Love in a Game

By BriellethItGo

624 65 55

It's a Game. You're the Player and She's the subject. Will you play for her heart or for the fame? Not your t... More

,
Meet our Stars
Prologue_ Just a Peek
Chapter 01_ First Sight
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12

Chapter 02_Warm Welcome

10 1 0
By BriellethItGo

_

Masigla akong bumaba sa kotse namin at hinintay si Daddy na maka-alis. Nagpalitan kami ng ngiti at hinintay syang maka-alis, kumaway pa siya bago mawala sa paningin ko.

Tumalikod ako at nakangiting pinagmasdan ang dating eskwelahan ko. Matagal-tagal na rin pala simula ng umalis ako dito.

I sighed.

'I'm back, again.'

Matapos ang ilang segundong nakatayo ay pumasok na ako. Diretso lang ang tingin ko sa dinadaanan para hindi na rin mapansin. Sumabay ako sa mga iilang estudyanteng papasok. Naririnig ko ang mga bulungan pagpasok ko pa lang sa gate. Mas lalo ko na lang itinuon sa daanan ang paningin ko.

Napatigil ako ng harangan ako ng grupo ng mga babae. Imbes na pansinin sila, umatras ako ng dalawang beses at kumanan ang lakad ko pero mas hinarangan nila ako.

"Still a Nerd ha?" sabi ng babaeng nasa harap ko. Sa kanilang lima ay siya ang nasa gitna.

Nag-angat ako ng tingin. Hindi ko siya kilala, pilit kong pinag-aaralan ang mukha niya para masiguro kung natatandaan ko ba ito o kilala. Napabuntong-hininga ako ng wala talaga akong maalala kaya't napadako ang tingin ko mula sa kaniyang ulo hanggang paa at muling ibinalik sa kanyang mga mata.

Nang magsalubong ang aming mga mata ay may masama na itong mga tingin. "I'm hot, I know that." Ngisi nito na sinuklian ko ng pagtaas ng kilay.

"Bakit ka pa nagbalik?" maarteng sabi naman ng nasa kaliwang katabi ng nasa gitna.

'Why does she care so much?'

Bakit nila ako kilala? Gayong matagal akong nawala. Bakit nila ako naalala gayong ngayon lang naman nagtagpo ang mga landas namin. Bakit nila ako pinagtutulungan gayong hindi kami magkakakilala?

"Don't you remember? a nerd like you is not designed for this school." sabi ng babaeng nasa pinaka-gitna naman. Dahan-dahan itong naglakad palapit sa akin. "No one needs you here. Bakit ka ba nagbalik pa?" maarteng tanong nito sabay tinulak ako ng mahina sa balikat ko.

Napatingin ako sa manggas kong dinapuan ng kamay niya saka sinundan ang kamay niyang ngayon ay magka-krus na. Buntong hingna ko siyang tiningnan.

Zoe, ang pangalan niya. Nakita ko ang name tag sa uniform niya. Pero wala akong maalala na pangalang Zoe o kilala man.

Nanlaki ang mata ko nang bigla akong tinulak ng babaeng nasa pinaka-gitna. Napa-upo ako sa sahig. Nanatili parin akong nakayuko habang iniinda ang sakit sa pwet ko. Hindi pa man nakakabawi sa sakit ay napa-angat ang ulo ko ng biglang hatakin ng isa sa mga babae ang bag ko.

"Ano ba?" Hindi ko napigilang pagtaasan sila ng boses nang magsilapit sila at hinawakan ako.

'Napikon ba siya sa mga tingin ko?'
Masama ang loob na nakatingin sa Zoe na nagngangalan.

Napasinghal ang babaeng nasa gitna kanina at mataman ako nitong tiningnan.

"Now your shouting back." matigas nitong sabi. Nanatali lamang ang tingin ko rito. "Are you just gonna stare at me?" Irita nitong sabi. Tumingin ito sa mga kasama niya at muling tumingin sa akin at ngumisi. "Guluhin niyo ang gamit niya." utos nito.

'Napikon nga siya. Tss.' Nailing na lang ako at napapikit. Hinahabaan ang pasensya.

