeng papalayo na. Ngunit sa halip na kunin ka niya uli sa akin, isang malungkot na ngiti lang ang pinakita niya. Umalis siya maski ilang uli kong sinisigaw na 'wag ka ngang iwan."

"Hindi ko ho alam dati kung sino iyon, pero ngayon napagtanto ko nang nanay mo iyon, ma'am. Ganiyan halos a-reng itsurang nakita ko noon. Napakagandang babae; mestiza."

Bumaling ako sa salamin. Bumungad sa repleksyon ang mga katangian ko na lalo lamang pinaganda ng hormone therapy. Naalala ko noon nang tanungin nga ako ni doctora kung may lahi ba kaming espanyol kaso hindi ko naman ito nasagot.

Humarap na uli ako sa matanda. "Si Gino ba ang nawawalang anak nila, manang?"

Tumango si manang.

"Tingin ko, ma'am. Gaya nga ho ng sabi ko matagal na akong naninilbihan sa pamilyang ito. Saksi ako sa paglaki ng mga anak ng lolo niyo. Unang tapak pa lang ng binata sa mansyon nu'ng araw na iyon at alam ko nang siya na 'yung bata. Kung ano ang itsura ni Sir Gino ngayon, ganu'n na ganu'n itsura ni mayor noong binata."

I agreed. Their similarities were distinct. I was just that stupid to not notice it then because I took my time on hating Gino. Pag nakikita ko kasi siya noon, may nag-uudyok sa loob ko ang mainis. Siguro dahil nakikita ko sa kaniya si Papa na parati akong pinipigilan sa mga gusto ko. Si Gino ang napagbubuntungan ko ng inis na gawa ng tatay niya.

"Sinong may alam nito? Sino pang may alam na ampon ako?" tanong ko na naman.

Nanahimik si manang. Nag-alinlangan bigla ang pagbuka ng bibig niya. "Ma'am."

"Manang."

"M-ma'am, t-tama na po siguro ang mga tanong—"

"Please, manang. Huli na 'to. Hindi na ko magtatanong pagkatapos," sabat ko.

"Ma'am, utos ho kasi samin ito ni mayor noon, pakiusap. Magagalit po siya sa amin pag nalaman niyang alam mo."

"Magagalit talaga siya sa inyo pag gumawa ako ng kasinungalingan pag hindi mo sasabihin sa akin. Pupunta ako sa kaniya at sasabihin kong kinuwento mo sakin lahat. Choose: you will tell me or I will go ask him. Sino pa, manang?"

Nakonsensiya ako nang masipat ang takot sa mga mata niya! I've done it again. Nangako na ko sa sariling magpapakabuti na pero nananakot na naman ako ng ibang tao!

"Lahat po kami. Lahat po kaming nandito sa mansyon," sagot ni manang.

Nabingi ako sa sagot niya. Natahimik lang sa kinauupuan at nanatiling nakatitig sa kaniya. Nalaglag ang puso ko sa nalaman.

"Ma'am, huwag niyo hong sabihin kay mayor ito, pakiusap. Isa ho iyon sa mga utos niya sa amin mula nu'ng kupkupin ka nila. Huwag nga raw ipaalam sayo ang bagay na ito. Mabait ho sila mayor samin kaya 'di naman po kami nahirapang sundin ang pakiusap niya. Maski.. maski maldita ka."

That was the point. Napakasama ng trato ko sa kanila. Nag-astang prinsesa ako sa mga nakapaligid sa akin; sa mga taong nakakaalam pala ng totoo maliban sa akin. Nangilid ang mga maiinit na luha sa sulok ng mga mata ko lalo na nang maisip kung ano kayang tumatakbo sa isipan nila tuwing nagsusungit ako. Nagtatawanan siguro sila pag nakatalikod ako. I am so sure.

"S-sige na po, manang. P-puede.. puede ka nang umalis. Hindi ko sasabihin ito," sabi kong nakakuyom ang mga kamao para pigilan ang sarili sa paghikbi.

Huwag muna. Huwag muna, Rhiannon.

"Maraming salamat ho, ma'am. Pasensiya na rin ho," paalam naman ni manang bago siya lumisan sa silid ko, at nang marinig ko na ang pagsarado ng pintuan nang dahan-dahang manlambot ang katawan ko.

The silence of my room were then replaced by my hard cries. Humagulhol ako habang nakasubsob ang mukha sa mga nakatiklop na kamay. These were all consequences of my actions for being such a brat. Hindi ko itatanggi iyon pero nasaktan pa rin ako ng lubos. I feel like my whole world is crumbling into pieces. Hindi ko alam kung gusto lang ba akong turuan ng mundo pero isa lamang ang masasabi ko.

