Hotel Grimm: The Brave and Th...

By Illinoisdewriter

54.8K 5.5K 1.4K

[ Grimm Series #1] After a string of misfortunes in the mortal world, orphaned Vaniellope Kiuna 'Una' Gomez f... More

Hotel Grimm: The Brave and The Powerful
Prologue
Check-In 01: Someone Who Cares
Check-In 02: A Breath of New Life
Check-In 03: Welcome to Hotel Grimm
Check-In 04: Stranger Things
Check-In 05: Gone with the Wind
Check-In 06: Lost in Translation
Check-In 07: Angels and Demons
Check-In 08: Doctor Sleep
Check-In 09: The Da Vinci Code
Check-In 10: The Alchemist
Check-In 11: Memoirs of a Geisha
Check-In 12: Trainspotting
Check-In 13: Wuthering Heights
Check-In 15: A Series of Unfortunate Events
Check-In 16: Pride and Prejudice
Check-In 17: The Shining
Check-In 18: A Tale of Two Cities
Check-In 19: Rich People Problems
Check-In 20: The Little Prince
Check-In 21: Pirates of the Caribbean
Check-In 22: Little Women
Check-In 23: I Know Why The Caged Bird Sings
Check-In 24: The Godfather
Check-In 25: Jane Eyre
Check-In 26: Coraline
Check-In 27: The Truth About Forever
Check-In 28: Tuesdays with Morrie
Check-In 29: Peter Pan
Check-In 30: Nineteen Eighty-Four
Check-In 31: Les MisΓ©rables
Check-In 32: Into the Wild
Check-Out

Check-In 14: Life of Pi

1.3K 159 94
By Illinoisdewriter

Check-In 14: Life of Pi

MABILIS NA ITINAGO ko sa aking likuran ang binabasang binder nang tawagin ako ni Mayor Juan sa gitna ng hapunan nila.

"Nag-aaral ka ba?" nakangiting tanong niya.

"Opo. May exam kami sa Math bukas kaya nagsusunog po ako ng kilay," tumatangong paliwanag ko.

Medyo nilakasan ko para magparinig kay Professor Ala nang sa gano'n ay bumilib siya sa akin at maawa saka ipasa ako sa subject niya.

"That's great, Una! It's good that you're studying for tomorrow. Mahirap 'yong exam," puri niyang ikatutuwa ko na sana kung hindi niya lang dinugtungan ng mahirap ang exam sa dulo. Why naman gano'n, sir?

Nahuli ko ang pagngiwi ni Ma'am Alba pero uminom siya ng tubig para takpan iyon. Hindi ko naman magawang tingnan si Ma'am Rubia. I'm just uncomfortable...

"Seb, ang hiraaap!" bungad ko agad kay Juno pagsagot niya ng video call namin.

Tinanggal ko ang reading glasses saka inayos ang pagkakapatong ng cellphone ko sa stand nito. Nasa may study table ako ngayon at sinasagutan ang mga exercise na binigay ni Juno para sa Math exam bukas. Matalino siya rito, e. Ako naman 'yong kailangan ng tulong, so he's here to help me.

He chuckled. Nakahiga na siya sa kama niya pero pansin kong madilim sa kinaroroonan niya.

"Just try to solve them, okay? It will help you a lot for tomorrow's exam."

"'Yon na nga, e. Puputok na 'yong ugat ko kaiisip kung paano iso-solve 'to! Ang bobo-bobo ko, seb. Nakakahiya!" pag-amin ko sabay takip sa mukha ng mga palad ko.

"You're almost perfect, Una. That's why God decided to deprive you of wits for mathematics," nakangiting aniya.

Ibinaba ko na ang mga kamay para tingnan siya. Akala ko ay nang-iinis lang siya pero sinsero 'yong ngiti niya kaya hindi ko tuloy alam kung sasagutin ko rin ba siya nang seryoso o nang pabalang.

"Teka, nasaan ka ba? Bakit ang dilim d'yan? Hoy, Dong Juno, huwag mong sabihing nambababae ka na naman!"

"Don't worry, I'm home. I just turned off the lights because I want to sleep peacefully and comfortably after a long tiring day from work. Isa pa, sinabi ko naman sa'yong nagbago na ako. I want to present the best version of myself when I confess..." he explained, halos pabulong na sa huling pangungusap.

"May nagugustuhan ka na?" halos pabulong din na tanong ko.

He chuckled fondly. "Huwag kang mag-alala, papakilala ko siya sa'yo next time."

'Wag na!

I pursed my lips and nodded. Kalma, self. Kunwari hindi tayo nagseselos.

"Basta aagahan ko bukas, ah. Turuan mo ako, seb. Susko, ikaw na lang talaga pag-asa kong pumasa."

"Susunduin kita bukas. Sabay na tayong pumasok."

"Sige, bubusugin kita ng breakfast para hindi mo naman isiping napaka-manggagamit ko," sabi ko sa kanyang tinawanan niya lang.

Napabaling agad ako kay Lulu nang bigla siyang tumili habang nakasilip sa may glass window. Dali-dali siyang bumaba sa upper bunk ng kama namin at hinila sa kamay si Kyrine.

