Hunter Online

By Penguin20

1.8M 180K 114K

Online Game# 2: MILAN X DION More

Hunter Online
Prologue
Chapter 1: The Popular Game
Chapter 2: Unexpected Talent
Chapter 3: Welcome to the Game!
Chapter 4: First Quest
Chapter 5: New Record
Chapter 6: The Kings Arrival
Chapter 7: Richard's Request
Chapter 8: Game Plan
Chapter 9: Ogre Raid
Chapter 10: Eyes on Her
Chapter 11: What the Cat?!
Chapter 12: No Peeking
Chapter 13: Scout her
Chapter 14: The Girl with Potential
Chapter 15: The Three Faction
Chapter 16: Still a No
Chapter 17: Booth Camp
Chapter 18: Observe the Pro
Chapter 19: Facetime
Chapter 20: The Executioner
Chapter 21: This is E-Sport
Chapter 22: My Decision
Chapter 23: Official Member
Chapter 24: Terms and Policies
Chapter 25: Pressure is On
Chapter 26: First Live
Chapter 27: Battle Lineups
Chapter 28: Sacrifices
Chapter 29: Meeting the Dragon
Chapter 30: Professional Match
Chapter 31: Match Result
Chapter 32: Striker Class
Chapter 33: Preparation
Chapter 34: Summer Cup Players
Chapter 35: Getting Comfortable
Chapter 36: Announcement
Chapter 37: Interview
Chapter 38: Start of Tournament
Summer Cup Match Schedule
Chapter 39: Battle Cry Vs. Sparks Again
Chapter 40: Mini Celebration
Chapter 41: Battle Cry VS. Laxus Familia
Chapter 42: Bond of Three Sides
Chapter 43: Battle Cry VS. Rising Hunters
Chapter 44: Battle Cry VS. Optimal Ace
Chapter 45: Teams who Overcome
Chapter 46: Battle Cry VS ALTERNATE
Chapter 47: Smile and Tears.
Chapter 48: Sorry
Chapter 49: Departures
Chapter 50: Sweet Goodbye
Chapter 51: Selection
Chapter 52: Part ways
Chapter 53: Homely
Chapter 54: Plan for Event
Chapter 55: Temple of Cuatal
Chapter 56: Connection
Chapter 57: Platonic
Chapter 58: Chimera
Chapter 59: Typhoon
Chapter 60: Stream for a Cause
Special: Stream for A Cause
Chapter 61: Start of Class
Chapter 62: Charity Event
Chapter 63: Invitation
Chapter 64: Orient Crown
Chapter 65: Chocolates
Chapter 66: Captain
Chapter 67: Beer and Talk
Chapter 68: Scouting Ways
Chapter 69: Recruitment
Chapter 70: Night Drive
Chapter 71: Monster Rookie
Chapter 72: Rookie Tournament
Chapter 73: Comfort Person
Chapter 74: Online Class
Chapter 75: Knightmare
Chapter 76: Reconciliation
Chapter 77: Admit and Realize
Chapter 78: Crossing the Line
Chapter 79: Be Bold, Gold!
Chapter 80: Orient Crown VS. Laxus Familia
Chapter 81: Feel the pressure
Chapter 82: Birthday Gift
Chapter 84: Being Comfortable
Chapter 85: Zero Chance
Chapter 86: Interview
Chapter 87: Home
Chapter 88: Hectic Schedule
Chapter 89: Holy Trinity
Chapter 90: Orient Crown VS. Dark Sonata
Chapter 91: Date Night
Chapter 92: Asset of the Team
Chapter 93: Little Crown
Chapter 94: Error and Luck
Chapter 95: More Intact
Chapter 96: Love Language
Chapter 97: Sparkle
Chapter 98: Public Opinion
Chapter 99: Girl Friends
Chapter 100: Rhythm of Game
Chapter 101: Home
Chapter 102: Tainted Image
Chapter 103: Practice Game
Chapter 104: Game Adjustment
Chapter 105: Orient Crown Vs. Devil Lions
Chapter 106: Breakup
