The Odious Doxy (Flight Atten...

By Blacckkfairry

16K 233 36

FLIGHT ATTENDANT SERIES #3: Samantha, a woman who's not lucky when it comes to love. She always feel that she... More

PROLOGUE
1
2
3
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
EPILOGUE
Author's Note

4

302 6 3
By Blacckkfairry


"What a surprise that they already know each other huh?"

Nakangiti. Ganon na lang ang tuwa na sabi ng daddy ng lalaking nakaalitan ko. Pawang magkausap at nakatingin sila ngayon sa isa't isa ni mama. Kasalukuyan din kasi kami ngayon na kumakain. Hindi ko sila pinansin at sa halip ay malalim lang na napasinghap bago pa ulit na kumuha ng ulam. Sa bawat galaw ko, ganon ko na lang din kaagad naramdaman ang tingin nila sa aking lahat pero hindi ko inisip yon. Inisip ko na lang na parang wala lang sila sa harapan ko.


sa huli ako pa rin ang naunang matapos sa lahat. Nagpahinga lang ako saglit at nakangiwi na lang silang pinagmamasdan. Laking pagtataka ko nga lang din ng makita ko na hindi pa man ganon na nangangalahati ang pagkain na nasa plato nung mokong. Hindi ko alam kung sinasadya ba niya iyon o hindi. Mabagal din siya kung ngumuya na para bang doon pa lang sa kilos niya na iyon ay alam ko ng hindi siya ganon kasanay na kumain niyon.

hindi ko tuloy naiwasang maitaas ng patago ang kilay ko. Ang arte naman niya kung ganon. Bakit ano bang kinakain lang niya? mga masasarap? well sorry siya dahil yan lang ang pagkain na nakahain at meron kami. Ang sarap kaya!

"oy! anong mukha yan?" dunggol bigla sakin ni tita Vangie dahilan para agad akong bumalik sa huwisyo. Saglit niyang tinigil ang pagnguya at pinanlakihan ako ng mata. Nang aasar!

"h-ha?" agad na nauutal na sabi at bulong ko sa kanya. Hindi ko rin naiwasan na mangunot ang noo. Pero sa halip na magsalita ulit si tita Vangie ay napamaang niya lang akong tinignan bago inalis ang paningin sakin habang tumatango tango at nakangiti pa rin.

sa puntong iyon, alam ko na kaagad ang ibig sabihin ng kilos ni tita Vangie na iyon. Na may kung ano ano na siyang iniisip na sa tingin at alam ko ay hindi ko na gugustuhin pa iyon na alamin. Ako na rin ang nagboluntaryo na maghugas ng plato ng matapos silang lahat magsikain. Hindi dahil sa gusto ko maghugas. Ginawa ko yon para makatakas at makaiwas kila mama. Wala rin naman kasi akong mapapala at wala rin naman akong oras para makinig sa usapan na meron sila nung tatay ni mokong.


"akyat na ko Sam." dunggol ni Harvey sakin ng matapos niyang ilublob na lang ng basta sa nga hinuhugasan ko ang basong ginamit niya sa pag inom ng tubig. Tinignan ko lang siya sandali bago tinanguan. Nakita ko pa kung papaano siyang pasuray suray na naglakad papalabas ng kusina. Hindi ko tuloy naiwasan ang mapanguso.


matapos ko mahugasan lahat ng pinggan ay agad ko na sinunod ang mga bote na walang laman. Hinugasan ko muna iyon lahat ng mabuti bago lagyan at punuin ng tubig. Ayoko kasi ng hindi malamig na tubig dahil pakiramdam ko, hindi kaagad ako ganon na mahihimasmasan. Lalo na kapag sobrang pawis at pagod ko.


nang matapos ko na ng tuluyan ang lahat ng gawain, minsan ko pa ulit na nilingon ang paligid para icheck kung may nakalimutan pa ba ako. Nang sa tingin ko ay wala na ay pataimtim na akong lumapit sa switch para pasinghap iyong patayin bago ako tuluyan na lumabas sa lugar na iyon.



tahimik lang akong naglakad hanggang sa marating ang sala kung saan napansin ko kaagad na wala doon sila mama dahilan para maisip kong siliping sandali ang bintana kung saan doon ko sila natanaw na nag e-enjoy sa pagku kwentuhan. Hindi ko man iyon ganon masyadong mapakinggan. Doon ko lang rin nasaksihan for the first time na tumawa si mama ng masaya. Na para bang wala siyang iniinda na problema. Pero saglit lang din iyon at agad ko na iniwas ang paningin ng bigla ko na lang mapansin na mapalingon si mama sa gawi ko. Dahil sa pagkailang ay agad na rin akong umakyat patakbo papunta sa kwarto ko.



