Golden Scenery of Tomorrow (U...

Von 4reuminct

74.3M 2.9M 10.5M

UNIVERSITY SERIES #5. Ever since they were kids, Avianna Diaz from UST Architecture and Larkin Sanchez from... Mehr

PROLOGUE
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
EPILOGUE
Author's Note

25

1.3M 48.5K 211K
Von 4reuminct


"'Yon si Clea... Grabe..." 


Nakatulala pa rin ako sa harapan ng sasakyan habang nagda-drive si Kino papunta sa pupuntahan namin, kung saan man 'yon. Nakalimutan ko na pala siya tanungin dahil nga occupied pa ang utak ko dahil sa pagka-starstruck kay Clea. Hindi naman ako kadalasan makakita ng mga artista katulad ni Arkin at wala rin naman akong pakialam pero ganoon pala ang feeling makakita ng sobrang sikat na artista sa harapan mo. 


"Hindi mo ba talaga naging crush si Clea?" Tanong ko na sa kaniya. Hindi ko alam kung hahanga ako o magseselos dahil noong nakita ko si Clea, parang natulala ako. Ganoon pala talaga siya ka-ganda, 'no? She gave off a vibe that her level was higher than us. Kahit kay Arkin. Parang hindi siya pwedeng hawakan. 


"Via, halos buong buhay ko, ikaw lang ang naging crush ko," natatawang sabi niya. 


Natahimik tuloy ako. Halos buong buhay na ata ni Kino ay naka-dedicate sa akin kung makapagsalita siya. Dapat magpasalamat na lang akong hindi siya nagtatanong tungkol sa fan meeting kanina, kung bakit naroon ako at paano ako nakasali roon?! 


"Anong trip mo at nasa fans club ka?" Napasinghap ako nang malalim nang tinanong niya bigla! Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa.


"Dinamay lang ako ni Luna," pagpapalusot ko kaagad at umiwas ng tingin. Sorry, Luna... Alam ko namang ako talaga ang nangdamay sa kaniya. 


Tumawa ulit siya habang nagda-drive at hindi na nagsalita. Napapaisip tuloy ako kung iyon na 'yon or i-oopen ulit niya ang topic mamaya! Anong sasabihin ko?! Hindi tuloy ako mapakali dahil hindi siya nagtatanong pero ayaw ko rin namang magtanong siya! 


Hininto niya ang sasakyan sa tapat ng condo niya para ibaba ako sa lobby habang siya ay pupunta naman sa parking. Nauna siya sa unit niya at naghahanda na ng lulutuin nang dumating ako. Hindi raw kasi kami pwedeng kumain sa labas. Hindi naman sa gusto kong kumain sa labas pero na-realize ko lang din na hindi normal na relationship ang mayroon kami. Kailangan pa naming magtago palagi. 


"Marunong ka na magluto ngayon?" Kumunot ang noo ko pagkalapag ng bag ko. 


"Nag-aral ako ng kaunti para sa isang role," sabi niya sa akin habang nag-aayos sa kusina. "Pero baka gusto mong magpalit muna ng shirt. Nakakailang makita 'yong mukha ko sa suot mo." 


Nanlaki ang mga mata ko at tumingin sa suot kong t-shirt. Nakalimutan kong suot ko pa rin pala 'to! Nagmamadali akong pumasok sa kwarto niya para kumuha ng damit ko. Kinuha ko ang tank top kong itim at sinuot 'yon bago ako nag-ipit ng buhok at lumabas sa kusina, tinitignan kung okay na ba ang niluluto niya. 


"Napakayabang mo pa. Corned beef lang naman pala ang niluluto mo," inis na sabi ko nang makita ko ang ginagawa niya. 


"Hoy, huwag mong maliitin corned beef ko!" Pagtatanggol niya sa sarili niya at mahina akong tinulak para umalis ako roon sa kusina. Masyado pa siyang focused! Akala mo naman ay napakagaling na chef. 


Umupo ako roon sa may mataas na table malapit sa kusina para panoorin siya. Nagpahalumbaba ako, naghihintay. Buti marunong na rin siya magsaing? Dati hindi. Sabagay, paano siya mabubuhay niyan mag-isa kung hindi siya marunong magsaing? 


