Embracing the Forbidden (COMP...

By 1wannabefr33

234K 5.3K 610

DEVOZIONE ISLAND SERIES #1 THE NUN Rafflesia Aletris De León pledged to God that she will serve him for the r... More

Embracing the Forbidden
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Wakas

Kabanata 25

4.6K 98 19
By 1wannabefr33

Tired

"Kung sinabi lang natin ng maaga nay baka hindi niya na 'to ginawa."

"Hindi ko naman alam na magagawang saktan ni raffy ang sarili niya..Diyos ko! Ni minsan hindi nanakit ang batang 'yan."

"Hindi nga nay..pero kaya niyang saktan ang sarili niya."

Napamulat na ako at napahawak sa tiyan ng kumirot ito bigla. Napalingon naman sa akin sila nanay at agad akong nilapitan.

"Jusko! May masakit ba sa'yo anak?" kinakabahang tanong ni nanay.

"K-kumikirot po ng kaunti ang tiyan ko." agad naman silang natarantang dalawa.

"Tatawag lang ako ng doctor rafflesia." nagmamadaling sabi ni thunder at mabilis na umalis sa harap ko.

Hindi nagtagal ay may kasama ng doctor si thunder at lumapit sa akin. May tiningnan ito sa papel na hawak niya at tumingin sa akin.

"Nasaan po ang masakit sa inyo, misis?" kumunot naman ang noo ko sakanya.

"M-misis? Hindi pa po ako misis doc--ahh.." narinig ko naman ang nenenebryos na boses ni nanay.

Napahawak ako sa tiyan ko ng kumirot na naman ito. Naagaw ang atensyon ko ng may benda kong kamay. Bumalik sa akin ang mga imahe kung paano ko ito sinugatan gamit ang matalim na bagay.

Naramdaman kong nanginig ang aking katawan. Bakit buhay pa ako? Bakit binuhay pa nila ko? Ayoko na... sawang sawa na 'kong masaktan. Gusto ko na rin mawala..

"Calm down miss.. follow what I say okay. Breathe in...breathe out.." pilit kong sinunod ang sinabi ng doctor.

"Yeah that's good.. keep doing that until you feel relieved."

"Ano po ba talaga ang nangyayari sakanya doc?" natatarantang sabi ni thunder.

"Are you the husband, mister?"

"What? I mean no... she's my sister." tumango naman ang doctor at sinimulan ng tingnan ang hawak kong tiyan.

Tinawag nito ang kasamang babaeng nars at may pinakuha na kung ano.Napakagat ako ng mariin nang muli na namang kumirot ang tiyan ko.

Ano bang nangyayari sa 'kin? Bakit pakiramdam ko... nakokonsensya ko. Parang may sinaktan rin ako dahil sa ginawa ko sa sarili ko.

"You should take care of yourself miss. What you've done was a very hazardous act. It's not just you who would be at risk...but also your little angel."

Malakas na kumabog ang aking dibdib nang sabihin niya iyon. Nanlalaki ang mata kong napatingin kila nanay na siyang napapatakip ng bibig.

"L-little angel? A-ano pong i-ibig sabihin niyo d-doc?" nanginginig kong tanong.

"Your baby miss... you're almost 4 weeks pregnant."

Nanigas ang aking buong katawan. Mariin akong napalunok at gulat na tinitigan ang tiyan ko. Nanginginig kong tinaas ang kamay ko para hawakan 'yon.

Nanlabo ang mata ko at hindi ko na napigilan na mapahikbi..Naramdaman kong niyakap ako ni nanay na siyang umiiyak na rin.

"N-nay... m-may baby na raw ako.. m-may b-buhay na sa loob ng t-tiyan ko nay..." sumbong kong sabi sakanya. Hinalikan naman ako nito sa buhok at niyakap ng mahigpit.

"O-oo anak.. may baby na ang baby naming lahat." umiiyak na sabi ni nanay ngunit may halong tawa.

"But I just want you to know na..hindi malakas ang kapit ng baby mo."

Mas trumiple ang kabog ng dibdib ko kaysa kanina. Diyos ko... huwag na ang baby ko... parang awa mo na.. gagawin ko ang lahat wag mo lang kunin sa 'kin ang baby ko... huwag mo naman pong ubusin sa akin ang meron ako..

"B-bakit po?" piyok kong sabi.

"A-ano po bang gagawin ko para lumakas po ang kapit niya sa 'kin? Please doc... sabihin niyo po sa 'kin." halos lumuhod na ako sakanya.

Lumapit naman sa 'kin si thunder at hinaplos ang likuran ko na tila pinapakalma ako. Tiningnan ko naman siya na parang nagsusumbong. Nginitian niya ako at binulungan na magiging maayos rin ang lahat.

Sana nga...

"There's a solution miss... you have to take care of yourself and the baby. Avoid having a stress and only eat healthy foods. I'll give you the medications that you should take. Dont worry, it's just a vitamins para kumapit lalo si baby." naluluha naman akong ngumiti sakanya.

"T-thank you doc..g-gagawin ko po lahat ng sinabi niyo." tumango-tango naman ito.

"That's great..and please. Don't hurt yourself again miss. Think about your baby now. I can't promise you that your baby will make it if you'll do that again."

Paulit-ulit naman akong tumango. Hindi ko na 'yon gagawin dahil may bata na sinapupunan ko. Hindi lang ang buhay ko ang nakataya dito. Pati na rin ang baby ko..ang baby namin ng mahal ko.

Kalas... magiging masaya ka rin ba kapag nalaman mong may anak kana?

"Congratulation miss.. goodluck being a mommy. I hope that both of you gets healthy. I'll go ahead..." nagpasalamat naman kaming lahat.

"And... death isn't the answer in every problem. Learn to face it, bravely. Other's are still fighting just to live.. you all should not waste it." makabuluhang sabi nito bago tuluyang umalis ng kwarto.

Ilang minuto pa akong napatulala dahil hindi ko parin maproseso ang sinabi kanina ng doctor. Buntis ako? Ano nang gagawin ko? Sasabihin ko ba 'to kay kalas? Pero wala siya...

"Rafflesia iha...ayos ka lang ba?" napakurap naman ako at alanganing tumango. Hinaplos naman nito ang buhok ko.

"Masaya ka ba no'ng malaman mong buntis kana?" malambing nitong tanong habang hinahaplos parin ang buhok ko.

Napayuko naman ako at pinaglaruan ko ang mga daliri ko. "S-syempre po..." mahina kong bulong.

"Sana kamukha ko..." bigla naman akong napatingin sa nakangiting asong si thunder.

"Hindi pa nga natin alam kung anong gender.Tsaka hindi ka naman ang tatay kuya." pangbabara ko sakanya.

Napanguso naman ito at nagtatampong yumakap sa 'kin. Natawa naman ako at pilit na tinataboy siya ngunit matigas ang ulo niya kaya hinayaan ko na lang.

"Kahit na.. ako dapat ang kamukha niya para maraming maghabol sakanya." napairap naman ako.

"Wag naman sana... gusto ko yung kamukha ni kalas. Gusto kong makuha ng baby namin ang berde niyang mata." kinikilig kong sabi.

