Embracing the Forbidden (COMP...

By 1wannabefr33

234K 5.3K 610

DEVOZIONE ISLAND SERIES #1 THE NUN Rafflesia Aletris De LeΓ³n pledged to God that she will serve him for the r... More

Embracing the Forbidden
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Wakas

Kabanata 16

5.4K 120 10
By 1wannabefr33

Pushcart

"Saan ka ba nanggaling anak? Alam mo ba na halos mamatay na kami dahil sa pag-aalala. Nabulabog na rin namin ang resort na'to dahil nagpatulong kami sa paghahanap sa'yo. Nagpunta na nga kami sa police station para ireport ang pagkawala mo pero sabi nila wala pa namang 24 hours simula no'ng mawala ka. Jusko.. paano kung may nangyari nga sa'yong masama.. edi walang silbi yang 24 hours nila. Nako! tataas ata ang bp ko sakanila."

Lumapit naman ako kay mama at hinagod ang likod niya. "Im sorry ma.. sorry po kasi pinag-alala ko kayo ni papa. Nang dahil sa'kin... muntik na kayong mapahamak. Sorry po talaga."

"Ano ba kasing nangyare anak? Saan ka ba natulog? Hindi ba sabi mo saamin, may bibisitahin ka lang kaibigan sa hospital. Hindi nga namin alam na may kaibigan kana pala."

"A-ano po... nakatulog po kasi ako sa hospital. May emergency po kasi, kaya binantayan ko yung kaibigan ko.. hindi ko naman po namalayan na nakatulog na pala ako.. pasensya na po."

Halos hindi na ako makatingin sa kanila dahil sa pagsisinungaling ko. Parang dati ay ayaw na ayaw ko ang nagsisinungaling. Ngayon... mukhang nagiging eksperto na ako sa larangan na iyon.

"Sino ba yang kaibigan mo hija? At ano bang nangyare sakanya? Wala ba siyang kamag anak na pwedeng magbantay sakanya?" napalunok naman ako at nag iwas ng tingin.

"W-wala po kasi 'yong magulang niya. Nagbabakasyon din po kasi siya katulad natin. Dito ko po siya nakilala at naging isang kaibigan."

Lumambot naman ang tingin saakin ni mama. "I'm happy that you finally have a friend, hija. Maybe we should visit her one of these days. I want to meet your first best friend baby."

"Yeah.. we should definitely visit her. Of course it's a her, right rafflesia?" kinabahan naman ako nang biglang sumingit ang kanina pang tahimik na si papa.

"Actually po... it's a he, not a she." kabado kong sagot.

Narinig ko namang napasinghap si mama at napasinghal si papa.

"Can you leave us alone karen? I want to talk to our daughter." walang emosyong sabi ni papa.

"What? How 'bout me? I also want to talk to our daughter. I won't leave her here, marco." napahilot si papa sa ulo niya kaya kinabahan ako. Baka may mangyari kay papa dahil saakin.

"Please karen..."

"Fine. Huwag kang tatabi sa aking matulog marco." singhal ni mama at padabog na umalis.

Narinig kong huminga ng malalim si papa bago tumingin sa akin.

"So... who is he?" diniinan ni papa ang magkakasabi noon lalo na ng he.

"Yung sinuntok niyo po kanina papá." nanlaki naman ang mata nito.

"Then cut your friendship with him. He's no good for you rafflesia. Listen to your father hija."

"Bakit po ba papa? Ano po bang nagawang kasalanan sainyo ni thunder para itrato siya ng ganon?"

"Just do what I've said, Rafflesia. I'm just doing what's the best for you. So leave him alone."

"No papá. Mabait pong tao si Thunder. Hindi.. hindi ko po siya magagawang iwasan. Kaibigan ko po siya papa at parang.. kapatid ko na po siya."

Napaigtad naman ako ng paluin ni papa ang lamesa. Napamura ito at ginulo ang buhok.

"When I said leave him alone. You leave him alone. No more buts. I don't want to see you with him raffy. You don't want me to bring back my silent treatment to you. Right hija?"

"Pero... mabuti po siyang tao papa. Bakit niyo po ba ako pinapalayo sakanya? Kilala niyo ba siya? At bakit niyo siya sinuntok kanina?"