"Uh, Arkin..." Tawag ko sa kaniya nang may ma-realize ako. Lumingon siya sa akin saglit at tinaasan ako ng kilay bago lumingon pabalik sa niluluto niya. "Paano ko sasabihin kay Papa?" 


Alam kong hindi naman namin kailangan sabihin pero may parte sa akin na nararamdamang nagsisinungaling ako kay Papa kung hindi ko ipapaalam sa kaniya at ayaw kong nagsisinungaling sa kaniya tungkol dito, lalo na't malapit din si Arkin sa kaniya. Kinakabahan lang ako sa reaksyon niya. 


"Gusto mo ako na ang magsabi?" Kaswal na tanong niya habang naghahain ng plato. Napaawang ang labi ko sa gulat. Mature na talaga siya mag-isip ngayon. 


"Huwag na... Sabay nating sabihin," suggest ko sa kaniya. Alam kong okay na kahit mag-isa ako kaso baka may mga gustong itanong si Papa kay Arkin. "Sina Luna... Paano natin sasabihin sa kanila?"


"Huh? Hindi pa ba nila alam?" Kumunot ang noo niya pagkalapag ng bowl sa lamesa. Umupo kaagad siya sa tapat ko at nilagyan ng kanin ang plato ko. 


"Hindi pa natin sinasabi," sagot ko naman. 


Tinawanan niya ako pero hindi siya nagsalita. Nilapag niya lang ang plato sa harapan ko at nilagyan din ako ng ulam habang nangingiti. Bakit? Anong nakakatawa sa sinabi ko?! Bakit hindi siya nagsasalita? 


"Ang inosente mo naman, Via." Tinago niya ang ngisi niya sa ilalim ng baso habang umiinom ng tubig. Napasimangot ako at sumubo ng pagkain, hindi pa rin gets kung paano ako naging inosente kung gusto kong sabihin kina Luna? 


In fairness, masarap naman 'yong niluto niya kahit corned beef lang naman 'yon. At least hindi hilaw o sunog 'yong ulam at kanin. Nang tignan ko siya ulit, tahimik na siyang nag-cecellphone, mukhang nagtetext ang manager niya sa kaniya. 


"Hindi mo sinabi sa manager mo na tayo 'di ba?" Tanong ko ulit sa kaniya at umiling siya. Alam kong kung sinabi niya 'yon, hiwalay na sana kami kaagad ngayon. Bale, kami-kami lang din ang nakakaalam. 


"Sino ba 'tong larkinsings na 'to? Bakit puro highschool pictures ko pinopost? Saan galing 'to?" Nagtatakang tanong niya habang nag-iiscroll sa mentions niya sa Twitter. Hindi niya pala in-off 'yon? Ang dami siguro noon. 


"H-hindi ko alam..." Umiwas ako ng tingin, walang balak ipaalam sa kaniya na may fan account kami ni Luna para sa kaniya! Nakakahiya! Binilisan ko tuloy ang kain ko dahil naiilang na. Hindi talaga ako sanay na may tinatago sa kaniya. "Ako na maghuhugas..." 


"Sir Matt, yes, nasa condo ho ako..." Natahimik ako kaagad dahil may kausap pala siya sa phone. Umalis kaagad siya sa dining at pumunta sa may living room para sagutin ang tawag. Manager niya 'yon... Iyon ang pangalan na binanggit niya sa akin dati. 


Tapos na 'kong maghugas ng plato, hindi pa rin siya tapos makipag-usap. Tungkol sa mga projects at schedule niya lang ang naririnig ko habang nag-aayos ako ng gamit ko. Gusto ko na sanang magpahatid pauwi pero busy pa siya kaya naman nag-ayos na lang din ako ng mga gamit niya. Kumunot ang noo niya habang may kausap pa rin sa phone nang makitang nililinis ko ang condo niya. 


"Ah, yes, Sir..." Umiwas kaagad siya ng tingin at sinenyasan akong tigilan ko ang paglilinis. Hindi ko siya pinakinggan dahil wala akong magawa at paniguradong hindi niya naman araw-araw nalilinis mga gamit niya dahil madalas ay wala siya. "Bukas po... Opo, magkikita kami ni Clea."