"Grabe ka naman! Di hamak na mas gwapo naman ako kaysa sa gagong 'yon ah." babatukan ko na sana siya nang maunahan na ako ni nanay.

"Ikaw talagang bata ka.. huwag ka ngang magmumura. Tandaan mo may baby na sa tiyan si raffy at baka marinig pa niya." napatawa naman ako dahil sa mukha ni thunder.

"Sorry na marites--este nay rosing.." napailing na lang ako dahil sa kalokohan niya.

"Kung ano-ano na lang talaga ang lumalabas diyan sa bibig mong bata ka." tumawa naman si thunder na parang tanga.

"Ano ba dapat nay? Dapat ba, kung ano-ano na lang ang pumapasok sa bibig ko para maiba?" ngising asong tanong ni thunder.

Babatukan na sana siya ni nanay nang mabilis itong makailag at nagtago sa likod ko. Wala na atang pag asang tumino ang kuya ko.

Napahawak ako sa tiyan ko at hinimas himas ito. Napangiti ako nang maimagine ko kung ano ang itsura niya sa loob ng tiyan ko.

Hindi pa halata ang tiyan ko dahil na rin siguro sa apat na buwan pa lamang ito. Gusto ko sana siyang kausapin kaso mamaya na lang kapag mag isa na lang ako dahil nakakahiya.

"Ah basta hindi ko parin gusto ang lalaking 'yon para sa'yo babygirl." mataray na sabi nito at pinagkrus pa ang kamay.

"At bakit naman?" mataray ko ring tanong.

"Hindi siya nababagay sa anghel na tulad mo." walang gana nitong saad.

"Hindi naman ako anghel kuya..." mahina kong saad. Totoo naman eh.. wala naman sigurong anghel ang nakagawa ng kasalanan.

"Hindi nga... demonyo ka rin eh." babatuhin ko na sana ito ng unan kung hindi lang ito nagtago sa likuran ni nanay.

Parang kanina lang sa'kin siya nagtatago ngayon kay nanay naman. Naiinis naman na umalis si nanay kaya wala ng mapagtaguan pa si kuya.

"Eh bakit mo sinabing anghel ako tapos babawiin mo rin pala?" tumikhim naman ito at pilit na tinatago ang tawa.

"Di ka naman anghel.. pero mas anghel ka pa ring tingnan lalo na pag katabi mo ang demonyo mong jowa." malakas ko itong binato ng hawak kong unan ngunit napayuko ito kaya hindi ito tumama sakanya.

Natatawa nitong dinampot ang unan at lumapit sa'kin. Inirapan ko lang ito kaya mas lalo itong natawa.

"Sorry na buntis.. wag ka na bumusangot diyan. Sige ka, lalabas din yang baby mong nakasimangot. Gusto mo ba?" sinamaan ko naman ito ng tingin kaya tumawa na naman ito.

"Ewan ko sa'yo. Pinagtitripan mo na naman ako eh.. nay oh!" sumbong ko kay nanay at niyakap siya sa bewang.

Pinagalitan naman ito ni nanay kaya dumila ako sakanya. Dumila rin ito kaya napairap na lang ako.

"Bakit ba mainit ang dugo mo kay kalas,thunder? Mabait naman ang taong 'yon." tumango-tango naman ako para sumang-ayon sa sinabi ni nanay.

"Yon mabait? Asa ka nay.. baka nagpapakitang tao lang 'yon para kay rafflesia." maangas nitong saad.

"Hoy grabe ka na kay kalas ha... baka gusto mong makatulog ulit dahil sa suntok niya." pagbabanta ko sakanya.

Nanlaki naman ang mata nito at nagkunwari na nasasaktan sa dibdib. Ang arte naman ata ng binigay niyong kapatid sa'kin lord.

"Ano? Sinuntok ba ni kalas itong si thunder?" gulantang tanong ni nanay.

Tumangi naman ako. "Opo nay. Tulog nga yang si kuya eh." pang aasar ko. Napasinghal naman ito at hindi makapaniwalang tumingin sa'kin.

"At talagang proud ka pa ha.." uyam nitong sabi. Tumango naman ako dito at ngumisi.

"Grabe... parang hindi kapatid."

"Ikaw nauna eh.."

"Bat ako na naman? Bakit mo kasi pinagtatangol yang gago mong jowa?" inis nitong sabi.

"Syempre mahal ko 'yon eh.." umakto naman ito na parang nasusuka. Napairap na lang ako sa kawalan. Napakaarte talaga.

"Corny mo buntis."

"Nay oh..."

"Nay oh... sumbungerang buntis." pang uuyam niya. Inirapan ko ulit siya.

Kumulo ang tiyan ko kaya napatingin ako roon at hinimas iyon. Mukhang gutom na ang baby ko...

Nagpaawa naman ako ng tingin kay thunder kaya nagsalubong ang kilay nito. Kailangan kong utuin si kuya para ibili niya ang pamangkin niya ng pagkain.

"Kuya...." malambing kong saad.

"Tae kadiri naman..itigil mo nga yan." napanguso naman ako. Ang sama niya talaga.

"Kuya sorry na..." tumaas naman ang kilay nito at napamewang.

"Anong drama yan? Kanina lang inaaway mo 'ko ah." ngumuso ako lalo.

"Itigil mo yan..ang sagwa tangina." sinamaan ko naman ito ng tingin kaya tumawa ito.

"Sabi na nga ba...anong kailangan mo mahal na prinsesa?" pang-uuyam nito ngunit hindi ko na pinansin dahil mas priority ko ang baby ko.

"Bili mo 'ko ng fried chiken..yung sa jollibee pero yung gravy dapat galing sa mcdo hehe..."

"Tangina naman oh..."

"Nay oh nagmumura na naman siya. Pag yan narinig ni baby humanda ka sa'kin." napairap naman ito.

"Edi hindi na kita ibibili." mabilis na nagbago ang mukha ko. Ngumiti ako sakanya at naglambing.

"Sige na kuya..kaya mo bang tanggihan ang kapatid mo?" pangongonsensya ko sakanya.

"Oo naman.."

"Grabe naman..."

"Ibili mo na thunder.. masamang tangihan ang mga naglilihing buntis." ngumiti naman ako kay nanay at nagpasalamat.

Napasinghap naman si kuya kaya niyakap ko ito ng mahigpit at mas naglambing pa. Gagawin ko ito para sa ikakabusog mo baby. Bubusugin ka ni mommy.

"Sige na kuya... kahit para sa pamangkin mo na lang." paawa kong saad.

"K fine."

Napayes naman ako at nakipag apir kay nanay. Nakita kong umirap si thunder bago tumingin sa salamin.

"Yon lang ba?"

"Actually meron pa sana..."

"Tangina bat pa ba 'ko nagtanong." rinig kong bulong niya.

"May problema ba do'n kuya?" tumirik na naman ang mata nito. Pag nawala ang eyeball mo edi salamat shopee.

"Meron." napasinghap naman ako.

"Arte mo.. ano pa ba? Bilis na at may date pa ako mamaya." mataray nitong sabi.

Bahala siya kahit napipilitan lang siya. Atlease mapapakain ko na ang baby ko. Ano pa bang gusto mong kainin baby?