Chapter 107: Unexpected News
Chapter 108: Plan and Escape
Chapter 109: Preparation for the Match
Chapter 110: Royals Against Wolves I
Chapter 111: Royals Against Wolves II
Chapter 112: Victorious Moment
Chapter 113: Meeting the Wolves
Chapter 114: Busy Day
Chapter 115: Start of Break
Chapter 116: Her Birthday I
Chapter 117: Her Birthday II
Chapter 118: Her Birthday III
Chapter 119: Back to Normal Life
Chapter 120: Hunter Online World
Chapter 121: Connection
Chapter 122: Under the Night Sky
Chapter 123: Back to Boothcamp
Chapter 124: Mall show
Chapter 125: Double Date
Chapter 126: Double Date II
Chapter 127: Start of the Tournament
Chapter 128: Dream Stage
Chapter 129: Before the Rain
Chapter 130: Key holder
Chapter 131: Orient Crown VS. ALTERNATE I
Chapter 132: Orient Crown VS. ALTERNATE II
Chapter 133: The Next Opponent
Chapter 134: Our Card
Chapter 135: Trouble and Savior
Chapter 136: Orient Crown VS. Daredevils
Chapter 137: Orient Crown VS. Daredevils II
Chapter 138: The Culprit
Chapter 139: Room Inspection
Chapter 140: Ungrateful Son
Chapter 141: Orient Crown VS. Rising Hunter
Chapter 142: The Trouble and Issues
Chapter 143: One Community
Chapter 144: Semi-finalist
Chapter 145: The Plan
Chapter 146: Orient Crown VS. Daredevils III
Chapter 147 Orient Crown VS. Daredevils IV
Chapter 148: Orient Crown VS. Daredevils V
Chapter 149: Fruit of Hardwork
Chapter 150: Before the War
Chapter 151: Orient Crown VS. Phantom Knights
Chapter 152: Encouraging Words
Chapter 153: Royals VS. Dragon I
Chapter 154: Royals Vs Dragon II
Chapter 155: Royals Vs. Dragon III
Chapter 156: Royals Vs. Dragon IV
Chapter 157: Celebration
Chapter 158: Going Home
Chapter 159: Surprise
Chapter 160: Offended?
Chapter 161: Update and Invitation
Chapter 162: Consider the Proposal
Chapter 163: Boss Raid Planning
Chapter 164: Medussa's Lair
Chapter 165: Christmas Vacation
Chapter 166: Baguio Trip
Chapter 167: Baguio Trip II
Chapter 168: Baguio Trip III
Chapter 169: Meeting her
Chapter 170: Girl from Past
Chapter 171: Yugto Pilipinas
Chapter 172: The Team and Coaches
Chapter 173: New Boothcamp
Chapter 174: Import Players
Chapter 175: Battle of the Best
Chapter 176: Clash of Best Players
Chapter 177: Change Role
Chapter 178: Appointed Captain
Chapter 179: Boss Dungeon Planning
Chapter 180: Underpass of Lost Hope
Chapter 181: The Brothers and Offer
Chapter 182: Pressure of New Role
Chapter 183: Gunslinger
Chapter 184: Another Rumor
Chapter 185: Team Vacation
Chapter 186: Cause of Confession
Chapter 187: The Issue and Outcome
Chapter 188: Embracing Solemn
Chapter 189: Solid as Diamond
Chapter 190: Against the Pioneer
Chapter 191: Yugto Pilipinas Vs. AllStar PH I
Chapter 192: Yugto Pilipinas Vs. AllStar PH II
Chapter 193: Catastrophizing
Chapter 194: Withdrawal of the Dragon
Chapter 195: Offer for Dion
Chapter 196: Reconnect with Friend
Chapter 197: The Missing Piece
Hunter Online Book 1 (Book version)
Chapter 198: The Opening
Chapter 199: The First Plan