Pumasok ako sa kwarto niya para hindi na marinig ang pinag-uusapan nila dahil pakiramdam ko hindi ko dapat malaman kahit alam kong sasabihin niya kaagad mamaya. Tama nga ako dahil sumunod siya sa akin pagkatapos niya sa phone. 


"Kakain kami ni Clea sa labas bukas... For publicity," pagpapaliwanag niya. "Magiging busy ako this week dahil sa taping tsaka promotion ng kanta kaya baka hindi tayo makapagkita masyado..." 


"Okay lang. Uuwi na ako. Tara na?" Nakangiting tanong ko sa kaniya. Ayaw kong matulog dito dahil kinakabahan ako sa pwedeng mangyari sa amin! Hindi pa ako ready sa mga ganoon kaya desidido akong umuwi! 


Mabuti na lang at pumayag siya kaagad. Pagkauwi ko, tulog na sina Papa kaya dumiretso na lang ako sa kwarto ko. Hindi nga kami nagkita ni Kino ulit noong weekend hanggang sa may pasok na ako ulit. Nasa jeep ako habang naka-earphones at nanonood ng news tungkol kina Clea at Arkin sa YouTube. Nakatago pa ang phone ko sa bag ko habang nakayuko ako. 


"Date..." Napairap ako dahil iyon ang pinagkakaguluhan ng mga tao. Lumabas kasi si Clea at Arkin at kumain sa restaurant. Maraming nakakita kaya ginagawan nila ng issue ngayon. Ang galing din ng mga manager nila. Pinapaingay ang pangalan noong dalawa. 


"Hindi ka pa bababa?" Napalingon ako sa lalaking kumalabit sa akin. Tinanggal ko ang earphones ko at lumingon sa bintana. Nasa UST na pala ako! Nagmamadali akong bumaba at sumunod naman siya sa akin. Blockmate ko pala 'yon. "Ano bang pinapanood mo riyan?" 


"Wala!" Nilayo ko kaagad ang phone ko mula kay Jaedan. "Chismoso ka, Dan," sabi ko habang sabay kaming naglalakad papunta sa building namin. 


"Nakita ko, si Clea at Arkin pinapanood mo. Fan ka?" Tumatawang tanong niya. "Ako, lowkey fanboy ako ni Clea." Ngumisi pa siya sa akin. 


"Okay. Share mo?" Tinaasan ko siya ng kilay at tumawa naman siya. Siya iyong may crush sa akin noong welcome walk pero sabi niya hindi naman daw 'yon totoo at inaasar lang siya ng isa naming blockmate. 


"Hindi ako boto kay Arkin para kay Clea." Sumimangot siya at umiling. "Clea's too good to be with him." 


"Anong sabi mo?!" Humarap kaagad ako sa kaniya. Nagulat siya dahil tumaas ang boses ko kaya peke akong umubo at inayos ang pananalita ko. "Maayos din naman si Arkin..." 


"Akala ko ba hindi ka fan ng ArClea?" Sumingkit ang mga mata niya at pinagbuksan ako ng pinto papasok sa room. Nauna na ako sa kaniya at hindi siya sinagot. Dire-diretso na lang akong umupo sa upuan ko. Naroon na sa tabi ko si Luna, patawa-tawa habang nag-tytype sa phone. 


"Via, may mga dugyot ka pa bang picture ni Arkin diyan?" Tuwang tuwang tanong niya sa akin. "Tetweet ko lang sa stan account ko! Hoy, oo nga pala, mag-tweet ka naman! Sayang followers!" 


"Nabibwisit na si Arkin sa ginagawa mo. Ibo-block ka na noon," sabi ko sa kaniya pagkaupo ko. Nilabas ko rin ang cellphone ko at chineck ang Twitter para tignan kung may bagong balita ba pero sina Clea at Arkin ang laman ng trending list. Dating na raw, ganoon. 


"Kaya pala todo halungkat ka ng pictures noong high school. Inuulol mo si Arkin," sabi naman ni Kierra. "Pati year book, hinanap pa niya." 


"'Di ba may picture siya noong nasubsob siya sa puno kasi tinulak siya ni Sevi?! Nakanino 'yon?! Or video ba 'yon?" Naalala niya bigla. Alam kong si Yanna ang nag-video noon pero nagpalit na 'yon ng phone dati pa kaya wala na siguro sa kaniya 'yon. Sayang, hindi nila in-upload sa Facebook pero sinend naman yata nila sa group chat. 