"Gusto ni baby ng manga na may maraming bagoong. Tapos fresh buko juice yung bagong pitas ah. Dapat ikaw mismo namitas. Picturan mo sarili mo habang kinukuha mo para makita ko kung ikaw talaga kumuha."

"Tanginang yan..." mahinang mura nito.

"Sige na kuya. Larga kana para makakain na kami ng pamangkin mo, bilis!" napasinghal naman ito kaya natawa ako.

"Tangina bat ako gumagawa nito? Bakit hindi yung gagong jowang nakabuntis sa'yo?" reklamo nito.

"Wag kanang magreklamo pa kuya. Sige na.. gutom na kami ni baby eh." nguso kong sabi.

"Fine.."

"And kuya..."

"Ano na naman?"

"Bili ka ng ketchup ha."

"Aanhin mo 'yon?"

"Baka ibabato ko sa'yo."

"Potangina talaga."

Natawa naman ako ng malakas. Badtrip na lumabas si kuya kaya kami na lang dalawa ni nanay ang natira. Nilingon ko si nanay na ngayon ay nakangiting nakatingin sa akin.

"Bakit po nay? May dumi po ba sa mukha ko?" natawa naman ito at napailing.

"Wala naman anak...masaya lang ako dahil walang samaan ng loob ang nangyayare sainyo ng kapatid mo." napaingiti naman ako.

Hindi naman sasama ang loob ko kay thunder. Una pa lang ang gaan na ng loob ko sa kanya. Siguro lukso ng dugo iyon.

Tsaka wala naman siyang kasalanan sa lahat ng ito. Hindi naman niya ginusto na mabuhay sa mundong ito dahil sa isang pangyayari. Maswerte parin ako dahil may natira pa sa akin na kadugo ko.

"Kahit naman po napakaarte niya mahal ko pa rin siya. Matagal ko na pong pangarap ang magkaroon ng kapatid at swerte ako dahil siya ang taong 'yon."

Ngiti naman akong pinagmasdan ni nanay at hinaplos ang buhok ko. "Sigurado akong proud na proud sa'yo ang papa at mama mo." malungkot naman akong napangiti.

"Siguro nga po..."

"At sigurado akong natutuwa sila dahil may baby na ang prinsesa nila." napatawa naman ako.

"Sa tingin niyo po?" natatawa kong tanong si mama siguro oo. Kasi matagal na niyang sinasabi na pangarap niya daw na magka apo.

Si papa ewan ko lang... pero naalala ko na sinabi niyang gusto rin niyang makita ang little version ko. Sana nakikita niyo ako ngayon... natupad ko rin ang pangarap niyo. Ang magkaapo kayo.

"Aba'y oo naman. Laging kinekwento sa'kin ng mama mo na gusto rin niyang magkaapo. Naiingit daw siya sa mga kumare niya pero ayos lang daw dahil nandyan ka naman." napatawa naman kami ni nanay.

Kung sana buhay lang kayong dalawa. Sana masaya na tayong lahat... sana makakasama at mahahawakan niyo pa ang magiging apo niyo.. kung sana lang talaga...

Natigil kami sa pagkekwentuhan nang may kumatok sa pintuan at bumakas iyon.

"Excuse me maam.. pinapatawag po kayo ni doc. Kakausapin daw po kayo tungkol ata sa medication ng pasyente." sabi ng babaeng nurse.

Tumingin naman sa 'kin si nanay at ngumiti. "Okay lang ba kung maiwan ka dito anak?" malumanay na tanong nito.

Tumango naman ako. "Ayos lang po nay. Huwag po kayong magalala." tumango naman ito at tumayo na.

"Mabilis lang ako anak." ngimiti naman ako at tumango. Hinawakan muna nito ang tiyan ko bago umalis. Napaayos ako ng upo at mahinang hinaplos ang aking tiyan.

"Hi baby... gutom kana ba? Konting tiis na lang baby darating na yung order natin." humagikhik naman ako.

"Kapit ka lang ng mahigpit sa 'kin baby ha... wag mo ring iiwan si mommy." emosyonal kong saad.

"Sayang lang at hindi mo na makikita ang lolo at lola mo. Pero alam mo baby.. babantayan nila tayo mula sa langit." ngiti kong sabi habang patuloy paring hinahaplos ang tiyan.

"Siguro kong nandito lang sila baka bumili na agad sila ng mga damit mo kahit 4 weeks ka palang sa tiyan ko." napahagikhik naman ako.

"Sila ang magiging the best lolo and lola in the world mo. Kapag gabi anak... tingin lang tayo sa stars kasi sabi ng lolo mo nandon daw silang dalawa." malungkot akong napangiti.

"Wag mo ring iiwan ang mommy ha? Stay with me baby... wag mong iiwan si mommy." napasinghot ako at pinunasan ang tumulo kong luha.

"Ang daddy mo.. excited ka na bang makita siya?" masigla kong saad. "Ako rin eh... miss ko na ang daddy mo. Sobrang busy niya kasing tao kaya minsan niya lang tayong mabibisita."

"Pero wag kang magalala. Sigurado akong kapag nalaman na niya... hindi na yun magkakanda ugaga dahil sa'yo. Ngayon palang alam kong magiging mabuting daddy siya sa'yo."

"Sabihin natin sakanya ang tungkol sa'yo baby ha... kaya dapat kapit ka lang kay mommy. Wag kang bibitaw... I love you anak.. can't wait to see you." mahina kong saad.

Napahikab ako at nahiga na nang makaramdam na ng antok. "Sleep muna si mommy baby ha... behave ka lang dyan. Love you baby..."

Muli na naman akong napahikab at nagsimula ng bumagsak ang mga talukap ko sa mata. Sana matapos na ang mga problema ko.. Gusto ko na ring magpahinga. Gusto ko nang matulog ng walang iniisip na iba.

Ngayon na ang araw kung kailan sabay na ililibing sila mama. Lagi lang akong nasa kwarto kahit na sinasabi ni nanay na kailangan ko ring lumabas dahil buntis ako.

Nakiusap ako sa kanilang dalawa na walang ibang makaka alam tungkol sa pagbubuntis ko. Alam kong pagchichismisan na naman ako ng mga tao dahil na rin sa pagiging madre ko noon.

Ayoko lang na pagsalitaan ng kung ano-ano ang baby ko. Kung ako lang ang mapapasama..ayos lang sa 'kin. Pero hindi ako papayag kapag ang anak ko na. Tsaka gusto ko munang malaman ni kalas ang pagbubuntis ko bago sa iba.

Kaso nga lang hanggang ngayon hindi pa rin siya nagpapakita. Kaya mas bumigat ang loob ko dahil wala siya sa tabi ko kung kailan kailangang-kailangan ko siya ngayon.

"Rafflesia anak.. halika na sa baba? Kailangan ka na doon anak, sige na." napabuntong hininga naman ako.

"S-susunod na lang po ako nay.." pumiyok pa ako nang sabihin ko 'yon.

Sumang-ayon naman si nanay kaya walang gana akong tumayo at pumunta sa walk in closet ko. Hinaplos ko ang tiyan ko.

