Volviendo Al Pueblo Hundido

By crsntmoon_

24.5K 1K 1.5K

Sa isang kahilingan na matagal nang nag laho dahil sa kapanahonan. Paano kung ang matagal mo nang hiling nung... More

Warning!!
VAPH NOTES
Ika-1
Ika-2
Ika-3
Ika-4
Ika-5
Ika-6
Ika-7
Ika-8
Ika-9
Ika-10
Ika-11
Ika-12
Ika-13
Ika-14
Ika-15
Ika-16
Ika-17
Ika-18
Ika-19
Ika-20
Ika-21
Ika-22
Ika-24
Ika-25
Ika-26
Ika-27
Ika-28
Ika-29
Ika-30
Ika-31
Ika-32
Ika-33
Ika-34
Ika-35
Ika-36
Ika-37
Ika-38
Ika-39
Ika-40
Ika-41
Ika-42
Ika-43
Ika-44
Ika-45
Ika-46
Ika-47
Ika-48

Ika-23

264 12 12
By crsntmoon_

NAKATINGIN AKO sa kisame ng aking kwarto rito sa bahay ni Tiya Eleha. Kanina pa ako pinauwi ni Ama kasama si Aexniqn, Andrea, at Ina. Ang sabi ni Ama ay mauuna daw kami dahil may kakausapin pa sila ni Esteban.

Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatitig sa kisame. Basta ang alam ko lang ay madaling araw na. Madaling araw na pero hindi parin ako pinapatahimik ng aking sistema.

Nakagat ko ang ibaba kung labi. Naisip ko nanaman ang mukha ni Antipatiko nang iwan nya kaming dalawa ni Rafael. Tsk. Bakit naman ganon ang itsura nya? Ano kayang iniisip nya habang nakatingin sa aming dalawa ni Rafael?

Ano naman kaya ang ibig sabihin nya na inakyat sa bundok? Tapos nasaktan? Aish. Ang gulo. Pero mas magulo yung nararamdaman ko. Bakit naman kasi ako hindi makatulog?

At bakit ko naman iniisip yung antipatikong yun?! Inis l kung tinakpan ang mukha ko nang unan. Pinilit kung matulog pero hindi ako dinadalaw ng antok. Napabuntong hininga ako.

Umopo ako mula sa pag kakahiga. Napag pasyahan kung hindi nalang matulog. Tumingin ako sa labas ng mansyon. Napakunot ang nuo ko nung may makita akong mga anino.

Hindi ko mabilang kung ilang anino ang nasa baba ng mansyon. Bigla bumilis ang tibok ng puso ko. Mukhang hindi sila Guardia na Civil. Kung hindi sila Guardia na Civil sino sila?!

Isa silang WHAAAAAAA! ISANG REBELDE!

Mabilis akong tumalon sa kama. Nakabukas ng kaunti ang bintana ng silid ko kung kaya't nakita ko ang nangyayari sa baba. P-pero! Baka imahinasyon ko lang yun o malik mata!

Impossible naman yatang mag karoon ng Guardia na Civil sa bab----BOGSHHHH! Nanlaki ang mata ko nung marinig ko ang kalabog sa bintana.

Nang mapatingin ako sa bintana ko ay nanlaki ang mata ko nung makitang malaki na ang butas nito! At dahil madilim sa aking silid ay hindi ko nakita kung sino ang pumasok sa silid ko.

Napalunok ako at dahan dahang bumaba sa kama. Gumapang ako hanggang sa makarating ako sa ilalim ng kama ko. Napahawak ako sa bibig ko nung makarinig ako ng yapak ng paa.

P-patay! Patay na ako! Ito naba yun? Ito naba ang katapusan ko?! Juice colored gusto ko pang bumalik sa panahon ko! Gusto ko pang makita si Mom! Lord!

Kakalimutan ko po si antipatiko at mag papakasal na po ako sa naka takda sa akin basta po huwag nyo lang akong papabayaan! Nanigas ang aking katawan nung makita kung papalapit ang paa sa gawi ko.

Lorddddddd! Ayoko pa talaga mahal ko pa si antipatiko este ang pamilya ko! Pleawssss lord! Huwag nyo po akong pabayaan! Alam ko pong napaka rami kung kasalanan sainyo! Pero lord nag bago na po ako simula nang makarating ako rito!

