Volviendo Al Pueblo Hundido

By crsntmoon_

24.5K 1K 1.5K

Sa isang kahilingan na matagal nang nag laho dahil sa kapanahonan. Paano kung ang matagal mo nang hiling nung... More

Warning!!
VAPH NOTES
Ika-1
Ika-2
Ika-3
Ika-4
Ika-5
Ika-6
Ika-7
Ika-8
Ika-9
Ika-10
Ika-11
Ika-12
Ika-13
Ika-14
Ika-15
Ika-16
Ika-18
Ika-19
Ika-20
Ika-21
Ika-22
Ika-23
Ika-24
Ika-25
Ika-26
Ika-27
Ika-28
Ika-29
Ika-30
Ika-31
Ika-32
Ika-33
Ika-34
Ika-35
Ika-36
Ika-37
Ika-38
Ika-39
Ika-40
Ika-41
Ika-42
Ika-43
Ika-44
Ika-45
Ika-46
Ika-47
Ika-48

Ika-17

294 15 43
By crsntmoon_

MABILIS akong tumayo nang maimulat ko ang mata ko. Mabilis akong tumalon sa kama ko. Binuksan ko ang bintana ko. Nakahinga ako ng maluwag nung makitang madaling araw palang.

Mabilis akong lumabas sa kwarto ko. Habang nag lalakad ako sa pasilyo ng mansyon ay napahinto ako nung makita si Liwayway. "Señorita? Napaka aga nyo naman yata ngayon?" Nag tatakang saad ni Liwayway.

Nakagat ko ang ibaba kung labi. "Kailangan ko ng mainit na tubig." Mabilis na saad ko. Napatango tango naman si Liwayway. "Paumanhin Señorita kung nakalimutan ko, iyo nga palang ihahatid si Señorita Ez-----" hindi ko na sya pinatapos.

Tinakpan ko ang bibig nya. "Huwag mo nang banggitin ang pangalan nya." Mabilis na saad ko. Nakangiti itong tumango. "Masusunod po Señorita." Mapang asar na saad ni Liwayway bago pumunta sa aking silid para ihanda ang aking pampaligo.

Napabuga naman ako sa hangin. Pumunta ako sa kwarto ni Aexniqn. Nang ikutin ko ang doorknob ay buti nalang ay naka bukas ito. Nakangiti akong pumasok.

Nakita kung mahimbing nanatutulog si Aexniqn. Tumalon ako sa kama nya sabay yugyog sa balikat nya. "AEXNIQN! SAMAHAN MO AKONG MAG LUTO!" Sigaw ko sa tenga nya.

Napamulat naman sya ng mata. Gulat syang napatayo. "Ano ang ingay?! E-Eeya?! May sunod ba!" Natatarantang saad ni Aexniqn. Napakunot naman ang nuo ko bago umagakhak ng tawa.

"Reighn? Anong nakakatawa?!" Natatarantang saad nito. Tinuro ko naman ang mukha nyang mukhang tanga. "Tsk! Sabi ko lang tulungan mo akong mag luto!" Natatawang saad ko.

Napa poker face naman ito at inis na humiga. "Napaka laki mong istorbo Estela Asuncion!" Iritang saad nito sa akin. Tumawa naman ako. "Dali na kasi Aexniqn! Dali na!" Parang batang pag mamakaawa ko.

Inalog alog ko ulit ang balikat nya. Kung kaya't wala na syang nagawa kung hindi ang tumayo. "Tara na nga! Pasalamat ka inlove ulit ako!" Natatawang saad nito.

Nanlaki naman ang mata ko sabay kapit sa braso nya. "Weh? Sino? Uso mag share teh!" Pang gagaya ko sa line nyang uso mag share teh. Napangiwi naman ito. "Huwag kanang mag tanong! Maingay kapanaman baka sabihin mo pa kay Ate Andrea!" Napairap naman ako.

"Dali na sabihin mo na! Hindi ko naman sasabihin kay Andea, eh!" Parang batang ko. "Ano ang hindi nyo sasabihin sa akin Eeya? Eera?" Nakangising saad ni Andrea. Mukhang kakagising nya lang.