"Ang bigat ng loob ng mommy mo baby.." mahina kong bulong habang hinahaplos ito.

"Hindi ako makapaniwala na dalawang tao ang ibuburol ko ngayon...at ang malala, yung lolo at lola mo pa." napatingala ako para pigilang tumulo ang luha ko.

"Hindi ko ata kaya baby... pero please... gabayan at samahan mo lang ako baby ha." napatingin ako sa salamin at pilit na ngumiti.

"Miss na miss ko na ang daddy mo. Siya kaya, miss niya din ba ako? Miss niya na rin ba tayo?" napanguso ako at pumili na lang ng damit.

Sinuot ko na lang ang itim kong dress at hinayaang nakalaylay ang aking mahabang buhok. Magpapantalon sana ako kaso nagresearch ako sa dapat gawin ng mga buntis.

Hindi pa naman malaki ang tiyan ko pero ayoko ng magsuot ng gano'n. Baka lang maipit si baby...

Nang makababa na ako ay madami na ang naroroon. Napayuko na lang ako at nahihiyang tumabi kila tita glenda.

"Are you okay raffy?" napatingin ako dito at bahagyang tumango.

Napatitig ako sa harapan at dahan-dahang lumapit dito. Hinawakan ko ang kabaong nila at nagsimula na naman akong umiyak.

"Wala na talaga kayo.... iniwan niyo na talaga ako... ang daya niyo talaga.." humihikbing saad ko.

"Hindi niyo na tuloy makikita ang magiging apo niyo.. hindi po ba pangarap niyo 'yon?" pinunasan ko ang luha ko at napatingala.

"Mahal na mahal ko po kayong dalawa ma,pa... mahal ka namin ng apo niyo." mahina kong bulong at pasekretong hinaplos ang tiyan ko.

"Sana po ay masaya na kayong dalawa diyan sa taas... alam kong masaya na kayo kasi magkasama na ulit kayong dalawa." malungkot akong napangiti.

"Pipilitin ko pong mabuhay ng masaya kagaya ng sabi niyo sa akin sa sulat
... pipilitin ko po para mapanatag kayo sa taas at para narin sa magiging bago kong pamilya." this time.. totoong ngiti na ang sumilay sa aking mukha.

"Hinding hindi ko po kayo makakalimutang dalawa. You're the best mom and dad in the world. I love you both so much..." pinahid ko na ang huling luhang tumulo sa 'kin at naglakad na papalayo.

Ramdam ko ang mga tingin nila sa akin ngunit hindi ko na lang ito pinansin. Napatigil ako nang may humarang sa aking harapan. Yumuko naman ito at humingi ng paumanhin.

Lalaki ito at mukhang nasa late 20's lang. Napatingin ako sa hawak niya at napatango ng pasekreto. Siya siguro ang kukuha ng litrato para mamaya.

"E-excuse me miss..pero pinapasabi po ni boss na after 10 minutes pupunta na po tayo sa simbahan. At pagkatapos daw po ng misa deretso na po tayo sa Lagardoza Memorial Park." nahihiyang sabi nito na napapayuko pa.

"A-ah sige.. okay na rin ba yung sasakyan ng mga makikiramay?" tumango naman ito.

"Okay na po maam..." tumango naman ako at nagpa excuse na sakanya.

Napahawak ako sa tiyan ko nang bigla itong humilab. Nagmamadali akong pumunta sa banyo at malambing itong hinaplos.

"Sorry baby..anong gusto mo? Huwag ka munang magkukulit ha? Focus muna tayong dalawa kila lola..." malambing kong sabi habang hinihimas ko parin ang tiyan ko.

Malalim naman akong napahinga nang hindi na ito humilab pa. "Ang bait-bait naman ng baby ko. Napakamasunurin sa mommy..thank you baby."

Mabigat parin ang damdamin ko habang nagsisimula na ang misa. Nang nasa sementeryo na kami ay tuluyan ng bumagsak ang balikat ko.

Kahit ano pa talagang pilit ko ang hirap pa ring tanggapin na wala na ang magulang mo. Paano ako mabubuhay ng wala ng gagabay na magulang sa 'kin? Ang hirap maglibing ng magulang... parang namatay na rin ang kalahati mong katawan.

Kanina pa ako pinapatahan nila nanay pero hindi ko parin magawang tumigil. Pati sila nanay at tita pati narin ang mga nandito ay nagsisiiyakan na nang magsimula na ang mga lalaki na ibaon sa lupa ang mga kabaong nila mama.

Napaupo ako sa sahig at malakas na napahagulhol doon. Naramdaman kong niyakap ako ni nanay at hinahaplos ang aking buhok.

"T-tahan na anak... baka mapasama na naman ang baby mo sa tiyan." nagaalala nitong sabi.

Pinilit ko namang kumalma. Ayoko ng may mangyari ulit na masama sa baby ko. Hindi ko na kakayanin kapag siya rin ay nawala.

Nasaan kana kasi kalas? Kung kailan kailangan kita..lagi kang wala.

"M-mahirap man tanggapin ang pagkawala ng mama mo at papa. Kailangan nating ipagpatuloy ang buhay. Tandaan mo rafflesia. May bata na sa iyong sinapupunan." naiiyak na tumango naman ako.

"N-nay bakit hanggang ngayon wala pa rin si kalas?" nanginginig kong tanong.

"Hindi ko rin alam anak..."

Nanginginig akong napatayo at naglakad papunta sa harapan nila mama at humigpit ang hawak ko sa puting rosas.

"M-mahal ko po kayong dalawa... maging masaya po kayo kung nasaan man kayong dalawa."

Lahat na sila nakapagtapon na ng bulaklak ako na lang ang kulang. Napahawak ako sa dibdib ko at nagsimula na namang umiyak.

"M-mamimiss ko kayo ma..pa." mariin akong napapunas ng luha.

"P-pinapalaya ko na po kayong dalawa." mahinang sabi ko at hinagis na ang hawak kong bulaklak sa kanilang puntod.

Niyakap ako nila tita habang pinapanoob naming bagsakan ng mga lupa ang kabaong nilang dalawa. Niyakap ko pabalik si tita at doon umiyak.

"Shh...tahan na hija. Nasa maganda ng lugar sila kuya. H-hayaan na lang natin sila ngunit hindi natin sila kailan mang malilimutan." malamyos na sabi nito habang hinahaplos ang buhok ko.

"S-susubukan ko pong maging masaya...kahit na wala na silang dalawa." humihikbing sabi ko.

"Nandito lang kaming lahat para sa'yo raffy. Hindi ka namin pababayaan... may pamilya kapa hija." napahiwalay na ako ng yakap at pinunasan ko na ang luha ko.

"Maraming salamat tita... hindi ko po alam ang gagawin ko kung wala po kayong lahat." ngumiti naman ito at pinunasan ang tumulo nitong luha.

"Hindi kana iba sa 'min raffy... pamilya ka namin. At ang pamilya ay laging nagtutulungan." napangiti naman ako ng mapait.

"Salamat rin po dahil halos kayo na po ang nagasikaso simula noong burol at libing nila mama. Nakakahiya lang po dahil wala po akong ginawa kundi magmukmok sa bahay."