"Ate Ky, nasa labas si Doc Six kasama si Captain Sven at Ma'am Alba. May dala silang gitara saka bulaklak," she stated excitedly.

"May chocolates?" I kidded. Pero totoong gusto kong kumain no'n.

Binalingan ko ulit si Juno at nagpaalam na muna para makiusyoso sa ligawang nagaganap. Naunang lumapit sa may pinto ng kwarto namin sina Kyrine at Lulu, sa pinto kung saan diretso na ang labasan at hindi na kailangang dumaan pa sa sala ng unit namin.

Pinagkasya namin ang mga sarili namin sa may pintuan. Walang gustong lumabas. Nakatayo na roon sina Captain Sven na may gitara, si Ma'am Alba na may violin at panay ang irap saka si Doc Six na may dalang bouquet na tiyak kong galing sa flower field. Mukhang nagpapahinga na rin ang tatlong kuya pa nila.

Captain Sven elbowed Doc Six, making the latter clear his throat before they started everything. Captain Sven began strumming the guitar, followed by Ma'am Alba who's playing her violin, and Doc Six singing 'Can't Help Falling In Love'.

Panay ang mahihinang hampasan at tulakan namin ni Lulu sa may gilid habang nanghaharana sila. Pasimple rin naming tinutulak palabas si Kyrine na sinasamaan naman agad kami ng tingin kada lingon niya sa amin.

The scene is very romantic if you ask me, and it's compounded by the ethereal atmosphere of the fairy lights and the beauty of the flowers that decorated the handrail of our patio. The place is so picturesque for this serenade.

"Ky, pwede ba kitang ligawan?" nakangiting tanong ni Doc Six pagkatapos nilang kumanta sabay bigay niya ng bulaklak kay Kyrine.

Excited na bumaling kaming lahat kay Kyrine. Tuwang-tuwa kami ni Lulu habang hinihintay ang sagot niya kaso ay biglang napawi ang mga ngiti namin sa gulat nang sumagot na siya.

"Hindi. I'm sorry pero ayoko," ani Kyrine sabay balik ng bouquet kay Doc Six.

Tatalikod na sana siya para pumasok ulit sa kwarto namin nang hawakan siya ni Doc Six sa braso niya para pigilan.

"Ky, may mali bang akong nagawa? May hindi ka ba nagustuhan? I'm sorry, babaguhin ko... Just... make me understand why you're rejecting me..." malungkot na saad naman ni Doc Six, halos tunog nagmamakaawa na.

Marahang tinanggal ni Kyrine ang kamay ni Doc Six sa braso niya bago ito hinarap at sinagot.

"Walang problema sa'yo, Doc. Sa akin, meron. I don't want to settle in this place. Gusto kong magkaroon ng buhay sa labas ng hotel na 'to. Gusto kong makawala... Gusto kong lumaya..." pag-amin ni Kyrine. Pumipiyok na rin siya dahil sa nagbabadyang mga luha.

Malungkot na tiningala ako ni Lulu. I held her on the shoulders.

"Kung pagbibigyan kita, para ko na ring binigyan ang sarili ko ng rason na manatili na lang dito at hindi na mangarap na umalis pa. Ayokong... ayokong piliin ka dahil ikaw lang ang narito at wala akong ibang choice... Gusto kong..." Huminga nang malalim si Kyrine saka nagpatuloy. "Gusto kong piliin ka kasi natanto kong sa lahat ng nakilala ko sa labas ng kulungang 'to ay naiiba ka at nag-iisa. I'm sorry, Master Sixtho..."

Umatras kami ni Lulu nang talikuran na ni Kyrine ang malungkot at bigong tumatango na si Doctor Sixtho. She then ran tearfully inside our room.

"Aw, sad... Marami pang girls d'yan, kuya. Isa pa, you're good looking naman so you'll not have a hard time finding someone else," komento ni Ma'am Alba pagkaraan ng ilang sandali na sinita naman agad ni Captain Sven.

"Ang ganda ng advice mo ha, pro na pro. Hindi gano'n kadali 'yon, neng. Pinapasama mo lang lalo ang loob ni utol."

"Ew, neng. Don't call me that again, kuya. That's sounds so gross kaya."

"Umalis na tayo para makapagpahinga na sila," malungkot na aya ni Doc Six bago kami binalingan. "Magpahinga na rin kayo, Una, Lulu. Pasensya na talaga sa distorbo."

Naunang maglakad si Doc Sixtho paalis na agad namang sinundan ni Ma'am Alba. Captain Sven greeted us good night before walking away.

Nalulungkot ako para kay Doc Six pero naiintindihan ko ang nararamdaman ni Kyrine. Pagkapanganak pa lang niya ay nakatali na ang buhay nila ni Lulu rito kahit na hindi naman sila ang nagkasala. Hotel Grimm is akin to my childhood cell where my mother used to keep me imprisoned. Ang pagkakaiba lang namin ay nakalaya na ako, sila hindi pa... This is why I truly understand Kyrine's sentiment. She wants to go out there and explore life and the world to the fullest. Kaso hindi niya magawa-gawa dahil may tanikala pa rin siya.

