The Accused Mistress

By LadyClarita

1M 31.5K 4.5K

(Delilah Series # 2) "Is it true that you were your own stepfather's mistress?" Alam ko na kailangan kong dep... More

The Accused Mistress
Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Wakas

Chapter 20

23.6K 649 161
By LadyClarita

Chapter 20

Dilim

Umalis ang waitress para sa order namin kaya naiwan kaming tatlo na tahimik sa mesa. Nagkatinginan kami ni Jok at hindi ko alam kung ano ang nakita niya sa tingin ko dahil basta na lang binalot ng takot ang kanyang hitsura.

Tumikhim siya at ibinaling ang nerbiyos na tingin sa katabi kong si Lake.

"Uh... Wala ka bang hearing ngayon, Sir?"

"Wala. It's actually my day off," si Lake. "You can go directly to the office tomorrow. I already gave my secretary a head's up."

Nahihiyang nagkamot si Jok sa kanyang batok.

"Luh. Nakakahiya naman, Sir. Kayo pa po talaga 'yong mismong nag-reach out sa'kin for internship."

"Naniniwala ako sa'yo," pahayag ni Lake. "And I want to support you."

Wala naman yata itong patama pero bakit pakiramdam ko nasapok ako sa noo?

Sa may panginiginig na kamay ay inabot ko ang water bottle na nasa mesa. Padaskul-daskol ang ginawa kong pagbubukas sa takip nito dahil sa tensiyon na nararamdaman. Nang malagpasan na ay uminom ako at inubos ko talaga ang laman.

Pinunasan ko ang bibig gamit ang likod ng kamay at muling inilapag ang water bottle sa mesa.

"Uhaw na uhaw, JC ah!" may panunudyong puna ni Jok.

Hindi ko siya sinagot at deneretso lang ang tingin sa mesa.

"Tumakbo kasi siya," komento naman ni Lake sa mababang boses.

Inuulit ko, mukhang hindi naman ito patama pero bakit sa pangalawang pagkakataon ay nasapol na naman ako?

"I mean, you went for a jog, right?" kaswal na dagdag ni Lake na halatang ako ang tinatanong.

Dahil kinakausap niya ay napilitan akong tingnan siya. Sa malapitan ay kaagad kong nakita ang iilang pagbabago sa kanyang hitsura. Bitter ako kung sasabihin kong pumangit siya. Ang totoo, mas lalo siyang naging gwapo. Mas nadepina ang istruktura ng kanyang panga. Though I could see that he shaved, may mumunting balbas pa rin akong nakikita. It only made him look darker and dangerous. His eyes looked much wiser too. And yes, I could definitely see now why he is branded as a ruthless lawyer.

Ilang ulit akong napakurap nang mapansin na tinititigan niya rin ako pabalik. 

"Ah... Oo," sabi ko sabay iwas ng tingin. Hindi ko na dinugtungan pa ang sinabi dahil dumating ang in-order naming kape.

"Here is your Black Insomnia coffee, Ma'am. Kagaya ng sinabi mo, pinakamatapang," saad ng waitress.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at pinasalamatan siya. Matapos mailapag ang kanya-kanya naming order ay umalis din ang waitress.

"Isn't that too strong for you?" si Lake habang pinagmamasdan ang tasa ng kape ko.

"No, it's fine. I can handle it," matapang kong sinabi at ginawaran siya ng pilit na ngiti.

Naisip ko na kung ganito naman siya kakaswal kung makipag-usap sa akin ay bakit hindi ko rin gawin? Kailangan kong kumalma at bawasan ang pagiging halata na apektado pa.

Kinuha ko ang tasa at sumimsim mula rito. Kaagad na umatake sa lalamunan ko ang pait ng kape. Iniwasan ko ang mapangiwi sa tapang nito.

