Embracing the Forbidden (COMP...

1wannabefr33 által

234K 5.3K 610

DEVOZIONE ISLAND SERIES #1 THE NUN Rafflesia Aletris De León pledged to God that she will serve him for the r... Több

Embracing the Forbidden
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Wakas

Kabanata 28

4.5K 94 6
1wannabefr33 által

Unknown

"Napakacute ng anak mo, rafflesia. Kung buhay lang siguro sila kuya, sigurado akong sobrang spoiled 'yang anak mo sakanila." ngiting sabi ni tita glenda habang nakatingin sa nag-uusap na mga apo niya.

Puro lalaki ang mga anak nila kuya luthor at kuya julius. Mas matanda lang ng isang taon si silas pero kung magusap sila parang mga binata na.

Imbis kasi na naglalaro sila ng mga toys o naghahabol-habulan. Nagtipon silang lahat at may kung anong seryosong pinag-uusapan. They're like talking on how to solve the poverty issue in the Philippines.

None of them are laughing or even smiling. They are all poker face. Natatawa na lang kaming pinagmamasdan sila.

"Siguro nga po tita... sayang lang at hindi nila nakita ang nag-iisang apo nila." lumingon naman ito sa'kin at ngumiti. She hold my hand and gently squeeze it while giving me a warm smile.

She's really my father's sister. Parang kaharap ko na rin si papa. She's like the girl version of papa. Magkaiba lang ang ugali nila pero pareho naman silang mabait.

"Your parent's must be proud of you, raffy. They must be happy... kasi nalagpasan mo yung binigay sa'yong pagsubok. You became more stronger than before. Your a fighter raffy. Nagawa mong ipagpatuloy ang buhay kahit sobrang hirap na. I'm so proud of you pamangkin."

Naluluha ko naman itong niyakap. Tumawa ito ng mahina at niyakap ako pabalik.

"Dinadramahan ka na naman ba ng asawa ko, raffy?" i giggled while tita glenda frowned at tito felix.

"Hindi naman po tito. Kumusta kana po? Mas gwumapo po kayo ha." natawa naman ito.

"Talaga hija? Pansin ko nga rin.." natawa naman kaming lahat.

Nandito kami ngayon sa dati naming bahay. Sinalubong kami nila tita glenda at tito felix pati na rin yung mga apo nila. Sila kuya luthor at julius naman pati asawa nila ay susunod na lang daw.

"Tingnan mo naman 'tong mga bata, balae. Mukhang mas seryoso pa ang pinag-uusapan nila kaysa sa 'tin." napahagikhik naman ako.

"Sinabi mo pa balae. Puro nagmana sa mga daddy nila."

"Wag niyo na lang pansinin. Mukhang may business meeting sila." napahalakhak naman kami ng sabihin 'yon ni tito.

"Asan na nga pala yung anak mo, felix?" pati tuloy ako ay napalingon-lingon para hanapin sila kuya.

Oo nga, nasa'n na ba yung dalawa? Kung saan-saan na naman kasi nagsususuot.

"Alam mo na... nagsesexy time. When kaya tayo mahal?" natawa naman kami lalo na no'ng pabirong tinampal ni tita yung braso ni tito. Mukhang gusto rin niya eh.

"Hay nako... pagbigyan mo na ang mister mo, balae. Mukhang may hahabol pa kay mira eh."

"Ay sakto balae.. may irereto ko sa'yo. Mabait 'yon wag kang mag-alala." saad ni tito.

Jusko! Pati pala sa mga may edad na uso pa 'rin ang reto na 'yan.

"Sino do'n mahal? Si Paul ba? Kung gano'n talagang mabait 'yon balae. Bagay kayo." mukhang pati si tita sheila magkakalove life na.

Sana all...

"Nako balae, hindi ko kailangan ng ganyan. Okay na 'ko na mag-isa. Isa pa nandito naman sila raffy, baby silas at si thunder. May magiging apo na rin ako kaya okay na 'ko do'n."

"Ayaw mo ba tita na magkaroon ng kasama? Hindi naman sa aalis kaming lahat. Pero syempre, may time rin na kailangan naming mawalay sa'yo. You're still young tita, you can find your the one. Sabi pa naman nila, masaya kapag may kasama ka sa pagtanda. So grab the opportunity tita."

"Oo nga naman balae. Masaya kapag may kasama ka sa pagtanda. Eh ang mga anak natin, magkakapamilya 'yan. Kahit ayaw man natin na mawalay sila sa puder natin. Kailangan pa rin kasi may sarili na silang pamilya."

"Tsaka mabait si paul balae. Try mo lang, kahit isang date lang tapos kapag hindi mo talaga type. Tatanggapin naman no'n ang desisyon mo."

"Pinagtulungan niyo pa talaga akong tatlo. Pero sige, pagiisipan ko muna. Pero wag kayong umasa na makikipagdate ako agad. For now, im still contended with my single life."

"Pag-isipan mong mabuti, balae. Napagiiwanan kana ng panahon eh." natawa naman kaming lahat. Matagal pa kaming nagkwetuhang apat at dumating na rin sila kuya pati na rin ang kanilang mga asawa.

