A Little Bit of Sunshine

By aennui

727 124 206

A Little Bit of Sunshine || Sunshine is just your ordinary high school girl. Umikot ang buhay niya sa school... More

Opening Remarks
Simula
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
Wakas

16

7 2 0
By aennui

Kabanata 16: Everything's Gracious with You

Ilang araw na ang nakalipas nung nangyari ang overnight namin. Naging normal naman ang pakikitungo ni Ouie sa akin pero naramdaman kong meron na talagang awkward feeling di katulad noong dati na kung ano-anong bagay ang ginagawa namin at kami lang dalawa ang palaging magkadikit.



Mas naging close na sila ng mga boys sa classroom at sa kanila na sumasabay maglunch habang sa grupo naman ako nila Gracie sumasama. Kapag may mga groupings naman at lakwatsa ay kami pa rin ang magkakasama. Mas mabuti na rin siguro kung ganito para makalimutan na din namin kahit papano ang nangyari.



"Uy Sunshine! Congrats!" Nagsalubong ang mga kilay ko ng makita sina Happy na tumatalon papalapit sa akin bago ako niyakap ng mahigpit.



"Bakit anong meron?" Tinaasan ko ng kilay si Gracie bago uminom ng tubig.



Kadadating ko pa lang sa classroom namin at nakita ko na silang nagkakagulo sa isang bondpaper na nakadikit sa board. Yun na ata yung listahan ng mga honor's para sa first grading kaya hindi na ako nag-abalang sumilip. Hindi naman ako napapasama sa honor's list sa loob ng maraming taon kaya hindi naman masakit na hindi makita yung pangalan ko diyan.



"Kasama ka sa with honors this grading!" Muntik ko ng maibuga sa mukha ni Greggy ang tubig kung hindi lang siya nakaiwas. "Yuck bakla! Yuck! Binasa mo ang chair ko!"



"Wag niyo nga akong ginugood time! Hindi nakakatuwa!" Paulit-ulit kong sinuntok ang dibdib ko.



Pota! Parang nalihis na sa lungs ko yung tubig.



"Hindi nga kasi! Tignan mo na!" Ilang beses pa nila akong kinulit na nakalista talaga ako sa board pero nagbingi bingihan lang ako.



"Neknek niyo. Di talaga ako naniniwala."



"What's happening here?"



Dumating si Ouie sa classroom mula sa backdoor. Nakasunod sa likod niya ang tatlong J's at si Hanson na abala pang inaayos ang butones ng polo niya.



"Nakapost na yung honors list sa board. At itong babae namang to ay hindi naniniwala na kasama siya sa honors!" Napairap ako ng mameywang si Gracie sa harap ko.



"Talaga?!"



"Wow Sunshine! Himala!"



Sabay sabay na nagtakbuhan ang tatlong J's papunta sa board. Sabay sabay silang nagsigawan at niyugyog ang kumpare nilang si John nang makita din nila ito sa listahan.



"Congrats John! Pero ako? Hindi pa rin talaga ako naniniwala."



Dahil sa sinabi ko ay pinagtulungan nila akong kaladkarin papunta sa blackboard. Halos matapilok naman ako dahil sa ginawa nila ngunit nahugot ko lahat ng hininga ko ng makita ko talaga ang pangalan ko sa 13th spot.



Sunshine Ortiz   -   90



Pasok na pasok sa banga. With honors nga ang pucha!



"Pota. Hindi talaga to panaginip?" Kinurot ko ang pisngi ko at sinampal pa ang sarili ko. "Final na?"



"Bobang boba ka talaga sa sarili mo Gurl?" Sabi ni Greggy habang nakangiwi na nagpatawa sa kanilang lahat.



Hindi naman ako humiling na ganito ah? Totoo ba to? Tumalino ba ako? Ang boploks na si Sunshine nasa listahan?



"Keep it up Sunshine! Para makaakyat ka sa stage sa graduation!"