pagpasok ko agad na lumapit sa akin si Goffer dahilan para agad akong lumuhod para hawakan ang ulo niya. Napangiti ako ng maramdamang dilaan na lang niya ng ganon kabilis ang kamay ko. Naglalambing nanaman. Binuhat ko siya bago muling tumayo at naglakad na papalapit sa kama. Eksakto din ng makita ko ang pagkainan niya ay naroon na ang pagkain na tinake out na lang namin kanina ni Harvey. Pumasok pala siya dito. I wonder what he was doing right now.



nang wala na akong maisip pa na gawin bukod doon ay doon ko na naisip na sumampa sa kama ko. Nanuod lang din muna ako ng mga random movies pampalipas oras hanggang sa naisipan ko ng patayin ang tv ng maramdaman ko na ang antok.


"Sammy? Sammy? Bumangon ka na jan mag aalmusal na." Tinig at katok ni mama sa pintuan ng kwarto ko ang siyang gumising sa diwa ko kinabukasan.


dahan dahan ko na kinusot kusot ang mga mata ko maging ang pag unat sa mga braso ko. antok na antok ko na nilingon ang orasan para tignan kung anong oras na ba. Ganon na lang akong napatakip ng unan sa mukha ng makitang alas 8 pa lang pala ng umaga! Isa pa, ang ipinagtataka ko kaagad ay bakit siya ang tumawag sakin ngayon? agad ko nanaman tuloy naramdaman ang pagkailang.


sandali pa akong tumulala bago tuluyan na tumayo at bumaba sa kama. Matapos ko maghilamos at mag sepilyo ay agad na akong lumabas sa kwarto habang patuloy na nagsusuklay. Akmang bababa na sana din ako dare daretso ng bigla ko na lang madaanan ang kwarto ni Harvey dahilan para matigilan ako. Nang lingunin ko ang pintuan niya ay hindi iyon ganon na nakasarado. Minsan pa akong nag antay ng ingay doon pero wala naman akong napala. Dahil nang silipin ko siya sa siwang ay mahimbing pa rin pala siyang natutulog.

nakadapa siya at walang damit pang itaas. Tanging kumot lang ang makikitang saplot. As usual may hawak hawak at yakap din siyang unan. Hindi kasi siya nakakatulog ng walang unan. Bilib din ako sa kanya dahil nakatapat pa ng husto sa kanya ang electric fan. Napasinghap at kibit balikat na lang ako din ako bago tuluyan na bumaba papunta sa sala.


"wala bang pasok ang kuya mo?" agad akong napalingon kay mama ng magtanong siya. Kasalukuyan siya ngayong naglalakad papalapit sa sofa habang may hawak na isang baso ng sa tingin ko kape ang laman niyon.


nagulat ako at hindi kaagad na nakapagsalita. Pinapangunahan nanaman kaagad ng kaba. Sinubukan ko pa na mapalunok bago kinumbinsi ang sarili ko na magsalita. "h-hindi ko alam. H-hindi naman niya pinakita sakin ang buong schedule niya." halos mahirapan na sabi ko. Iniwas ko na rin kaagad sa kanya ang paningin bago tuluyan na naupo sa kabilang side ng upuan.


narinig ko na tumawa si tita Vangie pero hindi ko na lang pinansin. Sa buong isang oras na magkakasama kami, sila lang din dalawa ang magkausap. Ewan ko ba kung bakit ganito ako at tamad na tamad makipag usap sa kahit na sino.



"nga pala Samantha, bakit ganon na lang kayo magbangayan nung anak ni Mr. Rosie?" lingon ni mama bigla sakin matapos niyang humigop sa sariling tasa. Hindi ako kaagad na nakapagsalita at mabilis na nangunot ang noo.

Hindi pala niya alam yung nangyare nung araw na iyon?! nasaan ba siya non?

"Samantha, tinatanong ka ng mama mo. Sumagot ka."

agad kong ibinalik ang paningin sa kanila ng marinig ang boses ni tita Vangie. Pero tulad ni mama, agad kong napansin na hindi siya nakatingin sa gawi namin. Nakapokus lang siya sa panunuod ng kung anong palabas meron sa tv habang kumakain at ngumunguya. Natauhan lang din ako ng makita kong tumaas na ang kilay ni mama. Malalim lang akong bumuntong hininga bago siya daretsong tinignan.


