The Accused Mistress

By LadyClarita

1M 31.5K 4.5K

(Delilah Series # 2) "Is it true that you were your own stepfather's mistress?" Alam ko na kailangan kong dep... More

The Accused Mistress
Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Wakas

Chapter 22

21.8K 745 105
By LadyClarita

Chapter 22

The Verdict

Gusto kong magpakatanga at magpanggap na hindi ko nauunawaan ang nangyayari pero sa kaloob-looban ay alam kong hindi lamang siguro ako handa na tanggapin ito.

May mabigat na nakadagan sa dibdib ko nang makompirma ang masaklap na naiisip nang makita na nga si Lake na deretsong naglalakad sa kinauupuan ng ina ko.

Naramdaman ko ang paghawak ni Lolo sa aking kamay. Nang sa wakas ay balingan ito ng tingin ay doon ko pa lamang napansin na nanginginig pala ito.

Mula sa kamay ay dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa mukha ni Lolo. Nakita ko na imbes sa deriksiyon nina Mommy at Lake ay nasa akin lang ang kanyang tingin. Maliban sa gulat na emosyon ay nanaig din dito ang awa at matinding pag-aalala. Hindi siya nagsalita at isang beses niya lang akong tinanguan. Hindi na niya kailangang magsalita dahil sa tingin at simpleng paghawak lamang niya sa kamay ko ay batid ko na ang buo niyang suporta. Hindi ako nag-iisa.

Hindi nagtagal at nagsimula na ang trial. Ni isang beses ay hindi na ako muling tumingin kina Lake at Mommy. Yumuko ako habang pinakikinggan ang mga testimonya ng iba pang witness, mga kasamahan namin sa mansiyon. Sumikip ang dibdib ko habang ikinukuwento nila sa lahat kung gaano kabuti si Papa. At bumibigat ang damdamin ko habang isinisiwalat nila ang kabaligtaran naman ng pag-uugali ni Mommy sa kanya.

Naglahad din ng mga ebidensiya. Hindi na ako nakinig sa takbo nito at pumikit na lamang. Lalong-lalo na nang si Lake na ang naglahad ng depensa nila. Hindi ko kayang marinig ang lamig ng boses niya gaano man siya kahusay o kadulas magsalita. Siguro kung sa ibang pagkakataon ito, lagpas hanggang pinakamataas na gusali ang paghanga ko sa galing niya sa korte, ngunit ngayon, ni boses niya ay ayaw kong marinig.

"Jean, it's now your turn," banayad na bulong sa akin ni Attorney Pelaez.

Sa huling pagkakataon ay hinayaan ko ang sarili na humugot ng malalim na hininga kasabay ng pagkapa sa natitirang lakas. Tumayo na ako at nagsimula ng maglakad patungo sa harapan kung nasaan ang witness stand. Deretso lang ang tingin na ginawa ko at hindi inalinta ang mga bulong-bulungang namayani sa loob ng korte.

Nang marating na ang witness stand ay doon ko pa lamang hinayaan ang sarili na tingnan ang buong silid at ang mga taong nasa loob nito. Doon ko hinayaan na tingnan ang lalaking pakiramdam ko ay binigo ako nang lubusan.

Muntik nang mabasag ang tapang na pahirapan kong pinulot at pilit na binubuo nang tingnan niya rin ako. Wala akong makitang emosyon sa kanyang hitsura at sa kanyang mga mata. Walang pagkabigla. Walang paghingi ng tawad. Walang awa.

May panimula pang sinabi ang criminal prosecutor. Nagsaad din ako ng oath. Pagkatapos nito ay nagsimula na siya sa mga tanong na matapat kong sinagot. Pinilit kong palakasin ang boses upang marinig ng lahat lalong-lalo na ng judge at jurors base na rin sa itinuro sa akin ni Attorney Pelaez. Matapos masagot ang lahat ng kanyang tanong ay pansamantala akong nakahinga nang maluwag. Bumalik din kaagad ang bigat nang si Attorney Lake Jacobe Mendez na ang tumayo sa gitna at lumapit sa akin.

Kagaya ng criminal prosecutor kanina ay may panimula pa siyang sinabi na hindi ko na nakuha pa. Ang tanging laman lang ng isipan ko ay ang mga tanong na ibabato niya at kung papaano ko ito haharapin.

