REBEL HEART | TRANSGENDER X S...

By spirit_blossom

124K 7.7K 2.8K

Rebellious and an only child, Rhiannon Engres Fuego yearns the attention of her father. Kung kaya gumagawa si... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59

Kabanata 26

1.6K 132 63
By spirit_blossom

"Cheers!"

"Cheers." Gino and I made toast with our canned beers.

We drank in silence for a moment. Strong ang kaniya, light naman sa akin. Hindi ko alam kung dahil ba sa ngayon na lang uli ako nakainom pero nanibago ako sa liquor. Napapikit ako ng mariin nang maglaro ang pait sa dila ko. Narinig ko ang mahinang tawa ni Gino. Nang balingan ko siya, nakita ko siyang nakamasid sa akin, nakahawak pa rin ang isang kamay sa sariling beer.

"Sabi ko sayo soda na lang dapat ininum mo, eh." Gino said with that boyish smirk on his lips.

Nanghina ang mga tuhod ko sa ngisi niya. Was it the alcohol or he really looks good with that arrogant smile? Napairap na lang ako.

"Nag-c-celebrate tayo ta's ikaw lang iinom? Hindi puede. 'Tsaka 'di na ko bata, isang buwan na lang legal na rin ako."

"E di puede ka na pala," aniya.

Hindi ko alam kung anong pinaparating niya roon. Hindi ko rin sinubukang tumingin sa kaniya at baka ano pang tumakbo sa isip ko pag nakita ko na naman siyang nakaismid. Siguro gusto niya lang sabihing marami na akong puwedeng gawin pag legal na ako. I can now do whatever I wanted to do that was prohibiting me back as a minor.

"Oo nga. Puede na," tango ko naman.

Nasa rooftop kami ngayon. Nag-inom kami rito bago matulog kasi nga i-c-celebrate namin ang pagiging tagumpay ng plano. Stephanie didn't win her crown and Renzo got dumped by his girlfriend.

Malamig ang simoy ng hangin at ang mapayapang tanawin ng village ang nakabungad sa amin. Maganda ang ganitong sandali para magkuwentuhan, para mag-usap ng mga kung ano-ano habang nagkikinangan ang mga bituin sa madilim na langit.

"If those two can just see the looks on their faces 'no? Sobrang satisfied ko siguro." banggit ko pagkatapos ng mahabang katahimikan, nakadantay ang mga kamay sa parapet.

"Hindi ka pa ba nasayahan kanina?" tanong naman ni Gino.

Napatingin ako sa kaniya. Nawala na ang ismid sa labi niya at naroon na lang ang tingin ng mga maaamo niyang mata. Napangiti ako ng tipid bago bumaling uli sa mga kabahayan.

"Nasayahan.. kaso siempre 'di ba kung gaganti ka rin naman.. ba't 'di mo pa isagad?"

Nakita ko sa gilid ng aking paningin na bumaling na rin sa harap si Gino. Napainom pa siya ng isang beses.

"Is seeking revenge always the answer?" tanong niya.

I smiled. I rarely hear him speaking in english but when he does it's giving a weird effect in me. The accent of his baritone voice was so sexy.

"Oo naman. Tama lang ang gumanti sa mga taong nang-mali sayo. Naniniwala rin ako sa karma pero madalas 'di ko inaasa sa pagkakataon ang lahat, eh. It's better to serve the dish to your enemies yourself."

There was silence. Nakiramdam ako sa kaniya at ni minsan 'di ko napansing uminom siya sa hawak na beer. Nakamasid lang siya sa tanawin. Until he broke it.

"Paano kung hindi lang pala kayo nagkaintindihan? Minsan, ang akala mong tama sayo, mali naman para sa kaniya. Ganu'n din sa kaniya, na ang akala niyang tama, mali naman sayo."

"E di mas lalo mong kailangang gumanti—para iparating sa kaniyang mali sayo 'yon."

"Maski mahal mo?" Tanong niya sumunod. Bumaling ako at saktong bumaling rin siya sa akin. Tumambol agad ang puso ko.

Bakit naman ang seryoso ng usapan namin ni Gino? Gusto kong umangal pero sumagi sa isip kong mas mabuti nang may mapag-usapan kami kaysa wala. Hindi kaya na-impluwensyahan na siya ng alcohol?

I stared and noticed that his charcoal-black eyes weren't bloodshot. Sober pa si Gino. Hindi pa siya lasing at ang isiping may kontrol pa siya sa sarili para magtanong ng ganu'n ay nagpakaba ng lubos sa akin.

"P-pag mahal ka niya 'di ba dapat 'di siya gagawa ng kasalanan? Kung mahal niya talaga ako dapat gagawin niya ang tama para 'di ako masaktan."

Naging malamlam ang mga mata niya. "Tao tayo, Rhiannon. Lahat tayo nagkakamali. Siguro nga masarap sa pakiramdam ang gumanti pero sa huli mas pipiliin mo pa rin ang mapayapang buhay."

