Volviendo Al Pueblo Hundido

By crsntmoon_

24.5K 1K 1.5K

Sa isang kahilingan na matagal nang nag laho dahil sa kapanahonan. Paano kung ang matagal mo nang hiling nung... More

Warning!!
VAPH NOTES
Ika-1
Ika-2
Ika-3
Ika-4
Ika-5
Ika-6
Ika-7
Ika-8
Ika-9
Ika-10
Ika-11
Ika-12
Ika-13
Ika-14
Ika-15
Ika-16
Ika-17
Ika-18
Ika-19
Ika-20
Ika-21
Ika-22
Ika-23
Ika-24
Ika-25
Ika-26
Ika-27
Ika-28
Ika-29
Ika-30
Ika-31
Ika-32
Ika-33
Ika-35
Ika-36
Ika-37
Ika-38
Ika-39
Ika-40
Ika-41
Ika-42
Ika-43
Ika-44
Ika-45
Ika-46
Ika-47
Ika-48

Ika-34

200 10 32
By crsntmoon_

"ANONG GINAGAWA mo dito?" Gulat na gulat na saad ko kay Carlo. Nag sign naman sya ng tumahimik. Napalabi naman ako sabay tango. "Ikaw dapat ang aking tatanungin nyan Señorita, Asuncion." Natatawang saad ni Carlo.

Napakamot naman ako sa ulo sabay tingin sa paligid. Ngayon alam ko na kung nasaan kami. Nandito kami sa basement ng simbahan at nag lilinis si Carlo.

Kamot ulo akong umopo sa upuan sa gilid. "Nag hahanap kasi ako ng banyo." Pag aamin ko kay Carlo. Nakangiti naman syang tumingin sa akin. "Kung ikaw ay nag hahanap lamang ng banyo, bakit may narinig akong pag basag?" Natatawang saad ni Carlo.

Nakagat naman ako sa ibaba kung labi. Bumontong hininga ako ng napaka lalim. "At may narinig akong dalawang taong nag uusap na ngayon ay hinahanap ako." Mahinang saad ko. Nakuyom ko pa ang aking kamao.

Narinig ko ang pag buntong hininga ni Carlo. Lumapit ito sa akin at tiningnan ang kamao kung naka kuyom. Nagulat ako nung bigla nyang hawakan ang kamay ko at tanggalin sa pag kakakuyom.

"Masama ang mag higanti Señorita." Nakangiting saad nito sa akin. Tinaasan ko sya ng kilay. "At bakit naman?" Mataray na saad ko kay Carlo sabay bawi ng aking kamay.

Ngumiti ng matamis si Carlo. "Pagkat wala naman itong patutunguhan kung wala kanamang kakampi." Mapait na saad ni Carlo. Napataas ang aking kilay.

"A-Anong sinasabi mo?" Takang saad ko kay Carlo. Ngumiti ito sa akin ng mapait. "Sabihin nalang natin Señorita na isa ako sa mga taong nag higanti na wala namang napala pagkat wala akong laban rito, kung kaya't ikaw ay aking papayuhan Señorita, huwag kang lalaban kung wala kanamang malakas na armas." Makahulugan na saad ni Carlo. Ngumiti ito sa dulo namay halong pait.

Tinitigan ko syang maigi. Hindi ko mabasa kung anong expresyon nya ngayon pagkat halo halo ang nakikita ko sa kanyang mukha. Sa aking palagay ay isa ding inabuso ang kanyang pamilya.

Sino naman kaya ang nang abuso sakanyang pamilya? Nakakasiguro ako na isa din sa matataas na antas sa lipunan ang nang abuso sakanyang pamilya.

At nakaka siguro ako na hindi lang nag kakalayo ang taong nag abuso sa parehas naming pamilya.

At may point din sya sa sinabi nya. Hindi pwedeng lumaban kung wala akong armas. Kailangan kung lumaban namay pag kakapitan. Ngunit saan ako lalapit?

Hindi ko alam kung sino ang kaaway ng aming pamilya. Hindi ko alam kung sino pa ang mga kasama nila Don Macario at Don Agustin. Kaya saan ako lalapit?

Saan ako pwedeng lumapit na hindi ako iiwan o isusuplong sa publiko? Saan ako pwedeng kumapit para maging malakas ang magiging tibay ng armas ko?