Chapter 83: The Promise

14.5K 1.7K 1.6K
By Penguin20

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na officially kami na ni Dion. It took us few months bago namin na-figure out ang feelings sa isa't isa (ako lang pala), but definitely... itong nararamdaman namin ay hininog ng tamang oras at panahon.

Pagkauwi nga namin ni Dion nang madaling araw mula sa Tagaytay ay si Kuya London ang nagbukas ng gate since tulog na ang ibang kasama ko sa bahay. Wala naman nasabi si Kuya London kay Dion dahil kilala niya naman ito. Feeling ko ay kaya hindi rin nagsalita si Kuya ay dahil may tiwala sila kay Dion, for four months, Dion continuously proved himself na kaya niya akong alagaan kapag nasa Manila ako.

Bandang 7:30 noong nagising ako, nagmamadali akong bumaba at naabutan ko sina Kuya at Dad na umiinom ng kape. "Good morning, Dad," I kissed him on his cheeks. "Morning, Kuya."

"Nagpuyat ako hanggang ala-una para lang maging tagabukas ng gate mo." Reklamo ni Kuya London sa akin.

"So, how is Dion's birthday?" Dad asked after he sipped his coffee. Hindi nawawala ang tingin sa diyaryo na kaniyang binabasa.

Kumuha ako ng sliced bread at nilagyan ito ng Peanut butter. "It was fun," I admitted. "Lahat ng friends namin pumunta, kahit sina Shannah. Successful naman 'yong ginawa naming birthday surprised sa kaniya. And then, pumunta kaming dalawa ni Dion sa Tagaytay." Umupo ako sa tabi nila Dad.

Napatingin ako kay Kuya at napatawa siya. Wow, I didn't expect na nakakahiyang sabihin kanila Dad na kami na ni Dion kahit na sobeang open ko sa kanila. I mean, wala nga kaming dalawa na courting stage. Para saan pa? Kilala na naman namin ni Dion ang isa't isa (that's the purpose of that stage, right?), Ilang beses na rin kaming nagsama sa iisang bahay which is sa boothcamp.

Kumagat ako ng tinapay at bumuntong hininga. "Dad, kami na ni Dion."

Dad flipped the page of his newspaper. "That's good." he answered na parang hindi pasabog ang sinabi ko.

"You're not mad?"

"Why would I?" Dad asked at ibinaba ang diyaryong kaniyang binabasa. "Mabait na bata 'yang si Dion. His family are also kind. He always keep me updated sa ginagawa mo sa Maynila kaya tiwala ako diyan."

"Sabi ko naman sa 'yo, pagpasok pa lang ni Dion sa bahay. Approved na agad kay Dad." Pag-epal ni Kuya. "Alam mo kung kanino ka dapat magpaliwanag? Doon sa nasa New Zealand."

Oh God, ini-imagine ko pa lang na sasabihin ko 'to kay Kuya Brooklyn ay kinakabahan na ako. Sobrang strict ni Kuya! Obvious naman dahil may pa-power point presentation siya lagi kapag tungkol sa akin. Speaking of Kuya Brooklyn, next month na ang uwi niya sa Pilipinas which makes us excited.

Our conversation was interrupted noong tumawag si Dion. "Sagutin ko lang." tumayo ako.

"Sinagot mo na nga, eh." Kuya chuckled.

"Epal mo. Download ka na Bumble, kailangan mo na." Pumunta ako sa garden area at kinawayan ko si Forest na nakakulong sa kulungan niya.

Tumahol si Forest sa akin habang ikinakawag ang kaniyang buntot. This pug is so cutie, sayang nga lang at hindi ko siya mahawakan.

"Hello." I answered his call. "Kagigising mo lang, 'no?" Tanong ko.

"Yeah. Alas-tres na kaya ako nakabalik ng Boothcamp. Pagkagaling natin sa Tagaytay ay hinatid kita sa Bulacan tapos bumalik ako sa Taguig." He explained, ramdam ko 'yong pagod niya hanggang ngayon. Ang nakakatawa pa, tinulugan ko siya noong hinatid niya ako sa amin. Buti nga at hindi inantok 'tong kasama ko. "Wala kang pasok?"

"Gagayak na rin ako maya-maya," umupo ako sa swing chair sa garden. "Mag-almusal na kayo diyan. Sabihan mo sila Liu na mag-practice maya-maya tapos kayo nila Larkin ay mag-prepare na. May laro kayo mamaya."

"Yes po, Boss Madam." he answered. Ilang segundo kaming naging tahimik.

OMG paano ba makipag-usap sa kaniya ngayong may label na kaming dalawa?! Like do I need to be sweet? Ini-imagine ko pa lang ay kinikilabutan na ako. "Anong ginagawa mo?" He asked.

Nag-indian sit ako sa swing chair at mahinang idinuyan ito. "Nag-be-breakfast ako kanina kasama sila Dad. Alam mo ba, I told them about us..."

"Na?"

I rolled my eyes. "Na tayo na."

Natawa si Dion. "Naninigurado lang ako, baka dala lang ng hangin sa Tagaytay kaya sinagot mo ako, eh. Sinu-sure ko lang." Naririnig ko na ang ingay sa kabilang linya at mukhang nasa sala na siya. "Tuloy mo na 'yong kinukuwento mo."