"Ano ka ba hija. Wala iyon.. sabi ko nga, sino pa ba ang magtutulungan kundi tayo-tayo rin lang naman." napangiti naman ako at muling niyakap siya.

"Pinauna ko na ang ibang mga nakiramay sa bahay para makakain na rin sila. Ano? Alis na rin ba tayong lahat?" singit ni nanay.

Napatingin naman silang lahat sa akin kaya napayuko ako. "A-ah mauna na muna po kayo roon. Gusto ko muna pong mapag isa dito."

"P-pero delikado kang mag-isa rito rafflesia." bakas ang magkabahala sa boses ni nanay.

Alam ko naman 'yon. Pero gusto ko lang talagang mapag-isa. Gusto ko munang makausap sila mama ng ako lang mag isa. Marami pa akong ikekwento sa kanila bago ako tuluyang umalis sa harapan nila.

"I'll just sama you na lang couz. I won't make an ingay na lang para makapag emote ka." maarteng sabi ni mira.

Napairap na lang ako sa hangin. Akala ko hindi na talaga iimik pa si mira.Kanina pa kasi siya hindi nagsasalita.

"Ikaw pa? Sinong niloko mo mira?" pang aasar ni kuya julius. Ikalawang kapatid ni mira.

"You'll just bother raffy here, mira." sabi ni kuya luthor. Nakakatandang kapatid ni mira.

Nakita ko namang napairap si mira at nagtatampong lumapit kay tito felix. "Dad oh. They are nangaasar na naman." natawa naman si tito.

"Hayaan na muna natin si raffy anak. She need to be alone muna. Let's understand her okay?"

"Hmm kay.." walang ganang sagot nito.

"Pero..."

"Ako na lang po ang magbabantay kay raffy nay." singit bigla ni thunder kaya kinunutan ko ito ng noo.

Kakasabi ko lang na gusto kong mapag isa. May nagiisa bang may kasama?

"Hindi nga pwede kuya---"

"Sa kotse na lang ako maghihintay. Malayo na sa'yo yun ha. Huwag kang maarte dyan." mataray nitong sabi.

"Ang daya... why is that bastard pwede but not me? That's so unfair."

"Panget mo kasi."

"You..."

"Yeah me.."

"Gago."

"Mira..." napairap naman si mira nang suwayin siya ni kuya luthor.

"Buti nga sa'yo conyo. Sakit mo sa tenga." susugudin na sana siya ni mira nang pigilan ito ng mga kuya niya.

"Kuya! Tumigil ka nga.." pinandilatan ko pa siya ng mata. Inirapan lang ako nito at napamulsa.

"Pa'no ba yan. Mauuna na kami sainyo raffy. Sumunod ka agad ha?" tumango naman ako dito at ngumiti. Isa-isa ko silang niyakap bago sila umalis.

"Bantayan mo yang maigi thunder. Buntis 'yan sinasabi ko sa'yo." umismid namin si thunder.

"Oo alam ko na 'yan nay. Ulit-ulit ka eh.." binatukan naman ito ni nanay kaya napadaing ito.

Nakipag usap pa sa'kin saglit si nanay bago tuluyang umalis kaya kami na lang dalawa ni thunder ang naiwan.

"Ano pang hinihintay mo? Do'n kana sa kotse mo." mataray kong sabi. Umirap naman ito at napamulsang naglakad papalayo.

Napaupo naman ako sa harapan ng pinagtabunan ng lupa nila mama. Ngumiti ako at hinimas ang tiyan ko.

"Ano kayang gender ng apo niyo ma,pa? Ano po bang gusto niyo?" napahagikhik naman ako.

Marami pa akong kwenento kila mama hanggang sa maging orange na ang kalangitan. Napatingin ako sa relo ko at alas singko na pala. Halos isang oras na pala ako dito.

"Pa'no ba yan mama, papa. Aalis na po ako kasi baka magkasakit ang apo niyo dahil maggagabe na at baka malamigan siya." napatawa naman ako ng mahina.

"Wag po kayong mag-alala.. araw-araw ko po kayong pupuntahan. Lagi namin kayong kakausapin ng apo niyo. Magpapaalam na muna po ako ngayon. Say bye na kay lolo at lola baby." ngiti kong sabi habang hinihimas ang tiyan ko.

"Bye lola, bye lolo..." pinaliit ko ang boses ko. Napatawa naman ako dahil parang baliw na ako.

Dahan-dahan akong tumayo at pinagpagan ang pwetan ko. Napapikit ako ng dumampi sa balat ko ang preskong hangin.

Napamulat ako at nagtama ang tingin namin ng isang naka black na jacket na lalaki sa gilid ng puno. Pinaliit ko naman ang mata ko para maaninag kung sino ito.

Nanlaki ang mata ko nang parang pamilyar ang katawan nito at ang panga.

"K-kalas..." mahina kong bulong.

Parang narinig ito ng lalaki kahit na impossible dahil ang layo ng pagitan namin. Mabilis itong tumalikod at nagsimula ng tumakbo papalayo.

Nagsimula na akong habulin siya ngunit napatigil ako dahil kumirot bigla ang tiyan ko. Napadaing ako ng mahina at nilagay ang kamay ko sa tiyan.

Napatingin ulit ako sa tinakbuhan ng lalaki ngunit wala na ito roon. Nakarinig ako ng mabibigat na yabag kaya napalingon ako don.

"Ano bang ginagawa mo rafflesia? Bakit ka tumatakbo at sa'n ka naman papunta?" tiningnan ko lang ito saglit bago bumalik sa tinakbuhan ng lalaki.

"P-parang nakita ko si kalas kuya..." wala sa sarili kong sabi.

"Si kalas? Baka guni-guni mo lang. Tsaka bakit mo hawak 'yang tiyan mo? May masakit ba?" nagaalala nitong tanong.

Muli namang napatingin ako sa tiyan ko at napapikit ng mariin nang maalala kong kumirot ito dahil sa pagtatatakbo ko.

"B-bumalik na tayo sa bahay kuya..." mahina kong bulong. Kahit na nagtataka ay tumango na lang ito at inalalayan ako.

Napasulyap muna ako sa kinaroroonan ng lalaki kanina bago bumalik sa paglalakad.

Baka guni-guni ko lang nga...

Nakalipas ang ilang araw simula no'ng nilibing na sila mama ay naging tahimik na ang bahay. Although, laging bumibisita sila tita lalo na si kuya na halos dito na tumira dahil sa madalas niyang pagpunta.

Pinilit ko ngang dito na lang siya kaso ayaw niya dahil may bahay din naman daw siya. Hinayaan ko na lang dahil mukhang walang planong magpatalo.

Lagi naman akong inaalalayan ni nanay lalo na ngayong pinagbubuntis ko ang anak ko. Kaya kahit papaano nagagawa ko paring maging masaya...kahit minsan lang.

Hindi pa rin ako sanay na wala sila mama kaya araw-araw akong bumibisita sa puntod nilang dalawa. Tuwing gabe ay nagoover think na naman ako pero mabuti na lang at nandyan ang baby ko.