Bigla akong napahinto nang may dumaan na pangalan sa aking utak. Nakagat ko ang ibaba kung labi nang maalala ang sinabi nya sa akin.

"Lalapit kadin sa akin Iha para pakiusapan ako, lalapit kadin at ikaw mismo ang hihingi ng tulong ko."

Paano ako lalapit kung may kapalit ang gagawin kung pag hingi ng tulong rito? Nakakasiguro ako na kaya nya akong tulungan. Nakakasiguro din ako na hindi sya sangkot sa pag kawala at pag kasira ng aming pamilya.

Ngunit paano ako makakahinga ng tulong kung alam ko ang kapalit nun? Makakaya ko bang ipag palit ang kasiyahan ko para sa pamilya ko? Parehas silang buhay ko ngunit mas kailangan ako nang pamilya ko ngayon.

Mas kailangan ako ng pamilya ko kisa nya. Mas kailangan ako ni Ama ngayon kaya sana huwag syang mag dadamdam kung hindi ko sya pipiliin ngayon. Kaya sana hindi sya magalit sa akin kung ang pipiliin ko muna ang pamilya ko kisa sakanya.

Mukhang hindi talaga kami para sa isa't isa. At nakakasiguro ako na kaming dalawa man ay may oras para sa pag iibigan naming dalawa. Nakangiti akong tumayo. "Tama ka Carlo, kailangan kung kumapit sa isang malakas at matibay na bagay." Nakangiting saad ko kay Carlo.

Ngumiti naman ito sa akin sabay takip ng aking ulo. "Masaya ako pagkat naliwanagan ka Señorita." Natatawang saad nito napangiti naman ako.

"Salamat Carlo." Nakangiting saad ko. Ngumiti ito sa akin. Bumaba ang tingin nya sa kamay ko. Lalo itong napangiti nang makita ang regalo nyang pulseras. Inangat nya ang tingin nya sa akin.

"Tutulungan kitang lumaban Señorita, tutulungan kitang hanapin ang iyung Ama." Nagulat ako sa sinabi nya. Ngayon ay may isang tao nang handa akong damayan! Sa sobrang saya ko ay mabilis akong napayakap kay Carlo.

Kahit naka supil ang matamis na ngiti sa aking labi andoon padin ang sakit ng aking nararamdaman dahil mawawala ang taong mahal ko sa gagawin ko. Mawawala ang pinaka espesyal na tao sa buhay ko.

Sana ay huwag nya akong kamuhian sa gagawin ko, mahal na mahal kita Antipatiko...

NANG MAKARATING KAMI sa bahay ay mabilis akong tumakbo paakyat sa silid ni Tiya Eleha. "Estela Asuncion! Sandali lamang anong nangyari bakit nag mamadali ka?!" Malakas na sigaw ni Aexiqn ngunit hindi ko sya pinansin. Dirediretso lang ako sa pag takbo hanggang sa makarating ako sa loob ng silid ni Tiya.

Hinihingal akong pumasok sa silid ni Tiya Eleha. Nang makapasok ako sa loob ng silid ni Tiya Eleha ay nakita kung binibigyan ng tubig ni Andrea si Tiya Eleha. Napalingon si Andrea at Tiya Eleha sa akin. Kunot nuong nilapag ni Andrea ang pitsel sa lamesa sa gilid ng kama ni Tiya Eleha. "Bakit hapong hapo ka Eeya? Sa aking pag kakaalam ay ikaw ay sumama kay Elisabet." Takang saad ni Andrea.

Hingal na hingal akong lumapit kay Andrea. Hinawakan ko ang balikat nya. "Buhay pa si Ama Andrea! Buhay pa sya!" Hinihingal na saad ko kay Andrea. Tumingin din ako kay Tiya Eleha. Parehas silang gulat na napatingin sa akin. "P-Paano mo na sambit ang bagay nayan Eeya? N-nahuli naba si A-Ama?" Nauutal na saad ni Andrea sa dulo.

Sunod sunod akong umiling. "H-Hindi!" Mabilis na saad ko. Napakunot si Tiya Eleha sabay hawak sakanyang puso. "Kung ganon Estela paano mo nabatid ang bagay nayan?" Saad nang kung sino sa may pintuan. Napatingin ako kay Aexniqn. Nalunok ko ang aking laway.