Bumalik na rin sina Luna sa mga upuan nila nang dumating ang prof namin. Nakinig lang ako sa klase buong araw at binigyan kami ng bagong gagawin by partner. Ito ang ayaw ko! By partner na naman! Umiikot kasi sa amin nina Luna 'yon. Kung sila ni Kierra ang partner sa isang project, kami naman sa susunod, mga ganoon. Turn na ulit nila ngayon. 


"Pst, ArClea fan, partners tayo." Umupo kaagad sa tabi ko si Dan. Gusto lang ako maging partner nito para makasagap siya ng kung ano tungkol kay Clea! Hindi ko makakalimutan ang sinabi niya tungkol kay Arkin. 


"Kailan tayo gagawa?" Tanong ko. Kung tungkol naman sa acads, magaling din si Dan sa architecture. Dean's lister din naman siya katulad ko at ni Kierra at running siya for Latin honors. Wala nga lang nagbabalak kalabanin pa si Luna. Abot langit ang grades ni Luna. 


"Gazeebo sa Saturday. Bili muna tayo ng materials," sabi niya at nagplano na. Nang tapos na kami mag-meeting ay dumaldal na naman siya tungkol kay Clea. "Pakiramdam ko parang hindi naman seryoso 'yong Larkin na 'yon kay Clea." 


"At paano mo naman nasabi 'yan? Mukha ba siyang manloloko?" Inis na tanong ko sa kaniya. "Mas mukha ka pang manloloko sa kaniya." 


"Grabe naman 'tong Arkin stan..." Napailing siya. "Wala, sa tagal kong fan ni Clea, alam ko na ugali noon! Hindi 'yon mahilig pumasok sa mga long-term partnerships unless kailangan para sa publicity. Ganoon 'yon! Kaya iniisip kong for publicity lang lahat ng ginagawa nila." 


Hindi ako makapagsalita dahil alam kong totoo ang hinala niya! Baka kung ano ang masabi ko. Matalino nga talaga 'tong lalaking 'to. Siguro kung si Arkin din naman... Sa tagal ko siyang kilala, alam ko kung kailan siya seryoso at hindi. Mapapansin ko rin naman 'yon. Umiling na lang ako at uminom ng tubig.


"Feeling ko may ibang girlfriend 'yon. Si Larkin." Muntik ko nang mabuga ang iniinom ko nang magsalita ulit siya. 


"Hoy, anong sabi mo?! Walang girlfriend 'yon! Si Clea girlfriend noon!" Singit ng isa kong blockmate nang marinig 'yon. 


"Feeling ko lang naman?!" Pakikipagtalo ni Dan. "Kasi isipin mo, ha... 'Yong mukhang ganoon. Oo, aaminin kong gwapo siya, ha... Kaya 'yong mukhang 'yon, imposibleng walang girlfriend 'yon bago pumasok sa showbiz! Alam ko 'yan!"


"Kung mayroon man, malamang nag-break na sila, matagal na, kasi busy si Arkin. Wala siyang time sa mga girlfriend, unless nasa same silang industry katulad ni Clea. Palagi silang magkasama kung ganoon!" Pakikipagtalo pa ng blockmate ko. 


Hindi ko alam ang mararamdaman ko habang nagtatalo sila dahil pakiramdam ko ako ang pinag-aawayan nila. Napainom na lang ulit ako ng tubig sa kaba. May mga tao talagang mabilis makaramdam! 


"Pa, narito na ako," paalam ko pagkapasok ko ng bahay. Dumiretso na ako sa kwarto ko at humiga para basahin ang mga text ni Kino. May shooting pa rin daw sila hanggang madaling-araw. Kinuha ko ang phone ko at naisipang mag-tweet. 


'good luck sa shoot @larkinsanchez. don't forget to drink water...' 


Inisip ko kung lalagyan ko ng sweet words. Stan account naman kaya okay lang 'yon! Tama, okay lang! Hindi naman nila malalaman! Si Luna lang naman ang makakaalam! Ide-delete ko kaagad kapag nag-reply siya. 


