Araw-Araw (Playlist Series 1)...

By NamelessLian

2.2K 118 96

Playlist series #1 Cold-hearted and pessimistic Psychology major Ashton has two goals in mind: focus his eyes... More

P R O L O G U E
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
25
26
27
28
29
30
Author's Note

24

44 3 0
By NamelessLian

Gwyneth's P.O.V

Cecilio William Gamboa: Naningggg pag nadatnan mo nga jan sa department niyo si Ashton, try mo nga suyuin hehehe badtrip kase yan samin eh. pakicheer up naman ;)

Eto agad bungad sa'kin ni Cecilio. Busy kase ako kakahanap sa kakilala ko para magtanong ng something na related sa isa naming project. Maghapon akong ikot nang ikot pero nahanap ko din yung isa sa mga kakilala ko. We talked a bit, nag-catch up na rin kasi matagal na kaming hindi nagkikita-kita na magkakabatchmates nung senior high. Pero sa kalagitnaan ng pag-uusap namin, biglang nagchat si Cecilio.

'Ano na naman kaya ginawa nung tatlo? Alam na nga lang nilang pikunin kaibigan nila. Prinovoke na naman siguro ni Cilio,' Umiiral na naman siguro pagiging maloko ng isa, sinulsulan pa siguro ni Bethany. I'm pretty sure Dex was just waiting for something interesting to happen, baka nga nagpapopcorn pa yun habang pinapanuod ang mga kaibigan.

"-Gwai? Huy..." I heard a voice said calling me by my old nickname I used to go by in highschool which brought me out of my thoughts. I blinked and saw Louis looking at me with questioning eyes.

"Ay sorry! Ano ulet?"

"Kako inform ko si Harry, pahanap ko na lang yung dati niyang draft para di mo na kailangan pang mag ikot-ikot pa. Mas madali na yon," Ngiti niya. Louis was one of the few people who I can rely to. Parang halos recently lang kami ulit nakapagusap nang nalaman naming nasa iisang department kami kasama ng kambal niya, si Harry. He's taking architecture tas yung kambal niya mechanical engineering ang kinuha pero mukhang magsishift sa IT. They're fraternal twins kaya 'di sila magkamukha which is a relief kase knowing the twins, pagtitripan lang nila ang mga tao sa paligid nila.

"Ah...Oo nga eh. Kapag ka-kwan, chat mo ko tun if ever ha..." I smiled at him and nodded. Sa gilid ng mata ko ay may nahagilap akong pamilyar na likod. Bahagya itong humarap at tama nga ang hinala ko. Kunot na naman as usual ang noo nito at hindi na nman mapinta ang ngiti sa mapupula niyang labi. His hair was combed back and there are little hairs falling in front of his face.

"--- Abo! Uy! Wait! --- Ah ano mauna na ako, Louis ha? May lakad pa kase ako..." I waved my hands at him, pero todo pa rin simangot nung isa.

'Tama nga si Kuya Cilio, badtrip nga talaga 'to...' At ako talaga ang ginamit na clown para pasiyahin 'tong isang 'to. 

"Sige, sige. Iinform ko kaagad si Harold," Sagot ni Louis. He gave me a smile which I returned with gummy smile. I know, I do have a gummy smile. I was even compared to a rabbit. Mas bet kong macompare sa tiger 'no, rawr ang dating.

"Thank youuu!!" Masaya kong sagot. Hindi na ako mahihirapan nito at tama nga lang talaga na nilapitan ko si Louis para magpatulong. He knows how I am with other people, kaya isang malaking relief sa side ko.

"And let's hang out soon... Bye Gwai!" Dagdag niya. Tumango naman ako. Pwede ko siguro ipakilala si Hera kay Louis, malay natin type nila ang isa't isa. Para na din naman kumalma na sa paghahanap ng jojowain si Hera at para hindi na rin siya nagpaparinig 'pag tuwing binubwisit siya ni Cyrus. I don't know about Louis if he ever had a girlfriend, but we'll see. Mukha namang single dahil busy yon sa pag-cacall of duty.

Sinubukan kong habulin si Ashton dahil medyo malayo na siya sa amin. Nang maabutan ko siya, natigil siya sa paglalakad.

"Huy. Ba't mo naman ako nilagpasan?" Medyo humihingal kong tanong sa kanya. He cleared his throat before answering awkwardly.

"You look busy..." Maybe I did looked busy kase kausap ko lang si Louis pero agad ko agad tinapos ang usapan namin nang makita ko na dumaan si Ashton. Checking my priorities. Half charot.

"Ah yon? Wala yon, si Louis lang yon. Taga-Archi. Hinahanap ko kase yung kambal niya, si Harry. Papatulong sana ako don sa research namin..." Maligalig kong kwento sa kanya. Bihira lang ako magkwento sa mga taong nagiging kaclose ko ang tungkol sa akin, and I felt comfortable enough to tell Ashton about my other friends.

'Yes, friends. Plural. Kahit papano ay nagkaroon ako ng mga kaibigan. Nabibilang nga lang sa daliri ang mga kaclose ko pero madami naman akong kakilala,'

"...Not interested..." Narinig kong bulong niya habang nagpatuloy kami sa paglalakad.

"Ha?" Nagtataka kong tanong sa kanya na siyang ikinagulat niya. His eyes widened a bit and took a sharp breathe. Mukha nadulas ang dila niya sa pagsalita ng hindi sadya. Cute.

"Hindi ako interesado," Matalim niyang sagot. Kumunot na naman ang noo niya. Hindi ako sigurado sa problema nitong lalaking ito, parang araw-araw na ata niya sinasalo ang pagkabadtrip sa mundo.