"N-Narinig ko kanina! Tama! Narinig ko! Nung nag babanyo ako sa munisipyo narinig kung nag uusap sila Don-----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nung mag salita si Tiya Eleha. "Dapat ay hindi kana nakinig sa kanilang pinag uusapan Estela Asuncion, sa oras na kanilang malaman na ikaw ay may nalaman o narinig ay baka madamay ka kagaya sa nangyari sa aking kapatid." Saad ni Tiya Eleha, seryosong seryoso ang mukha nito.

"P-Pero Tiya Eleha! Si Ama, buhay sya, nalaman ko na unting unti nilang nilalason si Am----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nung biglang umiyak si Andrea. "E-Eeya! Ayokong mawala si Ama, ayoko, kailangan nating gumawa ng paraan, kailangan nating gumawa ng paraan." Mangiyak ngiyak na saad ni Andrea. Napatingin kami sakanya.

Tama sya. Tama ako. Kailangan naming gumawa ng paraan. Habang buhay pa ito. Habang wala akong pag sisihan sa dulo. Kailangan naming gumawa ng paraan. I don't wanna lose here, ayokong may mawala pa sa pamilya namin. Ayoko.

"Tama si Andrea, Tiya Eleha kailangan nating gumawa ng paraan, kailangan nating iligtas si A-Ama." Saad ni Aexniqn. Marahan itong ngumiti sa akin nang lumingon ako sakanya. Narinig ko ang sunod sunod na pag buntong hininga ni Tiya Eleha. "Wala tayong magagawa mga iha, nais ko mang mangialam at tulungan ang iyung Ama ngunit wala tayong magagawa, isa lamang tayong babae, wala tayong magagawa kung hindi ang manahimik at mag tago sa ating mga bahay." Nawawalang pag asang saad ni Tiya Eleha.

Nakagat ko ang ibaba kung labi. Tama si Tiya Eleha isa lamang kaming babae. Anong magagawa namin dahil nasa panahon kami ng walang kalayaan? Hindi pantay pantay ang mga tao dito. Hindi patay patay ang batas rito. Walang kakayanan ang mga taong walang pera at kung meron man. Hindi parin sila makakalaban kung wala silang kapit sa gobyerno.

Ano nga ba ang maaari kung gawin? Marami. Wala mang pantay pantay na kalayaan rito ngunit sa aking panahon merong kalayaan at pantay pantay. Kung kaya't aking gagawin ang kalayaan ng isang babae rito sa panahong ito. Kung kailangan ko mang gumamit ng dahas ay akin yung gagawin makuha ko lang ang hustisya ng aking pamilya

Marami nang nawala sa pamilya ko. Ayokong pati si Ama ay mawala din. Bilang isang babaeng kagaya ko. Gagawa ako ng isang hakbang na hindi nila malalaman. Mawawala ako na parang bula pero kapag na tapos na ang oras na aking ibinigay. Lalabas ang malaking bomba na hindi nila aakalaing sasabog.

"Ako ang bahala dyan Tiya Eleha, ako ang gagawa ng paraan para diyan Tiya Eleha, sisiguraduhin kung makukuha kung buhay at buo si Ama." Taas nuong saad ko. Nagulat naman sila sa aking sinabi. Napa sign of the cross pa si Tiya Eleha. Napahawak sya sakanyang puso na akala mo ay aatakihin.

"Jusko ikaw na bata ka! Ako'y kinakalabutan saiyo!" Natatarantang saad ni Tiya Eleha. Natawa naman ako. Lumapit si Andrea kay Tiya Eleha para alalayan ito. Lumapit si Andrea sa akin. "Ano naman ang iyung plano Estela?" Saad ni Aexniqn sa akin.

Nakagat ko ang ibaba kung labi. Naisip ko kaagat si Don Fortunato. Bilang magiging future Businesswomen ay kailangan kung makipag transaksyon kay Don Fortunato. Kapalit ng pag layo ko kay Antipatiko ay ang pag tulong nya sa akin para mapalabas si Ama. Tama. Yun nga ang gagawin ko. At sa oras na malabas si Ama ay lalayo na kami para wala nang mangyaring gulo.

Napabuntong hininga ako. "Mag impake nalang kayo, ako na ang gagawa ng paraan, sisiguraduhin kung mamaya ay kasama na natin si Ama na aalis dito." Buong tamang na saad ko. Lalong napa dasal si Tiya Eleha. "Estela! Ayokong mapahamak ka! Paano mo gagawin ang bagay na iyun? Isa kalamang sisiw na bagong pisa, samantalang malalaking ahas ang makakalaban mo!" Natatarantang saad ni Tiya Eleha.

