Volviendo Al Pueblo Hundido

By crsntmoon_

24.5K 1K 1.5K

Sa isang kahilingan na matagal nang nag laho dahil sa kapanahonan. Paano kung ang matagal mo nang hiling nung... More

Warning!!
VAPH NOTES
Ika-1
Ika-2
Ika-3
Ika-4
Ika-5
Ika-6
Ika-7
Ika-8
Ika-9
Ika-10
Ika-11
Ika-12
Ika-13
Ika-14
Ika-15
Ika-16
Ika-17
Ika-18
Ika-19
Ika-20
Ika-21
Ika-22
Ika-23
Ika-24
Ika-25
Ika-26
Ika-27
Ika-28
Ika-29
Ika-30
Ika-31
Ika-33
Ika-34
Ika-35
Ika-36
Ika-37
Ika-38
Ika-39
Ika-40
Ika-41
Ika-42
Ika-43
Ika-44
Ika-45
Ika-46
Ika-47
Ika-48

Ika-32

211 9 35
By crsntmoon_

NANGINGINIG ANG kamay ko habang nakatingin sa bintana. Kasama ko ngayon ang Don na naging parte ng buhay ni Ama. Nasa loob kami ng iisang kalesa at hindi ko alam kung anong mangyayari sa aming dalawa.

May pagitan kami sa isa't isa kung kaya't nakakahinga ako ng maayos. Narinig ko ang mahinang pag tawa ng Don kaya napalunok ako ng kaunti. "Huwag kang matakot Estela Asuncion wala akong gagawing masama saiyo." May halong sarkastikang saad nito.

Napanatag ang loob ko. Huminto ang kalesa na sinasakyan namin sa pamilyar na Hacienda. Ngumiti ito sa akin at naunang bumaba. "Huwag kang mag alala wala sya rito." Saad nang Don at na unang pumaba.

Napahawak ako sa tyan ko dahil na tatae na ako. Kagat labi akong sumonod sa Don. Pumasok kami sa isang kwarto na marahil ay opisina nya. Umopo ang Don sa upuan nya. Umopo naman ako sa gilid ng lamesa ng Don.

Tiningnan ako ng Don hanggang bumaba ang kanyang tingin sa tyan kung hawak hawak ko. Juiceko! Alam yata ng Don na natatae na ako! Epal kasi ang utot ko. Nakakairita. Akala ko hindi nya na amoy. Tsk.

Tumikhim ako sa Don. "A-Ano po ang pag uusapan natin?" Kinakahabang saad ko dahil natatae na talaga ako. Inangat nya ang tingin nya sa akin. "Nais kung sabihin sayo na layuan mo ang aking Anak." Napaangat ako ng aking tingin nang sabihin nya yun.

Parang tinusok ng libong libong kutsilyo ang puso ko dahil sa mismong Ama pa ng taong mahal ko ang nag sabi non. "N-Ngunit Don Fortunato bu-----" bumaba na ang kilo ng bigas kaya pwede na kaming gumawa ng bata. Char. Pinutol ng Don ang sasabihin ko.

"Alam ko, isang biyaya yan ngunit kailangan mong layuan ang aking Anak, iha." Lumungkot ang mukha nito. Nakagat ko naman ang ibaba kung labi. "B-Bakit ko naman po lalayuan ang A-Anak nyo?" Parang naiiyak na saad ko.

Nikailan man ay walang nag sabi sa aking layuan ko ang isang bagay. Siguro dahil wala naman akong lalayuan? Masakit sa pakiramdan na lalayuan ko ang taong mahal ko. Masakit sobra. Sobrang sakit.

"Bakit mo nga ba lalayuan ang anak ko?" Seryosong saad ng Don kung kaya't nakaramdam ako ng takot. Tumingin ito sa akin ng napaka seryoso. "Muntik nang hindi makakuha ng Certipiko ang aking Anak nang dahil sayo, iha." Galit na saad nito sa akin na ikinagulat ko.

Tumayo ako na gulat na gulat. "P-Paano? Palagi nyang sinasabi sa akin na maganda ang gr----" naputol ang sasabihin ko nang tumawa ito ng puno ng sarkastika. Umalingawngaw ang tawa ng Don sa buong silid. "Marahil ay nag susunungaling ang Anak ko, iha." Seryosong saad ng Don. Nakita ko nanaman sakanya ang itsura ni Ama.

