Watermelon Dreams

נכתב על ידי infinityh16

47.1K 4.8K 1.2K

After reading Wizard of Oz, seven-year old Olivia fell asleep only to be awakened by invisible melodious wind... עוד

Dedication
Watermelon Dreams
Falling
Erin
Watermelon Tree
The Thief
Fireflies
Tree Planting
Angel
Into the Woods
Beyond the Woods
Taro Leaf
Mirror
Willows
Kontaminados
Time Off
Stranded
Prey
Grego Farm
Bus Ride
Daughter of Nature
Kampilan
Savior
Wind Chimes
The Volunteer
Bonfire Story
Mandurugo
Aboard the Sea Dragon
Keithia
History
Osculation
Aurora
New Breed
Hope
Babe
Verona
Birthday Eve
Arrow
Eighteen
Home of the Winds
Bodyguard
***
Trap
Island in the Sky
Red and Gold
Erin & Olivia
Balance
Emptiness
The End
Useless Information
Cursed
Grim Future
Falling
Mirror, Mirror

First Friend

1K 128 19
נכתב על ידי infinityh16

CHAPTER FIVE

SUMMER OF 1995

Olivia didn’t know if she just imagined it, but the beautiful woman's eyes flashed with different colors as she laughed mirthfully when she called her a thief. But it suddenly vanished and returned to its normal light brown color.

Tila musika ang tawa nito. It was infectious too that Olivia found herself smiling. She waited for the woman to stop.

Nang tumigil ito, nakatitig lamang ito kay Olivia, na noo'y hindi rin maalis ang tingin sa magandang mukha ng babaing ito. Marami na syang nakitang mga artista sa network nila kaya pangkaraniwan na sa kanya ang makakita ng mga babaing may taglay na kariktan.

Ngunit ngayon lamang sya nakakita ng kasing-ganda ng mang-uumit na ito. Kakaiba ang kagandahan nito. Habang tumatagal mas paganda ito nang paganda. Maihahalintulad sa isang diyosa.

Hindi kaya diyosa nga ito o diwata ng kakahuyan kagaya ng biro ni Lola Esmeralda? Iyon siguro ang dahilan kung bakit hindi ito mahuli-huli nina Mang Erning.

"Diwata po ba kayo?"

Amusement flashed on the woman's face. She just smiled at Olivia mysteriously for a brief moment then shook her head. Olivia was disappointed and at the same time scolded herself for wishing that fairies existed.

"Kung ganun, ikaw ang nang-uumit ng mga ubas ni Lola," seryosong sabi nya.

Tinitigan syang muli ng babae. "Ako nga," pagkukumpirma nito. "Isusumbong mo ba ako?" Nawala ang ngiti sa mga labi nito at seryoso itong tumitig sa mga mata nya.

"Bakit mo ninanakaw ang mga pananim ni Lola?" Sa halip ay tanong nya rito. Hindi mukhang pulubi ang babae para maging desperada itong magnakaw ng makakakain.

Muling sumilay ang ngiti sa mga labi ng babae kaya naman lalong lumitaw ang ganda nito. "Hindi ko naman ninanakaw ang mga ubas na ito." Kumuha ito ng isang pirasong ubas saka isinubo. Napapikit ito na tila ninanamnam ang bawat kagat sa prutas. Nang matapos itong ngumuya, dumilat ulit ito at ipinukol ang tingin kay Olivia. The beautiful woman gave out a satisfied sigh. "Napakatamis at napakasarap. Nakakaadik. Kahit kainin ko ang mga ito buong araw, hinding- hindi ko pagsasawaan."

"Kung hindi pagnanakaw, anong itatawag sa ginagawa nyo?” Olivia didn't want to sound disrepectful to someone older than her but she's curious with this woman.

"Tinitikman ko lang ang mga ubas," the woman said like it was the obvious answer.

"Nag-iiba po ba ang lasa ng mga ubas araw-araw?" Olivia couldn't hide her sarcasm.

Tumawa ang babae. "Sabihin na nating gustong- gusto ko talaga ang lasa ng mga ubas na ito. Have you tried them yourself?"

Of course she did. Nauunawaan ni Olivia ang sinasabi nito. Masarap ang mga ubas sa farm nila kaya naman napaparami rin sya ng kain kapag hinahainan sya ni Ate Aika bilang dessert.

