The Accused Mistress

By LadyClarita

1M 31.5K 4.5K

(Delilah Series # 2) "Is it true that you were your own stepfather's mistress?" Alam ko na kailangan kong dep... More

The Accused Mistress
Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Wakas

Chapter 21

20.7K 647 86
By LadyClarita


Chapter 21

The Trial

Ang pangarap na buhay na noon ay nakamit ko, ngayon sa isang iglap ay naging tila ba isang bangungot. Para akong nakulong sa isang pinakamasamang panaginip sa mabilis na pagdaan ng bawat pangyayari. At gaya ng dati, hindi ko rin ito mapigil at hindi ko kontrolado.

My stepfather, Attorney Apollo Villarejas was declared dead on arrival as we panically brought him to the hospital. Habang pinagmamasdan ang ina ko sa harapan ko mismo na halos maglumpasay na sa sahig ng ospital nang sabihin ito sa amin ng doktor ay namanhid ang buo kong katawan. Sinakop ng lamig at kilabot ang buo kong pagkatao.

Sa pagdaan ng bawat oras ay ang daming dumating na mga tao. Malalapit na kaibigan. Business partners, abogado. Ang daming mga tanong. Nawalan ako ng kakayanang magsalita at tumugon sa mga tanong nila dahil hindi pa ako makabawi mula sa pagiging gulantang sa buong pangyayari.

"The family would like to take this moment of privacy. Please, allow them to mourn first," pag-awat ni Attorney Pelaez sa mga imbestigador na walang pakundangan kung magtanong sa akin. Nang malaman niya ang nangyari sa malapit niyang kaibigan na si Papa ay walang pag-aatubili siyang nagtungo ng ospital.

Siya ang tumugon hindi lamang sa mga taga media kundi pati na rin sa mga kapulisan na pilit na kumukuha ng mga detalye sa nangyari.

Sa puntong ito ay wala akong maintindihan. Bakit may mga pulis? Bakit ang dami nilang tanong. Ang tanging naintindihan ko lang sa mga oras na iyon ay ang balitang narinig ko mula kay Manang na may mga pulis din na nag-imbestiga sa mansiyon.

And the worse days ended just for another much worse day to start. Napahiyaw si Mommy nang ibinalita sa amin ng awtoridad na kailangang pa-imbestigahan ang katawan ng Papa ko.

"How dare you take my husband?! How dare you disrespect his cold body?!"sigaw niya at nagsimula na namang magwala.

Naupo ako sa sofa at tinakpan ang mukha gamit ang dalawang palad. I was bone tired. Ang dami ring tanong na tumatakbo sa isipan ko sa loob ng dalawang araw. We could not even give my stepfather a decent funeral yet. Pinagbawalan pa kami ng mga awtoridad dahil kailangan daw ang katawan ni Papa para sa imbestigasyon. Pagod akong nag-angat ng tingin sa investigator.

"What's really happening? My family needs to know," pagmamakaawa ko. Desperado na sa mga sagot sa lahat ng tanong na gumugulo sa isipan.

"As of the moment, Ma'am, we cannot disclose any confidential information regarding the case." Nanatili namang maingat ang imbestigador. Wala akong makuhang palatandaan base sa mga kilos at sagot niya kanina pa.

Marahas akong tumayo at sa nanginginig na kamay ay itinuro ang labas ng mansiyon. Mahapdi na rin ang mga mata ko dahil sa mga luhang naiipon. Maski ang pag-iyak ay wala na akong pagkakataon na gawin pa.

"My father is dead!"panggigigil ko, " And you... you want to make some... some tests on his body without really telling us the reason of it?! For what, officer?! For what?!"

Nanatiling deretso ang kanyang matalas na tingin. Wala pa rin akong nabasang bakas sa kanyang mga mata sa maaring impormasyon sa nangyayari .

"Huwag po kayong mag-aalala, Ma'am. We will inform you the progress once we have concrete evidences."

