Sana'y ako na nga....

By walangmagawa1210

16.6K 639 74

All she wants is to get away from her complicated past and start a new life, but she ended up being entangled... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Commercial muna
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
CHAPTER 22
Chapter 23
Chapter 24

CHAPTER 21

216 9 0
By walangmagawa1210

Chapter 21

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na alam mo na ang lahat?"

Nakaupo ako sa kitchen counter ng mag-a-alas dos na ng madaling araw. Nasa kwarto na ang mga housemates namin, hindi ko lang din alam kung nakatulog na, kasi itong si Ryu mukhang mataas pa ang adrenaline. Inilapat ko ang ulo ko sa kitchen counter habang si Ryu ay binuksan ang fridge at naghahanap ng makakain. It's unusual for him to eat at this hour, pero baka naconsume na ng adrenaline nya ang mga nutrients sa katawan nya kaya ginugutom na ngayon. Ako naman, kumukulo ang tyan ko pero parang wala akong ganang kumain.

It's been an exhausting night, I should be dead asleep by now, pero para akong nakainom ng isang drum na kape at hindi ako makatulog! My mind kept coming back to what happened this day, para kasing sudden turn of event na naman ang nangyari kanina. But at least nakapagsabi na ako ng totoo sa kanila.  Hindi ko ine-expect na matanggap pa nila ako at hinahanda ko na ang sarili ko na ma-evict sa bahay ni kuya.

Syempre at first naramdaman ko ang feeling of betrayal sa kanila kahit hindi naman nila ito  sinasabi. Nakikita ko kasi sa mga mata nila esp kay Archie. Sino ba naman ang hindi magagalit kung ginawa kang parang tanga? Amnesia daw? Habang iniisip ko parang gusto ko din sabunutan ang sarili ko! Ang bait bait ng mga taong ito at iyon pa ang nagawa ko sa kanila... Come to think of it, 4 of the most brilliant young men, naisahan ko? Sa sobrang hiya ko sa ginawa ko, muntik na nga akong mag-alsa balutan kung hindi lang nakakulong si Thea sa kwarto ko at hindi ko makuha ang mga gamit ko. But I no longer have the energy to deal with her for now. Hinayaan ko na lang muna ang mga housemates ko ang kumausap sa kanya, I'll face her tomorrow, but for now, I need a break at sasabog na ang utak ko!

Hindi naman nagtagal ang arkwardness namin sa isa't isa, siguro nung nag-sink in na sa kanila yung mga sinabi ko, they understood my predicament, or at least they tried to,  and they promised to do whatever they can for my sake. Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sa Diyos at sa kanila ako napadpad at meron pa palang mga taong na katulad nila. Akala ko kasi noon na pare-pareho lang ang mga taong mapagsamantala mas lalo na yung mga maykaya at makapangyarihan. They will definitely drain you of whatever you can for their own benefit. Pero, I don't want to drag them into this mess. Malaki na ang nitulong nila sa akin... hanggang doon na lang siguro 'yon, they can only do so much and masyado ng makapal pa ang aking face kung po-problemahin pa nila ang mga problema ko.Hindi ko na sila idadamay. I will find a way to deal with my problems without getting them into this mess. Kung paano? Hindi ko pa alam... bukas ko na lang iisipin at wala na ako sa katinuan sa ngayon.

Haaaaayyyy! Ayoko na din munang isipin ang Genesis! Baka sa isang araw pa ako makatulog at mas lalong madagdagan ang stress na nararamdaman ko! Kailangan kong mablangko ang utak ko ngayon para ma-restart at makapag-isip ulit ako ng maayos. Kung pwede nga lang sanang mag-reformat ng buhay at mabura ang lahat to start a new, o kaya kahit hindi reformat,, kahit backtrack lang time pwede na din sana. Hmmmmm..... Back track of time? Time traveling? Hmmmmm.... Or I can develop a program like that? Ay wait! Me and my over-sized brain! Delete! Delete! Delete! Eto na naman ako at nag-d-day dream ng mga possibilities, baka kung ano na naman ang magawa ko at magkanda-loko loko na naman ang buhay ko! But then again.... why not? Maybe in the future kapag ayos na itong gusot na kinasasangkutan ko?