Naalarma ako sa sinabi nito pero agad nila itong nakuha sakin. Magkasalubong ang kilay at masama ang loob na pinanunood na pinaglalaruan ang bag ko. Buka ang bibig at nanlulumong pinanunuod sila. 'Ikayayaman ba nila 'to?' Wala na akong pake alam sa itsura ko ngayong naka upo sa sahig at masakit dahil natamaan ko ang mga maliliit na bato. Nagtatawanan pa sila. Napatingin ako sa leader ata ng mga babaeng ito, nakangiti ito sakin na parang nagwawagi.

"Oh! What is this? A signpen?" nanlaki ang mata ko ng hawak na ng isa sa mga babae ang isang signpen ko.

"What about it?" Pag-uusisa ng Zoe na ito.

"Hahaha ang dami niyang signpen hahaha." natatawa nitong sabi habang tinitingnan kung meron pa ba syang makikitang katulad no'n sa bag ko.

Ang mga mamahaling signpen ko. Hindi ko talaga alam ang mangyayare kapag may nabuksan isa sa mga yan. Hindi naman kaso sa akin kung paglaruan nila iyan dahil kaya kong bumili ulit, ang masakit lang, naglagi sa akin ang mga 'yan ng matagal na.

"Hey nerdy-girl, are you going to sell this?" agad na nanlaki ang mata ko ng hinahagis sa ere ng isa sa mga babae ang Pilot Metropolitan ko.

Napapalunok na lang ako at walang magawa kundi ang tingnan ito na umaangat sa ere at sinasalo ng babae. Namamawis na ang kamay ko sa kaba. Unti na lang siguro ay iiyak na ako. Bakit ba nila kailangan paglaruan ang mga collection ko sa gamit. Napayuko na lang ako sa kahihiyan at kaduwagan ko. Hindi ko man lang maipaglaban ang mga gamit ko.

"Whoa. This one's amazing."

Napa-angat ang ulo ko ng marinig ang babae sa dulo na tahimik at namamanghang nakamasid sa Lamy Al-Star ko. Isa sa mga gusto ko yun eh tapos paglalaruan lang din nila.

Tatayo na sana ako ng makita ko ang isang babae na hawak ang bag ko at ilalabas sana ang Machine Era Solid Brass Pen ko pero sabay-sabay silang napatingin sa hindi ko alam at iisang direksyon lang ang tinitignan nila.

Nang napuno na ng sigawan sa paligid, nakisama na rin sila. Binitawan nila ang signpen ko.

Ang Pilot Metropolitan ko, nahulog sa ere dahil ang babaeng naghagis nito ay parang tarsier na lumuwa ang mata nitong nakatingin sa iba. Nakakainis sya.

Ang Lamy Al-Star ko nahulog na lang sa basta-basta. That girl!

Ang Machine Era Solid Brass Pen ko ay buti na lang naihulog sa mismong loob ng bag ko. Napangiti ako ng tipid nang makitang maayos ang lagay ng mga iyon.

Nawala na sila ngayon sa harap ko. Kahit na anong ingay sa paligid, hindi ko na ito pinapansin dahil panay ang pakawala ko ng hininga habang pinupulot ko ang mga gamit. Nerd na ba ang tawag sa akin kung hindi lang naman ako kabilang sa kanila?

Eh ano pa kaya sila? Hays.

Kinuha ko na ang bag ko at tatayo na sana pero agad na bumalik sa pagka-upo ng may makitang sapatos sa harap ko. Hindi lang sapatos, maraming sapatos at Nawala ang ingay sa paligid.

"You Loser, get out of our way." Kalmadong sabi nito ngunit may awtoridad.

Inangat ko ang ulo ko sa babaeng nagsalita. Tatayo na sana ako nang makita kung sino ang katabi niya. Muntin ng umawang ang labi ko buti ay napigilan ko at sabay na napalunok. Para akong nakakita ng multo ngayon. Dahil si Paul Kayvan ang nasa harap ko.

Hindi ko alam kung nasa akin ba ang tingin niya dahil nahaharangan ito ng itim na shades. Nangunot ang noo ko, 'Hindi niya ako naaalala' Gusto kong mangiti bigla ngunit agad na pinigilan.

