“WOW, ATE JORHEAENN! Ang ganda ng ngiti niyo po ngayon, ah. Maganda po ba gising mo?” Pagkatapos halikan sa pisngi ni Jorheaenn ang Tita Amanda niya, lumapit naman siya sa pwesto ni Rock at hinalikan din ito sa pisngi bago umupo sa tabi nito sa hapagkainan.
Pagkatapos ng magandang nangyari kagabi, natural na sigurong makatulog siya ng maayos at magising na maganda ang mood niya.
“Good morning, Rock,” sa halip ay masiglang bati niya sa pinsan.
Sobrang ganda nga naman ng gising niya na talagang napapansin ng mga kasama niya sa bahay. Kasama niya ang Tita Amanda niya, si Rock, Damon, Chandler at Claud ngayon sa mesa. Mula nang makapasok siya ng dining area, nasa kanya na ang tingin ng mga ito maliban kay Damon na hindi naman niya ipinagtaka pa.
“Woah.” It was Claud. Nasa tapat niya ito sa mesa, katabi si Damon kung saan katapat naman ni Rock. Nasa kabilang bahagi ni Claud si Chand na katulad ng nauna, matamang nakatitig lang din sa kanya. Habang sa kabisera ng mesa naman nakaupo ang Tita Amanda niya.
She was supposed to be shy at that moment, pero dahil talagang maganda ang gising niya, she cannot fight herself but to bite her lips as she tried to contain her smile.
Mas lalo lang lumawak ang pagkakangiti niya nang halos sabay-sabay na lumingon ang mga ito kay Damon, na patuloy lang sa kinakain nitong almusal. Na nang mapansin naman ang titig ng mga kasama rito, tinaasan niya lang ang mga ito ng kilay.
“What?”
“What did you do to her, Dark?” It was Claud again.
Nang ibaling ni Damon ang mga mata nito sa kanya, sandaling tumigil sa pagtibok ang puso niya, bago nagwala na naman ‘yon. Yeah, the usual reaction.Malamig man ang mga mata na ipinukol nito sa kanya, hindi na niya kinaiinisan ‘yon.
“Sagutin mo. Ano raw ang ginawa ko sa ‘yo?” bulalas nito sa kanya.
“Ahm.” Ibinaling naman niya ang tingin sa pinsan nito. At bilang sagot sa tanong ni Claud, isang magandang ngiti ang ibinigay niya rito.
Ah. Ang ganda talaga ng gising niya; hindi niya mapigilan ang sariling mapangiti na parang nasisiraan ng bait. “Wala.”
“Wow.” It was Chand this time. “Siguradong may nangyari kagabi nang mauna kayong umuwi ni Damon. I just wonder what could it be.”
Oh. Now that he mentioned it...“Kamusta nga pala si Stacy, Chand?”
Subalit ibinalik lang nito ang atensyon sa kinakain.
“She’s fine. I guess.” Sandaling matamang tinitigan niya ito, sinusubukang alamin kung ano ang maaaring nangyari kagabi sa maliit na sagot nito. Pero tinigil din niya ang panunubok na basahin ang nilalaman ng isip nito nang wala siyang makuhang sagot.
Ibinalik na rin ng mga kasama niya ang atensyon ng mga ito sa pagkain.
Sinimulan na rin niyang lagyan ng pagkain ang plato niya.
And back to smiling again.
Nang may maalala…
“Ay, siya nga pala, Tita…” umpisa niya. Eksaktong paglipat ng tingin niya sa Tita Amanda niya, nahuli niya itong ngumingiti habang nakatitig sa kanya. Ah. She knew that smile so damned well. Napapailing na napapangiti na lamang siya rito saka nagpatuloy. “Aalis po ako ngayon, Tita. Sina Nag at Stacy po ang kasama ko ngayon kaya hindi po ako rito makapagtanghalian at baka hapunan na rin po.”
“Oh, I don’t mind. Hindi ba sasama si Damon?” The way Amanda mentioned Damon’s name confirmed her suspicion: na iniisip nitong may nangyari nga sa kanila ni Damon.
“I have a business to attend today,” si Damon na ang sumagot. “Pero susunduin ko na si Jorheaenn kapag gagabihin siyang umuwi.”
“Hindi na kailangan, Da—”
“So you better answer right away my call, Jorheaenn,” putol nito sa kanya na ikinasimangot niya.
Kung makapag-utos ang taong ‘to…
“Understand?” tanong pa nito sa kanya. Ang sarap barahin ng lokong ‘to… kasi kahit ang lamig pa rin ng pagkakatingin nito sa kanya, at kung makapag-utos ito parang wala siyang karapatang tumutol… kinilig pa rin siya.
Haaaaaay.
Ibinalik niya ang sigla sa mukha niya at ningitian uli ito.
“Okay!” she answered blissfully. Inabot naman ni Damon ang baso ng tubig nito at ininom ang laman. Mabilis man ang ginawa nito, but she swears nakita niya ang pagngiti ni Damon bago nito itinago ‘yon sa pagtungga ng tubig.
“OKAY. LOOK to your left, Jorheaenn. Your left. Ye—no, just look at your left and not at the camera. Yes, like that. And smile. Smile. Yes. Good. And—what?!” bulalas ni Nag na pinandilatan ng mata si Jorheaenn nang muling mapatingin siya sa rito.
“Can we take a break? I’m so tired, you know,” reklamo niya.
Napabuntong-hininga naman ito at tumango sa kanya. Mula sa garden ng bahay ng pamilya ni Nag, sabay silang dumeritso sa mesa kung saan nakapwesto si Stacy, na nakiki-Wifi gamit ang dalang tablet nito. Kakambal na talaga siguro ng kaibigan niyang ‘to ang internet. Kung saan kasi talaga ito mapunta, hindi pwedeng walang dalang gadget.
