Babysitting the Billionaire

By JFstories

47.8M 1.3M 485K

Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to unders... More

Prologue
TERRENCE MONTEMAYOR SAAVEDRA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 26
Kabanata 27
END OF BOOK 1
Terrence Montemayor-Saavedra
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Epilogue
BLACK OMEGA SOCIETY
Just wanna share these :)
Q

Kabanata 25

614K 19.3K 3.6K
By JFstories

Restored copy/deleted comments/Let's make new memories :)

Kabanata 25

TERRENCE MONTEMAYOR-SAAVEDRA?


Ang tunay na pangalan ni Jumbo ay Terrence Montemayor-Saavedra?


Ibig sabihin, isa siyang Montemayor? Ibig sabihin, mayaman siya? Ibig sabihing kahit kailan hindi ako babagay sa kanya.



"Noong una ko siyang makita, pamilyar na ang mukha niya sa akin. Pero 'di ko akalain na siya nga iyon." Napako ang paningin ni Medie sa aking kamay. "Rosenda, siya si Terrence Montemayor Saavedra. At..." bahagya siyang natigilan. "Kapatid siya ng dati kong boss na si Leo Montemayor-Saavedra."



Biglang namanhid ang aking katawan. Kahit paos ang aking boses ay pinilit kong magsalita. "A-ano pong nangyari sa kanya? B-bakit po siya pagala-gala sa kalye? B-bakit po siya wala sa tamang pag-iisip?"



Dumako ang tingin niya sa iba pero nananatili pa ring nakahawak sa akin ang nanlalamig niyang mga kamay. "Dalawang taon na mula ngayon, Rosenda." Hindi niya sinagot ang tanong ko. "Dalawang taon na mula ngayon nang ma-comatose ang nakakatanda niyang kapatid dahil sa isang aksidente."



Napalunok ako.

 

Mga Montemayor. Mga Saavedra. Dalawang angkan na naging isa, pero parehong mga kilala sa lipunan dahil sa yaman ng pamilya nila. Bakit hindi ko man lang nalaman? Bakit hindi man lang ako nakahalata na isang bilyonaryo pala ang aking inaalagaan?


Bumuntong-hininga si Aling Merdie. "Kasabay ng pagkaka-comatose ng kuya niya na si Sir Leo ay ang pagkakaospital din ng daddy nila. Siguro hindi niya kinaya ang problema..."


Naglandas na ang aking mga luha. "Pero b-bakit ngayon lang po siya hinahanap ng pamilya niya? B-bakit ngayon..." bakit ngayon lang kung kailan mahal ko na si Jumbo?


Bumitaw siya sa akin at tumayo. Tinalikuran niya ako. Nagsalita siyang muli subalit nananatili ang kanyang mga mata sa kawalan. "May alam akong makakasagot sa iba mo pang mga tanong." Pagkasabi'y nilingon niya ako.



"S-sino ho?" lumiit ang tinig ko.


"Ang mommy niya. Si Madam Aria Montemayor-Saavedra."


***

"ARIA MONTEMAYOR-SAAVEDRA!" sigaw ni Maxine sa akin kasabay ng pamimilog ng kanyang mga mata.


Napabaling siya kay Jumbo na mahimbing nang natutulog sa sofa.


"Anak siya ni Aria Montemayor Saavedra?!" tanong niyang muli na tulad ko rin na hanggang ngayon ay hindi makapaniwala.



"Paano mo nakilala ang mommy niya?" ako naman ang nagtanong sa kanya. Naupo ako sa gilid ng sofa para haplusin ang mukha ni Jumbo. Ngayon pa lang kasi ay nasasaktan na ako sa isiping hindi ako bagay sa kanya.



"Oo nga pala, wala kayong TV." Natapik ni Maxine ang sariling noo.


Bihira lang naman kasi ang TV sa lugar namin. Saka kahit noong hindi pa sira ang TV namin, hindi rin kami palanood.


"Sabagay, hindi naman artista ang mommy ni Jumbo, pero kahit paano ay kilala naman iyon. Mayaman iyon at maraming negosyo. Saka, sa kanila iyong Montemayor Cruise. Sa banner, nandon siya. Throwback picture niya nga lang nong kapitan pa siya ng barko nila."


Napatungo ako.


"Pero lately, panay ang labas ni Aria sa Tv. Kahit sa radio, maririnig siya. Humihingi siya ng tulong dahil nga sa nawawala ang second son niya na si Terrence Montemayor-Saavedra. Pero hindi ko naman akalaing si Jumbo pala ang tinutukoy na nawawalang Montemayor. Mukha lang kasi iyong pinakita nilang picture at hindi abs."



Again? Hay!



Pihadong pinaghahahanap na ngayon si Jumbo ng mga awtoridad. Kinakabahan ako. Kilalang-kilala pa naman siya ngayon sa amin bilang isang bayani.

