A COFFEE kind of LOVE (On Hol...

By simply_n0vi33

87 0 0

. More

PROLOGUE
- 1 -
- 2 -
- 3 -
- 4 -
- 6 -
- 7 -
- 8 -
- 9 -
- 10 -

- 5 -

6 0 0
By simply_n0vi33

Hindi ko namalayan na pang walong gabi ko na pala ginagawa itong pagpopromo ko. Aaminin ko na sa unang tatlong gabi ko na parang mapipilay na ako sa kakasuot ng heels at isama mo pa ang maikling labas kaluluwang damit na ipinapasuot sa akin ni Kendra. Pero sa paglipas ng gabi ay nakapag-adjust na rin ako.

"Bez!" Hindi ko maipaliwanag kung bakit parang tuwang-tuwa na parang kinikilig si Kendra na tumatakbo papalapit sa akin.

"Thank you, Ma'am." Sabi ko sa customer ko na bumili ng 4 na bottles ng wine para daw sa nalalapit nilang anniversary ng asawa niya. Pagkatapos kung magpasalamat sa customer ko ay agad akong hinila ni Kendra sa isang gilid.

"Teka lang naman bez, mahuhubaran na ako niyan sa ginagawa mo eh. Ano bang meron?" Inayos ko ang strap ng damit ko na natanggal. Trust Kendra to embarrass you in front of everyone and she'll never fail you.

"You won't believe it!" Napapatili si Kendra. "Rafael Freaking Yummy Drool worthy Alejandro is here!" Napapapalakpak siya sa sobrang tuwa.

"Oh, tapos?" Wala sa loob kong sagot.

Tinignan naman ako ni Kendra na para bang nahihibang na ako. "Ganun lang ang reaksyon mo? You do realize na si Rafa ang sexiest model sa Wardobe Empire, right?

"What do you expect na maging reaksyon ko? Maghihiyaw ako at magtatatalon sa sobrang tuwa dahil lang sa may sexiest model dito sa bar na ito?

"I prefer you not treating me like I'm the sexiest model." Simpleng sabi ng isang lalaki sa likod ko. Nanlaki naman ang mata ni Kendra habang ako ay hindi makagalaw para lumingon.

Nang hindi ako lumingon ay lumapit siya ng bahagya para makita ko ang mukha niya. OK FINE! Gwapo naman talaga siya eh at sige na, SEXY na rin! Pero ang gaya niyang gwapo ay sabi nga nila "TROUBLE" lang ang dala.

"Please, don't stop on my account." Nakangising sabi niya sa akin.

"Fine. You want to hear what I thought about you?! Actually, I was just telling my best friend here na hindi siya dapat ma starstruck sa isang gaya mo kasi katulad ka rin lang namin na tao. Yes, you may be the sexiest model of WE pero............"

"Pero?" Tanong ni Rafa.

"Pero wala akong pakialam kung mas nakakaangat ka kesa sa amin." Nakangising pahayag ko sa kanya.

Nagulat ako ng tumawa siya ng malakas. Hindi ito ang inaasahan kong reaksyon galing sa kanya. Kadalasan kasi kapag sinabi mo ang pahayag na gaya ng sinabi ko sa kanilang mga 'nakakaangat sa buhay' ay nahuhurt ang mamahaling ego nila. At makikita mo na lang ang sarili mo na inaapakan ng gaya nila. Ok, I think I'm being stereotypical here. Siguro nga hindi lahat ng gaya nilang milyon-milyon, bilyon-bilyon ang pera ay matapobre.

"I like you." Sabi niya habang natatawa pa rin. "I'm about to leave pero dahil sa'yo I want to stay here for a little longer."

Swerte ba talaga akong nilalang na hindi ako napapahamak dahil sa kadaldalan ko o sadyang understanding lang talaga ng mga taong nasasalamuha ko? Either way, pabor sa akin ito. Speaking of 'pabor', dinala kami ni Rafa sa VIP room kung saan i-cecelebrate nila ang promotion ng pinsan niya.

"Guys, please meet my newly found friends, Jeff and Kendra." Pagpapakilala ni Rafa sa amin. Binati naman kami ng mga kaibigan niya.