I sighed and closed the door of our room before heading back to my study table. Pinaakyat ko na si Lulu sa upper bunk ng kama namin. Bago bumalik sa study table ko at mag-aral ay tumayo ako sa kama nang nakatalikod sa aking si Kyrine. More than Ma'am Solange's threat, I am motivated to find the Grimm Brothers to find the key to break my Hotel Grimm family's curse. Nakasaad sa journal ni Count Vladimir na bagaman hindi pa man napapatunayan ay maaaring mahanap ko ang lunas sa sumpa sa pamamagitan nang pagkompleto sa mga anak niya.

"Pagkatapos ng exam ko bukas, maghahanap na ulit ako ng Grimm. May isang anak si Count Vladimir na nasa may Eco Village at miyembro ng isang indigenous werewolf tribe roon. Konting tiis na lang, Ky, ha..." I assured her, almost in a whisper.

Totoo ang sinabi ko sa kanya. Nakasaad sa journal ni Count Vladimir ang mga detalyeng iyon. Ang kailangan ko na lang gawin ay hanapin kung sino ang anak niya roon, kung sino si Master Doce.

MAAGA AKONG NAGISING kinabukasan para maghanda ng almusal at sa eskwela. Juno was true to his words too. He was early in our unit so he had taken his breakfast with us. Sinarapan ko talaga ang mga handa para naman makabawi ako sa kanya sa pagtulong at gagawin niya pang tulong para sa akin mamaya.

I donned a black long puffed sleeves mini dress na may kaonting slit sa left side. I still find it too short kaya pinaresan ko rin iyon ng black knee-length pencil skirt saka puting stockings. Dahil parehong magkakulay ay magmukhang isang buong dress siya. I put on my black Mary Jane heels too saka black newsboy cap. Nagsuot din ako ng silver necklace na may naka-engraved na flowers. I also took my white Chanel quilted sling bag.

I was supposed to wear pants or something more suitable for site visitation today but then Kyrine told me to just focus on my exam and come home early to rest. Alam niya rin kasing kaonti lang ang naging pahinga ko dahil sa pag-aaral. Gawin ko na lang daw ang paghahanap sa susunod na mga araw. I looked at my reflection and did my usual routine to call on self-confidence. I winked and did the finger guns. I can do this!

Sumakay ako sa itim na Ducati ni Juno. Sabay din kaming papasok ngayon. Dahil masyado pang maaga pagdating namin ng UP ay tinuruan na muna niya ako ng mga binigay niyang Math exercises sa akin kahapon. He corrected my mistakes and taught me how to solve them properly.

"Okay lang kahit iba 'yong solution ko basta tama 'yong sago-" hindi ko na natuloy pa ang sasabihin nang mapatingin ako sa puting Toblerone na inilapag niya sa tabi ng binder ko.

Pinilig niya 'yong ulo niya nang may ngiti sa labi habang nakatingin sa gulat kong itsura.

"Narinig kitang naghahanap ng chocolates kagabi. Dinaanan ko 'yan kanina sa convenience store paakyat ng Alps. Mabuti na lang 24/7 silang bukas," he explained.

Naantig ako kaya napangiti ako. It's such a nice feeling knowing that someone actually remembers small details about us.

"Chocolates help you remember better," he added.

"Thank you, seb."

"You're always welcome."

Kabado ako nang magsimula ang exam. I don't want to cheat. If I can't answer a question, then I'll just leave it blank. Ayoko rin namang manghula. Kaya nga nag-aral ako kagabi para may maisagot ako at hindi lang manghula. I value hard work so much. If can't do it right and perfectly, at least I've exerted efforts to learn and that's more important.

Siyempre, naunang matapos si Juno sa aming lahat. He tried calling me a while ago to give me his paper but I didn't look at him so that he would just go in front and pass his own paper. Ayoko ngang magcheat! He smirked and stood up to pass his paper when he realized I wouldn't really get it. E, 'di nadefy na 'yong purpose ng pag-aaral ko kagabi kung titingnan ko ang papel niya.

Surprisingly, I find the exam quite... easy. Effective talaga 'yong mga exercises ni Juno kagabi saka 'yong pagtuturo niya sa akin. Hindi naman sobrang easy sa part ko na parang ang genius ko na, iyong sakto lang na nangalahati iyong klase kasi halos nasa labas na ang mga natapos sumagot. Masayang lumabas ako sa room at naabutan si Juno na nakasandal sa dingding habang nakatalikod sa akin. He was crouching so I bet he was on his phone.

"Text ko na lang kaya kay Una 'yong mga sagot? Baka nasiraan na ng bait 'yon kaka-solv-" hindi na niya natapos pa ang sasabihin nang kurutin ko siya sa tagiliran. Gulat naman siyang nagbaba ng tingin sa gilid niya kung saan ako nakatayo.

"Seb, kanina ka pa r'yan?"

"Kararating ko lang. Bakit gulat na gulat ka? Maliban ba sa baka nasiraan na ako ng bait ay may iba ka pang sinabi?"

He licked his lips and hid his phone in the inside pocket of his brown leather jacket.

