A Little Bit of Sunshine

By aennui

727 124 206

A Little Bit of Sunshine || Sunshine is just your ordinary high school girl. Umikot ang buhay niya sa school... More

Opening Remarks
Simula
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
Wakas

17

20 2 0
By aennui

Kabanata 17: The Lionel Bistro

Pumatak na ang alas singko ng hapon kaya naman nagpaunahan na kaming magkakaibigan pauwi ng mga bahay namin. Siyempre lahat kami ay excited na maghangout sa bistro para mapanood sila Hanson. Ngunit bago ang lahat ng iyon, kailangan muna naming magpaalam sa mga commanders ng bahay kung papayagan ba kami at para na rin magpalit ng damit namin.



Pagdating ko sa bahay ay wala pa si Tatay kaya naman sinubukan ko siyang tawagan. Pumayag naman siya agad agad ng sabihin kong kasama ko si Ouie at si Gracie. Ngunit may pabilin lang na wag daw magpapagabi lalo na't may klase pa bukas. Sabagay, papanoorin lang naman namin ang performance nila Hanson.



Nagsuot ako ng oversized shirt na baby pink at tinuck in ito sa isang black na mini skirt. Color white na sneakers naman ang pinili kong sapatos at brown leather sling bag para lalagyanan ng cellphone at ilang gamit ko. Inipit ko ang buhok kong hanggang beywang bago namulbos at naglagay ng kaunting liptint.



"Tapos na ako!" Nakangiti akong umikot sa humarap sa salamin habang nagiispray ng pabango para sa finale.



Lumabas ako ng bahay at naglakad papunta sa entrance ng compound. Ilang minuto na akong naglalakad at inabala ang sarili ko sa pagcecellphone ng bigla akong makaramdam na may sumusunod sa akin sa likod.



Pota. Magnet na ba ako ng mga taong may masasamang balak? Tatay! Ayaw ko na nito! Huhu.



Napabilis ang paglalakad ko at napahawak sa pendant ng kwintas ko ng maalala ang kumalat sa facebook na mga taong nangunguha ng lamang loob ng mga bata.



Pota. Hindi naman siguro masamang tao ang nakasunod sa akin diba? Teka! Considered pa ba ako bilang bata?



Kumanan ako ng daanan at naramdaman kong nakasunod pa rin siya sa akin. Ilang beses na akong lumiko ngunit nararamdaman ko pa rin yung presence niya. Plano ko na sanang kumaripas ng takbo at sumigaw ng tulong ng biglang may sasakyang pumito mula sa likod.



"Ay deputa-!"



"Sunshine Ortiz!"



Lumingon ako pero agad ding napapikit ng sumalubong sa akin ang nakakasilaw na liwanag na nagmumula sa isang kotse. Nagpatuloy sa pagdadrive yung nagmamaneho ng kotse na huminto sa gilid ko habang nirerecover ko pa ang paningin ko.



"Halika! Sabay na tayo sa bistro!" Tinitigan ko yung driver ng ilang segundo na nakalusot ang ulo sa may bintana habang nakangiti at kumakaway.



"Sino ka?" Hinilod ko ang mata ko at narinig ang pagtikhim niya.



"Bakit ba kailangan kong magpakilala everytime na nagkikita tayo?" Dinilat ko ang mga mata ko at nakita ang nakabusangot na pagmumukha ni Duke.



"Oy Duke! Ikaw pala yan! Long time no see!" Makikipag apir sana ako sa kanya pero lumabas na siya ng kotse at pinagbuksan ako ng pintuan.



"Para ka talagang internet connection sa Pilipinas, Sunshine. Mabagal." Ngumiwi nalang ako bago sumakay sa kotse niya.



"Sorry na! Iba nanaman kasi yung hairstyle mo!"



Sinarado niya na ang pinto bago umikot sa driver's seat at nagsuot din ng seatbelt. Hindi ko naman mapigilang sumulyap sa labas para tignan kung may nakasunod pa rin ba sa akin.



"Uy Sunshine. Bakit parang takot na takot ka?" Nagsalubong ang mga kilay ko ng humalakhak siya bago nagsimula ng magdrive. "Nakakatawa yung reaction mo kanina. HAHAHA!"



Langya. Ambilis magbago ng mood ng lalaking to.



"Hoy Du-ke. Walang nakakatawa ha! May lalaki kasing nakasunod sa akin kanina pa. Kinabahan lang ako kasi baka ibenta ang mga organs ko." Sumandal ako sa upuan at napanguso.