Don't!!!! Arrow! STOP IT ALREADY!

Ipinikit ko ang mata ko at Inumpog umpog ko ang noo ko, as if naman maba-blangko na ito agad... Bakit ba? Trip ko lang... malay mo naman kapag nilakasan ko, matrigger na talaga ang amnesia ko! I need to forget everything for now... kahit ngayong gabi lang naman...

Nung makalimang beses na bagsak ng noo ko, nagtaka ako at malambot ang tumama sa noo ko. Pagdilat ko ng mata ko, nakasalo sa noo ko ang kamay ni Ryu... Mapatuwid tuloy ako ng upo, pero hindi ko nabalanse ang sarili ko at muntik na ako mag-crash landing sa sahig, kung hindi ulit ako nasalo ni Ryu!

"Do you really have a death wish?" Seryosong tanong nya. Hindi ko mabasa ang mukha nya kung galit ba sya o ano.... ang poker face naman kasi.

"Ummmm medyo?"

"Pansin ko nga."

Napangisi sya at inalalayan nya ako para maayos ang pag-upo ko all the while, hindi ko napansin na nakapigil hininga pala ako at pakiramdam ko nag-s-slow motion ang paligid ko. My gulay! Nagpapapansin na naman itong puso ko, feeling insecure at nagwawala! Geeeezzz!

Binigyan nya ako ng orange juice at yung minicrowave nyang chicken sandwich. Kuwari masyado akong engross sa pagbubukas ng juice at ng pagkain, para lang magka-time akong i-kalma ang puso ko!

Naku Ryu! Kung alam mo lang ang epektong bibigay mo sa akin!!! Kasalanan mo talaga kung magkasakit ako sa puso! At umupo ka pa sa tapat ko ha? Pwede namang sa gilid gilid at ng di ko masilayan ang kagwapuhan mo! Anong gusto mong mangyari?? Nang-aano ka e!!! huhuhuhu!

Naku naman..... please my heart.. makisama ka naman kung ayaw mong matorta!

I cleared my throat.

"Ummm... Ry... Kelan mo pa nalaman?" Inuulit ko ang tanong ko kanina without having eye contact.

"Matagal na din." Tipid na sagot nya. Inaantay ko ang kasunod na sagot... pero mukhang walang balak mag-explain. Fast talk ba ito?

"How?"

"I have my ways."

Ooookay.... Ayaw magexplain or tinatamad mag-explain? I go for the latter. Wa pakels kasi talaga itong taong ito. Oh well...

O baka naman hindi ko na din naman kailangan malaman ang mga bagay na yon.. alam na nya e.. ano pa bang magagawa ko?

"Would you really think that I will let someone stay under my care without knowing their backgrounds?"

Hmmmmmm.... oo nga naman.. knowing Ryu. It will not be him kung hindi man lang sya nag-background check. He did what he had to do and I respect him for it. So he must already know na hindi biro ang kinakaharap ko. Genesis is a powerful company.

"Arrow.... I understand everything even your actions. Please don't overthink.... "

"Hindi kaya... Hindi ako nag-o-overthink."

Tinignan nya ako ng pailalim with a playful glint in his eyes.

"Promise! Hindi ko gawain yon!"

Napangiti sya... " Ok sige, sabi mo e.. But I'm asking you.... Don't do anything drastic..... "

"Ry... pwede... " I cut him off.  "Pasensya ka na a.... Pwedeng Change topic na lang muna tayo? Sumasabog na kasi ang utak ko e. Oo sige na nga..... Binabawi ko na yung sinabi ko kanina.... Yes, sobrang nag-o-overthink ako ngayon, pero gusto ko munang pagpahingahin ang utak ko. I think that I'm not thinking straight right now."

"That's quite obvious."

Napangisi na naman sya. Hoy ano ba? Pinapakita mo ba talaga yang dimples mo ha!!! Nang-aano ka na e... Wag kang ganyan! Mas lalo akong na-iinlove sa yo! Mas lalo na ngayon at sabaw na sabaw ang utak ko at walang ka-shield shield ang emosyon ko!