'good luck sa shoot bb @larkinsanchez. don't forget to drink water!' 


Napapikit kaagad ako at tinakpan ng unan ang mukha ko dahil sa hiya pagkapindot ko ng 'Tweet' button. Pinaghahampas ko ang ibang unan, diring diri sa sarili ko! Hindi ako ganoon pero pakiramdam ko gusto ni Arkin 'yong mga ganoon... 


Napakunot ang noo ko nang marinig ang sunod-sunod na notifications sa phone ko. Binuksan ko kaagad ang Twitter ko nang makitang puro roon ang mentions sa akin. 


"What the fuck," bulong ko. Agad akong napatakip sa bibig ko at dinelete ang tweet nang mapansing sa totoong account ko iyon na-tweet! Wala naman akong followers kung hindi sina Luna at naka-private pa 'yon dahil hindi ko ginagamit pero nakakahiya! Para akong lumulubog sa kahihiyan nang mabasa ang replies nina Sevi! 


sevirous: hacked ka yata via 

lunavaleria: WTFHAHAHAHAHAHAHSHJSAH AMP na ol 

ashiannakim: arkin umamin ka na tinweet mo lang sarili mo 

itsamantha: wow you revived your account for this? sweet! 

kierra_: how to unsee 

0406PRIV: LAH GAGI DI AKO NAG-TWEET NIYAN! 


Mahina kong inuntog ang sarili ko sa screen ng phone ko habang nakadapa. Nakita na rin ni Arkin! Iyon ang private account niya. Nakakainis kasi birthday ko pa ang nilagay sa username! Kapag daw birthday niya, halata raw masyado! 


Napatalon ako sa kama nang makitang tumatawag na si Arkin. Ito na nga ba ang sinasabi ko! Huminga ako nang malalim bago ko sinagot ang tawag, umaaktong walang nangyari. "Hello?" Sagot ko kaagad. 


[I didn't expect you to be the sweet type.] Pang-aasar niya kaagad sa akin. Napasimangot ako at binaon ulit ang mukha ko sa unan bago ako sumagot. 


"Aksidente lang 'yon, okay?!" Pagpapaliwanag ko. 


[Paano naging aksidente 'yon?] Humihina ang ingay sa background kaya alam kong naglalakad siya palayo. Break time yata nila. Bakit nasakto pa?! Nakita niya tuloy! 


"Maling account nagamit ko, okay?!" Wala sa loob na sabi ko. 


[Huh? May isa ka pang account?] Napasapo kaagad ako sa noo ko, hindi alam kung paano ipapaliwanag sa kaniya! [Anong isang account? Bakit hindi ko alam? Anong account 'yong pwede kang mag-tweet ng ganoon?] 


"Wala!" Binaba ko kaagad ang tawag, hindi na alam ang sasabihin. 


Buong gabi ko tuloy inisip 'yon kaya muntik pa akong ma-late kinabukasan! Napahinto ako sa tapat ng room namin, pinag-iisipan kung papasok ba ako. Napapikit ako at pinakalma ang sarili ko bago ako pumasok. 


"Baby ko! Halika rito! Umupo ka muna! Drink water na rin!" Napayuko kaagad ako nang marinig ang bungad ni Luna sa akin. Hindi ko siya pinansin at umupo na lang sa upuan ko. Tawa nang tawa si Kierra. Kahit wala siyang sinasabi, nakakainis pa rin! 


"Tigilan mo ako, Luna." Tinulak ko ang pagmumukha niya palayo sa akin habang inaayos ko ang gamit ko. 


"Ang pikon naman ni bibi! Bibi!" Pang-aasar niya ulit. "Sana all na lang. Huwag kang mag-alala, matagal na naming alam na kayo na!" Tumatawang sabi niya ulit. "Kayo lang dalawa ang hindi may alam!" 


Hindi ko siya pinansin at nag-concentrate na lang sa pag-aaral ko! Mabuti na lang dumating na ang prof kaya natahimik na ang buhay ko. Dapat talaga hindi na ako nag-tetweet! Ayaw ko na! Hindi ko na uulitin 'yon! 