Napabuntong hininga ako nang pang singkwenta ko na atang dinial ang number ni kalas ngunit hindi man lang nito sinagot kahit isa.

Nakakatampo na siya...

"Kapag hindi niya pa 'to sinagot hindi ko na talaga siya papansinin kahit kailan." uyam kong sabi bago muling dinial ang numero nito.

Nilapit ko ito sa tenga ko at hinaplos ang tiyan ko. "Tampo ka rin kay daddy, baby?" nguso kong tanong.

Para naman akong nabuhayan ng sagutin na nito ang tawag ko.

"Hoy kalas! Bakit ngayon mo lang ako sinagot---"

"Excuse me? Who the fvck are you miss? Why are you calling my boyfriend? Are you his slut?"

Para naman akong nanigas dahil babae ang sumagot nito. A-at boyfriend? M-may ibang babae si kalas?

"B-boyfriend mo si kalas?" nanginginig kong tanong.

Hinaplos ko ang tiyan ko na parang doon kumukuha ng lakas. Nagsimula ng mamuo ang luha sa aking mata.

Akala ko tapos na ang pagdurusa ko....hindi pa pala.

"Yes! Sino pa ba? And he's going to be my fiancé. So if you are one of his slut. Back off before I kill you."

"F-fiancé---"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang ibaba na nito ang tawag. Nanginginig ko namang tinignan ang hawak kong telepono hanggang sa ito'y bumagsak sa sahig kaya rinig ang pagkabasang ng screen.

Nahihirapan akong huminga kaya pilit kong pinakalma ang sarili. Kumalma ka raffy... wag mong idamay ang anak mo sa kamiserablehan mo.

Napaupo ako sa sahig at napasapo sa noo at doon humagulhol. Pati ba naman ikaw kalas? Akala ko ako lang...

Pinunasan ko agad ang mukha ko. Hindi. Hindi 'yon magagawa sa'kin ni kalas. Mahal niya ako at hindi niya ako magagawang lokohin. Baka isa lang 'yong katrabaho niya na may gusto sa kanya at nagiillusyon na boyfriend niya si kalas.

Tama...gano'n na nga. Hindi ako lolokohin ni kalas. Hindi niya magagawa 'yon.

Nagmamadali kong sinuot ang makapal kong jacket dahil malamig na sa labas dahil maghahating gabi na rin. Kinuha ko na rin ang wallet ko at dahan-dahang binuksan ang pinto.

Napatingin ako sa kaliwa at kanan at ng makompirmang wala ng tao ay agad akong bumaba hanggang sa makalabas na ako. Naghintay ako ng masasakyan kahit na impossibleng makakuha ako dahil dyes oras na ng gabi.

Nandito sana ang kotse nila papa kaso hindi naman ako marunong magdrive kaya wala akong choice kundi maglakad hanggang papalabas ng village baka doon may dumaang taxi.

Mahigpit akong napayakap sa jacket ko dahil sa lamig ng hanging dumampi sa 'kin. Hindi ko na inalala kahit na halos walang ilaw sa dinaraanan ko ngayon.

Halos mapasigaw na ako nang may makita akong papalapit na taxi. Agad ko itong pinara at mabuti naman ay huminto siya. Agad akong sumakay at sinabi ang address ni kalas.

Mabuti na lang at kabisado ko yung pangalan ng lugar niya. Napakagat ako sa kuko ko dahil sa sobrang kaba. Maraming mga what if's ang pumapasok sa isip ko.

Masyado na naman akong nagoover think dahil sa tawag na iyon. Pero paano kung nagsasabi nga ng totoo yung babae? Paano kung totoo ngang boyfriend niya si kalas? Paano kung niloloko niya talaga ako simula pa lang?

Hindi ko ata kaya...

Wag naman sanang lahat sila ay mawala sa 'kin. Wag namang pati si kalas ay iwan din ako.

Pero hindi.... naniniwala ako kay kalas. Naniniwala ako sa pagmamahal niya. Sa mga salitang binitawan niya at sa mga kilos na pinakita niya. Alam kong lahat ng 'yon ay purong katototohanan.

Kaya impossibleng lokohin ako ni kalas. Impossible...

"Miss nandito na tayo..." wala sa sarili pa akong napatingin sa driver. Napapikit naman ako bago kinuha ang pera sa wallet ko.

Hindi ko na hiningi ang sukli at nagmamadaling bumaba sa taxi at agad na nagtungo sa malaki nitong gate. Agad akong nakita ng gwardya nila kaya agad itong lumapit.

"Ano pong ginagawa niyo dito miss? Gabi na ha.. hindi maganda ang lumabas ng ganitong oras lalo na't babae ka. Nako, delikado na ngayon." hindi ko na lang iyon pinansin. Mas may importante pa kaysa roon.

"Nasaan si kalas?" kumunot naman ang noo nito.

"Si mr russo ba?" tumango naman ako. Hindi na ako mapakali sa kinatatayuan ko kaya naguguluhan akong tiningnan nito.

"Anong kailangan mo sakanya?"

"Kailangan ko siyang makausap."

"Bukas ka na lang makipag usap sakanya miss. Nagpapahinga na si boss. Balik ka na lang bukas at mag dala ka ng appointment mo." umiling naman ako.

"Please... kailangan ko lang talaga. Sabihin mo lang sakanya na nasa labas si raffy. Sigurado akong papapasukin niya ako."

"Teka sino ka ba---"

"Hoy Kaloy! Anong ginagawa---oy miss ikaw pala." agad nitong binuksan ang gate at inalalayan akong pumasok. Nagpasalamat naman ako.

Mabuti na lang at nakilala ako no'ng gwaryang nakasunod sa'min noon ni kalas no'ng pumunta ako dito.

"Hoy sino ba 'yan---"

"Tumahimik ka. Girlfriend yan ni boss."

"Eh sino yung---"

"Tumahimik ka nga. Ah miss nasa loob po si boss. Gusto mo po bang samahan kita papunta sakanya?" agad naman akong umiling.

"S-salamat pero ako na lang siguro." Tumango naman ito.

Nagmamadali akong pumasok sa loob at nilibot ko ang tingin ngunit wala siya ro'n. Kaya napatingin ako sa taas at pumanhik doon.

Parang may karera sa dibdib ko dahil sa sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko. Nanginginig akong lumapit sa pinto ni kalas. Napahawak ako sa tiyan ko at napapikit ng mariin ng may marinig na ingay doon.

Nanginginig ko nilagay ang kamay ko sa door knob at unti-unti itong pinihit at tinulak. Nanigas ako nang makita ko ang walang pantaas na si kalas at tanging tuwalya lang ang nakatakip sa baba niya. Basa rin ang buhok nito pati na ang katawan.

Nanlalaki ang mata kong tiningnan ang babaeng nakahiga sa kama niya. Naabutan ko lang naman na naka patong si kalas sa babaeng tanging manipis na tela lamang ang suot.

Napahikbi ako kaya napatingin silang dalawa sa'kin. Parang nakakita ng multo si kalas at nagmamadaling umalis sa pagkakapatong sa babae niya. Naluluha ko itong tiningnan kaya nagmamadali itong lumapit sa 'kin.