"You don't like it? Marami kang mga buhay na madudugtungan?" Asar ko siyang nilingon at pinakita ang middle finger ko kahit na nakafocus siya sa daan.



"Baliw! Gusto ko pang mabuhay. Ikaw nalang ipapalit ko, gusto mo?"



Humahalakhak siya habang hinihilot ko ang sentido ko para alalahanin ang mukha nung lalaki. Parang pamilyar yung built ng katawan niya. Masyadong madilim at malayo siya sa akin kaya hindi ko talaga nakita ang mukha niya.



"Lalim ng iniisip ah. Gusto mo i-share?" Bumukas ang mga mata ko at tinignan si Duke.



"Inaalala ko lang yung lalaking nakasunod sa akin kanina. Ewan ko ba kung bakit bigla akong hindi mapakali." Nagsimula akong magngangat ng kuko ko.



"Baka stalker mo yun."



"Stalker? Malabo." Di naman ako kagandahan.



"Baklang manghihingi ng wam-pipty?"



"Seryoso ka ba diyan?" Baka kung siya ang sinusundan, pwede.



"Baka naman naliligaw lang na mamamayan ng Alveolar."



"Ewan. Hayaan mo nalang yun." Bumuntong hininga ako bago nagsalumbaba at tumingin sa daanan.



"Kung hindi ka pa rin mapakali, we can report it to the barangay para magawan nila ng aksiyon and prevent big crimes to happen." Naging seryoso nanaman si Duke.



"Wag na. Hassle. Hindi ko naman madedescribe ang mukha niya at wala din namang nangyari sa akin. Mag-iingat nalang ako next time."



Nagkwentuhan nalang kami habang on the way sa bistro. Medyo matagal ang naging biyahe namin dahil sa traffic pero okay lang naman. Kumportable naman ako kay Duke dahil bukod sa palabiro ay maraming baong kwento. Hindi din siya pala-English gaya ng ibang mayayaman kaya hindi nagdugo ang ilong ko.



From: Ouie mah friend

Where are you? Dumaan kami sa bahay niyo pero sarado na.



Nagsalubong ang mga kilay ko sa message ni Ouie. Wala naman siyang sinabing sasabay ako sa kanila! Atsaka hindi pa naman kami nagkakaroon ng maayos na convo kaya ang awkward siguro nun kung hindi kaagad ako nakaalis ng bahay.



To: Ouie mah friend

Papunta na ako sa bistro! Magcocommute sana ako pero sinabay na ako ni Duke.



"Oo nga pala! Mamimeet mo na yung babae naming member!" Muling umangat ang tingin ko kay Duke bago napanganga.



"May babae sa grupo niyo? Ang astig naman!"



"Yep. She's Queenie, incharge of the drums. Tatarayan ka nun kapag nalaman niya na close mo si Prince!" Nagsalubong ang mga kilay ko ngunit nagkakutob ako kung bakit.



"May gusto ba siya kay Hanson?"



"Bullseye! Walang patawad ang isang yun kapag pinaiyak o may ginawang masama sa baby niya. God. I really won't mess with Prince whenever she's near. She almost plucked all of my hair nung inasar ko si Prince!" Napasabay ako sa panginginig niya at pagyakap sa sarili.



Pota. Naiimagine ko na kung anong klase ng babae ang Reyna nila. Maattitude rin gaya ng Hari pero parang mas malakas ang aura niya kaysa sa baliw.



Naputol ang kwentuhan namin ni Duke ng biglang mag-ring ang cellphone ko. Tumaas kaagad ang isang kilay ko ng makita si Ouie na tumatawag sa akin.



"Hello Ouie?"



"Who's Duke?"



Kahit na hindi ko siya nakikita ay naiimagine ko ang magkasalubong niyang mga kilay. Sumulyap ako kay Duke na bahagyang pinalaki ang mga mata niya sa akin at ngumiti.



"Kabanda siya nila Hari at Hanson. Bakit ba?" Umawang ang labi niya ng marealize na siya ang pinag-uusapan namin.



"Kayo lang magkasama? Sa iisang kotse?



"Oo. Ano bang problema?" Narinig ko ang pagbuntong hininga niya kasabay ng pagpipigil ng tawa ng taong katabi niya.



"Okay. I'll see you later. Don't let your guard down." Hindi ko na nagawang makapag react ng i-end niya ang call. Natawa nalang ako kinalaunan at napailing.



Okay Duke. Manyakis ka sa paningin ni Ouie. Pero shut up lang muna ako.