"Nag-aalala lang ako sa'yo. Baka kailangan mo ng rescue, e. Kumustang exam?"

"Speaking of exam, thank you, seb! Nasagutan ko lahat kahit hindi ako sure kung tama ang sagot ko," sagot ko habang nakayakap nang mahigpit sa kanya.

He chuckled and gently held the back of my head. Ewan ko ba, but I really love this gesture and he knows that too.

Hinatid ako ni Juno sa klase ko. Binilinan niya rin akong huwag munang maghanap ng Grimm at magpahinga na lang dahil kulang 'yong tulog ko kagabi. Balak niya rin kasi akong samahan sa paghahanap at hindi niya magagawa 'yon ngayon dahil may trabaho siya. Kaya nang matapos ang klase namin ay si Indiana ang kasama ko pauwi ng Hotel Grimm. Dinaanan muna namin si Tory sa may elementary school nila ni Lulu. Tiyempo namang maaga kaming natapos ngayon dahil exam kaya naabutan ko na rin doon si Lulu. Nakapag-lunch na 'yong dalawa. Tuwing snack time kasi nila kinakain ang lunch nila. Kagaya ni Lulu ay may pink butterfly clips din sa buhok si Tory. The two children caught some scraps of the conservation between me and Indiana about Master Doce, so they joined us.

"Eco Village po ba 'yong sinasabi niyo? Pwede pong sumama? Bibisitahin lang din namin si Pilandok, 'yong kaklase naming indigenous werewolf. Halos isang buwan na po kasi siyang hindi pumapasok, nag-aalala lang kami..." si Tory.

Natigilan ako nang matanto iyon. Master Doce based on Count Vladimir's chronicles is also eleven years old just like these two kids. Tinuko ko ang mga palad sa tuhod ko saka ko niyuko ang katawan para makausap nang masinsinan sina Tory at Lulu. I need to confirm some information before I go there. Kahit hindi pa sure kung 'yong kaklase ba nila at si Master Doce ay iisa, at least I have the clue where to begin when I got there. Hindi iyong nandoon na nga ako ay ni-katiting na ideya ay wala akong pinanghahawakan.

"Itim na werewolf ba si Pilandok?" I asked. Tory's eyes widened in shock.

"Paano niyo po nalaman?!"

Check.

"Ina ba ang pangalan ng mama niya?" tanong ko ulit. He shook his head.

"Hindi ko po alam, e."

"Ate Una, pwede po nating tanungin si teacher. Nasa may classroom pa po siya," suhestiyon naman ni Lulu.

Tumango ako at sinamahan naman nila ako pabalik sa classroom nila. We asked their teacher and she told us everything we need to know about Pilandok.

"Ang nakalagay sa records niya ay Ina nga ang pangalan ng mama niya. Both of them have no surnames. Naiintindihan naman 'yon ng faculty kasi hindi nakapag-aral ang nanay ni Pilandok at dumayo lang ito rito sa West Region sa pag-asang magkakaroon nang magandang trabaho. Si Pilandok naman ay isang buwan nang hindi pumapasok. Pinuntahan ko siya sa kanila dahil nag-aalala ako sa bata at doon nalaman ko na mag-iisang buwan na pala nang pumanaw ang nanay niya. He's staying with his neighbor at the moment kasi ayaw niyang umalis sa lugar nila. His new guardian doesn't want him to go to school anymore. Nalulungkot ako para sa bata sapagkat nakikita ko namang pursigido siyang mag-aral," paliwanag ng guro.

Ina rin ang pangalan ng nanay niya. Count Vladimir wrote on his journal that she's a black werewolf. He met her in the Eco Village and she's a member of an indigenous tribe settled there. Now, I just have to ask Pilandok about his father and try to see his skull birthmark.

"Maraming salamat po talaga, ma'am," I thanked her after that and after giving me Pilandok's exact address in the Eco Village.

I told Indiana to take Lulu with them going home because I have to go to the Eco Village to visit Pilandok. I can't wait for tomorrow now that all the clues are leading me to him. Gusto ko ring matulungan ang bata na makapag-aral ulit. Kung kailangan kong pondohan ang pag-aaral niya gamit ang ipon at sweldo ko ay gagawin ko. In that way, my salary would serve a better purpose.

I called Tatay Sigurd to inform him about my plan. He didn't agree initially but I explained to him why I want to go there right now. He gave up and told me to take care. Hinintay ko munang makasakay ng taxi sina Indiana at ang mga bata bago ako tumuloy. I was about to hail a cab when a black Ducati suddenly parked in front of me. Tinanggal ni Juno ang helmet niya at kunot-noong binalingan ako, mukhang galit ata.

"Akala ko ba hindi ka pupunta roon nang mag-isa?"

"Teka, paano mo nalaman?" pagtataka ko.

"Tatay Sigurd called me, asking if I was with you. Mas kampante raw siya kung kasama mo ako papuntang Eco Village. Una, how many times should we tell you not to stroll around the Beast Republic alone? You don't know all of them. Baka pa'no ka pa!" he scolded me.

"Kakayanin ko naman. Bakit nandito ka? Akala ko ba may trabaho ka ngayon?"

"Mas importante pa ba 'yon kaysa sa'yo?" he spat.