"binunggo niya kasi ako nung araw na pumunta tayo sa grand opening ng restaurant niya." panimulang pagpapaliwanag ko. Sa oras din na iyon, bigla na lang nag flashback sakin ang katarantaduhang pangyayare nung hapon na iyon.

"nabunggo? bakit?" pagtatanong pa ulit ni mama halatang curious na curious.

"because when Samantha was busy wiping her sweats in the back of her neck, those boys suddenly strongly bumping her."

bahagyang nanlaki na lang agad ang mata ko ng bigla kong marinig ang boses ni Harvey. Nang lingunin ko kung nasaan siya ay kasalukuyan pa lang siyang bumaba ng hagdanan suot ang course uniform niya. Ibang iba din ang awra niya ngayon unlike sa normal na pagkaloko loko niya.


brusko ang buhok, nakabukas ang ilang butones ng polo. Halatang puyat din pero parang mukhang wala lang iyon sa kanya. Bitbit ang bag ay pinanuod lang namin siyang kumilos papunta sa kusina. Paglabas niya ay basta na lang din siyang naglakad na para bang hindi man lang niya kami nakita. Wala sa sariling napasinghap na lang ako at bahagyang manlaki ang mga mata.


"hay nako pag ibig nga naman." biglang sigaw na banat ni tita Vangie dahilan para lingunin ko siya. Natitigilan siyang sinusulyapan si Harvey na ngayon ay pawang pasakay na sa kotse niya. Kumpara kanina, mas bumusangot pa ng husto ang kanyang mukha. Pabagsak na lang din niya kung isarado ng husto ang pintuan ng sasakyan ng tuluyan na siyang makasakay bago niya tuluyang binuksan ang makina at mabilis iyon na pinaharurot palayo.

"nakita mo yon? Samantha?" binaling kaagad sakin ni tita Vangie ang kanyang paningin matapos maisarado ang gate. Inayos pa niya ng bahagya ang kanyang postura bago ako pinameywangan. Nakangiwi sa paraan na hindi ko malaman kung nagse seryoso ba o ano.

napasinghap lang ako bago siya tinignan.

"hay nako tita Vangie wala akong oras para jan." pairap at mabilis na angil ko kaagad. Nakangunot na ang noo. Bakit napunta sakin?! at anong connect non? wala sa sariling nasapo ko ang noo ko at basta na lang siyang iniwanan doon.


nagmadali akong umakyat pabalik sa kwarto dahil hindi ko na matiis pa ang sobrang init pa rin na panahon. Tahimik lang akong namili ng maisusuot kahit na ang totoo ay magaganda naman halos lahat ng mga damit na meron ako. Natigilan lang ako ng may bigla na lang mahulog na isang box. Nangunot ang noo ko at mabilis na nagtaka bago pa iyon kinuha.

"teka pamilyar to ah?" wala sa sariling bulong ko.

ganon na lang din ang pagkadismaya ko ng tuluyan ko ng buksan ang takip niyon. Doon ay tumambad sakin ang lahat ng gamit na ibinigay sakin ni Kiel. Sandamakmak na letters, rosas na ngayon ay nalanta na dahil sa sobrang tagal ng nakatago, panyo, maging ang mga litrato naming dalawa ay naroon.


"pastilan! hindi ko pa pala naibabasura to?" natatawang bulong ko pa ulit ng minsan ko pang tignan isa isa ang lahat ng mga iyon. Nang makuntento ay mabilis ko na ring ibinalik ang lahat ng iyon sa box saka ko muna ipinatong sandali sa ibabaw ng mesa na nasa tabi ng kama ko.


sa huli ay hindi ko na rin inisip pa na mamili kung ano ang susuotin. Basta na lang ako humatak ng kung ano at mabilis na naglakad papasok sa bathroom. Hindi na ako nagtagal pa at mabilis na naligo. Punas punas ko ang buhok ko ng makalabas dala ang damit ay saglit pa akong napasinghap bago ko muling nilapitan at kinuha ang box.


dala dala ang box ay mabilis akong bumaba patungo sa likod ng bakod para doon sunugin ang mga ito. Nakakatuwa lang kasi nang makarating ako roon ay wala sila mama at tita Vangie. Sa buong pwesto kasi na meron itong bahay ay doon nila favorite na tumambay.


eksakto rin na may baga pa iyon ng konti dahilan para hindi na ako magsindi pa. Walang ano ano'y mabilis kong binuksan ang box at itinaktak na lang ng ganon ganon ang lahat ng laman roon sa drum. Tahimik at walang pag aalinlangan ko lang na tinignan kung paanong isa isang lamunin ng apoy ang mga iyon.


