Hi! Open Minded Kaba?

By Forbidden_Pen

18 1 0

Open Minded Kaba? Saglit lang naman itong story. One Shot Story lang ito. Sige na. More

One Shot Story

18 1 0
By Forbidden_Pen


Ten tenenen tententententen ten!!!

Magandang araw o gabi depende na sayo kung ano gusto mo! WAHAHAHA!

Hi! Open Minded Kaba?

May nag tanong naba sa inyo niyan? Kasi sakin meron.

Bukod sa frontrow, yang linya na yan ang naging unang conversation namin ni Krash.
Yesh.

Ganito kasi yun...

Nung Grade 11 po ako, isa akong dakilang dumbell, tinagurian nga akong dumbell the great, tutulong lang ako kapag umiyak na si leader, sori sori. Wag niyo akong tularan.
May krash ako na dancer noon—hanggang ngayon hehe, siya si Kyla Magdamit.
Totoo po na may surname na Magdamit. Wag niyo tawanan surname niyan, last na tumawa nagka gusto sa kanya WHAHAHA, ako yun.

Ganito kasi ang nangyari kung bakit naging crush ko siya...Mga February noon nung Grade 11 pa ako, may pa mass dance ang school namin na parte ng event para sa Sportsfest namin. At yung mga kasali sa mass dance ay karamihan walang ambag sa sports fest, hindi pera huh, kasi private kami, hindi ako nagyayabang dahil paaral lang ako ng pinsan ko na DO dun. By the way ang sinasabi kong ambag ay yung may sinalihan ka na sports. Kunyari sumali ka sa volleyball, basketball, board games, yung sa darts, at kung ano ano pa na utak at katawan ang pinapagana. Pag may sinalihan ka kahit isa doon, may ambag kana, may plus pogi points kana at may plus 3 ka pa sa mismong grades mo. Eh ako kasi hirap sa mga rules ng laro, ang laro ko ay mga katuwaan lang, walang rules ang gusto ko. Eh di in short wala ako sinalihan, eh ayaw ko naman maging dumbell saka sayang yung tshirt na tig-350 na natatanggal ang tatak, YAWA! Eh Di sumali ako sa mass dance. After 3 days nag meeting kaming mga kasali, antagal bago mag start kasi inaantay pa daw ang choreographer na si Magdamit. Napalakas ang tawa ko tapos nasabi ko pa ay...

"Ah baka nagdadamit pa! WAHAHHA!"
Alam ko na hindi nakakatawa pero pag talagang mga siraulo ang kasama mo at mga inip na din, ay talagang magtatawanan kayo. Gaya namin nung time na yun.
At saktong may pumasok na babae. Diba nagtatawanan nga ang lahat sa sinabi ko at ayun biglang natigil nung sinabi nung babae na...

"Ako si Magdamit. May problema ba?"

Nanigas ako nung time na yun. Katakot naman dis gorl. Tiningnan ko lang siya tapos inirapan ako nung sireyna niya na kasama. Tapos ayun tinapik na lang ako nung katropa ko tapos hinila paupo sa sahig. Bale naka Indian sit kaming lahat.

Tapos ayun nahiya ako nung hindi mawala titig niya sakin, siguro kung wala akong ginawang kagaguhan noon baka kinilig ako to the point na iisipin kong type niya ako, pero hindi eh, pinagpawisan ako noonat inisip ko na baka sa isip niya ay sinisipa na niya betlog ko, gets niyo ba? Huhuhu.

After nun, kada practice namin lagi siyang nakatingin sakin at ipinupwesto niya ako sa gitna, sa unahan, sa lahat ng pwesto na kitang kita ng manonood. Sa tingin ko nga noon ay gumaganti siya ng palihim sakin guyssss! Naiirita ako sa kanya nung mga panahon na yun sa totoo lang kasi bakit ba parang masyado niyang binibig-deal noon yun? Joke is just a joke, but maybe it really depends on the person na ginawa mong katawa-tawa.

Pero, eto huh, noon bukod sa inis, may naramdaman pa akong iba, iyun ay ang magka gusto sa kanya, I mean May nagustuhan ako sa kanya noon. At iyun ay ang way niya noon sa countings ng steps namin...

"Okay guys from the top. Double time. Okay and 2 and 3, two and three and four. Clap clap two two three four."

Di ata naturo sa kanya ang one? Pero siyempre alam niya yun, ganun lang talaga siguro siya noon.

Tapos may bida bida siyang kasama na sireyna noon eh. Yun ang grabe, grabe mamahiya.