Binilisan ko ang pag-inom ng juice pero hindi ko na ata kaya pang ubusin ang sandwich at baka masuka lang ako. Tumayo na ako.

"Sige... Baka kailangan ko ng magpahinga... it's been a long day."

"I'm going back to my room na din. Sabay na tayo."

Bakit?

"I ummmm.... " hinawakan nya ang braso ko.... " Ok... " May magagawa pa ba ako kapag tumanggi ako? Gusto kong iwagwag yung braso ko... Para kasi akong nakukuryente! Nagpipigil na din ako sa pagngiti... There are thousands of butterflies in my stomach right now at parang hindi pa ma-contain sa tyan at gustong gumala gala sa buong katawan ko at kiligin ako!

But I dare not take off his hands, baka sabihin binibigyan ko ng kahulugan.. (which is totoo naman).. feelingera naman ang peg ko. hehehe

Sige... kung saan ka masaya Ry... doon na din ako.. gusto mo yakapin na din kita e... baka naman kasi bilang na ang oras ko dito.

"Bakit namumula ang mukha mo?"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig! Oh my gosh! I can lie but my face can't!

"Mainit!"

Ngumisi na naman sya.... na parang sinasabi ng mata nya -'Talaga lang?'

Gosh... naka-todo pala aircon at naka-hoodie pa ako! Ano na namang palusot ang gagawin ko? Hey braincells! Ngayon kita kailangan! Bakit ayaw mong gumana!

Teka may nakalimutan akong isang mahalagang bagay.

"Ry..... saan nga pala ako matutulog?"

****

Ummmm ok... sige.... ok lang ako ng ganito... walang problema sa akin!

I've been staring at the ceiling for almost an hour pero hindi pa din ako dinadapuan ng antok. Malapit ng tumilaok ang mga manok, kahit isang segundo, hindi pa din ako dindadapuan ng tulog!

Pare-pareho naming nakalimutan na occupied na nga pala lahat ng guest rooms dahil tag-iisa sila ng tinutuluyang kwarto. Sa dami ng napagusapan kanina, hindi na din namin naisip kung paano ang sleeping arrangements namin ngayong gabi. Definitely, ayoko munang harapin si Thea. Hindi din naman namin nasabihan na kung pwedeng dalawa sa kanila ay mag-share muna ng kwarto, ngayong gabi lang naman. But it's too late, they're sleeping like a rock nung kinatok namin sila sa mga kwarto nila. Sabi ko kay Ry sa salas na lang muna ako matutulog, pero ayaw nya at hindi daw comfortable ang salas at mas panatag daw sya kung nakikita nya daw ako... meaning.... SA KWARTO AKO NI RYU NAPILITANG MATULOG!!!

Hindi naman kami magkasama sa kami.. excuse me.... kahit ba patay na patay ako sa kanya, dalagang pilipina pa din ako ano! Doon sya natulog sa couch. Medyo malayo sya sa kama, pero bakit pakiramdam ko katabi ko lang sya? Sobrang concious ba ako?

"Arrow? Hindi ka pa din ba makatulog?" He said in a very very bedroom voice which is sooooo sexy!

Litral na binatukan ko ang sarili ko dahil sa train of thoughts ko. Kung paano ko yon nagawa, hulaan nyo na lang!

"Ummmm malapit na,,, konti na lang." Kunwari bedroom voice din ako para hindi masyadong halata na gising na gising pa din ang diwa ko.

"Hindi ba comfortable ang bed? You keep on tossing and turning."

"Oooopppsss.. sorry... maingay ba? Sabi kasi sa 'yo sa salas na lang ako."

Good idea talaga na sa salas na lang ako at pareho kaming hindi makakatulog ng ganito. Ok lang sana kung ako lang, pero nandadamay na ako.

Tumingin ako kay Ry, medyo madilim ang kwarto pero nakabukas ang isa sa mga lampshade at nakita kong nakapikit ang mata nya. Dahan dahan akong tumayo. I should congratulate myself dahil mas tahimik pa akong kumilos sa multo.