Kaya naman natigil na ang meeting ng mga bata dahil nagsipagtakbuhan na papunta sa mga mommy nila. Pati rin si silas ay nasa tabi ko na at parang kwago kung makayakap.

"You're not feeling hot na ba baby?" umiling naman ito at sinubsob ang mukha sa bewang ko.

"Im feeling better mommy. We're like in a big freezer because it's too cold. But I like it mommy, thank you." napabungisngis naman ako at hinalikan ang pisngi niya.

"This is our house baby. This is the house of your grandparent's but they're already gone so... this is yours now." napaangat naman ang tingin nito at ngumuso.

"What would I gonna do with a big house like this, mommy? I don't need it. And it's too big for us." napahagikhik naman ako at inayos ang buhok niya.

"You'll gonna need it soon, baby." nakanguso pa rin ito at tumango.

Napatingin ito sa malaking portrait no'ng kasal nila mama at papa. Napatingin din tuloy ako ro'n at malungkot na napangiti.

"Is that grandpa and grandma, mommy?" tumango naman ako sakanya habang hinahaplos ang buhok niya.

"Yes baby... they look good together right?" tumango naman ito at tumingin sa 'kin. Sumeryoso ang mukha nito nang makita ang mukha ko. Mas lalo niya tuloy naging kamukha ang daddy niya.

Para akong nakatitig kay kalas... ang berde niyang mata. Nakuha rin niya..

"Don't be sad mommy. I'm still here. Im not leaving you, mommy." pinagdikit ko naman ang labi ko at yinakap siya.

"Thank you baby... you're so sweet as ever. I know you're not gonna leave me. And im not gonna leave you too." he smiled at me that even his green eyes twinkled in happiness.

As long as he's genuinely happy... im happy too. My baby's happiness is my happiness too.

"I wanna visit them, mommy. Can I?" nakangiti naman akong tumango.

"Ofcourse baby. We'll going to visit them later. It's still hot outside kaya mamaya na lang hapon, okay?" he nodded his head and hug me again.

My baby is still clingy. But I like it more when he's being clingy to me. Kasi nafefeel ko na need niya pa rin ako. It's flattering me because nabababy ko pa rin siya.

Lumapit naman sa'min sila kuya kaya nakipag usap na muna ako sakanila at hinayaan ko munang makipaglaro si silas sa mga pinsan niya. Well, I don't know if they are playing kasi naguusap lang naman sila kagaya kanina.

Mukhang may continuation ang meeting nila.

"I still can't imagine na magkakababy ang pinaka inosente naming pinsan. But anyway, congrats raffy. Mukhang napalaki mo nang maayos si baby silas." ngumiti naman ako sakanya at niyakap siya nang mahigpit na agad naman nitong sinuklian.

"Thank you kuya julius. Namiss kita kuya. Ikaw ha, nakadalawa kana agad." natawa naman ito at inakbayan niya ang asawa niya.

Ngumiti naman ako dito at ngimiti rin ito sa'kin. Ang ganda niya lalo na pagnakangiti. She has a long wavy hair and heart shape face. Mukha siyang chinese dahil sa chinky eyes niya na mas bumagay sa mukha niya.

"Hi.. you must be Sharmaine. The wife of my kuya julius." tumango naman ito at ngumiti kaya mas lalong sumingkit ang mata niya.

"I love your eyes ate. It's so nice to meet you." yinakap ako nito pabalik at nakangiting humiwalay sa 'kin.

"It's my pleasure raffy. My husband keeps on talking about you kaya medyo alam ko na ang tungkol sa'yo. Im sorry sa kadaldalan ng asawa ko ha." natawa naman ako habang busangot naman si kuya.

"Sinisiraan mo na naman ako baby. Baka gusto mong parusahan?" humagikhik naman si ate at pinalo sa tiyan si kuya.

Parusahan... may naalala tuloy ako. Ano ba yan. Utak mo raffy mahalay.

"Ang ganda mo raffy. You can pass as a model. Ang puti mo pa, daig mo pa ata yung harina." natawa naman ako.

Pang ilan na siyang nagsabi sa'kin na sobrang puti ko raw. Well, totoo naman. Maputi na ako dati pero mas pumuti pa lalo na no'ng nagibang bansa kami.

"I won't pass as a model ate. Ang liit ko kumpara sa iba." natawa naman ito pati na rin si kuya.

Totoo naman eh. Tanggap ko naman na hindi na ako tatangkad pa. Matagal ko ng tinanggap kung anong meron ako. And I embrace it all even my flaws.

"Height doesn't matter kaya noh. Tsaka hindi lang naman runaway model ang meron sa industry. You can be a model for a brands o kaya beauty products. Do'n talagang bagay ka. Wag mong sayangin ang ganda mo raffy."

"Hindi ko po hilig ang ganyan eh."

"Nako, kung ako lang ang mayari ng mukha mo. Pinagkakitaan ko na 'yan. Ang ganyang mukha, dapat binabalandra sa madla."