"Sino yun? May problema ba?" Ngumiti ako kay Duke bago umiling.



"Wala naman. Yaan mo yun."



Nakarating na kami sa parking lot ng bistro ng muling mag ring ang cellphone ko. Nakita ko agad ang pagmumukha ni Hanson bilang contact picture na naka fierce ng magselfie siya gamit ang cp ko.



"Ayos ah. Dami mong caller. Pero this time si Hanson crackers?" Natawa nalang ako ng mabasa ni Duke ang name ni Hanson sa contacts ko bago ko sinagot ang tawag.



"Oy! Wazzup?"



"Hey. Nasaan ka na?" Malakas ang tunog sa background at nakarinig na ako ng mga boses ng taong nagkukwentuhan. Mukhang nasa loob na siya ng bistro.



"Nasa parking lot na kami." Nginitian ko si Duke ng pagbuksan niya ako ng pinto.



"Parking lot? Why? You brought a car?" Napangiwi ako. High na ata ang lalaking to. Laruang kotse lang naman ang kaya ko.



"Baliw! May pambili ba ako? Kasama ko si Du-ke! Pinahits ako ng ride." Tinapat ko ang cellphone ko kay Duke na napangiwi dahil sa pagpronounce ko ng name niya.



"Yow men! Kasama ko na si Binibining Sinag ng Araw!" Binalik ko ang cellphone ko sa tenga pagkatapos ng greeting niya.



"When did the two of you become close?" Nagkatinginan kami ni Duke at sabay kaming napakibit balikat.




"Ewan ko dude. May spark ata!" Hinampas ko si Duke na humalakhak lang.



"Sige na! Papasok na kami diyan! See you!"



Binaba ko na ang tawag dahil sayang naman ang load niya. Nagpunta naman si Duke sa compartment ng kotse niya para kunin ang gitara niya. Nanlaki ang mga mata ko at sinubukang agawin sa kanya yung gitara ngunit mabilis niya itong iniwas at itinulak ang noo ko.



"Wag na! Baka magfreak out yung mga tao na dwende ang nagbibitbit!"



"Aba gago to ah!"



Kumaripas siya ng takbo papunta sa entrance ng bistro dahil sa takot na mabatukan ko. Nagawa ko naman siyang mahabol pero hindi ko siya nagawang mabatukan dahil halos sakalin niya ang leeg ko ng braso niya habang papasok.



"Good evening Maam and Sir Duke."



"Good evening!" Nginitian ni Duke ang dalawang bouncer na nilampasan namin.



Sinubukan ko silang kawayan dahil masyado silang stiff at nakashades pa pero wala silang naging reaksiyon kaya naman humabol ulit ako kay Duke. Wew. Required ba talagang kalbo at maskulado kapag ganyan ang trabaho? Kamukha tuloy nila si Dwaye Johnson.



"Madalas ba kayo dito kaya kilala ka nila?" Kahit na madilim ay naaaninag ko ang mukha niyang nakangiti dahil sa napapadaan na mga disco lights.



"Family ko ang may-ari nito, Sunshine." Napanganga ako at muntik pang matapilok dahil sa revelation niya.



"Woah. Seryoso?! Ang ganda naman ng business niyo!" Mas lalo akong napanganga ng makapasok na kami ng tuluyan sa bistro.



"Welcome to Lionel Bistro!"



May nagsasayawan na mga tao sa dance floor na nasa bandang likuran ng bistro na color blue at violet ang paligid dala ng mga neon lights. Sa pinaka unahan naman ay isang stage na may drum set, electric guitars, at mic stand kung saan magpeperform ang banda nila mamaya. Sa gitna ay mga round tables na ang maximum seat ay pang-apat na tao at couches na mas mao-occupy ang malalaking grupo.



Sa magkabilang gilid ng bistro ay may mga bar counters na gawa sa kahoy at may pagka old school ang disenyo. May mga bartenders na nagmimix ng drinks ayon sa gusto ng mga customers. First time ko lang makapasok sa isang bistro at hindi ko inaasahang ganto pala kaganda sa loob.



"Wala na talaga akong ibang masabi. Ang ganda dito!" Napadalawang thumbs up ako sa harapan ni Duke na tumawa bago kumuha ng drinks na sinerve ng waiter na dumaan sa harap namin.



"Thank you Sunshine! Noong una hindi naman to ganito kaganda pero pinaghirapan talaga to nila Mom and Dad."