Nakita ko ang panlaki ng mata ni Aexniqn. "W-wala yun Ate Andrea!" Mabilis na angal nya pinanlakihan nya pa ako ng mata. Mabilis naman akong umiling iling. "Anong wala? Diba may napupusuhan kang Ginoo?" Mapang asar na saad ko kay Aexniqn.

Mabilis nyang hinila ang buhok ko. "Huwag kanang maniwala kay Estela Asuncion, Ate Andrea." Parang batang saad ni Aexniqn, natataranta ito habang tinatakpan ang bibig ko.

Nakita ko ang pag ngisi ni Andrea. "Meron kang napupusuan Elisabet?" Natatawang saad nito. Nanlaki naman ang mata ni Aexniqn. Tumingin pa sya sa pintuan ng kwarto ni Ama bago nag sign ng tahimik.

Buong pag luluto namin ay inaasar namin si Aexniqn. Nakakatuwa dahil nag karoon kami ng bonding na mag kakapatid.

Nang matapos kaming mag luto ng itlog, longganisa, at sinagag ay exsaktong pag baba nila Ina. Nakita kami nila Ama at Ina na nag aayos ng plato. Nakangiti namin silang sinalubong. "Magandang umaga po!" Bati naming tatlo nila Aexniqn bago umopo sa upuan namin.

"Kayo ang nag luto at nag hain?" Nakangiting saad ni Ina. Tumango naman kaming tatlo. "Opo ngunit tinulungan lang namin si Estela Ssuncuon, diba Ate Andrea." Mapang asar na saad ni Aexniqn na ikinataas ng kilay ko.

Tumango tango naman si Andrea. "Tama si Elisabet Ina, Ama. Tinulungan lang naming mag hain si Estela Asuncion, kagaya rin namin ay nagulat kami nang malaman na marunong na syang mag luto." Nakangising saad ni Andrea.

T-teka? Ako marunong mag luto? Sa pag kakaalam ko ako lang ang nag lagay ng Asin at mantika sa palayok? Tapos ngayon marunong na akong mag luto?

"H-hindi po ganon ang na----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nung biglang tumawa ng malakas si Esteban. "Tama nga! Tama nga ang sinabi ng Estranghero! Kung sino man ang mag suot ng pulseras nayan ay sisipagin! Napaka epektibo ng pulseras!" Humahagakhak na saad ni Esteban habang nakaturo sa suot kung bracelet na regalo nya.

Napataas naman ang kilay ko. So kaya pala ako binigyan ng regalo ni Esteban ay para maging masipag ako? Aba bakit parang effective ang regalo nyang bracelet? Matanggal ko nga mamaya. Tsk.

"Parang walang epektibo ang regalo mo Kuya Esteban " Natatawang saad ni Aexniqn. Natigil naman sa pag tawa si Esteban. "Paano mo naman na sabi yun Elisabet?" Parang batang saad ni Esteban na animong natalo sa  Lotto. "Dahil hindi naman dahilan ng pulseras mo ang pinakitang kasipagan ni Eeya, pagkat sya ay umiibig tama ba ako, Estela Asuncion?" Mapang asar na saad ni Andrea bago kumindat sa akin.

Bigla namang sumeryoso ang mukha ni Ama. "Mahal sumama ba ang iyung pakiramdam?" Natatawang saad ni Ina. Tiningnan sya ni Ama sabay iling. Biglang lumitaw ang ngiti nito sa kanyang labi. "Hindi, ako nga ay natutuwa pagkat hindi ko makikita ang batang Buenaventura sa loob ng isang buwan, sa aking palagay ay ang uwi nya na sa unang lingo bago ikasal sila ni Estela Asuncion." Ngiting ngiti na saad ni Ama.

Napatayo naman ako. "A-ama? Kailan ang kanyang balik?" Natatarangtang saad ko. Kumonot naman ang nuo ni Ama. "Sa unang lingo bago kayo ikasal? Hindi mo ba batid na isang buwan sa Maynila ang iyung kabiyak." Nag tatakang saad ni Ama.