Nag-usap sina Jok at Lake patungkol sa trabaho. Hindi ako sumabat sa kanila at tahimik lang na pinagtuonan ang kape. Marahil sa paningin nila ay enjoy na enjoy ako sa kape pero sa totoo lang, tinitiis ko lang ang pait nito.

"Balita ko rin, Sir Attorney, na-invite ka raw to be one of the speakers sa program sa university mamaya ah. Totoo ba 'yon?" tanong ni Jok.

Naubos ko na ang kape ko at naghihintay na lang ng tamang tiyempo para magpaalam.

"Yeah, I did. But I already declined. May prior commitment ako."

"Mamaya? On a Sunday," usisa ni Jok. Kumurba ang sulok ng kanyang labi at may lumantad na pilyong ngiti sa kanyang mga mata. "Ah. Babae ba 'yan?"

"Uh huh," tanging tugon ni Lake at sumimsim nang muli sa kanyang kape. Pasimple kong pinagmasdan ang kanyang hitsura. May multo ng ngiti sa kanyang mga labi at bumanayad din ang kanyang mga mata.

Biglang sumama ang pakiramdam ko. Suspetsa ko ay masyado akong naiinitin dahil na rin sa suot na jacket. Ayaw ko namang hubarin ito dahil tanging sports bra lang ang suot ko sa ilalim. Masyadong naparami rin yata ang nainom kong kape kanina.

Binalingan ako ng tingin ni Jok. Kumunot ang kanyang noo.

"Okay ka lang, JC? Namumutla ka, ah!" aniya sa nag-aalalang tono.

"H-Huh? O-Oo naman... I'm I'm fine," pagsasawalang bahala ko at nakuha pa siyang ngitian. "Mainit lang. Mauuna na ako sa inyo?"

"Sigurado ka ba? Hatid na lang kita!" alok ng kaibigan ko at umakto pa sa pagtayo.

"Hindi na," pigil ko sa kanya. "Malapit lang naman ang condo ko rito." Dahan-dahan akong tumayo at naramdaman ang tila ba pag-doble ng pintig ng puso. May kaonting pamamanhid na rin sa tuhod ko.

Pinilit kong ayusin ang sarili at tiningnan na rin si Lake. Nakita ko na sa hawak na tasa ng kape lang siya nakatingin.

"I'll g-go ahead..." paalam ko at pagkatapos ay tinanguan na rin si Jok.

Hindi ko na hinintay pa ang apila niya at tuluyan nang naglakad palabas ng cafe. Nang nasa labas na ay biglang lumamig ang kalamnan ko gayong naramdaman ko naman ang pagsilabasan ng pawis sa noo.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at nang medyo nakalayo-layo na mula sa café ay huminto na muna ako at humugot ng malalim na hininga. Yumuko ako, hinawakan ang bandang dibdib at dinama ang kabog nito. Pumikit ako at pinunasan ang pawis gamit ang mga kamay. Doon ko napagtanto na parang may mali dahil sa lamig nito gayong naiinitan ako.

"Get in."

Napaigtad ako sa kinatatayuan dahil sa narinig na boses. Dumilat ako at nilinga ang pinanggagalingan nito. Sa gilid ng kalsada, sa loob ng isang sasakyan kung saan nakabukas ang bintana ng driver's seat, nakita ko si Lake.

"H-Huh?" tanong ko sa nanghihinang boses.

"Ihahatid na kita," sagot niya.

"Hindi na," agap ko at nag-iwas ng tingin. "Malapit lang ang condo ko kaya... kaya maglalakad lang ako."

Nagpatuloy na ako sa paghakbang nang muntik ng nandilim ang paningin. Pinisil ko ang palapulsuhan at medyo naging okay din ulit ang paningin. Ngunit hindi rin ito nagtagal dahil hindi pa ulit nakakahakbang ay muli na namang nanlabo ang paningin ko.