Mukhang hindi na talaga siya natutuwa sa naging desisyon ko. I didn't answer. I won't justify my decision. It was really abrupt but then I just couldn't wait for tomorrow. Tatlong buwan lang ang mayro'n kami para hanapin ang mga Grimm! I can't just let a single day passed without thinking of any ways to locate them.

Juno sighed then gestured his head for me to hop in. "Sige na, sakay na. Ihahatid at sasamahan na kita papuntang Eco Village. Maghahanap na tayo ng Grimm."

"Sorry, seb. Pati ikaw, naaabala ko..." sa halip ay sambit ko.

He wore his helmet first before looking at me again. "Ang trabaho kaya kong pabayaan. Ikaw, hindi, kaya huwag ka sanang magdesisyon nang mag-isa kasi sasamahan kita kahit saan pa 'yan."

I smiled gratefully at him for that. Ang laki talaga ng utang na loob ko kay Juno. He drove us to the Eco Village. Kaagad naman naming hinanap ang address ng bahay na kasalukuyang tinitirhan ni Pilandok. Mabuti na lang ay may agad na nakapagturo sa amin kung nasaan iyon.

"Si Pilandok? Ah, iyong itim na batang werewolf na naninilbihan sa mga puting werewolf. Hayun! 'Yong batang kulay itim ang balat! Siya 'yon! 'Yong may pasan-pasan na mga balde, siya iyon!" sabi ng mamang nilapitan namin na tinuro ang isang batang nahihirapang pasanin ang dalawang balde na kinokonekta ng isang mahabang kahoy.

"Ang bigat no'n ha..." usal ni Juno bago tumakbo at nilapitan ang bata.

Tila nabahala rin siya sa nasaksihan gaya ko. Ang bata pa ni Pilandok at may kaliitan din saka kapayatan para pasanin ang dalawang mabibigat na baldeng 'yon. Sinundan ko si Juno na kinuha naman sa bata ang mga dala nito at siyang nagdala.

"Ako na magdadala nito. Saan ba ang inyo?"

"Doon po, kuya. Nakakahiya naman po kung kayo pa ang magdadala niyan..." nahihiyang wika ni Pilandok.

"Huwag mo na akong isipin. Mas nakakahiya na ang laki-laki ng katawan ko tapos hinayaan lang kitang patuloy na magdala ng mga 'to."

"Pilandok ba ang pangalan mo?" I asked.

"Opo... Bakit po?" he asked back.

Napangiti naman ako at yumuko para kamayan siya. I noticed the bruises on his hand.

"Pilandok! Putek, nasaan ka na?! May pasok pa ako sa trabaho, 'yong tubig!" nanggagalaiting sigaw ng isang lalaking nasa edad cuarenta na.

Padabog na binitawan naman ni Juno ang mga kinakargang balde sa mismong tapat ng lalaki. Napaatras ang lalaki sa gulat at takot.

"Mas malaki pa 'tong mga balde kaysa sa bata. Hindi ka na naawa," seryosong saad ni Juno.

Tumayo ako nang maayos at hinigpitan ang hawak sa kamay ni Pilandok. Sa trato niya at sa mga pasa ng bata ay natitiyak kong hindi maganda ang kalagayan nito sa puder nila.

"T-Teka... sino ba kayo? Bakit kayo nandito? Bakit kayo nangingialam? Pilandok, kilala mo ba 'tong mga 'to?!"

Tiningala ako ni Pilandok. Ramdam kong ayaw niya rin kaming ipahamak pero hindi niya rin kami kilala kaya wala siyang masabi.

"Ako po si Una. Ito naman po si Juno. Galing kami sa Hotel Grimm at may gusto lang kaming itanong kay Pilandok kaya nandito kami. Kaklase niya rin po 'yong foster sibling ko. Nakuha namin 'yong address niyo mula sa teacher nila. Nag-aalala kasi sila kung bakit halos isang buwan nang hindi pumapasok si Pilandok," paliwanag ko.

Mayabang namang umismid ang lalaki na para bang katawa-tawa iyon. Lumabas na rin ang mga anak na babae ng lalaki mula sa bahay nila at hinahanap si Pilandok para magluto ng makakain at pagsilbihan sila.

"Bakit mag-aaral pa siya? E, 'yong nanay nga niya no read no write pero napalaki naman niya si Pilandok, 'yon nga lang bilang isang alipin," hambog na aniya.

"Pilandok, magluto ka na nga. Palamunin ka na nga rito, hindi mo pa magawa nang maayos ang trabaho mo," tawag ng isa sa mga anak no'ng lalaki kay Pilandok.

"Toy, kunin mo na mga gamit mo. Kung hindi ka man isang Grimm ay sigurado akong gusto naman ni mama ng batang aalagaan at makakasama," seryosong wika naman ni Juno. He's determined to get Pilandok out of there.

I looked at Pilandok and smiled at him assuringly. "Pwede bang mag-usap muna tayo?"

"Oy, hindi pwede, may gagawin pa siya!" pag-angal naman ng isa pang anak.