Nagtama ang aming tingin. Walang namagitang pagmamahalan sa nakaraan. Maihahalintulad ko pa nga sa isang estranghero lang na kaswal na nadadaanan. At the back of my mind, I asked myself. Ano kaya ang tumatakbo sa isipan niya? Isa lang din ba ako sa mga balakid na kailangan niyang lampasan o sipain sa tabi para manalo na naman kagaya ng mga nagdaang kasong hinawakan niya?

Lumunok ako at tinatagan ang sarili. Hindi na ako ang Jean noon na madali niyang nai-intimidate. Sinuklian ko ang tila ba walang pakialam niyang tingin.

"Please state your name for the record," malamig na utos ng defense attorney sa akin.

"I... I am Jean Caitlyn Villarejas."

"State your relationship to the victim."

Taas noo ang ginawa kong pagtango.

"I am his daughter."

"You went home from an exclusive club called ELights, at exactly 11:10 in the evening on January 26, is that correct?"

"Yes."

His stare bore right through my eyes. It was dead of emotions.

"Upon arriving at your father's house that night, you were drunk. Even a bit upset. You automatically knocked on his bedroom door—"

"I was worried about him!" mabilis kong pagputol. "He told me my mother was giving him threats—"

"and you eventually found him on his bed," he coldly cut me off. "With a glass of wine on his hand tainted with poison as the real evidence shown. Unconscious. Lifeless. Is that correct?" 

Namanhid ang labi ko habang tinititigan ang mga mata niya na mistulang walang kaluluwa. Nilunok ko ang pait na nanunuot sa lalamunan.

"Y-Yes..." Derekta kong itinutok ang matalim na tingin sa ina kong nakaupo sa defense table. Even in her seat she tried to act regal. Undisturbed. Prideful. Without guilt.

"My mother killed him," anas ko.

"Tell me, Miss Villarejas." Muli akong napabaling sa abogado dahil sa lambot ng pagkakasambit niya sa pangalan ko. Kasalungat sa lamig ng kanyang tingin. "Did you have a sexual relationship with your father—"

Para akong sinampal sa naging paratang niya.

"No," paos kong sagot. "He's my father...How c-could I..."

"Your stepfather," kalmadong pagtatama ng abogado na para bang walang nangyari. "My client, the defendant who is your biological mother, Mrs. Valena Villarejas married your stepfather, Mr. Apollo Villarejas when you were at the age of eighteen. That makes you his stepdaughter. Technically, the two of you were not related by blood."

Nanatili ang buong atensiyon ng defense attorney sa akin.

"Were you jealous that your own mother and stepfather got back together? Is that the reason why you are accusing my client of committing a crime? Of poisoning Mr. Apollo Villarejas in their own marital home? Did you want your stepfather all for yourself?"

Para akong binagsakan ng lahat sa sunod-sunod at walang awa niyang mga tanong na parang pinaparatangan na ako. Nanginig ang buo kong kalamnan. Halos magdilim na ang paningin ko sa umaapaw na poot.

The defense attorney did not stop.

"Is it true that you were your own stepfather's mistress?"

Alam ko na kailangan kong depensahan ang sarili ko. I look at the few people who are seated inside the trial court. Sa mga mata nila ay nakikita kong hinuhusgahan na nila ang buo kong pagkatao. Dumapo ang tingin ko kay Lolo na nakaupo sa tabi ni Attorney Pelaez. Pumikit siya nang mariin.

"N-No... No... That is not true... " namamaos kong paninindigan. Halos maubusan na ng lakas. I could not feel the witness chair where I'm sitting on anymore.

Pumikit ako nang mariin at kasabay nito ay ang paglandas ng maiinit na mga luha.

"Please... Hindi t-totoo 'yan... Please s-stop," pagmamakaawang hikbi ko. Yumuko ako dahil hindi na kaya pang tanggapin ang mga mapanghusgang tingin ng mga nasa harapan. Lalong-lalo na ng abogadong siyang tila ba nagpaparatang.

"Do you have anymore questions, Mr. Attorney?" mahinahong tanong ng judge.

"None, Your Honor," biglang namaos ang boses niya. "No more questions for this cross examination."

Nag-angat ako ng mukha. Tiningnan ko ang hitsura ng lalaki na minsan ko ng minahal nang lubusan. I looked at the face of my mother's criminal defense attorney. The very face of Attorney Lake Jacobe Mendez.

Tumitig siya pabalik sa akin. Wala akong maintindihan sa bahagyang pagbabago ng tingin niya. Na para bang nanghihingi siya ng pang-unawa? Pang-unawa saan? Nanginig ang labi ko at hindi ako nagpatinag. Kung nakakatupok lang tingin ko, marahil sa mga sandaling ito ay isa na siyang abo.