Madaldal pala siya. Akala ko mahiyain kasi hindi naman siya palasalita kanina. Mukhang magkasing daldal sila ni mira.

"Tigilan mo na si raffy, sha. Hindi niya talaga trip yung mga ganyan. Ni wala nga 'yang facebook." nanlaki naman ang mata nito sa'kin.

"Wag ka maniwala d'yan ate. Outdated lang talaga siya. Wala akong facebook--"

"Oh diba--"

"Wala ako no'n pero may instagram naman ako. Follow kita mamaya ate. Ikaw lang, hindi si kuya." natawa naman ito at nakipag high five sa'kin.

Busangot tuloy si kuya kaya tinawag nito si kuya luthor. Aba, naghahanap pa siya ng kakampi.

"Yo brother! Sa'n kayo galing ha?" malisyoso nitong sabi kila kuya at sa asawa nito.

Binatukan naman ni ate sharmaine si kuya kaya natawa ako ng mahina. Walang emosyon namang tiningnan ni kuya luthor ito habang ang asawa niya ay nagtatago sa likod nito na parang nahihiya.

"Shut up dumbass. May pamilya kana malisyoso ka pa rin."

"Sus. Defensive mo naman brad. Hi argel! Ito nga pala ang snow white este ang pinsan naming si raffy. Galing 'yang abroad. Hingi ka na lang ng imported na chocolate sakanya mamaya."

Napapailing na lang ako sa kalokohan ni kuya julius. Mukhang may thunder 2.0 sa pamilya. Dagdag sakit sa ulo na naman.

Nahihiya naman itong lumapit sa'kin at nahihiyang ngumiti. "H-hi raffy. A-ako nga pala si argel. A-asawa ni luthor." ngumiti naman ako sakanya at niyakap siya.

Mukha naman itong nagulat ngunit niyakap niya naman ako pabalik. "Hi argel. Huwag kang mahiya sa'kin. Pamilya ka rin namin kaya treat us like your own na lang. Don't be shy kasi di naman ako nangangain." mahinhin naman itong napatawa at tumango.

"Ikaw kuya ha. Mukhang kaedad ko lang ang inasawa mo." inirapan lang ako nito.

"Sinabi mo pa raffy. Mukhang humahabol na nga 'yan sa'min eh. Binuntis na naman si argel. Hinay-hinay naman tol." natawa naan kami lalo na no'ng sinamaan ni kuya luthor ng tingin si kuya julius.

"Hey! What's going on here? Why is it so maingay?" napalingon naman kaming lahat including the kids kay mira na parang tuko kung makakapit kay kuya.

"Mabuti naman at naisipan niyo pang bumaba." panunuyang sabi ni kuya julius. Kumunot naman ang noo ni mira.

"Duh! What's your pake ba? How much ba ang bayad to mind your own business, kuya?"

Bumalik naman sa pag-uusap ang mga bata habang ang mga oldies naman ay napapa-iling at bumalik na sa pagkekwentuhan.

"Duh! Why so conyo ba?" panggagaya ni kuya julius sa boses ni mira kaya naman asar na asar siya ngayon.

"Di kapa nga nanganganak, mukhang susundan niyo na agad. Hinay-hinay lang wag tayong magkarerahan."

"Hep! Tama na... gutom na 'ko kaya kumain na tayo ng tanghalian. Kanina pa nagrereklamo ang tiyan ko." sabi ko at naglakad na papunta kila baby silas.

"Hi babies! Sorry to interrupt your meeting ha. Let's eat na muna, okay?" sabay-sabay naman itong tumango kaya napangiti ako.

Ang sarap lang nilang pagmasdan. Im glad because finally, my baby has a friend na. Im happy because his trying to open his self to others.

"Do you have a boyfriend, auntie?" gulat naman akong napatingin kay khian. Panganay na anak ni kuya julius.

"Why did you ask, baby? And no, I don't have one." ngumisi naman ito kaya medyo nagulat ako.

"Can I be your boyfriend then, auntie?" nalaglag naman ang panga ko sakanya.

Jusko! Bata pa pero pilyo na. Mukhang nagmana kay kuya julius. Naramdaman ko namang niyakap ni silas ang bewang ko kaya napatingin ako rito.

"No. My mommy's not available, khian." masungit na sabi ni silas kaya napahagikhik ako. Ang baby ko, possessive rin.

"I thought we're friends, silas?" ngusong sabi ni khian.

"Yeah.. we're friends. But it doesn't mean that you can be my mommy's boyfriend."

Ano ba 'yan. Ba't parang mag-usap sila parang mga matatanda na. They should talk about toys and baby stuffs not like this. They're babies but they know the boyfriend things.

"Ang damot mo silas. You should share your mommy because we're friends. Friends shares what they have, right auntie?"

Oh my god! Hindi ko alam ang isasagot ko sakanya. Ano ba 'tong mga batang 'to. Masyado silang advance. Hindi ko kaya ang mindset nila.