Napasinghap ako sa kanyang huling sinabi. Nanlamig ulit ang katawan ko. Sa naniningkit na mga mata ay mariin ko siyang tinitigan. Hindi ako tanga para hindi mapagtagpi-tagpi ang kakarampot na impormasyong nasagap ko.

"Was he...killed?" tanong ko sa nanginginig na boses dahil sa takot. "Hindi aksidente o natural death ang nangyari?"halos naging bulong na ang boses ko dahil sa hina nito.

May kung anong dumaan sa pagitan ng tinginan ng dalawang investigators. Hind ko na kailangang tanungin pa sila upang kompirmahin ang naging duda ko.

"Oh my God..." Napatakip ako sa bibig dahil sa gulat. Pakiramdam ko ay habang patagal nang patagal, mas lumalala lang ang lahat.

And the next day, reports came, Everything unfolded. My father was poisoned ayon na rin sa medical report. We were brought in to be questioned.

"This is ridiculous!"singhal ni Mommy at napatayo na mula sa kanyang upuan. Nasa loob kami ng iisang silid sa police station. "Who would kill him?!"

"Iyan na nga po ang inaalam namin ngayon, Mrs. Villarejas." May respeto man sa naging tono ng pananalita ng investigator na nakaupo sa aming tapat ay hindi naman nakalagpas sa akin ang sarkasmo sa likod nito.

"Ang sabi niyo nilason ang Papa ko," sabad ko sa maingat na tono. Matagal ko itong pinag-isipan mula noong ibunyag nila sa amin ang dahilan ng pagkamatay ng stepfather ko. Even until now, I could still not get my mind around it.

"Who would do such thing? My father was a good man," paninindigan ko. Kauna-unahang beses na sumang-ayon sa sinabi ni Mommy.

Mariin at mapanuri akong tiningnan ng investigator. Pinagkrus niya ang kanyang braso sa harap at bahagyang sumandal sa gilid ng mesa.

"Do you know of anyone who harbor ill or bad intentions against your stepfather?" marahan niyang tanong.

Unti-unti akong napatingin kay Mommy. Sa isang iglap ay may dumaang kadiliman sa pag-iisip at pakiramdam ko. Ayaw kong pag-isipan siya nang masama.

Sa huli ay nakita ko na lang ang sarili ko na muling ipinatawag muli ng investigators at hindi na kasama pa ang ina ko. They asked me unending questions about my mother's recent relationship with my stepfather. At siyempre, sinabi ko sa kanila ang buong katotohanan.

At sa naging takbo ng usapan, unti-unti na akong naliwanagan sa lahat.

I did not want to believe that my mother could do it. Maski wala pa ang mga ebidensiya ay alam kong si Mommy lang ang natatanging may matinding galit at maaaring magkaroon ng motibo sa pagpatay kay Papa. Lahat ng ebidensiya ay nagtuturo kay Mommy bilang salarin. Lalong-lalo na ang klase ng wine na natagpuan sa crime scene. Ito ang paboritong wine na iniinom ni Mommy. As much as I did not want to blame her I still wanted justice for Papa.

Mula sa US ay umuwi ng Pilipinas ang natitirang kamag-anak ng stepfather ko. Humingi sila sa akin ng tulong upang mabigyan ng hustisya si Papa. Kinumbinsi nila ako na maging isa sa mga witness kasama na rin ng iilan naming kasambahay.

Masakit at mahirap man ay mistulang nagtulong-tulong kami upang madiin ang ina ko. I was not even aware that a case against her has been built. She's now accused of murdering my stepfather, her own husband. And on the next days, she got arrested and now is waiting for trial.

Lumipas ang ilang minuto at nakarating din kami sa korte. Tatlong araw kong hindi nakita si Mommy kaya hindi ko alam kung ano ang aasahan. Hindi rin siya nakalapit sa burol ni Papa noon dahil sa kaso at mariing pagbabawal ng mga kamag-anak ni Papa. Maski wala pang hukom ay hinusgahan na nila ang ina ko na siyang may sala.