Dahil sa sobrang tuwa ko ay tuwang tuwa kaming nagyakapan nila Happy. Niyakap ko din ang tatlong J's at si Bryle ngunit napapreno ako ng makita sina Ouie at Hanson na ang yayakapin ko.



"Congrats Sunshine."



Napangiti ako ng makita silang dalawa na nakangiti. Lumapit naman ako kaagad sa kanila at pumagitna para yakapin sila ng sabay sa bewang.



"Congrats din sa inyo!" Umangat ang tingin ko sa kanilang dalawa at nakita silang nakangiti sa akin.



"Ehem ehem. Tama na yan." Napakurap ako ng si Greggy ang humila sa akin palayo sa kanilang dalawa. "Nag-uumapaw ka na talaga sa biyaya. Nakakainggit na ha."



"Anong pinagsasabi mo diyan?" Tinaasan ko siya ng kilay habang nakangiwi ng pabiro niya akong kurutin sa tagiliran.



"Let's go to the cafeteria. Treat ko kayo lahat." Ngumiti si Hanson bago naunang maglakad papalabas ng classroom.



"Ayos ka brad! Number one!"



Sinulyapan ko si Ouie at nakita kong nag-iba nanaman ang mood niya. Nagtie sila ngayon ni Hanson sa rankings. Solo niya palagi ang spot dati kaya baka hindi siya sanay na may ibang pinupuri ngayon bukod sa kanya.



"Huy. Anong ineemote emote mo diyan? Ikaw pa rin naman ang number one." Pinatunog niya ang dila niya bago nilagay ang dalawang kamay niya sa bulsa niya.



"Wala." Napaurong ako ng magdire-diretso na siya papunta sa cafeteria.



Luh. Galet? Anong ginawa ko?



Napakibit balikat nalang ako bago ko siya hinabol. Nakarating na kami sa cafeteria at nakitang naghahanap pa rin ang mga kaibigan namin ng ice cream sa chiller. Lumakas ang tibok ng puso ko nang tumabi sa right side ko si Hanson. Bahagya siyang yumuko sa may freezer para maghanap din ng ice cream habang ako naman ay napatunganga sa kanya.



Bakit parang blooming ang isang to ngayon? Mas lalo ata siyang gumagwapo kapag masaya siya.



"Sunshine."



"Huh? A-Ano yun?" Inangat niya ang napili niyang tatlong cup ng ice cream habang nakangiti.



"Anong pipiliin ko? Keso, Choco or-?"



"Ako."



Nanlaki ang mga mata ko ng marealize ang sagot ko. Naramdaman ko ang maintrigang tingin ng lahat ng mga kaibigan namin. Depota.



"Huh?" Tumaas ang kilay niya.



"-Ako! Ako?! Cookies and cream ang pipiliin ko!" Tumawa ako ng pilit at kabadong kinuha ang isang cup ng cookies and cream flavored na ice cream.



"Masyadong plain yung keso at choco diba? Ito nalang!" Sabay-sabay silang napa-'Ahh' bago ko natatarantang kinuha sa kamay niya ang mga ice cream na hawak niya para ipalit yung cookies and cream.



Gaga ka talaga Sunshine.



Pumunta kami sa isang lamesa at tumabi ako kay Jethro na amoy sigarilyo nanaman habang sa kabilang side ko ay si Ouie. Tahimik ko lang pinakikinggan sila na magkwentuhan tungkol sa kung ano-anong mga bagay. Magkaharap kami ngayon ni Hanson kaya naman auto iwas muna ako ng tingin sa kanya at inabala ang sarili ko sa pagkain ng ice cream



"Ehem ehem. Basahin na natin ang isang obra maestra mula kay Ginoong Japhet."



Napatakip ng tenga niya si Japhet ng makitang ilabas ni Happy ang newspaper ng School Publication at sabay sabay siyang asarin nila Bryle, John, at Jethro.. Na-publish na nga pala ang tulang ipinasa niya para sa first issue ngayong taon na nilabas lang last week.



"Pucha naman Happy. Nakakahiya oh! Wag mo ng basahin!"