Hindi ko na nakayanan pa ang galit na nangingibabaw sa pagkatao ko. Nagtagis ang bagang ko at naunang  nag-iwas ng tingin. Hindi ko na siya muling sinulyapan pa hanggang sa matapos ang trial.

Pamilya ko ang kahuli-hulihang lumabas ng korte. Kinailangan pa akong alalayan ni Lolo dahil sa panghihina ko. Naubos ang lahat ng aking lakas matapos ang nangyaring cross examination. Hindi ko tiningnan ang pag-alis ni Lake. Hindi ko kaya.

Umuwi kami ng mansiyon kung saan buong araw akong nagpahinga. Sa susunod na linggo ang nakatakdang huling trial kung saan magbibigay na ng hukom. Wala akong gana sa lahat ng bagay. Nakahiga man sa kama ay hindi naman ako makapikit dahil sa tuwing ginagawa ito ay nakikita ko ang hitsura ni Lake. Napupuno ako ng galit at nagdidilim ang isipan ko.

Paano niya naatim na gawin iyon sa akin? Paano niya nasikmura ang mga mababagsik na tanong niya? Sa lahat ng tao, siya ang pinakamas nakakakilala sa akin pero... pero bakit siya ganoon? Bakit parang ang dumi-dumi ng tingin niya sa akin? Hindi ko na nga siya kilala.

Isang marahang pagkatok mula sa pintuan ang nagpahinto sa mga iniisip ko. Pumikit ako nang mariin at pinahintulutan ang kumakatok sa pagpasok. Bumangon ako at nakita si Hope na may hawak na tray ng pagkain.

"Hindi ka pa raw nagdi-dinner," pambungad niya at pinagmasdan ako sa nag-aalalang tingin. Ipinatong niya sa ibabaw ng bedside table ang tray at naupo sa gilid ng kama ko.

"Wala akong gana," mahinang tugon ko sabay suklay sa magulong buhok gamit ang mga daliri.

"Babe, maski wala kang gana kailangan mong pilitin para magkaro'n ng laman 'yang tiyan mo," pangangaral niya pa.

Nagsimula na namang humapdi ang mga mata ko at naramdaman ang pamumuo ng mga luha rito. Suminghot ako at niyapos ang sarili. Nanlabo ang paningin ko nang sulyapan ang kaibigan.

"Hope, hindi....hindi ko na yata kaya 'to," sabi ko sa basag na boses. "I'm not that strong para...para harapin pa ang susunod na trial."

Kaagad siyang umusog upang mailapit ang sarili sa akin. Niyakap niya ako at hinayaan ko ang sarili na sumandal sa kanya. Banayad niyang hinaplos ang likod ko.

"It's okay to be weak," marahan niyang sinabi. "Hindi mo kailangang maging malakas sa lahat ng pagkakataon. JC, hindi ka nag-iisa, okay?"

Pumikit ako upang pakawalan ang mainit na mga luha. "H-Hindi ko siya k-kayang m-makita..."

"Ipapabarang natin siya," pagbibiro niya. Puno na rin ng mabigat na emosyon ang tono ng kanyang boses. Hindi man banggitin ang pangalan ay pareho naming alam kung sino ang tinutukoy.

Mahina akong natawa at pinunasan ang mga mata gamit ang sariling palad. Umayos na ako ng upo at hinarap siya.

"Magaling si Lake... Paano kung... Paano kung maipanalo niya?"

"Magaling man siya, wala pa ring makakatalo sa katotohanan," saad niya. Bumusangot ang kanyang mukha. "Kaya nga naiinis talaga ako sa mga abogado, maski alam naman nila na maysala 'yong kliyente, denedepensahan pa rin nila."

Kinusot ko ang mata. "Kay Jok ka lang naman naiinis."

Nag-iwas siyang ng tingin at inabot na ang isang bowl  na nasa tray.

Tinitigan niya ito at kinuha ang kutsara. Pinaghalo-halo niya ang laman nito gamit ang kutsarang hawak.

"Ang taray ni Manang, lugaw ang dinner mo, babe," komento niya.

"May itlog ba?"

Sa naniningkit na mga mata ay pinagmasdan niya ito nang maigi.

"Yata..." Kumunot ang kanyang noo at inamoy ang lugaw. Lumaki ang butas ng kanyang ilong at umakto siya na parang naduduwal. Mabilis niyang inilapag sa kama ang bowl ng lugaw at tumayo. Kumaripas siya ng takbo papasok ng CR.