"Listen hija. You can like anybody but don't trust them easily. You just met him..you don't know him very well. Don't be deceived by their attitude towards you anak. Even salt looks like sugar." makahulungang sabi ni papa.

"But at least, let's give him a benefit of the doubt. Im telling you papá, Thunder is nice. You just need to give him a chance to know him better. Please papa."

Ngunit kahit ano pang pangungumbinsi ko sakanya ay sarado na ang isip niya. Bakit ba galit na galit siya kay thunder? Hindi ko nga alam kung anong dahilan niya kung bakit niya sinuntok si thunder.

"My decision won't change, Rafflesia. Go back to your room and get some rest. We're going home tomorrow morning." walang emosyon nitong sabi at tumayo na sa couch.

"Po? Akala ko po ba magsstay tayo ng one week dito?"

"No.. I have to do something for my work. Get rest now. Good night Rafflesia." hinalikan ako nito sa buhok.

"Good night papa."

Pabagsak akong humiga sa kama at napatitig sa taas. Kinulit pa ako ni mama dahil gusto niyang malaman kung anong pinag-usapan ni papa. Pero tumangi ako at sinabing magpapahinga na ako kaya hinayaan na niya ako.

Ngayon ay nandito na ako sa sariling hotel room. Nalulunod na naman ako sa aking isipan.

Bakit wala akong ka alam-alam sa nangyayare sa mga mahal ko sa buhay? Bakit palagi akong clueless sa mga nagaganap?

Bakit pakiramdam ko..lahat sila ay may tinatagong sikreto sa akin. O baka naman napapraning na naman ako.

Una.. yung nakidnap ako. Pangalawa yung pagiging aloof saakin ni kalas. Pangatlo, yung babaeng pupuntahan ni kalas...yung bagong baby niya. Panghuli ay yung nangyari sa pagitan nila papa at thunder sa labas ng hotel room.

Mababaliw na ata ako sa mga naiisip ko. Kailangan ko ng itulog to. Pero paano naman ako makakatulog. Ngayong alam ko na may ibang kasama si kalas ngayon.
Napaupo naman ako at napasabunot sa mahabang buhok. Ano bang nagyayari sa'kin? Ginugulo na ni kalas ang isip ko. Para siyang lason na kumakalat sa aking buong katawan kaya mahirap itong tanggalin.

Napaigtad ako nang may kumatok sa pinto. Napahinga ako ng malalim nang maisip na baka si mama lang iyon. Hindi niya siguro matiis ang magtanong.

Kaya naman binuksan ko ito at nagulat nang hindi mama ang bumungad sa akin kundi ang isang may malaking pangangatawan na nakasuot ng black hoodie at nakamask na itim.

Sisigaw na sana ako nang tanggalin nito ang suot na mask sa bibig. "K-kalas?"

Nagising ako mula sa pagkatulala nang marinig ko ang paglock ng pintuan. Napatingin ako sa lalaking naghuhubad na ng hoodie at naupo sa tabing kama ko.

"A-anong ginagawa mo dito kalas? Akala ko ba kailangan ka nang bago mo este yung tinutukoy mo kanina."

"Nah... I prefer to be with you babydoll. I miss you." nagiwas ako ng tingin para itago ang namumula kong pisngi.

"Umuwi ka na nga. Baka may naghihintay na sayong iba." narinig ko naman itong mahinang tumawa.

"And who is it, hmm." napairap ako nang ngumisi ito ng malaki saakin.

"Wala. Umalis ka na diyan. Matutulog na ako eh. Bakit ka ba kasi nagpunta pa rito."

Nguso kong sabi sakanya. Ngumisi lang ito at matiim akong tinitigan. Nailang naman ako sa paraan ng pagkatitig nito. Naka pajama naman ako at sigurado akong hindi ako masisilipan.

"Then sleep."

"Paano ako makakatulog kong nandito ka pa. Ano ba kasing pinunta mo dito?"
nagiwas ito ng tingin.

"Because..I have a proposal for you." kumunot naman ang noo ko.

"Proposal? Ano ba yun?"

"I want you to be with me for the whole week." walang emosyon nitong saad.

Nakanganga naman akong napatingin sakanya. "S-seryoso ka ba? Ito naman... hindi ito ang oras para magbiruan--"

"Im serious babydoll."