“This is exactly those moments where I missed Zhenya the most. Hindi pala nakaka-enjoy magpictorial kung wala siya,” malungkot na saad ni Nag bago ininom ang apple juice nito.
Actually, nang mga sandaling ‘yon hiniling din niya na sana andito si Zhenya. Para naman hindi siya pilitin ni Nag na gawing model nito. Ang hirap pa naman nitong tanggihan. Si Stacy lang ‘ata sa kanilang apat ang kayang tanggihan ang kung anumang hiling ni Nag—o mas tamang hindi naman talaga pinapansin ni Stacy ang anumang hilingin nito.
Ang pagpipiture taking ang isa sa mga activities nilang magkakaibigan na ayaw na ayaw niya talaga. Mahilig kasing magpicture taking sina Zhenya at Nag na miminsan ay pinapatulan ni Stacy kung nasa mood ito. Mabuti nalang at once in a blue moon lang ang trip nilang ‘to. Hindi lang kasi talaga siya mahilig sa camera.
Sandaling nanahimik lang silang tatlo sa mesa habang nagkanya-kanya sa ginagawa—Stacy doing her thing in her tablet, Nag staring at Stacy, while Jorheaenn was looking at the both of them with a knot on her forehead. Obviously, may naglalaro sa utak ni Nag habang tinititigan ang abalang si Stacy. Sisimulan na niya sanang hubarin ang wedge na isa sa ibinigay ni Nag sa kanya, upang mapahinga ang mga paa niya nang magsalita na si Nag.
“So, Stacy, kamusta naman kayo ni Chandler?” umpisa ni Nag. Takang napaangat naman ng tingin si Stacy, na nang maintindihan ang ibig malaman ng kaibigan ay may pag-aakusang tumingin ito sa kanya.
Umiling-iling naman agad siya para sabihing wala siyang sinabing kahit ano kay Nag.
Fortunately, or unfortunately depende sa kung sino ang kinakausap, nagpatuloy si Nag.
“I heard from Claud that you are involved on whatever Chandler was into.” So Claud knew what happened, huh. “Ipinagtataka ko lang kasi kung bakit wala man lang akong alam na may nangyari pala sa iyo,” Nag looked at her too. “At sa ‘yo rin, nang dahil sa Chandler na ‘yon. I really wondered why.”
Kulang nalang mapakamot sa batok si Jorheaenn dahil sa tensyon sa pagitan nilang magkaibigan.
Kahit naman kasi maraming beses nilang nagawang maglihim sa isa’t-isa, ‘yon pa rin ang isang bagay na mahigpit nilang sinusunod. Na kung maglilihim man sila, siguraduhing hindi na talaga aabot sa iba ang lihim na ‘yon.
But these past few incidents told her that hiding things to people should be the last thing she has to do. Lahat ata kasi ng mga dapat itinatago niya, lumalabas at lumalabas pa rin. Nalalaman pa rin ng pinaglilihiman niya ang kung anong dapat niyang huwag sabihin sa mga ito.
Nang mga sumunod na sandali, abala na si Stacy sa pagkukwento kay Nag nang mga nangyari. Hindi na niya ipinagtataka pa kung pinaulan na rin ni Nag ng mga pangangaral nito si Stacy. Kahit mga nais niyang isumbat noonsa kaibigan niya, naibulalas din ni Nag.
“Gaano kadalas ka bang kasama ni Chandler para masabi ng mga unggoy na ‘yon na girlfriend ka niya? At bakit ka ba dikit ng dikit sa Chandler na ‘yon, ha? Huwag mong sabihing may gusto ka na sa kanya, Stacy? Na siya ang lalaking sinasabi mong hindi na maalis sa isip mo kahit gusto mong mawaglit siya sa utak mo kahit isang minuto lang. Oh yes, dear. I heard you saying that noong isang araw na kasama kita. You were mumbling over something which I find hard at first to understand.” Sa sinabing ‘yon ni Nag, hindi lamang si Stacy ang talagang nagulat. Kahit siya man ay nagtaka sa kung saan nanggaling ang konklusyong ‘yon ni Nag. “You tried to hide something to me once. Hopefully, not this time, Stacy. Tell me, do you like Chandler?”
Nanlaki ang mata niya sa huling tanong ni Nag, habang kulang nalang ay ibato ni Stacy ang hawak nito sa kaibigan.
“Ano?! At sinong masamang demonyo ang nagbulong niyan sa ‘yon?!” bulalas ni Stacy. Kahit siya’y nagtaka sa pinagsasabi ni Nag. Kung tama kasi ang pagkakaalala niya, ito mismo ang nagkwento sa kanyang may gusto si Stacy kay Damon. Bakit parang nagbago na naman ang kwento nito?
“I am just asking you. Don’t sound so defensive.”
“Hindi ako defensive. Nakakagulat naman kasi talaga ‘yang tanong mo. Sa lahat pa ng lalaki sa mundo, sa Chandler pa na ‘yon ako magkakagusto?! Please nga!”
“Teka nga. Akala ko ba kay Damon ka may gusto?” hindi na niya napigilang sambat sa mga ito.
“Tama! Kay Dark ako may gusto kaya huwag mong iuugnay ang pangalan ni Chandler sa ‘kin, okay?”
Tumirik naman ang mga mata ni Nag sa panggigigil marahil kay Stacy.