Uulitin ko na sana ang pagpipisil ng palapulsuhan ng may bigla na lang ibang kamay na humawak dito. Napasinghap ako nang makita ang galit na ekspresyon sa mga mata ni Lake. Nakalapit na pala siya sa akin.

"I'm not that heartless to let a woman fall down any minute on the sidewalk," magaspang niyang sinabi sabay marahang hila sa akin patungo sa kanyang sasakyan.

Hindi na ako nagmatigas pa nang pagbuksan niya ng pinto sa harapan. Pumasok ako sa loob at nagpaubaya na lang.

"S-Sa bandang do'n lang ako," sabi ko sabay turo sa deriksiyon ng condo nang umaandar na ang kotse at nasa kalsada na kami.

"When's your annual check up?" bigla niyang tanong. Nasa daan lang ang masungit niyang tingin.

"Dapat kahapon 'yon kaya lang ni-resched ko dahil medyo...busy pa.... sa work."

Umigting ang kanyang panga. "Which hospital?"

Hindi ko man maintindihan kung ano ang patutunguhan ng mga katanungan niya ay sumagot pa rin ako at sinabi sa kanya ang pangalan ng ospital.

Marahas niyang iniliko ang sasakyan at nagbago na nga ang deriksyon namin. Bahagya na kaming napalayo sa gusali ng condo unit ko.

"Where are we going?" singhap ko matapos sulyapan ang deriksyong iniwanan namin.

"To get your annual check up," matipid niyang tugon at pinaharurot na ang sasakyan.

Mag-isa akong pumasok ng clinic ni Doc Hemendez. Nagpaiwan sa labas si Lake o baka naman umalis na rin siya. Hindi niya ako responsibilidad kaya wala akong karapatang pigilan siya.

Matapos masuri ni Doc ay nagkausap muna kami.

"You are over fatigue, Jean. What you had experienced earlier is an obvious sign of overworked and stressed."

"Marami lang pong trabaho, Doc," depensa ko. Nakitaan ko ng pangamba ang kanyang mga mata kaya pinanatag ko siya. "Don't worry, I'll consider taking a break for a few days. Just like what you've suggested."

"Please do that. I will also pay a visit to your father next week."

Gumala ang tingin ko sa kanyang mesa. Nakita ko ang litrato ng kanyang pamilya. Ang kanyang maybahay at ang katabi nitong nag-iisa nilang anak na lalaki.  Nagtagal ang tingin ko sa mukha ng lalaki. Hindi maipagkakaila na may hitsura ito. May pagka-mestizo rin na halatang si Doc ang pinagmanahan.

Sinundan niya ang tingin ko. "That's my son, Theo."

"He looks just like you, Doc."

May multo ng ngiti sa kanyang labi habang pinagmamasdan ang litrato.

"He is a bit... strict, uptight. More like his mother," wika niya na nagpaalala naman sa akin sa taong naghatid sa akin dito. Binalingan niya ako ng tingin. Nakita ko ang pagmamalaki sa kanyang mga mata. "He is taking up Medicine too."

"Susunod po pala siya sa yapak ninyo," magaang na komento ko.

Ilang minuto pa kaming nag-usap ni Doc Hemendez. May mga paalala rin siyang sinabi sa akin. Matapos makuha ang resulta ay lumabas na ako ng kanyang clinic. Napahawak ako sa dibdib dahil sa pagkagulat nang makita si Lake na naghihintay pala sa labas. Nakasandal ang likod niya sa pader at nakapikit siya habang pinagkrus ang mga braso sa harapan.

Unti-unti siyang dumilat at umayos na nang makita ako.

"A-Akala ko... umalis ka na," bungad ko.

Tumango siya at napasulyap sa hawak kong brown envelope.

"I did. Bumalik din ako."

"Bakit?" anas ko. "Bakit ka bumalik?"

Nagkatitigan kami. Puno ng katanungan ang tingin na iginagawad ko sa kanya samantalng wala naman akong makitang emosyon sa mga mata niya. Tulad noong una ko siyang makilala.

