Volviendo Al Pueblo Hundido

By crsntmoon_

24.5K 1K 1.5K

Sa isang kahilingan na matagal nang nag laho dahil sa kapanahonan. Paano kung ang matagal mo nang hiling nung... More

Warning!!
VAPH NOTES
Ika-1
Ika-2
Ika-3
Ika-4
Ika-5
Ika-6
Ika-7
Ika-8
Ika-9
Ika-10
Ika-11
Ika-12
Ika-13
Ika-14
Ika-15
Ika-16
Ika-17
Ika-18
Ika-20
Ika-21
Ika-22
Ika-23
Ika-24
Ika-25
Ika-26
Ika-27
Ika-28
Ika-29
Ika-30
Ika-31
Ika-32
Ika-33
Ika-34
Ika-35
Ika-36
Ika-37
Ika-38
Ika-39
Ika-40
Ika-41
Ika-42
Ika-43
Ika-44
Ika-45
Ika-46
Ika-47
Ika-48

Ika-19

319 17 97
By crsntmoon_

NAALIMPUNGATAN AKO nung makaramdam ako ng gutom. Napatingin ako sa bintana ng kwarto ko rito sa bahay ni Tita Eya. Sarado na ang bintana, iniwan ko yung bukas bago ako matulog, mukhang pumasok si Tiya Eleha sa silid ko habang ako ay natutulog.

Bumangon at lumapit sa bintana. May unting liwanag na nanggagaling sa paubos nang kandila kung kaya't nakikita ko pa ang aking dinadaanan. Nang mabuksan ko ang bintana ay sumalubong sa akin ang malamig na hangin.

Mukhang alas onse na ng gabi pagkat wala nang masyadong tao sa paligid. Sarado narin ang mga ilaw sa mga katabing bahay namin rito sa loob ng Intramuros.

Bumuntong hininga ako at muling sinara ang pintuan. Kinuha ko ang kandilang malapit nang maubos. Nag lakad ako palabas ng aking kwarto at nag lakad papuntang kusina.

Buti na lamang ay hindi masyadong malaki ang bahay ni Tiya Eleha kung hindi baka maligaw ligaw ako kagaya nang nangyari sa akin doon sa mansyon ng mga Buenaventura.

Nang makarating ako sa kusina ay bumungad sa akin ang napaka raming gulay, prutas at malalaking tinapay. Napangiwi ako nung maalalang wala palang Ref sa panahon na ito.

Tsk. Hindi naman ako mabubusog sa tinapay lang diba?  Hindi rin naman ako masyadong nakain ng tinapay dahil hindi naman ako nabubusog don.

Mas bet ko pa nga ang kain, eh. Pero paano ako kakain ng masarap kung hindi naman ako marunong mag luto? Aish. Gigisingin ko ba si Tiya Eleha?

P-pero pagod si Tiya Eleha. Ayoko namang maistorbo ang matandang yun. Kung mag hihintay naman ako na mag umaga para sa umagahan mukhang hindi ko yun makakayanan. Aish.

Inis akong kumuha ng tinamay. Nang makita ko ang gatas sa gilid ay inamoy ko ito bago nag salin sa baso. Nilapag ko ang magiging hapunan ko sa lamesa. Tiningnan ko ito at nag buntong hininga.

Mukhang kailangan kung mag diet ngayon. I need to less a food kaya ito lang ang kakainin ko. Ayoko namang tumaba dahil walang gym dito. Tsk. Saad ko sa sarili ko.

Uupo na sana ako para simulan ang walang ganang kainan nang biglang may narinig ako nang yapak ng paa. Napatingin ako sa may pintuan ng kusina.

P-possible ba namay mag nanakaw dito? Gosh! Napaka possible nga! Hindi lang mag nanakaw ang pwedeng pumasok dito sa mansyon kung hindi rebelde!

Kailangan kung gumawa ng paraan! Sisigaw na ba ako?! Tatawag naba ako ng pulis o Guardia na Civil?! Omg! Mukhang kailangan kung mag handa. Tama! Tama! Kailangan kung mag handa dahil baka gaha-----No!

That's not gonna happened! Mababait naman ang ibang pilipino right? Hindi nila magagawang gahasain or what ang kapwa pilipino nila?

P-pero I have a problem! Sa panahon ito ay may lahi akong Español! At ang may mga lahing Español ay hindi nila pinapalagpas! Oh no!