“We both know it’s not true. Wala ka talagang special feelings para kay Damon at binuo lamang natin ang kwentong ‘yon to see Jorheaenn’s reaction. So stop denying, Stacy. Sa sobrang tanggi mo diyan kay Chandler mas nahahalatang may gusto ka nga sa kanya.”
Wait, what?
“Ano’ng sabi mo?Gawa-gawa niyo lang ang may gusto si Stacy kay Damon?” Tumango naman ito sa tanong niya. “Para ano nga ulit?”
“Para malaman namin kung ano ang magiging reaksyon mo doon,” sagot ni Nag na hindi pa rin niya masyadong naiintindihan.
“At ano nga ba ang naging reaksyon ko?”
“Well... nothing unusual for a lady who’s starting to like someone.” Nagsasalita ng ata spanish language si Nag dahil hanggang ngayon hindi pa rin niya ito naiintindihan.
“Starting to like... what?” ulit niya.
“It’s ‘who’,” mabilis na tugon ni Nag sa kanya. Mas lalong nagusot lang ang mukha niya sa sinabi nito.Pinaikot naman nito ang mata.“Duh. You, liking Damon. Unless you’re going to be like Stacy who’s denying her feelings to Chandler.”
“I am not denying anything, Nancy Grace!” inis na tanggi pa ni Stacy.
“Say that to strangers, Stace. For sure they’ll buy that since they don’t know you very well.”
Hindi na niya nasundan pa ang palitan ng pangungusap ng mga kaibigan niya. Natuon ang atensyon niya sa inamin ng mga ito patungkol sa pagkakagusto ni Stacy kay Damon.
So... hindi pala totoong may gusto si Stacy kay Damon. Papaniwalaan niya ba ‘yon?
Wala naman sigurong dahilan ang mga ito na magsinungaling sa kanya ngayon.
At kaya raw nagawang bumuo ng kwento ang dalawa ay para kunin ang reaksyon niya? Pagselosin siya kumbaga, ganoon?
Naalala niya bigla si Chand. May nasabi rin sa kanya si Chandler tungkol sa pagpapaselos nito kay Damon kaya sumasama ito sa kanilang tatlo noong isang araw. Hindi kaya pinlano nina Stacy at Chandler ang tungkol sa bagay na ‘yon? Kaya ba may kakaibang tinginan sina Stacy at Chandler noon sa kusina kung saan niya nakitang naglalambingan ang kaibigan at si Damon?
If yes...Wow. Everyone’s playing cupid.
Though, she’s not complaining. Actually, kinalimutan na nga niya ang tungkol sa halatang pagpapareha ng mga kaibigan niya sa kanila ni Damon. Ang mahalaga sa kanya ng mga oras na ‘yon ay ang kaalamang wala pala talagang gusto si Stacy kay Damon.
Wala talagang gusto si Stacy kay Damon kaya dapat hindi na niya ikakainis kung makita man niya ang dalawang magkasama. O kaya’y isipan pa at kainisan niya ang pagiging kababata ng dalawa.
“Hindi niyo ba talaga aaminin sa akin o kahit sa sarili niyo na may gusto na nga kayo sa kanila? Gosh! Kung ‘yon nga, ang OA niyong dalawa.” anas ni Nag sa kanila.
Napangisi na lamang siya.
Who’s denying feelings again? ‘Certainly not her.
BUONG HAPON, puno ng kwentuhan ang magkakaibigan, lalo na at nakasama nila si Zhenya via Skype. Nasa Korea pa rin ang kaibigan nila, nagbabakasyon, at sa susunod na linggo na ang balik. Dinalaw rin ng mga kaibigan niya ang puntod ng mga magulang at doon na rin naghiwahiwalay. May date pa si Nag at may lakad din si Stacy. Si Nag na ang naghatid sa kanya sa bahay ng Tita niya dahil doon na rin daw nito tatagpuin ang boyfriend.
Sa buong hapon din ‘yon na kasama ang mga kaibigan niya, may isang bagay siyang natuklasan. Galit sa kanya si Stacy na kahit si Nag napansin ‘yon nang makasakay siya sa kotse nito at ihatid siya pauwi. Itinanong nito kung magkagalit ba sila ni Stacy. Hindi kasi siya tinitignan ni Stacy kanina, at kung tumingin man ito at kausapin siya, may lamig sa boses at sa mga mata nito. Bagay ‘yon na kinabahala niya. Para magalit si Stacy sa kanya, talaga sigurong hindi nito nagustuhan ang ginawa niya.
She sighed as she looked up the sky. Nasa veranda siya. Kanina lang kasama niya si Rock dito at nagkukwentuhan habang kinakain ang panghimagas nila. Dumeritso sila sa veranda pagkatapos maghapunan. Sila lamang dalawa sa bahay dahil may inasikasong trabaho ang ina ni Rock, may date si Claud, hindi niya alam kung nasan si Chandler at wala pa rin siyang tawag na nakuha mula kay Damon. Pumasok lang ang pinsan niya nang antukin na ito. Nagpaiwan pa siya sa veranda. Nagpapaantok.
Pft. Hindi. Hinihintay niya talagang umuwi si Damon.
She sighed once more.
Spoiled na talaga ang sarili niyang makapiling si Damon. Kaya naman ngayong hindi pa niya nakakasama si Damon at nakakausap kahit isang oras man lang sa araw na ‘to, namimiss na niya ito.
Ng sobra.
“Lalim, ah.” Literal na napalundag si Jorheaenn nang gulatin siya ng boses ni Damon. Agad niyang nilingon ito. Saglit na hinanap pa niya ito sa likuran niya bago napaangat ng tingin sa rooftop at makita itong nakaupo roon.