"Drama session?" Ganon na lang ang gulat ko ng bigla na lang mangibabaw na boses sa likuran ko. Na maging balikat ko ay mabilis na umangat ng wala sa oras. Nang lingunin ko kung sino ay awtomatiko na lang rin na nangunot muli ang noo ko. Si mokong nanaman pala!



preskong presko lang siyang nakatayo habang nakasuksok ang kanyang mga kamay sa magkabila niyang bulsa. As usual nakangiti nanaman siya dahilan para lumabas nanaman ang maliliit niyang dimples na nasa magkabilang gilid ng kanyang labi. Bahagya na lang din nanlaki ang mga mata ko ng kaonti ng simpatyahin ko siya mula ulo hanggang paa.


Nakasuot siya ng gray na sweater longsleeves itinupi niya lang hanggang sa kanyang braso habang cargo naman ang suot niya pang ibaba. Nakasuot din siya ng itim na bonet at salamin. Nang magtama muli ang paningin naming dalawa ay bahagya ko pa siyang siniringan bago inirapan at tinalikuran para tignan ang mga sinusunog ko na tuluyan ng naging abo.


"so you're still ignoring me huh?" makulit pa ulit niyang sabi. Pasinghap lang akong napairap sa kawalan pero hindi ko na sinubukang lingunin pa siyang muli. Sinunod ko lang na sinunog ang box at mabilis na siyang nilagpasan para bumalik sa loob. Pero ayon nanaman siya at agad na humabol para lang harangan ako.


"ano nanaman ba yon? at bakit ka nandito?" masama ko siyang tiningala at pinagmasdan. Bakit ba kasi nandito nanaman siya?! saka ano bang pakay niya? Nang hindi siya magsalita ay pairap ko na inalis muli ang paningin sa kanya bago siya tinulak patabi.


"you know what you're too cute." hindi ko inaasahang sunod na sasabihin niyang bigla!

nakangisi na siya ng lingunin ko siyang muli. He just tilted his head a bit before licking and slowly biting it. Pero hindi ako nagpatalo, I smirked also a bit before walking towards in front of him. I straight looking in his eyes and suddenly giving him a devilish smile.


"really?"

"so, you don't believe?" he suddenly also asked. He walk towards on me without any warning so as a result, I walk backwards far from him. But it doesn't mean that I'm scared of him. I'm just distancing myself to him because I didn't know him that much. Even though our parents were already know each other.



"No. Then why would I?" sagot at hamon na tanong ko din sa kanya habang patuloy lang sa paglalakad paatras ng hindi inaalis ang paningin sa kanya. Kumbaga matira matibay. Pero hindi ko aakalain ang sumunod niyang ginawa!


bigla na lang niyang inilapit ng husto ang mukha niya sa mismong mukha ko! napalunok tuloy ako! For the second time he did it again! He smile like an idiot. Para bang ganon na lang siya kaaliw na gawin yon. Yung ngiti ko tuloy agad na lang din napalitan ulit ng pagkainis ng husto sa kanya. Gusto ko siyang itulak pero hindi ko alam kung papaano. Dahil sa itsura namin ngayon konting maling galaw lang maaring magdikit ng wala sa oras ang mga labi namin at ayokong mangyare yon!


"then, you need to believe." He said and after that his aura and gaze suddenly changed into a serious one. Making my brows furrowed. I couldn't read him honestly. Ilang minuto pa kaming nanatili sa ganon na posisyon hanggang sa nilayo na niya ng tuluyan ang mukha niya sakin at mabilis na umayos ng tayo. As usual nakasuksok pa rin ang magkabila niyang kamay sa kanyang bulsa. Pa cute pa siya na sinaluduhan ako bago siya tumalikod at tuluyang nagpamaunang maglakad pabalik sa loob.



nanggigigil naman ako na pinanuod lang siya bago ako padabog na naglakad pasunod. Pagbalik ko nakita ko siya na nakaupo sa sofa namin. Hinanap ko pa kung nasaan ang kanyang daddy pero ganon na lang akong mas lalong nagtaka ng hindi ko man lang nakita ang anino nito.