"Pwes... hindi ako pumapayag sa proposal mo kalas. Hindi ba sinabi ko na sayo na layuan mo muna ako. Kailangan ko ng space kalas. Kailangan kong makapag isip ng maayos."

"Then you can cogitate when you're with me. Is there a problem with that? Even a nursery can resolved that."

"Hindi mo kasi maintindihan... "

"Then make me understand, baby."

"Hindi... hindi ako pumapayag sa gusto mo. Umalis kana kalas."

Bumagsak ang balikat nito at napahilamos sa mukha. Suminghal ito at tumingala.

"Why are you so hard to me baby? Are you that eager to get rid of me? I don't know if I should believe you when you said you have a feelings for me. Because your actions are saying otherwise. Damn."

"Pinagdududahan mo ba ang nararamdaman ko sa'yo? " Suminghal ako. "Kung alam mo lang na hirap na hirap akong layuan ka.. pero kailangan. Sana maintindihan mo 'yon kalas."

"Fine. But you're going with me for the whole week and that's final." napailing na lang ako.

"Hindi nga pwede--"

"Please babydoll... don't you want to be with me before you go to that fvcking italy?"

Napatitig lang ako sakanya ng matagal. Ibig bang sabihin non.. tanggap na niya na ang pagiging madre ko? Bakit parang hindi tanggap ng damdamin ko? Hindi niya ba ako ipaglalaban? Susuko na agad siya?

"A-anong ibig mong sabihin kalas?"

"That I already accepted.. that you will not chose me over him. That all this time, he's the one who really owned your heart..."

"A-ano bang pinagsasabi---"

"I'll wait for you tomorrow morning."

Napatayo naman ako nang naglakad na ito papuntang pinto. Hinawakan ko ang pulsuhan niya at pinaharap siya.

"T-teka lang... hindi pa nga ako pumapayag." nagsalubong naman ang kilay niya.

"I don't need your approval babydoll. Just packed your things already. I'll wait for you in the lobby at 8 am sharp."

"Pero... hindi pwede... "

"Don't make this hard for me Rafflesia."

"Pero hindi nga pwede---"

"I told you--"

"Patapusin mo naman kasi ako kalas. Hindi tayo magkakaintindihan kung lagi mong pinuputol ang mga sinasabi ko!"

Hinihingal pa ako matapos ko iyong isigaw. Napakurap ako nang maramdaman kong nanigas sa kinakatayuan niya si kalas.

"S-sorry..." napabuntong hininga ako.

"Hindi pwede kasi aalis na kami nila mama bukas ng umaga. Hindi naman ako pwedeng basta na lang sumama sa'yo... ayokong mag-alala na naman sila mama saakin."

"Ohh... then the day after tomorrow, baby." umiling naman ako sakanya.

"Pag-iisipan ko kalas."

Huminga ito ng malalim bago inalis ang pagkakahawak ko sakanya. Hinawakan niya ang aking mukha at tumitig ng may kung anong emosyon sa kanyang mata.

"I'll be waiting for you baby... even if it takes months, years, decades or even eternity. Just come back to me my baby." nanghihinang bulong nito sa akin.

Napapikit ako nang halikan ni kalas ang aking noo. Tinitigan niya akong muli at hinalikan ng mabilis sa labi.

"You are worth waiting for baby."

"Lahat na ba nandito? Hija, wala ka na bang naiwan sa hotel room mo?" umiling naman ako kay mama.

"So everything is all set... Shall we go now, honey?" tanong ni mama kay papa.

Tumango naman si papa at hinawakan sa bewang si mama. Inakbayan naman ako ni papa sa balikat at sabay na kaming lumabas sa Halifax Resort.

Ngayon ko lang naappreciate ang ganda ng resort na'to. Sa loob ng resort ay mararamdaman mong nasa ibang bansa ka pero kapag lumabas kana papuntang beach ay ramdam mo na nasa pinas ka nga talaga.

Halatang alagang-alaga itong resort. Sayang lang dahil hindi man lang ako nakalangoy sa kulay asul na tubig na kumikintab pa dahil sa sinag ng araw.

"P-papa?" lumingon naman sa akin si papa. "Pwede po bang magpaalam muna ako kay thunder--"

"No." napayuko naman ako at kinagat ang ibabang labi.