Noong Friday ay nag-aya si Samantha na mag-BGC daw for a small party. Kailangan lang daw niya ng break from her schedules. Hindi ko alam kung gaano ka-'small' ang party na 'yon pero pumayag pa rin ako dahil nga hindi na rin namin nakakasama masyado si Samantha. Ngayon na lang sana kami makokompleto, kaso wala si Arkin. Busy pa rin siya sa promotions pero hahabol daw siya. Wala rin si Yanna dahil walang maiiwan kay Avi. 


"Uuwi rin ako kaagad kasi gagawa pa ako ng plates bukas," sabi ko kina Luna habang nagda-drive siya papunta sa BGC. Nagsuot lang ako ng white na tank top, black leather skirt, denim jacket, at flats. Iniwan ko na rin ang salamin ko at nag-contacts na lang. 


Sabi na nga ba at duda ako sa 'small' party ni Samantha dahil pagkapasok pa lang namin ay marami nang tao. Hindi naman puno ang club pero cinoconsider ko pa rin na maraming tao dahil marami akong hindi kakilala. 


"Kasama ka pala," sabi ko kay Theo nang makitang kasama siya ni Sevi. "Baka umuwi kang umiiyak niyan..." 


"Ang sama mo talaga, Via..." Ngumisi ito at humawak sa baba niya. "Martyr ako pero hindi ako umiiyak." 


Nagkibit-balikat ako at lumingon kay Kierra. Ngumiti kaagad ito kay Theo at tinapik sa balikat, saka sila umupo. Umupo na rin ako sa couch at sinimulan kaagad ang inom gamit ang beer. Ito lang naman ang gagawin ko rito bukod sa panonood sa mga tao. Interesting silang panoorin dahil mahahalata mo kaagad ang drama sa kanila. 


"Luna, wala siya rito. Palingon-lingon ka pa," pang-aasar kaagad ni Sevi. 


"E, 'yong bebe mo? Nasaan?" Tumaas ang kilay ni Luna. 


"Hindi naman umiinom 'yon." Nagkibit-balikat siya at naglagay na ng alak sa mga baso. Siya na ang naging tanggero kaya ang bilis ng inom namin! Pagkatapos ng isang lagok, lalagyan kaagad! Wala man lang pahinga! 


Tumayo ako para kumuha ng isa pang bote. Ang gulo at ang dilim din kaya hindi ko na alam kung saan ako napupunta. Sa wakas ay nakarating din ako sa counter at umorder roon sa bartender. Sumandal muna ako habang naghihintay pero nagulat din ako nang makita si Clea na nag-oorder rin sa gilid ko. Isang sulyap lang ang ginawa niya at umalis na kaagad pagkatapos makuha ang cocktail. 


Nakasuot siya ng white fitted cropped top na long sleeves, black skirt, at mamahaling cream coat na hanggang tuhod. Naamoy ko kaagad ang pabango niya. Presensya niya pa lang ay ang elegante na. 


"I heard he's going, Clea," sabi ng isang kaibigan ni Clea. Alam ko kaagad na kaibigan niya 'yon dahil mukhang model 'yong babae. Napahinto sa paglalakad si Clea at lumingon sa paligid. 


"Really? I'm running out of charms. Why can't he just like me back?" Umiling si Clea at bumalik na sa couch nila kasama ang kaibigan niya. 


Bumalik na rin ako sa table namin at nilapag ang dalawang bote ng Black Label. Agad nag-iba ang mukha ni Sevi na parang nakakita ng nakakadiring bagay. "Bakit 'yan?!" Reklamo niya kaagad sa akin. 


"Choosy pa. Isusuka mo rin naman 'yan!" Sabi ni Theo at nagsalin na sa baso. 


Chineck ko ang phone ko dahil nag-message si Arkin. Kakatapos lang daw ng meeting nila at papunta na raw siya rito. Uminom na lang ulit ako at maya-maya, sinamahan sina Luna sa dance floor. Nalalasing na rin yata si Kierra at Luna. 


"Luna! Wow! I didn't expect to see you here! Long time no see!" Napalingon kaagad kami kay Adonis, kaibigan ng ex ni Luna. Natawa kaagad ako dahil nagulat si Luna, akala yata kasama nila si Kalix. Napatigil tuloy siya sa pagsasayaw, lasing na.  


"Adi!" Lumingon sa paligid si Luna, kinakabahan.