Hindi ako nag-alis sa kanya ng tingin. Nagtagpo ang kilay ko sa pagtataka.

"Okay ka lang?" tanong ko paglabas niya.

"Nasuka lang nang konti," aniya sabay punas ng bibig gamit ang tissue mula sa tukador ko.

"Buntis ka?" deretsahan kong tanong. Hindi pa rin siya nilulubayan ng mapagdudang tingin.

Nahalata ko ang peke niyang pagtawa at muli siyang naupo sa gilid ng kama. Nabasa ko ang nerbiyos na ekspresyon sa kanyang hitsura.

"Nasuka lang, buntis na agad?" sabi niya. Muli niyang kinuha ang lugaw at iniabot ito sa akin. Habang ginagawa niya ito ay batid ko ang pagpipigil niya ng hininga. "Kumain ka na nga lang."

"Hmm," sabi ko na lang tinanggap na mula sa kanya ang bowl ng lugaw.

Hindi na siya muling nagsalita pa. Tahimik naman ako habang kumakain ng lugaw na gawa ni Manang. Napangiti ako nito dahil alam niya talaga na gusto ko ng may itlog ang lugaw lalo na sa tuwing hindi maganda ang pakiramdam ko.

Sa sumunod na mga araw ay napagpasyahan ko na pumasok na ng trabaho. Tambak na rin ang mga dokumentong kailangang pirmahan. Gustuhin man ni Lolo ang pigilan ako at pagpahingahin na lang bilang paghahanda na rin sa huling trial ay nagpumilit ako. Kahit papaano ay gusto kong medyo bumalik sa normal ang buhay ko.

Isang araw bago ang trial ay nag-usap kami ni Attorney Pelaez sa study room ni Papa. 

"Handa ka na ba para bukas, Jean?" aniya na nakaupo sa katapat na pang-isahang sofa. Pareho naming pinagmamasdan ang solo portrait ni Papa na nakadikit sa puting pader ng silid.

Huminga ako ng malalim at tiningnan si Attorney.

"Honestly, Attorney, natatakot po talaga ako," pag-amin ko. "Natatakot ako sa magiging resulta. Kung guilty man si Mommy o... o kung hindi pareho lang po itong mabigat para sa'kin."

Napatingin na rin sa akin si Attorney.

"I know that this is a very difficult question, Jean, but I am so sorry, I have to ask. Do you believe that your mother did it?"

"May mga ebidensiya naman po hindi ba?"

"Let us set aside the evidences presented in the court, do you think that your mother could do it?"

"Minsan niya na po akong tahasang inabandona noong bata pa ako," pagsisiwalat ko sa nakaraan. "Hindi ko po alam kung ano pa ang hindi niya kayang gawin. Inamin niya rin po sa akin mismo ang lahat noong..." Nahinto ako dahil sa maaaring pagbunyag kay Attorney sa pagsuway sa payo na hindi dapat makipag-usap kay Mommy.

"Did you meet with her?" Hindi ito nakalagpas kay Attorney Pelaez.

"I'm sorry po," mahina kong sinabi. Nahihiya sa sarili. "Alam ko pong bawal kaya lang...gulong-gulo na po talaga ang isip ko."

"I guess we could not do something about it anymore. What's done is done. All I want you to do right now is to prepare yourself for tomorrow."

Tumango ako. Hinanda ko na rin naman ang sarili ko.

"N-Naniniwala po ba kayo na... na nag-suicide si Papa gaya na lang ng ipinapalabas ni... ng defense attorney ni Mommy?"

"I want to believe that my friend Apollo could not do it.   Though, I have to warn you, Jean, medyo malakas din ang depensa ng kabilang panig. They have a great attorney."

"Si... Si La–Attorney Mendez pa rin po ba ang... defense attorney ni Mommy?"

"Yes. Since he took the case in the middle of the on going trial and he already represented your mother, then, definitely, he will be there, hija."

Marami man akong nakitang tanong sa mga mata ng matalik na kaibigan ni Papa ay hindi na naman niya ako inusisa pa tungkol sa amin ni Lake. Hindi siya nagtagal at nagpaalam din. Gusto niya raw ako na magpahinga na. At iyon nga ang ginawa ko.

Maaga kaming nagtungo sa korte ni Lolo kinabukasan. Nauna na sa amin si Attorney Pelaez doon. Nakasuot ako ng white chiffon dress at gray pencil skirt. Hindi ako naglagay ng make up at tanging lip balm lang ang inilagay sa mga labi. Ang hairstyle ko naman ay hati sa gitna at nakatali. Walang hibla ng buhok na nakahiwalay.