"W-wag kang lumapit..." nanginginig kong sabi. Umiling naman ito at tila pinapakalma ako.

"No baby...please let me explain. It's not what you think okay..." malambot nitong sabi at lumapit pa sa 'kin kaya umatras ako at dinuro siya.

"Sabi ng wag kang lumapit!" malakas kong sigaw kaya natigilan ito. Napasabunot ito sa buhok bago ako nito tiningnan ng nagmamakaawang mukha.

"A-ang sama mo kalas... p-pa'no mo nagawa sa 'kin 'to. Ang sama mo." umiiyak kong sabi.

Hinawakan nito ang kamay ko kaya pabalang kong iniwas ito. Halos umiyak na ito sa harapan ko pero hindi ko ito pinansin.

"H-huwag mo kong madramahan kalas. P-pagkatapos mo 'kong lokohin ikaw pa ang may ganang gumanyan."

"No baby please...I can explain. This is just a pure misunderstanding." pagmamakaawa nito na halos lumuhod na.

Sinamaan ko ito ng tingin kahit na punong-puno na ng luha ang buo kong mukha.

"Hayaan mo na nga 'yang maarteng yan babe... let's just continue what we're doing a while ago." malandi nitong sabi.

"Fvcking shut up joanna! Leave or else I'll burn you fvcking alive!" parang puputok na ang ugat nito sa leeg ng isigaw niya iyon.

"Wag na...ako na lang ang aalis." matabang kong sabi at tumalikod na ngunit agad akong pinigilan ni kalas.

Sinamaan ko 'to ng tingin at hinablot ang kamay kong hawak niya. "Wag mo na 'kong mahahawakan kalas. Wala ka ng karapatan." napailing naman si kalas at pilit parin akong hinahawakan kaya mabilis na akong umalis.

Narinig ko pang sinigaw niya ang pangalan ko ngunit hindi ko na ito nilingon. Wala na akong masyadong makita dahil sa tuloy-tuloy na pagdaloy ng luha ko. Nagmamadali akong naglalakad at nang nasa hagdanan na ako ay pinunasan ko ang mukha ko para maaninag ang aapakan ko.

Lagi dapat akong nagiingat dahil hindi lang ako ang pwedeng mapahamak. Hinawakan ko ang tiyan ko habang bumababa.

"P-pasensya kana anak ha... n-nasasaktan lang talaga ngayon si mommy. A-ang d-daddy mo eh.." naiiyak kong sumbong sakanya.

Malapit na sana ako na main door nang sumigaw na naman si kalas at rinig ko ang mabibigat nitong yabag. Hinila nito ang kamay ko at pinaharap sakanya.

Gusot pa ang puti nitong damit at tanging boxer lang ang pangbaba. Mukhang nagmadali talaga siya. Pero wala na 'kong pake pa...

"I told you that I can explain!" bulyaw nito kaya medyo nagulat pa 'ko.

"At sinabi ko ring wala na akong pake sa explaination mo!" bulyaw ko pabalik.

"Bullshit!" napaigik ako nang mahigpitan nito ang hawak sa 'kin.

"Ano ba! Bitawan mo nga ako!" agad naman ako nitong binitawan at mabilis na niyakap ako.

Nagpumiglas ako ngunit mas hinigpitan pa niya ang yakap sa 'kin. Ang baby ko...kapag nabasag ang tiyan ko humanda talaga siya sa 'kin.

"Ano ba kalas! Sabi ko ng bitawan mo 'ko eh. Ganyan naba kakitid ang utak mo ha?" binuhos ko ang natitira kong lakas para hawiin siya. Na napagtagumpayan ko naman dahil tila nanigas ito sa kanyang kinatatayuan.

Tumalikod na 'ko sakanya ngunit pinigilan niya na naman ako kaya kaunti na lang ay mauubos na niya ang pasensya ko. At hanggat maaari ay ayokong mangyari 'yon dahil alam kong masasaktan lang siya sa mga sasabihin ko.

"Kalas... pagod na 'ko. Gusto ko ng magpahinga kaya pwede ba bitawan mo na 'ko." malumanay kong sabi.

"You can rest here baby... im sorry but I won't let you go knowing that you're mad at me. Im sorry baby please... hear me out." halos bumigay na 'ko dahil sa boses niya at sa ekspresyon niya. Pero hindi...

"Sorry din pero hindi ko pa kayang makinig sa'yo... nakakapagod na..." para naman itong nataranta na para ng maiiyak.

"No baby.. please you're the only one that I have. I can't lose you baby.. I can't please.." nanghihina nitong sabi.

Hindi ko rin kayang mawala ka kalas... pero ang sakit lang. Ang sakit no'ng nakita ko. Tiniis ko ang pagkamiss ko sa'yo tapos... 'yon ang maaabutan ko.

"Nagtiis ako kalas... nagtiis ako kahit na gustong gusto ko ng makita at mayakap ka ng sobrang higpit. Nagtiis ako ng halos ilang linggong hindi ka kasama." humihikbi kong sabi.

Niyakap naman ako nito ngunit tinaboy ko siya at kitang kita ko ang sakit na dumaan sa berde niyang mata. Para akong tinusok ng isang libong kutsilyo nang makitang nanunubig na ang mata nito.

"Hindi mo alam kung gaano ako nangulila sa'yo. K-kung kailan kailangang kailangan kita kalas... tsaka ka nawawala. N-nawala 'yong magulang ko kalas... iniwan nila kong dalawa. At alam mo bang pakiramdam ko noon, parang iniwan mo na rin ako."

Napailing naman ito at hinawakan ang kamay ko. "That's not true baby... im always with you." umiiyak naman akong napatingin dito at umiling.

"You're always with me but why can't I feel your presense back then? W-wala ka kalas... yung panahon na kailangan ko ng makakasama ikaw lang ang naisip kong taong aking makakaramay.. pero wala... wala ka."

Napahilamos naman sa mukha si kalas at ginulo ang kanyang buhok. Alam kong nasasaktan na si kalas sa mga sinasabi ko... pati na rin ako. Mas doble ang sakit sa 'kin ang makita siyang nasasaktan pero parang kailangan ko na talagang ilabas.

Baka sumabog na ako dahil matagal kong kinikimkim ang mga ito.

"A-at naiintindihan ko 'yon. Inintindi ko ang pagkawala mo dahil alam kong may mas importante pa kaysa ro'n." umiling ulit ito.

Magsasalita na sana ito ngunit inunahan ko na siya.

"Lahat 'yon tiniis ko para sa'yo. Ni minsan hindi ka nakarinig sa'kin ng reklamo. Lagi kong iniintindi ang mga desisyon mo. Binigay ko ang buong tiwala ko sa'yo. Ni minsan hindi pumasok sa isip ko na lolokohin mo 'ko... pero bakit gano'n? Bakit mo ginawa sa'kin 'yon kalas?"

Tuluyan na akong napahagulhol at napaupo na sa sahig. Niyakap naman ako ni kalas sa likod habang hinahalikan ang buhok ko.

"Im sorry baby...im sorry. Im sorry because you have to suffer like this... im sorry for not being with you during your tough fight. Im sorry baby..." rinig ko ang pagnginig ng boses nito.