“Damon?”
“The one and only.” Nang ngumiti siya, sumabay ‘ata roon ang puso niya.
Sumandal siya sa banderilya ng balkonahe paharap dito. Malayo ang pagitan nila ni Damon kaya medyo nagsisigawan sila.
"I didn't know you were here already," aniya rito.
"I just came. You're having your dinner nang dumating ako."
Still, she will know. Kanina pa niya tinatanong sa mga katulong kung dumating na ba ito. Bawat oras 'ata, kung hindi man bawat kalahating oras, tinatanong niya ito sa mga kasambahay. Kaya sasabihin naman siguro ng mga ito kung dumating man si Damon.
"Hindi kita napansing dumating. Saan ka ba galing? Buong araw ka 'atang nawala. May importanteng pinagkakaabalahan ka ba?" pag-uusisa niya rito. For a moment there, she held her breathe. This is gonna be personal; this is her first time asking personal things to Damon. Na kung nagtanong man siya rito noon tungkol sa mga personal na bagay, at tanging natatanggap niya'y malamig na tingin nito at hindi pagsagot sa kanya, tapos hinahayaan na niya itong umalis na hindi nakakatanggap ng sagot... hindi na ngayon. Hindi na ngayon, simula noong isang araw na napag-alaman niyang hindi na katulad ng dati ang lahat sa pagitan nila ni Damon.
Nang wala siyang marinig na kahit ano mula rito, agad na naghanap ang mga mata niya ng bagay na ginamit ni Damon paakyat patungong rooftop. Doon sa gilid ng veranda, nakita niya ang hagdan na nakadikit lang sa dingding kaya malamang nakalaan talaga ang hagdan na 'yon para pag-akyat sa rooftop. Ngayon niya lang napansin.
Walang pagdadalawang-isip na umakyat siya doon. Kahit pa isang mahabang puting damit na pantulog at shorts lang ang suot niya.
"Hey, hey. Jorheaenn, saan ka pupunta?"
Kahit na nang makaakyat siya at naglahad ng kamay si Damon na napatayo sa posisyon nito, hindi niya tinanggap 'yon at tuluyang umakyat sa rooftop.
"Wow!" bulalas niya nang mabungaran ang magandang tanawin nang tuluyang nasa rooftop na siya. Damon guided her to where he was sitting, bago pa man ito tumayo kanina para sana alalayan siya. Hinubad pa nito ang itim na jacket at ipinasuot sa kanya. Subalit hindi na niya pinansin o napansin pa ang pagiging gentleman ni Damon. Nalulunod na siya sa mga nagsasayawang bituin sa kalangitan kahit hanggang sa makaupo na siya sa tabi ni Damon. "I never thought there's such place here where I could watch the stars this perfect. Parang nasa ulap na rin ako."
"Now you know." Nilingon niya si Damon na ngayo'y nakangiting nakatingin sa kanya. Niluwangan pa nito ang ngiti sa kanya bago tumingala na rin sa kalangitan.
Parang may humaplos sa puso niya sa simpleng ngiting 'yon. Subalit sapat na rin ang ngiting 'yon para malaman niyang may nangyari rito kanina sa lakad nito.
It wasn’t a happy smile, she could tell.
Muling humarap siya sa mga bituin.
"Nang mawala ang mga magulang ko, may mga ganitong moment na ako palagi bago matulog. Tumitingala sa langit. Nakikipag-usap diyan sa mga bituin. Nalulungkot nga ako noon kapag umuulan sa gabi. Wala akong nakakausap. Walang mga bituin na magpipresenta bilang mga magulang ko." She inhaled the fresh air. Then released it. Saka muling nilingon si Damon na nakatingala pa rin sa mga bituin.
There is something she wanted to tell him. Pero dahil alam na niya kung ano ang itutugon nito sa kanya, sa ibang paraan niya sasabihin ang nais niyang sabihin kay Damon.
"Pero habang tumatagal, nakakasanayan ko rin naman ang lungkot. Hindi man maalis ang lungkot na ‘yon sa tuwing naalala ko ang mga magulang ko, hindi naman ibig sabihin noon na magiging malungkot nalang ako habang-buhay, di ba?"
Nang lumingon ito sa kanya, muntik na niyang mapigilang huminga. His eyes... his eyes told her he knew what she was saying.
"Hindi dapat maging hadlang 'yong sakit na nararamdaman mo..." itinuro niya ang tapat ng dibdib niya."Dito, para maging masaya. Di ba?"
For a brief moment, Damon looked at her closely. Na parang may binabasa sa mukha niya. Na nang makuha nito ang nais malaman, inilayo nito ang tingin sa kanya bago nagpakawala ng malalim na hininga.
But even before Damon looked away from her, nakita niya ang emosyong dumagan sa mga mata nito na marahil ayaw nitong ipakita sa kanya... ayaw nitong ipaalam sa kanya.
Tumango-tangong muling sa harap siya tumingin. She got the message, alright. Ayaw nitong magbahagi ng nararamdaman o kahit na anong personal sa kanya. Hindi niya ito pipigilan sa nais nito, hindi niya ito pipilitin sa nais niya.
Pero hindi siya makakapangakong hindi niya susubukang pumasok sa puso nito. Lalo na ngayong 'yon ang hinihiling ng puso niya: to be inside his heart no matter what.
Pero sa ngayon, hahayaan na muna niya itong umiwas sa kanya.
So for now, she'll change the topic for his comfort.
Sandaling nag-isip siya sa kung ano’ng pwedeng pag-usapan.