Natuto ako sa pinakamasakit na paraan.

Sunday came. Umaga nga nang iwan ako ng dalawa para pumunta roon sa blessing ng country club. Si Gino kahit paalis na sila nakailang ulit pa ng tanong sa akin kung sasama ba ako. Lahat iyon inilingan ko. Sinadya ko ring huwag nang sumama nang magkaroon naman sila ng oras mag-ama. The past days made me realize something that instead of being sad, I should learn to be grateful.

Siguro nga iniwan ako ng nanay ko nang 'di man lang sinasabi ang dahilan, pero nagpapasalamat pa rin ako kasi namili siya ng pamilyang mag-aalaga sa akin ng maayos. Kung tutuusin, kung ayaw niya talaga sa akin, puwede naman niya akong ipalaglag; ngunit hindi. Siguro nga ampon ako pero hindi naman nagkulang ng pagmamahal ang mga kumupkop sa akin. Maski magaspang ang ugali ko. Ni minsan, hindi ako nakarinig ng panunumbat sa kanila na utang na loob ko sa kanila ang buhay ko; sa halip tinuring pa nila ako na parang totoong anak.

People might say I should rebel. Si Papa ganoon rin ang nasa isip kaya siguro natatakot siyang ipaalam sa akin. While that might be possible for someone like me, I feel like doing rebellious stuff is old school to me now. Noon pa akong gumagawa ng mga kalokohan at kung gawin ko man ito ngayon 'di ko na makita ang saysay nu'n. I was only doing rebellious stuff because I craved for the attention of my father. Hindi ko alam noon kung ba't ang layo ng loob niya sa akin kaya gumagawa ako ng mga ka-sutil-an para lamang mapansin niya, at ngayon ngang alam ko na ang totoo parang naging kuntento na ako sa kung anong mayroon sa aming mag-ama. Well, atleast he gave me his blessing to undergo hormone replacement therapy. Hindi ba't iyon naman ang isa sa pinakahinihiling ko sa kaniya?

I sounded so different there! Nasaan ang dating ako?

Bumuga ako ng hangin. Tumingala ako sa kahel na kalangitan habang marahan na dinuduyan ang sarili. Pumunta ako sa playground ng village at ngayon nga nakaupo ako sa isa sa mga pambatang duyan. Hindi pa ako umuuwi mula kaninang hapon. Hindi ko rin alam kung nakauwi na ba sila Gino pero ayokong maabutan nilang nasa bahay ako. Tumambay na nga lang ako rito at baka mabisto lang nilang nagsisinungaling ako pag tanungin ang mga katulong kung umalis ba talaga ako kanina.

Marami pang batang naglalaro rito kanina pero ngayon nga nag-iisa na lang ako. Gabi na kasi at baka hinahanap na sila ng mga kani-kanilang magulang. Naroon naman ang basketball court sa malayo at puno pa ng mga naglalarong binata. Naririnig ko mula rito ang paminsan-minsan nilang sigaw at pagtakbo papunta sa court ng kani-kanilang kalaban.

Siguro iyon ang court na laging pinaglalaruan nila Gino.

Sumindi kalaunan ang mga ilaw ng bawat poste hudyat na kumagat na nga ang dilim. Tumahimik na lalo ang paligid. Isa-isa na rin kasing nag-uuwian ang mga kalalakihang naglalaro ng bola sa court kanina. Bumaling uli ako sa kalangitan at napansing mas mabilis itong dumilim kumpara sa karaniwan. I was supposed to get up from my spot when suddenly I saw a familiar guy walking towards me. He came from the street leading to the direction of our mansion.

Nakasuot siya ng puting polo t-shirt na kahit nasa malayo ako alam kong mamahalin. Nakapamulsa ang mga kamay niya sa magkabilang bulsa ng pantalon na tama lang ang hapit sa mahahabang binti. Naroon sa kanang palapulsuhan ang magandang klase ng relo na regalo sa kaniya ng ama.

Nakatingin siya sa akin at maski naglalakad siya sa may kadilimang parte ng kalsada, nababatid kong nakatitig ang mga mala-uling niyang mata sa akin. Napaka-angas talaga ng tindig niya. Nag-iba man ang pananamit niya pero nakita ko pa rin ang morenong binata na una kong nakilala. Naging mahaba na kaunti ang buhok niya at lalong gwumapo nang naayusan na ang dating semi-kalbo na buhok. Nangarera ang puso ko. Nalaman ko man ang totoo, nagbago man ang pag-iisip ko, nag-iba man ang ikot ng mundo ko, pero hindi ang nararamdaman ko para sa kaniya.