Pagpasok ko sa loob ay nakita kong nakaupo na sa unahang bahagi ang kaibigan ni Papa na si Attorney Pelaez. Naroon na rin sa kanyang likuran ang dalawang kamag-anak ni Papa. Tinungo namin ang kanilang deriksiyon at naupo kami ni Lolo sa tabi ni Attorney Pelaez.

Bumigat kaagad ang pakiramdam ko nang makita ang pagpasok ni Mommy. Nang tingnan siya habang naglalakad sa kanyang upuan ay nakita ko ang pagod sa kanyang hitsura. Sa kabila ng lahat ay naawa ako dahil napuna ang pangangayayat na niya. Napatingin din ako sa kanyang abogado na nakasunod sa kanya. Ang balita ko ay kilala rin bilang isa sa magagaling na defense attorney si Attorney Ylmaz at may iilan na rin itong naipanalong kaso.

Ilang sandali pa ay dumating din ang criminal prosecutor. At nagsimula na nga ang trial. Sinimulan ito ng kanya-kanyang opening statements ng defense attorney at ng prosecutor. Inilatag dito ang kaso. Both sides had an opening statement about the interpretation of the facts within the case and how this particular side intends to prove either guilt or lack of guilt or evidence. Habang pinakikinggan ang lahat ng ito ay pakiramdam ko bumabalik ang lahat ng alaala sa akin. Isang malagim na bangungot na hindi ko inasahang mangyayari sa pamilya ko.

Naging isang mahabang araw ito para sa lahat. At sa bandang huli ay nag-schedule na rin para sa susunod na trial. Hindi ako makatulog sa gabing iyon kaya naman kinabukasan, kahit na alam kong bawal dahil on going ang kaso lalo na at isa ako sa mga witness, pinuntahan ko pa rin si Mommy sa presinto at kinausap.

Nakakapanibago pa rin talaga sa akin ang makita siyang nakasuot ng prison uniform at walang kolorete sa mukha. Ang buong akala ko ay tatanggihan niya ang pagbisita ko ngunit nagkamali ako dahil taas noo niya akong hinarap.

Naupo kami sa visitating chair. Pinagmasdan ko siya ng ilang minuto bago nagsalita. Nag-iwas siya ng mukha.

"How...H-How are you, My?" sabi ko sa may pag-aalinlangang tono ng boses. Nasa tapat ko siya nakaupo.

Bumaling siya sa akin at tumalalim ang kanyang tingin.

"How could you do this to me, Jean?" malamig niyang sinabi. "Sa tingin mo ba talaga magagawa ko 'yon sa Papa mo?!"

"Hindi ko na alam," pagtatapat ko. "Lahat ng ebidensiya ikaw ang itinuturo. Mommy, if you are innocent the truth shall prevail." Mariin ko siyang tinitigan.

"Ididiin ako ng korte. Ng pamilya ni Apollo, Jean," halos desperada na niyang sambit. "They don't like me for him! They never did! If you really are my daughter, then do not testify against me!"

Pumikit ako nang mariin. "I will just tell them the truth. Mommy, isasalaysay ko lang po ang mga totoong nangyari."

"Na ano?" pasinghal na niyang pagkakasabi. "Na pinagbantaan ko siya dahil sa galit ko noon?! Yes, I did give him threats but those were just empty words, Jean. Hindi ko magagawa sa Papa mo iyon!"

Nagsisi ako sa pagbisita ko dahil ngayon ay naguguluhan na ako sa lahat.

Nagpatuloy ang tingin ni Mommy sa akin at sa paglipas ng ilang segundong katahimikan ay may pagbabago akong nakita sa kanyang mga mata. Isang nangingibabaw na emosyon. Isang pagkamuhi.

"You like this," pang-aakusa niya. "You're probably enjoying seeing me like this." Halos mahawakan ko na ang galit na bumabalot sa sinabi niya.