"P-Pero hindi sya n-nag sisinungaling sa akin." Hindi makapaniwalang saad ko. Tumawa ulit ito. "Kung ganon nag sinungaling sya sayo ngayon Iha, alam mo bang mas inuna nya pang samahan ka kisa kumuha ng pag susulit?" Sarkastikang saad ng Don sa dulo.

Napahawak ako sa dulo ng lamesa ng Don. Naalala ko ang oras na nawala ako sa sarili ko. Sinamahan nya akong sundan si Ina. Mukhang hindi sya nakapag aral nang dahil sa akin.

Kinaumagahan naman ay sinamahan nya akong sundan si Ina pero hindi natuloy yun dahil dumating si Liwayway. Buong araw akong umiyak hindi lang buong araw dahil buong lingo yun.

Palaging andyan si Antipatiko para sa akin pero ako? Inisip ko man lang ba ang ikakabuti nya? Inisip ko man lang ba ang sarili nya? Hindi, eh. Dahil sarili ko lang ang inisip ko. Hindi ko sya inisip. Hindi ko man lang tinanong kung ayos man lang sya.

Mukhang hindi ako magandang impluwensya para sakanya. Parang imbes na itaas ko sya mukhang ibinababa ko pa sya. Tsk. This is my fault again. Nagugulo ang buhay nila dahil sa akin.

"Alam mo rin ba na napapabayan nya na ang kanyang sarili dahil sa pag aasikaso sayo? Hindi ko na batid na ganon mag asikaso ang aking pangalawang anak, handa nyang iwan ang lahat para sa taong gusto nya, para sa taong mahal nya." Natatawang saad ni Don Fortunato.

Hindi ko alam kung kikiligin ba ako, maiinis, malulungkot o magagalit dahil sa sinabi ng Don. Samut saring emosyon ang nararamdaman ko ngayon. "Mukhang hindi mo yun alam iha, mukhang mas mahal mo pa ang alaga mong aso kisa sa anak ko." Seryoso nanamang saad ni Don Fortunato.

Nakagat ko naman ang ibaba kung labi dahil wala naman akong aso. Takot nga ako doon, eh. "W-Wala po akong alagang aso." Pag amin ko. Tinitigan ako ng Don bago humagakhak ng tawa. Tsk. Bipolar. Ang mabilis mag bago ng expresyon.

"Nais kita para sa Anak ko, Iha, ngunit kailangan mo parin syang layuan." Seryosong saad ng Don sa dulo. Bumuntong hininga ako sabay iling. "H-Hindi ko po yun magagawa Don Fortunato, hindi ko kaya na wala ang Anak nyo." Pag aamin ko nang totoo. Kasi sino naman ang makakasama ko kapag bibili ako ng pagkain na pinag lilihian ni Andrea.

Kaltukan ko kasi si Calisto eh. Binuntis ng maaga si Andrea tapos ngayon namatay. Dinamay pa si Esteban. Tsk. Namiss ko na tuloy ang Kuya ko. Tsk.

"Makakaya mo yun Iha, nag padala lang kayo sa tukso ng inyong damdamin, dapat ay maaga na kayong ikinasal para wala na akong problemahin ngayon, bilang isang Ama iniisip ko lang ang makakabuti sainyong dalawa, iha." Hirap na hirap na saad ng Don na akala mo ay napaka laki ng problema nya sa mundo.

Inis ko syang tiningnan. Paano ba naman lalabas na yung tae ko ang dami pang sinasabi ng Don naito. Tsk. Lalabas na pramis. "Hindi yun ang makakabuti sa amin Don Fortunato, kung sana ay hindi nyo pinutol ang kasal edi sana wala kanang pinoproblema ngayon." Mag gagaya ko sa sinabi ng Don sa dulo.

Napataas ang kilay nito bago tumawa. "Iha, kung hindi lang sana masyadong masungit ang iyung Ama edi sana maganda ang buhay nyo at ng pamilya namin ngayon." Habang sinasabi ng Don yun ay may halong pait. Mukhang may alam ang Don na ito sa nangyari kay Ama.