"I came back to properly say goodbye. Ang pangit naman kung bigla na lang kitang iwan dito," sagot niya sabay buntonghininga.

May kirot sa dibdib ko. Hindi man sigurado kung may iba pang malalim na ibig sabihin ang naging pahayag niya ay apektado pa rin ako. Pinilit kong ngumiti at tinanguan siya.

"Bago ko gawin 'yon ay ihahatid na muna kita gaya ng sinabi ko kanina," pagpapatuloy niya sa pagsasalita.

Pumayag ako at pinagbigyan siya. Marahil ay ito na rin ang magiging huling pagkakataon na maihahatid niya ako. Baka nga ito na ang huling beses na makikita ko siya dahil sa kaibahan ng mundong ginagalawan naming dalawa. Tulad noong una ay bumalik ulit ang malayong agwat ng buhay namin.

Pareho kaming tahimik sa loob ng kanyang kotse habang bumibiyahe na pauwi. Mas naging malala pa kami sa dalawang tao na estranghero sa isa't-isa. Noon naman bawat hibla ng pagkatao niya kilala ko. Bawat sulok ng buhay niya, parte ako.

"I'm sorry," bigla ko na lang naisambit sa kalagitnaan ng biyahe. Kinuha ko itong huling tsansa at baka hindi na talaga kami magkita pa. "I'm sorry for what I did in the past. I—"

Natigilan ako dahil sa bigla niyang pagtabi ng sasakyan. Napatingin ako sa labas ng bintana at nakitang nasa malapit na bangin kami kung saan dinig ko ang malalakas na paghampas ng alon sa dagat.

Nagtagis ang kanyang bagang. Dumapo ang tingin ko sa kamay niyang mariin pa rin na nakahawak sa manebela. Sa pagkakahigpit ng pagkakapit niya rito ay nadepina ang mga ugat niya sa braso. Malayo ang tingin niya.

"I badly needed you back then," sambit niya matapos ang katahimikan. Nang balingan niya ako ay nakita ko sa kanyang mga mata ang sakit na dala-dala pa rin niya. "Kailangan na kailangan kita no'n, Jean."

Bumigat ang dibdib ko at nanlabo ang paningin dahil sa nagbabadyang mga luha. Pumikit ako upang hayaang bumuhos ang mga ito.

"I was a coward," mabigat kong pag-amin. "Natakot lang kasi ako, L-Lake."

"Natakot na?" Puno ng pagsusumamo ang kanyang boses. Pagsusumamo na intindihin ang dahilan ko? "Saan ka natakot?" masyadong marahan na pagkakatanong niya. Kung pakikinggan ay parang nakikipag-usap sa isang musmos.

Dumilat ako at panibagong luha na naman ang kumiwala mula sa mga mata ko. Tiningnan ko siya sa kanyang mga mata na puno ng tanong, sakit, galit at kung ano-ano pang emosyon.

"Natakot ako na... na sa huli tulad ka lang din pala ng biological father k-ko," sabi ko sa basag na boses. Sa wakas ay naamin na rin sa harap niya. "Na talunan... Walang matinong p-patutunguhan sa buhay. A loser..."

Napapikit ako dahil sa paghampas niya sa manebela. Nagpakawala siya ng malutong na mura.

"Tangina naman, Jean! Ganyan pala talaga ka baba ang tingin mo sa'kin?" Dinig ko ang pinaghalong galit at sakit dito.

"I'm so sorry, Lake," hikbi ko at nagmamakaawa siyang tiningnan. Gusto kong akuin ang sakit na ipinaramdam ko sa kanya.

"Minahal mo ba talaga ako?" aniya sa paos na boses. "Kasi minahal kita. Minahal kita ng higit pa sa sarili ko. Jean, minahal kita ng higit pa sa takot ko na magmahal."