"Gino," tawag ko sa kaniya nang makalapit siya ng tuluyan.

Isang mabilisang tingin sa paligid at isang matagal na titig sa akin bago ko narinig ang baritonong boses niya.

"Bakit ka nandito ng walang kasama? Delikado sa anak ng politiko ang mag-isa," sabi niya.

Napatitig ako sa kaniya nang marinig ko iyon. Napaisip tuloy ako. Si Gino kaya alam ang totoo?

"Paano mo nalamang nandito ako?" tanong ko na lamang.

Bumaling siya sa direksyon ng village court at tumango. Tumingin rin ako roon at naabutan ko nga ang ilang binata na kumakaway sa kaniya bago maglakad papalayo.

"Nakatambay ka raw rito kanina pang hapon. Natututo ka na pa lang tumambay. Naturuan ka ba ng sinong hindi ko kilala, hm?" pagbiro niya ngunit may bahid rin ng pagkaseryoso.

Natawa naman ako ng mahina. "Sira, ngayon lang ako nagtagal dito. I just don't feel like going home early."

"Baliktad tayo—ako kanina ko pa gustong umuwi."

"Hindi ba masaya?"

"Hindi."

"Bakit?"

"Wala du'n 'yung nakapagpapasaya sakin." sabi lamang niya bago ilipat ang tingin sa kinatatarikan ng slide.

I blinked. Bago pa man ako makakuha ng pagkakataon na tanungin siya sa sagot nang maglakad siya sa bakanteng duyan na nasa kaliwa ko at naupo roon. Hindi gaya ko na naititingkayad pa ang mga paa, nakasayad na talaga ang mga paa niya sa berdeng damuhan, marahil sa mahahabang binti niya. Gino's body was slightly forwarded as his two enclosed arms rested on his legs.

Bumalot ang katahimikan sa amin nang mga sandaling iyon. Minsan, gumagawa ng langitngit ang nangangalawang na bakal sa mabagal kong pagduyan. Umaayon ang ritmo ng puso ko sa bawat tunog ng nalilikha nito. Tumatambol ang puso ko sa katotohanang magkalapit kaming dalawa. Humahalik minsan ang pabango niya sa pang-amoy ko sa tuwing umiihip ang banayad na hangin.

I thought we were gonna spend the rest of our time here in silence. Not until Gino broke it.

"May problema ba?"

It wasn't a question, but more of a confirmation. Bumaling ako sa kaniya na bahagyang kinabahan. He was staring into the slightly dark view of our front.

"H-ha?"

"Tahimik mo nitong mga nakaraan. Lagi kitang pinagmamasdan. Buong linggo kitang 'di nakitang ngumiti," sabi niya bago itinuon ang mga mala-uling na mata sa akin.

I wanted to look at him as I answer, ngunit nanguna ang hiya sa sistema ko. I felt myself blushing from his stare, kaya ako naman ang bumaling sa madilim na tanawin sa harapan.

"Gosh, Gino. Bawal nang sumimangot?"

"Hindi ako sanay na ganu'n ka, eh. Hindi ka nga rin nagtataray." sabi niya na parang nangsusuyo ang baritonong boses sa tuwing tinatangay ng hangin.

"Gusto mo lagi akong nagtataray?" tanong ko habang nakatingin pa rin sa harap namin.

"Basta sakin lang."

Napatiim ako ng labi. Nagliparan ang mga paru-paro ko sa tiyan nang marinig ang sagot ni Gino.

Natawa akong ninerbyos. "Nasisiraan ka na yata, Gino."

"Oo, sayo." sagot niya na tila pabulong ang boses, ngunit napakatahimik nga kaya narinig ko pa rin.

Napahawak ako ng mabuti sa mga kadena. Nahirapan akong iduyan ang sarili nang tila nanglalambot ang mga tuhod ko sa mga naririnig ko sa kaniya.

I sighed. Our conversation's getting colorful to me on his every answer. I might catch the wrong idea so I chose to divert our talk.

"Sorry sa mga nagawa ko noon, Gino."

Hindi siya sumagot pero nakita ko sa sulok ng paningin kong napatingin siya sa akin. Gusto ko ring ganoon at baka mamaya maunahan ako ng emosyon kung sabayan niya pa ako.

"Sorry sa mga nasabi ko sayo dati. Sorry sa mga pagmamaldita ko. Sorry sa paninigaw. S-sorry."

The silence enveloped us once more. Buong akala ko mas madali sa akin ang tahimik lamang siya, pero mas mahirap pala at mas mabilis akong kinain ng emosyon ko.