"...o...kay?" Naweweirdohan kong sagot. I looked at him with one eye brow raised, my mouth grimacing. Tahimik lang siya and since I felt jolly, I tried asking him something that somehow flashed acrossed my mind. Baka lang naman so tried my shot.

"Nag...seselos ka ba?" Nahihiya kong tanong. My mouth closed into a thin line, trying to control my facial expression. Alam kong alam nitong lalaking 'to na madali lang ako basahin lalo na sa mukha ko pa lang. Unfair minsan kase ilang expression lang ang pinapakita ni Ashton kaya ang hirap niya ipredict minsan. Kung hindi lang dahil sa mga mata niya, baka naooffend ko na siya nang hindi ko namamalayan.

"Pinagsasabi mo?"

"A-ah... wala... wala... hahaha joke lang..." I let out an awkward laugh. Medyo napahiya ako don ng mga 99 percent.

"Ano pala... baka want mo magjoin sa'min nila Hera? Libre daw niya milk tea..."

"Sure. Whatever..."

"Okay...Sasabihan ko na lang si Hera girl..." Nilabas ko yung phone ko at tinext si Hera.

Mga ilang minuto din kaming namalagi sa gate 1.

"Punta na ba tayo?"

"Inip na inip? Oh tara na daw at kitain na lang daw natin siya sa Andoks,"

"Bakit ka nagpapatulong sa iba about sa research niyo?"

"Ah eh related kase sa ano...sa irrigation system something. Feel ko kase mas alam ni Harry yon eh hindi ko siya mahanap kanina kaya pinuntahan ko na lang si Louis, yung kausap ko kanina. Naging kaklase ko kase sila nung junior high..."

"Ah..."

"Sila lang kase ang alam kong malalapitan ko kase sila lang yung kakilala ko," Ewan ko kung nakikinig pa ba si Ashton sa'kin pero nang makalagpas kami sa Manny Bee's, agad niya akong hinila paatras. He was pulling the hood of my sweater. Dahil dito, napatingin ako sa kung ano ba ang nasa harapan ko. May dadaan palang lalaking may bitbit na mabigat na kahon sa balikat at muntikan na kaming magkabanggaan. Buti na lang at mabilis ang kamay ni Ashton at nahila niya yung hoodie ko. Takte, disgrasya talaga ako.

I just mouthed 'thanks' and smiled at him pero inirapan lang ako nito at hindi na nag-salita pa.

'Topakin,'

"Uy pero alam mo, bansot yon si Louis nung junior high pa kami eh hahaha. Lagi nga ako napagkakamalan na ate nung dalawang yon kase mas matangkad ako sa kanila. Tignan mo naman ngayon, pinalad ng puberty ambwisit. Napagiwanan tuloy ako ng glow up..." Tuloy kong pag-kukwento habang nagpatuloy kami maglakad along Gov.Pack. I remember the good old days kung saan ako yung nasa banda likod ng pila at sila ng kambal sa harap which is arranged by height 'pag flag ceremony. Akala ko hanggang doon na itatangkad nila, nagkakamali pala ako dahil ngayon, sumobra pa sila sa glow up.

"Glow up?" Nagtataka niyang tanong. I nodded in agreement. Now that I really think about it, kulang ako sa height, mukha akong may anemia dahil sa kulay ko, I'm also pretty sure yung eyebags ko daig pa sa bigay ng bag na laging d'ala ni Cyrus tuwing training.

"Oo. Duh. Ang chaka ko kaya ngayon compared nung fresh pa face ko nung bata ako. Halata mong walang problema sa mundo..." I chuckled at the thought. I noticed him paused for a moment, giving my face a good look which painted a confused expression on my eyes.

"Okay naman ah?" He said in a questioning tone.

"H-ha?" Nauutal kong sagot. I wasn't expecting him to actually look at me and 'check' my face out. That's weird to think about but I'll take it. Bihira mong maririnig magsalita itong lalaking ito na hindi galit.

"You don't look bad..." Hindi ako agad nakasagot sa sinabi niya. Umiwas ako ng tingin dahil natatakot akong makita niya ang pagpula ng pisngi ko. For sure aasarin na naman ako nito. One thing I've noticed hanging out with Ashton is he notices things quickly and he takes advantage of it.

"The trio even said you're cute," Dagdag niya pa. Lalo kong naramdaman ang pag-init ng buong mukha ko na ramdam ko na ito sa tenga at leg ko. Sigurado na rin akong mapula na rin ako sa sobrang hiya. I'm so not used to getting compliments.

I went silent for a few minutes. Syempre, hindi ko alam irerespond ko. At the back of my mind, It was all in chaos. I took the opportunity na ilihis ang attention mula sa'kin.

"Ibig sabihin ba nacucutan ka na rin sa'kin?" Pang-aasar ko sa kanya without knowing that it would backfire at me.

"In some angle, yeah... sure..." He nodded. My heart leap, no, it actually took a huge jump our of my ribcage. Ang bilis na ng tibok nito at rinig ko ang bawat kabog sa aking tenga. Parang bumibilis ang takbo ng mundo pero nanatili lang akong nakahinto. Biglang nag-blanko ang utak ko, my jaw clamp shut trying to contain any emotion from what he just said. Napapalunok ako ng ilang beses, tapos ang init ng pakiramdam ng mukha ko.

'Shit,'

"You're blushing..." I heard him said. Way to state the obvious.