"Iba 'yong reaksiyon nila sa ine-expect kong reaksiyon nila. I thought they will throw ramdom questions or gigisahin ako kasi ganoon 'yong sa mga napanonood at nababasa ko. But no!" Kumagat ako sa tinapay. "They just casually said okay."

"Ayaw mo noon?"

"Hindi naman sa ganoon. I expected them to be like Milan, hindi ka muna puwede mag-boyfriend." Kuwento ko pa sa kaniya habang ginagaya ko ang boses ni Dad.

"Alam naman nila Tito na aalagaan kita." Saglit akong napatigil sa kaniyang sinabi. Wow, hindi ko in-expect na mapapangiti ako sa mga ganoon.

"May gagawin ka ba sa Sabado? Manood tayo ng laban ng Battle Cry. They are against Royal Stallions." Pag-iba ko sa usapan.

"Wala naman. Tapos naman na ang playoffs noon." He said.

"Okay, bibili na akong ticket for the match. Sige na, gagayak na ako. May pasok pa ako. Alam kong kagigising mo lang kaya mag-almusal ka diyan. 'yong vitamins ninyo huwag ninyong kalimutan, okay?" I ended the call at nakangiting pumasok sa loob ng bahay.

"Ang creepy mo ma-inlove." Kuya London said.

"Epal mo."

***

ARAW ng Sabado, plano namin magkita ni Dion sa Cubao para manood ng laban ng Battle Cry sa Araneta. Wow, sobrang sikat ng laban na ito dahil ang daming banner ng Battle Cry at Royal Stallions. People are wearing Blue to support the wolves habang ang fans naman ng Royal Stallions ay nakasuot ng pula.

Of course suot ko ang dating jersey ko ng Battle Cry. Gusto kong ipakita sa kanila na sinusuportahan ko sila bilang dating ka-team nila.

Nagkita kami nila Liu at Dion sa isang kainan sa Farmers mall. "Sorry late ako." Ibinaba ko ang bag ko sa bakanteng upuan at pinaypayan ang aking mukha dahil sa init. Inabutan ako ng juice ni Dion para mawala ang pagkahingal ko.

"Official third wheel na ba ako nito?" Liu chuckled. "Parang dati lang ay nag-aaway pa kayo sa Takoyaki tapos ngayon... May label na kayo."

"Pero alam ninyo, kayo 'yong nagkatuluyan pero ang saya ko para sa inyo." sabi niya at natawa kaming dalawa ni Dion. "Gago kayo, huwag ninyo akong tawanan. Isipin ninyo, since Battle Cry nakita ko mag-grow 'yong nararamdaman ninyo sa isa't isa. Anong nararamdaman mo ngayon, Dion, finally, naging kayo na ni Milan?"

"Alam nilang crush mo ako noon?" Natatawa kong tanong kay Dion.

Napakamot si Dion sa kaniyang batok. "Hindi ko naman sinabi na crush kita verbally pero pansin naman yata nila. Sa tuwing nasa boothcamp ka gusto ko na mawala ang stress mo hangga't kaya ko. Alam kong masyado kang stress sa academics mo, I want you to be happy when you are with me."

I ruffled his hair. "That's sweet."

"Huwag mong guluhin 'yan, ang tagal kong inayos 'yan." Reklamo niya.

"Nag-wax ka ba ng buhok?" He nodded. "Huwag ka ngang nagwa-wax, ang lagkit hawakan ng buhok mo. Gusto ko 'yong natural hair mo, ang fluffy lang."

"Alam ninyo. Putangina ninyo." Reklamo ni Liu at sumubo ng fries. "Masaya ako para sa inyo pero harap-harapan ninyong pinamumukha na single ako. Pero Milan, kailan mo nalaman na gusto mo si Dion?"

"Ang tagal kong na-figure out 'yong feelings ko sa totoo lang. Tama sila Shannah, nakulong ako sa idea na magkaibigan kami kaya isinasantabi ko 'yong idea na nagkakagusto ako sa kaniya. Kasi hello, he is my bestfriend, tapos ayon..."

"Nag-away na kayo sa inihaw na manok?" Tanong ni Liu habang natatawa. "Gago kayo naalala ko na naman 'yon. Gusto naming matawa ni Noah sa pinagtatalunan ninyo kaso nakakatakot 'yong sigawan ninyo."

"Huwag mo na ngang ipaalala 'yon, Pekeng chinese!"