Hindi ako sumagot at tinanggap lang ang pagkasuklam na ibinabato ng kanyang tingin.

"Hanggang ngayon ay hindi mo pa rin ako napapatawad sa nakaraan. This is probably your revenge, huh?" mabigat niyang paratang.

Umiling ako at sinubukang abutin ang kanyang kamay na nakapatong sa ibabaw ng mesa ngunit marahas niya itong binawi.

"Paano mo pa rin po 'yan naiisip, My? All I want is the truth," pagmamakaawa ko.

Mapakla ang pinakawalan niyang tawa. Umalingawngaw ito sa buong silid. Hindi nabawasan ang galit sa kanyang mga mata.

"The truth, my ass!" Bahagya siyang tumayo at naalerto kaagad ang dalawang jailguards na nakatayo lang sa may bandang pintuan. Inawat ko sila sa pamamagitan ng tingin.

"Yes, I probably poisoned your stepfather," mahina niyang bulong at sinabayan ng mahinang pagtawa. Mistulang nawawala na siya sa sarili dahil sa nakikita kong blangko niyang tingin. Tumingala siya sa bombilya ng ilaw na nasa kisame.

"Who knows? Maybe I just don't remember. One of my black outs due to drinking, right?"

Nanlamig ako sa narinig mula sa kanya. Unti-unti siyang naupo pabalik at ngayon ay malayo na ang kanyang tingin sa harapan.

"He always favored you. Sometimes, I actually think he only married me because of you." May luhang dumaloy sa kanyang mga mata. "Ako ang pinakasalan niya pero ikaw pala 'yong mahal niya!"

"Naririnig mo ba ang sarili mo, Mommy?" anas ko. Nahindik ako sa takbo ng kanyang pag-iisip.

Marahan niya akong binalingan. Blangko pa rin ang kanyang tingin.

"Have you had sex with your stepfather, Jean?" mahina niyang bulong na para bang isa lang itong simpleng sekreto.

"That's fucking ridiculous!" Hindi ko na napigilan pa ang sarili at napatayo na dahil sa baliw at nakakapanindig balahibong akusasyon niya.

"Maybe you did," tunog boses ng bata na ang mayroon siya. Tagos sa buto ang ginawa niyang pagtitig sa akin. "Maybe that's the reason why I probably poisoned him."

Pagkatapos niya iyong sabihin ay tumayo na siya at kalmanteng umalis kasama ng jailguards. Mabilis naman ang ginawa kong paglabas ng visitation room upang magtungo ng CR. Pumasok ako sa loob at hinayaan ang sarili na sumuka sa lababo.

I turned on the faucet and splashed my face with some water. Nagbabakasakali na kung bangungot man ito ay gusto ko nang magising. Na hindi ito totoo.

Pinagmasdan ko ang repleksiyon ng mukha sa salamin. Kitang-kita ko ang pamumutla at ang mabilis na pagtaas-baba ng aking dibdib. And it was then and there, that I really made up my mind. Mahirap, mabigat, at masakit man pero alam ko kung ano ang nararapat na gawin.

On the next trial, we were again called for the Witness Testimony.

"Hindi na ba kita mapipigilan, JC?" si Lolo habang nasa loob kami ng sasakyan at patungo na sa kauna-unahang trial ng kaso.

Mapait kong tinanguan si Lolo. "Kailangan kong gawin ito, Lo para kay Papa."

"Magsasalita ka laban sa sarili mong ina. Makakaya mo ba, apo?"

"Ayaw ko rin naman po sa nangyayari, Lo. Pero kailangang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Papa," paninindigan ko. Muling bumalik sa akin ang naging rebelasyon ni Mommy sa hulong usapan namin. "Kailangang pagbayaran ni Mommy ang ginawa niya."