"Hindi kaya!" Sagot ko habang hawak ko yung magkabilang pisngi ko, pinakikiramdaman ko yung pag-init nito.

'What the hell?'

"You are. Ang bilis mo naman maflatter," He shook his head and let out a soft chuckle, implying that he's enjoying my embarrassed state.

'Kahit kailan talaga! Is this his way to make me feel kilig?'

"Edi sorry kung naflatter ako! Bihira lang ako makatanggap ng compliment 'no. Kaya hindi ko alam kung paano magrerespond..." He paused from walking and put his face closer to mine. Biglang tumigil ang oras, pati na rin yata ang pag-hinga ko ay natigil dahil sa lapit ng mukha niya. Alam kong nangaasar lang siya, pero minsan talaga paasa 'tong lokong 'to. Hindi ko na tuloy minsan madistinguish kung Seryoso pa ba siya or nagbibiro, excluding the situations when it's obvious he's angry. Given na yon syempre.

"Start with a 'thank you'..." Umastras ako at inambaan na lang siya ng suntok. Hindi ko alam kung paano magrereact sa mga ganitong bagay. And to even think that it came from Ashton, the guy whose not even close to angelic.

"Edi... Thank you..." I pouted and looked at the ground. I couldn't meet his eyes burning holes at my head. Ramdam ko at hindi naman ako manhid para sabihing hindi ako kinikilig sa Ashton na kausap ko ngayon.

'Just wait until Hera hears about this. Asa pa ako kay Cyrus, eh basher yung loko na yun,'

"I was kidding pft..." He chuckled. I was mortified, literally my face was in shock, mouth hanging and eyes wide open. Lintik. Pagtripan ba na naman ako.

"Ang sama mo mag-joke! Akala ko naman seryoso yung compliment mo..." I slapped his arm harder and walked ahead of him at a faster rate. I knew he was still laughing behind me.

'Damn it, I think I need to have my heart checked soon,'

~

"Ma?" Tawag ko sa kanya habang nakaabang ako sa pinto ng kwarto nila ni Papa. Mag-aalas syete na at papunta na akong papasok ng school. Syempre, hihingi muna ako ng baon at pamasahe. Since Papa, already left early dahil may bibisitahin pang site sa La Union, si Mama ang naiwan na hihingan ko ng pera.

"Ano?" She turned around after stopping what she was doing. Halata ding papasok na si Mama sa trabaho. Si Ate, ayun tulog pa at mamaya pang 8 ang pasok niya.

'Sana ol,'

"Ah papasok na po ako..." I trailed off, waiting for her to realized na Hindi pa ako nabibigyan ng baon.

"Edi pumasok ka na," Malokong sagot ni Mama. Si Mama naman, wrong timing mag-biro. Baka abutan ako neto ng traffic, first period pa naman medyo brutal.

"Luh Si Mama naman eh... baon po sana..." I whined. She laughed in reply. Natapos din siyang mag-ayos ng gamit na dadalhin niya sa shift niya sa hospital.

"Hindi ka ba binigyan ng Papa mo bago siya umalis?" Nagtatakang tanong niya habang naglalakad siya palabas ng kwarto, ako naman ay nakabuntot lang sa kanya. Hindi ko nga naabutang umalis si Papa. Syempre hindi ako makaalis. Alangan namang lakarin ko mula Camp 7 hanggang UC edi imbis na 10 minutes na byahe papasok, oras ang aabutin ko sa daan. Me and walking long distance don't mix well.

"Hindi po. Hindi ko na po siya naabutan eh," I pouted. She heaved a sigh and pulled out her wallet.

"Magkano binibigay ng Papa mo sa'yo?" Tanong niya habang kinakalkal ang wallet nya.

"100 or 150 po. Pero Ma, baka naman..." Yep, usually 100 or 150 binibigay ni Papa sa akin na baon. Bente pesos lang naman kasi ang pamasahe papunta at pabalik, discounted pa since student. Yung 80 pesos, pang lunch at meryenda na yon. Sakto lang na baon dahil marami namang budget meal na kakainan sa Gov. Pack.

"Sumabay ka na sa'kin pasakay ng jeep," Sabi niya sabay abot ng isang daan. Hanep talaga 'tong Nanay ko.

"Sige po," Tugon ko, letting out a disappointed sigh. Hindi na ako nakaangal dahil duh, si Mama yan. Baka mamaya bumalik pa sa'kin yung reklamo ko and knowing Mama na grabe din minsan mag-mood swings, hindi tatalab ang lambing jan.

We started making our way towards the jeepney line. Ang haba na ng pila pero mabilis din naman dumating yung mga jeep. Sakto pagdating namin sa pila, may dalawang jeep na pinupuno. Umabot naman kami.

Maingay ang kapaligiran, medyo traffic nga gaya ng ineexpect ko pero ayos lang dahil maaga-aga pa naman. Katabi ko si Mama sa jeep. Nakatsinelas sya, sweater, white pants, face mask at dala-dala niya yung malaki niyang shoulder bag. Puro mga estudyante at empleyado ang mga kasama namin sa jeep. May mga natutulog, may mga tulala, meron ding tutok sa cellphone tapos yung ibang estudyante may hawak na notebook habang nagrereview. Mainit ng slight sa loob ng jeep compared nung pumila kami kanina. Punuan ba naman kasi, tipong saktong sampu na nga both sides, kulang pa daw ng lima. Adik ata 'tong mga konduktor eh.

"Bakit daw hindi mo nirereplayan Lola Wanda mo?" Biglang tanon ni Mama habang nagsoscroll siya sa facebook. Ako naman, nagulat ako sa sinabi niya.