"Hoy! Yung naka pula taase pa ang kamay, yung may ensaymada sa ulo bend mo pa tuhod mo. Kuyang naka bench n bath tigas tigase!"
Ako yung naka bench n bath.
Idedescribe ka talaga niya at ewan ko kung noon na ay hinahanap pa ng mga nanonood kung sino yung naka pula or kung sinuman yung dinedescribe ng kaibigan ni Magdamit.

So ayun tatlong linggo ang naging practice at sa bawat araw na nagturo siya, humanga ako siyempre sa kanya at hindi na ako naiinis kapag tinititigan niya ako, mas naiinis pa nga ako noon kapag sa iba siya tumititig eh. At eto...ang cool niya talaga sumayaw dudes!

So ayun fast forward na natin.

Araw na noon ng mismong simula ng event na magtatagal ng 3 days. Dumating na yung mismong oras para mag perform kami at gaya ng laging pormahan ng mga sa sayaw noon, naglagay kami ng electric tape sa kamay, sa sapatos, sa pisngi at manggas ng damit. Pero medyo na gahol kami noon sa oras dahil marami kaming nalate kasi ang naalala ko ay kinuha pa ata namin noon yung flag ng team namin at flag mismo ng sportsfest doon sa may court kung saan kami nag last rehearsal. At dahil nataranta na kami noon tinulungan na kami ng ibang member na maglagay ng tape. Si Magdamit ang naglagay sakin noon at yawa nag ka eye to eye kamiiii...I can't really forget that moment HAHAHA!

Alam niyo ba na noong moment na yun nakipagbuno ako sa sarili ko sa isip ko actually  kung ka kausapin koba si Magdamit o hindi. Siyempre good boy ako, kinausap ko siya.

"Sorry pala sa sinabi ko matagal na. Joke lang naman yun."
Sabi ko.

Hindi siya sumagot noon kaya guilty na guilty ako noon sa sarili ko pero potek ang gulat ko noon guys nung hinampas niya bigla yung pwet ko tapos ngumiti siya sakin. Potek legit yung gulat ko nun at para akong isang robot na nag malfunction. Yawa tanong ko talaga sa isip ko noon kung bakit siya namamalo ng pwet. Ang weird nung moment na yun noon diba? Kahit hanggang ngayon, ang weird na mamamalo ka ng pwet ng hindi naman kayo close. Naisip ko din na paluin siya noon pero sa isip ko na lang WHAHAHA. Kapag namalo ako ng pwet ng babae, manyak magiging image ko. Masyado kasing unfair ang mundo hmp.

Ang pagkakaalala ko umpisa pa lang nang tugtog namin ay naghiyawan na ang lahat, sino ba ang hindi kung ang theme ng dance niyo ay mala Mobile Legends WHAHHAHA!
Dahil sobrang lakas nang cheering ng team namin nung time na yun, ayun todo bigay lahat. Nakakadala talaga kapag sobra ang cheer ng crowd, kahit ibang team nakikihiyaw samin noon WHAHAHA.
After ng performance, pagka exit namin ay naghiyawan kami at naglundagan lalo na nung umiyak ang adviser ng team namin at sinabing proud siya samin kasi walang nagkamali at sobrang naging hype ang crowd nung performance namin. Sobrang sarap sa feelings noon guyssss!

Fast forward na ulit natin...

Nung patatlo at last na araw na ng sportsfest namin, nag sama sama lahat sa gymnasium. Bale team to team kami, sa loob ng tatlong araw na yun medyo may mga nagka away na team kasi may mga ka team na sobra kung ibash yung ibang team. As in kapag may player sa ibang team na tataob ay tatawanan minsan at mabagsik itinutulak pa tapos may mga agawan din ng flag na nangyari kasi noon kapag nakuha mo flag ng ibang team, may points ang team niyo. So ayun, ipinagbawal yun at muntikan na madisqualified ang team namin nung napikon yung captain ball ng team namin sa isang cheereer ng team na kalaban nila. But, wag na nating balikan yun. So ayun nag sama sama nga ang lahat, tapos unang in- announce kung sino ang Ms and Mr. Sportsfest kasi kapag nag announce na ng mga panalo na players ay kasama sa picture ang Ms and Mr SF. So ayun nanalo yung muse at escort namin noon, may mga team na nag boo pero pinakita ang naging result. So ayun may mga ka team din kami na naka 1st place which is champion na din ang katumbas, mga 2 dalawa lang ata tapos puro 2nd placer at third na. At ang pinakahihintay namin noon ay ang sa mass dance. At gaya ng inaasahan panalo kami guysssssss!
Tapos para sa best team, kami ulittttttt kaya naman nagtayuan na kaming lahat kahit yung ibang dumbell sa team tapos punta kami lahat sa unahan noon at ayun picture picture. Tapos ayun nagkahampasan na, sabunutan at may pumalo ulit sa pwet ko, si Magdamit ulit kaya ayun pinalo ko din siya sa pwettttttt! At nagtinginan sila sakin...lahat sila.