"Hmm. Alam mo bang halos hindi ako pinapansin ni Stacy buong araw na magkasama kami? Malamang galit siya sa 'kin," pagbabago niya ng paksa, pilit pinapasigla ang boses. "Hindi niya siguro nagustahan ang ginawa ko kagabi."
"What about? 'Yong pagsasabi mo sa amin ni Chand tungkol sa nangyari sa inyong dalawa?" And she's glad he's buying it. "Huwag mo nalang pansinin ang kaibigan mo. Lilipas din 'yon."
Napangiwi siya. "Ayoko kasing hindi ako pinapansin ng mga kaibigan ko. Nabibigatan ako."
"Nabibigatan?"
Tumango siya rito, saka itinuro uli ang puso niya. "Hindi ako komportable. Ayoko talagang nagagalit ang mga kaibigan ko sa akin. Sumasama ang pakiramdam ko."
Sandaling matamang tinitigan siya nito, tuluyang nalipat na ang atensiyon nito sa paksa nila.
"Kaya ba lahat nalang ng gusto nila sinusunod mo? Dahil ayaw mong magalit sa 'yo ang mga kaibigan mo?"
Sandaling nag-isip siya sa tanong nito. "Siguro? Pero gusto ko rin naman silang i-please, eh. Hindi naman din mahirap ang ipinapagawa nila."
"Kahit alam mong hindi na tama? Katulad nalang ng pagtatago mo sa amin ni Chandler tungkol sa nangyari sa inyo?"
"Kasi naiintindihan ko rin naman si Stacy, Damon. Syempre ayaw niyang magalit sa kanya si Chandler kapag nalaman ni Chand ang tungkol sa nangyari sa amin."
"How the hell Chand wouldn't be mad? Nanganib ang buhay niyo ng dahil sa kanya. Sa tingin mo hahayaan nalang niya ang mga gagong 'yon na saktan kayo? Sa tingin mo hindi siya magagalit sa mga nanakit sa inyo?" Napamaang naman siya rito. Kasi... “Talaga bang kailangan niyong problemahin ang galit ni Chandler sa mga gagong ‘yon?”
“Hindi, hindi. Kasi... hindi naman ang galit ni Chand sa mga taong ‘yon ang pinoproblema ni Stacy, kundi ang galit ni Chandler kay Stacy mismo.” Nang kumunot ang noo ni Damon sa pagkalito, nagpatuloy siya. “Sabi ni Stace, magagalit sa kanya si Chandler. Kasi kasalanan din naman niya kung bakit nadadawit siya ngayon kay Chand. Kung sinunod niya lang noon ang sinabi sa kanya ni Chand na huwag makialam, siguradong hindi manganganib ang buhay niya.”
Matamang nakatitig si Damon sa kanya nang mga sumunod na sandali.
“At naiintindihan mo ‘yon dahil?” nakakunot-noong tanong nito. Ikinagulat niya rin ang naging tanong nito. Nang ulitin nito sa kanya ang tanong nito inilayo niya ang tingin dito at sandaling napaisip.
Naiintindihan niya ‘yon dahil... ano nga ba?
Well... for one thing, ayaw niya talagang nagagalit si Damon sa kanya. Iniisip niya palang na kung siya ang nasa posisyon ni Stacy noong araw na ‘yon, pagnalaman ni Damon ang nangyari sa kanya, siguradong malamig na tingin ang ipupukol nito sa kanya. He would be really mad at her. And she wouldn’t like it.
Ayaw na ayaw pa naman nitong may mapahamak ng dahil dito. Pabigat lamang siya rito. At magiging responsable na naman ito sa kanya. He wouldn’t like it.
And she wouldn’t like it too. Her, being a burden to him.
“Ayoko rin kasing nagagalit ka sa ‘kin,” pagtatapat niya rito. Nakangiting ngumiwi siya rito, kahit nagwawala ang puso niya, nagpatuloy pa rin siya. “Alam ko kasing magagalit ka. Hindi kasi ako nag-iingat.”
For a while, Damon just stared at her, saka pagak na tumawa. Bago seryosong muling humarap sa kanya. “Talagang magagalit ako pag may nangyari sa ‘yo nang dahil sa akin, Jorheaenn. Bibigyan mo na naman kasi ako ng problema at sakit ng ulo sa hindi mo pag-iingat.”
See?! Tss. Masamang tingin ang ipinukol niya rito.
“Kaya huwag mong hahayaan ang sarili mong mapahamak dahil talagang magagalit ako sa ‘yo. Ayokong nag-aalala sa ‘yo. At gaya ng sabi ko sa ‘yo kagabi, huwag mo ‘kong bigyan ng dahilan na hanapin at patayin ang mga gagong ‘yon na mananakit sa ‘yo. Ayokong makulong. Naiintindihan mo ba?”
Siya naman ang matamang napatitig dito.
Ano raw?
When Damon smiled at her, her heart stops beating. Next, she’s waiting for her to lose her breathe and die right here and now. But that doesn’t happen. Because the next thing she heard was her heart beating so fast as if screaming Damon’s name.
Maya-maya’y namalayan na lamang niyang ginagantihan na niya ito ng ngiti habang nagpapalunod sa mga titig nito sa kanya. Those brown eyes...
Halos sabay rin silang tumingala sa kalangitan. She eventually exhaled; trying to unleash strange feelings within her.
“Damon,” sambit niya sa pangalan nito kapagkuwan.
“Hmm?”
“Maghihintay ako, pwede ba?” aniya. Naramdaman niya ang pagbaling ng tingin nito sa kanya, ngunit nanatiling nasa bituin ang mga mata niya. Natatakot siyang baka kung ano na ang magawa niya kay Damon sa oras na muling magtama ang mga mata nila.