"Friends can share what they have. But not all, khian. You should find other girl. I'll help you to get one. Just not my mom. She's mine." jusko! bata ba talaga sila?

I'll help you to get one. Jusko! Parang candy lang yung pinaguusapan nila. Wag naman sana silang lumaking babaero.

"Deal. I want a blonde girl and has a pale white skin like your mom. I'll wait for that silas."

Oh so help me God. Hihimatayin ata ako sa conversation nilang dalawa. Napatampal ako sa noo nang mag shake hands pa sila na parang sinasabi na the deal is off. Oh my gosh!

"I'm sorry for my kuya's behavior auntie." napalingon naman ako nang may magsalita sa gilid ko.

"Oh! It's okay prince. Your curly hair suits you baby." ngumiti naman ito kaya mas lalong lumabas ang mataba nitong pisngi.

"Thanks auntie. By the way, come here job. Don't be shy. She's nice okay?" napatingin naman ako sa batang nakayuko.

Mana nga sa mama niya. Pareho sila ni argel na mahiyain. "Hi job! Lapit ka kay auntie. Don't be shy come on."

Nahihiya nitong inangat ang mukha nito at nahihiyang lumapit sa'kin. Hinaplos ko ang buhok nito at ngumiti nang mamula ang pisngi nito.

"Mommy im hungry." natawa naman ako kay silas. Nagseselos ata ang baby ko.

"Alright baby. Come on kids! Let's eat muna ha." tumango naman ito at sabay-sabay na kaming naglakad papunta sa dining room.

Puno ng tawanan at ingay ang mesa namin dahil sa kulitan naming lahat. Parang mini reunion lang namin ang naganap. Sayang lang at wala sila mama at papa. 'Di sana kompleto kaming lahat.

"Ang bango naman ng baby ko. Pakiss nga hmm." bumusangot naman ito kaya natawa ako.

"Ah gano'n.. ayaw mo na magpakiss kay mommy. Sige, si khian na lang ang ikikiss---" natawa ako nang malakas dahil mabilis niya akong hinalikan sa pisngi.

"Satisfied mommy?" busangot nitong sabi.

"Not yet baby... one more pa please." napahagikhik ako nang ilang beses niya 'kong hinalikan sa buong mukha.

"Hmm... ang sarap naman no'n baby. Mukhang may ililibre ako ng foods mamaya ha." humagikhik naman ito.

Nagpaalam na ako sa kanilang lahat na pupunta muna kami sa puntod nila mama. Gusto pa sana nila akong samahan pero tumangi ako. Gusto ko munang kami muna ni silas ang bumisita sakanila.

Mabuti na lang at pumayag sila. Ayaw pa sana akong payagan ni kuya dahil baka raw makita kami ni kalas o kaya ng mga tauhan niya. Buti na lang na convince ko siya. Sabi ko kasi magsusuot kami ni baby ng mask at sombrero para hindi kami makilala.

"Say hi to your lolo and lola, baby." i faintly said while looking at the tomb of my parent's.

"H-hi grandma, hi grandpa. I-im Silas Asher De Leon. Im 4 years old. H-how are you there grandparent's?" i giggled kaya nilingon niya ako ng nakakunot ang noo.

"What's wrong mommy? Did I say something funny?" i cleared my throat at beamed at him. "No baby...come on, talk to your grandparents baby. Im sure they're interested." he pouted.

"But what would I say, mommy? I don't know what im going to tell them." i chuckled a little before answering him.

"Just tell them what you want baby. Tell them how was your life or anything." tumango naman ito habang nakanguso.

"I don't know what to say lola and lolo but... im doing good." natawa naman ako kaya napalingon na naman ito sa 'kin.

"Stop laughing mommy. I don't know how to open a conversation to them. Im still struggling."

"Aw.. im sorry baby. I'll help you na lang, okay?" he nodded.

"Hi ma, pa. Miss ko na kayo nang sobra. Sorry kasi ngayon lang ako nakabisita sainyo after 5 years. Kumusta na kayo d'yan? Nakikita niyo ba kami ng apo niyo ma, pa?" sabi ko at ngumiti nang malungkot.

I really missed them.. Malaking bahagi ang nawala sa akin no'ng nawala silang dalawa. Hindi man gano'n kasakit tulad ng dati. Pero may bahagi pa rin sa 'king umaasa na sana buhay pa silang dalawa.

"Kasama ko nga pala ang anak ko. Si baby silas. Sayang lang, kasi hindi niyo man lang siya nakasama kahit saglit. Kayo eh.. masyado kayong excited pumunta sa langit." natatawa kong sabi kahit na nararamdaman ko na nanlalabo na ang aking paningin.

Naramdaman kong niyakap ako ni silas sa bewang kaya napatingin ako dito. I smiled weakly at him at hinaplos ang mukha niya.

"Kung buhay lang siguro kayong dalawa. Sigurado akong kagigiliwan niyo si silas. Matagal niyo ng gustong magka apo diba? Eto na po... binigyan ako ng Diyos ng isang napakabait at mapagmahal na baby." ngiting sabi ko habang nakatingin kay silas.