"Huwag kang mag-alala! Wala siya rito! Busy 'yon!" Tumawa si Adi at sinandal ang siko sa may cocktail table habang may hawak na baso ng alak. Hindi mawala ang ngisi niya habang nakatingin kay Luna, natatawa sa reaksyon nito. "Nalungkot ka? Inom mo na lang 'yan! Want a drink?" Inalok ni Adi ang hawak niya. 


"Ewan ko sa 'yo, Adi!" Umiling si Luna at muntik nang matumba kaya sinalo siya ni Adi sa bewang. Bumitaw rin siya kaagad at napatingin sa kamay niya, nanlalaki ang mga mata. 


"Lagot ako nito!" Sabi niya. "Oh, ito na lang inumin mo! Sober up!" Inabot ni Adonis ang water bottle. 


"Bro, tama na 'yan... Hi, Luna!" Dumating na rin si Leo, isa pa nilang kaibigan. Tinapik niya ang balikat ni Adonis at may bumulong dito. Napalingon si Adi sa isang couch bago ngumisi at natawa, umiiling pa. "Dinadamay mo pa si Luna, bro." Tumawa rin si Leo. 


"Geez, so persistent," sabi ni Adonis at umiling. "Anyway, Luna, sober up! Drink that water- Ouch, bro!" Hinatak na siya paalis ni Leo kaya nawala na sila. 


Inakay ko na sina Luna pabalik sa couch para naman mahimasmasan na 'yong dalawa. Na-stress tuloy si Sevi at Theo dahil inaalala pa 'yong dalawang 'yon. Mabuti na lang at tumatakas ako sa shot kaya hindi ako nalasing! Pumapayag naman si Sevi dahil papunta raw si Arkin. Iyon na lang daw ang lalasingin niya. 


"Si Kierra?" Nagtatakang tanong ko nang pagbalik ko galing C.R ay wala na si Ke. 


"Hindi ko rin alam. Hinahanap ko nga," sabi naman ni Theo. 


Tumayo tuloy ako at nag-ikot para hanapin siya. Mabuti na lang at inuna ko ang couch malapit sa may smoking area. Nakita kong nakasandal si Shan sa pader habang may hawak na maliit na vape. Nakaupo naman si Kierra at nakatingala sa kaniya. May pinag-uusapan sila at mukhang seryoso 'yon dahil seryoso ang mukha ni Shan kaya umalis na lang ako. 


"Via!" Nagulat ako nang biglang humarang sa dadaanan ko si Arkin. Nalaman ko kaagad na siya 'yon for some reason. Kabisado ko na yata talaga siya. Nakasuot siya ng facemask at cap na itim para hindi siya makilala. Si Clea ay okay lang makita dahil nga puro sikat din naman ang mga kaibigan niya kaya wala siyang malalagay sa spotlight pero si Arkin... Baliktad. 


"May nakapasok yatang suspicious person," bungad ni Sevi pagkarating namin sa table. "Pakitawag 'yong security."


"Tanga," sabi kaagad ni Arkin at umupo sa tabi niya. Nakipag-apir rin siya kay Theo bago uminom ng shot. Shot kaagad ang binungad sa kaniya. "Oh, anong nangyari rito?" Turo nito kay Luna. 


"Deds na." Sumenyas si Sevi at umiling. Nakahiga na lang si Luna sa couch, natutulog. Mabuti nga 'yon kaysa kung ano-ano ginagawa niya. 


Uupo na sana ako sa tabi ni Luna pero hinatak ni Kino ang kamay ko paupo sa tabi niya. Napakagat ako sa labi ko at naiilang na tumingin sa paligid. Nakababa kasi ang facemask ni Kino dahil umiinom pero mukha namang walang may pakialam sa paligid namin. 


"Bobo ka, pare." Hinawakan ni Sevi ang palapulsuhan ko at hinatak naman ako paupo sa tabi niya. Napausog tuloy si Theo! Sumimangot kaagad si Arkin at uminom ulit ng shot. 


"Bakit ba bawal ko makatabi girlfriend ko?" Reklamo niya kaagad. 


"Ang daming tao, tanga," sabi naman ni Theo. 