"Ano ba? Bingi ka ba ha?"

Dali-dali akong kumilos at kinuha ang bag ko pero walang silbi dahil nagpatuloy na lang sa paglalakad ang lalakeng ito. Narinig ko pa syang nag-tss.

'Hindi niya ako nakilala.'

Napangiti ako nang wala sa sarili habang tinatanaw ang lalaking sandaling natanawan ng aking mga mata noon sa mall. Ang kaniyang mga likod pa rin ay kay ganda at dumadagdag iyon sa kayabangan niya.

Nawala ang ngiti ko nang banggain ako nitong Zoe at daananan ng mga kasama niya.

"Buti nga sayo."

"You deserve that."

"Next time ulit ah."

"Bakit kasi bumalik pa? You're just like an oldie selling gulays in dirty markets."

"Wearing our uniform makes you a scholar here."

Hinayaan ko lang sila, sinusundan ko pa rin sila ng tingin hanggang sa makalayo. "Sa sobrang yaman nila ay naghirap ang mga utak nila." Ako ang nalungkot sa sinabi ko. Totoong, mayaman sila sa pera pero mukhang kinulang sila sa utak. Gusto ko silang intindihin hanggang sa makakaya ko.

Napangiwi ako ng makitang may dumi sa palda ko, pinagpag ko na lang dagdag mo pang may gasgas ang binti ko, hinayaan ko na lang ito at isinukbit na ang bag ko sabay nagpatuloy na lang sa paglalakad.

Dumiretso na ako sa first class ko. Sinuklay ko na lang ang buhok ko gamit ang mga daliri ko habang lakad-takbo dahil huli na ako sa klase. Kumatok ako ng marahan at binuksan ko na ang pinto namin. Napatigil ako sa kinatatayuan at napapahiyang yumukk at muling salubungin at tingin nitong nagtataray.

"And you are?" mataray na tanong ng teacher matapos ako nitong tingnan mula ulo hanggang paa.

Natigilan ako, mas kinabahan ako ng biglang nagsitinginan ang mga kaklase ko sa akin. Nahihiyang tumingin ako sa teacher namin sabay hingang malalim. Tumingin ako sa kanila at ngumiti. "I'm Alana Ivori Auxillio." Yumuko ako sa kanila at hindi inaalis ang ngiti sa aking labi.

Nagkaroon ng katahimikan sabay lingon sa guro namin at nakangiti na ito

"Welcome back." sabi ng guro namin. Gano'n kasimple na parang kanina ay hindi ito nagtaray sa akin.

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi ko na lang pinansin at muling ngumiti rito.

"You may now sit." sabi pa nito. Naglakbay ang mga mata ko at naghanap ng mauupuan. "Mind giving your excuse letter?" mataray na tanong ng guro.

Nahihiya man ay pinilit kong maghanap ng mga salitang isasagot ngunit wala talaga. "Psh. Lets start." Hinawakan na ang stick niya at pinalo sa white board hudyat na simula na ng klase.

Nandito na ako naka-upo ngayon sa pinaka-dulo. Nilabas ko ang mga pen ko at inihelera iyon sa desk upang punasan. Hinayaan ko lang iyon doon at nakinig na, binalewala na lang ang nangyare kanina.

Ito ang unang pangyayare sa akin na hindi ako nakapasok sa unang araw ng klase dahil nagkasakit ako. Matapos ng eksena noong sabado sa mall ay sumakit ang tiyan ko at nawala noong linggo lang, pinagpahinga ako ni Mommy nung mag-lunes at ngayon lang naka-pasok.

Hindi nakawala sa aking isip ang lalaking nakatagpo ko sa mall at ngayon ay nasa iisa kaming school. Buntong-hiningang inalis sa aking isip ang kaniyang mga matang naglalayag sa akin.

Kailangang kong umiwas para wala na ring gulo. Ang dami niya ng kasalanan sa akin, binangga niya ako, sumakit ang tyan ko tapos nabasag pa ang itlog. Sya ang gusto kong sisihin kung bakit ako nagkasakit. Hindi ko alam pero ganoon na lang ang inis ko sa kaniya. Gusto kong hindi na lang na mainis at ayoko na lang siyang problemahin.