"Nahihiya ka pala, brad? Saan banda?" Pinukpok ni Japhet si Bryle ng umakto itong kakapkapan ang kaibigan niya.



"Gago! Siyempre di mo makikita! Gusto mo ibalik kita sa kinder?" Dumila naman si Bryle bago sumubo ng ice cream at humagalpak ng tawa.



"Mahal kita brad."



"Pakyu Bryle. Pakyu."



"Sige na Happy! Basahin mo na! Nakakakilig pa naman yung tula ni Japhet!" Wika ni Gracie habang nakangiti ng malapad. Bumilog naman ang bibig ko at tinignan si Jethro na napatikhim sa tabi ko.



"Katarantaduhan." Humigpit ang hawak niya sa kutsara niya at gigil na kumuha ng ice cream para sumubo. Medyo umusog naman ako sa pwesto niya at nagparinig.



"Anong katarantaduhan? Di mo lang kasi naaappreciate ang tula kasi hindi ka naman marunong magsulat ng tula." Sinamaan niya kaagad ako ng tingin.



"Hoy Sunshine. Marunong din naman ako niyang rhyme-rhyme deputa na yan. Pero isa lang talaga ang masasabi ko, wala talagang kwenta yang tula na yan."



Gusto ko sanang pakinggan yung tula ni Japhet ngunit mas nagfocus muna ako sa najejelly kong katabi ngayon. Kukuha nalang ako ng copy mamaya sa may office para may souvenir ako dahil magpapa-cupid muna ako sa tambalang JethCie.



"Anong walang kwenta? Hindi mo talaga naiintindihan Jethro. Malakas ang atake sa aming mga babae ng mga lalaking magaling sa pagsusulat. Bakit hindi mo kaya gamitin ang technique na yan kay Gracie?"




"Talaga ba-? Teka. Pucha. Sinong nagsabi sayong nanliligaw ako kay Gracious?" Nanlaki ang mga mata niya.




"Diba totoo naman? Nililigawan mo si Gracie-"



"Shhhh. Marinig ka nila. Pucha." Napangiwi ako ng kurutin niya ang tagiliran ko at mas inusog ang upuan niya palapit sa akin. "Tinuka na ako ng kaibigan mo kaya niligawan ko na."



Nagpigil ako ng tawa ng maalala ko yung nangyari sa sleep over. Mukhang doon nagsimula ang panliligaw ng isang to. Halata naman kasi ang mga sulyap nitong si Jethro at pagpapansin kay Gracie. Doon ko lang napansin na ilang beses niya na akong ginagamit sa pagpapaselos pautot niya.



"Ano na? Ano namang progress?"



"Mapanaket ang babaeng yan. Play girl ata." Ngumuso siya at sinulyapan si Gracie na nakangiti habang pinapakinggan ang tula ni Japhet.



"Teka. Baka kaya hindi ka pinapansin ni Gracie dahil may gusto siya kay Japhet?" Pinatunog niya ang dila niya bago tinitigan si Japhet ng masama na abala pa rin sa pagtakip ng tenga niya.



"Ewan ko. Bahala na siya."



"Ang weak mo naman. Suko ka na agad?"



"Ayoko na talaga. Magpapari nalang talaga ako. Mas kampante ako sa side ni Lord." Sumimangot ako at siya naman ang kinurot ko sa tagiliran ngayon.



"Hindi tumatanggap ang seminaryo ng mga gago. Baka bumaba talaga ng langit si Lord para batukan ka ng personal " Napahawak siya sa dibdib niya at tinignan ako.



"Grabe ka Sunshine. Pare-parehas talaga kayong mga babae na mapanaket."



"Wow grabe. Bakit ako nasama?"



"Diba kaka basted mo lang kay Ouie?" Naningkit ang mga mata niya bago ngumiti. "Akala mo hindi ko alam no? Siyempre magaling akong tumunog ng mga nagtatagong feelings-"



"Share niyo naman kwentuhan niyo diyan." Sabay kami ni Jethro na napatingin kay Greggy na malawak ang ngiti habang nakatingin sa amin.