Mabilis akong umiling tumingin ako sa bintana. Mukhang mag aalas syete na. Alas syete panaman ang kanyang alis kaya kailangan ko syang maabutan. "A-ama, nakalimutan ko pong sabihin na pupunta ako sa daungan. Nais ko po sanang kausapin si Antipatiko bago sya umalis, maaari ko po ba syang puntahan?" Kinakahabang saad ko. Takot ako kay Don Amando.

Hindi ko alam kung bakit. Basta natatakot ako sakanya. Natatakot ako na baka madisappoint ko sya. Natatakot ako na baka malaman nya na hindi ako ang tunay na si Estela Asuncion. Na hindi ako ang anak nya.

Nakita ko ang pag seryoso ng mukha ni Ama. Bumontong hininga ito at tumingin kay Andrea. "Samahan mo ang iyung kapatid baka mawala sya sa daun-----" hindi ko na pinatapos si Ama. Mabilis ko syang niyakap. "Pangako ama hindi ako lalayo kay Andrea!" Mabilis na saad ko. Narinig ko ang mahinang pag tawa ni Ina.

"Tara na Andrea! Bye Ina! Bye all ilabyouu!" Masayang saad ko sakanila. Nakita ko ang pag sapo sa ulo ni Aexniqn. Si Esteban naman ay napangiwi. Napailing naman si Andrea habang hatak hatal ko palabas. Ganon din si Ama pailing iling ito. Narinig ko ang pag tawa nya ngunit ang kanyang sinabi ay hindi ko narinig.

Ano kaya ang sinabi nya?

"Umiibig na ang ating bunsong anak, mahal..."

NANG HUMINTO ANG kalesa ay mabilis akong bumaba. Buti na lang ay marunong na akong bumaba sa kalesa. Hindi kagaya dati na lumulusot pa ang paa ko sa tapakan. O kaya ay umuuga ang kalesa sa sobrang likot ko. Tsk.

"Andrea! Andrea napaka bagal mo naman!" Saad ko dahil parang Maria Clara pasyang bumaba sa kalesa. Natawa naman ito. "Hindi ako mabagal Eeya, sadyang nag mamadali kalamang." Natatawang saad ni Andrea. Napairap naman ako.

"Whatever." Mataray na saad ko. Napailing lang ito sabay tawa. "Halika na Eeya, baka ako ay kagalitan mo kapag hindi mo na habol ang iyung Ginoo." Natatawang saad nito. Tumango tango naman ako kay Andrea. "Talaga! Babawiin ko sayo si Cali----este ang veve mo kaya bilisan mong mag lakad." Tumawa naman ito habang nag lalakad.

Malapit lang ang daungan sa pamilihan kung kaya't napaka ingay at napaka daming tao sa palengke ngayon. Sinabay mo pa ang araw ng lingo kaya dumagsa ang tao ngayon dito.

Nang makalapit kami sa may daungan ay may nilapitan si Andrea. "Don Gaspar naka alis na po ba ang Barko patungo sa maynila?" Magalang na tanong ni Andrea sa matandang kasing edad lamang ni Ama at sa ibang Don na nakilala ko.

Nakangiti itong umiling at tinuro ang isang barkong napaka laki. Wow. Titanic na barko yata ito, ha? Char. "Hindi pa Señorita Andrea, may limang minuto pa bago lumayag ang barko, may nais ba kayong makita o kausapin sa isa sa mga basahero ng aking barko?" Nakangising saad ni Don Gaspar.

Bakas sa boses nya ang puso nyang napaka bait. Kahit maton ang kanyang boses nandoon parin ang parang anghel nitong boses. Hindi ko mapag kakailang mahinhin ang Don na ito nung sya ay kasing edad ko.

Nakangiti namang tumango si Andrea. "Opo Don Gaspar, si Estela Asuncion ay kailangang kausapin ang kanyang nobyo baka hindi ito makatulog kapag hindi nya makausap ang kanyang nobyo bago ito makaalis papuntang maynila." Natatawang saad ni Andrea. Napairap naman ako.

Ngumiti naman ang Don. "Si Ezequiel ba ang iyung tinutukoy? Kanina pa sya nasa baba ng barko, mukhang may hinihintay ito, o sya puntahan mo na, iha. Baka kapag hindi kanya makita bago umalis ang aking barko ay tumalon yun, ayoko namang bumalik dito sa San Andres ng hindi oras, nakakaawa naman ang ilang basahero kung nag mamadali." Natatawang saad ni Don Gaspar.