Hindi na po ako nag tataray, char minsan lang po. Hindi ko na masyadong inaaway si Esteban, depende po yun kung ano ang pinang asar nya sa akin hehe. Hindi na po ako nag mumura! Pramis lord! I'm not saying those bad wor-----AY SHIT!

Napahawak ako sa dibdib ko nung may nahulog na box. Dahan dahan akong sumilip mula sa ilalim ng kama. Nanlaki ang mata ko nung makita ko yung kahon na pinag lagyan ko sa pambabaeng couple na bracelet. Yung panlalaki kasi ay binalot ko na.

Hindi ko alam kung bakit ko binalot yun. Basta ang nasa isip ko lang ang ibibigay ko yun kay Antipatiko bago kami ikasal kung mangyari man ang kasal nayon.

Napalunok ako nung may pamilyar na kamay ang pumolot nung box. Sinundan ko ng tingin ang kamay hanggang sa mauntog ako sa kama. "Aray!" Mabilis na inda ko sabay hawak sa ulo ko na nauntok sa narra na kama.

Whaaaaaaa! Ang sakit non ha?! Bakit naman kasi ang sakit mauntog nalaman tuloy nung akyat bahay kung saan ako nag tatag-----WHAAAAA! Nanlaki ang aking mata. Nakita kung papalapit na dito yung panlalaking paa.

Mabilis akong gumapang papunta sa isang butas ng kama nang makita kung yuyuko na yung lalaking akyat bahay. Nang maka alis ako sa ilalim ng kama ay nakita kung naka silip yung lalaking akyat bahay sa ilalim ng kama.

Inferness ang bago nung akyat bahay. Amoy yayamanin.

Napangisi ako nung makita ko yung pwet nung akyat bahay. Humanda ka sa akin ngayon. Mabilis akong tumalon sa kama. Pumwesto ako sa likod ng akyat bahay at sinipa ang pwet nun. Natawa naman ako at pinag sisipa yung akyat bahay sa paa."Walang hiya ka! Sino kang hangal ka para pumasok sa kwarto k-----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nung mag salita yung akyat bahay.

"E-Eeya Aray!" Napatigil ako sa pag sipa nung marinig ko ang inda ng kung sino. Napaluhod ako at lumapit sa akyat bahay, tinulungan kung maka alis sa ilalim ng kama ang hangal. Nang matulungan kung maka alis ang hangal na akyat bahay ay nagulat ako nung makita ang itsura nung akyat bahay. "A-anong ginagawa mo rito?" Gulat na saad ko.

Tinulungan ko namang tumayo si Antipatiko. Nag kakamot sya sa ulo ngayon. Mukhang nahihiya sya dahil sa ginawa nya. "Eeya, paumanhin sa aking ginawa, may kailangan lang akong sabihin saiyo." Seryosong saad ni Antipatiko. Napangiwi naman ako.

"Ako din may gustong sabihin." Saad ko kay antipatiko. Gusto kung sabihin kay antipatiko na mamaya ay sasabihin ko na kay Ama na ayokong maipakasal sakanya. Ayoko nang maging hadlang pa sakanilang dalawa ni Amor. Nakita ko kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Nakita ko na kahit anong mangyari ay pipiliin at pipiliin parin ni antipatiko si Amor kahit ako pa ang kasama sa pag pipilian.

Ngumiti ito sa akin. "Ano ang iyun sasambitin Eeya, nakakatuwa naman na parehas tayong may sasabihin sa isa't isa?" Nakangiting saad nito sa akin. Napabuntong hininga ako. Umopo ako sa kama. Umopo din si Antipatiko sa dulo ng kama kung kaya't may pagitan sa aming dalawa. "Ano yung sasabihin mo? Mauna kana." Kagat labing saad ko kay Antipatiko.

Nakita ko kung paano kumonot ang kanyang nuo. "Ikaw muna Eeya, ano muna ang iyung sasambitin? Mas maganda kung Binibini ang nauunang mag salita." Nakangiting saad ni Antipatiko. Tinaasan ko naman sya ng kilay.

Tiloloko ba ako ng lalaking ito? May paganyan ganyan pasya kala mo naman gentle man. Tsk. Kailan pa naging Gentleman ang isang antipatiko?

"Pwede ba? Ikaw na ang mauna! Puyat ako, hindi pa ako nakakatulog dahil sa kakaisip sa-----" nahinto ko ang sasabihin ko nung maalalang sya pala ang iniisip ko. Nakagat ko ang ibaba kung labi. Nakita ko ang pag seryoso ng mukha ni Antipatiko.