Inayos ayos ko ng konti ang kama para naman hindi sabihin ni Ryu na iniwan kong magulo ang kama nya... saka just in case na makita nyang wala na ako sa kwarto ay lumipat sya. Just when I was abnout to turn around to make my getaway, nagulat ako at nakatayo na pala si Ryu sa likod ko!

Napatalon ako at medyo napasigaw! Kahit naman alam ko na si Ryu yon mapapatili ka pa din talaga sa gulat e! Tinakpan nya ang bibig ko.

"Shhhhh! you'll wake the whole neighborhood!"

Tinanggal na nya yung kamay sa bibig ko.

"Sorry.... "

"And where do you think you are going?"

"I ummmm... Kukuha ng kape?"

Natawa sya.... Na-realize ko na ang galing kong gumawa ng excuse..... NAPAKA-GALING!

Hinawakan nya ang kamay ko at hinila nya ako sa access door papunta sa garden.

Take note... kamay na ang hinawakan nya a!

Parang feeling ko ... ANG GANDA KO!

Ayoko ng matulog! Pero wait..... Baka naman nakatulog na ako at nananaghinip na ako?

Tinignan ko si Ry.... Hindi... totoo ito... imposibleng hindi... Ganyan ba ka-vivid kung panaghinip lang ito?

Umupo kami sa swing.

"Hmmmm this is more comfortable." Malaki naman kasi yung swing at napaka lambot ng coushion nito.

I leaned back ang closed my eyes..... Tahimik lang kaming pareho.... Kung panaghinip nga ito sana hindi na lang ako magising. Hindi ko namalayan naisandal ko na pala ang ulo ko sa balikat nya. Medyo lumilipad na din ang utak ko at nakakaramdam na ako ng antok.

"Ry..... I'm sorry." I said in a very soft voice habang nakapikit pa din ako.

Hindi sya sumagot at hinawakan nya ulit ang kamay ko. Napangiti na naman ako, It's as if my hand found it's home..... I also felt that I found my home in him. Does he feel the same way about me? O pinasasaya ko lang ba ang sarili ko just because I need a break from all that's happened.... Ang hirap naman kasing basahin ni Ryu. Hindi ko maintindihan talaga kung girlfriend material na ang tingin nya sa akin o kaibigan o kapatid lang? Ang kapal naman ng mukha ko kung tatanunin ko... at wala naman sa personality ko maging forward sa isang lalake... Problem din,,, I don't have any experience with this.. All my life sa computers and inventions lang umiikot ang mundo ko... Ngayon nga lang ako tinamaan ng ganito.... as if I never wanted anyone in my life as much as I wanted him! Sana lang... ganon din ang nararamdaman nya sa akin.... Sana lang..... Sana ako na nga lang din ang laman ng puso nya....

Sana......

"I think your watch is broken." Naputol ang trance ko at para nagising ako sa realidad....

Inangat nya ang kamay ko at tinignan nya ang smart watch ko.

"A oo... Matagal ng sira yan."

"Bakit hindi mo pa palitan.... sinusuot mo pa."

"It's not meant to be a watch.... storage lang ang kailangan ko dyan."

Bumitaw ako sa kamay nya at tinanggal ko ang relo ko.

"I just need this to be with me at all times." Nilabas ko ang memory card sa slot nito. "This is my greatest work."

"Iyan ba ang hinahabol sa 'yo ng Genesis?"

"Yeah..... They want it sooooo badly kaya hindi pwedeng mawalay yan sa katawan ko."

Tumango tango sya.... Kinuha nya yung memory card at tinignan nya ito.... then hindi ko ine-expect ang mga sumunod na nangyari... HE CRACKED THE MEMORY CARD INTO TWO!!!

Nanlaki mga mata ko at halos hindi ako makakilos sa sobrang shock!!!!

"RYUUUUUUUU!!!!!"

Continue Reading

You'll Also Like

373M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
6.9M 181K 61
Elliana Brielle Delafuente, "the innocent girl" of the Delafuente clan with a plastic attitude will do anything just to fit in with the standard of b...
9.9M 296K 37
OLD SUMMER TRILOGY #1 Estella and Yori have always been rivals ever since high school because of debate competitions. They would always switch places...
1.9M 24.2K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...