Napabuntong hininga ako. "Hindi ko lalayuan ang anak mo Don Fortunato, tapos ang ating usapan." Mabilis na saad ko. Hinawakan ko pa ang tyan ko para mapigilan ang pag sabog ng granada. Napatingin sa tyan ko ang Don bago napabuntong hininga. "Lalapit kadin sa akin Iha para pakiusapan ako, lalapit kadin at ikaw mismo ang hihingi ng tulong ko." Makahulugang saad ng Don bago ako lumabas ng kanyang opisina.

Hindi yun mangyayari Don Fortunato, hindi ako mabubusog sa aking sinambit.

NAKATULALA AKO habang nakatingin sa napaka habang pila ng hospital. Napabuntong hininga nalang ako bago pumasok sa loob ng hospital. Dala dala ko ngayon ang gamit ni Tiya Eleha. Nakakailang hakbang palang ako nang may humawak sa braso ko kung kaya't napahinto ako.

Napatingin ako sa kamay na naka hawak sa braso ko bago ko inangat ang aking tingin. Napataas ang kilay ko nung sumalubong sa akin ang malawak na ngiti ni Antipatiko. "Tsk." Singhal ko kay Antipatiko. Nakangiti nyang kinuha ang dala dala ko kung kaya't naka rinig kami ng bulong bulongan.

"Mukhang tunay ang balitang may relasyon parin ang dalawang Buenaventura at Andres."

"Syang tunay, nakakatuwa namang makita ang dalawang batang nag iibigan na ito."

"Parang sumariwa sa aking alaala ang pag iibigan namin ng yumao kung asawa, sana'y narito pa ang aking mahal."

Napangiti nalang ako sa loob ko nung marinig ko ang komento nila. Buti nalang walang nega. Kung hindi baka makasakal na ako. "Ikaw ba ay kumain na Eeya?" Nakangiting saad ni Antipatiko. Napabuntong hininga ako.  Dahil sa iyong Ama, Antipatiko. Nakalimutan ko nang kumain.

Umiling ako kay Antipatiko. "Hindi pa, eh. Ikaw kumain na?" Ngumiti ako sa dulo ng mapait. Mukhang hindi yun napansin ni Antipatiko pagkat hindi nawala ang kanyang ngiti. "Hindi pa Eeya, halika kain tayo." Napahinto ako nung marinig ko ang 'halika'. Dahan dahan kung inangat ang tingin ko kay Antipatiko.

At biglang may mga pangyayari akong naalala. Juiceko porsanto! Nakakahiya! Nakailang halik ako nun? Isa lang naman yun sa lips, eh! Sayang dapat dinamihan ko na. Hayz. Napaiwas ako ng tingin kay Antipatiko. Inagaw ko sakanya yung bayong na dala ko kanina.

"S-Sandali lang ibibigay ko lang ito kay Elisabet, h-huwag kanang sumama baka maatake pa sa puso si Tiya Eleha at matuluyan yun." Mabilis na saad ko kay Antipatiko. Napakunot ang nuo ni Antipatiko. "Eeya sandali lama-----" hindi ko na sya pinatapos. Tinaas ko ang kamay ko na ibig sabihin ay tumahimik sya.

"Huwag kanang sumonod! Sige dyan kanalang!" Hindi ko na sya pinasalita pagkat mabilis akong tumakbo papunta sa pasilyo ni Tiya Eleha. Para akong timang na tumatakbo. Nang makalayo ako kay Antipatiko ay napahawak ako sa puso ko. Juiceko! Nakakahiya talaga ang ginawa ko! Pero nag papasalamat ako kay Leticia at Minda na dahil sakanila ay naka halik ako kay Antipatiko hehe.

Mahina akong natawa sa na isip ko. "Estela Asuncion? Ano ang pangisi ngisi mo riyan? Kanina pa kita hinahanap." Nakakunot ang nuong saad ni Aexniqn. Napaayos naman ako ng tayo at parang tangang inabot kay Aexniqn yung bayong. "Aalis ako Aexniqn! Nagugutom na ako, eh!" Mabilis na saad ko kay Aexniqn.

Lalong nangunot ang nuo nya. "Saan kanaman pupunta Reighn? Gabi na oh? Hindi kaman lang ba kakai-----" hindi ko na sya pinatapos dahil tinakpan ko ang kanyang bibig. "Kakain nga ako kaya ikaw na bahala kay Tiya Eleha, ha? Sigeh! Bye! Labyou Aexiqn!" Mabilis na saad ko kay Aexniqn at hinalikan ang kanyang pisnge.