"Ibibigay ko ba...ang sarili ko kung hindi kita minahal?" sabi ko.

Natahimik siya at nag-iwas ng tingin. Umigting ang kanyang panga habang nakatanaw sa malayo sa namumulang mga mata. Pansin ko ang kanyang paglunok. Naisip ko na sa maaaring huling pagkakataon ay hayaan ang sariling pagmasdan siya. Pagmasdan ang lalaking pinakawalan ko pa.

Hindi na ako nagtataka pa kung bakit maraming mga babae ang naiuugnay sa kanya ngayon. If Lake Jacobe Mendez before was attractive but cold, this Attorney Lake Jacobe Mendez now is gorgeously dangerous. Nakita ko sa talas ng kanyang napakaitim na mga mata ang pagbabago at alam kong hindi na ako parte nito. At dito na lantarang ipinamumukha sa akin na imposible ng maabot ko siya.

Nagpatuloy ako sa tahimik na pag-iyak. Naging tahimik naman siya. Isang oras kaming naging ganoon lang. Hanggang sa muli na niyang paandarin ang sasakyan ay binalot pa rin kami ng katahimikan. Sa puntong iyon na marahil nga ang wakas ng ugnayan naming dalawa.

Hindi na ako umiyak pa nang makauwi sa condo. Naisip ko na baka ang bigat sa dibdib na matagal ng pasan ay dahil sa hindi ko paghingi ng tawad sa kanya noon. Baka dahil ito sa hindi ko pag-amin sa kanya sa mababang pagturing sa pangarap niya.

Naging okupado ang isipan ko sa mga sumunod na araw dahil sa sinabi ni Papa sa akin. Nagpunta raw ng mansiyon si Mommy para lang pagbantaan siya. Nang magtanong ako kung anong klaseng mga pagbabanta ang sinabi ng ina ko ay hindi na nagbahagi pa si Papa.

Dahil sa pag-aalala na rin ay napagpasyahan kong bumalik na muna pansamantala ng mansiyon upang masamahan na rin si Papa. Lalo na at tumatanda na siya at may sakit pa. Hindi mapapanatag ang kalooban ko sa mga nangyayari sa kanila ni Mommy kung malayo ako.

Pinag-usapan namin ito ni Lolo. Pinayuhan niya naman ako na intindihan na lang ang ina at sumang-ayon siya sa pansamantalang pagbalik ko sa mansiyon.

Sinunod ko ang payo ni Doc Hemendez na magpahinga na muna. Hindi ako pumasok ng trabaho sa loob ng dalawang araw. Na-enjoy ko naman ang bawat araw dahil sa pakikipagkuwentuhan kay Papa. Ngunit hindi rin ito nagtagal pa dahil bumalik na si Mommy sa mansiyon.

I asked Papa about it. Ang sabi niya ay pabayaan ko na lang daw si Mommy sa kung ano man ang gusto niyang gawin. Inakala ko na maaaring magkabalikan silang dalawa dahil hindi na rin nabanggit pa ang annulment papers. Pero kaakibat ng pagbabalik niya ay walang tigil na pag-aaway nila ni Papa. And the talk about annulment papers resurfaced once again.

It was almost intolerable for me but I had to endure it because I could not leave my stepfather. Naging malala si Mommy sa pag-inom. Kapag sinasaway ko naman siya ay nauuwi kami sa pagtatalo at bumabalik na naman ang sakit ng nakaraan. Kahit anong gawin kong pag-a-adjust para lang maisayos ang relasyon namin o kahit man lang maging civil ito ay wala pa ring pagbabago. She's too proud and I guess I am too hurt. I felt like trapped in a toxic world.

Upang pansamantalang takasan ang personal na problema sa buhay ay lumalabas ako. Madalas akong bumibisita sa club ni Hope. Nagpapalabas ako ng sama ng loob sa kanya. Until that one night that changed my life forever. And for worst.

