How to say Goodbye

By adelinangeles

1K 117 630

Kung kinakailangan ng pangbuhay na paghihintay bago tayo muli magkita, handa akong haharap sa pagsubok ng ati... More

Letter of the Author
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38

Chapter 3

25 3 13
By adelinangeles

Matapos kong mapatunayan na nasa ibang lugar ako. Unti-unting nawala ang aking tatag na mahanap si Kishana o mailigtas man lang siya sa mga taong kumuha sa kaniya. Pakiramdam ko ay kinuha na ang lahat ng aking pag-asa.

Patuloy pa rin ako sa paglalakad habang ang isipan ko ay gulong gulo. Paano ako napunta sa panahon na ito? Paano nagyari ito? Paano? Walang tigil ako sa paglalakad. Hindi ko na alam kung saan ako napadpad. Hanggang sa makapunta ako sa isang tahimik na lugar. May mga upuan at mga halaman pati puno sa paligid. Mga taong nakaupo at may mga batang naglalaro.

Hindi ko na alam kung anong oras na. Naupo na rin ako sa isa sa mga mahahabang upuan. Naririnig ko ang pag-iingay na aking kumakalam na sikmura at ramdan ko rin ang pananakit na aking paa sa kakalakad.

Napaisip tuloy ako ngayon kung pinaparusahan ba ako. May mali ba akong nagawa? May lumapit sa akin na mga bata. Ang dungis nilang lahat.

"Kuya, kuya pangeng pera," sabi niya habang nakalahad ang kanilang mga kamay. Hindi ko sila maintindihan ngunit parang naghihingi sila sa akin ng tulong.

Umiling lang ako. Iniiwasan ko magsalita dahil alam ko naman na hindi nila ako maiintindihan at lalo na magmumukha lang akong kakaiba sa paningin nila na siyang tunay naman.

Napahinga nalang ako na sobrang lalim.

Kishana patawarin mo ako kung nabigo akong ipagtanggol ka.

Bigla akong may naalala na alaala.

"Kahir! Kahir! Kahir!" Pagtawag sa akin ng isang babae."Sandali lang! Bakit ang bilis mong maglakad?" Tanong niya.

Huminto ako sa paglalakad. "Ano ba ang nais mo? Hindi mo ba napapansin na napakaabala ko?" Naiiritang tanong ko sa kaniya.

"Bakit mo ako iniiwasan nang nalaman na galing ako sa mga dugong bughaw?" Tanong niya sa akin. "Bakit dahil ba mataas ang aking katungkulan?" Tanong pa niya.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

"Kinakausap kita Kahir!"

Alam kong wala pakikitunguhan ang aking pakikipagkaibigan sa kaniya. Bago pa man mahuli dapat lumayo na ako.

Ang araw na iyon ay ang nalaman ko na nakatakdang ikasal siya sa isang prinsipe. Napatingin ako sa langit. Mabuti nalang at hindi pa tirik ang araw. Napalingon-lingon ako sa aking paligid. Mabuti nalang at tahimik dito ganon pa man hindi ko alam kung ano ang tawag nila sa lugar na ito.

Bettina

Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Umunat na muna ako at umupo sa aking kama habang antok na antok.

"Good morning Kahir," bati ko habang nakasara ang aking mga mata. Kaagad ko kinapa ang phone ko kung naka-open ba ang Google translate. Nang makuha ko ang phone ko dahan-dahan ko muling minulat ang mga mata ko.

Lowbat ma pala ako, paano yan? Baka hindi ako maintindihan ni Kahir. "Uy pasensya na ah," sabi ko. Napalingon ako sa baba kung nasaan siya. Nanlaki ang aking mga mata nang makita kong wala na siya. Nakaligpit na ang mga pinaggamitan niya at wala na wala nang bakas na andito siya.

Kaagad ako napabangon. Nasaan na siya? Baka anong magyari sa kaniya? Kaagad akong umalis nang aking higaan. Wala nang ligo-ligo kaagad kong kinuha ang jacket ko. Umaasa ako na hindi pa siya nakakalayo.

Kaagad kong binuksan ang pintuan ng condo ko. Tumakbo ako para hanapin siya hindi ko na naisip ko anong iisipin ng iba. Kailangan ko siya mahanap. Baka pagtripan siya ng mga tao. Sa sobrang focus ko na makita at mahanap siya hindi ko na naisip na sumakay ng jeep or taxi.

Ilang oras na rin ako tumatakbo nang walang tigil. Hanggang sa napahinto ako sa pagod. "Kahir!" May naaninag akong kulay drake brown ang buhok at kakaiba ang suot. Kaagad akong tumakbo papalapit doon. Nang kalabitin ko ibang tao pala ito.

"Sorry po," sabi ko.

Napalingon ako sa kapaligiran ko. Ang daming tao ang nagdadaan habang nakatingin sa akin. Sa sobrang pagkahiya kaagad akong tumakbo sa malapit na parke. Doon... Doon ko na halos maramdaman na naglalambot na ako.

Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit hinahanap ko pa siya. Kung bakit concern ako sa kaniya. Bakit nga ba? Bakit nga ba?