Mabilis akong luminga linga sa paligid. Nag hanap naman ako ng pwedeng armas. Huminto ang tingin ko sa palakol sa gilid. Mukhang pantadtad ito ng malalaking baboy.

Pwede kaya itong gamitin sa tao? Tsk. Baka mataga ko pa sa leeg yung rebelde na yon! Ayoko namang makasuhan ng pag patay! Excuse me ayoko namang mapa sama sa history sa pilipinas!

Tapos ilalagay nilang headline ay 'Isang anak ng magiging Gobernador Heneral ay naka patay ng isang rebelde, matapos umanong muntik itong gahasain sya kahit ang totoo ay iinom lang naman ang rebelde.'

Aish! Baka makikiinom lang yung rebelde at wala syang balak na saktan o gahasain ako!

Ayoko namang maging murderer at pumatay ng rebeldeng makiki inom lang! Kawawa naman! Baka may pamilya pala yung mapapatay ko saka naalala ko pala hindi ako marunong humawak ng palakol!

Baka sarili ko pa ang mapalakol ko at hindi yung rebeldeng target!

Nag hanap ako ng kagamitin dito sa kusina. Huminto ang paningin ko sa isang kumikinang na bagay. Nakangisi ko namang kinuha ang sandata ko.

Hindi naman yata makakapatay ang kawali diba?

Maingat akong nag lakad papuntang pinto. Marahan akong gumilid sa pintuan at hinintay ang pag bukas nito. Biglang kumalabog ang dibdib ko nung marinig ang pag ikot ng hawakan ng pintuan.

Napalunok ako at lalong hinigpitan ang pag kakahawak sa kawali na hawak ko. Humanda ka sa akin kung sino kamang rebelde ka. Malalagot ka sa akin. Ngayon mo matitikman ang isang kawaling matigas na tatama sa ulo mo hahaha!

Nang mag bukas ang pintuan ay mabilis akong lumabas sa pinag tataguan ko at napaka bilis kung hinampas ang hawak kung kawali sa nag bukas ng pinto. "Akala mong rebelde ka maiisahan mo ako! Hindi! Hindi mo ako maiisahan!" Malakas na sigaw ko habang pinag hahampas ang lalaking pumasok sa kwarto ko ng kawaling bakal na hawak ko.

Dinig ko ang pag inda nito ng sakit. "A-aray! Binibini! Ako ang taga pag pamahala ng aray! Ng mansyon ni Donya Eleha aray ko po! B-baka ikaw ang rebelde sa ating dalawa!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi nung lalaki. Ako? Ako pa talaga ang rebelde sa aming dalawa?

Malakas ko ulit syang hinampas. "Anong ako ang rebelde! Nakakahiya naman sayo! Baka rebelde kanaman sa akin! Isusumbong kita kay Ama lalo na kay Ina! Ama! Ina! Whaaaa Tiya Eleha!" Malakas na sigaw ko. Nakakasiguro akong nagulat sya dahil nataranta sya mula sa kanyang kilos.

Nagulat ako nung bigla akong hawakan nung lalaki sa dalawang kamay ko. Lalo nanaman akong napasigaw. "Whaaaa! May gagawin ka sa aking masama no?! Bitawan mo ako! Bitawan mo ako!" Malakas na sigaw ko. Lalo naman itong nataranta. Inalog alog ako nung lalaki ng marahan para magising ako sa katutuhanan na hindi nya talaga ako mahal. Just kidding.

"Binibini. Binibini! Wala akong intinsyon na saktan ka, nais ko lamang na uminom ng tubig, huwag kang maingay baka marinig ka ni Donya Eleha at ng kanyang pamangkin, pagod panaman sila sakanilang byahe lalo na si Señorita Estela Asuncion." Pahina ng pahina ang pag kakasabi nya sa pangalan ko.

Napataas naman ang kilay ko at napatigil sa pag sigaw. Bakit ganon ang pag sasabi nya ng pangalan ko? I mean ni Estela Asuncion? Parang may something, eh. Nay crush yata ito sa akin I mean kay Estela Asuncion. Dahan dahan kung minulat ang mata yung nakapikit dahil sa pag sisigaw. Nagulat ako nung makita ang pamilyar na mukha nya.