Hinayaan niya itong mag-isip sa kung ano ang ibig sabihin ng sinabi niya rito. Nang dumaan na ang mga sandali at naniniwala siyang naiintindihan nito ang tanong niya, nilingon uli niya si Damon. Hindi na niya itinago pa ang totoong nararamdaman niya na posibleng mabasa nito sa mga mata niya.
“Pwede ba?” may pagsusumamong ulit na tanong niya rito.
Her heart ached when emotions past through his eyes before he looked away. Tumayo rin ito bigla, tanda na ayaw nitong sagutin ang tanong niya.
“Bumaba na tayo. Lumalamig na rito,” saad nito. Tsk. Malamig na naman ang boses nito.
Kalakip ng pagbuntong-hininga niya ang inis na nararamdaman niya.
There, she felt rejected. Niyakap niya ang mga tuhod at tinignan ang mga kuko sa paa..
But despite that, andoon pa rin ang kagustuhan niyang maghintay. Maghintay na kusang magbukas ito ng sarili sa kanya. He started that last night when he told her about his Nanny. He could continue with that.
“Hindi pa ako inaantok kaya mauna ka na sa baba.”
“Jorheaenn...”
“Ayoko pang bumaba kaya mauna ka nalang—Damon!” Bigla kasi siya nitong pinangko.
“Akala ko sa tuwing tulog ka lang kita mabubuhat ng ganito,” saad nito sa kanya.
Her arms immediately wrapperd around his neck. And her eyes met his.
Maybe he found her scream amusing because his eyes were smiling. Dahilan kung kaya’t nang masalubong niya ang mga mata nito, parang matutunaw siya. Ulit.
He always had those deep brown eyes that never fail her knees to buckle. Kung hindi siya pinangko ni Damon ngayon, sigurado pa ring nakayakap siya rito upang hingan ng suporta ang natutunaw niyang katawan.
“I don’t know if I can climb down there with you here in my arms. Should I jump?” Sandaling nagtaka siya sa sinabi nito bago tinignan ang kinaroroonan nila. Nasa sa tabi na sila ng hagdan at mahirap nga namang bumaba kung nasa mga braso siya ni Damon.
Bumaba na lamang siya sa braso ni Damon, dala pa rin ang bigat na nararamdaman ng puso niya sa hindi direktang pangri-reject nito sa kanya.
“Mauna na akong bumaba sa ‘yo,” aniya rito.
“Unless kung gusto mong masilipan, pwedeng ako na ang unang bumaba at sumunod ka agad.” Mischief was on his eyes, but she paid no heed. Nagpatuloy siya sa pagbaba.
Hindi pa man siya nakatatlong baba ng hagdan, yumuko si Damon sa harap niya at sinalubong ang mga mata niya na sandaling ikinagulat niya.
“You won’t like what you will be waiting, Jorheaenn. So don’t wait,” mababang boses na saad nito.
Napatitig naman siya sa tsokolateng mga mata nito na titiyakin niyang dadating ang araw na hindi siya mahihirapang basahin ang kung anong nilalaman noon. Agad niyang naintindihan ang sinasabi nito. She looked at Damon so determined; she wanted to tell him she’s serious and will be waiting still.
“Hindi mo alam kung magugustuhan ko ba ang hihintayin ko o hindi, Damon,” matatag na sabi niya. Hindi pa niya nilulubayan ang mga mata nito kaya nakita niya ang pagkainis at pagkabahalang dumaan doon bago ito tumayo at marahas na nagpakawala ng hininga. Habang tuluyan naman siyang bumaba.
SA MGA SUMUNOD na mga araw, napansin niyang may mga ganoong setup sila ni Damon. May pagkakataong nagtatawanan at nagkukulitan sila. Madalas din silang nagtatalo sa mga bagay-bagay na sa huli'y malalaman niyang pinagtitripan lamang siya nito para pikunin siya. Minsan din, nakakapag-usap sila ng mga seryosong bagay na mauuwi lang sa malamig na pakikitungo ni Damon sa kanya. Madalas niya kasing sinusubukan ditong magbukas ng paksa na matatamaan ito. Yet in the end, he always closed his door for sharing.
Kahit ganoon pa man, ang mahalaga sa kanya sa mga sandaling 'yon ay ang makasama ito ng madalas. Dadating din naman ang araw na makikilala niya ang totoong Damon. Na walang itinatago sa kanya, lalo na tungkol sa mga dinadala nito.
Yeah… Naniniwala siyang dadating 'yon.
Kasalukuyang nasa mall sila ni Damon ngayon, sa isang boutique na madalas puntahan ng mga kaibigan niya kapag bumibili ng damit. Napilit niya ito kaninang umaga na sumamasa kanyang mag-shopping nang pasukan niya ito sa kwarto. Tinanghali na naman kasi ito ng gising dahil madaling araw na raw itong nakauwi.
Ang sabi ni Damon sa kanya, abala lang daw ito sa kompanya ng pamilya nito kaya madalas itong wala. Naniniwala naman siya roon, ngunit sigurado pa rin siyang may bagay na hindi sinasabi si Damon sa kanya.
Isang gabing bumaba kasi siya patungong kusina upang uminom sana ng tubig, nakita niya si Damon na nakamudmod ang mukha sa mesa. Hindi nakaligtas sa mga mata niya ang paghihirap na nakita niya sa mukha nito nang mag-angat ito ng tingin sa pagbukas niya ng ilaw, kahit na mabilis nitong itinago ‘yon mula sa kanya.