"Malapit nang mag-start ang match." Dion said at tumayo na. Siya ang nagdala ng shoulder bag ko. I find it cute dahil wala siyang pakialam kung pagmasdan siya ng ibang tao dahil sa shoulder bag as long as hindi ako nahihirapan.

"Isa ito sa pinakamalalaking laban ng Battle Cry." Sabi ni Dion sa akin habang nakatingin sa banner ng Battle Cry. "Ito 'yong bagay na hindi namin na-achieve noong nasa Battle Cry kami."

"Nakaka-proud lang na maingay na maingay ang Battle Cry ngayon sa gaming community." Liu said while smiling. Kahit pa hindi napahalagahan ng Battle Cry ang skill ni Liu as a player, hindi pa rin maitatanggi na dito sa team na ito siya nagsimula at ito ang humubog sa galing niya bilang player.

"Ito ang pangarap natin." Nasabi ko naman. "Wala man tayo sa mismong laban. Masaya na ako na ma-witness ang isang malaking achievement ng Battle Cry kung sakaling manalo sila."

Naglakad na kami papunta sa Araneta Coliseum. Hinawakan ni Dion ang kamay ko and gave him a playful smile. "Akala ko ba ang pasmado ng kamay ko."

"I don't mind. Kahit pa parang gripo 'yan, that's the hand that I want to hold." He wiggled his brows.

"Chika mo." Mahina kong tinunggo ang kaniyang braso at natawa lamang siya.

Habang papalapit kami sa Araneta ay may mga fans nang nakakilala sa amin. Puro fan ng Hunter Online ang manonood ng match ngayon. May ilang naglalakas loob na magpa-picture na pinauunlakan namin nila Dion.

"Milan, puwede po bang pa-sign ng damit ko?" Tanong sa akin noong isang lalaki at inabutan ako ng pentel pen.

"Sure ka?" Tanong ko sa kaniya at tumango siya.

"Salamat po! Fan po talaga ako! Susuportahan ko ang buong Orient Crown, aasahan ko kayo sa Season 4 tournament!" Mahaba niyang litana.

Isa ito sa mga rason kung bakit ddicated din ako na maglatag ng mga bagong ideas para sa Orient Crown... May mga taong naniniwala na may mararating ang grupo namin. It also makes me happy sa tuwing napapasaya ko sila kahit sa simpleng picture or sign lang.

"Oo nga, eh, nalaglag kami agad noong Lemon Cola Tournament. Bawi kami sa season 4." Nakangiti kong sabi sa kaniya at ibinalik ang pentel pen niya. "Thank you, enjoy natin 'yong match ngayong araw."

Marami pang nagpa-picture sa amin, especially kay Dion! Iba din talaga ang hatak ng cutie player ng Nueva Ecija. At isa pa, madalas nilang makita si Dion sa social media since kasali siya sa playoffs (na katatapos lang). Kinailangan na kaming i-assist ng mga staff ng Araneta para lang mawala ang gulo sa pila.

"Okay ka lang?" Dion asked me habang pinupunasan ng tissue ang noo niya.

"Tanungin ninyo rin naman ako kung okay lang ako, kasama ninyo rin ako." Pagod na umupo sa lapag si Liu at natawa kaming dalawa.

"Solid talaga 'yong baby bra warriors mo, 'no? Walang kupas." Tanong ko kay Dion habang natatawa.

"Hindi ka galit sa mga nagpa-picture?" Tanong niya.

My brows crunched. "Bakit naman ako magagalit? I mean, solid supporter mo sila. Ang toxic ko naman kung ipagdadamot ko sa kanila ang simpleng autograph at picture." Ginulo ni Dion ang buhok ko at inakbayan ako.

Habang nasa lobby kami ay bigla akong tinawag ni Ianne. "OMG! Nandito rin kayo?" She asked at mahigpit akong niyakap. Ianne is wearing the Battle Cry merch shirts. Ang cute lang dahil pare-parehas kami ng team na sinusuportahan sa match ngayon. Kasunod ni Ianne ay si Larkin, Sandro, at Captain Axel.

"OMG! Captain!" Sigaw ko at napayakap sa kaniya. "Long time no see, busy na busy sa Law school, ah."

"Kita mo ba 'tong eyebags ko?" Tinuro ni Axel ang mata niya. "Pinagpaguran ko 'yan." Kung alam ko lang na manonood din sila ay sana ay nakisabay na kami bumili ng ticket.

