Reincarnated as a Stupid Daug...

By DemLux_Pain

6.3M 326K 236K

Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey... More

RSDMB
Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
CHARACTERS (So far)
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96

Chapter 2

66.9K 3.6K 474
By DemLux_Pain


Gosh! Hindi ako makapaniwala sa nakikita ngayon. I can't believe that everyone compared this goddess to some bitch! Tsk!



Sa ngayon ay dahan-dahan ng bumabalik sa'kin ang mga alaala ni Heavenhell, kaya masasabi ko na maganda naman talaga si Mitchel.



Bukod doon ay magaling pumorma ang bruha dahil sa sanay ito sa mga social gatherings, kumpara kay Heavenhell na buong buhay niya ay nanatili sa kwarto para mag-aral.



Hanggang sa tumagal ay na-realize na ni Heavenhell na kahit mag-aral pa siya nang husto ay hindi pa rin siya mapapansin ng mga magulang niya.



Kaya naman simula noon ay ginaya ni Heavenhell ang pananamit at pag-uugali ni Mitchel, pero hindi ito naging successful dahil sa huli ay nagmukha lang siyang katatawanan ng lahat.



Bakit? Dahil wala siyang alam sa fashion at humihingi lang ng payo sa mga maid na nagta-trabaho para sa bruha.



"She tried her best to be acknowledged, but in the end, she died by poisoning herself!"



I can't believe that Heavenhell's death this time is because of suicide! Dahil tuloy sa ginawa niya, ay ako na hindi tagadito, ang kailangang humarap sa katakot-takot niyang hinaharap.



Napabuntong hininga na lang ako. Habang patagal nang patagal ay dumarami na ang impormasyon na pumapasok sa utak ko, kung kaya't lalo lang akong nagagalit para sa sitwasyon ni Heavenhell sa kamay ng mga Caventry.



Kailangan ko nang magsimulang magplano ng mga dapat kong gawin para makatakas sa pamilyang 'to. I'll do what I want and start not to care about those rats! They are nothing but a trash!



Pinag-aralan ko ang buong kwarto hanggang sa mapansin ang isang pamilyar na bag. Teka? Paanong nandito ang bag na 'yan?!



"Lady Athy, your food is ready. M--my lady, what's wrong? You looked pale!" Tinignan ko si Pira at tinuro ang bag na nasa gilid ng lamesa.



"About that, I saw you hugging it so tight, my lady." seryoso nitong sabi.



"Me? I'm hugging my bag? How come?! That's my bag in the other world!"



"The design is weird, my lady. But it seems important to you, so I've brought it here when you passed out in the probation room." Tinago ko ang pagtataka sa mukha ko at tumango na lamang.



Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na napunta ang bag ko rito, ganoong bago ako mamatay ay sigurado akong kinuha ito ng mga lalaking nagpahirap at pumatay sa'kin.



"Leave the food here and you may go." Tumango ito bago lumabas ng kwarto. Agad akong nagtungo sa puwesto ng bag ko at mabilis itong binuksan.



"It's really here! How did this happen?!"



Naalala ko na pagkatapos kong matanggap bilang Financial Analyst ng malaking kompanya ay bumili ako ng bagong laptop at mga USB flash drive dahil marami akong files na gagawin.



Sinong mag-aakala na dudukutin ako para torturin at patayin diba? Geez! Maalala ko lang lahat ng pinagdaanan ko bago mamatay ay nanggigil ang mga kalamnan ko!



Kinalma ko na lang ang sarili at kinontrol ang emosyon na ayaw kong ilabas sa panahon ngayon. Pagkatapos kong kumalma ay hinalungkat ko ang bag at nakita ang bagong bili kong laptop at cellphone na Apple ang brand.



Pinag-ipunan ko pa naman 'to tapos hindi ko naman pala magagamit sa trabaho!



Nandito rin ang luma kong laptop at cellphone, ganoon rin ang isa kong flash drive na pinaglalagyan ko ng mga importanteng files na sa tingin ko ay magagamit ko sa hinaharap.



My new USB Flash drives are also here! Sinigurado ko pa naman na mataas ang storage ng mga 'to tapos ito lang ang mangyayari?!



Hayys! Walang masyadong laman ang bag bukod sa wallet na wala ng pera dahil sa mga pinagbibili ko.



Hindi rin ako naglalagay ng ID sa wallet dahil madalas ko itong nawawala, kaya safe ang totoo kong pagkatao sa lugar na 'to. Sana naman ay gumana ang makabagong teknolohiya dito dahil alam ko na advance ang mga application na naka-install sa laptop at cellphone ko.



At higit sa lahat, ang Flash drive ay hindi pa nadi-diskubre ng mga tao kung kaya't kadalasan ay naka-save lahat ng important data sa mga laptop at computer nila.