He just sounded like Papa. He just sounded like my lolo. Pag narinig ito ng tatay ko paniguradong mangingiti iyon nang abot-langit. Ganitong-ganito ang gusto niyang ituro sa akin dati pa, pero ibang tao pala ang makakapagpakita nito sa kaniya.

Nangirot ang puso ko. "Oo na, sige na. You don't have to make me feel guilty 'no para lang balikan ko si Renzo."

"Wala akong sinabi." seryoso niyang sagot.

Napairap man ako pero natawa naman sa isip nang makita siyang nakasimangot. Bakit ang seryoso mo ha, Maginoo?

Humarap na uli ako sa mga kabahayan at nakita ang isa roon na pinundi na ang nakasinding ilaw sa bintana nila. Uminom muna ako ng isang beses sa hawak kong beer.

"Siguro ganiyan kayo ng girlfriend mo." sabi ko sa kaniya, "Siguro may ginawa kang kasalanan sa kaniya dati, tapos tinanggap ka pa rin niya kasi nga lahat tayo nagkakamali kaya naging ganiyan ka. Oh, my god. Tipikal na lovestory ng bad boy pati ng kaniyang lover." habol ko pa.

Gino's rough laugh echoed. "Bakit parang nagseselos ka?"

Nagseselos? Damuhong 'to.. hindi 'no!

"Jerk," sagot kong nakasimangot kaya lalo siyang napatawa.

"Para lang sa kaalaman mo, prinsesa. Hindi ako ang nakagawa ng kasalanan saming dalawa," sabi ni Gino.

Napasimangot ako lalo. Narinig ko na naman 'yang letseng tawag niya. Siguro ganu'n rin tawag niya sa girlfriend niya!

"O talaga? Iba naman pala sila. Siguro pinagpalit ka niya sa lalaking mas mayaman o siguro hindi payag mga magulang niya sa inyo," taas-kilay kong tanong.

These were all typical stories that I've read before, at hindi ko inaasahan ang pagtango ni Gino!

"Si Bianca, anak 'yun ng mayaman. Negosyante ang tatay niya ta's may prangkisa pa ng sikat na kainan. Type na type ko 'yun. Lagi ko siyang inaabangang sunduin ng kotse nila sa tapat ng school niya. Sa private siya nag-aaral, du'n sa katabing school namin."

"Paano naging kayo?" I wanted to hide the bitterness in my tone but to no avail. Tumawa ng mahina si Gino. Bumaling siya sa akin at tumingin sa akin na para bang inosenteng bata ako sa tanong.

"Siempre niligawan ko." He answered like my question was really a no-brainer.

I unexpectedly imagined him courting me and my blood rushed to my cheeks instantly. Iyong may hawak pa siyang bouquet of roses tapos maglalakad siya palapit sa akin. Our classmates will be squealing their lungs from the kilig.

"B-bakit naman kayo naghiwalay?" Tanong ko naman na para bang hindi ko siya nakitang tumango sa unang tanong ko kanina. Huminga ng malalim si Gino.

"Hindi ako gusto ng daddy niya kasi mahirap lang ako. Hindi ko raw mabubuhay ang anak niya at hindi raw ako ang pinangarap niyang makakasama ni Bianca. Noong una, pinakita ko pa sa daddy niyang seryoso ako sa amin, pero isang araw nahuli ko nga si Bianca kasama ng ibang lalaki—sa schoolmate niyang mas mayaman."

Gino sounded serious, somewhat sad, and suddenly all my tantrums were gone. Nasaktan ako nang marinig ang kuwento niya. Gusto ko siya at ang malaman ang parteng ito ng buhay niya ay nakaapekto rin sa akin. He loved the girl and were actually serious for her. Bihira na lang ang lalaking handang manindigan sa iisang babae, tapos heto si girl pinagpalit siya sa lalaking mas mataba lang ang wallet.

Nakakainis!

"You're into rich girls pala ha," nagbiro ako para naman gumaan ang usapan namin.

He smirked. "Ganu'n?"

Tumango naman ako. "Look, your ex-girlfriend was a daughter of a businessman, tapos 'yung gusto mo ngayon nakatira rito sa village. Hindi naman sa pagmamayabang pero mayayaman lang madalas ang nakakabili ng lupa rito."

The boyish smirk in his lips grew wider and the butterflies in my stomach went wild. Gusto nang lumundag ng puso ko papunta sa kaniya.

"Hindi raw mayabang ha?" Si Gino. I slapped his arm.

"You're avoiding the question! Oh, my god. Tama ako!" Turo ko pa sa kaniya. Umiling siya pero naroon pa rin ang malokong ngisi sa labi. Tumingin siya sa akin pagkatapos na para bang inaaya ako ng mga mata niyang gumawa ng isa na namang kalokohan.

Paano mo naipagpalit ang ganitong lalaki, girl?