Inabutan niya ako ng drink na kaagad ko namang tinanggap. Color juice siya kaya dire-diretso kong nilagok pero halos mabuga ko ito ng maramdaman ang pait sa dulo.



"Yuck! Ano ba to?" Sinuntok suntok ko ang dibdib ko habang nagpipigil siya ng tawa. Sirang-sira na ata ang mukha ko ngayon dahil sa lasa nung inumin.



"Hindi ka pa pala sanay uminom?"



"Una pa lang akong nakatikim ngayon. Kala ko naman kasi juice yang deputang inabot mo." Humalakhak siya bago muling sumimsim sa glass.



"It's a cocktail drink. Pinaghalong gin and orange lemonade. Hindi naman to masakit sa ulo kung hindi mo lang totodohan sa pag inom."



My ghad. Dumadami na ang mga nakikita kong inumin dahil sa mga kaibigan kong gimikero. Mapapa face palm na nga siguro ang atay ko.



Sinimulan naming hanapin ni Duke si Hanson sa loob ng bistro. Hindi naman nagtagal ang paghahanap namin dahil kasama niya na sina Gracie sa sofa. Kumpleto na ang lahat except lang kay Ouie at King na tingin ko ay late ng ilang minuto na makakarating.



"Sunshiney! Nandito na pala kayo!" Natawa ako ng gigil na yumakap sa akin si Gracie at tumalon talon.



"Eh? Bakit para kang nanalo ng lotto?!"



"Wala lang! Ang ganda lang talaga dito sa bistro!" Tumabi ako sa kanya bago siya nagkwento. Nagsimula na pala silang uminom kahit na wala pa kami.



Nagpapakilala si Duke sa mga kaibigan namin ng makuha ng atensyon ko si Hanson. Tinaasan ko siya ng mga kilay ng makitang nakatitig lang siya sa akin. Bumagay sa kanya ang pagkakaayos ng buhok niya, ripped jeans, white shirt na pinatungan ng denim jacket at metal necklace.



"Oy Hanson. Musta?" Umupo ako sa tabi niya bago nakangiting dumakot ng pulutan. Nagregister kaagad sa nostrils ko ang amoy ng pabango niya.



"I'm good." Umawang ang labi ko at natigil sa pagnguya ng maramdaman kong bahagya niyang nilapit ang ulo niya sa tenga ko. "This may be the first time that you'll hear me say this. But you look really beautiful tonight."



Ilang segundo pa ang lumipas bago ako nakarecover at nilingon siya na kasalukuyang nakangiti sa akin.



"T-Thank you. Ikaw din naman. Ang gwapo mo." Umiwas ako ng tingin at napakagat sa gilid ng pisngi ko.


Nakakakilig yun ha. Pero behave ka lang Sunshine! Simpleng compliment lang yun!




"Oy brad! Nandito na pala kayo!"




Natigil ako sa pagpapakalma ng puso ko nang magsalita si Duke. Napasunod kaming lahat sa direksiyong tinitignan niya at nakitang sabay na naglalakad papalapit sa amin ang kambal.




Maangas na nakangiti ang Hari habang si Ouie naman ay straight face lang. Halos parehas lang sila ng outfit ngunit ang kulay lang ang naiiba. Nang magtama ang mga mata namin ni Ouie ay tinanguan ko siya at doon pa lang siya ngumiti.



Umupo ang kambal sa couch sa harap namin ni Hanson. Hindi na ako tinignan ni Ouie at diretsong kumuha ng cocktail drink na sinerve ng waiter sa lamesang nasa harapan namin.



"Hoy hoy hoy! Bakit may naligaw nanaman na kuto dito!?" Nagsalubong ang mga kilay ko kay Hari ng makita nanaman ang ngiti niya.



"Hoy hoy hoy! Bakit may naligaw na tubol dito!?"



Balak pa sana akong asarin ng Hari kung hindi lang lumapit si Duke sa couch nila para makipagkilala kay Ouie. Bumait naman ang mokong dahil tinanggap nito ang kamay ni Duke at nagsimula silang mag-usap.



Nilingon ko si Hanson at nakita ko siyang tahimik lang na nagmamasid sa mga kaibigan namin. Kinalabit ko siya at kinailangan ko pang ilapit ang labi ko sa tenga niya para marinig niya dahil biglang lumakas ang music.



"Nagpalit ka ng pabango?" Tumango siya at siya naman ang lumapit ngayon sa tenga ko. Para akong kiniliti ng magsimula siyang magsalita.