"Sorry, nadala ako eh. Saka siya naman nauna."
Paliwanag ko noon at gusto ko na lang talagang magpalamon sa sahig ng mga panahon na iyun. Sobrang nakakahiya na ewan ang naramdaman ko, as in.

So ayun fast forward ulit ayaw ko ng maalala kung gaano kasakit at kasaklap ang naranasan ko nun.

After Sportsfest may mga ka team kami na naging mag buddies, sishies at kung ano ano pa, may naging mag jowa din. Josko. At siyempre pokus tayo samin ni Magdamit.

Kahit tapos na nag sportsfest lagi pa din kaming nagkikita kapag nagkakasalubong kami ni Magdamit sa hallway pero hindi niya ako pinapansin noon hanggang sa nalaman ko na nililigawan na siya ni Kevin. Well noo kasi hindi na ako nagulat kasi possible namna talaga na magpaligaw siya dun, si Kevin kasi ang top 1 ng section A noon at ako ay top 10 ng section B. Atlis top hehe. Madalas ko silang makita sa canteen noon at nababadtrip ako kapag nakikita ko yung Kevin na yun. Nung una inisip ko na baka nayayabangan lang ako kaya diko na pinansin, tapos hanggang sa Nagkaroon ng event sa school at sumayaw sina Magdamit.

Nanood kaming magkaka-klase tapos alam nila yung nangyaring pagpalo ko sa pwet ni Magdamit, kaya kilala na nila si Magdamit tapos krash din ng iba sa amin noon si Magdamit. Eh di siyempre nag usap kami na sumigaw noon ng 'I Love You Magdamit', eh syempre game ako ng mga panahon na iyun WHAHHAHA!

Pero mga hayuf na yun 1,2,3 daw tapos hindi sumigaw, eh akong game na game ay sumigaw noon...

''I Love You Magdamit!"
Ako sumigaw niyan, ako lang.

Kaya ayun, nagtinginan sakin noon ang mga nanonood pati yung DO na nagpapaaral sakin at mga hayuf na mga kaibigan kong yun nag alisan sa tabi ko, sabi pa nila noon ay...

"Taena di naman kilala yan huh."
"Di po namin yan kilala."
"Di po namin yan kaklase."
"Diego Asuncion po name niyan, pero Di po namin yan kilala."

Taena niyo guys mula noon hanggang ngayon! Naging bangungot yun sakin mga depunggol kayo!

So fast forward na ulit...

Naiba schedule namin noon dahil nanganak teacher namin. In short hindi na kami nagkita ni Magdamit pero ang balita ko binusted niya si Kevin. Lagi ko siyang hinahanap at inlove na po ako sa kanya noon hanggang sa mag Grade 12 ako at makagraduate hindi ko nagawang umamin sa kanya noon kasi nahiya talaga ako HAHAHA. Si Kevin nga binusted, ano pa ako? WHAHAHAHA!

Fats forward again...

Nung nag college na ako, nakita ko sa friend suggestion ko sa Facebook si Magdamit. At nademonyong daliri toh, nakapag add friend. Ikakansel kona sana nung na confirm na agad ni Magdamit. Speed namarn.

Tapos walang nag wave samin o kung anuman.

Iniiwasan ko nga noon na mapanood ang myday niya kasi di niya naman pinapanood myday ko. Tuwing nag mamyday ako kahit madaming nag heart react, name niya lang gusto kong makita sa mga naka view...pero wala.

Hanggang sa natapos ko ang first year college at mag sesecond year na ako nung biglang nag notif yung messenger...
Hayufff nag chat siya....4da1sttaymmm...

Pag bukas ko pa ng chat niya noon ay nanalamin pa ako at nagmumog, I isip ko kasi na baka mag video call siya hehe. Sobrang advance pala mag isip hehe...

'Hi! Open Minded Kaba?'

Kahit alam ko ang patutunguhan ng chat niya na yun noon...nag chat back ako. ..

'Oo naman.'