Tumango nalang ako dito nung itinuro nya kung asan daw si Antipatiko nag hihintay. "Maraming salamat po, tara Andrea." Saad ko. Akmang hihilahin ko na sana si Andrea pero nakangiti syang umiling. "Huwag na Eeya, ikaw na lamang ang makipag usap saiyong nobyo, ayoko namang maging hadlang sa mga pag uusapan nyo." Mapang asar na saad ni Andrea sabay kindat.

Napailing nalang ako. Hinawakan ko ang dulo ng aking saya bago mabilis na tumakbo sa dulo ng barko. Nang makarating ako sa dulo ng barko malapit sa bukana ng pintuan ng barko ay napahinto ako sa pag lalakad nung makaramdam ako ng hingal.

Napahawak ako sa puso ko. Sisigaw na sana ako para tawagin ang pangalan ni antipatiko pero hindi ko napag patuloy ang aking pag sigaq nung may nakita akong pamilyar na bulto na lumapit kay antipatiko. Nakita ko ang nakangiting babaeng lumapit sakanya.

Napataas ang kilay ko nung ngumiti pabalik si antipako sa babae. May sinabi yung babae na ikinatawa ni antipako. Lalapit na sana ako para sabihin doon sa babae na huwag syang didikit sa fiance ko pero napahinto ako nung biglang yakapin ni antipako yung babae.

Nakita ko ang pag tulo ng luha ni antipako habang ang babae naman ay hinahaplos haplos ang likod nito. Parang may patalim naman na tumama sa aking puso habang tinitingnan ang eksina nilang dalawa.

Nakita ko kung paano silang dalawa mag hiwalay mula sa pag kakayakap nila sa isa't isa. Parehas silang may ngiti sa labi habang nakatingin sa mata ng isa't isa. Naramdaman ko ang pag tulo ng mainit na likwido sa aking mata habang nakatingin sa dalawang taong masaya na ngayon ay hindi kalayuan sa akin.

Narinig ko ang pag sigaw ng isa sa mga trabahanti ng barko na hudyat ng pag alis nito.

Nakita ko ang pag kaway ni antipako sa babae. Mukhang sya ang babaeng tinutukoy ni antipako na mahal na mahal nito. Basi sa tingin nya sa babae ay mukhang silang dalawa ang para sa isa't isa. Na para bang silang dalawa ang itatakdang ikakasal na para bang walang humahadlang na ako sa kanilang dalawa.

Nakagat ko ang aking labi para pigilan ang pag hagulgol sa pag iyak. Nasa pinaka dulo ako at tinatapunan ng malalaking banyera na kahoy kung kaya't malabo na makita nila akong dalawa.

Ilang segundo ang lumipas. Nakita ko kung paano natanggal ang lumid na barko mula dito sa daungan. Nakangiting kumaway ang babae kay antipatiko hanggat sa mawala ang barko. Napayuko na lamang ako para pigilan ang pag iyak. Hindi ko man lang nakita sa mata ni antipatiko na nalulungkot sya mula sa pag alis rito sa San Andres.

Hindi ko rin nakita sa mata nya na nalulungkot sya pagkat hindi nya ako nakita. Siguro nga ay natutuwa pa sya dahil hindi nya ako nakita sa pag alis nya, eh. Or siguro nga ay pinapunta nya lang ako dito para ipamukha sa akin na hindi ako ang babaeng gusto at mamahalin nya pa sa hinaharap.

Hindi ako yung babae na tinutukoy nya na gusto nya. Umasa lang ako na ako ang babaeng tinutukoy nyang mahal nya. Diba pwede namang mangyari yun? Nag kagustuhan ang dalawang mag kaibigan sa isa't isa? Diba pwedeng mangyari yun?

Pero mukhang iba ang nangyari sa akin, eh. Ako lang ang nag kagusto sa kaibigan ko. Ako lang ang nahulog sa balong malalim. Ako lang ang nahulog. Bakit kasi ako nahulog? Siguro naisip ko na kapag sa oras na nahulog ako ay kasama sya?