Inis na napabuntong-hininga si Juno bago humugot ng pera sa pitaka niya at ibinigay iyon sa kanila. "Bumili na lang kayo ng makakain. Kakausapin pa namin si Pilandok. Mag-iimpake na rin kami ng mga gamit niya."

"Kulang 'to-"

"Ano?!" hindi makapaniwalang asik ni Juno sa lalaking sumabat at tumanggap ng pera.

"Kung pangmerienda lang ay sobra 'to pero kung kukunin niyo si Pilandok, aba'y dapat lang na bayaran niyo mga pinakain ko r'yan. Lugi kami rito!"

"Ikaw pa ang lugi sa lagay na 'yan ha? Pinakain niyo nga si Pilandok pero doble-doble naman ang hirap at pasakit na ibinalik niyo sa kanya," rason pa ni Juno.

Binuksan ko ang bag ko at humugot na rin ng pera saka dinagdagan iyong hinihingi ng lalaki na tumatawang binibilang naman iyon.

"Oh, mga anak, ilabas niyo na 'yong mga gamit ni Pilandok," utos niya sa mga anak.

Dinala ko muna si Pilandok sa may village cottage nila para kausapin. Si Juno naman ay nagpaiwan sa may tapat ng bahay na pinaglalagian ni Pilandok para tanggapin ang mga gamit ng bata. Susunod na lang daw siya sa amin.

"Ate, ayoko pong umalis dito..." usal ni Pilandok pagkaupo namin.

"Bakit ayaw mo?" mahinahong tanong ko sa kanya.

"May hinihintay po kasi ako rito..."

"Sino naman? Baka pwede natin siyang puntahan?"

"Sabi po ni nanay na nangako raw si tatay na hahanapin niya ako. Kaya dapat dito lang po ako hanggang sa bumalik siya."

"Kaya ba... Kaya ba hinayaan mo na lang na alipinin ka nila? Kasi kailangan mo nang matutuluyan dito habang hinihintay ang tatay mo?"

Mahinang tumango naman ang batang nakayuko. I tried caressing his back but he silently groaned in pain.

"May masakit ba sa'yo?" nag-aalalang tanong ko.

"W-Wala po..." pagsisinungaling niya at pilit na tinago ang sakit.

Pinihit ko siya patalikod saka ko inangat ang tee shirt niya. Hindi nga ako nagkamali dahil may mga bakas ng latigo roon at mas malalaking mga pasa. Nanginginig ang mga kamay na binaba ko ang tee shirt.

Bigla akong hinagupit ng mga alaala ko noon. Iyong ilang beses na paglatigo sa akin ni nanay habang pilit niyang pinapabigkas sa akin ang mga panalanging sa tingin niya ay siyang magsasalba sa akin mula sa mga demonyong siya lang din ang lumikha.

"Una... Una!" Napapitlag ako nang niyugyog ni Juno ang mga braso ko.

"Ayos ka lang? Anong nangyari sa'yo?" he asked me worryingly.

I blinked and nodded my head. "Ayos lang ako. May naalala lang ako."

Anong nangyayari sa akin? I thought I was over with my trauma. Napansin kong dala-dala na ni Juno ang backpack ni Pilandok. Isusuot na sana niya iyon dito nang pigilan ko siya.

"Huwag, Juno, masakit 'yong likod niya. Papatingnan ko pa siya kay Doc Six pagdating namin sa Hotel Grimm. Ako na muna magdadala niyan," sabi ko at kinuha ang backpack ng bata.

Pinatalikod ko ulit si Pilandok at pinakita kay Juno ang mga pasa at bakas ng latigo rito. He clenched his jaw and fists.

"Dito lang kayo, babalikan ko lang saglit 'yong mga 'yon."

"Huwag na po, please. Ako na po humihingi ng sorry sa ginawa nila."

Pareho kaming nagulat ni Juno sa reaksyon ni Pilandok. Umiiyak na siya habang nagmamakaawa.

"Bakit... ka nagso-sorry?" I asked.

"Pinagpilitan ko po kasi 'yong sarili ko sa tahanan nila kahit ayaw nila sa akin. Tinannggap ko na lang po lahat ng mga ginawa nila kasi utang na loob ko sa kanila na may masisilungan ako habang hinihintay si tatay na kunin ako," humihikbing paliwanag niya.

Nagkatinginan kami ni Juno. Naluluha ako dahil ramdam ko si Pilandok, lalo na noong mga kaedad ko pa siya. Sa kabila nang hindi makataong trato sa akin ni nanay ay nanatili ako sa puder niya at nagtiis sa mga pananakit niya dahil gaya ni Pilandok ay naniniwala rin akong darating din ang hinihintay ko- ang araw na maiintindihan at matatanggap ako ni nanay. Tumalungko ako sa tapat niya at marahang hinimas ang braso niya para patahanin siya. Lalo akong naluha dahil naman sa tuwa nang mapansin ko ang bungong balat niya sa may braso, sa ibabang banda ng manggas ng tee shirt niya.

"Magiging maayos na ang lahat mula ngayon ha. Iuuwi na kita sa tunay mong pamilya," I promised before hugging him.