Mula sa pagiging stressed sa trabaho ay dumeretso ako sa club. Sumagi rin kasi sa isipan ko na kung uuwi pa ako ng mansiyon, mas madadagdagan lang ang stress ko dahil kay Mommy. Inaamin ko, nagpaka-selfish na muna ako.

Nilunod ko ang sarili sa alak. Ang nakakatawa pa nga nito ay pakiramdam ko nag-improve na ang alcohol tolerance ko dahil napapagawi na sa club. Hindi ako nagtagal dahil kahit anong gawin kong paglilibang para pansamantalang makalimot, pilit pa rin akong hinahabol at naaabutan ng problema. May kung anong puwang pa rin sa puso ko. I felt empty.

Insaktong 11:10 ng gabi, dumating ako ng mansiyon. Tulad ng nakasanayan ko ng gawin sa tuwing dumarating ako ay nagpasya ako na i-check si Papa sa kanyang kuwarto. At dahil nga medyo lasing na ay halos pa-giwang giwang ako habang naglalakad patungo sa kanyang kuwarto.

Nang makahinto na sa harap ng kanyang pintuan ay huminga ako nang malalim at inayos ang sarili. Ayaw kong makita niya akong ganito at mag-alala pa siya. Tatlong beses ang ginawa kong pagkatok. Hindi siya sumagot. Naisip ko na baka nga ay tulog na siya kaya binuksan ko na lamang ang pinto para lang mapanatag ang loob na mahimbing lamang siyang natutulog.

Kumunot ang noo ko sa pagtataka nang makitang madilim ang buong kuwarto. Ayaw ni Papa na matulog nang nakapatay ang ilaw. Pansamantala kong kinalimutan ang takot sa dilim at pinindot ang switch ng ilaw.

Akala ko ay tama ang hinala ko dahil nakita siyang nakahiga nga sa kama at mahimbing na natutulog. Pero may kulang dahil hindi siya nakakumot. Maingat akong naglakad papalapit sa kanyang kama upang hindi siya magising.

Hihilahin ko na sana ang kumot para sa kanya nang may isang bagay na umagaw ng pansin sa akin. Sa kanyang kaliwang kamay ay may hawak siyang wine glass. May kaonti pa itong laman at mistulang natapon pa ang iba dahil sa nakita kong kulay pula na mantsa sa puting bedsheet.

Naningkit ang mga mata ko sa pagtataka dahil alam kong hindi umiinom ng wine si Papa lalo na kapag may ikinababahala siyang isang bagay. Mas lumapit pa ako sa kanya at pinagmasdan ang kanyang hitsura. Mapayapa ito ngunit imbes na makampante ako ay ginapangan lang ng pagduda. Lalong-lalo nang mapuna na hindi ko nakikita ang paggalaw ng dibdib niya upang huminga.

"Papa?" banayad kong pagtawag sa kanya. "P-Pa, I'm home..." Hindi siya tumugon kaya inulit ko ang pagtawag sa kanya. Sumama na ang kutob ko nang nanatili siyang walang malay.

Sa may panginginig na kamay ay marahan kong hinawakan at dinama ang palapulsuhan niya. Sa kabila ng nakabibinging katahimikan ay hindi ko narinig ang pulso niya. Doon na ako nagsimulang sumigaw.

Continue Reading

You'll Also Like

135K 3.6K 34
Mistake Series #4 (Completed) "Why don't you kiss me? And taste the sweetest mistake you have ever made." *** Xhyraine Zoe Dela Vega. One of the most...
6.5K 232 24
Samantha Jane Villafuente is just a simple girl who loves baking. Sa katunayan, meron na nga itong sariling cupcakes shop na patuloy paring kinikilal...
1M 31.5K 43
(Delilah Series # 2) "Is it true that you were your own stepfather's mistress?" Alam ko na kailangan kong depensahan ang sarili ko. I look at the few...
125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...