"Po? Wala naman po siyang chat sa'kin...?" Sambit ko, kagat-kagat ang akin dila para maiwasan kong magbitaw ng iba pang salita. Hindi ko kinakausap yung mga kamag-anak ni Mama na maintriga at chismosa. Lola Wanda, my mom's aunt, was the number one in our family pero out of respect, syempre minsan nirereplayan ko yung mga plastic niyang bati kahit ang totoo niyan matagal ko na siyang gustong iblock. Siya ba naman kase number one basher ni Papa. Makapuna sa narating ng Tatay ko, akala mo perpekto mga anak.

'May kabit yung panganay niya tas yung bunso niya scammer. Kung hindi lang siya nirerespeto ng Nanay ko, makakarinig talaga siya sa'min ni Ate,' Pinoproject niya yung imperfections ng pamilya niya sa amin kase hindi niya tanggap na payapa ang buhay namin.

"Nagagalit sa'kin. Icheck mo messages mo, baka mamaya hindi mo nakita," Mama scolded me.

"Eh? Mama, wala naman po akong narerecieve. Bakit daw po?" Pagdadahilan ko. Sa totoo lang, dinelete ko yung message ni Lola Wanda. Yung timbang ko na naman kase yung issue niya sa'kin. I know I don't have the ideal body type right now, lalo na dahil sa stress ko sa school, ang hirap magmaintain ng fit and healthy body.

"Malay ko. Basta icheck mo na lang. Baka sabihin na naman tinuturuan ka namin maging bastos," Walang halong kahit na anong emosyon yung boses ni Mama, indicating she's so done with me. Alam niya naman kasing ayaw na ayaw ko don sa matanda, after what she did to Papa.

"Ah okay po..." Tango ko. Hindi na muli siya nagsalita pa.

'Awkward...' Eto na naman kami. Eventually talaga may sisira ng mood ni Mama. Maya-maya pa ay natatanaw ko na yung UC.

"Manong para ho! Dito na ako, Ma..." Pagpapara ko. Nagpaalam na din ako kay Mama pero hindi niya lang ako tinignan, instead she just let out a 'mhm' sound, acknowledging what I just said. Binitbit ko yung backpack, kasabay ko na din bumaba yung ibang students ng UC. Gumilid ako at inantay na umalis yung jeep.

'Well that was... something...' Napasimangot ako sa nangyari.

"Hay nako.... Ang agang bungad naman nito..." Badtrip agad.

'Badtrip. Ako na naman ata napagbuntungan ng stress,' She has this tendency kase na hindi siya mamamansin, and we don't know the reason why. Kaya kailangan namin siya laging pakiramdaman kase anytime, she'll lash out lalo na kung pamilya na naman ang issue which is a sensitive topic for her. And for me na rin.

Bumuntong hininga na lang ako at inilabas ang phone ko upang icheck ang time. It's already 7:25, malapit na mag-time.

"Asan na ba kase si Hera...?" Naaatat kong sambit, tapping my feet impatiently while looking back and forth sa mga daanan na pwedeng puntahan ni Hera. While waiting, I noticed a lady pacing back and forth. Pasulyap-sulyap ang tingin niya sa loob ng building.

Hindi ko na lang siya pinansin. It's none of my business anyways. Maya-maya pa ay lumapit siya, which made me nervous.

"Excuse me?" She asked me in this soft and tender voice. Ang maamo niyang mukha ay pinintahan ng pag-kalito na parang nawawala siya.

'Hindi kaya baliw 'to? Pero kasi sinong baliw ba nakasuot ng mamahaling coat, nakaheels, at ang taray, naka-mukhang legit na Gucci bag. Grabe, being judger really do run in our blood,'

"Uhm... yes po... ?" Naiilang kong sagot, stepping back a bit. Hindi ko siya kilala at hindi ko alam ang intensyon niya kung ano ang pakay niya dito so better to be safe than sorry. Nakaprepare na rin akong ihagis sa kanya yung bag ko na may matigas na board sa loob na gagamitin ko mamaya para sa drafting namin.

"Saan dito yung building ng... Psychology department?" She suddenly asked, still looking a little lost.

"Sa kabilang building po. Pwede po kayong dumaan dito po para deretso fifth floor na po kayo. Andon po yung CAS office, pwede po kayo mag-tanong don tungkol sa Psychology department," Sagot ko. Actually, sigurado ako kung saan banda ang Psychology department. Tambay nga ako dito eh. From fifth floor hanggang ninth floor ng N building ang inooccupy ng mga Psych students, depende ba ata yung laboratory nila sa pinakababa ng kabilang building.

"...Mag-iinquire po ba kayo?" I asked her, after a moment of no reply from her. Parang hindi siya sigurado sa susunod na hakbang na gagawin niya.

"....Ah... hindi... hindi... hinahanap ko kase yung anak ko..." She replied.

'Ah... So may anak pala siyang nag-aaral dito. Gwyneth naman kasi! Nahawa ka na naman sa pagiging judger ng Lola Wanda mo!'

"Ah sa office na lang po ng CAS kayo mag-tanong. Wala po kasi akong ganon kakilala sa Psychology department eh..." I reasoned. Well, technically meron naman talaga akong kakilala. Mga apat lang naman.

"I see... thank you..." She nodded and continued staring at entrance, waiting for someone to probably exit the school premises. Bakit ba kasi hindi na lang niya puntahan sa loob? Pwede naman siyang pumasok since parent siya and as long as may I.D siyang dala to prove it.

