Peripéteia of Malakós (Filipi...

By Spark_In_Light

1K 240 194

Kimmy --- A seventeen-year-old girl who dreamt to be one of the 7th highest throne, lead the republic of dist... More

Disclaimer
Synopsis
Chapter 1: New World
Chapter 2: Salamisim
Chapter 3: Zero
Chapter 4: Patatas
Chapter 5: Time Travel Exists?
Chapter 6: Pest
Chapter 7: We Meet Again, Zero
Chapter 9: Soft Bear
Chapter 10: Same Book
Chapter 11: Subasta
Chapter 12: Tsuki Ga Kirei Desu Ne?
Chapter 13: Sisters
Chapter 14: A Talk
Chapter 15: A Heart
Chapter 16: Bruise
Chapter 17: Doktor
Chapter 18: 1777

Chapter 8: Baka

35 10 1
By Spark_In_Light

Kimmy

"Kahit kailan, napakatapang mo, wala ka naman maibubuga!" Nagpabalik-balik sa harapan ko si Yuan habang sinisigawan ako. "Akala mo ba maganda ang asal na pinakita mo? Paano kung ibang ranggo ang nakasalubongㅡ"

"E, hindi naman ibang ranggo ang nakasalubong natin!" inis na tuwiran ko.

Masama ang tingin na ipinukol niya sa akin. "Paano nga kung iba? Gan'yan ka ba kapasaway, Kimmy?!" Natigilan ako dahil sa unang beses na pagtawag niya sa pangalan ko.

Maganda sa pandinig. Pero galit ako sa kaniya ngayon!

"Hindi ako pasaway! Galit lang ako! Ano ba ang gusto mong maging reaksyon ko? Magtatalon ako sa tuwa dahil nakita ko 'yong tao na isa sa rason kung bakit namatay ang tatay ko at kinuha si lola?!"

"You don't understand—"

"No! You don't understand! Hindi mo naman kasi alam kung paano mamatayan ng mahal sa buhay! Wala ka namang alam dahil hindi mo naranasan ang nararanasan namin sa district five—"

"Kimmy, tama na..." Naramdaman ko ang paghatak sa akin ni Marisa ngunit nagmatigas ako.

"Hindi mo alam, 'di ba? Kasi masarap ang buhay n'yo sa district three! Hindi n'yo nararamdaman ang paghihirap namin!"

Natahimik si Yuan dahil sa sinabi ko. Nagbaba siya ng tinggin at maya-maya ay bigla na lang akong tinalikuran at nagpunta sa kung saan. Sinundan pa siya ni JD habang si Grey ay hindi alam kung sino ang kakampihan.

Sa huli, ako ang pinuntahan niya at dinamayan.

Nanghina ang tuhod ko at napadausdos ng upo sa talahiban. Dumagsa na naman sa aking alaala ang mga tagpong lumipas na. Nakita ko na naman ang unti-unting pagpikit ng aking ama at ang pagkuha nila sa aking lola.

Mas lalong napupuno ng galit ang aking puso at mas lalong gusto kong magdusa ang Zero na iyon at ang ibang mga ranggo.

"Nasaktan mo 'yung taoㅡ"

"Nasaktan din ako!" sigaw ko kay Grey. "Umalis ka na nga kung s'ya ang kakampihan mo!"

"Wala akong kinakampihan, Kimmy, ang sa akin lang ay sana nagdahan-dahan ka sa pagsasalitaㅡ"

"Bakit, siya ba nagdahan-dahan sa akin? Anong karapatan n'ya na sabihan akong pasaway gayong hindi niya alam ang pinagdaraanan ko?!"

Nakarinig kami ng malakas na buntong-hininga.

"'Wag kayo rito mag-away, baka maingayan ang mga bakaㅡ"

"Baka gusto mong ipakain ko sa 'yo ang mga talahib na hawak ko?!" asik ko sa kaniya na ikinatahimik niya.

Kapagkuwan ay narinig ko ang halakhak ng dalawang babae na tumatakbo papunta sa amin kanina. Ngayon ko lang napansin ang pagkakahawig nilang tatlo.

Bagamat mataba ang pisngi ng isa at bilugan ang mukha, habang ang isa ay bilugan na pahaba ay magkakamukha pa rin silang tatlo. Para silang pinagbiyak na buko pero hindi pantay ang pagkakahati.