"Kahir? Kahir! Kahir! Nasaan ka na ba?!" Pagtawag ko.

Pakiramdam ko parang akong nasa K-Drama kung saan hinahanap ni Choi Woo-Seung si Yoo Hyun-Jae pero hindi ito ang time para mag-ala wonder ako na nasa K-Drama ako dahil kailangan kong mahanap si Kahir.


I was good for you
You were bad for me
I was solid ground
You were broken wings

"Kahir?"

Kahit sinong mahahabang buhok na tuloy ang napagkakamalan kong si Kahir.

I gave you love, you gave me pain
You gave me hell, I gave you grace
I was good for you
You were bad for me

Halos na wawalan na ako nang hope. Parang tanga nalang ako rito na naghahanap kung nasaan na siya.

So why do I still wish you'd call me, call me?
And why do I still pray you care?
I was blind to what I didn't want to see
And I knew all along that you were gonna leave
So why do I still wish you'd miss me?
(Still wish you'd miss me)
(Still wish you'd miss me)

Nais ko nang maiyak. Napansin ko rin na wala akong suot na tsinelas. Daig ko pa ngayon ang nababaliw. Iniisip ko tuloy kung imagination ko lang ang lahat.

Iniisip ko kung may nag-e-exist ba talagang taong nangangalang Kahir o wala. Matutumba na sana ako sa lambot nang may biglang may humila sa akin para hindi matumba.

I wish I could hate you
It'd sure make things easier
But that ain't changing
What we're not and what we were, no...
I gave you love, you gave me pain
You gave me hell, I gave you grace
So why do I still wish you'd call me, call me?
And why do I still pray you care?
I was blind to what I didn't want to see
And I knew all along that you were gonna leave
So why do I still wish you'd miss me?

Hindi ko napagilan ang aking sarili at niyakap siya habang umiiyak. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko simula nung makita ko siya. Hindi ko alam pero parang matagal ko na siyang kilala.

Bakit? Bakit? Bakit?! Bakit ganito?! Bakit kailangan makilala ko pa siya.

"Bakit umalis ka nang biglaan?! Bakit?" Tanong ko sa kaniya. Alam ko naman na hindi niya ako maiintindihan.

That you were still with me
With my hand on your leg on that bench seat
That you would still kiss me
And it would still hit me
Like that late night parked on a side street

"уучлаарай... Bettina," sabi niya sa akin. Lalong napahigpit ang yakap ko sa kaniya. Kahit hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng sinabi niya pinawala pa rin niya ang pagod ko.

So why do I still wish you'd call me, call me?
And why do I still pray you care?
I was blind to what I didn't want to see
And I knew all along that you were gonna leave
So why do I still wish you'd miss me?
Ooh, yeah still wish you'd miss me
But I know you don't

"Pakiusap huwag mo nang uulitin iyon," sabi ko sa kaniya. Naramdaman ko ang kaniyang pagtango sa aking sinabi.

Kahir

Hindi ko alam paano ko naintindihan ang mga tanong niya sa akin. Ang masasabi ko lang ay masasakit ang kaniyang mga iyak ngunit kahapon lamang niya ako nakikilala bakit kung umasta siya ay parang matagal na panahon na niya ako kilala.

Dahan-dahan na siya humiwalay sa akin.

"уучлаарай," tanging nasabi ko sa kaniya.
{HTR:uuchlaarai.}
[Patawad.]

Alam kong hindi niya ako naiintindihan ngunit dahil sa nakikita ko sa kaniyang mga mata parang matagal na niya akong kilala kung kaya madali nalang ako maintindihan sa kilos o sa aking pagsasalita.

Suminghot singhot siya. "Ang OA ko no? Pasensya na ewan ko ba kung bakit din ba ako nagkakaganito," sabi niya sa akin. "Nga pala asaan na ba ang phone ko?" Kinapa niya ang kaniyang sarili bandang balakang. Nanlaki ang kaniyang mga mata.

"Haizt! Patay! Wala ang phone ko baka naiwan ko sa condo? O kaya nahulog ko?" Gulong gulong sabi niya. "Hindi ko na maalala!" Tado kamot siya sa kaniyang ulo na parang nababaliw na. Natawa ako sa kaniya.

"Anong tinatawatawa mo riyan hah?!" Halos nanggigigil sa inis na sabi niya. Hindi ko man siya maintindihan ngunit nakakatawa ang kaniyang mukha.

"чи уурласан үедээ хөөрхөн харагддаг," natatawa ng kaunti na sabi ko sa kaniya.
{HTR:chi uurlasan üyedee khöörkhön kharagddag.}
[You look cute when you are angry.]

Napahinga nalang siya nang malalim at naupo sa pinakamalapit na upuan.

"*Sigh* paano na tayo magkakaintindihan nyan? Eh wala tayong Google translate? Wala akong phone e." Malungkot niyang sabi daig pa niya ang natalo sa gera.

Tinignan niya ako. Sinusubukan ko magsalita gamit ng aking mga kamay at daliri baka maintindihan niya ako.