"No problem po...." I awkwardly gave her a smile, pero siya, busy siya sa kakasulyap sa entrance ng gate.

'She looks a little lost. Ano kaya pakay niya? Oh well, it's none of my business anyways,' I shrugged at hindi na nakiososyo.

"Gwyneth!" Dumating din sa wakas yung inaantay ko. Grabe, ang late talaga ng babaeng 'to kahit kelan. Nakikipag -compete sa'kin sa pagiging late.

"Hera! Late ka na naman! Jusme, anong oras na naman oh! Dalian mo, yari na naman tayo niyan kay Sir Balongquita!" Hinila ko yung kamay niya pero napahinto siya habang tinitignan yong babaeng nasa tabi. Hindi pa rin ito umaalis.

"Sorry! Sorry!... Oh? Sino 'to?" Bulong niya sa'kin sabay turo sa rich looking woman.

"Ah...'di ko alam... nagtanong lang sa'kin eh..." I whispered back. Bigla naman itong lumingon sa'min. I flinched from surprise.

"May I ask you a favor, iha?" She suddenly asked. Hindi ko naman alam isasagot ko. There are number of reasons bakit hindi ko siya masagot: number 1. hindi ko siya kilala, number 2. she's a stranger, number 3. hindi naman kami close and did I mention na hindi ko siya kilala?

"Po? Uh..."

"Sorry po, miss... ano po bang kailangan niyo?" Hindi na siguro nakatiis si Hera at nagsalita na rin siya, coming to my aid.

"Hera..." Medyo hinigpitan ko yung hawak ko sa braso nito. Hera to the rescue. Siya talaga ng knight in shining armor ko.

"Oh uhm I'm not sure if my son would want to see me right now kung sosorpresahin ko siya. If it's not too much, please give this to him. His name is Ashton Magsaysay from Psychology..." As soon as I heard the familiar name, I don't know what came to me.

"Si... Kuya Ashton po?" Napanganga ako nang ulitin ni Hera yung pangalan.

"You know my son?" Gulat ngunit masayang sagot nung babae. I was so lost at words. Hindi ko alam na nakikipagusap na pala ako sa Nanay ni Ashton. Nanay niya!

"... Anak niyo po siya?" I finally came back to my senses and asked. My eyes were still wide and I know Hera was in shock too. Long forgotten na yung worry namin na malate.

"Yes... Please? Paabot lang kapag nakita mo siya. Don't tell him it's from his mom kapag hindi pa niya nababasa. Okay lang ba?" Pakiusap nito, sabay abot ng white envelop.

"O...kay po...?" Kinuha ko naman ito, pero alam kong nakanganga pa rin ang expression ko dhail nga na shock ako sa nalaman ko. Right in front of me is Ashton's Mom! What are the odds of meeting one of the most important people in Ashton's life. And to actually talk to her and internally judge her behavior, grabeng kahihiyan sa sarili ang naramdaman ko. Feel ko, naparalized ako from head to toe.

"Nako po ma'am, okay na okay lang po kay Gwyneth! Siya na po bahala sa letter niyo!" Hera quickly became this energetic wingman.

"Thank you so much. Mauuna na ako..." She gave me the warmest smile I have ever seen. The way she stared at my eyes, they look so hopeful.

"Sige...po...." Tumingin ako sa envelop sa kamay ko, at napatingin na din ako sa likod ng Mama ni Ashton habang paalis na ito at pasakay na ng pulang sasakyan na nakaabang sa tapat ng gate.

Nang wala na siya sa paningin namin, Hera spoke first.

"Woah... Mama talaga yon ni Kuya Ashton? Legit?" Naguguluhang tanong ni Hera sa'kin. I blinked a few times, trying to digest what just happened.

"M-mukhang legit..." Nauutal kong sagot. I put the envelop safely inside my bag. I shut my eyes close and took a deep breath in. I started making my way inside the campus, tapping my I.D habang nakabuntot si Hera sa'kin. We still have classes to attend at 15 minutes late na kami sa first period namin.

'May reason naman kami, we met Ashton's Mom!'

"Takte. Kaya naman pala gwapo, sis! Maganda nanay! Tsaka hindi ba yummers din daddy niya?" Patuloy na daldal ni Hera.

"Sh! Hera! Grabe nakakahiya ka, pati tatay pinagnanasaan mo!" I sh-ed her, nakakahiya sa mga nakakarinig, baka isipin pa ng ibang nakakarinig sa'minb na humahabol kami ng sugar daddy.

"Eh totoo naman kase! Masama bang mag-admire ng daddy?" Biro nito.

"Oh my god..." I facepalmed as we go down towards our classroom, making our way through the chaotic hallways of our department.

"...Nakakatstarstruck mars sila, mars--" Hindi ko na pinakinggan pa ang pagdadadaldal ni Hera, blocking her words from my ear. I just focused on the task at hand: deliver future mom-in-law's letter to Ashton and make sure he reads it. Ayoko madisappoint si mother-in-law 'no.

My day continued like nothing intriguing happened. Wala naman akong mapapala kung buong araw ko iyon iisipin. We finally had our first set of plates, nothing major yet at kayang-kaya ko naman. But compared to what's waiting for us in our third years, good bye good sleep na agad.

I am currently on my way to the canteen nang makasalubong ko si Dex, who was just about to go to his friends. Pinasunod na din niya ako dahil naalala kong may mahala pala akong pakay sa kaibigan nito. Mag-isa lang ako ngayong lunch dahil si Hera, hindi daw maganda ang pakiramdam kaya matutulog daw muna siya sa apartment nila samantalang si Cyrus naman, ayun kasama ang teammates kase nagkaayaan silang mag-lunch session road.