"C-carlo?" Gulat na saad ko. Habang nakakunot ang aking nuo. Nakita ko ang gulat sa mata nya.  Hindi ko man masyadong maaninag ang kanyang mata dahil sa madilim na paligid ngunit nakaka siguro akong sya si Carlo. May unti kasing liwanag na pumasok mula sa hindi masyadong naka sarang bintana.

Dahan dahan nyang inangat ang mata nya, nagulat sya nung makita nya ang aking mukha. Automatiko itong napa bitaw sa akin habang gulat na gulat. "S-señorita? Señorita Estela Asuncion? Ikaw bayan?" Gulat na saad nito. Natawa naman akong tumango.

Nakita ko kung gano namutla ang kanyang mukha kaya natawa ako. "P-paumanhin Señorita sa pagiging labas tanganan ko dahil sa pag hawak ko, paumanhin rin po pagkat na pag bintangan kitang rebelde." Natatarantang saad nito. Natawa ako. Marahan kung hinampas ang braso nya.

Shit ang matso. Grabe mukhang naka move on na ako kay antipatiko hehehe. Just kidding. Sya padin ako kasi indi ako. Char nanaman.

"Ayos lang huwag mo na akong tawaging Señorita hindi ko naman pangalan yun, eh." Natatawang saad ko. Nakita ko ang gulat sa mukha nito. "Ngunit isa yung kalabastangan sa iny-----" hindi ko na sya pinatapos. "Ano kaba! Ayos lang sa akin! Kung na iilang kanaman tawagin mo nalang akong Señorita kapag may ibang tao pero kung tayo lang Estela o Asuncion nalang." Nakangiting saad ko.

Nakita ko ang pag aliwalas sa mukha nito. "Kung yan ang iyung nais Asuncion." Tumango tango ako rito. Napakamot ito sa ulo mukhang may sasabihin sya sa akin. Ganto ang mga lalaki sa panahong ito parang may kuto kapag may sasabihin na hindi nila masabi. Tsk.

"Sabihin mo na mukhang may sasabihin ka, eh!" Nakangiting saad ko kay Carlo. Inangat nya naman ang tingin nya sa akin. Halata sa mukha nya na nahihiya sya. "A-ano nga pala ang ginagawa mo rito Seño---Asuncion? Akala ko ay nag papahinga kana sa taas, napag kamalan tuloy kitang mag nanakaw." Mahina itong tumawa sa dulo.

Napanguso ako at umopo sa lamesa sa tapat ng magiging pagkain ko ngayong gabi. Tinaas ko yung tinapay at gatas sa ere. "Nagugutom na ako, hindi pa ako nag hahapunan." Parang batang pag susumbong ko.

Nagulat naman sya sa sinabi ko. Nag buntong hininga ito bago nag simulang kumuha ng mga rekado at gulay sa gilid. Napakunot naman ang nuo ko. "Oy, anong gagawin mo dyan?" Nag tatakang saad ko kay Carlo.

Ngumiti sya sa akin ng matapis at nag simulang mag sindi sa pugon. "Ikaw ay aking ipag luluto Asuncion, hindi kaya ng aking konsensya na tinapay at gatas lamang ang iyung kakainin ngayon hapunan." Nakangiting saad ni Carlo sa akin na may bahid ng pag aalala. Nagulat naman ako sa sinabi nya.

Biglang tuloy akong may naalala. Nung ipag luto nya ako ng sabaw. Tsk. Iyun na yata ang pinaka masarap na ulam sa buong mundo pero mukhang mas masarap na ulam ngayon ang nasa harap ko. Just kidding hehe. Pero pwedeng totoo!

Mag sasalita sana ako na huwag nya na akong ipag luto dahil makita ko lang ang muscle nya ay busog na ako pero agad nya akong naunahan sa pag sasalita. "At isa pa Asuncion hindi ko nais na mag kasakit ka dahil sa pag lipas ng gutom." Nakangiting saad ni Carlo sa akin na ikinangiti ko.

"Salamat, pero ang tanong marunong kabang mag luto?" Mapang asar na saad ko sa dulo. Natawa naman ito sa sinabi ko. "Matikan yata ito Señorita." Saad nito sabay kindat. Tsk. May saltik din pala ang isang ito, ha? Bakit palagi akong nakaka tagpo ng may mga saltik sa panahong ito?