"Bakit mo naman pinipigilan ang anak natin marco? Porque ba lalaki ang kaibigan ni raffy kaya ganyan ka? C'mon marco... im sure raffy won't befriended him if he's a bad guy, right hija?" mabilis naman akong tumango kay mama.

"No karen. We don't have time for that.. I have a surgery at exactly two hours from now and I can't afford to be late karen."

Napabuntong hininga si mama bago ako tiningnan ng nakasimangot ang mukha. Ngumiti naman ako sa kanya at sinabing okay lang.

Naiintindihan ko naman si papa. Mas importante nga ang buhay ng taong isasalba niya kaysa sa pagpapaalam ko kay thunder. Sana lang ay makita ko ulit siya sa maynila.

Napakagat ako sa aking kuko habang pabalik-balik ang tingin sa cellphone na ibinigay sa akin ni kalas.

Ngayong araw na kasi ang araw kung saan sasama ako kay kalas bago ako pumuntang italya. Hindi ko alam ang gagawin ko kung tatawagan ko ba siya o hahayaan ko na lang siyang maghintay.

Ngunit namalayan ko na lang ang sarili ko na tinatawagan na ang numero ni kalas. Unang ring palang ay sinagot na agad ni kalas ang tawag.

"Where are you baby?"

Napahinga ako ng malalim bago nagsalita.

"Pumapayag na ako kalas--"

"Fvck! Really babydoll? So it's now unnecessary to force you to go with me.. "

"A-ano? Kung hindi pala ako pumayag ay pepwersahin mo ako?" gulat kong tanong sakanya.

"You can say that."

kahit wala siya sa harap ko ay alam kong nakangisi na siya ngayon.

"Hintayin mo ako sa labas ng 7/11 malapit saamin bandang alas nwebe ng umaga. Huwag ka nang pumunta rito sa bahay."

Pagkatapos ko yung sabihin ay pinatay ko na agad ang tawag.

Nagmamadali kong nilagay ang ilang gamit ko sa maliit na bag at bumaba na sa kwarto. Nakasalubong ko pa si mama at nagtaka ito kung saan ako pupunta.

Kahit ayaw kong magsinungaling sakanya ay nagawa ko parin. Nadawit pa ang pangalan ni Mother Superior dahil siya ang ginawa kong dahilan. Kahit kinakain na ako ng aking konsensya ay binalewala ko na lang ito.

Kahit minsan lang sa buhay ko... gusto ko munang isipin ang sarili ko. Gusto ko munang unahin ko saan ako mas sasaya sa buhay ko. At 'yon ay ang makasama si kalas sa buhay ko.

Nang malapit na ako sa aming tagpuan ay agad kong natanaw ang itim at mamahalin niyang sasakyan. Nagaalinlangan pa akong lumapit doon dahil maraming tao ang napapatingin don.

Agad kong kinuha ang itim sa sombrero at itim na mask galing sa aking bag at agad ko itong sinuot. Nang sa tingin ko ay hindi na ako makikilala ng mga tao ay agad akong tumakbo papasok sa kotse ni kalas.

Laking pasasalamat ko dahil hindi iyon nakalock. Hinihingal ako nang makaupo na ako sa passenger seat niya. Nilingon ko ang nakakunot noong si kalas. Tinaasan ko ito ng kilay.

"What's with the get up baby?"

Hindi ko ito pinansin at tinanggal na ang mask at sombrerong suot. Sinuklay ko pataas ang aking nagulong buhok gamit ang aking mga daliri. Narinig ko namang sumipol sa tabi ko si kalas.

"Damn.. what a beautiful scenery. Im so damn lucky shit." napairap naman ako sakanya.

"Tigilan mo nga ako. Magdrive kana nga." nakasimangot kong sabi at padabog na sumandal. Tumawa naman ito at nagsimula ng magdrive.

"Is this your favorite car, kalas? Pansin ko lang na ito ang ginagamit mo sa tuwing sasakay ako rito. Hindi ba marami kang kotse sa mansion mo?" nagtataka kong tanong habang nililibot ang mata sa loob ng sasakyan.

"Why? Do you want to ride a different car babydoll?" napatingin naman ako sakanya at mabilis na umiling.

"Hindi naman... actually ito nga ang paborito ko kaysa sa iba mong sasakyan."