'Sakto, madedeliver ko na yung letter ng Mommy ni Ashton sa kanya. Sana lang makaplus points ako sa kanya,

"Ashton!" Maligayang bati ko sa kanya. He raised an eyebrow, weirded by my jolly greetings.

'Syempre masaya ako. Masayang makita si Ashton. Kelan ba hindi?'

"Hm?" He replied, giving me not much of an emotion. Mukhang busi-busyhan sa phone niya.

"Gwai!" Masaya na ding bumati si Cecilio na animo'y 'di kami nagkita kanina sa gilid ng naging room namin. He started using my old nickname kase daw tinatamad daw siyang bigkasin yung buong pangalan ko.

"Cilio!" I exaggeratedly greeted back. Ang dali lang talaga pakisamahan nito kase makwela siya at kapag genuine siya sa oras na makakausap mo siya, magtataka ka talaga kung bakit siya naging "playboy".

'The duality is surreal. I swear!'

"Naks! Close?" Bethany raised an eyebrow and gave Cecilio a mean look. The look that literally screams 'seriously?' in a Regina George style. Kahit kailan talaga, ubod ng pagkamaldita 'tong si Bethany. Malas pa ni Cecilio dahil siya ang napagbubuntungan ng mga ito. 

"Che! Baby sisteret ko na 'tong si Gwai..." Cecilio poked his tongue out on Bethany and put his arm on my shoulders. Marahan ko siya sinikuhan sa tiyan at nagkunwari naman ang loko na nasaktan.

'Totoohanin ko yang pagsiko jan eh,'

"Uck... Bakla ka na niyan Cilio?" "Nyenyenye. Inggitera," Nagtalo na naman ang dalawang yon. Walang katapusan. Bahala sila jan, as long as labas ako sa asaran nila. 

'But I wonder though if they're actually secretly dating? Masyadong obvious eh,'

"Since when did you guys got close?" Tanong ni Dex, crossing his arm. He wore this smirk on his face like he's up to something. I opened my mouth and started talking.

"...Si Cilio kase laging may inaabangan sa Engineering tas---" Pinigilan ni Cecilio ang mga susunod na mga salitang lalabas sa bibig ko nang takpan niya ito ng kamay niya.

"Sh... Baby sis, 'wag ka nang masyadong madaldal..." Bulong niya sa'kin sabay nilakihan ako ng mata na pawang nagmamakaawang huwag na lang maging madaldal. 

'Pasensya ka na, Cecilio. Nature ko talaga maging madaldal minsan. Hindi naman ako informed na bawal pala ichika 'yon,'

"Inaabangan mo pa rin yung nakablinddate mo don?" You could trace the disbelief in Ashton's tone. May alam sila na hindi ko alam pero syempre, hindi na ako manghihimasok doon dahil hindi naman ako included sa business nilang magkakaibigan.

"Baliw, she doesn't even go here!" Bethany exclaimed. 

'Sino kaya tinutukoy ng mga ito?' Binaba na ni Cecilio yung kamay niya mula sa bibig ko pero nanatiling nakatikom ang bibig ko, pabalik-balik lang ang tingin ko sa apat na magkakaibigan. I was lost and I'm trying to keep up with the tea between Cecilio and whoever it is they're talking about. 

"Malay naman natin mapasyal siya ulit!" Depensa ni Cecilio. 

'Naloloka na ako dito. Mas naiintriga ako sa pinagsasabi nila,' Maybe I'll ask him about that later on. Nakakahiya naman makiososyo ngayon. 

"Ayan kase. Magloko ka pa ulit. Ano ka ngayon? Tinamaan ng lintik," Bethany and Dex are having fun teasing the now blushing Cecilio. Marunong pala 'to mahiya?

"Hey, you free later? Nag-aayang mag-milkfridge si Bethany," Rinig kong tanong ni Ashton sa akin. I looked up to him and smile. Yung tipong hindi mo na din kita ang mata ko.

"Sure! Why not! Isama ko si Hera, okay lang ba?" I asked him for permission. This is one of the rare moments Ashton is being nice. Dapat talaga, yung mga gantong moments ay tinetreasure. 

'Bihira na nga lang maging nice yung isa, iinisin ko pa ba?

"It's fine. Salamat pala sa libre niyo," He nodded and thanked me for the last time we went out. 

"Nako, naubos ipon ko dahil sa mga kinain mo!" Pagbibiro ko. It was true. That time when we went out with Hera, sumakit ang wallet ko. Ang gaga naman kase, insisting to pay for the snacks. 

"You should've let me paid mine," He shrugged. Of course hindi big deal sa kanya ang bayaran yung kakainin namin kase nga he has the means to do so. Pero syempre, it's my time to shine 'no. Malay ko bang kung makalamon pala 'tong kapreng 'to, akala mo isang buong mag-anak pinakain ko. 

"Charot lang! Hahaha! Sarap nga ng kain mo, nakakahiyang makisingit sa fishbol," Pang-aasar ko sa kanya. I laughed at the memory. Habang inaantay namin si Hera sa mga oras na iyon, dukot lang siya ng dukot. Hindi tuloy siya masingitan nung isnag batang bibili din sana ng proven. Ubusin ba naman yung nakadisplay doon sa tindahan. 

"Nakakainip naman kase," He replied. One more thing about Ashton, he is impatient. May pagkaatat pala talaga siya. He wanted to leave as soon as we arrived at the waiting place, mas gusto daw niyang anatayin na lang sa mismong meeting place si Hera but we have to wait for her kase nagwiwithdraw lang naman siya. 