"Mama gave it to me as a gift. What do you think?" Nilapit niya ang wrist niya sa akin para ipaamoy ito.



"Hmm. Mas mabango to kaysa sa dati mo ah?" Naningkit ang mga mata niya bago ngumiti ng mapang-asar.



"Parang inamin mo na palagi mo talaga akong inaamoy." Bigla akong namula.



"Hoy hindi ah! Sadyang naaamoy ko lang talaga."



"Talaga?"



"Talaga!"



Nagsimula kaming magkwentuhan habang umiinom ng cocktail drinks. Natikman ko na halos lahat ng kulay na sinerve ng waiter sa table namin ng hindi ko napapansin. Siyempre todo kain din ako ng mga pulutan.



"Oy Duke! Please call Queenie! Sabihan mo bilisan niya!" Kinuha ni King ang atensiyon ni Duke na nakikipagtawanan pa kanila Greggy.



"Eh? Ayoko nga! Sabunutan pa ko nun!"



Hindi na pinansin ni Duke si King at nakipagkwentuhan lang. Nabadtrip tuloy ang Hari at sinamaan ng tingin si Duke bago tumungga ng drink. Nagiging maattitude na din ang isang to.



"Gago!" Nakabusangot na ang hari ng sumulpot naman ang isang matangkad na babae sa gilid namin ni Ouie.



"Ako ba ang hinahanap niyo?"



Ilang beses akong napakurap habang nakatitig sa babae. Lahat ng mga lalaki dito sa bistro kahit na matanda man ay napapalingon talaga sa kanya.



Nakasuot siya ng black fitted pants, white tube na kita ang pusod at denim jacket. Nakalugay ang brown niyang buhok na wavy ang dulo. Kahit na madilim ay kita kong maganda ang curves niya lalo na't matangkad siya. Ang bigat din ng aura niya kaya parang dinaanan kaming lahat ng anghel.



"Oh. Ang dami natin ngayon ah! Are they your friends, Hanson?" Napangiwi ako ng maalala ang pananakot ni Duke sa akin kaya naman dahan-dahan akong lumipat ng upuan sa tabi ni Gracie.



"Yes. Please greet them Queenie."



Nakaupo na ako at agad na uminom ng drink. Pero bigla nalang akong nasamid ng makita kong yumakap si Queenie sa braso ni Hanson na halos madikit ang dibdib niya dito.



"Are you okay?" Tinapik tapik ni Ouie ang likod ko bago ako inabutan ng tissue. Katabi ko lang din siya sa left side pero nasa pagitan namin ang dulo ng mga couch na kinauupuan namin.



"O-okay lang. Salamat."



Kahit na babae ako ay nakuha ng atensyon ko ang hinaharap niya habang nagpupunas ako ng bibig ko. Napalunok nalang ako at pasimple na tumingin para icompare ang hinaharap ko.



Takte. May umbok ba ako? Parang wala naman.



"I feel you Girl." Bumulong sa akin si Gracie na malungkot na kumapit sa braso ko habang nakatulala din sa hinaharap ni Queenie.



Malagkit ang titig ng tatlong J's sa kanya. Magandang binibining sagana ang hinaharap kaya nagpaunahan at nagkandarapa silang magpakilala. Tinignan ko ang reaksiyon ni Hanson at hindi ko naman siya mabasa.



Gusto niya kaya si Queenie? Hindi malabo dahil ganyan naman ang tipo ng mga lalaki. Haist. Winowork out ba yung ganyan? Nasa genes? Ka edad ko lang naman ang babaeng to pero may dala na siyang dalawang oversized na papaya.



"Stop staring. Nahuli ka niya."



"Huh? Talaga?"



Napunta ang tingin ko sa mata ni Queenie. Kinabahan ako ngunit hindi ko in-expect na salungat ng expectation ko ang makikita ko ngayon sa kanya.



"Hello! I'm Queenie Kate Velasco. Anong pangalan mo?"



Mukha naman siyang mabait! At ang ganda niya pa habang nakangiti! Ohemgee. Natotomboy na yata ako.



"Hello! I'm Sunshine Ortiz!"



"You're the cheerleader right? You're so cute! I want to bring you home!" Parang namula ang pisngi ko dahil sa compliment niya.



Pota. Natomboy na talaga ako sa babaeng to!



Lumipat naman ang tingin niya kay Ouie at nag iba nanaman ang aura niya. Mahinhin niyang tinanggal ang braso niya kay Hanson at umupo ng maayos sa upuan.