Nang makatapos syang mag luto ay nalaglag ang panga ko dahil sa gulat. Kahit gulay lang iyun ay nakakatakam na. Nakangiti nyang nilapag ang adobong sitaw sa tapat ko. Mabilis ko naman yung nilantakan kahit walang sahog na baboy o manok. Shit. Mas masarap pa yata kung walang baboy o manok, eh. Grabe ang fresh ng sitaw!

"Paumanhin Señorita yan lamang ang nakayanan ng rekado rito sa kusina, bukas pa kasi mamimili si Andeng." Nakangiti nalang akong tumango kay Carlo. "Hoy! Ayos lang pero grabe ang sarap nito! Hindi ko inaasahan na ganto ito kasarap! Napaka simple lang ng pag kakaluto pero grabe ang sarap!" Ngiting ngiti na saad ko.

Umiwas ito ng tingin. Nakita ko ang pag pula ng tenga nya kaya natawa ako. "Huwag kang mahiya sa akin Carlo! Ano kaba! Pramis! Este pangako mas masarap kapa este ang sarap mo-----yung niluto mo pala." Ngiting ngiti na saad ko. Nakangiti lang itong nag pasalamat.

Habang kumakain ako ay nag kukwentuhan kami. Hindi ko alam kung bakit komportable ako sakanya. Siguro isa sya sa magiging kaibigan or kaibigan ni Estela Asuncion dati. Siguro nga. Kasi impossible namang maging ganto kabilis ang pag titiwala ko sa lalaking ito kung wala naman syang kaugnayan kay Estela Asuncion diba?

NAPATAYO AKO nung may dumamping malamig na kamay sa nuo at leeg ko. Nasangga ko ang kamay ko sa mata ko nung may sikat na araw ang tumama sa mata ko. Nang makabawi ay dahan dahan kung minulat ang mata ko. "Mag pahinga kanalamang Estela Asuncion, mukhang ikaw ay pagod na pagod sa byahe kung kaya't ikaw ay may sinat ngayon." Nag aalalang saad ni Tiya Eleha

Napataas naman ang kilay ko.  Nilagay ko sa nuo ko ang kamay ko. Napangiwi ako nung mainit init nga ako. Tsk. Puyat lang naman ito, eh. Alam nyo na. May kalate night talks ako hehe. Buti nalang andyan si Carlo hehe. Naranasan ko tuloy ang mag karoon ng late nights talk while eating haha.

"Ayos lang po ako Tiya Eleha, sasamahan po kitang mag simba." Kahit hindi ko naman naiintindihan. Tsk. Naka ayos na nga pala si Tiya Eleha. Naka lagay sya ng napaka raming alahas sa katawan. Alam ko na kung saan nag mana si Estela Asuncion sa kahiligang mag alahas. Tsk.

"Sigurado kaba iha? Ayokong madaldalan ni Esther kapag dumating sila rito at nalaman nyang may sakit ka." Natatawang saad ni Tiya Eleha. Natawa narin ako at tumayo. "Siguradong sigurado po ako! Mabilis lang po akong mag aayos para makahabol po tayo sa susunod na Misa." Nakangiting saad ko. Kumuha ako ng cremang baro't saya at nag simulang mag ayos ng katawan at sarili.

Nang matapos akong mag ayos ay mabilis kaming bumaba ni Tiya Eleha. Buti nalang tinulungan nya akong mag pusod ng buhok kaya napadali. Hindi panaman ako magaling mag tali.

Alam nyo naman? Si Aexniqn ang taga tali ng buhok ko. Buti nalang talaga kasama ko syang naka punta sa mundong ito kung hindi baka nabaliw na ako sa kakasabi ng kung ano ano.

Napangiti ako nung makita si Carlo ang magiging kutsiro namin ngayon ni Tiya Eleha. Nakangiti akong lumapit kay Carlo. "Magandang umaga." Nakangiting bati ko. Mag sasalita na sana si Carlo nang bigla akong hatakin ni Tiya Eleha. "Estela Asuncion pumasok kana." Mataray na saad nito. Tumingin pa sya kay Carlo sabay irap.

Napatingin ako kay Carlo nakangiti padin ito sa akin. Ngumiti nalang ako sakanya bago pumasok sa loob ng kalesa. Sumonod si Tiya Eleha sa akin. Nang maka akyat si Tiya Eleha sa kalesa at maka upo sa tabi ko ay tiningnan nya ako. "Huwag mong kakausapin ang indyo nayon." Bulong nito sa akin.