"Anong seats ninyo?" Tanong ni Ianne sa akin at ipinakita ko ang ticket namin. "Shemay, ang layo ninyo sa amin."

"By the way, congrats sa inyong dalawa. Dati ay tinutukso-tukso lang kayo ng buong gaming community tapos totohanan na." Sandro said. "Tutal naman nanalo ka na sa love life Dion, patalo ka naman sa qualifiers ng Season four."

"Gago mo." Natatawang sagot ni Dion. "Makakapasok ang ALTERNATE at Orient Crown sa top 10 teams. Doon tayo magdurugan."

Napatigil kami sa pagkukuwentuhan noong may mga cellphone nang nakatapat sa direksiyon namin, marami na palang manonood ang kumukuha ng picture namin. God, ngayon lang ba sila nakakita ng mga players na nagsasama-sama at nagkukuwentuhan? I mean, we are from different teams pero magkakaibigan naman kami. Hindi namin dinadala ang tensiyon ng laro in real life.

"Magkita na lang tayo after game, ang dami nating audience dito." Itinuro ko 'yong ibang mga bagets at kinawayan sila. Natuwa naman sila at malakas na napasigaw.

"Hilig mo sa fanservice, artista ka ba?" Tanong ni Dion at mahina kong tinapik ang kaniyang pisngi.

"Sige, kain tayo after game? Si Ianne ang in charge sa resto, maraming alam 'yan around Cubao." Sabi ni Sandro.

"Kitakits after match!" Ianne shouted.

***

GRABE! Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin nila Dion sa mismong venue ay talagang namangha na ako sa stage design. May mga drones din na lumilipad sa buong coliseum at naglalakihan din ang mga camera at ang dami ding staffs! Iba talaga kapag isang TV station ang nag-budget sa ganitong event.

Sa isang gilid ay makikita na naka-live ang ilang mga shoutcaster habang nakatutok sa kanila ang camera. They are giving their opinions sa kung sino ang mananalo sa pagitan ng Battle Cry at Royal Stallions. I mean, ang sami ko nang tournament na napuntahan pero ibang level ito lalo na't ang daming sponsors ng match na ito.

Paano pa kaya sa Season 4 tournament na?

Naglakad kami nila Dion upang hanapin ang seat number namin. Sa paglalakad namin ay may mangilan-ngilang nagpa-picture ulit na pinaunlakan namin. After we find our seats, ang layo nga namin kanila Ianne dahil nasa kabilang side sila ng Coliseum.

"Ang ayos ng view natin dito, nice one." Natutuwang sabi ni Liu habang pinagmamasdan 'yong malaking LED wall kung saan namin mapanonood ang laro.

"Siyempre, ako ang pumili ng seats." Ginalaw ko ang maiksi kong buhok. Napatingin ako sa mga babaeng nasa likod namin at kinawayan sila. They squeezed because of what I did.

"Ate Milan, fan na fan po ninyo ako. May supporters badge ako sa Facebook page mo tapos lagi akong nanonood ng live mo." Natutuwang sabi noong babaeng morena sa likod namin.

"Huy, Hailey umayos ka nga." Saway sa kaniya ng kaibigan niya at napangiti ako.

"Okay lang, let's enjoy the match ngayon. Battle Cry ba kayo ngayon?" Tanong ko at ipinakita nila ang blue ribbon na nakatali sa wrist nila. "Nice one." Nakipag-apir ako sa kanila.

"Humarap ka na rito." Natatawang sabi ni Dion. "Ang likot-likot mo."

"Natutuwa kasi ako sa kanila. Ang cute lang na kilala nila tayo kahit match ito ng Royal Stallions at Battle Cry."

Dumilim ang paligid at hudyat iyon na malapit nang mag-start ang match. Malakas na music ang umalingawngaw sa buong coliseum at malakas kaming napasigaw lahat.

Nagsasalita pa lang ang host ay bigla nang nanlamig ang kamay ko dahil sa kaba. I mean, grabe! Kahit wala na ako sa Battle Cry ay hinihiling ko na manalo sila this time. They deserved to win, matagal na nilang pinangarap 'to. This is the perfect day to prove to everyone that they are not a mediocre team, na may ibubuga ang Battle Cry.

Kaso ay alam kong mahihirapan sila sa kalaban nila lalo na't isa ang Royal Stallions sa top 10 teams last season.