"Kung hindi ka diwata, sino po kayo?"

Tinapunan sya ng misteryosong ngiti ng babae. Napaisip rin si Olivia kung bakit laman ng panaginip nya ang babaing ito kung ngayon lamang sila nagkita?

"Ako si Umi," pakilala ng babae at inilahad ang kanang kamay nito. "Ikaw, anong pangalan mo?"

Hindi agad nakasagot si Olivia. Napatitig lamang sya sa kamay nito. May ilang hakbang ang pagitan nila nito at hindi nya malaman kung dapat ba nyang tanggapin ang pakikipagkamay nito. Paano kung masamang tao ito kagaya ng kinatatakutan nina Ate Aika? Baka dakpin sya nito.

Olivia and Pris were often warned about kidnappers. Alam nilang magkapatid na galing sila sa isang mayaman at prominenteng pamilya kaya hindi malayong may magtangkang kunin sila at ipatubos sa malaking halaga.

Hinihintay ng babae ang magiging tugon nya at hindi pa rin nito ibinababa ang kamay sa pagkakalahad.

"Ako naman si Olivia." Walang makapang takot sa puso nya si Olivia para sa babae. Kahit isa itong magnanakaw ng ubas ng Lola nya, may parte nya ang hindi naniniwalang masama itong tao. "Nice to meet you, Ate Umi," dugtong nya matapos lumapit at kinamayan ito. The woman's hand was soft and it felt warm.

"Ibig sabihin ba nito, hindi mo ako isusumbong?" Nakangiti nitong tanong.

Ngumiti ring tumango si Olivia. "Pwede mo pa ring tikman ang mga ubas ni Lola. Huwag na lang po kayong magpapahuli kina Manong Erning," biro rin nyang sabi na ikinatawa na naman ni Umi.

Olivia knew that stealing was a crime and she wasn't in favor of it. But she liked Umi for some reason. And she did give her permission, though without her Lola's consent, it wouldn't be called stealing anymore.

Isa pa, ayaw nyang lumayo si Umi. Gusto pa nya itong makilala. Kahit magkalayo sila ng edad, gusto pa nyang makausap ang babaing laman ng panaginip nya.

"Saan po kayo nakatira?" Olivia was sitting next to Umi with the basket in between them. Pareho na nilang pinagsasaluhan ang ubas na pinitas nito.

"Dyan lang."

"Ang daya mo naman, ate. Pinayagan na nga kitang kunin ang mga ubas namin eh," reklamo nya.

"Hindi naman ikaw ang may-ari ng farm. Ang Lola mo," Umi pointed out.

"At ako ang tagapagmana nya," nagmamalaki nyang sagot. Hindi na nya kailangang sabihing dalawa silang tagapagmana ng kapatid nyang si Pris. "Kaya may karapatan ako sa ubasan. May karapatan akong ibahagi ang mga pananim dito sa kahit na sinumang gustuhin ko. My Lola taught me how to share my blessings and I'm sharing it with you. So you don't have to steal, Ate Umi."

Umi was staring at her intently. Natigilan ito sa mga tinuran nya. Maya-maya's ngumiti ito. Umi patted her head gently and affectionately. "Salamat, Olivia. Isa kang matalinong batang may ginintuang puso. Sana ay huwag kang magbabago. Kailangan ng mundo ang mga katulad mo. Isa kang simbolo ng pag-asa."

Seeing admiration on Umi's eyes made her warm inside. "Ang seryoso mo naman, ate," basag na lamang ni Olivia sa katahimikang namagitan sa kanila. May init syang nadama sa magkabilang pisngi.

Umi gave a soft laugh. "Darating din ang araw na dadalhin kita sa bahay ko."

Olivia nodded in understanding.
Inubos nila ang ubas habang tinatanong sya ni Umi tungkol sa kanyang pag-aaral. Hindi ito nakitaan ni Olivia nang pagkainip habang ikinukwento nya ang tungkol sa mga projects nya sa school, ang paboritong nyang subject at maging ang mga librong binabasa nya.

It maybe childish on adult's ears but Olivia only saw interest on Umi's eyes. The beautiful woman was a good listener. Her attentiveness would make one think that Umi was listening to the most interesting person in the world.