"I'm so lucky to have him ma,pa. Kahit na wala na kayong dalawa. May dumating namang bago na magpapabuhay ulit sa buhay ko. He bring's a new color to my dull life before." mahinang sabi ko habang hinahaplos ang buhok ni silas.

"Bantayan niyo po ang apo niyo ha. Sana rin po maging masaya kayong dalawa d'yan sa taas. Katulad po no'ng sinabi sa 'kin ni papa. Tuwing namimiss ko po kayo tumitingin lang po ako sa mga bituin. Tama nga po si papa... parang nakikita ko lang kayong dalawang ngumingiti sa 'kin sa tuwing kumikislap ang mga bituin sa langit."

Nakangiti kong hinaplos ang lapida nilang dalawa. Binalingan ko si silas at niyakap ng mahigpit. "Are you okay, mommy?" mahina nitong tanong.

Mahina akong napatango at hinalikan siya sa tuktok ng buhok. "Mommy's okay, baby. I just miss your lola and lolo." tumingala naman ito sa 'kin at niyakap ako nang mahigpit.

Para tuloy gumaan ang dibdib dahil sa isang yakap niya lang. Napakaswerte ko talaga sakanya.

"Talk to them baby. They will listen to you. Your grandparent's are the nicest person you'll met. Baka nga sila ang maging paborito mo kaysa sa 'kin kung buhay pa sila." napahagikhik ako.

"Im sure they're nice mommy. But you'll gonna be my favorite person ever. That will never change, mommy." pinapaiyak na naman ako ng baby ko.

Baka nga pagnameet niya na ang daddy niya makalimutan niya na 'ko eh. Pero hindi pa naman kaya ako na muna ang favorite niya.

"It's so hot in this country grandparent's. No wonder why you two leaved early." napahalakhak naman ako sa sinabi niya.

Hindi pa pala siya tapos sa issue ng panahon dito sa Pilipinas. Pati sa lolo at lola niya nagrarant pa 'rin siya.

"I hope you're both happy up there lola and lolo. Please tell my mom not to be sad anymore. I don't want my mommy to be sad because im hurting seeing her like that." naiiyak ko naman itong nilingon. Seryoso itong nakatingin sa lapida nila mama.

Ano bang ginawa ko para bigyan ako ng ganitong anak? Pero kahit ano pang dahilan, masaya ako dahil siya ang naging anak ko.

"I'm not sad, baby." lumingon naman ito sa 'kin at ngumuso. "Stop lying mommy. I saw your eyes. It's full of sadness in it." ako naman ang ngumuso sakanya.

Bata ba talaga 'to? Parang kaedad ko lang kung magsalita eh.

"Bahala ka nga... basta hindi ako sad. Miss ko lang ang lolo at lola mo." tinaasan lang ako nito ng kilay.

Natawa na lang ako at nagpatuloy sa pagkekwentuhan. Magdidilim na nang mapagdesisyonan naming magpaalam sa kanila.

Hawak ko ang kamay ni silas habang naglalakad kami papunta sa nakaparadang kotse namin. Umihip ang malakas na hangin kaya naramdaman kong tumaas ang balahibo ko sa leeg.

Hindi sinasadyang napatingin ako sa gilid kung saan may malaking puno. Nanlaki ang mata ko nang may makita akong nakasandal na naka all-back attire. Nakablack na damit at may blazer na itim din. Nakaitim na sombrero at pants na itim.

Nakapamulsa ito habang nakasandal at nakatingin sa direksyon namin. Hindi ko alam kung bakit nanindig ang balahibo ko at bumilis bigla ang tibok ng puso ko.

Nanginginig ang mga kamay ko kaya napatingala sa 'kin si silas at nakakunot ang noo. "Why are you shaking mommy?" natataranta naman akong umiling.

Nilingon ko ulit kung nasaan yung lalaki pero wala na siya ro'n. Parang nangyare na rin 'to...

Nagmamadali akong naglakad papunta sa kotse habang hawak ang kamay ni silas. Ewan ko kung bakit ako kinakabahan sa lalaking 'yon. Parang may something sa kanya na dapat kong ikabahala.

Mabuti na lang at hindi na nagtanong pa si silas. Baka hindi ko rin siya masagot dahil sa pagkataranta ko. Agad kong binuhat si silas paupo sa passenger seat at hinalikan ito sa noo bago isarado ang pinto.

Nang makasakay na ako sa driver's seat ay agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si kuya thunder.

"Kuya.. m-may ano kasi."

"What? Sabihin mo na raffy. May ginagawa ako eh." masungit nitong sabi.

"Eh kasi kuya. May suspicios na lalaki kanina habang papaalis kami ng sementeryo."

"What do you mean?"

"Nakatingin sa 'min kuya tapos naka all-black outfit pa. Hindi ko nakita yung mukha dahil nakasombrero tapos nakamask."

"What the fvck! Sinuot niyo ba yung disguise niyong dalawa?"

"Eh syempre oo.. pero tinanggal namin no'ng kinakausap namin sila mama." narinig ko pa itong nagmura kaya nailayo ko ito sa 'king tenga.