"Ngayon, papasok na sa Araneta Coliseum ang mga members ng Battle Cry... Mag-ingay naman ang mga lobo diyan!" The emcee hyped the fans at malakas kaming nagsigawan lahat. "Pinapangunahan ito ng kanilang Captain, number one, Kendrix!"

Lumabas sa malaking TV ang mukha ni Kendrix at kumaway siya sa camera. "Pogi, mukhang bayawak, eh." Bulong ni Liu sa akin at natawa ako.

Isa-isang tinawag noong host ang mga members ng Battle Cry according to their jersey number. Seeing Oliver, Gavin, Renshi, Kendrix and other members of Battle Cry standing in a big stage na may libo-libong tao na nanonood sa kanila... Nakaka-proud.

"Kinakabahan ako." sabi sa akin ni Dion.

Hinawakan ko ang kaniyang kamay. "Magtiwala tayo kanila Oliver, mananalo sila."

Sunod na tinawag noong host ang Royal Stallions at sumigaw ang fans nila.

"Boooo!" Malakas na sigaw ni Liu at wala siyang pakialam kung may mga fans ng Royal Stallions ang malapit sa amin. "Kakainin lang ng mga lobo 'yang mga kabayo ninyo! Uwi!" He shouted.

"Gaga ka!" Hinatak ko papaupo si Liu sa kaniyang puwesto dahil nakakahiya ang ingay niya.

Malayo man kami aa stage ay kita sa mukha nila Oli na kinakabahan sila. Oli is the core of Battle Cry, nasa kaniya ang lahat ng pressure. Tinipon sila ni Kendrix upang kausapin. Watching Kendrix na nili-lead niya ang Battle Cry ay sobrang nakaka-proud.

Nakita ko kasi kung paano siya sinanay ni Axel for that position, and now, he is doing his job well. Siya na ngayon ang pinakamatatag na pundasyon ng Battle Cry.

"Battle Cry!" Sigaw ni Kendrix.

"Oy! Oy! Oy!" Malakas naming sigaw na mga fans na nanonood. Grabe! Ganito pala ang perspective ng isang fan kapag may laban ang sinusuportahan nilang team.

Sobeang nakakakaba, nagtatayuan ang balahibo ko dahil sa kaba and grabe din ang tibok ng puso ko. "Go Battle Cry!" Malakas kong sigaw.

Natawa si Dion sa tabi ko at may kinuhang bottled water sa bag niya. "Oh, baka sumakit lalamunan mo kakasigaw."

I smiled to him. "Thank you."

Magsisimula na ang match at sine-setup na nila ang mga nerve gear nila. "Dion, hindi ko yata kakayanin," bulong ko habang inalog-alog ang braso niya. "kinakabahan ako para kanila Oli, sobra."

"Ako man, eh." Dion answered.

Nag-log in na sila sa Hunter Online at nagsimula na ang laban nila.

Hindi talaga ako mapakali sa upuan ko habang pinanood ko sa LED wall ang match ng Battle Cry at Royal Stallions. But at the same time, namamangha ako sa performance na ipinapakita ng magkabilang team.

"Oli, pitasin mo na 'yan!" Malakas na sigaw ni Liu.

"Battle Cry Anonymouse successfully eliminated Scrapper from Royal Stallions! Mukhang batak na batak sa practice ang Battle Cry at nasa kundisyon ang mga players nila ngayong araw!"

Malakas kaming napasigaw and feeling ko wala akong boses bukad dahil sa kakasigaw ko. Pero wala na akong pakialam, napapasigaw talaga ako sa tuwing may nae-eliminate sila sa mga kalaban.

"Nakita mo 'yong ginawa ni RailRider para mailigtas si Anonymouse?" Tanong sa akin ni Dion habang seryosong nakatingin sa screen.

"Hindi, paano ang ginawa?"

"As soon as napatay ni Oli 'yong dapat niyang pitasin, nag-cast si Railrider ng spell para maging invisible siya ng ilang segundo. That's a good thing para hindi masundan o mahabol si Oli ng mga kalaban." Paliwanag ni Dion sa akin at napapalakpak na lang ako sa ganda ng laro nila.

I hate to say this pero iba ang impact ng mga bagong players ng Battle Cry sa buong grupo. Effective ang mga plano nila. Walang nagsasapawan, alam kong kinakabahan sila pero kontrolado nila 'yong kaba nila. Walang gumagawa ng impulsive actions.