At dahil dyan, mas na-engganyong magbahagi si Olivia ng nilalaman ng kanyang isipan. Kahit hindi pa sila gaanong magkakilala ni Ate Umi, hindi sya nangiming magkwento ng kahit na ano. Pakiramdam nya, may importansya ang mga salitang binibitawan nya.

Nadismaya lamang si Olivia nang marinig ang tawag ni Ate Aika mula sa may di kalayuan. Kahit pinayagan nyang manguha ng ubas si Umi, ayaw nyang ipaalam sa mga ito ang tungkol sa babae. She only wanted Umi for herself. She didn't want to share her new found friend.

Olivia reluctantly said goodbye to Umi.

"Bakit ka nagpapaalam? Hindi naman ito ang huli nating pagkikita, hindi ba?" Umi's words made Olivia hopeful.

"Will...will you be here tomorrow?" Olivia tried not to sound too excited.

Umi nodded to Olivia's relief.

Tumayo na si Olivia para sya na lamang ang sumalubong kay Ate Aika dahil ayaw nyang makita ng kasambahay si Umi. Bago pa man sya tuluyang pumasok sa ubasan, lumingon muna sya kay Umi ngunit wala na ito sa ilalim ng malaking puno.

To Olivia's delight, she saw Umi again the next day. Naabutan nyang namimitas ito ng mga ubas sa bahagi ng ubasan malapit pa rin sa malaking punong-kahoy kung saan sila nagkita kahapon.

Pinagmasdan muna ni Olivia ang magandang babaing abala sa pagpili ng mga bungang pipitasin. Tila isa itong diyosa ng mga alak na kinikilatis ang mga ubas na gagawin nitong wine. Kahit simpleng puting t-shirt at kupas na blue jeans lamang ang suot nito, mas tatalunin ng ganda nito ang mga artista sa telebisyon. Hindi na nito kailangang magsuot ng magarbo para lumitaw ang kagandahan. Ang tanging karangyaan sa suot nito ay ang sandals na suot nito na napapalamutian ng maliliit na diyamante.

"Hi, Ate!" Masiglang bati ni Olivia. "May dala akong miryenda." Ipinakita ni Olivia ang dalang basket. Napangiti si Umi nang makita sya.

Laking tuwa nya nang payagan sya ng Lola Esmeralda nyang magdala ng basket na may lamang sandwiches, chips at malamig na lemonade. Hindi na nagtanong ang Lola nya kung bakit marami syang dinalang pagkain. Magiliw sya nitong ipinaghanda ng makakain. Marahil natutuwa itong magana na syang kumain. 

"Bakit lagi kang nag-iisa? Ayaw mo bang makipaglaro sa ibang mga bata?" Tanong ni Umi isang araw matapos nitong tikman ang strawberry shortcake na ginawa nya para rito. Nagpaturo at nagpatulong sya sa Lola nyang magbake niyon para ipatikim sa kaibigan nya.

Isang linggo na rin silang nagkikita ni Ate Umi tuwing hapon. Palagi lamang sila nitong nagku-kwentuhan habang nilalasap ang mga pabaon ng Lola ni Olivia. Kung nagtataka man, hindi ipinapahalata ng Lola nya kung para kanino ang extrang pagkain na laging dinadala nya.

"Kung wala si Pris, sanay na akong mag-isa," tugon nya. "I don't have friends."

"Bakit naman?"

"I'm always sick. I have asthma. No one wants to play with me," malungkot nyang tugon. Noong hindi pa nag-aaral si Pris, lagi lang syang mag-isa. Wala syang kalaro dahil walang gustong makipaglaro sa kanya mula noong atakehin sya ng asthma habang nakikipaghabulan sa mga kaklase.

Pinagmasdan syang mabuti ni Umi. "Magkakaroon ka rin ng mga kaibigan."

There was something the way Umi looked at her that Olivia felt assured by those words.

May inilabas si Umi mula sa bulsa ng jeans nito. Isang woven bracelet na gawa sa kahoy. May tatlong maliliit at bilog na crystals ang nakakakabit dito. Nang mapagmasdang mabuti ni Olivia, napansin nyang parang may hanging umiikot sa loob ng mga iyon. "I will be your first friend, Olivia. At ito ang simbolo ng pakikipagkaibigan ko sayo."