 

"Sabi sa balita, natagpuan daw ang kotse ni Terrence sa isang bangin sa kahabaan ng daan patungo dito sa Cebu. Tinataya ring may dalawa hanggang tatlong buwan na ang sasakyang ito na nakatambak doon." Pagpapatuloy ni Maxine. "Posible rin na lately lang nila nadiskubreng nawawala itong si Fafa natin."


'Natin' talaga?


Humakbang ako papalapit patungo sa sofa na hinihigaan ni Jumbo.


Narito kami ngayon kila Maxine at dito muna pansamantalang tumuloy. Nag-panic kasi ako nang ibalita sa akin ni Merdie ang lahat kaya dito kami pansamantalang napatakbo. Ibinilin sa akin ni Merdie na tawagan ko si Aria Montemayor-Saavedra matapos niya akong bigyan ng calling card nito. Ito raw kasi ang makakasagot sa aking mga katanungan.



Pero kapag ginawa ko iyon, game over. Malalaman ng mga Montemayor-Saavedra na nasa akin ang nawawala nilang kamag-anak. Paniguradong kukunin nila sa akin si Jumbo at iyon ang ikinakatakot ko.



"So, ano nang plano mo ngayon?" untag sa akin ni Maxine mula sa aking likuran.



Hinagkan ko ang noo ni Jumbo na katabi ko bago ako napahugot nang malalim na paghinga. "Hindi ko rin alam, Maxine. Ayoko siyang mawala sa akin."



"Hindi mo siya maitatago, Rosenda. You're babysitting a billionaire at hindi ordinaryong abnormal lang na tambay. Anytime soon ay mawawala rin siya sa'yo kahit anong gawin mo."



"Alam ko." Maingat ko naman ngayong hinawakan ang kamay ni Jumbo. "Pero paano ang pangako ko sa kanya? Nangako kami sa isa't isa..."



"Pang-teleserye itey!" napapalakpak siya. "Ang title nito: Rosenda, Ang Alamat ng Maharot. Taray!"



Masisiko ko na ito sa ngala-ngala, eh.



Hindi ko na lang siya pinansin. Iniangat ko ang isang kamay ni Jumbo upang hagkan ito.



Narinig kong napasinghot si Maxine habang pinagmamasdan niya kami. "Ano ba naman, Rosenda... naiiyak tuloy ako." humarap siya sa akin habang nagpupunas ng luha. "Weak up, girl!"



Baka wake up?


"You. Are. Babysitting. The. Billionaire. Gets?"



Hindi ko siya pinansin dahil abala ang aking mga labi sa kamay ni Jumbo.



"Billionaire means makapangyarihan, mapera, galante..." habang sinasabi niya ito ay para siyang hibang na nakatinglang nangangarap. "...guwapo, macho at may abs."



Damn those abs!



"Wala kang magagawang laban sa kanila. Baka makasuhan ka pa ng kidnapping. Kaya kung ako sa'yo, bago ka mapahamak ay ibalik mo na siya sa pamilya niya. Besides, hindi mo naman siya totally isasauli, Rosenda. Ibabalik mo siya sa kanila para maipagamot. At kapag gumaling na siya–"



"At kapag gumaling na siya ay makakalimutan na niya ako." Hindi ko na siya pinatapos. "At kapag gumaling na siya, makakahanap na siya ng iba na mas higit sa akin."



Nalukot ang mukha ni Maxine. "Hindi pa naman tayo sigurado na ganoon nga ang mangyayari."



"Hindi ko alam, Maxine." Napaluha na ako. "Hindi ko alam ang gagawin ko."



"Hay, 'lika nga." Agad niya akong niyakap at inalo. "Pag-isipan mo itong mabuti."



"M-Maxine, may sumpaan kami. H-hindi ko kayang sirain iyon dahil alam ko... alam kong mahal niya rin ako..." napahagulhol na ako.



"Shhh... I know. Dito lang ako sa tabi mo kung ano man ang maging desisyon mo, huh?"



Lalo akong napasiksik sa kanyang dibdib. "Nakapagdesisyon na ko... hindi ko na kailangang pag-isipan."



Kumalas siya sa akin.

 

Mataman kong tinitigan ang gwapong mukha ni Jumbo na ngayon ay malalim ang paghinga. "Itatago ko siya, Maxine. Bahala na kung ano ang kahihinatnan pero hinding-hindi ko siya iiwan."


Hindi ko siya kayang mawala sa akin. Siya ang kauna-unahang tao na nagparamdaman sa akin na may halaga ako. Na pwede rin akong mahalin. Siya lang din ang unang lalaking minahal ko nang ganito. Ngayon lang ako magiging selfish sa buong buhay ko dahil hindi ko talaga siya kayang mawala. Hindi ko kaya.