Pero sa reality walang sya. Hindi sya kasama. Dahil ako lang. Ako lang mag isa ang nahulog sa balon na kahit kailan man ay hindi ko na matatakasan. Hindi ko na malalabasan. Dahil hito ako ngayon nasa dilim. Nag iisa. At walang makita kung hindi ang dilim. Dahil ang tanging pag asa ko ay nasa iba na. Hindi ko na maaaring asahan.

Pagkat may umaasa na sakanya.

Ano kaya ang napagusapan nilang dalawa? Bakit kaya silang dalawa masaya? Bakit kaya umiyak si antipatiko sa balikat nung babae? Bakit hindi sya sa akin umiyak? Dahil ba kaibigan lang ako at yung babae ay yung taong mahal nya? Dahil ba isa lang akong kaibigan na pag sasabihan nya ng sikreto at hindi makakasama nya habang buhay?

Siguro kailangan kung gumawa ng paraan para maputol na ang ugnayan namin sa isa't isa. Kailangan kung gumawa ng paraan para matigil ang kasal. Para maging masaya na sya sa babaeng mahal nya. Mukhang kailangan kung isang tabi ang pag ibig ko sakanya.

Diba kapag mahal mo ang isang tao kailangan mong mag paraya? Kaya ang gagawin ko ngayon ay mag paparaya. Ayaw kung maging selfish at maging mapanakit kagaya ng ginagawa ng ibang bida. Nagiging makasarili sila para lang sa taong mahal nila na hindi naman mahal.

Kaya habang maaga palang. Kailangan ko nang lumusong sa balon na ito. Kailangan kung lumosong habang walang pang tubig ang balon na ito. Dahil ayaw kung malunod sa pag mamahal nya na kahit kailan man ay hindi nya maibibigay ang gusto kung pag mamahal.

Dahil ang pag mamahal na gusto ko ay nasa kaibigan na ngayon ni Estela Asuncion. Hindi ko man sya kilala ngunit nakakasiguro akong bukal ang kalooban nya. Hindi ko man alam ang naging away nila ni Estela Asuncion ngunit nais kung mag kaayos kaming dalawa bilang si Reighn Yverdei.

Mula sa araw na ito. Aking kakalimutan ang pag ibig ko kay Ezequiel Buenaventura, at hahanapin ko ang tunay na minamahal ni Estela Asuncion. Itutuwid ko ang naliko nyang storya. Mukhang yun ang aking misyon kung kaya't kailangan ko itong ituwid.

Ako si Reighn Yverdei na nag mula sa taong 2018, na nag karoon ng isang kaibigan na ngayon ay minahal ko na dito sa taong 1895, ay aking itatama ang kwento na aking na isira. Ipapaubaya ko na si Antipatiko sa kaibigan ni Estela Asuncion na si Amor.

Hangad ko ang kaligayahan nilang dalawa, hanggad ko din na sana ay makabalik na ako sa panahon ko, ayokong tumagal rito.




****

Moons! Nagulat ba kayo dahil may gusto na si Reighn kay Antipako? Duh! Ako din nagulat! Hindi nyo ba napapansin na bumibilis ang tibok wakapels heart ni Reighn kay Antipatiko? Akala nyo normal lang yun no? No! Nag kakamali kayo dahil may something na don hahaha! It's already 4:52 pm na ng March 30 2021! Day 2 ECQ tayo ngayon here in Cavite HAHAHA!

Sa mga hindi pa nakakaligo sa ganitong oras hi sayo hahaha!

Continue Reading

You'll Also Like

46.3K 2.4K 34
After encountering the mysterious truck-kun, Lumina, a simple call center agent was reincarnated as Juliet Lucienne who happens to be the Villainess...
329 24 14
wlw || Sybil, a talented sculptor, was accused of theft. Seeing one of her works being displayed as one of the greatest works ever created under some...
230K 11.6K 57
16 year old Alaina lived a rather short life. at age 16, by an unknown person, she was stabbed. And that was when her unreasonable life began. She wa...
232K 8.8K 59
She will do everything to be back from where she is from, but will she be able to risk everything? Nag lakbay labalik si Amira sa taong hindi niya aa...