"S-sorry kasi sinabihan kita dating mahirap kahit 'di ko alam kung anong klaseng buhay ang p-pinagdaanan mo. Life in the slums must have been difficult. Hindi ko man naranasan pero nakita ko sayo kahit papaano. S-sorry kasi hinusgahan kita kahit hindi pa kita lubusang kilala. I've said so many hurtful words without even contemplating my actions. Sorry. Sorry talaga, Gino."

Huminga ako ng malalim. Napakamaling desisyon nu'n dahil mas mabilis na namuo ang luha sa mga mata ko. Bumaling ako sa kaniya na bahagyang malabo ang paningin bunga ng mga nakaambang na luha. Nakatingin siya sa akin at maski naiiyak na pinilit ko pa ring ngumiti.

"I know." sabi ko kay Gino.

Nangunot ang noo niya. Nakita ko iyon sa tulong ng ilaw ng poste na malapit sa aming dalawa.

"I know.. a-ampon ako.. at i-ikaw iyong anak.. nila."

Nagulat ang mga mala-uling niyang mata at naawang ng kaunti ang bibig. Nasabi na sa akin noon ni manang kung sino-sino ang mga nakakaalam ng katotohanang ito. Nabanggit niya namang silang lahat pero naroon pa rin sa isip na sana hindi kabilang si Gino. But his expression was such a giveaway that it made my tears fall down like a river.

Umalis siya sa inuupuang duyan at lumipat sa harapan ko. Tumalungko siya bago masugid na sinuri ng tingin ang mukha ko. Nakaangat ang tingin niya sa akin habang ako naman nakaibaba sa kaniya. Gino can clearly see my eyes watering like a bitch.

"Sinong nagsabi sayo?" tanong niya sa halo-halong ekspresyon: gulat, lungkot, awa, galit.

"Bakit hindi mo sinabi sakin?" tanong ko rin sa kaniya.

"Rhian."

"Weren't we partners? Sabi mo magkakampi tayo," habang patuloy na umaagos ang luha ko.

Tumiim ang labi niya at umigting ang panga. Huminga muna siya ng malalim at bumuga. Bumalik ang paningin niya sa akin. Bumungad ang ngayong maaamo niyang mga mata.

He carefully get my hands that was holding on the chains of this cradle. Pinuwesto niya iyon sa mga binti ko at ikinulong niya iyon sa mga magagaspang niyang palad. Gino then pressed my hands in a gentle manner.

"Hindi ko talaga piniling sabihin sayo iyon," sa nang-aalo niyang tono.

"So you really knew?"

Tumango siyang tila may pag-alinlangan pa. "From the very start."

Umiling ako. Gusto kong bawiin ang mga kamay kong nakakulong sa kaniya ngunit pinipigilan iyon ni Gino. Bakit niya naitago sa akin ang bagay na iyon?

"Rhiannon, makinig ka muna." sa mga beses na pumipiglas ako, ngunit 'di ako nakinig sa kaniya.

Umiling uli ako. "I shouldn't have trusted you! Napaniwala mo kong kakampi kita pero katulad ka lang din pala nila! Bakit 'di mo sinabi sakin?"

"Rhian," sabi ni Gino na parang nasaktan sa nasabi ko.

Nasaktan rin naman ako! Paano ko siya pagkakatiwalaan ngayong alam ko nang nakukuha niyang magsikreto sakin?

"Rhian—"

"Let go!"

Hindi ko alam kung sumunod siya pero nagawa ko ngang makatakas sa hawak niya. Umalis agad ako sa kinauupuan pero mabilis ring naabot ni Gino ang kaliwa kong palapulsuhan.

"Rhian, please—" sabi niya pero sumabat agad ako nang harapin siya.

"Si Papa maiintindihan ko pa kung ba't niya naisikreto sakin! Pero ikaw hindi eh! I can't find any reasons for you to hold it against me!"

"Makinig ka nga kasi sakin—" sabi niya sana uli pero hindi ko hinayaan.

"Hindi ba't galit ka naman din sakin noon? Hindi ba't pinaiyak mo na ko dati higit pa sa isang beses? That truth was supposed to be the perfect opportunity for you to destroy me! Kaya hindi ko maintindihan kung anong rason mo kaya itinago—"

Hindi ko na natapos ang pag-alburoto ko. Isang mahinang mura ang tumakas sa bibig niya bago niya ako tingnan ng bigo. Gino pulled me. Bago pa man ako makaimik nang hawakan niya naman ang likuran ng leeg ko upang ilapit lalo sa kaniya. Before I even knew it, our lips touched.

Gino kissed me.