"Delikado pala kapag naiinip ka hahaha! Lahat ng nasa tray, tinutuhog mo!" That is also true. Sa sobrang inip nito at siguro sa boredom na din kakaantay, ayun, kinain na lang niya. Delikado nga na mainip itong isa lalo na kung may pagkaing involve. 

"Yeah, yeah. Laugh all you want. Basta hindi ako yung nagsawsaw sa banlawan ng sandok," He shot back. I gasp and smack him in the arm which only caused him to laugh lightly. Grabeng kahihiyan talaga inabot ko non. 

"... Ang sama ng ugali mo. Isang beses lang 'yon oy!" Parang tangek naman kasi yung tindera, bakit kailangan idikit sa sawsawan yung banlawan ng sandok. Malay ko ba na hindi pala sawsawan yong. I really looks similar to the sauces beside it so you can't blame me. 

"Hahaha! Kung hindi ka pa nasita, sasawsaw ka pa ulit eh," Tawang-tawa na naman yung isa. 

'Konti na lang at sisikmuraan ko na 'to! Wagas makaasar pero kapag ako nang-asar sa kanya, daig pa kutsilyo makatitig. Sobrang talim makatingin!'

"Che! Next time, hindi na kita aayain!" I huffed and pouted. 

"Seriously?" Tumawa na naman siya ulit before ruffling my hair and messing up with my see-through bangs. 

"Che!" I made a face which made him chuckle more. 

'Tama yan, Ashton. Ako ang source ng kasiyahan mo. Pero huwag sana sa ganitong paraan,' Nang humupa at kumalma na ang lahat, chill lang kami. Nag-cellphone lang si Bethany tapos nag-uusap si Dex at Cecilio. 

"By the way... what's up with that? Ano yang hawak mo?" Napansin niya din ang hawak kong envelop. I almost forgot the reason why I was here in the first place.

"Ah! Oo nga pala! Bago ko malimutan! May pinapadeliver pala sa'yo!" I happily gave it to him. It was aletter from his Mom, so sweet. Well, sino ba naman ang hindi matutuwa kung susurpresahin ka ng Nanay mo ng letter.

'The only surprised I got from Mama was sermon. Biglang sermon pagkauwi sa bahay,'

"Ano yan? Is that a love letter?" Bethany asked curiously, poking her head behind Ashton's shoulders to see what the letter is all about.

'How would I know? Hindi naman ako pakialamera so I didn't took a peak,'

"Nako Gwen ha! Umeextra ka na naman!" Manghang sambit ni Cecilio na ngayon ay nakikisingit na rin sa likod ni Ashton. Ashton was just chuckling pero hindi pa niya ito binubuksan.

"Hala hindi! Ano kase... may nagpapabigay..." Pagdedeny ko. Oo, gaga ako minsan pero wala pa talaga sa plano ko ang gumawa ng mga love letter na yan. Ang pangit kaya ng penmanship ko.

"Huh? Who?" Nagtatakang tanong ni Ash. He probably did not expect to recieve some letter.

"Basahin mo daw muna. Pinapamakesure na basahin mo daw eh..." I shrugged, not wanting to ruin the surprise.

"Ano ba kase nakasulat jan?" Nacucurious na tanong ni Cecilio. Ashton did not let him take a peek and read the letter all by himself. Unti-unting nagbago ang expression ng mukha nito.

'Change mood agad? Parang kanina happy-happy lang ah?' I observed his facial expression and quickly took note of the sudden change of aura. 

"... Ash?" Nag-aalalang tawag ni Bethany after a few minutes of Ashton not saying anything. Nakita din nila ang biglang pagsama ng timpla ng mood nito. 

"Fuck...How...?" Ashton slowly put down the letter that was in his hands. His hands, then, curled up into a fist, crumpling the paper. Pinananuod lang namin siya nang hindi alam ang gagawin.

'Is there something wrong with the letter? Shit. Baka bearer pala yung letter na 'yon ng bad news!'

"Ashton?" I softly called him out of his angry trance. Oo, by this time ay galit na ang pumipinta sa kanyang mga mata pero halata ang pagpapakalma niya sa sarili niya. 

"San mo siya nakita?" He asked me, without looking at my direction. Yumuko lang siya at tinitigan ang letter na ngayon ay crumpled paper na sa mesa. 

"Eh?""Sino?" Magkakasabay na tanong nila Cecilio pero alam ko kung sino ang tinutukoy niya. His Mom. 

"Yung nagpaabot sa'yo nitong sulat. Saan mo siya nakita?" He asked me again. Hindi kase ako makasagot ng maayos dahil sa totoo lang, ayoko pa lalong uminit ang ulo niya. Pero I knew I have to tell him the truth, ayoko lang maiipit sa sama ng loob niya. 

'His eyes... I've never seen them this angry before. Sobrang galit...' Now I know he has some problems with his Mom. Gusto ko man na magtanong pero it's his personal issue. Hindi dapat ako nanghihimasok lalo na kung hindi naman niya ako kaano-ano.

"Ashton... Kalma..." Dex tried to console him but no to avail. 

"S-sa gate 3 kaninang umaga. Nagtanong lang kase siya kanina tapos---" Naputol ang sasabihin ko nang nagdabog siya ng kamay sa mesa, startling me as well as other people who were sitting at the tables near us. His hands were tight shut into a fist. 