Dahil sa natuwa sa akin si Rafa ay inubos niya ang dala naming wine bottles, as in 50 bottles of wine. Ito raw ang paraan niya ng pagpapasalamat sa amin, specifically sa akin kasi minsan lang daw siya nakakasalubong ng taong hindi siya nakikita dahil sa pera niya o dahil sa kasikatan niya.

Ito na yata ang pinakamaagang uuwi kami ni Kendra dahil sa naabot namin ang quota. Or I thought so. Nang nagpaalam kami kay Rafa ay nagpumilit itong mamaya na muna kami uuwi kasi hindi pa nga raw dumarating ang pinsan niya. Dahil sa mag-aalas diyes pa lang naman kaya pinagbigyan na namin si Rafa. And YES dahil sa idol ni Kendra si Rafa kaya pinagbigyan ko na rin ang best friend ko.

Maya-maya pa ay nilapitan kami ni Rafa sa kinauupuan namin habang nasa tabi niya ang isang lalaking naka americana. Halos mapagkakamalhang kambal ang dalawa maliban na lang sa mas matangkad si Rafa ng kaunti sa kasama niya. Siguro ito na ang pinsan niyang hinihintay niya kanina pa.

"Ladies, I want you to meet my cousin. The newly promoted manager of Alejandro Group of Companies, Rhylan Alejandro." Pagpapakilala ni Rafa sa pinsan niya sa amin.

"Rhylan." Nakipagkamay siya kay Kendra at sunod sa akin.

Kita ko sa mukha niya ang pagtataka ng sabihin ko ang pangalan ko na Jeff. Sanay na ako sa tingin na ganyan. Na akala mo niloloko ko sila.

"Jeffraline. Sorry nasanay lang sa Jeff." Paliwanag ko. Ngumiti naman siya. "Congrats nga pala sa promotion mo."

"Thank you." Umupo siya sa tabi ko at kumuha ng flute at nilagyan ng wine. "So, paano pala kayo nagkakilala ni Rafa?" Tanong niya matapos lumagok ng wine.

"Hindi ka maniniwala, Rhy." Sabat ni Rafa.

"Care to enlighten me?" sabi ni Rhylan.

Kaya kinuwento ko kung paano siya namin nakilala kani-kanina lang. Hindi ko naman matago ang pamumula ng pisngi ko sa sobrang hiya.

Tumawa saglit si Rhylan at tinitigan niya si Rafa ng makahulugan.

"If I were you Rhy keep it to yourself." Babala ni Rafa sa pinsan. Uminom si Rhylan para itago ang nagbabantang ngisi.

Aaminin ko na hindi ko inaasahan na mag-eenjoy ako sa bar. Or let me paraphrase it, ang pakikipag-usap sa gaya ni Rhylan at Rafa na mayayaman.

Kumaway ako kay Rafa para mkuha ang atensyon niya. Nang napatingin siya sa direksyon ko ay agad niyang iniwan ang kausap para lumapit sa akin.

"Oh, Jeff?"

"Ano kasi eh, magpapaalam na kami. Medyo napasobra kasi yata sa pag-iinom si Kendra." Paliwanag ko sabay turo sa natutulog kong best friend.

Hindi ko naman namalayan na narinig ni Rhylan ang sinabi ko kay Rafa.

"Actually, Raf pauwi na rin naman ako eh. Ako na ang maghahatid sa kanila." Offer ni Rhylan.

Sumang-ayon naman agad si Rafa, pero bago iyon ay kinuha niya ang number ko. Sa totoo lang parang awkward ang moment na iyon para sa akin pero wala na rin akong nagawa at binigay ko na rin sa kanya.

~~~~~

So? Ok na tayo ha! Na publish ko na ang firs 5 chapters. Sana naman ay nagustuhan niyo ang nabasa niyo. Let me know what you guys think of these five chapters. OK? ;)

Thanks for reading.

Lalabs,

Br@tz ♥

Continue Reading

You'll Also Like

1M 33.1K 56
Cyra Lim has been secretly in love with Eli Dasilva for as long as they've been best friends. One problem: Eli is a playboy, and Cyra has resigned he...