Tumakbo ako papunta sa baba. Napahawak pa ako sa puso ko dahil hinihingal na ako. Napahinto ako nang makababa ako sa hagdan nang makita ko si Antipatiko na seryosong nakatingin sa bintana ng hospital. Mukhang ang lalamin ng iniisip nya.

Nakangiti akong lumapit kay Antipatiko. "Pst, anong iniisip mo?" Natatawang saad ko kay Antipatiko. Napatingin naman sya sa akin sabay ngiti. "Ako ba iniisip mo Antipatiko? Ako ba?" Natatawang saad ko kay Antipatiko na puno ng kalukuhan.

Mahina naman itong tumawa at tumango. Bigla nanamang bumilis ang tibok ng puso ko. "Opo Eeya, maaari ba?" Nakangiti syang tumingin sa labi ko kaya napangiwi ako. Hinila ko ang tenga nya sabay tawa. Napadaing naman sya sa sakit. "A-Aray ko po Eeya!" Mangiyak ngiyak na saad ni Antipatiko.

Naniningkit ang aking matang binitawan ang tenga nya. Sinamaan ko sya ng tingin habang naniningkit ang aking tingin. "Ikaw, ha! Yang kapilyuhan mo! Umayos ka!" Parang nanay na saad ko kay Antipatiko. Natawa naman ito at ginulo ang buhok ko na lagi nyang ginagawa.

"Ako'y nag bibiro lang Eeya!" Natatawang saad nito. Hinampas ko ang kamay nya. "Nagugulo ang buhok ko! Huwag mo ngang ganyanin!" Naiinis na saad ko kahit ang totoo ay gusto ko naman. Tsk. Naiinis ako na ewan. Paano naman ay mag mumukha akong aso Tsk. Kagatin ko sya, eh. Grrrrr.

Tumawa ito ng marahan. "Ang ganda mo padin Eeya...." natatawang saad ni Antipatiko. Napataas ang kilay ko. "So hindi ako maganda? Minsan maganda ako minsan hindi? Ganon ba-----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang mag salita si Antipatiko.

"....pag nagagalit at naka kunot ang nuo." Dugtong nya sa sinabi nya kanina. Nanlaki naman ang mata ko. Pinag hahampas ko sya. "Ikaw! Ikaw na walang hiya ka! Napaka antipatiko mo talaga!" Iritang saad ko kay Antipatiko hanang hinahampas hampas sya.

Tumawa naman ito. "Antipatiko man ako Eeya ngunit ako naman ang Ginoong nag patibok ng iyung puso diba?" Nakangising saad nito. Napatigil naman ako sa pag hampas sakanya. Napatitig ako sakanya habang ang puso ko ay natalon sa sobrang tuwa samantalang ang aking mukha ay pulang pula na parang kamatis.

"Tama ba ako Eeya?" Nakangising saad ni Antipatiko bago tinaas taas ang kanyang kilay. Muling naningkit ang aking mata nang marealize ko ang sinabi nya. Inis ko syang pinag hahampas habang natawa. Masaya kaming pumunta sa pansitan at masayang kumain.

Ito na yata ang araw na hindi ko makakalimutan, may gulo man sa pagitan ng mga pamilya namin, ngunit nakakasiguro akong walang makakapag pa hiwalay sa amin at ang tadhana lang ang makakagawa......

*****

Hi moons! Its already 2:38 pm na ng April 12, 2021! Grabe inaantok na ako! Btw, good afternoon! Muah! Muah! Idlip muna ako char mag babasa lang ako haha.

Continue Reading

You'll Also Like

124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
197K 11.8K 44
Eloisa, a tomboy from the present has to travel in time to 19th century in order to save Marikit from the death caused by Maximilliano, a playboy hea...
Noli Me Tangere | √ By Nia

Historical Fiction

385K 1.5K 64
Buod ng bawat kabanata ng nobelang Noli Me Tangere From the book of completed and published Filipino Version translated by Leon Ma. Guerrero of Adarn...
Babaylan By Ann Lee

Historical Fiction

1.3M 79.5K 48
Standalone novel || Mula sa pamilya ng historians at archaeologists, lumaki si Cyrene na may malawak na kaalaman sa kasaysayan. Ngunit sa hindi inaas...