Nang inihinto na ni Kuya Benj ang sasakyan sa parking area sa labas ng korte ay lumabas na kami ni Lolo. Tinapik ni Lolo ang balikat ko at malungkot niya akong nginitian. Hindi na kami nagtagal pa sa labas at pumasok na sa loob.

Pamilyar na mga mukha ang nakikita ko. Tulad na lamang ng mga miyembro ng jury. Sa malapit na unahang bahagi ng upuan ay nakita ko si Hope. Katabi niya sa kaliwang bahagi si Attorney Pelaez. Nilapitan na namin ang deriksiyon nila.

Niyakap ako kaagad ni Hope nang makalapit sa kanya. Nagmano rin siya kay Lolo. At kalaunan, nagsimula na ang huling trial.

Nagkaroon ng recap sa arguments. Both the prosecutor and of course Lake were given a chance to sum up their main arguments. Ni-recap din ng prosecutor ang pinakamatibay na ebidensiya na nailahad na sa naunang mga trials. At siyempre, hindi nagpahuli si Lake na gamitin ang kanyang galing sa paghahanap ng butas sa mga inilahad ng prosecutor. While he was fluently and strategetically doing the job where he's known to be good at, my anger towards him rooted and grew.

Muling tumayo ang prosecutor at nagtungo sa harapan.

"Your honor," panimula niya, "again, we have the burden of proof. As the evidence has shown which is the medico-legal findings and the testimony of our witnesses, it shows that Mrs. Villarejas intentionally poisoned Attorney Apollo Villarejas. By that, we ask for the verdict of guilty, your honor."

Ngayon ay si Lake naman ang nagtungo sa harapan. Puno ng kumpiyansa ang paglalakad niya.

"Your honor, the prosecution has the burden of proof," pagsasalita niya sa kalmadong boses bagkus dinig pa rin sa buong silid,  "and they have availed to prove it. Your honor, they have not showed beyond reasonable doubt that Mrs. Valena Villarejas is guilty."

Napatingin ako kay Mommy na nakatulala lang at deretso ang tingin sa harap.

"The evidence does not show that Mrs. Valena Villarejas poisoned Attorney Apollo Villarejas thus murdering him. It was clearly stated that Attorney Apollo Villarejas intentionally committed suicide due to his depression." Binalingan niya ako ng tingin na para bang may ipinararating siya. Tanging lamig lang ang naitugon ko sa kanya. Hindi rin nagtagal ang tingin niya sa akin at muli niyang itinuon ito sa judge.

"By that, we ask for the verdict of not guilty your honor."

Matapos ang mahaba-habang closing arguments ng dalawang panig ay nagkaroon ang lahat ng nasa loob ng silid ng pagkakataon para huminga. It was finally the jury's turn for a Jury Deliberation.

Humigit kumulang tatlong oras ang nangyaring deliberation ng jury. Nang oras na upang magpatuloy ay halos nabingi na ako sa sobrang lakas ng kabog sa dibdib ko. The jury had finally reached the verdict.

"Order," anang judge. "Will the defendant please stand.

Deretso ang ginawang pagtayo ni Mommy kasabay ni Lake.

Tinanguan ng judge ang lalaki na nasa gilid na kaagad namang umalerto.

"You may now read the verdict."

Napahawak ako sa kamay ni Lolo habang kinuha naman ni Hope ang isa kong kamay. Tumayo ang lalaki at may binasa mula sa hawak na folder.

"As to the murder charge against Mrs. Valena Villarejas, we find as follow... Mrs. Valena Villarejas is... Not Guilty for the crime of murder!"

Napagiwang ako sa kinatatayuan. Maagap naman akong nahawakan nina Lolo at Hope. Kasabay ng mga luhang nagsilabasan ay tuluyan na ngang bumigay ang katawan ko.

"Thank you everyone. Court is adjourned. Order in the court," pangwakas ng judge.

Continue Reading

You'll Also Like

135K 3.6K 34
Mistake Series #4 (Completed) "Why don't you kiss me? And taste the sweetest mistake you have ever made." *** Xhyraine Zoe Dela Vega. One of the most...
6.5K 232 24
Samantha Jane Villafuente is just a simple girl who loves baking. Sa katunayan, meron na nga itong sariling cupcakes shop na patuloy paring kinikilal...
67.8K 2.9K 31
Highest Rank - #3 - nakakakilig One breezy night. Two drunk strangers to each other. One prison cell?