Napataas naman ang kilay ko nung marinig ang tuno ng boses nyang animong galit. Bakit naman kaya sya galit kay Carlo? Ano naman kaya ang ikinaiinit ni Tiya Eleha sa tao? Alam kung mabait sya sa lahat ng tao dahil halos lahat ng trabahador sa Hacienda namin ay nginitian nya at kinawayan.

Hindi rin sya nangutya ng mga pilipino sa pamilihan kagaya ng ginagawa ng ibang Donya. Mukhang mainit lang talaga ang ulo ni Tiya Eleha kay Carlo. Bakit naman kaya?

Hindi nalang ako kumibo hanggang sa makarating kami sa simbahan rito sa Maynila. Nakalimutan ko ang pangalan nya. Siguro later kapag naka balik na ako sa panahon ko search ko sya sa Google hehe.

Bumaba kami sa kalesa. Nang makababa kami ay dalawang mestisang babae ang lumapit sa akin. Nagulat ako nung bigla akong yakapin nung dalawa. "Eeya! Kami'y napupuot pagkat hindi mo na kami pinapadalhan ng sulat!" Parang batang pag mamaktol ng napaka puting babae.

Grabe. Naka glutathione ba ang isang ito? Nahihiya ang balat ko tsk.

"Tama si Minda, Eeya! Hindi mo na kami pinapadalhan ng sulat!" Saad naman ng babaeng katamtaman lang ang puti. Abot balikat ang buhok nya samantalang yung minda naman ay hindi ko alam kung kagaano kahaba. Naka pusod kasi ang buhok nito kagaya sa amin.

"Leticia, Minda, huwag na kayong mag tampo kay Estela Asuncion, hindi nyo ba batid na nawalan sya ng alaala? Huwag nyo nadin masyadong kulitin si Estela Asuncion meron syang sinat kung kaya't tara na, ayokong lumubha ang kanyang karamdaman." Mahabang saad ni Tiya Eleha kung kaya't napayuko si Minda at Leticia.

"Ayos lamang ako Tiya, huwag nyo na pong pangaralan ang aking kaibigan." Nakangiting saad ko na animong mahinhin. Napaangat naman ang tingin ni Minda at Leticia. "K-kaibigan na ang iyung tingin sa amin Eeya?" Gulat na saad ni Minda.

Nakangiti naman akong tumango habang nag tataka. "O-Oo?" Nag tatakang saad ko. Diba kaibigan itong dalawang ito ni Estela Asuncion? Nagulat ako nung bigla ulit akong yakapin ni Leticia. "Nakakatuwa namang malaman na kaibigan na ang tingin mo sa amin Eeya!" Tuwang tuwa na saad ni Leticia.

Natawa naman si Tiya Eleha. "Huwag na kayong gumawa ng eksena rito, o sya tara na baka mawalan tayo ng upuan sa pinag gagawa nyong tatlo." Mahina nalang kaming natawa. Nakita kung nakatingin sa akin si Carlo kaya palihim akong kumaway sakanya. Nginitian nya lang naman ako.

Nang makapasok kami sa simbahan ay wala naman kaming nagawang tatlo kung hindi ang puro mag kwentuhan. Kung kaya't kapag napapatingin sa aming tatlo ang isa sa mga Prayle ay sinasamaan kami ng tingin ni Tiya Eleha.

Nang matapos ang misa ay nag bilin sya na mangungumpisal daw sya. "Hintayin nyo na lamang akong tatlo sa labas ng simbahan, mangungumpisal lamang ako kung kaya't huwag nyo akong iiwan." Mataray na pag babanta ni Tiya sa dulo. Natawa naman kami.

"Opo Tiya Eleha, hindi kanamin iiwan kagaya ng ginawa nya sayo." Natatawang saad ni Minda kaya inirapan sya ni Tiya Eleha bago pumasok sa isang kwarto rito sa kumpisalan.

"Si Tiya Eleha talaga palagi nya paring dinidibdib ang pang asar sakanya ni Minda." Nakangusong saad ni Leticia. Natawa ako sakanilang dalawa. "Tara doon tayo sa labas, baka may Ginoong gwapo doon!" Kinikilig na saad. Sumilip pa ako sa labas habang may ngiti sa labi.

