We Got Married (PINOY EDITION...

By iamqueenlea

807 21 0

Congratulations Ms. Agnes Sonia Recio. You are now married. Your husband wants to see you. Please meet him to... More

Prologue
WGM Off Cam
WGM Pilot Episode
WGM EP2
WGM EP3
WGM EP4
WGM EP5
WGM EP6
WGM 8
WGM 9

WGM EP7

41 2 0
By iamqueenlea


The party was over pero ang fiesta hindi pa dahil parang pasko pala to sa probinsya, may extension or siguro dahil lang ito sa media at mga artistang nagpunta dito para makisaya. May noontime hosts na nagpagames sa mga mamayan dito at siyempre manonood kami.

Maraming celebs dito at karamihan ay kakilala na ni Stanley dahil sa showbiz . Ako lang ata ang hindi. Pero mabuti na lang at hindi nya ko nakakalimutan, sa pagkakataong ito lumalabas yung gentleman side nya. Medyo nakikilala ko na kasi si Stanley.

"Bakit mo ko binibigyan ng mic?" Tanong ko na medyo nagtataka. "Maghohost tayo ng isang portion." Sabi nyang parang wala lang. Seriously? Hindi ako marunong.

"May script naman eh. Basahin mo lang." dugtong nya nung mapansin yung kunot kong noo. Hindi talaga ako marunong maghost magmumukha akong timang neto. Baka mabash pa ko pag hindi nagustuhan ng viewers yung pagdeliver ko ng lines.

Makalipas ang ilang minuto ay isinalang na kami at nirolyo na ang camera. Parang sinorpresa naman kami dito. Akala ko manonood lang ako yun pala guest hosts kami. I'm so nervous.

Ang lakas ng sigawan ng mga tao nung magsalita na si Stanley. Sobrang dami niyang fans at mas lalo pa akong kinabahan nung may nakita akong mga banner namin. Wow famous na ko. Yeah ako na.

Habang nagsasalita ako bigla akong inakbayan ni Stanley kaya naman halos magwala na yung mga fans niya lalo na yung mga dalaga sa harap namin na kanina pa tumitili. Grabe lang ah. Baka mamaya kalbuhin ako ng mga to. May narinig pa naman ako sumigaw ng "I Hate You Agnes Forever!" tsk tsk. Ganun ba siya ka appeal sa mga babae?!

Nung nasa back stage kami may staff na nag sabi na kakanta daw kami after ng isa pang segment. Seryoso? Bakita ba biglaan yung mga nagaganap? Eh hindi nga ko nagprepare dahil akala ko guest lang kami. Kaloka naman mga to'. 

" Sige po magpeprepare lang kami." Si Stanley ang sumagot dahil nasa siko ko pa yung utak ko. Tiningnan ko si Stanley ng nakataas yung isa kong kilay. " Ibaba mo nga yang kilay mo. Magpractice na lang tayo."

"Okay ka lang? Hindi ako prepared, Baka gusto mong mawalan ng career pag pinakanta mo ko." Pagbabanta ko.

" Ilang minuto lang naman yun. Sige na marinig ko man lang boses mo." Hinawakan niya yung kamay ko pero hinawi ko yun. Kainis naman yan sana sinabi nila agad edi sana nakapagvocalize ako. Ano raw?!

Mayamaya pumasok na ulit yung isa pang staff para ipapaalala samin yung Surprise performance.  Diba dapat yung fans masusurprise? Eh bakit ako ata nasorpresa dito? Hay Buhay. "Ano po kakantahin niyo?"

"Siya lang po kakanta." Turo ko kay Stanley

"Ay hindi po pwede. Kelangan duet para sa fans niyo."

"Kuya wala pa po kaming naiisip. Ngayon nyo lang po kasi sinabi eh." Medyo natatarayan ko na si kuya pinisil ni Stanley yung kamay ko parang sinasabi niya na kalma lang ako. Napabuntunghininga na lang ako tapos nilabas ni Stanley yung phone niya para maghanap ng kanta.

Lahat ng sinasabi niya Hindi ko alam kantahin kung meron man hindi ko kabisa yung lyrics o kaya mataas. "Destiny by Jim Brickman" 

"Mataas yun. Baka malagutan ako ng litid niyan." Reklamo ko. Pag pumiyok pa ko masabihan pa kong trying hard. 

"Ano bang kanta na alam mo na alam ko rin para makapagpractice na tayo." Nagkalkal ako sa music player niya. Nakita ko yung The flame ng Six Part Invention. 

"Fan ka din ba ng Six Part Invention?" tanong niya sakin

"Oo crush ko yung boses nung lalaki. Ang ganda kasi ng boses."