"if you're looking to your mom," tumayo siya bigla at pagkatapos ay lumapit sa salamin para ayusin ang longsleeves niya. Doon ay sinalubong niya ko ng tingin. "she already went to my dad's company." Nang matapos ay doon niya na ako tuluyan na hinarap. "and if you're curious why I'm here, it's because you're mom said that you're feeling bored that's why...I'm here to be with you. Since I don't have anything to do also."


"what?!" sigaw na tanong ko na halos siya ring ikinagulat niya na lang bigla. Napahawak pa siya sa dibdib niya habang bahagya na nanlaki ang mga mata. Nang marealize ko ang ginawa ko ay agad rin akong napaayos kaagad at pasinghap na inalis ang paningin sa kanya. Hindi lang talaga ako makapaniwala ginawa talaga iyon ni mama? pero para saan at bakit sa kanya pa? sa kanya pa na alam naman niyang hindi ko kasundo.



"oy anong nangyayari dito? at bakit ka sumi- ay ikaw pala pogi!" singit agad na sabi ni tita Vangie. Kasalukuyan niyang tinutuyo ang buhok niya gamit ang hawak na tuwalya. Katatapos lang maligo. Napukaw kaagad ni mokong ang kanyang paningin dahilan para manahimik na lang ako sa isang tabi pero hindi para panuorin sila kung hindi para isipin kung bakit naisipan ni mama ang bagay na yon.


"hello, t-"

"Vangie. But you can call me tita if you wanted to." agad din na dinig ko na sabi ni tita sa kanya. Nagulat na lang din ako ng maramdaman kong dunggulin niya akong kaagad dahilan para mabilis akong bumalik sa katinuan. Hindi ako nagsalita at kunot noo lang siyang tinignan. Sa paraang iyon ay tinatanong ko siya kung bakit.

"change your clothes right now. I'll wait you outside." biglang pangingibabaw muli ng boses ni mokong sa pagitan namin ni tita Vangie. Ganon ko na lang din tuloy siyang natitigilang tignan. Ano? magpapalit ako? e wala pa nga akong sinasabi saka isa pa hindi pa naman ako pumapayag ah?

akmang magsasalita at magrereklamo pa sana ako sa kanya ng bigla nalang siyang tumalikod ng mabilis at naglakad na palabas ng bahay. Paimpit na lang akong napasinghap at napapikit ng wala sa oras. Hindi ko siya sinunod. Pag akyat ko pabalik sa kwarto ay basta na lang akong sumampa sa kama ko at pumikit. Bahala siyang mag antay.

ngunit, wala pa mang ilang minuto at segundo akong nakapikit ay basta ko na lang narinig na may kumakatok sa pintuan ng kwarto ko dahilan para agad ko na maimulat muli ng mabilis ang mga mata ko. Hindi ako nag abalang tumayo para buksan iyon at sa halip ay masama lang iyong tinignan. Aba! ayos ah? mapilit?


patuloy lang sa pag iingay iyon pero hindi ko talaga binuksan. Bahala siya jan. Umayos lang ako ng posisyon at sa kaliwang side humarap kinuha ko lang rin ang isang unan para yakapin bago ko ulit ipinikit ang aking mga mata.


"Samantha, halika ka nga rito." strikto na dinig ko kaagad na utos ni mama sakin ng makababa ako. Kinusot kusot ko pa ng minsan ang mga mata ko bago tuluyang lumapit sa gawi nila ni tita Vangie. Tinapik tapik niya ang space sa upuan na kinauupuan nila. Hindi ako nagsalita at tahimik lang na sinunod siya. Eksakto rin na napalingon ako sa wall clock na nakadikit sa pader. Halos alas kwatro imedya na rin pala hindi ko inakala na ganon katagal mapapasarap ang tulog ko.


nang makuntento ako doon ay mabilis ko na ibinalik kila mama at tita Vangie ang paningin na ngayon ay mga magkasalubong na ang magkabilang kilay. Pero halos ganon na lang rin na manlaki ang mga mata ko ng makita si mokong na kasalukuyan din tahimik na natutulog sa isang upuan habang magka krus ang kanyang magkabilang braso! ni hindi man lang din niya tinanggal ang salamin na suot niya.


putcha! the heck! nandito pa rin pala siya? akala ko pa man din umalis na siya yon pala hindi!


"h-hindi pa rin siya umuuwi?!" nagugulat at nauutal na tanong ko ng ibaling ko ang paningin kila mama na ngayon ay parehong iling lang ang sinagot sakin.