Napatingin ako kay silas na ngayon ay naglalaro na naman sa kanyang iPad. Mabuti na lang at may pagkakaabalahan siya habang nakikipag usap ako sa dada niya.

"Ipapadala ko d'yan yung mga bodyguards niyo. Hintayin niyo d'yan. Wala pang limang minuto nandyan na sila."

"Kuya!" reklamo ko sakanya.

"Wag ka ng mag inarte d'yan. Hindi natin alam na baka tauhan yun ni kalas at baka kunin pa kayong dalawa." kinabahan tuloy ako sa sinabi niya.

"Pero kailangan ba talaga no'n kuya. Malay mo nagkakamali ka lang. Baka ibang tao yun na bumisita rin lang sa puntod ng kung sino."

"Maraming namamatay sa maling akala. Mas mabuti nang mag-ingat kaysa magpabaya."

"Kuya naman eh... "

"Tatawagan ko yung ahas ni kalas. Siya na ang bahala kung sakaling tauhan nga ni kalas yung nakita mo."

"Eh yun naman pala eh. Edi wala na tayong problema. Wag ka ng magpadala ng bodyguard dito kuya kasi pauwi na rin naman kami ni baby silas. Sayang lang sa gas."

"Ang tigas talaga ng ulo mo. Bahala ka nga. Basta pag wala pa kayo dito ni silas ng 30 minutes, ipapatv ko na ang mukha niyong dalawa."

"Grabe ka naman kuya. 25 minutes away pa kami sa bahay tapos traffic pa. Masyado kang ano." naimagine ko na umirap siya sa sinabi ko.

"Whatever. Basta before 45 minutes dito na dapat kayo." sabi niya at binaba na agad ang tawag.

"Is that dada, mommy?" napatingin naman ako sa naglalaro pa ring si silas.

I started the engine at looked at him before I started to drive. "Yes baby... uuwi na tayo ha. But are you hugry na ba? We can eat muna if you want."

Binaba naman nito ang hawak at tumingin sa'kin. "I want to try the popular fast food in this country mommy."

"Sure baby."

Hanggang ngayon ay gulat pa rin ako dahil maraming nagpapapicture kay baby silas. Kinabahan pa ko dahil sa pagdumog nila sa anak ko.

Buti na lang napakiusapan ko sila na wag nilang iupload ang picture ni baby sa social medias. Mahirap na, baka makita pa 'yon ni kalas.

Ayoko namang malaman niya ang tungkol sa anak niya sa ibang tao pa. Gusto ko, sa 'kin mismo manggaling pero humahanap pa ako ng tyempo.

Tsaka hindi pa ako ready na makaharap siya. Natatakot pa rin ako sa magiging reaksyon niya kapag nakita niya ako o kaya ang anak niya. Natatakot ako sa mga pwedeng mangyare.

"Mommy can you please tell them to back off? It's already hot here, they're just making it worst." i bit my lip at paumanhing tumingin sa mga tao sa harap namin.

"Baby.. that's rude. You can talk to them nicely, diba?" ngumuso lang ito at pinagkrus ang braso sa dibdib.

"Sorry ha. Ganyan lang talaga ang anak ko. Mainit kasi kaya nagkakaganyan." pero mukhang wala naman iyon sa kanila dahil malambot pa rin silang nakatingin kay silas.

Nakakahiya tuloy dahil pinagtitinginan na kami. Akala tuloy nila may artista dito. Hindi ko rin alam kung ba't maraming nagpapapicture kay baby.

"Wala 'yon miss. Mas cute nga siya pag nagsusungit eh." sabi ng mukhang kolehiyong babae.

"Ang ganda naman ng genes niyo ate. Ang gwapo-gwapo ng baby mo. Sana ganyan din ang itsura ng magiging baby ko in the future." napahagikhik naman sila at mga sumang-ayon.

"Ikaw ba talaga ang mommy niya miss?" napataas tuloy ang kilay ko nang lingunin ko ang isang estudyanteng nagtanong no'n. Para tuloy siyang naintimidate sa'kin.

"A-ay ano po kasi... hindi po kasi halata na may baby kana. Mukha ka pong dalaga. Para pong kaedad ka lang po namin." tumango-tango naman silang lahat

"Im really his mother. Tsaka hindi na 'ko dalaga. Im already 27 years old." para naman silang nagulat ng sabihin ko 'yon. May nalaglag pa ang panga habang nakatingin sa 'kin.

"H-hindi nga? ikaw twenty seven na? Hindi po halata ate. Mukhang nasa 19 ka pa lang eh." sabi ng isa sa kanila.

"Ang daya! Mas matanda ka sa 'min pero bakit kami pa ang mukhang mas matanda? Mas bata ka pa sa 'ming tingnan ate." napahagikhik naman ako sa kanila.

"Oo nga ate. Tapos ang puti-puti mo pa. Ano pong sabon mo ate? Share naman d'yan."