Napadaing ako nung bigla akong hampasin sa braso ni Minda. Sinamaan ko sya ng tingin pero silang dalawa ni Leticia ay ngiting ngiti lang. "Hindi namin batid na nag hahanap kapala ng makisig na Ginoo, akala ko ay matapat ka sa iyung nobyo." Natatawang saae ni Minda. Nag simula na kaming mag lakad palabas ng Simbahan.

Napataas naman ang kilay ko. Ako matapat sa nobyo ko? Loyal yun diba? Wow naman! Loyal pala ako bakit hindi ko alam yun? "Sino namang nobyo yan? Wala kaya akong nobyo, jowa o whatever." Nakangiwing saad ko sa dalawang ito.

Tumawa naman si Leticia. "Si Ginoong Ezequiel! Diba sya ang iyung mapapangasawa kung kaya't kayung dalawa ay mag nobyo ngayon?" Natatawang saad ni Leticia na puno nang mapang asar. Nag taasan naman ang balahibo ko sa sinabi nya. "Hoy! Hindi ko sya nobyo no! Walang kami duh!" Mabilis na saad ko. Nakangisi namang nag taas yung kilay yung dalawa.

"Balita namin ay nag kakamabutihan na daw kayo ng iyung katipan, Estela Asuncion?" Mapang asar na saad ko. Mabilis akong umiling iling. "H-hindi, ah! Saka hindi ko kaya sya gusto!" Namumulang saad ko sa dulo. Napa 'Weh' naman yung dalawa kaya tinanguan ko sila.

"Ikwento mo naman sa amin kung ano ang ugali ng iyung Ginoo, Estela Asuncion." Mapang asar na saad ni Minda. Tinaasan ko sya ng kilay. Nandito na kami ngayon sa gilid ng simbahan. Bahay mga lalaki na nakatingin sa amin sa kabilang gilid ngunit hindi namin pinapansin. Mamaya na lab life, mag chichikahan muna kaming tatlo hehe.

Napaisip naman ako. Ano nga ba ang ugali nung lalaking nun? "Tsk! Ugali nya ba? Isa syang malaking antipatiko, hambog, mayabang, may tupak, at ang nakakainis palagi nya akong tinatawanan." Iritang saad ko habang naka kunot ang aking nuo.

Natawa naman yung dalawa. Mukhang natutuwa sila na maasar ako, ha? Tsk. "Ano naman ang kanyang wangis, Eeya?" Nakangising saad ni Leticia napairap naman ako. "Tsk, napaka panget nya, hindi ko sya  bet! Naiinis rin ako sa mukha nya! Wala man lang kaganda ganda sa mukha nya!" Nakangiwing saad ko sa dalawa nag hagakhakan naman yung dalawa habang nakatakip ng kanilang abaniko.

Napahawak ako sa aking tenga nung biglang sumigaw si Minda. Ang tinis talaga ng boses nya. "Tingnan mo Eeya! Uwian na! Uwian na ng mga taga  Universidad de Santo Tomás!" Ngiting ngiti na saad ni Minda habang naka turo sa mga lalaking naka puti.

Napairap naman ako. "Ano.naman? Ano naman kung iwian na nila?" Mataray na saad ko kay Minda. Nahampas naman ako nung dalawa sa braso kaya sinamaan ko sila ng tingin pero parang wala lang yung tingin ko sa dalawa. Hindi man lang mawala ang ngiti sa labi nila. "Anong ano naman?! Nais naming makita ang iyung Ginoo! Ipakilala mo naman sya sa amin!" Energetic na saad ni Minda.

Napataas naman ang kilay ko. Bakit ko naman ipapakilala yung Antipatiko nayun sa dalawang ito? Baka may sabihin pang kalandian ang dalawang ito doon sa tutuleg tuleg kung jowa eh. Edi tatawanan ako nun. Tsk. Tenga nga? Akong sinabi ko kanina? Jowa? Ay oo mahal na nga pala ang bigas tsk.

"Saka baka kilala din ng Ginoo mo Eeya ang lalaking napupusuan namin!" Kinikilig na saad ni Leticia. Napataas naman ang kilay ko. "Namin? Marami kayong nag kakagusto sa isang lalaki?" Nag tatakang saad ko. Nakangiti namang tumango sa Leticia.

Mag sasalita na sana ito nang batukan sya ni Minda. "Anong namin Leticia?! Akin lang ang Ginoong yun!" Mapang akin na saad ni Minda. Napanguso naman si Letica. "Edi sayo na hmp!" Natawa ako nung parang batang umirap si Leticia.