Nakita ko ang bakas ng katandaan, sakit at pagod sa mukha ni Lolo dahil sa mga nangyayari na rin sa nagdaang mga araw. Pagod siyang bumuntonghininga at pumikit na lamang.

"Alam kong naniniwala pa rin kayo na inosente si Mommy, Lo," sabi ko makalipas ng ilang minutong pagiging tahimik. "Hindi ko po kayo pipilitin para baguhin ang paniniwala niyong 'yan. Pero sana respetuhin niyo rin po ang paniniwala ko."

Maski nakapikit man ay inabot pa rin ni Lolo ang kamay ko. Hinawakan niya ito nang mahigpit. Sa kanyang magaspang at nangungulubot sa katandaan ng mga kamay ay panandaliang pumanatag ang damdamin ko.

"Hindi ako pala-dasal.  Pero sa nagdaang mga araw, sa lahat ng mga nangyayari sa pamilya natin, walang-sawa akong humihiling sa Panginoon na bigyan ka niya ng katatagan ng kalooban. Na bigyan niya rin ng lakas ng loob si Valena. Nawa'y tulungan niya tayong lahat, JC."

Nang makarating na sa korte ay pumasok na kami kaagad sa loob. Naupo ulit kami ni Lolo sa tabi ni Attorney Pelaez. Araw-araw ang pagsusubaybay niya sa takbo ng kaso.

"Kinakabahan ka ba, JC?" untag ni Attorney.

Marahan ko siyang tinanguan. Banayad siyang ngumiti.

"Don't be. Just tell them the whole truth."

"Opo," sagot ko.

Tinapik niya ako sa balikat. Naramdaman ko rito ang kanyang suporta.

"Be strong for this is going to be the most difficult moment in your life," makahulugan niyang sinabi.

Lahat ay napalingon sa iisang deriksyon dahil sa pagpasok ng ina ko. Ngunit kumpara dati ay wala ang kanyang abogado sa likuran. May napansin din akong pagbabago sa kanyang awra. Hindi na ito tulad ng naunang trial kung saan nanghihina siya. Ngayon ay nakita ko na ulit ang dating siya. Puno ng kumpiyansa. Matigas. Malamig.

Nang maupo siya sa kanyang puwesto ay deretso lang ang kanyang tingin sa harapan. Kumunot ang noo ko sa pagtataka. Binalingan ko ng tingin ang katabing si Attorney Pelaez.

"Nasaan po ang defense attorney ni Mommy? Sino po ang dedepensa para sa kanya?" Puno pa rin ng pag-aalala ang boses ko.

Malungkot akong tiningnan ni Attorney. May dumaang emosyon na hindi ko matukoy sa kanyang mga mata. Awa? Hindi ako sigurado. Mapait siyang ngumiti.

"She changed her attorney," aniya at ngayon ay napabaling siya sa ibang deriksiyon.

Sinundan ko ang tingin niya at napansin din ang pagbaling ng tingin ng mga taong nasa loob sa iisang deriksiyon na ito. Napansin ko ang agarang pagtahimik ng lahat na para bang may kung anong presensiya ang dumating.

Pakiramdam ko ay tuluyan na nga akong pinagbagsakan ng langit nang makita kung sino ang sinusundan nila ng tingin. Sa kanyang suot na black tailored suit at itim na sapatos, dere-deretso ang ginawang pagpasok ni Attorney Lake Jacobe Mendez.

Continue Reading

You'll Also Like

191M 4.5M 100
[COMPLETE][EDITING] Ace Hernandez, the Mafia King, known as the Devil. Sofia Diaz, known as an angel. The two are arranged to be married, forced by...
22.9K 227 17
IMVA Filipino Series #2 ---- "Meron pa ba akong puwang diyan sa puso mo, Sandro?" ---- "Do you love her? How much do you love her?" ---- "You love...
325K 7.1K 46
Harley-Blair Thompson is afraid to speak... Parker Sorrisi is afraid to love... She has a personality disorder and he doesn't know. A slightly awkwar...