"Sigurado ka boses lang yung crush mo?" Taas yung kaliwang kilay niya

"Pati yung singer crush ko. Bakit?"

"Ayoko kantahin yan iba na lang" Inagaw niya yung phone niya

"Ito na lang kabisado ko tong song na to"

"Wala akong pake. Palitan mo." Kasalukyan naming pinag aagawan yung Phone niya ng pumasok na naman si Kuya. " Malapit na po yung number niyo. After commercial kayo na po agad. "May song na po ba?" Tanong ulit ni Kuya.

"The Flame ng Six Part Invention meron kayo?" Parang may kinausap si kuya sa labas tapos nag thumbs up ito. "Meron po!"

"Oh akala ko ba ayaw mo nun?"

"May magagawa ba ko?" Taas kilay niyang sagot. Pero nagbago ulit yung facial expression niya at ngumiti ng pilyo. "Yun oh kakanta ka. Yes!"

Mag rereact pa sana ko kaso tinawag na kami dahil malapit na daw ang airing. Syet hindi kami nagpractice. Bakit pa kasi nakipag away pa to si Stanley eh.

Nakakaba naman to. First time kong kumanta sa stage. Kahit nga Lupang Hinirang hindi ko kinakanta sa stage tapos ngayon gagawin ko. Homaay ghus!

Nasa tigkabilang dulo kami ng stage. May mga nagtaas ng banner na may picture ko. May fansclub na pala ko. Agnesaurus?! Lels saan nila nakuha yun? Kumuway na lang ako sa kanila. "Go Agnes!!!"

Nagsigawan na ulit yung mga tao nung magsimula na yung intro ng kanta. 

Another night slowly closes in,
And I feel so lonely.           
Touching heat freezing at my skin, 
I pretend you still hold me. 

I'm going crazy, I'm losing sleep. 
I'm in too far, I'm in way too deep over you. 
I can't believe you're gone. 
You were the first, you'll be the last. 

Naglakad kami papunta sa gitna habang kinakanta ang chorus. Kumaway kami sa fans na panay ang chant para samin.

Wherever you go, I'll be with you. 
Whatever you want, I'll give it to you. 
Whenever you need someone 
To lay your heart and head upon. 
Remember after the fire, after all the rain, 
I will be the flame. 
I will be the flame. 

Watching shadows move across the wall, 
I feel so frightened. 
I wanna run to you, I wanna call, 
But I've been hit by lightening. 

Eye contact that made people shout again.

Just can't stand up for fallin' apart. 
Can't see through this veil across my heart, over you. 
You'll always be the one. 
You were the first, you'll be the last. 

Hinawakan ni Stanley yung  isa kong kamay na walang mic. Yun lang yung ginawa nya pero kinilig na naman yung fans. Pati tuloy ako nadadala.

Wherever you go, I'll be with you. 
Whatever you want, I'll give it to you. 
Whenever you need someone 
To lay your heart and head upon. 
Remember after the fire, after all the rain, 
I will be the flame. 
I will be the flame. 

I'm going crazy, I'm losing sleep. 
I'm in too far, I'm in way too deep over you. 
You'll always be the one. 
You were the first, you'll be the last. 

Wherever you go, I'll be with you. 
Whatever you want, I'll give it to you. 
Whenever you need someone 
To lay your heart and head upon. 
Remember after the fire, after all the rain, 
I will be the flame. 
I will be the flame. 

Pagkatapos nung kanta hinila ako ni Stanley palapit sa kanya at niyakap. Niyakap ko din sya pabalik pero bago kumalas ulit hinalikan nya yung noo ko. Hindi na naman magkamayaw yung mga tao sa pag sigaw.

Lumapit samin yung hosts para intrigahin kami saglit at binigyan ng pagkakataon para iplug yung show namin. Pagkatapos ay napaalam na kami sa mga fans at dumeretso na sa backstage.

"Akala ko ba hindi ka marunong kumanta? Pahumble ka pa." Nakacross arms pa si Stanley habang nakasandal sa pader.

"Hindi naman kasi talaga ko kumakanta sa harap ng ibang tao kahit noong bata pa ko."

"Bakit?"

Kailangan ko ba talaga mag explain? "Mahiyain kasi ako."

"Weh?! Parang hindi naman"

"Bahala ka sa buhay mo." Tinalikuran ko na siya. Ang hirap kausap ng mokong na to'. Kumain na lang ako ng hinandang pizza para samin. 

Hinila nya yung upuan sa tabi ko at umupo doon. "Seriously ang ganda ng boses mo." Muli akong tumingin sa kanya. " Pwera biro."

"Actually pangarap ko talaga maging singer. Secret lang yan ah."