Ngumuso si Kino at umiling na lang. Hindi nga niya ako katabi pero lingon siya nang lingon sa akin! Palagi niyang tinitignan kung okay pa ba ako! Iniwan ako nina Kierra! Si Sam naman, kanina pa nag-iikot! 


"Hindi ba magda-drive ka?" Tanong ko kay Arkin dahil kanina pa siya umiinom. 


"Nariyan driver ko... Naghihintay sa parking. Van 'yong nadala ko dahil diretso ako galing meeting," sagot niya naman sa akin. 


Hindi tuloy ako mapakali dahil van ang dala niya! Huwag na kaya ako sumabay sa kaniya pauwi? Pero kailangan kong umuwi nang maaga. May plates pa ako bukas! Gagawa kami ni Dan sa may UST! 


"Kahit holding hands, bawal?!" Reklamo ulit ni Arkin. 


"Tayo na lang mag-holding hands, pare," sabi naman ni Sevi at tumawa. 


Napatingin ako sa relo ko. Late na kaya tumayo na ako at napagdesisyunang umuwi na. Mauuna na ako at hindi na ako sasabay kay Arkin! Dahan-dahan akong naglakad paalis para hindi niya mapansin pero nahawakan niya kaagad ang kamay ko. Napailing si Sevi at inalis kaagad ang hawak nito. 


"Uuwi na ako," sabi ko sa kaniya. 


"Tara." Tumayo kaagad siya pero tinulak ko ang balikat niya pabalik sa couch. "Bakit?" Nagtatakang tanong niya. 


"Huwag mo na akong ihatid. Baka may makakita sa 'yo," sabi ko at naglakad na paalis. 


Alam ko namang hindi siya papayag kaya hindi na ako nagulat nang hawakan niya ang braso ko at hinarap ako sa kaniya, nagmamakaawa ang mukha. "Wala nang magsasakay rito. Gabi na," sabi niya. "Baka mapaano ka pa." 


"Baka may makakita nga sa atin," sabi ko sa kaniya. 


"Sa likod na lang tayo dumaan tapos papadaan ako sa driver," sabi naman niya. Napabuntong-hininga ako at tumango na lang. May backdoor pala itong club. Palabas na sana kami nang makita si Clea na nakasandal doon sa gilid ng pinto, nag-tetext. Napaangat kaagad ang tingin niya sa amin. "Clea!" Gulat na sabi ni Arkin. 


"Hey," maikling sagot niya at lumipat ang tingin sa akin. Napailing siya at umalis mula sa pagkakasandal para lagpasan kami. "Dating a fan? Weird," sabi niya kay Arkin. 


"Huh?!" Gulat na sabi ni Arkin pero naglakad na paalis si Clea. "Wait lang. Mauna na 'ko sa labas," sabi niya sa akin at sinuot ang cap niya sa ulo ko bago umalis. 


Naghintay ako nang ilang minuto bago hinawakan ang pinto. Aalis na sana ako nang biglang may humatak sa collar ng jacket ko. Napalingon ako at nakita si Clea na nakahalukipkip, nakasandal na ulit sa may pader. 


Napaawang ang labi ko nang walang reaksyon niyang hinubad ang coat niya at inabot sa akin. Naguguluhan kong tinignan 'yon. Bakit niya binibigay sa akin? 


"Wear it," seryosong sabi niya. 


Hinubad ko kaagad ang jacket na suot ko at pinalitan 'yon ng coat niya, nagpa-panic. Hindi ko alam kung bakit pero ginawa ko na lang ang sinabi niya. Bumuntong-hininga siya at naglakad na paalis. 


Lumabas na ako at tumakbo papasok sa van ni Arkin. Nagtaka kaagad siya kung bakit iba na ang suot ko. "Kay Clea 'yan, 'di ba?" Turo niya sa coat na suot ko. 


"Ewan... Binigay niya." Nagkibit-balikat ako. 


"Sir... May nakasunod sa likod..." Sabay kaming napatingin sa driver niya. "Media 'yan... Pamilyar ang kotse." 

________________________________________________________________________________

:)

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

192K 10.4K 24
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
11.4M 570K 53
Kallaine Seraphina Verlas is a vampire with a white curse-a curse that every creature feared the most. She already accepted her existence alone, trap...
2.1M 61.8K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...