"Hi King's Twin! I finally met you! I'm Queenie. But you can call me Baby or your Queen." Kumindat siya pero lahat kami ay napasinghap nang marinig ang sunod na sinabi ni Ouie.



"I'm sorry but I'll go straight to the point. I don't like you."



Napainom kaagad ako ng cocktail drink ng bumigat ang tension. Si Duke na kanina pa umiinom ng drink niya ay napaubo naman bago sinubukang hilain palayo kay Ouie si Queenie na gulat na gulat sa nangyari. Tinangay na ng tatlong mga kabanda niya si Queenie papunta sa stage para tumugtog at iniwan lang si Ouie na binakbak ng tanong ng tatlong J's.



"Tangina brad! Tinanggihan mo yung grasya?"



"Iba ka talaga brad! Lodi talaga kita!"



"Kung ako ikaw, pinatulan ko na si Miss Queenie!"



Tumayo si Ouie at nagwalk out na muna palabas ng bistro. Si Gracie naman ang lumapit sa mga gunggong na isa-isang inabot ang tenga para hilain ulit sila paupo. Napatakip ako ng tenga ko ng bakbakin ni Gracie si Jethro ng sermon bago ako uminom ulit ng cocktail drink.



Takte. Ilang shot na ba ang nainom ko? Bigla nalang akong nakaramdam ng hilo.



"CR muna ako guys ha?"



Tumayo ako at medyo na out of balance ng bigla akong mahilo. Tinamaan na nga siguro ako pagkatapos kong lumaklak ng ilang baso. Nang makaramdam akong diretso na ang paningin ko ay nagsimula ko nang hanapin ang CR.



"Good evening guests of Lionel Bistro! We are The Monarchs, ready to serenade you for the night."



Natigil ako sa paglalakad at naniningkit na tinignan ang apat na tao sa may stage na kasalukuyang pinapalakpakan ng mga tao. Masyadong maliwanag yung spotlight pero nagawa ko pa ring matitigan ang taong nasa gitna at hawak ang mikropono.



"Tonight, we invited special guests here in the bistro. They helped me a lot during my adjustment in a new school. Pwede niyo po bang palakpakan ang mga kaibigan ko?"



Napangiti ako ng tumapat ang mga spotlight sa pwesto nila Gracie. Napuno ng palakpakan ang buong bistro kaya nakipalakpak din ako bago nagsimulang maglakad para hanapin ulit yung CR.



Ihing-ihi na ako! Takte. Nasan na ba yun?



"I would also like to take this opportunity to thank the most wonderful girl I met in my entire life."



Parang biglang umurong ang ihi ko ng marinig ko ang sunod na sinabi ni Hanson at marinig ang hiyawan ng mga tao lalo na ng mga kaibigan ko.



Muling bumalik ang tingin ko sa kanya na kasalukuyang may hinahanap sa paligid. Nang magkasalubong ang mga mata namin ay mabilis siyang napangiti at naningkit ang mga mata na nagpatibok na malakas sa puso ko.



"Thank you for making me smile again. This song is for you."



Nakagat ko ang labi ko ng magsimula ng tumugtog ang mga instrumento nila. Humigpit ang hawak ni Hanson sa mikropono bago niya sinimulang bigkasin ang unang mga salita ng Yellow by Coldplay.



Look at the stars
Look how they shine for you
And everything you do
Yeah, they were all yellow



Pota. Hindi ko madescribe ang lakas ng kalabog ng dibdib ko.



Your skin
Oh yeah, your skin and bones
Turn in to something beautiful
Do you know
You know I love you so
You know I love you so



Parang sinolo namin ang mundo ng minutong na yun. Tanging kalabog lang ng puso ang naririnig ko at siya lang ang nakikita ng mga mata ko hanggang matapos ang kanta.



"Pucha. Delikado na ata ako."

Continue Reading

You'll Also Like

Amnesia By Zy

Fanfiction

18.8K 820 37
Freya, whose Justin's admirer since then. Way back from their high school days up to college, Justin is aware that Freya has a crush on him. They ar...
28.9K 2K 54
Dahil sa isang deal, nakaramdam ako ng kakaibang kaba. T'wing nandiyan siya ay parang naglalaho ang lungkot at nabubuo ang saya. Nagiging maliwanag a...
11.3M 507K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
When We Met By Zy

General Fiction

3.4K 175 38
Arianne, the manila girl who enjoys living her life to the fullest with her friends partying every week to different places they can think of, meets...