"Me too baby.. this one is my favorite now because this car... reminds me of my babydoll." naramdaman kong uminit ang mukha ko kaya nagiwas ako ng tingin sakanya.

"Ewan ko sayo.. magdrive ka na nga lang." narinig ko itong tumawa ng malakas.

"Supermarket? Anong gagawin natin dito kalas?"

"Maybe we'll sleep there?" sarkastiko nitong sabi

Tinampal ko naman ang braso nito at sinamaan ng tingin. "Kinakausap ka ng maayos eh. Bahala ka nga.." lumabas na ako ng kotse.

"Hey.. baby, wait up." hindi ko ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Taas kilay ko siyang tiningnan nang hilahin niya 'ko paharap sakanya.

"Ewan ko sayo kalas.. huwag mo kong kausapin. Magtagalog ka muna bago kita papansinin."

"What? Are you serious?" tinaasan ko naman ito ng kilay at namewang sa harap niya.

"Do I look like a clown, kalas?"

"But.. im not that fluent in Filipino language."

"Pwes. Sanayin mo na ang magsalita ng filipino dahil nasa pilipinas ka. Ikaw dapat ang mag adjust, okay?"

"Whatever baby..." walang emosyon ko itong tiningnan.

"O-oo na?" natawa naman ako dahil sa pagkabulol niya.

"Cute mo.. isa pa nga." inirapan naman ako nito kaya mas lalo akong natawa.

"Now, you're making fun of me." natigil ako sa pagtawa ng mahina akong sakalin ni kalas sa leeg at hinila papasok sa supermarket.

"A-ano ba..bitawan mo nga ako. Bat mo ba ako sinasakal? Gusto mo ba 'kong patayin?"

"What? Why would I do that? I can kill anyone but not you babydoll."

"Ha? Seryoso ka ba? Wag ka ngang magbiro ng ganyan." kinakabahan kong sabi sakanya.

Hindi ako nito pinansin at kinuha ang isang malaking pushcart at binitawan na ako sa leeg. Nagtataka ko itong tiningnan ng sinenyas niya ang hawak na pushcart.

"Anong gagawin ko diyan? Hahawakan ko ba? Sige ba.." hahawakan ko na sana ito nang iiwas niya sa'kin iyon.

"No baby.. im the one who will drag this thing." ngumuso naman ako sakanya.

"Eh anong gagawin ko diyan?" kinabahan naman ako nang ngumisi ito na parang may masamang binabalak.

Napatili ako nang buhatin niya ako at nilagay sa hawak na pushcart. Pinalo ko naman ang dibdib niya at tinago ang namumulang mukha gamit ang palad dahil sa pagkahiya.

"A-ano bang ginagawa mo kalas? Ibaba mo nga ako.. nakakahiya. Ang dami ng nakatingin sa atin kalas." tumawa naman ito at pinisil ang kabila kong pisngi kaya napadaing ako.

"Don't mind them baby. Let's go get some foods, shall we?"

"Ewan ko sa'yo. Ibaba mo na ako, dali.."

"A-ah sir, ma'am... hindi po pwedeng sakyan ang pushcart. Kung pwede lang po ay bumaba na kayo dyan miss." kinabahan naman ako dahil sa sinabi ng isang sales lady.

Kakausapin ko na sana si kalas nang magsalita ito ng madiin sa babae.

"Do you want to die, lady?" madilim na sabi ni kalas.

Nakita kong napaatras ang sales lady at nanginginig na tumingin kay kalas.

"P-po? H-hindi po s-sir."

"Then leave us alone bitch." napasinghap naman ako kay kalas.

Nagkukumahog naman ang babaing umalis sa harapan namin. Nang makabawi na sa pagka gulat ay pinalo ko ang braso niya.

"Ano ka ba naman kalas. Bat ang hilig mong manakot ng tao? Hay nako. Ibaba mo na nga ako. Napapahamak ako sa kalokohan mo eh."

"No. Stay there baby. I'll push you now." napatili ako nang mabilis niyang tinulak ang pushcart.

Napapagilid ang mga tao dahil sa kalokohan ni kalas. Muntik na kaming may matamaan ngunit parang wala lang iyon kay kalas.