"Iniisip mo ba ang iyung kababata? Si Rafael?" Nakangiting saad ni Antipatiko na puno ng pait. Tiningnan ko sya bago umiling iling sa hangin. "Hindi. Aish, pwede ba ikaw ang mauna? Matutulog pa ako, eh. May pasok kapa, tingnan mo naka uniporme kana tsk. May balak ka talagang akyatin ako dito ano? Pasalamat ka wala pa si Ama." Bulong ko sa hangin.

Mahina namang natawa si antipatiko sabay tingin ng kanyang uniporme. Napakamot sya sakanyang ulo. "Eeya maganda ba o hindi ang iyung sasambitin?" Kamot ulong saad nito. Napatitig naman ako sakanya. Kung para sa akin hindi maganda kung para sakanya maganda.

Syempre kalayaan nayon, no! Kalayaan nayon. Maaari nya nang pakasalan si Amor. Maaari nya nang hingiin ang kamay ni Amor kay Don Macario. Magiging masaya ba sya na wala ako. Magiging masaya na sya na walang sagabal.

Paranh naiiyak ako habang nakatingin sakanya. Iniisip ko palang na magiging masaya sya kay Amor parang dinudurog na ang puso ko. Paano pa kaya kung ikasal na sya kay Amor? Paano pa kaya kung makita kung mag karoon sya ng magandang pamilya kay Amor? Baka mag pakamatay na ako nun.

Pero sana sa oras na mangyari ang bagay nayon. Wala na ako sa mundo nila. Wala na ako sa mundong ito. Wala na ako sa panahon kung saan nakatira ang mga ninuno natin. Wala na ako sa panahon kung saan walang teknolohiya. At sana makabalik na ako sa panahon ko kung saan moderno at may kalayaan.

Kalayaan na pag kauwi ko ay hindi ko na makakamtan. Dahil kagaya sa panahon na ito ay matatali rin ako. Matatali ako sa taong hindi ko gusto at hindi ko kilala. Siguro kaya ako nakarating sa panahon na ito dahil kailangan kung palayain si Estela Asuncion sa kasunduang kahit kailan ay hindi na matatakasan.

Mapapalaya ko man si Estela Asuncion ngunit ang aking sarili ay parehas nang nakakulong. Nakakulong ako sa dalawang hawla na kahit anong gawin ko ay hindi ko na masisira. Dahil kahit anong gawin ko hinding hindi na maaalis ang pag mamahal ko kay antipatiko.

Hinding hindi na ako makakawala sa puso nya. Puso nya na hindi nya naman ako nakikita. At ang tanging nakikita nya lamang ay si Amor. Si Amor na mahal nya na mahal rin sya. Siguro kailangan kung mag tago na lamang sa kanyang puso. Mag tatago na lang ako kisa masira pa ang tiwala at pag kakaibigan naming dalawa.

Hindi ko inaasahang matutuo akong mag mahal sa panahong ito. Matutoto akong mag paraya sa panahong ito. Natutuo ako kung paano mag mahal ng tama. Dahil kung mahal mo ang isang tao. Kaya mo syang palayain, kaya mong ibigay ang kasiyahan nya. Kaya mo syang ibigay sa taong nagiging kasiyahan nya.

Kaya mong mag sakripisyo nang sarili mong kasiyahan para lang mapasaya mo ang taong gusto mo. Dahil ang tunay na pag mamahal ay hindi isang bagay na kapag gusto mo gusto mo. Dahil kapag nag mamahal ka kung saan sya masaya doon din sya. Kapag nag mamahal ka kaya mo syang palayain kahit dinudurog na ang puso mo.

Nakangiti akong tumango kay antipatiko. "M-maganda.." garalgal na saad ko. Ramdam ko ang panunubig ng aking mata kung kaya't napapaiwas ako ng tingin sakanya. Nakita ko ang pag ngiti ni antipatiko. "Kung ganon, ikaw ang mauna Eeya, nais kung makarinig ng isang magandang balita bago ako pumasok sa paaralan." Nakangiting saad nito. Na para bang alam nya na ang sasabihin ko.

Na para bang parehas kami ng aaminin sa isa't isa. Na para bang sa oras na sabihin ko ang magandang balita na tinutukoy nya ay papasa sya sa kanyang exsamen.