De bale nang sikat at may grupo syang kinabibilangan at may-ari pa sila ng mamahaling school ay nagmamay-ari din kami ng mamahaling malls.

Mas mabuti nang maging tahimik ako rito at hindi na lang makikipag-usap kahit kanino maliban sa mga guro. Magiging estudyante lang ako at hanggang doon na lang iyon.

Natapos ang dalawang klase at oras na para kumain. Lahat nagsilabasan na at diretsong kantina. Diretso lang ang tingin ko at binabalewala ang mga bulungan at tinginan ng iba. Nagsalubong pa nga ang kilay ko nang may sumingit sa harapan ko pero isiwalang-bahala ko na lang ito. Ito ang sinasabi kong mayaman na nagkulang sa utak.

Habang naka pila ay naghanap na ng mesa upang masigurong may lugar ako. Naglakad na ako patungo doon. Inilapag ko na ang tray ko pero agad na nagsi-upuan ang mga babaeng kasama ni Zoe. Mga bully talaga sila. Ngumiti sa akin ito at ngumiti din ako.

Sumama ang mukha niya kaya tiningnan ko lang sya at kinuha na muli ang tray ko. Kinakabahan pa ako kung papatirin ba nila ako kaya pigil ang hiningang nilagpasan ko sila. Nakalagpas ako kaya nakahinga ako ng maluwag. Naglalakbay ang tingin ko at naghahanap ng lamesa.

Nang may makita ay pinuntahan ko ito at sa hindi inaasahan ay bigla na lang may pumatid sa akin, nabitawan ang tray at ngayo'y nagkalat ang mga pagkain.

Lumingon ako sa likod ko at nakita ang paang nakalabas at nag-angat ng tingin sa nagmamay-ari nito. Si Sam. Kumakain sya ng lollipop at natatawa.

Sinulyapan ko sya sa huling beses at pinagpu-pulot na ang pagkain sa paligid. Nanigas na lang ako ng biglang may maramdaman akong malamig na likidong bumalot sa buong katawan ko. Napapikit ako bigla ng maramdaman ang yelo na bumagsak sa ulo ko.

Habol ang hininga matapos buhusan ng juice ni Sam.

"Hahahaha." pinangunahan ni Sam ang pagtawa.

Kaya sa buong canteen, napuno ng tawanan. Nakakabaliw ang tawanan nila. Pero hindi nagtagal yun ng biglang may humablot sa pulsohan ko.

Napa-angat ang ulo ko ng biglang may humawak sa pulso ko. Nagtatakang tiningnan ko ito at nang makilala ko ito ay napalitan ng pagkagulat at pagtataka.

"Jacob?" Hindi ko inaasahan 'to.

"Where you taking her Jacob?" Maging si Sam ay nagulat. Narinig ko muli ang boses nito.

Hindi umimik si Jacob habang hindi nawawala ang tingin nito sa akin. Kalmado ako nitong inangat at nagpadala na lang din ako, hinila niya na ako.

"Hey nerdy."

Napatigil ako nung narinig ko ang sigaw ni Sam. Tumingin sa akin si Jacob pero nilingon ko si Sam.

"You're fun. And I'm just beginning." sabi nito sabay kumindat.

Napako ang tingin ko sa kanya. Siya si Sam, kilala ko siya dahil nangunguna siya pagdating sa pambubuyo. Kung dati ay dinadaan-daanan lang ako nito ngayon ay tinatawanan na ako at inaasar. Maganda siya, mayaman sila, hindi ko alam kung matalino, maganda ang pangangatawan, magaling mambuyo.

Nabalik lang ako sa sarili nang maramdamang marahang hinila ni Jacon ang kamay ko."Jacob." Nagtataka ngunit may paghangang usal ko ng hinihila na ako nito papalayo sa mga nagbabantang tawa ni Sam.

"Shh. You'll be safe."

Sa mga litanyang iyon ni Jacob hindi ko alam kung ano ang dapat na maging reaksyon.

Stay tuned. . . .

Good night :)

Continue Reading

You'll Also Like

110M 3.4M 115
The Bad Boy and The Tomboy is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon p...