"Kambal kayo?" takang tanong ko.

Bumungisngis sila. "Triplets!" sabay na usal nilang tatlo.

Tila ganadong-ganado ang dalawang babae habang ang lalaking ito ay mukhang pinagsakluban ng langit at lupa.

"Tumayo ka na r'yan, makati ang talahib," ani ng isa sa kanila. "Ako nga pala si Sophie, itong kapatid ko ay si Christel tapos nakakatandang kapatid namin si Tyler. 'Wag kang mag-alala, huli lang siyang lumabas ng segundo kaya panganay."

Si Sophie ang babaeng may matambok na pisngi at bilugang mukha at may nunal sa gilid ng labi habang si Christel naman ay may bilog ngunit pahabang mukha at may nunal sa mata.

Habang si Tyler, payatot na lalaki na may nunal sa noo.

Tinulungan akong tumayo ni Marisa at Grey tsaka pinagpagan ang sarili.

Pinagkatitigan ko ang lalaking masungit. Nahuli ko ang pag-irap niya kaya inirapan ko rin siya pabalik. Napakahambog ng lalaking ito, palibhasa mas nakakaangat saamin.

"Hindi pala kayo taga rito, ano? Buti nakaalpas kayo sa district five ng ligtas," ani Sophie.

"Saan na kayo pupunta ngayon? Alas tres na ng hapon at maya-maya ay lulubog na ang araw, delikado rito kapag gabi," sabat ni Christel. "Gusto n'yo rumito muna kayoㅡ"

"Christel, ang tubig, magsalop ka para sa uhaw na baka," biglang sabat ni Tyler.

Ngunit hindi ito pinansin ni Christel at nag tuloy sa pagsasalita. "Baka kasi mapaano kayo sa daanㅡ"

"Christel..." May pagbabanta na sa boses ni Tyler.

Pumagitna si Sophie.

"Kuya naman," aniya. "Ayaw mo ba silang tulungan?"

Saglit na sumulyap sa amin si Tyler. "Wala akong tiwala sa kanila. Umuwi kayo sa bahayㅡ"

"Kuya!" Sabay na sabay ang dalawa.

Bago pa magkainitan ang lahat ay pumagitna na kami.

"H'wag na kayong mag-away. Wala rin naman kaming balak na magtagal dito," sabi ni Marisa. "Kaya naman siguro bago lumubogㅡ"

"Hindi n'yo kaya," putol ni Sophie kay Marisa. "Ilang milya ang layo ng lugar na ito mula sa tagong daan papunta sa district three... may mga mapapanganib na hayop dito."

Bumukas ang aking labi upang sumabat pero agad na nagsalita si Tyler.

"Hindi natin sila kargo. Umalis sila sa lugar nila kaya asahan nila na hindi na sila babalik ng buhay." Nag-iwas siya ng tingin. "Mga walang alamㅡ"

Pagak akong napatawa na ikinatigil niya. Nakakainsulto na talaga ang Tyler na ito. Ang sarap niya ibalot sa mga talahib at ipalapa sa mga alaga niyang baka.

"Pasensya na, ha? Pasensya na kung wala kaming kaalam-alam sa mga nangyayari sa mundo. Pasensya na kung ikinubli kami sa lugar na malayo sa kabihasnan sa matagal na panahon. Pasensya na rin kung pinagdamot sa amin ang kaalaman na karapatan naming malaman. Pasensya na, ha?!" sigaw ko sa kaniya.

Pinulot ko ang bag na nasa talabihan at sinukbit ito sa akin. Kapagkuwan ay padabog akong umalis sa kanilang harapan at binaybay ang magulong daan.

Mainit ang aking ulo na tila lahat ng madaanan ko ay pinagdarabugan ko. Nakakunot ang aking noo at masama ang titig sa mga nadadapuan ng aking mga mata. Mabigat din ang aking paghinga dahil sa hindi pa humuhupang galit mula kay Tyler.

Ganoon ba talagang mapanghusga ang mga tao rito? District four pa lang ito paano na kaya ang mga tao sa three hanggang one? Baka mas lalo na nila kaming ipatapon.

"Kimmy!" Napatigil ako at kunot ang noong bumaling sa nagtawag sa pangalan ko.

Naabutan ko si Sophie na papunta sa direksyon ko.