"Sensya na brad. Bawal ang bakla sa topic namin." Nagulat ako ng akbayan ako ni Jethro at hinila ang upuan ko palapit sa kanya. Grrr. Ginagamit nanaman ako ng gago.



"Wag kang dumadamoves kay Sunshine, Dude. Alam na namin ang pakay mo."



"Hoy anong damoves? Nag-uusap lang kami okay?" Asar kong tinanggal ang braso ni Jethro sa balikat ko at sinipa ang paa niya sa ilalim ng table. Napangiwi siya at balak pa sanang gantihan ako ngunit isinenyas ko sa kanya si Gracie na umiiwas ng tingin sa aming dalawa.



Affected si Gracie! Konting kembot nalang ata ang kakailanganin nitong si Jethro eh. May pag-asa ba?



"Sows. Walang usap-usap Sunshine!" Wika ni John na nag cross arms pa. "Wag kang magpapaloko sa gagong yan. Malakas sa tagay, naninigarilyo pa."



"Baka yung pambili ng gatas ng anak niyo sa future, mapupunta lang sa atay ng gagong yan." Gatong pa ni Japhet.



"Mamomroblema ka talaga sa maintenance medicine niyan kapag humina na ang katawan." Wika naman ni Bryle na naging dahilan nga pag apiran nilang tatlo.



"Di ko na talaga alam kung ituturing ko pa rin kayong mga kaibigan." Nakasimangot na sabi ni Jethro. Mabilis naman akong napakurap ng makitang tumayo si Gracie at ngumiti na halatang pilit sa harap namin.



"Uy guys! Una na muna ako sa inyo, ha? May inutos pa pala si Sir Yolo sa akin." Nagmamadaling umalis si Gracie na hindi na inubos ang ice cream niya.



Natulala naman si Jethro habang nakatingin sa kanya kaya mabilis akong tumayo at hinila siya para mahabol si Gracie.



"Wait lang Gracie!" Nasa labas na kami ng hallway ng lumingon si Gracie sa amin. Bumagsak ang tingin nito sa kamay kong hawak ang braso ni Japhet bago ngumiti nanaman ng pilit.



"Bakit Sunshine? May kailangan ka ba?"



"Uhm. May gusto kasing sabihin si Jethro sayo." Sinulyapan ko si Jethro at nakita kong nanlaki ang mga mata niya dahil sa bilis ng pangyayari.



"Aamin na ba kayo?" Tumaas ang kilay ko nang tumawa siya pero halata nanamang pilit. "Kaya mo siguro dinedeny si Ouie at si Hanson kasi si Jethro naman pala ang gusto mo. Pero anyways, masaya naman ako para sa inyo. Wag mong sasaktan ang kaibigan ko Jethro ah?"



"HUH!? Anong pinagsasabi mo diyan?! Anong masaya?!" Nandidiri kong binitawan ang braso ni Jethro ng mapansing hawak ko pa rin siya. Napangiwi siya ng makita ang reaksiyon ko at hindi siya prepared ng itulak ko siya palapit kay Gracie.



"Paano ako sasaya sa gagong to? Eh ginagamit lang naman ako nito?"



"Huh?"



Napangiwi ako bago sinamaan ng tingin si Japhet na napahawak nanaman sa dibdib niya habang nakapoker face.



"Mapanaket ka talaga."



"Heh! Wag na nga kayong magtaguan ng feelings! Nadadamay pa talaga ako dito! Jethro! I-explain mo na nga kay Gracie ang kagaguhan mo." Nagsalubong naman ang mga kilay ni Gracie at tinignan ang gago na nasa harap niya.



"Ha? Ano ba talagang nangyayari?"



"Gracious Cadenas. Kung iniisip mo na kami ng dwendeng to, nagkakamali ka." Babatukan ko sana si Japhet ngunit ayaw kong sirain ang moment nila. "Mas mataas naman yung standards ko no. Atsaka pwede ba yung ikaw yung nililigawan ko tapos iba ang magiging jowa ko?"