'Good to know. May ifoforward ako sayo huh.'

At akong inlab na inlab sa kanya ay nag yellow heart react sa chat niya.

'😊 I already approved your schedule for today at 2pm 😊'

"Thank you po💛😊"

'The point of this briefing is para maipakita namin yung kagandahan ng offer namin. Katulad nga ng lagi kong sinasabi literal na ichecheck mo lang siya if nagustuhan mo we can help you start agad, if hindi mo man magustuhan okay lang rin naman. Basta ang mahalaga macheck at matapos mo siya para maintindihan mo kung ano yung offer namin. 😊'

"Okay, no worries, 💛😊"

' Yieeee 😘 see you mamaya , congrats na agad 😊 add kita sa gc ng 1:30 😊 One of my mentor ang magheheads up at magbibigay ng reminders sa inyo, siya yung tumulong sakin dito sa business na to actually nung una di ko rin talaga siya kilala pero nagtiwala ako sa kanya at ngayon sya na kasama ko dito tinuruan at tinutulungan nya ako dito sa business na to 💖💯 be responsible and interactive nalang kasi nakakahiya rin sa kanya na tutulong sa atin🤗'

At sa hindi ko maunawaan ay napunta na kami sa briefing...nung tumigil na siya sa pag chachat ay saka ko narealize na puro...

' Okie po☺️'
' Yes po☺️'...

Ang chat ko...omyghad ka silp.

So ayun itinuloy kona ang pagiging patay na patay ko. Umattend ako ng briefing via zoom at omyghad Fr*****w pa nga.

So ayun ang gaganda ng offer, legit. Pero nung narinig ko yung sinabi nung host na...

"So guys kung willing kayong maging isa sa amin at I-grab ang opportunity na hanggang bukas lang namin ibibigay, mag message na kayo kay Kyla Magdamit. Si Mahal na ang bahala sa inyo, ito ang mga information na need, okay?"

At ewan ko ba pero nag open mic ako noo  at...

" Mahal? "
Tanong ko.

" Po? Ah opo. So guys kami ni Kyla ay in a relationship at kasama si fr*****w, stay strong kami at sabay kaming uunlad. Kaya guys magandang investment ang fr*****w para sa mga may seryosong jowa diyan haha."

Taena niyo, auto end call kayo sakin.

Umay sa inyo!

Tapos nag chat si Magdamit...

'Uy bakit ka nag leave?😢'

'Nakalimutan ko, busy nga pala ako.😬'

Tapos nilike zone niya lang. Hayssttt! Broken po ako.

Fast forward...

So ayun, after two months nag message ulit siya...

'Hi! Open Minded Kapa rin ba? 😊'

'Busy ako sa Acads eh.'
Suplado ka nyarn self?

'Ah okay😔. Kala ko open minded ka. Gusto ko sana maging partner kita sa business.😅'

'Si Mahal na partner mo ah?😏'
Chatback ko.

'Maduga yung gagu na yun😔. Na adik sa online shopping ng mga pre loved tshirts😒, ayun hiniwalayan ko.😬'

'Wala na kayo?😶'

'Oo hehe.😅'

'Ay Sorry hindi ko alam.🙁'
Kunyari nanghinayang tayo hehe.

'Ayos lang. Naka move on naman na ako😊. Ah sige hanap muna ako open minded😬. Salamat🙂'

'Teka lang, Busy ako pero meron naman akong Time Management😉'

'So Open Minded ka pa😁? Gusto mo maging partner tayo sa business? 🤗'

'Never nagsara ang utak ko. Partner🤗'

So ngayon, as in ngayong 2021 na, present time, hindi ko makakalimutan ang naging journey namin.

So guys! Bili na kayo ng Pre-loved T-shirt ko WHAHAHA!

Kala niyo fr*****w noh? Binitiwan niya ako kasi nag balikan sila🙂. Ibinalik niya yung binigay ko at ngayon nag uukay na ako. Bili na kayo guys🙂

The End....

Lesson learned:
Ichat lang nang ichat ang bf niya at bentahan pa ng mga Pre-loved shirts hehe🙂 I'm willing to wait Magdamit🤗

Continue Reading

You'll Also Like

171M 5.6M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
271K 3.4K 21
Gaia Leyn Velasco is a sweet and beautiful girl. She has everything. Looks, money, brain, and more. But there's one thing she can't get. Love. She's...
3.3M 161K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
381K 8.9K 16
She is a well-known actress. She knows how to act, and to fake her emotions, even her civil status. Who would have thought that she is already marrie...