The line in the novel Life of Pi was indeed true. "The most dangerous animal in a zoo is man." The zoo is the metaphor for the world, and man is no different from the beasts here in Abseiles. I also couldn't help but point out that each one of us indeed has some evil residue. But I verily believe that alongside the evil, we have inherent goodness, and it's always up to us on which side should we let consume us and prevail. It's always our decisions that define who we really are.

I called Tatay Sigurd before coming home with Pilandok. Kaya pagdating namin doon ay inabangan agad nila kami sa may lobby. The moment Pilandok stepped inside the Hotel Grimm, his birthmark glowed. Sa sobrang pagkakamangha niya sa kagandahan at karangyaan ng buong lugar ay hindi niya man lang namalayang umiilaw iyon.

"Pilandok!" natutuwang tawag ni Lulu sa kaibigan habang palapit dito.

Lady Incha stepped forward and slightly crouched then smiled at Pilandok. "Maligayang pagdating sa Hotel Grimm, Master Doce."

Napatingala ako kay Juno na nasa tabi ko. "Magkakaroon na siya nang magandang kinabukasan dito... Gaya nang gusto ng tatay niya," I told him.

Ngumiti si Juno at niyakap ako gamit ang isang braso niya. Nagulat si Pilandok nang may biglang pumasan sa kanya at ipinatong siya sa balikat nito.

"Welcome home, bunso!" Captain Sven greeted him.

Doc Sixtho tapped Captain Sven's vacant shoulder. "May Trese pa." He turned to smile warmly at Pilandok. "Ako si Kuya Six mo. Siya naman si Kuya Sven. Si Ate Alba mo naman 'yon."

Napatingin ako kay Ma'am Alba na kalalabas lang ng elevator kasama si Ma'am Rubia. Mayor Juan and Professor Ala are still not in the hotel. May trabaho pa kasi sila. Bago ko pa man hanapin si Master Thirdy ay napatingin na kaming lahat sa kanya na pababa ng grand staircase. I heard Captain Sven chuckling, and it's something that I couldn't quiet understand.

"Six, have his health checked. If there are any serious complications, alert me because we will file a lawsuit against those who inflected that to him," seryosong utos niya.

"Pwede po bang makiusap?" mahinang tanong ni Pilandok.

"Oh, kahit ano pa 'yan, bro. Babawi kami sa'yo. Sige, ano 'yon?" hikayat ni Captain Sven sa kapatid.

"Pwede po bang hayaan na lang natin sila? Kahit papaano ay tinulungan pa rin naman po nila ako habang naghihintay kay tatay. Nasaan na nga po pala si tatay?" inosenteng tanong ng bata. Nagkatinginan ang magkakapatid bago nagsalita si Doc Sixth.

"Pupuntahan natin siya mamaya pagkatapos ng check-up mo, okay?" nakangiting sabi niya kay Pilandok na nakangiting tumango naman.

Captain Sven and Doc Six brought Pilandok with them to the infirmary. Narinig ko pang sumipol si Captain Sven at natatawang sinabihan si Master Thirdy nang, "Ang tuso mo, brader."

Si Ma'am Alba naman ay akmang lalapit sa amin nang maunahan siya ni Master Thirdy.

"Thank you for bringing my brother here in the hotel," he told me and Juno. The latter smirked and held my boss' hand for a shake.

"Walang anuman. Ingatan niyo sana si Pilandok at bigyan nang magandang buhay," Juno told him without removing his smirk.

"Makakaasa kang 'yan ang gagawin namin," Master Thirdy assured him.

Ewan ko ba pero parang nawe-weirduhan ako ngayong magkatapat na sila. Parang may 'di tama...

Kinagabihan ay pinatawag ako ni Lady Incha pagkatapos ng hapunan nila sa penthouse. She wants me to bring Pilandok with us to our unit. May bakanteng kwarto pa roon at doon na lang daw si Pilandok dahil tiwala siyang mas mapagtutuunan namin ito ng pansin at maaalagaan dahil nand'yan kami at si Mama Adele. She said that Pilandok needs the right mother figure while growing up and Mama Adele is the perfect candidate. Gusto ko nga sanang itanong kung bakit hindi na lang si Ma'am Rubia kaso parang ang pangit tingnan kung ku-kwestyunin ko ang desisyon ng amo ko. Isa pa, Lady Incha's very keen when it comes to observing how people around her behave and treat others. Baka napapansin niya ang ugali ni Ma'am Rubia o 'di kaya ay nakikita niya kay Ma'am Alba ang paraan ng pagpapalaki ng ina nito sa kanya. Nevertheless, I'm fine with her decision. Dalawang kids na ang gagawan ko ng bento boxes bilang baon. Ang saya kaya no'n! Pilandok was so happy with us in the unit. Gano'n din sina Mama Adele at Tatay Sigurd. Para kasing nagkaroon na sila ng anak na lalaki.

SUOT ANG TYPE A uniform namin at apron ay tumulong kami ni Lulu sa farm. Ito na ata ang isa sa mga pinakana-eenjoy kong trabaho rito sa Hotel Grimm.

"Wazzup, wazzup, mga mananap!" bati ko sa mga viewers ng live ko sa ViewTube.