"Ano ba kalas! Tumigil ka na nga ahhh... dahan-dahan kasi. Nahihilo na'ko.." muntik na akong tumilapon dahil sa biglang paghinto ni kalas.

Ginilid ko ang tumatabing na buhok sa mukha ko at sinamaan ng tingin si kalas. Humagikhik naman ito at inayos ang nagulo kong buhok.

"Sorry babydoll.. I didn't know that this is actually fun."

Nanlambot naman ang tingin ko sakanya at ngumuso sa harap niya. "Ibaba mo na ako. Sige na kalas.. para makapili na rin tayo ng mga pagkain. Nakakahiya na eh.. ang dami ng tumitingin sa atin. Baka mapagkamalan pa tayong mga baliw."

"No baby. I'll get the foods. You placed it with you.. okay?" wala naman akong nagawa kundi tumango.

Nagsimula na kaming kumuha ng mga kakailanganin namin. Marami na rin kaming nakuha at punong-puno na ang pushcart na halos matabunan na ako ng mga ito.

"I want junk foods, kalas." nguso kong sabi sakanya.

Tiningnan naman niya ako ng walang emosyon bago umiling.

"No baby.. that isn't healthy. Let's buy some milk."

"Sige na... kahit isa lang please..." huminga naman ito ng malalim.

"Fine...just one okay?"

"Make it two, please.."

"No."

"Damot."

"One or nothing.. you choose."

"Fine. One junk food for me then." nakasimangot kong sabi.

Tumawa naman ito ng mahina at hinalikan ako sa labi ng mabilis. Nanlaki ang mata kong nakatingin sakanya at hinawakan ang labi ko.

"B-bat mo 'ko hinalikan kalas? B-baka may nakakita." nagkibit balikat lang ito at ngumisi.

"No one saw that baby.. except for the cctv." pinalo ko naman ito kaya tumawa ito ng malakas.

"Is that all, baby? Didn't we forgot something to buy?"

Muli kong siniyasat ang mga nakalagay sa pushcart. "Mukhang kompleto na 'to kalas. Bayaran na natin to."

"Hindi mo pa ba ako ibababa?" umiling lang ito kaya napasandal ako sa malamig na bakal.

Nang makarating kami sa counter ay mas dumami ang napapatingin saamin kaya mas lalo akong nakaramdam ng hiya hindi katulad ni kalas na parang wala lang sakanya ang mga nakatingin saamin.

"Ibaba mo na ko kalas. Susunod na rin naman tayo sa magbabayad. Sige na.."

"It's a no baby. I'm planning to buy this cart babydoll." laglag panga akong napatingin sakanya.

"S-seryoso ka ba?"

"Yes--"

"Excuse me sir.. kayo na po ang susunod. Pakilagay na lang po nang mga bibilhin niyo."

"Why would I? That's your job not mine.."

"Kalas.. "

"What?"

"Ako na lang ang maglalagay."

"What? No. That's their job baby. Let them do it.. I won't let you do that babydoll."

"You..." tinuro ni kalas ang isang payat na lalaki. Nanginig naman itong tinuro ang sarili.

"Of course its you, idiot."

Parang maiihi naman ang lalaki habang papalapit saamin.

"Huwag na kalas. Ako na lang.. kaya ko naman na to." huminga naman ng malalim si kalas at ginulo ang buhok.

"How much this will cost lady?" nanginig naman ang babae sa counter.

"E-estimated for a-about 30k s-sir."

"Here." nilatag ni kalas ang makapal na lilibuhin sa counter. "That's fifty thousand." walang emosyong sabi ni kalas bago hinila ang pushcart papalabas.

"T-teka.. hindi ba natin 'to ipapabalot kalas?" umiling lang ito.

"Seryoso ka ba talaga noong sinabi mo na bibilhin mo 'tong pushcart? Hindi naman ito pinagbibili kalas."

"I can buy anything I want. I can't wait to go home and cuddle with my babydoll."

Continue Reading

You'll Also Like

564K 21.3K 44
Zemira, a pure-innocent and aloof little girl who stays hidden to the outside world, only seeks love from her mother-who beat her just before she can...
26.6M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
14.6K 657 48
Wife Series #3: Aphrodite Wesley Aphrodite has been in love with Phoenix Lux for years, but fate doesn't want them together. Phoenix died leaving Aph...