Lumapit ako sa Cabinet nya at kinuha ang malaking tampipe roon. "Isa man akong sisiw Tiya ngunit ang kagaya kung sisiw ay matalino, kakapit ako sa leon, at nakakasiguro akong makikipag tulungan ito sa akin." Nakangiting saad ko kay Tiya Eleha.

"Estela Asuncion nakakasiguro kabang makakamit mo ang bagay na iyan?" Kinakabahang saad ni Andrea. Nakangiti akong tumango rito kahit ang puso ko ay gusto nang kumawala sa sobrang takot. "Sisiguraduhin ko Andrea para kay Ama, para sa ating pamilya." Ngumiti ako sakanila.

Kailangan kung maging matapang. Dahil kung pag hihinaan ako ng loob ay baka matulad si Ama kay Ina at Esteban. Lumapit sa akin si Tiya Eleha at ako ay niyakap. "Mag iingat ka Estela Asuncion, siguraduhin mong babalik kang buhay at hindi isang malamig na banggay sa mansyon na ito, ¿Nos entendemos?" Seryosong saad ni Tiya Eleha sa akin.

Natawa naman ako at niyakap si Tiya Elega. "Opo Tiya, Nakakasigurado po ako dyan." Nakangiting saad ko rito kahit walang kasiguraduhan ang pag tulong sa akin ng Don na lalapitan ko. Naramdaman ko ang pag yakap sa akin ni Tiya Eleha. "Siguraduhin mo lang Estela Asuncion, siguraduhin mo lang." Bulong sa akin ni Tiya Eleha habang na hikbi.

Narinig ko ang pag tawa ni Aexniqn. "Gro-- YAKAPAN!" Malakas nasaad ni Aexniqn. Nanlaki ang mata ko nung biglang yumakap sila sa akin. "Mag ingat ka Eeya." Bulong sa akin ni Andrea habang naka group hug kaming apat. Napangiti nalang ako sabay tango.

Kailangan kung mag ingat at pilitin si Don Fortunato. Dahil wala nang ibang aasahan ang pamilya namin. Wala na. Kaya kung hindi ako gagawa ng paraan. Walang mangyayari sa pamilya namin. Dahil sa panahon na ito. Kayo kayo lang din ang mag tutulungan. Pero ngayon. Ang gagawin ko ay mag isang gagawa ng paraan. Makakaya ko kaya?

NANG MAKARATING ako sa harap ng mansyon dito sa Maynila nila Antipatiko ay double ang aking kaba na nararamdaman. Baka kasi mag kita kami ni antipatiko at mag tanong sya ng kung ano ano. Ano nalang ang sasabihin ko sakanya kung mag tanong sya ng 'Anong ginagawa mo rito Eeya?'

Anong sasabihin ko? Mag kakape sainyo? Gusto ko lang icheck kung may agiw ba sainyo? O gusto ko lang makita ang bahay nyo. Ano ang sasabihin ko? Napabuntong hininga nalang akong nag lakad papasok sa mansyon.

Nang makapasok ako sa mansyon ay magiliw akong sinalubong ni Aleng Crising ang mayordoma ng pamilyang Buenaventura. Sya nga pala. Buhay paba ang Mayordoma ng mansyon namin? Sana hindi na. Sana na sama nang nasunog sa mansyon namin. Just kidding.

"Iha ikaw ay naparito? Ano ang iyung kailangan? Wala rito si Señorita Ezequiel kung iyo itong hanap." Mapang asar na saad ni Aleng Crising sa dulo. Napabuntong hininga ako. Nawala ang kanyang ngiti nang makita nya ang seryosong mukha ko. "Andyan po ba si Don Fortunato?" Saad ko sabay iwas ng tingin. Nakatitig kasi sa akin ang Ginang na para bang sinusuri ako.

Napatitig pa sya sa akin bago tumango. "Narito sya iha, nais mo bang kausapin si Don Fortunato?" Tumango ako rito. "Umopo ka muna iha, aking ipapaalam na ikaw ay narito sa Don." Nakangiti akong umopo sa tinuro ni Aleng Crising.