"bakit hindi mo sinamahan?" angil kaagad ni mama sabay lingon din niya kay mokong na ngayon ay sobrang himbing pa rin ng tulog. Hindi ba siya nangangalay? bahagya kasi na nakatingala ang ulo niya. Hindi malabong magka stiff neck siya sa ganon niyang postura.


agad akong sumimangot at pinagkunotan si mama. "bakit ko sasamahan kung hindi naman pala siya talaga ang nag aya? kung hindi ikaw." hindi ko napigilan na maging sarkastiko sa pagtatanong. "Isa pa, ma tanong ko lang, why would you want us to went outside na kami lang dalawa? e alam nyo na ngang hindi kami goods niyan sa isa't isa. Nakita n'yo na nga kung papaano ko siya sungitan di'ba?" halos masungit na sunod ko na sabi.

"eh bakit mo nga ba kasi siya sinusungitan aber?" tanong pa ulit niya.

"and wag mo sasabihin na kaya mo ginagawa yon kasi dahil sa nagkabungguan kayo sa opening." sunod na sabi ni tita Vangie. Ganon na lang na umawang bigla ang labi ko hindi kaagad nakapagsalita.


narinig ko na matawa ng mahina si tita Vangie pero agad din iyong nawala ng sabay sabay naming mapansin na nagising na pala yung makulit na lalaki. Napasinghap lang ako at napairap na lang sa isang tabi.

dahan dahan siyang umayos ng upo. Tinanggal pa niya ng minsan ang salamin niya dahilan para kusot kusutin niya ang magkabila niyang mata. Habang ang isa naman niyang kamay ay bahagya ng nakahawak sa batok niya. Talagang nangalay siguro ng husto. Pero pagkatapos niyon ay hindi ko aakalain na makuha pa niya ulit na ngumiti na para bang hindi masakit iyong batok at leeg niya!

nangunot na lang din kaagad ang noo ko at mabilis na ibinalik kay tita Vangie ang paningin ng marinig ko siyang paimpit na tumili. Mahina man iyon at hindi ganon kalakas. Grabe? yung totoo? kinikilig na siya doon? yon lang ginawa nitong mokong?


tumingin sa akin si mokong pero sa halip na ngitian siya ay siniringan ko lang siya bago ko tuluyan na sinandal ang aking likuran sa sandalan. Tinignan ko ang labas at hindi pa rin pala ganon kadilim. Maaga pa rin pala. Matagal akong nakatingin lang doon ngunit agad din natigilan ng mapansin ko sa peripheral vision ko na nasa akin lang ang paningin ni mokong.

"wag mo kong titigan." mariin na sabi ko sabay pairap na ibinalik sa kanya ang paningin. "bakit hindi ka pa umuwi?" barumbadong sunod na sabi ko pa dahilan para maramdaman ko kaagad ang pag dunggol ni mama sakin. Nilingon ko siya sabay sabi ng 'what?' ng walang boses.


pinagkunotan niya na ako ng noo at palihim na pinalakihan ng mata. Inalis niya ang paningin sakin at pagkatapos ay ibinalik kay mokong na ngayon ay nakangisi pa rin. Hindi ko tuloy ulit napigilan ang mapasiring. Ganyan ba talaga siya?

"ah iho, pagpasensiyahan mo na si Samantha. Ganyan lang talaga siya." pakiusap ni mama.

"mama?!" agad na reklamo ko dahilan para makuha ko ang atensyon nila.

"bakit may masama ba doon sa sinabi ko?" tanong pa niya!

"ewan ko sa inyo!" tanging nasabi ko na lang din. Padabog akong tumayo bago sila nilagpasan lahat. Pero wala pa man at hindi pa man ako tuluyang nakakahakbang sa palapag ng hagdanan ay narinig kong tawagin ulit ako ni mama. Hindi ko napigilan ang mapapikit ng mariin.

"Samantha! ano ba?!" maawtoridad na tawag niya. Wala pa man din ilang segundo ay mabilis kong naramdaman ang pagyapak niya papalapit sakin. Napasinghap lang ako. Nag antay ako ng kung ano pang sasabihin niya pero ganon na lang akong nagulat bigla ng hatakin at akayin na lang niya ako ng basta papunta sa kwarto ko!

sinusubukan ko pa na magpumiglas pero hindi niya ako binitawan. Hanggang sa tuluyan na kaming nakapasok sa kwarto ko. Saglit niya pang nilock ang pintuan bago niya ako hinila at iniupo sa hangganan ng kama ko. Nakangunot ko lang siyang tinignan habang siya naman ay seryoso lang. Hindi galit.