"May kilala ko na makakatupad ng pangarap mo. Pero bago yan, asikasuhin natin yung isa pa nating appointment."

"Anong appointment?"

" Photoshoot!"

~~~~~~~~~~

Maaga kaming nakarating sa venue.Sa iba't ibang lugar dito sa probinsya gagawin yung photoshoot kaya sila na ang sumagot ng sasakyan.

Provided din nila yung mga isusuot namin kaya wala kaming dala maliban sa sarili namin.

Habang nagseset up ang mga staff ng mga gamit nakita ko si Darren kaya nilapitan ko siya.

"I'll be your photographer in this project." ang lapad ng ngiti niya. "What? Were you surprised?"

"Medyo lang. Akalain mo yun kamakailan lang stolen shots ko kinukuha mo tapos ngayon magiging model mo na talaga ko. Ang saya ko lang." Dahil sa sobrang saya ko na matutupad na yung dream kong magpictorial hindi ko namalayan na pinagtitinginan na pala kami ng mga tao. Napayakap kasi ako kay Darren.

Ayan lumalabas na talaga yung pagiging touchy ko. "Sorry naexcite lang ako." Nakalimutan kong may asawa pala ko.

Ang sama tuloy ng tingin ni Stanley sakin. "I saw you!" Matabang yung boses niya nang sabihin niya yon. Lumabas siya kasunod ng mga crew. Dumating naman yung make up artist para ayusan ako.

Unang isinalang si Stanley sa pictorial. Nandoon lang ako sa isang tabi at nanood. Pre-nup wedding photos ang gagawin namin. Kukuhanan kami ng pictures na ang background ay yung mga magagandang tanawin sa probinsyang ito.

Nagretouch muna ko. Yung asawa ko hindi ako pinapansin. Fine, nagsisimula na naman akong mainis dahil hindi niya ko pinapansin samantalang si Darren kinakausap niya.

"After your individual shoot we will take photos that you're together. Okey let's go to the next venue." Nagpack up na kami at sumunod na kanila Darren.

Ang next venue ay sa isang hotel beach resort. Sobrang ganda ng lugar na ito at parang alam ng mga staff dito ang pagdating namin dahil naghanda sila ng foods para samin at sa mga crew.

Lumapit ako kay Stanley para kausapin ulit siya. "Ang pogi sana kaso suplado." Sabi ko pagkaupo ko sa tabi nya. "Ako na yata ang pinkamagandang lalaki sa mundo..." Kumanta kanta pa ko nakikita ko kasi yung pagsulyap niya nung sinabi ko yung word na pogi. Wala eh medyo narssistic.

"Seenzoned ata ako." Dugtong ko pa. Kunwari disappointed dahil sa hindi niya pagpansin sakin.

"Pinagdadrama mo dyan?" Taas kilay niyang tanong

"Ang arte mo kasi di mo ko pinapansin." :'(

"Ikaw eh harap harapan ka magpaselos." Lumapit siya sakin at umakbay. Hindi na ko pumalag sa damoves niya. Nakakamiss din pala yung kahit magkasama kayo pero hindi kayo nag uusap.

Nagulat ako nung biglang may nagflash na camera "Perfect" . Kinuhanan pala kami ni Darren sa ganong posisyon.

Kahit nagmemeryenda nag iinstruct pa rin si Darren ng gusto nyang ipagawa samin.

"Both of you lay down and form a heart shape using your hands." Agad naman kaming sumunod sa kanya. Humiga kami pareho sa bermuda grass at pinagdikit ang mga kamay para magform ng heart shape.

May mga kuha din kaming wacky pero cute pa rin. May kuha kami na parang after wedding yung scene. Nakasuot ako ng wedding gown, may hawak na boquet at nakaupo sa grass.

Kinuhanan din kami na may hawak na puting kalapati. Pinakamaganda ay yung nakasuot kami ng damit pangkasal at nakatayo sa dalampasigan at nakatanaw sa sunset.

"You did a great job." Bati samin ni Darren

"Thank you! Pahingi ako ng copy ha?"

"Sure I'll give you and Stanley a copy as a remembrance." Muntik ko na namang haltakin si Darren buti napigilan ko dahil magtatampo na naman yung isang bata.

Continue Reading

You'll Also Like

432K 9.3K 85
"Who are you?" I was stunned by his question. I look at him with fear and sadness. I don't know what to do, I was caught by him. I tried to hide my w...
27.8K 1.6K 49
[FĂ­los Series #1] C O M P L E T E D || July 2018
2.3K 61 12
Teaser Line: "If our love was just a game, I demand a rematch."...
6K 272 34
Even though you're already tied up with someone else i'm still here waiting for you to love me back cause you're the only person who change me and ma...
Wattpad App - Unlock exclusive features