"Salamat po." Saad ko nang makaupo ako. Ngumiti lang ito sa akin. "Nais mo ba ng maiinom Señorita?" Saad nito. Umiling ako nang dalawang beses. "Huwag na po, gusto ko lang pong kausapin ang Don." Bumuntong hininga muna ito bago tumango.

"O sya sandali lamang." Saad ng Ginang sa akin bago umakyat sa hagdan. Habang wala ang Ginang ay aking nilibot ang aking tingin. Hindi kagaya sa bahay nila sa San Andres ang bahay rito sa Maynila. Hindi masyadong malaki ang mansyon nila rito. Parang kalahati lang ng mansyon nila.

Wala ding masyadong disesyon kagaya ng mansyon nila sa San Andres kung kaya't na pag hahalata mo na isa lang itong bahay tuluyan kapag may dadaluhang pag pupulong o pag may pupuntahan silang event. Nahinto ang aking pag lilibot nang makita ko ang isang malaking larawan.

Napatayo ako. Dahan dahan akong lumapit sa isang larawan. Nakagat ko ang ibaba kung labi nang makita ang Portrait Picture ni Antipatiko. Nakangiti sya habang naka suot nang isang pormal na damit. Hindi ko napansing napangiti narin ako.

Napaka liit pa kasi rito ni Antipatiko. Mukhang nasa 13 palang sya rito. Hindi ko inaakalang kahit walang teknolohiya rito ay maganda naman ang pag kakapinta nito. Mukhang ilang oras na nakangiti rito sa Antipatiko kaya mendyo napa tawa ako ng mahina.

Hahawakan ko na sana ang Portrait picture ni Antipatiko nang biglang may mag salita sa likod ko. "Iha ang sabi ni Don Fortunato ay doon daw kayo mag usap sa kanyang o---  " Hindi na natapos ni Aleng Crising ang kanyang sasabihin nang makita akong nakatingin sa portrait ni Antipatiko.

Napatikhim ito kung kaya't napa ayos ako ng tayo. "S-Sige po." Mabilis na saad ko. Ngumiti sa akin ang Ginang habang kami ay nag lalakad papunta sa opisina ni Don Fortunato. "Kayo ba ay may pag tatalo ni Señorito Ezequiel?" Nakangiting saad ng Ginang.

Napaiwas naman ako ng tingin. "W-Wala po." Nahihiyang saad ko. Nakita ko ang pag tango tango ng Ginang. "Paumanhin sa aking pag tatanungin, aking napansin na matamlay ang Señorito sa mga nag daang araw kung kaya't naisipan kung kayong dalawa ay may alitan." Mabilis na tumibok ang aking puso dahil sa sinabi ng Ginang.

N-Naging matamlay si antipatiko dahil sa akin? P-Pero kapag pupunta sya sa mansyon ni Tiya Eleha ay naka ngiti ito kahit hindi nya ako nakikita. Bigla akong kinabahan sa na isip ko. Mag sasalita pa sana ako nang buksan ni Aleng Crising ang pinto. Nandito na pala kami. Tsk.

"Narito lang ako sa labas iha." Napatango nalang ako kay Aleng Crising. Pumasok ako sa loob. Napalunok ako nang mag sara ang pintuan. Nakita ko ang Don na may inaayos na papeles sa gilid. "Ano ang iyung kailangan iha?" Sarkastikang saad ng Don nang maiangat nya ang kanyang tingin.

Nakagat ko ang ibaba kung labi. "N-Nais ko sanang humingi ng tulong sainyo." Buong tapang na saad ko kahit kinakabahan na ako ng sobra. Napataas ang kilay ng doon. "Wala akong maitutulong sayo iha." Nakangiwing saad ng Don sa akin.

Buong tapang akong lumapit sa harap ng lamesa kahit ang tuhod ko ay nanginginig na sa takot. "Meron kang maitutulong sa akin Don Fortunato, alam kung kagaya ni Ama ay marami kang koneksyon." Mabilis na saad ko.

Tumango tango ang Don. "Sabihin na nga nating marami akong koneksyon, ngunit ano ang aking mapapala kung ikaw ay aking tutulungan?" Sarkastikang saad ng Don. Napabuga ako sa hangin. Sana makumbinsi ko ang matandang ito kung hindi hihilain ko ang begote nya!