His kiss was somehow rough but somehow tender. Mad but passionate. Gentle yet persistent. Nagulat ako sa nangyari at nagpatianod lang sa pag-angkin ng labi niya. Hindi ako makagalaw dahil sa biglaan niyang paghila sa akin kanina. Nakalapat lang ang mga palad ko sa harapan ng matikas na dibdib niya, at lalo lang naging imposible ang kumilos nang ipulupot niya naman ang isang kamay sa mababang parte ng aking likuran.

It was as if my lips got a mind of its own! O baka dahil lang sa mapusok na pagkilos ng mga labi ni Gino kaya napipilitan akong kumilos para makahinga ng maayos? I slowly shut my eyes as if his kiss was slowly draining my energy!

Minuto niya lang akong hinalikan pero pakiramdam ko mas matagal pa roon. Dumilat ako nang maramdaman ko ngang humiwalay na ang labi niya. Bumungad sa akin ang mga mala-uling niyang mata na kung makatingin sa akin tila nalasing ng alak.

"Mahal kasi kita," sabi ni Gino na kahit humahangos ang paghinga, pero nagawa niya pa ring isambit ng maayos.

Humahangos rin ang paghinga ko at bukod sa ginawa niyang paghalik, nadagdagan pa ng pangangarera ng puso ko. Sumuri ako ng tingin sa mga mata niya at nang makita na sinsero ang mga iyon, lalo akong kinabahan.

"S-sinungaling."

"Mahal kita," ulit niya.

"S-sinungaling ka," iling ko.

"Mahal nga kita. Kaya kahit alam kong mali ang itago sayo iyon pinili ko. Mahal kita at ayokong masaktan ka pag nalaman mo ang totoo. Mahal kita at mas gugustuhin kong ibigay 'yang mundo ko sayo. Mahal nga kasi kita."

Hindi na ko nakaimik o naka-iling man lamang sa kaniya. Nanubig na naman ang mga mata ko sa deklarasyon niya at napatambol ng lubos ang nasa dibdib ko!

"Tang¡na, kung alam mo lang kung gaano ako nagseselos sa mga mayayamang lalaking nagpaparamdam sayo, lalo na iyong gagöng intsik na iyon. Gusto kong sabihin sayong ganu'n din naman ako. Higit pa. Hindi lang ako nagpapadala sa damdamin ko kasi ayoko ngang malaman mo ang totoo. Maski alam kong malabo kang magkagusto sa kung ano ako nakuntento na ako roon. Basta masaya ka. Basta masaya ang prinsesa ko."

Hindi ba ako nananaginip lang? Hindi ba ako namamali lang ng naririnig? Gino was confessing his love for me, to me!

Nawala ang pakiramdam ng magaspang niyang palad sa likuran ng leeg ko. Napunta iyon sa kaliwa kong pisngi nang marahan niyang haplusin ito. Then, he continued.

"Malabo mang magkagusto ka sa gaya ko pero wala na kong pakialam. Pagod na kong magkimkim ng nararamdaman ko, Rhiannon. Mahal kita."

Marahan niyang pinunasan ang mga luha sa pisngi ko. Pumikit pa ko ng sandali para damhin ang haplos ni Gino. Matipid siyang ngumiti nang muling magsalubong ang mga mata naming dalawa.

"Puede ba kitang ligawan?" sabi niya pagkatapos na para bang hinihintay lamang ang pagdilat ko.

Warm tears once again formed on the sides of my eyes, ngunit ngayon hindi na sa lungkot na naramdaman gaya kanina. I was loving this annoying guy secretly, at ang malaman kong iisa lang pala kami ng nararamdaman ang nagpakalma sa nagrerebelde kong puso.

"Bakit ba ang dami mong hindi sinasabi sakin?" sabi ko sa kaniyang nangingiti at nangingiyak.

Gino laughed roughly. "Mahal nga kasi kita."

Iyon ang mga salitang sinabi niya sa akin bago niya marahang hinawakan ang baba ko upang itapat ng maayos sa kaniya. Gino then kissed me once again on the darkness of this playground. Tahimik ang buong kapaligiran at wala akong ibang narinig kundi ang malakas na pintig ng aking puso na paulit-ulit na sinisigaw ang pangalan niya.

Continue Reading

You'll Also Like

6.9M 139K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
44.7K 3K 48
Bound to marry a stranger, a young and elite Celaine de Leoz went on a vacation in the Philippines before she meets her fiancé. Hiding her identity...
29.2K 804 47
Having a family is great, but only when you are ready emotionally, physically and financially. Every teenager wants to enjoy their life before getti...
594K 41.2K 9
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...