"Pasensya na sa inasal ng kuya namin. Wala lang kasi siyang tiwala sa mga taong dayo sa amin." Kinuha niya ang kamay ko. "H'wag kang mag-alala, kakausapinㅡ"

"Hindi na," putol ko sa kaniya.

"Hindi, kailangan n'yo talaga ng tutulong. Mapanganib sa gabi."

Kumunot ang noo ko. "Gaano ba kadelikado? Parang takot na takot kayong lahat?"

Umawang ang mga labi ni Sophie at akmang magsasalita ngunit narinig namin ang malakas at galit na sigaw ng kuya nilang si Tyler.

Nagkatinginan kami ni Sophie. Kapagkuwan ay hinatak niya ang kamay ko at hinila pabalik sa p'westo nila.

Taka akong napabaling sa mga tao dahil sa aligagang mga kilos nila. Lahat ng mga hayop ay tinitipon nila at pinapapasok sa kaniya-kaniyang kulungan na tila kulob na kulob.

Paglingon ko sa mga kasama ay biglang nagkatinginan kami ni Tyler.

"Kung nais n'yong magpaliban dito, tumulong kayo sa amin, tumanaw kayo ng utang na loob!" asik niya na ikinagulat ko.

Napabaling ako kina Marisa at Grey na tinutulungan sina Sophie at Christel na itipon ang mga baka. Pinapapasok nila ang mga ito sa loob ng malaking bahay na puro kamalig ng tuyong dahon ang nilalaman.

"Hoy!" sigaw niya sa akin dahilan upang mapatalon ako sa gulat. "Wala kang gagawin d'yan?!"

"I-ito na..." mahinang usal ko at nilapitan ang mga baka. "Mga bebe ko, pasok na," malumanay na usal ko.

Napangiti ako nang agad silang sumunod sa akin.

"Kapag nandito, bawal ang kukupad-kupad, bawal ang mabagal, bawal ang tatanga-tanga!" sunod-sunod na usal niya.

Ngunit hindi ko siya pinansin. Nilibot ko ang aking paningin upang hanapin sina Yuan at JD ngunit ni anino nila ay hindi ko nakita. Napabaling ako kay Tyler na nakasimangot pa rin.

Ngumingiti at nabibiro pa ba ang isang ito?

Masubukan nga.

"Tyler," tawag ko sa kaniya.

Inis siyang bumaling saakin. "Ano? Bilisan mo r'yan—"

"Ano ang tawag sa hayop na hindi sigurado?"

Hia forehead creased.

"Malay koㅡ"

"E 'di, baka!" Narinig ko ang malakas na pagtawa ng nina Sophie at Christel. Ngunit mas malakas ang tawa ni Marisa habang si Grey ay ngingisi-ngisi lang.

"Putang... ina," usal niya at inis na lumayo sa akin.

"Nice one, Kimmy..." ani Marisa at nag-thumbs up sa akin.

"Napakabagal niyo naman. P'wedeng pakibilisan? Malapit ng lumubog ang arawㅡ"

Biglang sumabat si Marisa. "Correction, hindi po lumulubog ang araw dahil umiikot ang mundo."

"Anong pake ko? Mababago ba ng sayantipikong eksplenasyon mo ang nakagisnan ng mga tao?"

Natahimik si Marisa. He has a point, though. Mahirap kalimutan ang mga nakagisnan nating gawin, mga isipin at pananaw at mga pinaniniwalaan sa buhay.

Kahit pa latagan mo sila ng sangkatutak na ebidensya ay hindi pa rin mababago ang pananaw ng iba. Maaaring may ibang unti-unti na maniniwala ngunit marami pa rin ang mag kikibit-balikat na lang.

Nakita ko ang pag-irap ni Marisa habang ang kambal na babae naman ay tawa ng tawa habang nagpapasaway sa kuya nila na galit na galit ngayon.

I tilted my head and scanned him. "Para kang baka," biglang usal ko sa kaniya.

Kinunutan niya ako ng noo.

"Tigilan mo akoㅡ"

"Para ka ngang baka!"

"Anong kinahalintulad ko sa baka, aber?!"

Ngumisi ako. "Putak ka ng putak."

Kapagkuwan ay marahas siyang pumikit at bumuntong-hininga. Nag-usal pa siya ng mga mahihinang mura at bumaling sa akin.

"Manok 'yon, tanga!" aniya at nilayasan kami.

Continue Reading

You'll Also Like

394K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...