Sobrang ganda na talaga ng moment. Pwede ng lagyan ng napakaganda at kalmadong background music. Idagdag mo na rin sa scene ang nahuhulog na mga flower petals pero parang binagsakan si Japhet ng 10 wheeler truck sa mga sunod na sinabi ni Gracie.



"Ha? Kailan mo ako niligawan?"



Ilang segundo lang na nakanganga si Jethro sa harap niya. Napanganga din ako pero dahil una akong naka-recover ay pumitik ako sa mukha niya.



"Continue na. Ang O.A. mo na."



"Gracious! K-Kinakamusta kita palagi, binibisita sa bahay niyo, nililibre ng pagkain, nakipagclose sa pamilya mo, tapos hindi mo alam na nililigawan kita?!" Napahilot ako sa sentido ko ng maramdaman kong dumating na sa likod ko ang mga kaibigan namin.



"Anong drama to, Sunshine?" Lumingon ako at nakita si Happy na napangiwi bago inabot sa akin ang naiwan kong ice cream. Mabilis ko naman itong tinanggap bago itinuro ang dalawang nagdadrama. "Makinig ka nalang. Makinig nalang kayo."



"Kung manliligaw ka, dapat tinatanong mo muna yung babae kung gusto niya! Pero hindi ka naman nagtanong diba? Kaya pano ko malalaman na nanliligaw ka aber?" Nagcross arms ni Gracie na ikinangiwi naman ni Japhet.



"Akala ko magegets mo kaagad, okay? Sayo ko lang ginagawa ang mga bagay na yun kaya dapat nag-assume ka!"



"Mahirap mag-assume kung ang gulo gulo ng mga kinikilos mo! Basta basta ka nalang nang-aakbay ng mga kaklase nating babae! Pati nga si Sunshine pinagselosan ko na dahil dun!" Bumilog ang mata at bibig ko.



Wow. Grabe. Pinagselosan nga talaga ako ni Gracie.



"Pota. Wag na nga tayo dito mag-usap."



Tinangay na ni Jethro si Gracie palayo ng makita niyang lahat kami ay nanonood sa kanila. Nahihiya naman kaming nilingon si Gracie bago napayuko at nagpahila nalang kay Jethro.



Ilang araw ang lumipas at sa wakas! Natuldukan na ang one sided na pag-ibig ni Japhet. Masaya naman si Gracie at palagi pa kaming nakakatanggap ng mga hampas at palo kapag kinikilig siya sa ginagawa ng jowa niya.



Kung hindi siguro sinagot ni Gracie si Jethro ay pumasok na sa seminaryo ang gago. Pero isa talaga ako sa mga hihila sa kanya palabas dun katulad ng pinangako ko.



"Anong tingin mo sa kanya Gracie?"



Ipinakita ni Happy ang zinoom niyang mukha ng lalaki. Heto nanaman sila at nagboboy hunt. Himala nga at sumasali na din itong si Happy.



"Ay mukhang fvckboy naman yan Happy." Napangiwi sina Gracie at Happy sa biglang pagsingit ni Greggy. "It's a no for me."



"Ikaw ba ang kausap ko bakla?!" Nagtaray si Happy. "Atsaka kailan ka pa natutong kumilatis ng lalaki? Dire-diretso ka lang naman kung dati ah?"



"Kung sa akin okay lang! Wala namang mawawala. Pero kapag ikaw? Gusto mo bang isuko ang perlas ng silanganan?" Nagbanta naman si Greggy gamit ang malalim niyang boses. Mukhang matutuluyan na sa pagiging lalaki ang isang to.



"Yieee! Concerned ka Gregorio? Baket~?" May halong pang-aasar na wika ni Gracie. Nagsalubong naman ang mga kilay ni Greggy bago binatukan si Gracie.



"Malamang! Kaibigan ko kayong lahat at ayaw ko kayong mapahamak."