Napabuga ng hangin si Maxine sa sinabi ko.



Biglang tumunog ang aking cell phone. Nakita ko ang pangalan ni Mama sa screen nito kaya dali ko itong sinagot. "Ma?"



"Rosenda, si Ruby..." umiiyak siya sa kabilang linya.



"A-ano pong nangyari kay Ruby?" Bigla akong kinabahan dahil sa garalgal na boses ni Mama.



"Nasa ospital kami ngayon, Rosenda. May nangyari kasi kay Ruby..."



...



HABANG KAUSAP NI Mama ang doktor ni Ruby ay nakatulala ako sa sa isang tabi. Hindi ko na matandaan kung paano kami bumagsak rito sa private hospital. Tinanggihan kasi kami sa ilang mga public hospital na una na naming pinuntuhan gawa ng kulang ang mga ito sa kagamitan. Hindi naman siguro kami aabot sa ganitong pagamutan kung hindi seryoso ang sakit ni Ruby. Ang kaso, narito na nga kami ngayon sa isang lugar na rekomendado ng ospital na pinaggalingan namin.


Napapitlag ako nang lumapit sa akin si Mama. Tapos na silang mag-usap ni Dr. Sanchez. Lumuluha si Mama nang tingnan ko ang mukha niya. "M-may congenital heart disease si Ruby na nakuha niya pa noong ipinanganak ko siya. Malaki raw ang magiging epekto nito sa sanggol..."


Pumatak na rin ang mga luha ko. Ang alam ko lang ay hikain si Ruby kaya hindi masyadong inuutusan sa bahay, kaya prinsesa siya ituring nila Mama, pero hindi ko alam na ganito pala ang sakit niya.


Akala ko dati na ang congenital heart disease ay para lang sa mga sanggol na bagong panganak o ipapanganak palang. Maaari rin pala ang congenital heart disease sa mga adult. Lutang pa rin ako sa mga sinabi ni Dr. Sanchez, hindi pa rin ma-absorb ng utak ko ang lahat.


Bihira raw ang ganito, pero ayon sa talaan ay umaabot ng dalawampung libo pataas kada taon ang mga may edad na may congenital heart disease. Maaaring nakuha ng kapatid ko ang ganitong sakit noong ipinagdadalang-tao siya ni Mama, mga panahong salat kami sa pera pero naging palainom ang mama.


Kaya pala todo ang pagmamahal nila kay Ruby. Kaya pala iwas sa mga physical activities ang kapatid ko, na ultimo paglilinis ng bahay ay hindi nila ito hinahayaan. Hindi ko alam, wala akong alam. Paano ko malalaman gayong hindi kami naging close ni Ruby kailanman? Ang akala ko lang ay hikain siya, tamad siya sa mga gawaing bahay at prinsesa siyang ituring nina Mama. Sabi rin ng doktor ay minsan hindi nakikita ang mga sintomas, maliban sa pagsumpong ng hika, hindi pa malalaman kung hindi pa ito ipapa-test. Siguro akala rin nina Mama ay okay na si Ruby. Pero akala lang nila iyon, dahil heto at nadala ni Ruby hanggang sa pagda-dalaga ang sakit niya. Marami pang komplikasyon sa pagbubuntis niya at marami pa kaming kakaharaping problema.


"R-Rosenda, kailangan siyang ma-operahan agad..." Nagpunas si Mama ng luha habang humahagulhol.


Para na akong mababaliw sa mga nangyayari. Ngunit sa kabila noon ay nagkalakas pa rin ako para makapagsalita. "Gagawin natin ang lahat, Ma, para maging okay siya."



"P-pwede raw natin siyang dalhin sa Manila para makakuha ng public hospitals. Pero malayo ang Manila at kailangan pa nating bumyahe..."


"N-nasaan nga po pala ang nakabuntis kay Ruby?" Hindi ko pa nakikita ang lalaki. Dapat ay narito siya para samahan ang kapatid ko.



Malungkot na umiling si Mama. "Hindi ko alam, Rosenda. Pero siguro kaklase iyon ni Ruby. Siguro ay walang balak panagutan ang kapatid mo, kaya ayaw sabihin ni Ruby kung sino ang hinayupak na lalaki."


"Anong hindi papanagutan, Ma?!" Bigla ang ahon ng galit sa dibdib ko. "Anong klaseng lalaki iyon?! Bakit ayaw niyang panagutan ang kapatid ko?! Sila ang gumawa nito, bakit hindi siya magpakalalaki!"


"Wala tayong magagawa kung ayaw panagutan ang kapatid mo. Ganon naman talaga, sa huli, ang babae ang mas magdurusa. Maigi na rin na 'wag mapanagutan ang kapatid mo ng isang lalaking duwag."