She didn't ask him what happened that night. Matamis na ningitian niya lang ito saka nag-alok ng tubig. Sa gabing 'yon niya nakompirmang may pinagdadaanan si Damon na nagpapahirap dito.
Was it about his family's business? O baka naman may sakit si Damon?
Or was it about his mother?
Nalaman niya kasi mula kay Chand noong isang araw pa na nasa Pilipinas daw ang ina ni Damon. Kakarating lang noong isang araw at sina Damon at Claud pa nga raw ang sumundo rito.
Ang pagbabalik ba ng ina nito ang nagpapahirap kay Damon?
Gusto man niyang itanong 'yon kay Damon ng gabing 'yon, pero natatakot siyang baka ipagtabuyan lamang siya nito o kaya'y mag-walk out ito upang iwasan ang pagtatanong niya, gaya ng madalas na ginagawa nito sa kanya.
So she didn’t insist. Nang gabi rin naman kasing ‘yon pagkatapos itong makitang sobrang lungkot, all she wanted is to be with him and cheer him up. Kaya nagkwento nalang siya ng kung anu-ano rito na magda-divert sa atensyon nito.
Mula sa pamimili ng dalawang damit sa harap ng full length mirror sa loob ng boutique, itatanong niya sana kay Damon kung alin sa dalawa ang mas maganda nang mahuli niya itong nakangiting nanunuod sa kanya. She was surprised with that dahil kani-kanina lang nakita niya itong tila namimili ng damit sa rack na nasa tabi lang nito, na nang mahuli nga niya itong nakatingin sa kanya.
Halata ring hindi inaasahan ni Damon ang biglang paglingon niya dahil nakita niyang nabigla rin ito. He even tried to look away, pero hindi na nito itinuloy. She saw it and she finds it cute.
At dahil din sa pagreact ng puso niya sa simpleng ngiting nakita niya kay Damon kanina, sandaling napatitig lamang siya rito.
Bago muling napangiti.
There was a paused on Damon’s part, before he could smile back at her.
And that simple moment is something she believed, she just won’t forget.
Ipinakita niya kay Damon ang dalawang damit na hawak niya.
"Which is which?" tanong niya rito.
"Hmm." Sandaling tinignan nito ang mga damit tila ba nag-iisip bago muling nakangiting tumingin sa kanya. "I don't know. Bakit hindi mo nalang bilhin ang dalawang 'yan."
Ah. Oo nga noh? Malawak na napangiti siya rito. "I'll do that." Saka namili pa ng ibang damit na para naman kay Zhenya.
And she spent the rest of the afternoon with Damon. Pinilit niya itong sumama sa kung saang gusto niyang pumunta sila. Sa park, amusement park, kahit ang manuod ng sine nagawa nila. Hindi naman siya nahirapang pilitin si Damon na sumama sa kanya. Sa katunayan nga hindi niya ito pinilit, hindi man ito sumagot ng oo, hindi naman ito pumalag nang hilahin niya ito.
She... just really wanted to spend the day with him.
Nakapagdinner na rin sila sa labas bago nagpasyang umuwi na.
"Talaga? Si Claud nagbago rin nang maghiwalay sila ni Nag?" ulit niya sa sinabi ni Damon.
Yeah... they talked a lot too.
Oh well... not really a lot.
Tumingin sa kanya si Damon bago tumango bilang sagot, saka muling ibinalik ang tingin sa kalsada. Kasalukuyang nasa kotse sila nito na minamaneho nito pabalik ng bahay ng Tita Amanda niya.
"Yeap. Bumalik lang ang pagiging madaldal at makulit niya nang magkabalikan sila ng kaibigan mo," he said a matter of factly.
"Wow."
"He's sick," komento nito na ipinagtaka niya. Nagpaliwanag naman ito. "Kung nakasama mo lang siya sa panahong kakahiwalay pa lang nila ng kaibigan mo, siguradong matatawa ka. He talked about her all day and night with beer on his hand. Taon 'ata ang lumipas bago tumino ng kunti ang takbo ng utak niya."
Ah. Of course ganyan ang opinyon nito tungkol doon. He's Damon after all.
"He's not sick, Damon. He's inlove," kontra niya rito. "And it's not even funny."
"It's not?"
"Nope," mabilis na sagot niya."Hindi ka pa kasi naiinlove kaya hindi mo naiintindihan."
Sa pagkabigla niya, tumawa ito.
"And you do?" tanong nito sa pagitan ng pagtawa. "Have you ever fall inlove kaya naiintindihan mo ang nangyari kay Claud at maging kay Nag noong magkahiwalay sila?"
Natameme siya sa naging tanong nito.
Ibinalik niya ang tingin sa harap.
At sandaling napaisip.
It took a while before she could speak another word.
"Kapag ba parati mo siyang iniisip... hindi ka mapakali na hindi siya makita, hindi makasama, hindi makausap kahit isang minuto lang... matatawag bang pag-ibig 'yon?" tanong niya kapagkuwan. Nang hindi ito sumagot, nilingon niya si Damon. Sa kalsada pa rin ang tingin nito. "Kapag ba gustong-gusto mong parating kasama ang taong 'yon… na kahit bago matulog gusto mo na siya ang huling makasama mo at makita, masasabi na bang pag-ibig 'yon? ‘Yong gustong-gusto mong alamin lahat-lahat tungkol sa kanya—family background niya, mga kaibigan niya, daily activities niya, kung ano ang iniisip niya... 'yong nararamdaman niya at maaaring maramdaman niya.
‘Yong gusto mong nakikita mo siyang parating masaya. Masasabi na bang pag-ibig ang nararamdam kong 'yon sa taong 'yon, Damon? Hmm? 'Yong… gusto ko ring ganoon din ang nararamdaman niya para sa akin."