Nakatulala lang ako sa blackboard habang ngumuya ng Nips. Panay pa rin ako sa pag-iisip kung anong meron sa araw ngayon. New grading period nanaman kaya naman medyo chillax pa kami sa ngayon pero hindi pa rin ako tinitigilan ng sakit ng ulo ko.



"Hoy." Naputol ang pagkatulala ko nang pumitik sa harap ng mukha ko si Hanson. Tinignan ko siya at nakita kong nakabusangot siya.



"Oh bakit? Anong meron? May problema ka?"



"Kanina pa ako nagsasalita dito and you're not listening."



"Ay bakit ba? May kailangan ka?" Umikot ang mata niya kaya napakamot ako sa sentido ko. Masyado akong nagspace out para marinig ang mga sinasabi niya.



"Duke forced me to invite you. Our band will be playing in the bistro tonight." Parang kumintab ang mga mata ko sa sinabi niya.



"Talaga? Tutugtog na ulit kayo?!" Hindi ko mapigilan ang excitement ko at napahawak pa sa kamay niya.



"Actually, 10th time na since nung magkita tayo nila Duke at King sa may Mcdo. Dad already approved sa pagbabalik ko sa pagbabanda kaya naman bumalik na ako. The group really needs me." Ngumiti siya na mas nagpa excite pa sa akin.



"Sige sige! Game ako! Ano bang oras?"



"Hoy hoy hoy. Ano yan? Ano yan?" Nagulat ako ng biglang pumagitna sa amin si Greggy at tinanggal ang kamay ko kay Hanson. "Bakit may hawakan?"



"Tutugtog daw sila Hanson mamaya! Diba Hanson?" Sumimangot silang tatlo at bumagsak ang tingin kay Hanson.



"Sus. Hindi naman kami ininvite." Nagcross arms si Happy bago nakasimangot na sinulyapan si Hanson. "Bakit kaya?"



"Nako Sis. Isa lang naman ata ang gusto niyang makita mamaya eh." Hindi ko naman napigilan ang pamumula ko ng maningkit ang mga mata ni Gracie habang nagpapalipat lipat ang tingin sa amin.



"Sige lang Sunshine. Tanggap namin na may favoritism si Fafa Hanson pagdating sayo." Tinapik pa ni Greggy ang balikat ni Hanson.



"Mga gago. I was going to invite you as well. Hindi ko lang inaasahan na malakas pala ang mga pandinig niyo." Sabay-sabay na nagsigawan ang tatlo at napasuntok sa ere. Agaw atensyon tuloy sila sa mga kaklase namin na nag-aaral sa isang tabi.



"Hoy hoy hoy! Anong meron? Maglalakwatsa ba kayo ng hindi namin nalalaman?"



Sabay sabay na nagtaasan ang mga kilay namin ng magsulputan ang tatlong J's na kumakain ng lollipop habang naka ipit ang buhok ng parang fountain. Anong pauso yan? Magugunting talaga yang mga buhok nila kapag nakita sila ng faculty members.



Humarap si Gracie kay Hanson at nagpapanic na sumenyas na wag silang imbitahin. Ayaw niya atang sumama ang boyfriend niya dahil hindi siya makakasali sa pag boboy hunting sa may bistro.



Pero dahil may pagka slow itong si Hanson at hindi na gets ang secret message ni Gracie ay nagpatuloy lang ito sa sasabihin niya.



"May gig kami sa Lionel Bistro mamayang 7 pm. Are you free for this night?" Nagtawanan ang tatlo at sabay sabay na nag-apiran. Bumagsak naman ng parang nalugi ang mga balikat ni Gracie.



"Aba oo naman brad! Free na free kami!" Nagthumbs up si John.



"Kahit na busy kami dude. I cacancel namin lahat ng yun para suportahan ka!" Sabi ni Japhet na ikinangiti ni Hanson.



"Thanks mga brad." May nabuo na silang bro fist na ginawa nilang apat.