"Kung ano lang. Why? Do you want to have a pale white skin?" sabay-sabay naman silang tumango. Naiiling na lang ako sakanila.

Napatingin ako sa seryosong nakatingin sa 'ming si silas habang sumusubo ng fries niya.

"Ay oo ate. Sobrang obsess kaya ng ibang pilipino ang magkaroon ng ganyang kulay."

"Ha bakit naman? I actually like your morena skin. Tuwing nasa beach nga kami ni baby lagi akong nagsusunbathing para magkaganyang kulay pero namumula lang ako tapos babalik na agad yung kulay."

"Ang daya talaga..."

"Sana all namumula lang. Sa'kin kasi ilang minuto pa lang sa araw tutong na agad."

Natawa naman silang lahat. Pati na rin yung ibang kumakain sa katabi naming table ay natawa. Pati pala sila ay nakikinig sa 'min.

"You should love your own skin. Ang ganda kaya ng morena skin. Mas gusto ko nga 'yon kaysa sa maputla kong balat. Marami kayang mga foreigner ang gustong maachieve ang ganyang kulay."

Hindi rin nagtagal ay umalis na sila kaya napahinga na rin ako ng maluwag. Sa wakas ay maiwas na ulit. Napalingon ako sa nakabusangot na mukha ni silas habang kumakain.

"Smile ka naman baby. Wala na sila oh. Don't you like the foods?" tumingala naman ito sa 'kin at ngumuso.

"I liked them mommy. It's delicious. I was just pissed off because of the commotion earlier." napahagikhik naman ako.

"Im sorry for that baby They just admire you baby kaya pinagkaguluhan ka. You become an instant celebrity nga kanina."

"But I don't like being mobbed, mommy." napahagikhik na lang ako.

"Let's change the topic baby. So far, what's your favorite meal that you've tasted baby?" he pouted while scanning the table.

"I liked their spaghetti mommy. The sauce actually. It's tasty and the other one is... the ice cream. It's so soft and I liked the chocolate syrup in it." napatango-tango naman ako.

Magsasalita na sana ako nang tumunog ang cellphone ko sa loob ng hand bag ko. Kinuha ko ito at napanguso nang makita ko ang pangalan ni kuya ro'n.

Napatingin ako kay silas at ngumiti. "Finish your food baby. I'll just answer this." tumango naman ito at kumain.

And as expected galit na naman si kuya nang sagutin ko ang tawag. One hour na pala ang nakalipas simula no'ng tawagan ko siya kanina. Buti na lang umamo siya nang sabihin ko na si silas ang nag aya which is true naman.

Nagbilin pa na itake out ko daw silang lahat na talaga namang gagawin ko kahit di niya ko sinabihan. Plano ko talaga na magtake out bago kami umuwi ni silas.

"Baby.. im going to the bathroom muna ha. Mag pee lang si mommy. Remember what I told you before."

"Don't talk to strangers." sabay naming sabi kaya napahagikhik ako.

"I will mommy. You can go to the bathroom, I won't leave here." tumayo naman ako at hinalikan siya sa noo bago pumunta sa cr ng fastfood.

Lumabas na ako sa banyo at naghugas ng kamay. Inayos ko ang maikli kong buhok at tinitigan ang sarili sa salamin.

I really looked different compared before. Kung dati ay maamo ang mukha ko ngayon naman ay medyo tumapang. Nadala lang 'yan ng make-up.

Natuto rin kasi akong maglagay ng gano'n sa mukha. Though, lagi namang light make-up lang ang nilalagay. Kinagat ko ang labi ko at naglagay ng lipgloss sa labi.

Nang matapos na akong mag-ayos ng sarili ay agad na akong lumabas sa cr ng fast food. Natigilan ako sa paglalakad nang makita ko ang kakaalis pa lang na lalaki sa table namin ni silas.

Nanlalaki ang mata kong napatingin sa seryosong kumakain na si silas bago ko sinundan ng tingin ang pamilyar na lalaking papalabas na ng fast food chain.

Napalunok ako nang mariin at napahawak sa dibdib nang bumilis na naman ang tibok nito na parang may karerang nangyayari sa loob.

Nagmamadali akong tumakbo papunta sa table namin. May ilang nabangga ako kaya napapatingin na ang iba tao sa 'kin.

"Who was that silas? I told you to not talk to strangers. Why did you defy my words." malakas kong sigaw kaya napatingin na sa 'min ang halos lahat ng tao.

Natigilan din ang kumakaing si silas at nanubig ang mga mata. Tila naman natauhan ako nang magsimula na itong suminok.

Nanghihinang lumapit ako kay silas at niyakap siya nang mahigpit. "Im sorry baby. Im sorry for shouting you, I didn't mean it. Im sorry..." sumisinok naman itong niyakap ako.

Naluluha na tuloy ako dahil sa pagiyak niya. I feel so bad, ngayon ko lang siya nasigawan sa buong buhay niya. I always talked to him calmly kaya hindi ko rin siya masisisi kung nabigla siya sa pagsigaw ko sakanya.