Nakagat ko ang ibaba kung labi habang nakatingin kay antipatiko. Ngumiti ako sakanya ng napaka tamis na kahit kanino ay hindi ko pa pinapakita. "Pinapalaya na kita Ezequiel, mamaya pag dating ni Ama ay sasabihin ko na inuurong ko na ang pag iisang dibdib nating dalawa....." Nakangiting saad ko. Habang sinasabi ko yun ay may luhang tumutulo sa aking mata kung kaya't napaiwas ako ng tingin.

Nakita ko sa gilid ng aking mata kung paano nag laho ang kanyang matamis na ngiti. Nakita ko kung paano bumaksak ang kanyang balikat na para bang sya ang pumasan ng buong problema ng buong mundo sa oras na ito.

Pinahid ko ang aking luha at tumingin sakanya. "Oh? Bakit ganyan yung mukha mo? Bakit parang hindi mo nagustuhan ang sinabi ko? Ayaw mo bang maging malaya? Magiging malaya kana, matutupad na ang iyung gusto, mapapakasalan mo na ang babaeng mahal mo, si Amor, ang kaibigan ko mapapakasalan mo na...." Kahit masakit man sa aking kalooban na sabihin ang bawat linya na iyun. Piilit kung ngumiti sa harap nya.

Hindi ko nais na makita nyang nalulungkot ako. Hindi ko nais na malaman nya na ang tinuring nyang matalik na kaibigan ay mag kakagusto sakanya. Hindi ko narin iniisip nakaming dalawa ang mag kakatuluyan sa dulo, pagkat sa panahon na ito ay hindi ako nabubuhay. Nandito ako para gampanan ang isang Estela Asuncion Yacelia Andres at hindi bilang Reighn Yverdei.

"N-ngunit Eeya..." namamaos na saad nito sa akin. Ngumiti lang ako kahit ang puso ko ay durog na durog na. Durog na durog na dahil sakanya. "H-Huwag kang mag alala, ako ang bahala, siguro ay tatanggapin ko ang kasunduan ng Gobernador Heneral na maipakasal kay R-Rafael." Pilit na ngiting saad ko.

Binasa nya ang kanyang labi gamit ang kanyang dila. Sunod sunod syang tumango sabay ngiti sa akin. "E-Eeya bilang k-kaibigan mo maaari mo bang sabihin na may pagtingin ka kay R-Rafael? Upang mapanatag ang aking kalooban na hindi kana mapunta sa taong kagaya ko?" Napataas ang kilay ko sa sinabi nya. Para sa akin ay double ang kahulugan nun.

Pero mukhang malabong mangyari ang naiisip ko. Hindi naman yata masamang idamay si Rafael diba? Hindi naman nya alam na magiging panakip butas ko sya para may masabi akong sagot kay antipatiko.

Nakangiti akong tumango tango sakanya. "G-gusto ko sya, g-gustong gusto." Nag pilit ako ng ngiti sa dulo. Nakagat ko ang ibaba kung labi nung makita ko syang nakatingin sa akin ng napaka seryoso. Ito naba yun? Ito naba yung oras na tatanungin nya ako na minahal mo ba ako? Gusto kung mapangiti sa naisip ko ngunit na wala ang aking ngiti nung ngumiti ito sa akin na parang tanggap na tanggap nya namay gusto akong isang tao.

"Napaka swerte ni Rafael, napaka swerte ng iyung Ginoo, Eeya." Nakangiting saad nya na walang alinlangan. Parang binaksakan ako ng langit at lupa nang tapikin nya ang aking ulo na parang naka babatang kapatid.

Napangiti ako ng mapait sa loob ko. Siguro sa tingin nya ay kagaya lang ako ni Eva Maria. Siguro tingin nya ay isa lang akon naka babatang kapatid sakanya. Hindi naman yata impossible yun diba? May dalawang taon syang agwat sa akin. Siguro nga ay mukhang naka babatang kapatid lang ang tingin nya sa akin.

"Antipatiko? Maaari ba akong humingi ng yakap saiyo?" Hindi ko alam kung bakit ko yun na sabi. Parehas kaming gulat sa isa't isa.  Hanggang sa hindi ko namalayang napayakap nalang ako sakanya ng mahigpit at doon na umagos ang luha sa mata ko.