Nagkatinginan naman kami ng mga girls at ni Greggy na mukhang pare-parehas ng iniisip. Natalo kami ng mga lalaking to ah. Wala pa kaming naisipang ganyang churva ek-ek na friendship fist bump.



"Brad brad." Lumapit si Jethro kay Hanson at binulungan siya. Pero dahil magkatabi lang kami ni Hanson ay narinig ko pa rin ang sinabi niya. "Nagtatanong lang ako para ready na ako sa bakbakan mamaya. May painom ba?"



Jusko. Mga lasenggero talaga ang mga lalaking to. Nung nakaraang araw lang ng mapuno ang sikmura nila ng alak. Yuck!



"Of course brad. I wouldn't invite you kung wala."



"Hoy hoy! Anong ibinubulong ni Hudas sa Prinsipe?"



Naniningkit naman ang mga mata ni Gracie ngayon habang nakapameywang sa upuan. Napalunok naman kaagad ang jowa bago ninenerbyos na lumapit sa kanya at umupo sa arm desk ng kinauupuan ni Gracie.



"Amin amin lang yun baby ko. Wag ka namang magalit."



"Amin amin? Tapos kapag ako sinasabi ko dapat lahat ng sayo?"



Habang nagbabangayan silang dalawa ay pinagpatuloy ko na ang pagbabasa ng The Sun that Shines Over the Horizon. Ang kapal talaga ng novel ng step mother ni Hanson kaya hanggang ngayon ay nasa kalahati pa rin ako. Araw-araw kasi ay mga 5 pages lang ang kaya kong basahin tapos babalik na ako sa pagfi-facebook.



"Oy Ouie! Sama ka daw ba sa bistro? Sasama daw bespren mo." Wika naman ni Japhet ngunit parang may iba sa tono niya.



Pinanlakihan ko siya ng mata at umaktong kukurutin siya ng makatakbo kaagad ang gago. Grrr. Nakakainis na talaga ang isang to. Kung dati hindi ko siya pinapatulan pero ngayon nabibwiset na talaga ako.



"King invited me already. So count me in." Oo nga pala. Nakalimutan kong magkabanda sila ni Hanson. Makikita ko nanaman ang epal na yun mamaya.



"Ikaw Bryle? Sasama ka?" Nahuli ng mata ko si Bryle na nakasuot ng salamin at tahimik lang na nagbabasa ng libro sa sulok. Umangat ang ulo niya sa amin bago umiling na nakangiti.



"Di ako pwede ngayon. Papagalitan ni commander." Pasimple siyang kumindat sa akin kaya naman na gets ko ito kaagad.



Patay nga talaga siya kay Ms. Olivia. Mas mabuti na ring hindi siya sumama para mabantayan niya ang baby.



"Ayos ah. May commander ka na pala brad?" Lumapit si Jethro at sandaling sinakal si Bryle gamit ang braso niya. "Bakit wala kang sinasabi sa amin?!"



"Masyado kang pa-showbiz Fafa Bryle! Booo!" Wika ni Greggy sabay dila.



"Sunod ko na sasabihin sa inyo! Pero ihanda niyo nalang ang mga sarili niyo dahil baka atakihin kayo." Tumawa si Bryle at hindi ko rin alam kung bakit napatawa din ako.



Ngunit bago pa ako bumalik sa ginagawa ko ay nakita ko si Ouie at Hanson na nakatingin sa akin. Nagtataka na para bang naiintriga habang ang mga mata nila'y nakatitig sa akin.

Continue Reading

You'll Also Like

47.6K 1.9K 42
[COMPLETED] Following the broken engagement with the Crown Prince while struggling to adapt to her new environment, Myrtle Edelwyse now needs to marr...
826 60 25
(UNDER EDITING) Tiffany Perez is the woman who will do anything for her dream. Her beauty and intelligence are not hidden. She perseveres to finish h...
21M 768K 74
ā—¤ SEMIDEUS SAGA #01 ā—¢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
3.8M 66.1K 70
Loving a person who's not yet finished loving someone is really sucks... Should I continue loving him? Even if he doesn't know my worth? or Should I...