"Pero, Ma..." Anong karapatan niyang buntisin ang kapatid ko? Nag-aaral pa ang kapatid ko, kung sino man ang lalaking iyon, sinira niya ang buhay ng kapatid ko! "Ma, hindi pwede iyong ganon. Ano siya sinuswerte? Nahihirapan ang mag-ina niya, 'tapos siya, nagpapakasaya lang?!"


"Ginawa ko na ang lahat para pigain si Ruby, pero hindi niya talaga pinapangalanan ang lalaking nakabuntis sa kanya. Siguro'y nasaktan nito ang kapatid mo."


Nakuyom ko ang aking kamao. Awang-awa ako kay Ruby. Bakit may mga ganoong klaseng lalaki? Marunong gumawa ng bata pero hindi marunong magpakaama? Magaling manligaw ng babae, pero kapag nagkakagipitan na ay nang-iiwan na sa ere? Nasaan ang pag-iisip don? Nasaan ang konsensiya?


"Rosenda, kailangan daw itong pirmahan..." May inaabot sa aking papel si Mama.


At mula sa aking nag-uulap na paningin ay nanlambot ako nang mabasa ko ang nakasulat sa papel na dapat pirmahan. Isa itong dokumento ng patient's confinement kung saan nakasaad din ang bill para sa unang isang linggo. Daang libo agad ang nakita kong numero.


Nanghihina akong tumayo sa aking kinauupan at iniabot kay Mama ang papel. "Magbabanyo lang po ako."



Kinuha naman niya iyon sa akin at tinanguan ako.



Sa tulong ng pader, nakapaglakad ako habang nakasandal dito ang aking mga palad. Nagsilbi ko itong aking hawakan upang makalakad ako patungo sa kung saanman ako makarating. Para kasing hindi ako makalakad nang maayos dahil sa mga sinabi ni Mama.



Mula sa aking kinatatayuan ay nakasabit sa di kalayuan ang isang TV. Nakita ko agad sa screen ang isang balita patungkol sa nawawalang Terrence Montemayor-Saavedra.

 
Si Jumbo!


Bahagya akong lumapit doon upang marinig ang sinasabi ng isang babae hinggil dito. At nang sapat na ang aking pwesto upang madinig ang salita nito, dito ko lang napag-alaman na si Aria Montemayor-Saavedra pala ang ini-interview na ito. Habang pinagmamasdan ko siya sa screen ay napahawak ako sa aking dibdib. Kitang-kita ko kasi ang kanyang paghihinagpis habang kinakausap niya ang mga tao sa camera.


"Kung sino man ang makapagtuturo sa akin kung nasaan ang aking anak na si Terrence ay maaari po lamang na ipagbigay alam agad sa kinauukulan." At kahit sa sopistikada at matapang ang kanyang mukha ay tila siya isang dukhang nagmamakaawa. Kasunod noon ang kanyang pag-iyak. "Please, everyone. I'm begging, please."


Napapikit ako matapos kong makita kung gaano siya kamiserable.

 

"His brother, Leo is still in coma, and his father, my husband, is at risk of having another heart attack. Hindi ko na po alam ang gagawin ko. Kaya kung nakita niyo po ang anak ko, pakiusap lang po na ipagbigay alam niyo po agad sa akin. Nagmamakaawa po ako sa inyo... as a mother." Napayuko na siya. "Handa po akong magbigay ng malaking pabuya... kahit magkano..." sabi niya pa sa gitna ng kanyang pagluha.



Hindi ko yata kakayanin kapag nawala sa akin si Ruby o maging ang kanyang nasa sinapupunan. Pero hindi ko naman alam kung paano ko siya maisasalba mula sa sakit niya. Wala akong kapangyarihan para iligtas siya. Pero may kakahayan akong magdesisyon na makakapagpabago ng buhay niya.


Ganito yata talaga ang panganay, palaging nakahandang isakripisyo ang sariling kaligayahan para sa mga nakababatang kapatid. Para sa pamilya, madalas ang panganay ang sa mga magulang ay pumapangalawa. Namalayan ko na lang na hawak ko na ang isang calling card, na ibinigay sa akin ni Merdie, mula sa aking bulsa.


JF

Continue Reading

You'll Also Like

83.5M 1M 56
Aragon Series #2 : What will happen if Mr. Maniac John Dale Aragon meets Ms. Pervert Natasha Feddiengfield ?
678K 8.9K 92
[Book 1] All of this started with an ACCIDENT! Jacob is a heartthrob, wealthy, popular, and good-looking man who only wants to be free of the girl hi...
45M 757K 69
│PUBLISHED│ Nothing hurts more than realizing he meant everything to you, but you meant nothing to him. MPMMN 2: Still In Love Original Story by...
615K 22.7K 70
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.