"ano bang gusto mo ma?" hindi ko napigilan na itaas muli ang magkabila ko na kilay. Sinilip ko pang muli tignan ang gawi ng pintuan bago tumingala para tignan ang kisame. "alam mo naman na hindi kami close non at kahit kailan hindi yon mangyayare."

"Samantha, pagbigyan mo na yung batang iyon. Hindi mo alam siya ang nagpapakain sa atin." biglang sabi niya dahilan para agad din akong matigilang titigan siya. Umupo siya sa tabi ko at basta na lang siyang naglabas ng ID. Ipinakita niya yon sakin at ipinahawak.

"umalis na ako sa dati kong trabaho." panimulang paliwanag niya. Hindi agad ako nakapagsalita at tahimik lang na binasa ang nakasulat sa ID. Nang makuntento ay mabilis ko siya na tinignan. Mapait lang niya akong nginitian at pagkatapos ay malalim na bumuntong hininga.

"kailan pa?" halos mahirapan ako sa pagtatanong. Hindi ko na rin napigilan  ang mautal.

"it's been a year na din. Hindi ko lang sinasabi sa inyo ng kuya mo." inalis niya ang paningin sakin at marahan na pinagku kutkot ang kanyang mga daliri. "kasi alam ko naman na hindi n'yo ko kakausapin. Dah-"

hindi ko na siya pinatapos pang magsalita at basta na lang siyang niyakap ng mahigpit. Tulad ko niyakap niya rin ako. Kahit gusto ko rin na magsalita pa ay hindi ko magawa. Ilang minuto kaming nanatili sa ganon posisyon hanggang sa siya na ang unang kumalas.

nang lingunin at tignan ko siya ay agad na nangibabaw sakin ang pag aalala. Agad akong gumapang sa kama para kuhain ang isang box ng tissue para mapunasan ang luha niya.


sa huli napagkasunduan din naman namin ang kanina pa niyang hiling. Pumayag na rin ako hindi dahil sa gusto kong makasama si mokong kung hindi para kay mama. Si mama na rin ang namili ng isusuot ko habang ako naghahanap naman ng magandang maipapares na sapatos. Pero sa dami ng makulay na sapatos na meron ako sa itim na kulay ako nauwi.


"ayan ang ganda!" masayang puri ni mama ng matapos na akong mag ayos sa sarili. Nagsuot lang ako ng simpleng white turtle neck na longsleeves partner with checkered skirt. Kinuha ko lang din ang maliit ko na sling bag bago kami tuluyan na lumabas pababa sa sala ni mama.


"ma, bakit pala ang aga mo umuwi ngayong araw kung nagta trabaho ka sa company ng dad ni..." putol ko ng hindi ko ganon na matandaan ang pangalan ni mokong. Narinig ko na matawa si mama. Hala tawanan ako?!


"Gaviniel." sambit niya. "alam mo sa totoo lang mamaya pa talaga ang out ko ng gabi. Pero dahil sa nag overtime ako kagabi sa trabaho ay nag desisyon siyang pauwiin ako ng maaga ngayon." paliwanag niya.

"ang ganda naman ng pamangkin ko!" mabilis na lumapit sakin si tita Vangie ng tuluyan na kaming makapunta ni mama sa sala. Awkward ko siya na nginitian bago ko binalingan ng tingin si Gaviniel na ngayon ay nakatayo na at daretsong nakatingin sakin.


"siya sige na umalis na kayo." mahina akong tinulak nila mama para magpa maunang maglakad palabas. Minsan ko pang na witness na mag usap sila Gaviniel at mama dahilan para saglit akong magtaka. Nang marating ko na ang sasakyan niya ay hindi kaagad ako sumakay at sa halip ko na muna siya.

"why are you there?" iyon agad ang bungad na tanong ni Gaviniel sakin ng makita niya akong nakatayo lang sa tabi ng sasakyan niya habang magkakrus ang magkabila kong mga braso. Hindi ko tuloy mapigilan ang matawa ng sarkastiko at pagkunotan siyang tignan.

"so, what would you expected me to do? to get inside your car that so easily. Without your permission?" sarkastikong sagot ko na lang din bigla sa kanya bago umayos ng tayo. "well, that's not my thing." nginitian ko siya pagkatapos. Ngiti na may tinatagong asar.

mariin lang siyang bumuntong hininga at pagkatapos ay basta na lang siyang naglakad sa gawi ko dahilan para saglit akong tumabi roon. May pinindot lang siya na kung ano at pagkatapos ay basta na lang niyang nabuksan kaagad ang pintuan ng sasakyan. Pero hindi pa rin ako kumilos.