Naramdaman ko ang pag yakap din sa akin ni antipatiko kaya lalo akong naiyak "A-antipatiko ..." naiiyak na saad ko kay antipatiko. Narinig ko ang mahinang pag tawa nito. "Ano yun Eeya?" Natatawang saad nito sa likod ko. Lalo akong humagulgol sa iyak.

"M-mag kaibigan parin ba tayo? Mag kakaoras kaparin ba sa akin? Mag kikita parin ba tayo? Iiwanan mo naba ako dahil si Amor na ang malagi mong sasamahan?" Mangiyak ngiyak na saad ko. Tumawa si antipatiko na ikinapiglas ko sa pag kayakap sakanya. Hinampas ko sya sa dibdib. "Sagutin mo ako! May mag babago ba sa atin? Sa oras na mamaya ay malaya na tayo sa isa't isa?" Maluha luhang saad ko na punong puno ng pangamba.

Parang may kung anong tinik ang nawala sa lalamunan ko nung ngumiti sa akin si antipatiko at sunod sunod na umiling. Kumuha sya ng panyo at pinahid sa aking luha. "Huwag kang mag alala, ikaw padin Eeya, ikaw padin ang pinaka espesyal na Binibini para sa akin." Gusto ko sanang tumalon sa kama. Mag lumpasay sa sahig. Kaso naalala kung may Amor nga pala sya.

Espisyal lang akong Binibini sa puso nya. Samantalang si Amor ang pinaka espesyal sa buhay nya kung kaya't anong laban ko sa kaibigan ni Estela Asuncion? Wala diba? Espisyal lang ako sa puso nya samantalang ang Amor nayon ay hindi lang espisyal sa puso nya kung hindi sa buong pag katao nya.

Natatawa ko syang hinampas sa dibdib kahit masakit na. "Hindi kalang antipatiko, bulero kapa, o sya matutulog na ako pumasok kana, galingan mo sa examen mo, ha? Siguraduhin mont ikaw ang pinaka mataas para naman matuwa ako sayo, tsk." Natatawang saad ko. Ngumiti sya at tumango.

Hinatid ko sya sa may bintana. Napaaas ang kilay ko nung hindi parin sya naalis. Tumingin sya sa akin ng makahulugan bago nag salita ng ikinatibok ng puso ko ng napaka bilis. "Suporta mo lang ay ayos na ako, sisiguraduhin kung magiging mataas ako sa aking mga marka para naman kahit sa aking marka ay nakaka taas ako." Nakangiting saad ni Antipatiko sabay baba sa aking bintana

Sinundan ko sya ng tingin. Napalunok ako nung makita si Pascual, Batchoy, at Nicolas. May sinabi si Antipatiko na ikinababa ng balikat ng tatlo. Nakita ko ang pag lingon sa akin ni Antipako na sinundan din ng tatlo. Nakangiti akong tumango sakanya at sinara ang bintana.

Mabilis akong napayuko sa aking hita at humagulgol ng iyak. Nag martsa martsa pa ako na parang bata. Mabilis ulit akong tumayo. Napag pasyahan ko nang sasabihin ko na ang aking nararamdaman kapag lumingon sya sa akin.

Isisigaw ko sa buong mundo na mahal ko sya sa oras na lumingon sya sa akin. Kagat ko ang ibaba kung labi habang nakatingin sa likod nilang apat. Natawa ako ng sarkastika mang mismong tadhana na ang hindi nais na masabi kay antipatiko na sya ang nilalaman ng aking puso.

Parang gumuho ang aking mundo ng tuluyang lumiko silang apat na hindi ko manlang na sabi ang aking pag ibig sakanya.....

*****

Wazz up moons? It's already 8:55 pm na ng April 3, 2022! Hi sa kagaya kung nanood ng THE BIBLE ngayong oras hehe. Good night moons have a sweet sleep.

Continue Reading

You'll Also Like

5K 160 48
(ON-GOING) Arianna Venice Samonte is just your typical college student who really loves reading novels, especially those historical stories. One day...
720K 29.1K 46
WATTYS 2020 WINNER FOR HISTORICAL FICTION Ako si Catalina, nagmahal, nasaktan, humiling kay Tala at sumubok muli. Ang buhay ay mapaglaro at tinatawa...
66.1K 3.1K 42
She's the most feared merciless assassin in the world, Evelyn Anais Fiero known as Dark in the world of assassin's. She was called Dark because she's...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...