Mapapatawa rin pala ako ng dalawang ito?

Nagulat ako nung bigla akong hinila ni Minda. "Hoy sabi ni Tiya Eleha! Doon lang daw tayo sa may pinto ng simbahan!" Natatarantang saad ko. Nakangisi namang umiling si Minda. Nakangusong nakasunod sa amin si Leticia. "Mabilis lang tayo Eeya! Hahanapin natin ang kasintahan mo pati ang lalaking mapapangasawa ko hehe!" Ngiting ngiti na saad ni Minda. Nanlaki naman ang mata ko.

Ano?! Hahanapin namin si Antipatiko?! H-hindi pa ako ready! Saka whaaaaaaa!

Paano kung nag tanong sya sa akin kung bakit hindi ako nag susulat pabalik sakanya?! Anong sasabihin ko?! Kaya ko sya hindi sinusulatan kasi ayoko nang manggulo sakanila ni Amor?!

Pero kapag sinabi ko yun baka isipin nya nag seselos ako! Hindi naman yata yun pwede! Hindi naman ako nag seselos no! Tsk! Ako isang Reighn Yverdei mag seselos? No! No! Hindi yun mangyayari!

Nang yari nayon isang beses kaya hindi na pwedeng maulit! Hindi pwedeng maulit na nag seselos ako! Hindi na pwede hshshshs!

"Eeya! Ayon! Ayon ang Ginoong tinutukoy namin ni Leticia! Iyung tingnan dali!" Ngiting ngiti na saad ni Minda. Napatingin naman ako sa tinuro nya. Napangiwi ako nung halos lahat ay mag kakamukha. Parehas silang lahat nakaputi at halos lahat ay magagandang lalaki hehe.

Bakit sa panahong ito napaka daming gwapo? Mamaya nga kapag dumating sila Aexniqn sasabihin kung mag sisimba kami bukas or mamayang hapon! Tapos mag hahanap kami ng gwapo! At kapag nakita ko si Antipatiko hindi ko sya papansinin! Hindi naman sya gwapo, eh!

"Minda! Kasama ni Kuya Pascual ang Ginoong tinutukoy mo! Halika lapitan natin si Kuya para makilala natin ang Ginoo!" Kinikilig na saad ni Leticia. Napasinghap ako sa hangin nung bigla akong hilahin ni Minda papunta sa tumpok ng mga lalaki. "Tara! Tara! Andoon naman ang iyung Kuya! Buti nalang talaga may pakinabang ang iyung Kuya Pascual tsk!" Inis na saad ni Minda sa dulo.

Nanlaki ang mata ko nung kumaway si Leticia. "Kuya! Kuya! Aking kasama si Estela! Kasama ko si Estela Asuncion!" Pag mamayabang na saad ni Leticia kung kaya't maraming kalalakihan ang napatingin sa amin. Nanlaki naman ang mata ko nung marinig ko ang bulungan ng ibang babae kaya napayuko ako.

Tsk. Nakalimutan kung mysterious nga pala si Estela Asuncion at bihira lang makita. May sakit din ito na hindi ko naman alam kung ano. Tsk.

Naramdaman ko ang pag hinto namin kung kaya't biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ikaw panaman nasa harap ng tumpok ng mga gwapong lalaki kung hindi ka kabahan diba? "Kuya Pascual sya nga pala si Estela Asuncion ang aking kaibigan, Estela Asuncion si Kuya Pascual nga pala!" Nakangiti na pakikilala sa akin ni Leticia.

Inangat ko ang aking tingin. Napataas ang kilay ko nung biglang hawakan nung lalaki ang kamay ko at halikan ito. "Nakakagalak kung makilala ka Señorita Estela Asuncion." Nakangiting saad nito sa akin. Napataas naman ang kilay ko.

Tsk. Mukhang may crush sa akin ang kapatid ni Leticia ha? Ngumiti nalang ako dito. "Kinagagalak din kitang makilala." Mahinhin na saad ko na akala mo ay hindi makabasag ng pinggan. "Eeya! Leticia wala naman dito ang aking sinisinta, eh!" Parang tangang saad ni Minda habang nakatingin sa mga lalaking nakangiting nakatingin sa amin.