"Damn it. Bakit siya nandito? Did you meet up with her?" He calmly ask. I shook my head vigorously. Wala akong alam sa sinasabi niya. I don't get why he's acting like this. The least he could do is spare me from this dahil hindi ko talaga gets pinanggagalingan ng galit niya. 

'Ano ba kase laman nung letter? Bakit ba galit na galit siya nung nakita niyang galing sa Mommy niya? Bakit parang kasalanan ko?' I was just the messenger. Binilin lang sa'kin at pinakiusapan lang naman ako.

I looked over Bethany, practically begging her in my mind to step in. She only blinked. 

"Ashton, promise wala akong alam. Binilin lang sa'kin nung nasa gate ako---" I swore but he wasn't having any of it. The rest of the guys were quiet, hindi siguro nila naiintindihan ang nangyayari dahil hindi naman buo sa kanila ang context ng nangyayari. 

Cecilio looked at me questioningly but I only looked down and bit my lip kase hindi ko alam kung papaano ko ba ieexplain ang nangyayari dahil mukha hindi pa huhupa ang galit ni Ashton, I would most likely make the situation worst. 

"Get out of my sight," Narinig kong sambit ni Ashton. Iniangat ko ang aking ulo, shocked at what he just told me. Napanganga din sila Bethany sa sinabi ni Ashton. 

"P-po?" I stuttered in reply. Narinig ko naman iyon loud and clear, I just can't believe he is behaving this way.

"Hoy! Ano ba? Ano bang problema mo?" Nagsisimula nang mainis si Cecilio at halata iyon sa tono pa lang ng bose niya. 

I decided that maybe it is best to leave for now at hayaan muna sila but Cecilio was also wasn't having any of it. He grabbed my wrist, making me fall back to my seat. Dex remained quiet while Beth was looking at a pissed off Cecilio and a fuming Ashton. 

'Okay... So what am I supposed to do now? Yung isa, gusto ako paalisin tapos yung isa naman ay hawak-hawak ang pulsuhan ko para hindi ako makaalis. Just... what?' The two guys had a tense staring battle. Hindi sila kumikibo pero nararamdaman ko yung tensyon sa pagitan ng dalawa. Ashton was angry over something and I'm pretty sure Cecilio was cursing him in his head. Pasalamat na lang talaga at hindi sila gumawa ng eksena dahil first of all ay nasa school kami at pangalawa, we are in public and everyone will see. 

After a minute or so, Ashton stood up, making the chair screech loudly because of how rough he was. We all looked up at him, not saying a word.

"Fuck this," Narinig kong bulong nito bago umalis palayo sa pwesto namin. 

"Ashton! Ayan! Jan ka magaling! Walking away from your problems again!" Sigaw ni Cecilio sa kanya pero hindi niya lang ito pinansin. He continued walking passed by other students and soon enough, nawala na din siya sa paningin namin. I don't know where he went but I hope he cools down his head first. Nauuna na naman ang init ng ulo. 

"Tangina non ah! Anong ginawa sa kanya ng mga tao dito? Lahat na lang pinagbubuntungan niya ng galit niya! Inaano ba natin siya?" Cecilio ranted. Pinagtitinginan lang kami ng mga katabi naming table. Namula naman agad ang pisngi ko sa kahihiyan. I bit my tongue to refrain my self from saying anything. 

"Kung ano man content ng letter na yon, it doesn't look good..." That was the first line Dex said after the whole thing.

'Really now? Ngayon niya lang naisipang magsalita after witnessing his best friend behave strangely?' Can somebody just please explain to me what the heck is happening dahil aside sa nalilito na ako, I really want to understand where this sudden anger from Ashton is coming from.

"Pero tama ba yon? Na idamay niya yung mga taong wala namang alam? Gago, kung 'di ko lang yan kaibigan, pahihimasmasan ko yan!" Gigil na sagot ni Cecilio. He has a point though. Tama nga naman bang pag-initan niya ang mga tao sa paligid niya lalo na yung mga walang alam? I knew I did'nt deserve his attitude. 

"You okay?" Bethany asked, worry lacing her tone. I didn't answered her but I gave her a small nodd. Hindi naman ako nasaktan sa nangyari, siguro ay nalilito lang. 

"Hey? I know it caught you by surprise. I don't even know what's going on inside that shit's head." She added. Naiintindihan ko naman iyon dahil halata din naman yung pagkagulat sa mga mukha nila. 

"Kanino ba kase galing yung letter na iniabot mo?" Tanong sa'kin ni Cecilio. I took a deep breath before answering. 

"Sa Mommy niya..."

"... Shit..." Pagmumura ni Bethany, putting a hand over her mouth and her eyes looking wide like she was surprised.

"Ah... now I know..." Dex said in realization.

'May alam pala sila na hindi ko alam,'

"I'm sorry. Hindi ko naman alam na magagalit siya... Nakisuyo kasi yung Mommy niya kanina nung nagtatanong sa'kin. I thought it was fine since kakilala ko naman si Ashton..." I tried apologizing but Bethany gave me a 'sorry' smile, shaking her head. 

"Wala ka namang alam, so none of this is your fault..." She reassured, giving my shoulder a light pat. 

"Wag na lang muna natin gambalain si Ashton. Let him find his peace first. Mahirap kausap yon kapag irrational at galit." I heard Dex said. I looked over him and saw him crossed his arms, closed his eyes and tilt his head back. 

'What do I do?' It appears that I have once again successfully drove Ashton away from me again. This is such a hopeless case pero ito pa rin ako, pushing my non-existent luck. 






END OF CHAPTER 24

A/N:

Will edit if 'di na tinatamad.
Word count: 6827
Peace out!

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...