Sorry.... sorry na lang... lagi na lang sorry.. nakakasawa na...

Tumayo ako at pinunasan ang mukha ko. "Nagtampo ako sa'yo kalas... kasi paano mo ako nagawang matiis ng gano'n katagal? Samantalang ako halos hindi na makatulog sa kakaisip sa'yo. Ni hindi mo man lang ako magawang tawagan. Hindi ko nga masagot yung mga tawag ko sa'yo..."

"Tapos no'ng sinagot mo nga... ibang tao pa... and worst... babae mo pa."

"No she's not my girl baby... you're the only girl in my life. She's no one baby...please believe me." desperadong sabi nito.

"Tama na kalas... wala na 'kong pake kung babae mo man siya o hindi. Basta alam ko lang... pagod na 'ko. Lahat ng tao napapagod... at isa na ako do'n. Pagod na'ko kakahintay sa'yo."

Kitang kita ko ang pagtulo ng luha nito. Bumigat ang dibdib ko dahil do'n. Sorry.... pero hindi ko na talaga kaya. Sorry kung ang dali kong sukuan ka. Sorry...

"Ni hindi mo man lang ako magawang bisitahin kahit saglit. And I guess hindi mo rin alam ang pag tangka ko sa sariling buhay, right?" para naman itong nakakita ng multo.

"W-what?" napangisi naman ako.

"You what? You tried to kill yourself? What the fvck!" napangisi naman ako at umiling iling.

"Di ba? Hindi mo rin alam? Kung hindi lang ako nakita nila thunder... baka wala na 'ko sa harap mo ngayon." wala na kami ng baby mo.

"W-why?" mukhang wala parin ito sa sarili.

"Hindi ko na kailangan magpaliwanag. Bumalik kana sa kwarto mo. Bumalik kana sa fiancé mo."

"Fiancé? what the fvck baby?" maang maangan ka pa.

"Kaya pakawalan mo na ako dahil ahhh!" napahawak ako sa tiyan ko ng kumirot ito.

Ang baby ko... sorry baby. Kapit ka lang kay mommy. Sorry kung nastress at nasobrahan na naman ako sa emosyon.

"A-are you okay baby?" natatarantang sabi nito at hinawakan ako. Tinabig ko naman ang kamay nito kaya dumaan na naman ang sakit sa mata nito.

"Please lang... nakikiusap ako sa'yo. Lumayo kana sa'kin. Mas lalo lang akong nasasaktan kapag nakikita kita. Bumabalik lang sa isip ko ang nakita ko kanina. Kaya pakiusap... pabayaan mo na 'ko kalas."

Tila naman natigilan ito kaya sinamantala ko ng umalis. Ngunit bago pa ako umalis nilingon ko muna siya at sinabing...

"Ngayon na nga lang kita nakita... may kasama ka pang iba..."

Nagmamadali akong lumabas at umiiyak na nagtatakbo papunta sa gate. Sinubukan pa akong harangin ng mga guard ngunit mabilis akong nakalusot sa kanila.

"Get my fvcking car you dumbass!"

Mas nagmadali pa 'kong tumakbo at nang makalabas na ako sa gate. Tila nakikiayon sa akin ang tadhana dahil saktong may dadaang taxi. Pinara ko agad ito at sinabing pakibilisan.

"Kuya alam mo po ba yung dulo nitong maynila? Yung parang nasa bundok po dahil kitang kita ang buong syudad?" tumingin naman ito sakin gamit ang rear view.

"Ah opo maam. Doon ho ba kayo?" tumango naman ako. "Pero gabi na po maam baka mapahamak kayo ro'n."

"Ihatid mo na lang po ako don manong. Kaya ko na po ang sarili ko." nagkibit balikat na lang ito at nagpatuloy sa pagdadrive.

Napatingin ako sa likod ng taxi para tingnan kong nakasunod ba si kalas. Mahina naman akong napahinga ng hindi ito nakasunod.

Hinaplos ko ang tiyan ko. Sorry anak... muntik ka na namang mapahamak dahil sa mommy mo. Hayaan mo, iiwas muna si mommy sa mga taong mag bibigay ng stress sa 'kin.

Pinunasan ko ang tumulong luha sa mata ko. Agad akong humaba nang makarating na kami sa sinabi kong lugar. Mahigpit akong mapayakap sa sarili dahil sa lamig.

"Alam mo ba baby... dito ako dinala ng daddy mo bago ka namin nabuo." napahagikhik naman ako.

"Naalala ko noon. Sabi ng daddy mo maguusap lang daw kami bago niya ako payagang pumunta sa italy. Pero scammer ang daddy mo. Kinidnap ako eh." napatawa naman ako habang umiiyak.

"Nangako kami dito anak... sabi namin babalik kami dito...ng magkasama. Pero mukhang isa na namang pangako ang hindi natupad. Tingnan mo ako ngayon. Nagiisa."

Napatingin naman ako nang may humarurot na sasakyan sa likod ko. Napataas ako ng kilay ng pamilyar ang kotseng iyon. Galit na bumaba ng kotse si kuya thunder kaya napatayo ako. Anong ginagawa ng lokong 'to dito?

"Anong ginagawa ko dito kuya---" naputol ang sasabihin ko nang yakapin ako nito ng mahigpit.

"Anong ginawa sa'yo ng gagong 'yon rafflesia? Sabihin mo sa'kin." galit nitong sabi at nanlilisik pa ang mga mata.

Napakurap naman ako. "Ano bang sinasabi mo?"

"Wag ka ng magmaang maangan. Sinundan kita at nakita kong umiiyak kang lumabas mula sa bahay ng potanginang 'yon." malakas na sigaw nito.

"S-sinundan mo 'ko?" umirap naman ito.

Wala na akong nagawa kundi ikwento ang nakita ko. Kaya naman galit na galit ito.

"Potangina talaga. Sabi na nga ba at gago ang potanginang 'yon." gigil nitong sabi.

"Kuya naman..."

"Hindi..kailangan nating parusahan ang gagong 'yon." napanguso naman ako.

"Ang sama mo naman... pero ano ba 'yon?" ngumisi naman ito.

"Babalik tayo ng spain. Nandon si mama, don muna tayo maninirahan. At hindi mo ipapaalam kay kalas na may anak kayong dalawa." nanlaki naman ang mata ko dito.

"A-ano?"

"Pero wala rin naman yong silbi kasi mahahanap niya agad tayo. Ang daming koneksyon ng lalaking 'yon."

"Hindi lang siya ang may koneksyon dito raffy..." malademonyo nitong sabi.

"So anong gagawin natin?" clueless kong tanong.

"Itatago ko kayong mag ina mula sa potanginang kalas na 'yan."

Continue Reading

You'll Also Like

221K 4.8K 64
WARNING: This story contains matured contents and languages that is not suitable for young readers. But if you're an open-minded, please, read at you...
6.2K 398 33
Being a oldest is hard.
118K 5.9K 42
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...
47.1K 1K 48
C y p h e r Lynch Scott is a wealthy man in town. Women are always chasing him, begging him to bed them. But he's not that kind of man. He is too foc...