"Sino ang iyung sinisinta Minda?" Natatawang saad ni Pascual. Mula sa pag kakasabi nya ay parang matagal na silang mag kakilala. "Ako ba ang iyung sinisinta Minda?" Muling dagdag ni Pascual. Napataas naman ang kilay ni Minda. "Asa kanaman Pascual, asa ka." Nakangiwing saad ni Minda sabay irap.

"Buenaventura! Naka busangot nanaman ang iyung mukha! Hindi paba tumugon sa iyung sulat ang iyung kasintahan?" Saad nung isang lalaki sa likod ni Pascual. Automatiko naman akong napatingin sa lalaking nasa likod ni Pascual.

Sinundan ko ang tingin nung lalaki sa likod ni Pascual  hanggang sa huminto ang aking tingin sa lalaking nag lalakad papunta dito sa gawi namin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nung makita ko ang mukha nyang walang expresyon. Humaba ang buhok nya kung kaya't ang buhok nito ay tumatama sa kanyang mata.

Parang hihimatayin ako nung dahan dahan syang tumingin sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko nung mag tama ang tingin naming dalawa, parang nang hina ang aking tuhod nung makita ko ang kanyang mata na puno ng lungkot na animong ako ang may kasalanan nun kaya sya nalulungkot ng ganto.

"E-Eeya...." bumalik ako sa realidad nung tawagin nya ang pangalan ko. Mabilis ako umiwas ng tingin sakanya. "M-minda, L-leticia mauuna na ako, baka hinahanap na ako ni Tiya Eleha."Nag mamadaling saad ko. Nanlaki naman ang mata ni Minda at Leticia.

"S-sandali lamang ayan na ang Ginoo kung tinutukoy!" Natatarantang saad ni Minda. Mabilis akong umiling iling. "S-sumonod kanalang sa akin." Mabilis na saad ko at tumakbo. Hindi pa ako nakakatakbo nung biglang may humawak sa kamay ko at hinigit papalapit sakanya.

Parang nang hina ang buong sistema ng aking katawan nung makulong ako sa bisig nya. Hindi ko maintindihan kung anong nararamdaman ko ngayon. Pinag salong luha, kaba, at tuwa ang nararamdaman ko ngayon. Naramdaman ko ang pag kayud nya sa aking likod.

Halos hindi ako makahinga sa sobrang higpit ng kanyang pag kakayakap. Natutuwa ako dahil sa wakas. Nag kita nanaman kami pero bakit? Imbes na matuwa ako ay umiibabaw ang lungkot na nararamdaman ko. Nalulungkot ako dahil alam kung hindi naman ako ang tunay na nilalaman ng kanyang puso.

Nalulungkot ako dahil hindi naman ako ang gusto nya. Nalulungkot ako dahil hindi naman ako ang mahal at mamahalin ng isang Buenaventura. Parang nag laho ang lungkot ng aking puso nung biglang bumolong si antipatiko sa aking tenga na ikinawala ng aking pangamba.

Pero bakit ganon? Parang gusto ko nalang ulit na umasa. Parang mas gusto ko nalang ulit masaktan dahil sa sinabi nya na ngayon ay pag hahawakan ko.

"Matagal akong nangulila sayo Eeya, nais ko na sanang bumalik sa San Andres kung hindi mo padin tugunan ang aking pinadalang sulat,  ngunit hindi ko inaasahan na nasa tabi na kita, hindi mo alam kung gaano ako kasabik na makita ka, Binibini ko."

A-ano nanaman ang sinasabi nya? Aasa nanaman ba ako na ako ang gusto nya at wala nang iba?

***

It's already 1:00 pm na ng April 1, 2021! Grabe! Kung ako gaganyanin ng isang Ginoo kagaya ni antipatiko baka mag lumpasay na ako sa kilig char hahaha! Btw, moons! Good afternoon! Huwebes Santo pala ngayon hehe.

  

Continue Reading

You'll Also Like

232K 8.8K 59
She will do everything to be back from where she is from, but will she be able to risk everything? Nag lakbay labalik si Amira sa taong hindi niya aa...
Babaylan By Ann Lee

Historical Fiction

1.3M 79.5K 48
Standalone novel || Mula sa pamilya ng historians at archaeologists, lumaki si Cyrene na may malawak na kaalaman sa kasaysayan. Ngunit sa hindi inaas...
31.9M 814K 48
Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing...
5K 160 48
(ON-GOING) Arianna Venice Samonte is just your typical college student who really loves reading novels, especially those historical stories. One day...