"I-it's okay mommy. I-im also sorry for making you mad at me." sumisinok na sabi nito.

Ngumuso ako sakanya at hinawakan siya sa mukha. Pinunasan ko ang tumulong luha sa mukha niya at hinalikan siya sa noo.

"Im not mad at you baby. Nadala lang talaga ako kasi I saw you with a stranger kanina. I don't want to lose you baby. You're the only one that I have. And I can't afford to lose you."

"You will not lose me mommy. Im always here for you. I love you mommy." napanguso naman ako at hinalikan siya nang paulit-ulit sa pisngi.

"I love you too baby. Sorry again."

Pagkatapos kong kunin ang take out ko ay agad na kaming umalis do'n. Nagdadrive na ako pauwi habang si silas naman ay kumakain pa rin ng fries niya.

"I thought you like spag and ice cream baby. Bakit yung fries ang pinapapak mo?" ngumuso ito bago nilunok ang ilang fries sa bibig niya.

Natatawa ko naman itong inabutan ng tubig bago bumalik sa pagdadrive. "This is also one of my favorite mommy. Do you want some mommy? I'll feed you because you're driving." napahagikhik naman ako.

"Sure baby. Ahhh.." agad niya naman akong sinubuan kaya napahagikhik ako. "Thank you baby." he smiled. "Welcome mommy."

"Can I ask something, baby?" natigil naman ito sa pagsubo at napatingin sa'kin.

"What is it mommy?"

"Ahm.. who's that guy? The one who approached you while im not around." sumubo muna ito ng kinakain niya bago nagsalita.

"I don't know mommy. He just sat in front of me and stares at me for about a minute. I asked him who is he but he didn't answered me." napalunok naman ako nang mariin.

"Did you saw his face baby?" umiling naman ito at sumubo ulit.

"No mommy. He's covered. I also got confused why he is wearing a jacket when it's so hot already. And he's wearing a shade when there's no sun inside. He's weird mommy. But I don't know why im feel so comfortable around him even though we're not talking."

Napahigpit ang hawak ko sa manibela. Sino ka ba talaga? At sigurado ako na iisang tao lang ang nakita ko kanina sa sementeryo at ang kanina sa fast food.

Alam kong may iba tungkol sakanya. Pati anak ko may kung ano naramdaman no'ng malapit siya sakanya.

"Next time baby. Don't talk to strangers again, okay?" tumango naman ito kahit puno ang bibig. "Especially if they're suspicios."

Muli naman itong tumango. "I understand mommy. I won't do it again." ngumiti naman ako sakanya at ginulo ang buhok niya.

Nang umilaw ang stop sign ay tinigil ko muna ang kotse at napasandal. Masaya akong nagmamasid sa maganang kumakain na si silas.

"Picturan kita baby. This is your first time to eat in that fast food chain. Im glad that you'd like it." tumango naman ito at nagpose na kaya natawa ako.

Tumagilid ito sa'kin at umarteng kakainin ang fries niya. Natatawa ko naman siyang kinuhanan.

Para tuloy niyang prinopromote ang fast food dahil sa pagmomodel niya rito. Nang makatatlong shots na kami ay pinakita ko ito sakanya kaya pati siya ay natawa.

Napatingin ako sa taas at nakitang may 60 seconds pa ang natitira. Kaya habang hindi pa pwedeng umandar ay inupload ko muna ito sa instagram ko.

@rafflesiaDL guess who's addicted to this meal. It's his first time and he really likes it. How cutie...

Kakaupload ko palang pero may mga nagliked na at comments. May 30 seconds pa naman kaya nagbasa muna ako ng mga comments.

Natigilan ako nang may kumuha sa aking atensyon. Pamilyar ang username nito kaya ito muna ang inuna ko.

@user27358 I guess I need to buy that fast food chain for my baby.

What the... sino ba talaga 'to? Ito rin yung nagcomment sa picture namin ni baby silas eh.

@user27358 you can't runaway from me baby.

Naramdaman kong nanginig ang kamay ko nang mabasa ko 'yon. Sino ba talaga ang may ari ng account ng 'to? Bakit ganito ang mga kinocomment niya? Kinakabahan tuloy ako...

@user27358 you're trap with me... forever.

Muntik ko nang mahagis ang hawak kong cellphone nang may malakas na bumusina sa likod namin. Napatingin ako sa labas ng kotse at kanina pa pala umaandar ang mga kotse.

Binitawan ko na ang cellphone ko at pinaandar na ang kotse ko. Pilit kong inalis sa isip ko ang nabasa ko kanina. Hindi pa nga tapos yung sa misteryosong lalaki, may bago na naman.

Sino ba talaga sila?

Olvasás folytatása

You'll Also Like

24.6K 1.1K 25
Amadeus Costiño, a soldier who is like his father, a dedicated server of the country, found his love to a very sweet, soft and kind Janiella Cyrish M...
26.6M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
854K 23.6K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...
47.1K 1K 48
C y p h e r Lynch Scott is a wealthy man in town. Women are always chasing him, begging him to bed them. But he's not that kind of man. He is too foc...