"Ano? Hindi ako marunong ng sign language," sabi niya habang nakakalumbaba.

'Sign language'? Yun ba ang tawag sa ginagawa ko? Bago lamang sa akin ang salita na iyon akala ko pa naman alam ko na ang lahat dahil sa mga libro na nababasa ko ngunit hindi pa pala.

"Teka nga paano ka napunta rito?" Tanong niya.

"чи яагаад намайг хайсан юм бэ?" Tanong ko naman.

{HTR:chi yaagaad namaig khaisan yum be?}
[Bakit mo ako hinanap?]

"Hindi ka ba talaga marunong magtagalog? " Tanong niya sa akin. Hindi naman ako kumibo. "Hayst! Ano ba yan," nagwawala siya nang parang bata.

Napansin ko tinitignan kami ng mga tao. Siguradong nagtataka sila sa aking kasuotan. Kakaiba nga ang aking suot at maniwala man kayo sa hindi unang beses akong pagpawisan.

"Nagmumukha na tayong mga tumango rito kaya umuwi na tayo, okay?"

Tumango lang ako kahit walang naintindihan. Biglang napatalon ang aking puso nang bigla niyang hinawakan ang aking kamay. Tumayo siya at dinala ako sa direksyon na kaniyang pupuntahan. Kinumpas-kumpas niya ang kaniyang isang kamay at may humintong gumagalaw na bagay. Sumakay kami roon.

Ang daming tao rito. Ano ang bagay na ito? Mga tanong na itinatanong ko ngayon sa sarili ko. Bakit nga ba ang daming tao? Napansin kong tinitignan nila kaming dalawa. Hindi ko makita kung nahihiya na ba ngayon si Bettina. Walang kibo naman ang ibang tao.

Makalipas ang matagal na pagsakay sa bagay na ito nakakita ako nang pamilyar na lugar. Bumaba naman kami ni Bettina sa bagay na sinakyan namin. Hawak-hawak pa rin niya ako.

Hindi ako pwedeng magkamali. Ito ay kaniyang tahanan. Kaagad naman kami pumunta sa loob. Hila-hila niya ako. Nang makapunta na kami sa loob pinagtitinginan kami ng ibang tao ngunit mukhang nagmumukhang magkasintahan kami na mayroong hindi tamang pag-iisip dahil sa aming mga suot.

Sumakay kami sa bakal na kahon nakakasya ang tao at tila ba parang tumataas ito. Nang matapos ang mabilisang pagtaas kaagad na kami pumunta sa pinakasilid niya na sakto lang ang laki. May pinindot pundot siya at bumukas ang pinto. At pumasok na kami.

Kaagad naman siyang may kinuha.

"Okay, naka-on na si Google."

"Google? Teka anong tawag mo sa lugar na ito?" Tanong ko.

"Condo ang tawag dito parang mini-home kaso may bayad din. Anyway mag-aral tayo ng wika namin para hindi na tayo mahirapan. Tsaka magpalit ka ng damit sigurado pinagpawisan ka na." Binigyan niya ako ng pamunas at ang bagong kasuotan.

"Kung nagtataka ka saan galing yan, binili ko yan. Mahilig din kasi ako sa mga T-shirt ng mga lalaki."

"Maraming salamat pupunta na ako sa palikuran."

"Makabago gamit dyan ah. Malay ko kung anong itsyura ng mga banyo ninyo," sabi niya sa akin.

Sa aking pagpasok nagulat ako sa aking nakita. May mga puting bagay na bago sa akin. May mahabang bakal na nakalagay sa itaas.

Ano ito? Takang taka ako kaya naman binuksan ko. At biglang naglabas ng tubig. Hindi ako nakahanda kaya nabasa ang aking damit.

"Ah!" Sigaw ko na halos nalulunod na sa rumaragasang tubig sa mukha ko. Kaagad dumating si Bettina. May hinawakan siya kaya tumila yung tubig.

"Ano itong bagay na ito?" Tanong ko.

"Ang tawag dito shower! Dapat nagtanong ka muna bago ka nag-wonder mag-isa!" Sabi niya sa akin na halos nagagalit.

May inabot siya sa aking pabilog na may hawakan. "Ito tabo gamitin mo pag-aralan mo kung paano. Ito naman timba, okay?"

Matapos niyang patayin ang tubig lumabas na siya. Mukhang ako nalang ang bahalang umintindi kung paano ito gumagana.

Song: Wish you'd miss me by Chase Wright

Continue Reading

You'll Also Like

13.2K 336 55
"when you left, every part, every breath every heart beat of your body slowly became requisite parts of my poetry." a collection of free-verse poem...
50.4K 815 13
Ashleigh Sharalyn Macalinton is a college student that transmigrated to the body of a weakest daughter of a powerful and a heartless Duke. She didn't...
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
Socorro By Binibining Mia

Historical Fiction

1.1M 70.4K 27
De Avila Series #1 "Wattys 2022 Grand Prize Winner" Known as the most stubborn and troublemaker daughter of the De Avila family, nothing stops Socorr...