"tell me if you wanted me to carry you." ganon na lang kaagad akong nagulat matapos marinig ang kanyang sinabi. Palihim lang siyang ngumisi bago inalis ang paningin sakin. Carry carry pinagsasabi niya?! Hindi na ako nagsalita pa at mabilis nalang na kumilos para sumakay sa sasakyan niya.


maganda ang sasakyan niya. Pag upo ko hindi ko naiwasan ang mamangha na lang kaagad dahil sa napakalambot niyon na upuan. Maging ang hangin na inilalabas ng aircon doon ay sobrang lakas. Minsan ko pa na nilingon sa salamin ang backseat dahilan para agad ko rin mapansin ang isang basket na nakapatong lang doon.

nang tuluyan na ring makasakay si Gaviniel sa driver's seat ay minsan pa niyang kinawayan sila mama at tita Vangie bago siya nagsimulang magmaneho. Simula niyon ay naging tahimik na rin ako. Nakangiwi ko na lang na pinagmamasdan ang bawat nadaraanan namin maging ang mga sasakyan na nakakasabay namin.

"anong ginagawa natin dito?" lingon ko sa kanya ng makita ang pamilyar na pasyalan ng mga studyante maging sa mga gustong mag picture taking pang selfie. Ang Intramuros.

"nothing. I just wanted to be familiarize to some attractions that have here." simpleng sagot niya lang bago niya sinimulang tanggalin ang seatbelt niya. Ganon rin ang ginawa ko pero bago ako tuluyang bumaba ay minsan pa akong naglagay ng liptint ng makitang nakalimutan ko palang maglagay.


dahil sa laki din ng Intramuros ay hindi namin kaagad alam kung saan kami magsisimula kaya sa huli kinailangan pa naming gumamit ng Google Map para tignan kung saan ang magandang unang puntahan. Nang makita ko na mas malapit kami sa Fort Santiago ay iyon na muna ang inuna namin.


habang naglalakad at bawat madaanan namin ay kaagad ko na kinukuhaan ng litrato. Hindi kasi maikakaila na sobrang ganda pala dito kapag gabi. Bukod kasi sa maraming tao ang nandito na naglalakad katulad namin ay marami ring mga nagba bike. At kung sa mga attractions ang pag uusapan, ay mas lalo lang na nakikita ang tunay na ganda ng mga ito sa gabi.

"why some people here are wearing that wedding dresses?" agad na turo niya sa mga taong nadaraanan namin. Halatang nacurious siya kaagad.

"ah yan?" tanong ko pa sabay lingon sa kanya na ngayon ay nasa akin na ang paningin. Magkasalubong na ang kanyang mga kilay at bahagya namang nakakunot ang noo. "ano yan...I think they're having a photo shoot for the guests of the bride and groom wedding." pagpapaliwanag ko.

halos matigilan din agad ako ng bigla ko na lang marealize ang gawi at paraan ko ng  pakikipag usap kay Gaviniel. First time ko kasi yatang makipag usap ngayon ng maayos sa kanya?! Anyare Samantha? naging mabait ka yata bigla?

sa sobrang lalim ng pag iisip ko tungkol doon, ay ganon na lang din kaagad akong nagulat ng maramdaman kong may bigla na lang humawak sa bewang ko ng sobrang bilis dahilan para ganon ko na lang din kabilis na naikapit sa braso niya ang mga kamay ko.

magrereklamo pa sana ako kay Gaviniel pero halos ganon na lang ang pagtataka ko ng bigla na lang siyang maging seryoso. Normal niya lang akong tinignan pero naroon ang magkasalubong pa rin niyang mga kilay.

"Be careful. Don't make me feel worried." bulong na sabi niya bigla sa mismong tainga ko.

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

1.1K 116 4
"ඔයා මං ලඟ සතුටින් නෙවෙයිද ලියෝ ඉන්නෙ.." ❤️ "ඔයා ගොඩක් හොඳ කෙනෙක්. ඒකනෙ කිසිම ආදරයක් බලාපොරොත්තු නොවීම ඔයා මට ඔයාගෙ ආදරේ සේරම දෙන්නෙ.... දන්නවද. මං ඔ...
8.8K 51 9
this book is hot and steamy smut read at your own risk
269K 6.3K 36
Gisella or as she prefered to be called Ella has a pretty normal life. She has a dad and a mom. But when her mom leaves for some American man and her...
3.7M 294K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...