Nang hindi pa rin ito sumagot, sinapak na niya ito sa braso.
"Hoy. Sumagot ka naman."
Napaayos ito ng upo at saglit pa siyang sinulyapan nito. Narinig niya ang pagtikhim nito bago maikling sumagot.
"Beats me. I don't know," sabi lang nito.
Napapailing na umayos naman siya ng upo at muling tumingin sa harap.
Napahawak siya tapat ng dibdib niya.
Kapag ba nagbabago ang tibok ng puso niya sa tuwing nakikita niya si Damon, pag-ibig na ba 'yon? Kay Damon lang din naman nababaliw ng ganito ang puso niya sa pagtibok.
Nang hindi makahanap ng sagot, napabuntong-hininga at ibinaba na ang kamay niya.
"Nagtanong ka pa. Hindi mo nga alam kung ano 'yong love," satsat niya.
"What?"
"Wala. Ang sabi ko, paano ko malalaman kung nainlove na ba ako kung hindi ko naman alam kung ano 'yon? Kung ano ang kahulugan noon?"
"Ah. Huwag mo nalang isipin. I won't ask about it again," saad lang nito tila nangagako.
Napalingon na naman siya kay Damon. May kung ano naman kasi sa boses nito.
"Why are you staring?" puna nito nang dumaan ang sandaling nakatitig lamang siya rito.
Nakangiting umiling na lamang siya bilang sagot. Guni-guni niya lang siguro.
May isang bagay na naman siyang nalaman ngayon… habang pinagmamasdan niya si Damon.
"Pero, alam mo, Damon. Kung love man 'yon, hindi na siguro ako mahihirapang tanggapin 'yon ngayon," pag-amin niya.
She probably shocked Damon, dahil biglang hininto nito ang kotse na kung hindi lang sila naka-seatbelt pareho, baka naumpog na sa dashboard mga ulo nila.
"Ano ba?! Balak mo bang magpakamatay?!" singhal niya rito; parang sasabog dibdib niya sa kaba.
Ang inis na ipinukol niya kay Damon, napalitan ng pagtataka nang makita niya ang itsura nito. Parang gulat na gulat ito at sobrang higpit pa ang pagkakahawak sa manibela.
"Ano'ng nangyari sa 'yo?” tanong niya. “Kung makapagreact ka naman parang nagtatapat ako sa 'yo," aniya... na ikinalaki ng mga mata niya pagkatapos ng parang pagpitik sa utak niya.
Now that she looked at it closely, para nga namang nagtatapat siya kay Damon. Not directly, yes, pero parang ganoon na rin.
Pero hindi naman niya binabanggit ang pangalan nito, ah. Hindi naman niya nabanggit na ito ang lalaking tinutukoy niya.
Kung magsalita kasi siya kanina rito, kompiyansa siyang hindi iisipin ni Damon na ito ang lalaking tinutukoy niya.
Alam kaya nito na siya ang tinutukoy niya?
If that’s the case…
Oh no.
Muling pinaandar na ni Damon ang sasakyan. Napasiksik naman siya sa gilid ng pinto, hiyang-hiya na ano ba. Kulang nalang masapak niya ang ulo niya sa hindi pag-iisip ng tama.
Hindi naman kasi siguro magri-react ng ganyan si Damon kung wala itong alam. At aaminin niyang kahit kailan hindi niya itinatago ang pagkagusto niya rito. Niyaya nga niya itong magdate sila, di ba?
"Stop that, will you? Umupo ka ng maayos," utos nito maya-maya. Sinunod naman niya ito. Parang tuod na umupo siya ng maayos. May kalamigan na naman sa boses ni Damon. "Sinasabi mo bang hindi problema sa 'yo kung totoo mang mahal mo na ang taong tinutukoy mo?"
Hindi man maintindihan ang tanong nito, tumango na rin siya. ‘Yon din naman ang totoo.
"I'll give you an advice and I want you to take it. Don't love him," may diin sa boses nito. Napatitig naman siya rito. "But if you already do... love him, then stop it. Dahil sigurado akong wala kang makukuhang ikakasaya mo sa taong minamahal mo, Jorheaenn."
Oh.
So he knew, huh?
At kahit hindi pa nga siya 'nakakapanligaw', basted na siya.
She looked away from him.
Tumingala na rin siya at nakailang ulit na pumikit-pikit. Ang sarap ding suntukin ng dibdib niya. Biglang sumakit kasi sa bandang doon, eh.
She sighed.
ɞʚ ɞʚ
Chapter Preview
Chapter 39: Step One: Identifying Emotions
"Hi, Miss Lousada. Nice to see you again! Can I call you 'Jorheaenn'? Or 'Jo' will do?"
Masamang tingin ang ibinigay niya rito. "Ano'ng kailangang mo kay Damon, Bugard?"
*** *** ***
Wala siyang ibang gustong gawin kundi ang magpakulong sa yakap nito at unti-untiing alisin ang takot sa puso niya.
*** *** ***
Parang sandaling tumigil ang mundo ni Jorheaenn habang nakatitig sa mga matang katulad na katulad ni Damon. Yes, those deep set of brown eyes, akala niya kay Damon niya lang makikita. Ang magkaiba lang, puno ng lungkot ang mga ni Damon habang halos wala ng buhay na mga mata na ang meron sa babaeng 'to.
"You're Jorheaenn Lousada, I guess." The woman gracefully walked towards her. "Finally, I've got the chance to see you in person. By the way, I'm Esmeralda..."
End of Chapter Preview