Sa tuwing makakausap ni Olivia si Umi, ay nagkakaroon sya ng confidence sa sarili. Nagkakaroon sya ng lakas ng loob. Her words were always encouraging.

"Ang lalim ng iniisip mo," sambit ni Umi isang hapong naglalakad- lakad sila sa bahagi ng manggahang nasa malayong bahagi ng farm kaya walang tao maliban sa kanila.

Olivia had been quiet. Kanina pa sila nito magkasama pero tahimik lamang silang nagmiryenda. Napansin siguro ni Ate Umi na wala sya sa mood magkwento dahil hindi sya nito tinatanong.

"Darating sina Mommy at ang kapatid ko." 

"Hindi ka ba natutuwa?" Umi asked carefully.

Huminto si Olivia sa lilim ng isang puno ng mangga. "I'm happy of course." She tried convincing Umi, who was studying her. "Totoong masaya akong darating sila dahil miss na miss ko na sila."

"But?"

She couldn’t lie to Umi. "Lolo is coming too. I dreaded whenever he makes me and my sister play the piano. I'm not good compared to my sister. I'm not as talented as her. I hate being compared." Olivia felt tears stinging her eyes. She hated herself for being weak.

"You hate being compared but who's comparing now?" Umi said kindly and it made Olivia paused. Lumuhod si Umi para magpantay ang paningin nila. "Ayaw mong ikinukumpara sa iba, pero ikaw mismo ang nagkukumpara sa sarili mo."

"Dahil totoo naman, Ate Umi. Mas magaling ang kapatid ko kesa sa akin. Paulit- ulit na sinasabi ni Lolo. I'm not good enough to take over our company. I'm not worthy to continue our legacy."

"Such big responsibility for a young child to think of," Umi muttered sympathetically. She gently enveloped Olivia in her arms.

Olivia's troubled mind immediately calmed with Umi's warm embrace. Her woes were replaced by peaceful silence. She only heard birds chirping, the rustling of leaves and the serenity of Umi's presence.

"You are you, Olivia. Stop comparing youself to others," Umi whispered in her ears. "You have your own role to play. Remember this. Be confident in who you are, so other people’s opinion or rejection won’t bother you. Bata ka pa at marami ka pang pagdadaanan. Focus on the things you can change and not on things you can’t control. Be strong, my young Olivia. I know that you'll do great things."

That night, her Lolo was astonished when she perfectly played Mozart's The Marriage of Figaro. Olivia didn't think of impressing her grandfather or anyone. She focused on becoming better for herself.

Ilang araw na nagstay ang mga kapamilya ni Olivia kaya hindi nya nakita si Umi. Miss na nya ito at gusto ng makita. Kahit magkalaro sila ni Pris, wala sya sa focus.

Nagcelebrate din sila ng birthday ng Daddy nya kaya ang mga ito pumunta sa farm. Hindi pwedeng magtagal ang mga ito dahil abala ang mga ito sa trabaho. Bumalik naman sina Pris at ang Mommy nya sa Ilocos para doon tapusin ang bakasyon.

Gusto sana syang isama ng Mommy nya sa Ilocos pero tumanggi sya. Kinumbinsi naman ng Lola Esmeralda nya ang kanyang ina na nakakabuti kay Olivia ang pananatili sa farm. Kita naman na mas masigla na si Olivia kaya pumayag na rin ang Mommy nya.

Madaling araw umalis ang Mommy at kapatid nya. Kahit gusto na nyang makita si Ate Umi, madilim pa sa labas at tuwing hapon sila nagkikita.

Umalis naman ang Lola nya before Lunch. Inimbitahan kasi itong mananghalian sa bahay ng Mayor kaya kay Ate Aika lumapit si Olivia para magpahanda ng miryenda para sa kanila ni Umi.

"Naku, pinapasunod tayo ng Lola mo sa bahay ni Mayor. Gusto ka raw kasing ipakilala kaya kailangan nating pumunta dun," wika ni Ate Aika.

Kanina pa sya nananabik makita si Umi ngunit ipinapatawag sya ng Lola kaya kailangan nyang ipagpaliban ang pakikipagkita sa kaibigan. Medyo may lumbay si Olivia nang sumakay sa lumang kotse na hiniram ni Ate Aika sa kaibigan nito malapit sa farm.