That is the YouTube version here in Beast Republic. Iyong tawag ko naman sa viewers ko ay mananap. I usually hear most of the vloggers in our province in the mortal world greet that way, so I just followed them. Ang channel ko naman ay Una's Yaya Diaries. May dalawang subcribers na rin ako. Si Indiana at Juno. Si Kyrine ayaw magsubscribe kasi nasisira raw 'yong araw niya kapag napapanood ang mga kagagahan ko. Gagawan ko nga ng account sa ViewTube mamaya si Lulu para madagdagan ng isa pa. Hay nako, ang hirap talaga nang hindi sociable.

Tinapat ko ang camera ng cellphone sa kulungan ng mga biik na inaalagaan namin. "Tingnan niyo naman po at ang lulusog at tataba ng three little pigs. Organic feeds lang po kami rito. At proud na proud ako siyempre kasi napaka-sustainable ng farm namin."

Inilapit ko pa sa tatlong biik ang camera habang pinapakilala sila isa-isa. "Si Maria po ang panganay, ang bread winner, at unang makakatay. Si Leonora naman po 'yon a.k.a Nora. Tapos ang bunso naman ay si Teresa. Anyways, lalaki po sila lahat. Trip ko lang 'yong mga pangalan nila."

Humahagikhik si Lulu habang nakikinig at nagpapakain naman sa mga manok. Pagkatapos niya ay isinauli niya ang lagayan ng organic feeds saka nagpunas ng mga kamay at nanakbong lumapit sa akin.

"Ate Una, ako na magbibidyo sa'yo," alok niyang pinagbigyan ko naman.

Nang maibigay ko na kay Lulu ang cellphone ko ay kinuha ko si Nora at kinarga saka hinarap sa kamera.

"Alam niyo ba kung ano ang sinabi ni Nora sa akin tungkol sa mga kapatid niya?" tanong ko kunwari sa viewers.

"Ano po?" tanong ni Lulu, sinasakyan ang trip ko.

"My brother is not a pig!" sagot ko, ginagaya ang pagkakasabi ng isa sa mga iconic lines ni Nora Aunor. Tawang-tawang naman si Lulu. Ang supportive talaga ng batang 'to kahit kailan.

"Aba, kaya pala kanina pa tawa nang tawa si Indiana habang nakatingin sa cellphone niya."

"Captain Sven, magandang hapon po," bati namin sa among namasyal din ata sa farm.

"Ate Una, may bagong subcriber kayo, oh! Si User000. Hala, nagcomment!" hayag ni Lulu habang binabasa ang nasa cellphone ko. Tiningnan ko naman agad iyon. Naki-tsismis pa si Captain Sven.

"I enjoy watching your videos. Please keep posting more orange heart heart," basa ng amo naming hindi ata alam ang tinatawag na silent reading.

"'Yan! Iyan ang sinasabi ko! Kahit sa mga ganitong simpleng bagay ay may lihim akong napapasaya kaya ika-career ko na talaga 'tong vlogging," proud at natutuwang hayag ko naman. Comments like this make my day complete.

I immediately typed a reply.

Thank you po! 🤗 Promise pasasayahin ko pa po kayo with my next videos. Don't forget to hit the like button and notification bell! 🤭🧡

🌸☠️🌸☠️🌸☠️🌸

A GUY WAS smiling as he read Una's reply.

"She's cute. Who is she?" nakangising tanong naman ng lalaking kasing-edad lang ni Una.

The first guy didn't answer. The latter just smirked more. "Oh, don't mention it. I think I know who she is."

"Mga señorito, pinapatawag na po kayo nina señor at señora. Kakain na raw po," magalang na hayag ng katulong na kumatok sa silid ng study nila.

Tumayo na ang pangalawang lalaki nang hindi inaalis ang ngisi.

"I've heard she's looking for me and for you. Can't wait to see her," he said before he spun around to go to the dining room of their palace.

Nasa tapat na siya ng pinto nang magsalita ulit siya. "You have to follow quickly. Syvarra doesn't want to keep waiting."

"Susunod ako agad."

Tumango ang nakatalikod na lalaki at umalis na saka sinara ang pinto. He replayed the part where Una was smiling and took a screenshot of it. He smiled too while looking at her photo.

"I'm happy that you are finally this free and happy... Vanie," he whispered.

•|• Illinoisdewriter •|•

I supposed to publish two updates this week but I've been busy editing some materials and videos for my Information/Communication Campaign subject 😭😭 See you next week again, Charmings! 🧡

Do hit the star button and comment your thoughts. I love reading them and I love you too for reading this chapter! 🧡

Continue Reading

You'll Also Like

103K 6.8K 33
Highest ranks reached: #3 in Zombie #2 in Zombieapocalypse #8 in Survival #3 Horror-Thriller "They die feeling unlucky, but I consider them the lucki...
90.9K 3.2K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...
597K 3.5K 114
If you're looking for more Fantasy stories. My list might help you. enjoy! P.S you may encounter some stories with the same title but they are fro...
76.9K 5.4K 35
Her touch is once frail. Neither having green thumb nor cold hands. She's never an heir. She lies. She runs. She hides. But she's been chosen To sa...