"Tingnan mo 'yong ginagawa ni Kendrix," bulong ko kay Dion. "Hindi siya nagsha-shot call pero sinasabi niya 'yong status ng mga members ng Battle Cry para hindi nila kalimutan mag-heal."

In the entire match, nagpapalitan kami ni Dion nang mga napapansin namin sa laban. Feeling ko nga ay naiingayan na sa amin ang mga nasa likod namin dahil panay bulungan kami ni Dion. Pero gusto ko kasi ang laro ng Battle Cry at Royal Stallion ngayon, as in ang dami naming natututunan ni Dion.

Iilang players na lang ang natitira sa battlefield. Napapakapit na ako ng mahigpit sa hawakan ng upuan ko at 'yong paa ko ay sobrang nanlalamig na. I commend both teams pero gusto kong manalo sina Oli. Hindi dahil kaibigan ko sila kung hindi ang ganda talaga ng laro na ipinakita nila ngayong araw.

"AND our winner for the first GTV Hunter Online tournament is Battle Cry!"

Malakas kaming nagsigawan. Napatingin ako sa stage at tinanggal nila Oli ang suot nilang nerve gear at mahigpit na nagyakap-yakap. Napakalakas ng sigaw ang umaalingawngaw sa buong Coliseum dahil sa pagkapanalo nila. Malakas din ang music sa paligid.

"Dion, nagawa nila Oli-" hindi ko na natapos ang sinasabi ko noong makita na umiiyak si Dion.

Nakatingin siya kanila Oli, umiiyak habang nakangiti. He is very proud for his old teammates, kahit si Liu ay umiiyak din. Pangarap nila 'to. Pangarap nilang ma-recognize ng gaming community ang Battle Cry.

Napaluha ako habang pumapalakpak. Napatayo kaming lahat para sa Battle Cry.

"Nagawa nila, Milan. Nagawa nila." Dion said at pinunasan niya ang luha niya. Mahigpit ko siyang niyakap at hinayaan ko siyang umiyak sa balikat ko. Masaya siya para kanila Oli.

Pinagmasdan ko ang stage at iwinawagay ni Gavin ang TShirt nila ng Battle Cry. Kinuha ni Kendrix ang napakalaking trophy. Itinaas niya ito habang umiiyak, malakas kaming nagsigawan.

Lumapit si Kendrix sa host at hiniram ang mic.

"Sorry po," pinahid ni Kendrix ang luha niya. "Gusto ko po sanang imbitahan sa stage si Axel, Milan, Dion at Liu. Alam kong nanonood kayo!" He shouted.

Napatingin sa amin ang ibang audiences at inaya ko sina Liu at Dion papaakyat sa stage. Humahagulgol talaga sila sa pag-iyak. Alam nila ang paghihirap ng Battle Cry para makarating sa puntong ito. Alam nilang deserved ng Battle Cry ang trophy na ito.

In mid way, nakasabay namin si Axel. Maging siya ay umiiyak. "Tara na." aya niya sa amin at tumakbo kami papaakyat sa stage.

"Nagawa namin, Axel." Iyon ang unang bagay na sinabi ni Kendrix pagkaakyat namin sa stage. Mahihpit na niyakap ni Axel si Kendrix.

"Nagawa ninyo. Proud ako sa inyo."

Lumapit sa amin sina Oli. "Kumare!" Mahigpit akong niyakap ni Oli na namumugto na ang mata kakaiyak.

Iniabit ni Kendrix ang trophy kay Axel. Itinaas ni Axel ang trophy at malakas muling nagsigawan ang mga tao sa coliseum. Umiiyak din ang ilang mga fans, nakita nila kung paano naghirap ang Battle Cry para rito.

Niyakap naming lahat si Axel na may hawak ng trophy.

Sa araw na ito, natupad ang pangarap namin para sa grupo; sa Battle Cry. Magkakasama pa rin kaming umakyat sa stage upang i-celebrate ang pagkapanalo nila.

Continue Reading

You'll Also Like

11.2M 502K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
5.2M 266K 73
Online Game# 1: DANI X RAYDIN
212K 12.6K 70
Cold-blooded murder. A psychopath serial killer on the loose. Two of Eastwood's greatest detective agents in the same labyrinth of mystery. Time is r...
15.6K 2.9K 185
Sometimes When I'm Lonely I Pretend I'm A Carrot is a little book about carrots, loneliness, religion, political stance, love, and affirmations.