Hiniling na lang nyang sana umuwi sila nang maaga ng Lola nya para may oras pa syang makita si Umi. Ngunit nagtaka sya nang malagpasan ng kotse ni Ate Aika ang bahay ng alkalde. Alam ni Olivia ang bahay na iyon dahil itinuro iyon ng Lola nya nang minsang mapadaan sila.

"Ate Aika, lumagpas tayo," tawag nya sa atensyon ng kasambahay.

Hindi kumibo si Aika. Napansin ni Olivia na humigpit ang hawak ng kasam-bahay sa manibela at binilisan nito ang takbo ng kotse.
"Alam ko."

"Saan tayo pupunta? Baka hinihintay na tayo ni Lola."

"Pasensya ka na, Olivia, pero trabaho lang."

Olivia realized she was in danger. "Ate, umuwi na tayo," pakiusap nya. Ayaw nyang maniwalang kaya syang gawan ng masama ng pinagkakatiwalaang tauhan ng Lola nya.

"Hindi pwede, Olivia," matigas na sagot nito.

Puro puno na lamang ang nakikita ni Olivia. Palayo na sya nang palayo sa farm, sa Lola nya at higit sa lahat kay Umi. Napuno ng takot ang buong katauhan nya.

Her right hand automatically went to the woven bracelet Umi gave her. Humugot sya ng lakas ng loob mula sa bigay ng kaibigan. Pinigilan nyang pumatak ang mga luha. Hindi sya dapat magpadaig sa takot.

"Ate Umi, anong gagawin ko?" She thought desperately. Kailangan nyang tumakas.

Bago pa man nya maisatuparan ang binabalak na pag-agaw sa manibela ni Ate Aika, huminto ang sasakyan. Agad syang kumilos para buksan ang pinto ngunit isang armadong lalaki ang sumakay.

Kahit gustong manlaban ni Olivia, para syang na-istatwa nang tutukan sya ng baril ng lalaki. May panyo itong hinugot mula sa suot nitong itim na jacket saka itinakip sa ilong at bibig ni Olivia.

Ilang segundo lamang ay naramdaman nyang bumibigat ang talukap ng kanyang mga mata. Nagulat silang lahat nang may mabigat na bagay ang bumagsak sa hood ng kotse. Narinig nya ang tili ni Ate Aika.

Binitawan si Olivia ng lalaki at nakita nyang lumabas ito ng kotse. Anong nangyayari? Nilabanan nya ang pagkawala ng kanyang ulirat. May narinig syang putok ng baril at muling sumigaw si Ate Aika.

Pinilit lumabas ni Olivia sa kotse. Kailangan nyang makalayo mula sa mga kidnappers. Hindi nya alam kung nasaan sya pero kailangan nyang iligtas ang sarili.

Napahinto sya nang makalabas mula sa sasakyan. Medyo nanlalabo na ang paningin ni Olivia ngunit isang silweta ng isang babae ang nakita nyang nagpakawala ng mga suntok at sipa sa lalaking kidnapper. Walang kalaban- laban ang lalaki dahil agad itong bumagsak at nawalan ng malay.

Tinangkang tumakas ni Aika sa pamamagitan ng pagpapaandar ng sasakyan ngunit may kakaibang lakas ang babae dahil napigilan nitong makaabante ang sasakyan.

Tumakbo palabas ng kotse si Ate Aika ngunit napakabilis ng bagong dating dahil hindi nakalayo ang kriminal. Maya-maya'y nakahandusay na sa kalsada ang kasam-bahay.

Olivia's vision was really becoming blurry. But she could still see the silhouette of her savior walking towards her.

Olivia knees buckled but someone caught her before she fell. She knew she was safe. Before losing conciousness, she saw the woman’s face.

"Ate Umi." Olivia smiled and before succumbing to nothingness, she confirmed that she was right all along.

Watermelon tree wasn't a dream.

המשך קריאה

You'll Also Like

68.5K 2.6K 53
New fantasy story! And I hope you'll spare time to read this! This story is about the girl who escaped from her own reality. But later on, she disco...
870K 58.5K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...
62.4K 3K 65
Lucia found herself living under the same roof with her cousin who she never met before in her entire life. Will they be able to co-exist like normal...
349K 13.6K 43
"That Amnesia of yours. Do you think it's a punishment?" "Why?" :)"I just think that the ability to remember things forever is a kind of punishment"...