"Hehe! I'm so lucky!" Natatawa kong sabi sa sarili.



They are so dead! In this world, I'm the most advance and knowledgeable person ever exist!



Napailing na lang ako sa pinag-iisip. Kumain ako pagkatapos kong masigurado na kompleto ang mga gamit ko sa bag. Kakailanganin ko ang mga 'yon para sa pagsisimula ko ng bagong buhay at makatakas sa takbo ng istorya!



"Pero teka... Bakit parang may nakakalimutan ako?"



"The book! That's right!" excited kong sabi. Sinimulan kong halungkatin ang loob nito pero wala akong nakikitang libro!




"Where the heck is it?! Sigurado akong pinasok ko ang bagong bili kong libro sa bag ko, pero nasaan na 'yon?" Inisa-isa ko na lahat ng sulok ng bag pero wala pa rin.



Kung hindi ko 'yon mababasa ay hindi ko malalaman ang ending ng istorya! I'm doomed! Bakit sa dami ng ipapadala sa'kin dito ay yung libro pa ang nawala?!



Napahiga na lang ako sa kama sa sobrang stress. Sa dami ng mga kalaban ng mga bida ay baka pati ang pagbabagong buhay ko ay maantala.



Kung hindi ko pilit na ipapasok ang sarili ko sa gulo katulad ng ginawa ni Heavenhell sa novel ay malaki ang pagkakataon ko na makatakas sa mga mangyayari sa hinaharap.



Lumapit ako sa computer ni Heavenhell at binuksan ito ng walang kahirap-hirap. Wala naman kasi siyang password na nilagay kaya hindi na ako magtataka na lahat ng mga ideya niya ay nanakawin ni Mitchel.



*Smirk* Too bad! I'm not Heavenhell, so I'm not going to be an easy target bitch!


Tinuon ko ang pansin sa screen at inisa-isa ang mga naka-save na files dito. Napangiti na lang ako sa mga nakikita bago ito kopyahin lahat sa flash drive na bago kong bili.



"Wow! This thing really works here!"



"Hmm... It's a good thing that it works, but I'm more amazed about what I just saw!"


"Heavenhell, you're really a genius!"



Hehe! Sinong mag-aakala na ang binansagang 'stupid' ng iba ay merong listahan ng mga taong makapangyarihan sa bansang kinabibilangan ko ngayon.


Okay! I need to sort the information I've known so far. Ang title ng libro ay "Love is a Trial and Error" na sinulat ni Unknown Pain.



Malay ko kung anong trip ng author at ganiyan ang title. Ano 'yan, math? Wala ring nakakaalam ng tunay na pangalan nito dahil ang sabi ng iba ay introvert daw ito.



Ngayon dumako tayo sa istorya, isa sa nakakainis dito ay maraming characters na bigla-bigla na lang susulpot. Ngayon pa lang ay sinasabi ko na mahihirap kabisaduhin ang mga pangalan nila dahil naranasan ko na 'yan. Halos dumugo na ang utak ko sa pagkabisado sa mga ugali nila.


Dito walang bansang America, Philippines, South Korea, Japan at iba pang bansa na makikita mo sa Earth, dahil iba ang trip ng author. Ang pinakamalaking bansa dito ay tinatawag na Atlante at ang capital nito ay Eldaim. Sa ngayon ay nandito ako sa bansang 'to at hindi ko 'yon gusto!



Atlante is a very large country! Hindi ka maniniwala sa mga makikita mo rito. Higit sa lahat hindi lang ang Government ang namamahala ng buong bansa kung hindi apat. There are four sectors in Atlante; Government, Mafia Organization, Military at Business Empire.



Sa Government obvious na ang President ang namamahala. Ang Mafia Organization ay pinamumunuan ng Mafia Royal Lord. Sa Military ay ang mga Higher Ranks ng army at sa Business Empire ay ang mga Entrepreneurs ng bansa.



Dito pa lang masasabi ko na ayokong masangkot sa mga characters na pasok sa kategorya na 'yan. Kaya ngayon ay kailangan ko nang bumuo ng plano kung paano ako makakaalis ng Atlante para pumunta sa ibang bansa na malayo dito.



Bukas ay babalik na ako sa probation room at iyon lang ang oras ko para mabalik ko ang lakas ko. Hindi ko alam kung ang mga katangian ko bilang si Carnelia ay madadala ko bilang si Heavenhell, pero kailangan kong subukan dahil kung hindi ay patay ako nito!


"My first objective is to call off my engagement! I don't want to involve myself in the most dangerous person in the novel!"




_______________________________________

Dem's Note: May errors kaya paki-intindi na lang. Thank you!

Continue Reading

You'll Also Like

260K 10K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...