Napatikhim muna ako. "Lalayuan ko na si Antipatiko, hinding hindi ako mag papakita, depende nalang kung kinakailangan, pero nakakasiguro akong hinding hindi ko na lalapitan si Antipatiko, hinding hindi ako mag papakita yun ang kapalit Don Fortunato, ayos naba yun? Matatahimik na ang iyung anak?" Buong tapang na saad ko.

Nakangisi namang napatango tango ang Don. "Ano naman ang tulong na iyan, iha, at pinag palit mo ang aking anak?" Saad ng Don na puno ang pag kasarkastika. Muli nanaman akong napatikhim.

"Simple lang Don Fortunato...." Taas nuong saad ko. Parang nawalan ako nang lakas nang maisip ko kung gaano kalaking bagay ang mawawala sa akin sa gagawin kung ito. Nakagat ko ang ibaba kung labi at yumoko, napahawak ako sa tyan ko. Hindi na ako natatae ngayon kung hindi nagugutom. Tsk.

"S-Simple lang naman D-Don Fortunato...." nauutal na saad ko kay Don Fortunato. Hindi ko masabi sakanya ang sasabihin ko dahil sa oras na masabi ko yun ay doon nang tuluyang malalayo sa akin si Antipatiko. Alam kung ako naman ang may kasalanan ng pag lalayo sakanya. Pero masisi ko ba ang sarili ko kung mas uunahin ko muna ang pamilya ko kisa sa kanya na mahal na mahal ko?

"Ano ang simple na iyan Iha?" Nakangising saad ng Don kaya lalo akong yumuko. "K-Kapalit ng pag tulong nyo sa akin, lalayuan ko na si Antipatiko, Don F-Fortunato, lalayuan ko ang anak nyo basta tulungan nyo lang akong maligtas si Ama." Napaawang ang labi ni Don Fortunato.

Ang dami nyang sinabi sa akin ngunit wala akong ibang naintindihan kung hindi ang sinabi nya na tumatak sa ulo ko. "Nakaka awa naman ang aking Anak, ngayon nya makukuha ang kanyang certipiko, nag paalam na sya sa akin na sya ay mag papakasal sakanyang iniibig, ngunit mukhang hindi yun matutuloy,pagkat  nasa aking harapan ang kanyang iniibig at ginagawa syang pantaya sa isang laro, alam mo na ang gagawin mo iha, kailangan bago kayo umalis ng iyung pamilya ay naka pag paalam kasa aking anak para hindi na ito umasa, yan lamang ang iyung gagawin iha, yan lang kapalit ng kaligtasan ng iyung Ama at ng iyung pamilya." Nakangising saad sa akin ng Don.

Naramdaman ko ang pag tulo ng isang mainit na liquidong tumulo sa akin mata. Nakuyom ko nalamang ang aking kamao. Wala na akong magagawa kung hindi tapusin ang lahat, wala na, wala na akong magagawa kundi tapusin nalang ang meron sa amin ni Antipatiko dahil yun ang mas makaka buti sa kapakanan ng lahat.

Ngunit makakabuti ba ang gagawin ko sa puso naming dalawa?



****

Hi moon's! Good Evening! Ngayon ay natutuwa ako dahil marami ang nangyari ngayong araw! Kagaya ng mga nanghihingi ng update ng crescent moon. Moon's, ang sarap sa pakiramdam na may humingi ng update sa Iyo. At ito pa marunong na akong mag bukas ng kalan! Syempre isusulat ko sya dito para maipag malaki duh. *fliphair. Just kidding btw, time check 9:52 pm na ng April 14, 2021! Good night muah!

Continue Reading

You'll Also Like

Socorro By Binibining Mia

Historical Fiction

1.1M 69.1K 27
De Avila Series #1 "Wattys 2022 Grand Prize Winner" Known as the most stubborn and troublemaker daughter of the De Avila family, nothing stops Socorr...
66.2K 3.1K 42
She's the most feared merciless assassin in the world, Evelyn Anais Fiero known as Dark in the world of assassin's. She was called Dark because she's...
549K 27.4K 75
Wattys 2020 Winner "Sometimes your FUTURE is not in your TOMORROW but in someone else's YESTERDAY." Book Cover Illustration from Pinterest: https:...
720K 29.1K 46
WATTYS 2020 WINNER FOR HISTORICAL FICTION Ako si Catalina, nagmahal, nasaktan, humiling kay Tala at sumubok muli. Ang buhay ay mapaglaro at tinatawa...