"Gusto ko kasi 'yung mga maaarte. Gusto ko 'yung mga babaeng lumaki sa layaw. Gusto ko 'yung mga parang.. prinsesa."

"Oh." sabi ko na lang kasi hindi na ngayon masundan ang ritmo ng puso ko.

"Ikaw ano pa lang gusto mo?" tanong naman ni Gino.

I almost answered 'ikaw' but good thing I have control of my self right now. Siguro kung lasing lang ako baka nga naamin ko na sa kaniya, o baka mas malala pa gawin ko kasi sobra na talaga ang sigaw ng puso ko sa kaniya. I might kiss him to be honest.

Tumingala na lang ako sa mga nagkikinangang bituin. "Maghahanap ako ng gusto ko, tapos titibok naman ang puso ko kung kanino. I'd rather let my heart decide na lang."

"Maganda rin 'yun kasi alam mong mahal mo," sang-ayon niya.

I nodded. Pag puso kasi ang pumili malalaman mong mahal mo talaga. Lahat naman tayo may katangiang hinahanap sa isang tao, pero minsan sadyang rebelde ang puso at pipili ng gusto nito. Minsan, sa taong hindi mo pa inaasahang magkakagusto ka, ni minsan.

Gaya niya. "Paano mo ba malalaman kung mahal mo ang isang tao?"

The cold wind of the night blew making my skin shiver. Pumikit ako saglit para pakiramdaman ang malakas na pintig ng aking puso. It was shouting his name over and over and over.

I knew I like him and very soon enough will love him. Gaano ba kalalim ang mararating nitong nararamdaman ko para kay Gino? Natatakot ako na baka sa sobrang lalim 'di ko na magawang umahon, at mas nakakatakot lang kung ako lang pala ang nahuhulog.

"Pag handa kang ibigay ang mundo mo para sa kaniya." Sagot ni Gino na bumasag sa katahimikan. Tumawa naman ako ng mahina.

"Gosh, so cliché." I joked but he just smiled without even looking at me. Mataman siyang tumitig sa mga kabahayan. Uminom siya sa hawak na beer nang napakatagal tila inuubos na ang laman, hanggang sa huminga siya ng malalim kalaunan.

"May bata noon na isinilang.. nakahanda na sa kaniya ang magandang buhay na bigay ng mga magulang niya.. kaso pinagdamutan siya ng mundo.. inagaw sa kaniya ang sanang magandang buhay na mayroon siya.. hanggang sa paglipas ng maraming taon ibinalik na sa kaniya ang mundong ninakaw sa kaniya.. kaso sa pagbalik niya meron na pa lang pumalit sa kaniya."

Napakurap ako.

"Natural na nagalit siya sa taong iyon.. kasi siempre buhay niya iyon.. kasi sa kaniya dapat iyon.. kaya sinubukan niyang gumanti.. kaya sinubukan niyang pag-awayin sila.. kaso ang 'di niya inaasahan na sa kada pag-inis niya sa taong iyon nakita niya sarili niya nu'ng bata pa siya.. na parehas sila.. na parehas silang naghahanap ng pagmamahal maski lumaki sa magkaibang mundo.. hanggang sa 'di niya inaasahan na nahuhulog na pala siya du'n sa kinamumuhian niyang tao.. ta's ang plano niyang sirain siya parang napakahirap na.. kasi ayaw niyang masaktan 'yung minamahal niya."

Tumigil siya saglit. Tumingala sa madilim na kalangitan na para bang naghahanap o nag-iisip. I've never seen him this serious before but I guess it was the result of our liquors.

"Sa huli, nagdesisyon siya sa sariling ibigay na lang 'yung mundo niya para sa kaniya, sa taong mahal niya." He ended the story in almost a whisper. Tahimik kasi kaya maski mahina iyon ay narinig ko pa rin.

Napaawang ang bibig ko. "Shocks, Gino! Ganda naman nu'n. Saan mo nabasa 'yan?"

Bumaling siya sa akin bago malamlam na tumitig ng ilang segundo, tapos umukit na naman ang ismid sa labi niya, hanggang sa ipatong niya sa tuktok ng ulo ko ang magaspang niyang palad. Nahuli ko na lang ginugulo niya na ang buhok ko.

"Gino!!" Tili ko. Tumawa naman siya ng mahina.

"Matulog ka na—antok lang 'yan." sabi nito sa akin pero siya naman ang tumalikod at umalis na.

Napakunot ang noo ko. Naiwang mag-isa rito sa rooftop habang sinusuklay ng mga daliri ang buhok. Napakataas rin talaga minsan ng man ego ni kalbo. Siya nagsabing inaantok na ako, pero siya naman pala talaga iyon?

Continue Reading

You'll Also Like

3.7K 182 55
Meet Axl Givonecharee, a son of a well-known billionaire. Some says he's torturing himself. Some says he's killing himself. Some says it's better to...
2.5K 92 26
Rivals on court, Lovers off court
6.8M 138K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...