A Little Bit of Sunshine

By aennui

727 124 206

A Little Bit of Sunshine || Sunshine is just your ordinary high school girl. Umikot ang buhay niya sa school... More

Opening Remarks
Simula
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
Wakas

15

5 2 0
By aennui

Kabanata 15: Sleepover (Part III)

"Nabasa mo?"

Nang mga oras na to, gustong gusto kong magsinungaling at magsabing wala akong nakita. Pero alam kong mahihirapan akong gawin yun dahil hindi talaga ako sanay na magsinungaling.



"Sorry Bryle pero..." Napalunok ako bago dahan-dahang tumango. "Oo."



Bumagsak ang mga balikat ni Bryle bago siya napabuntong hininga. Hindi ko tuloy alam kung maguguiltyo kagagalitan ko ba ang sarili ko na nakita ko ang message na yun.



"Okay. Dahil nakita mo na rin lang, kung sino ang nasa isip mong Olivia, tama ka. Siya na nga yun." Tinanguan ko siya bago alanganing ngumiti.



"Mga last week ko pa nalaman Bryle. Nakita ko na kayo dati sa clinic at sa hagdanan pero palaging hindi ko nakikita ang mukha mo. Bago ko lang narealize na ikaw yung jowa niya ng makita ko yung bracelet na suot niya." Napatakip siya sa bibig niya habang nanlalaki ang mga mata.




"Pucha. Akala ko magaling kaming magtago."



"Hindi. Hindi talaga kayo marunong magtago." Tinapik tapik ko siya sa balikat habang tumatango. "Ilang months na ba Bryle?"



"Magfa-five months na. Pinaglileave ko si Olivia dahil ayaw kong mapagod siya pero masyadong matigas ang ulo. Sinekreto na muna niya sa trabaho." Bumilog naman ang bibig ko.



Hindi pa kasi halata ang baby bump ni Ms. Olivia. Siguro ay dahil nakikisama ang bata sa pagtatago ng sikreto nila.



"Ano namang plano niyo?"



"Wala pang alam ang parents namin pero humahanap na ako ng tiyempo. Wala pa rin naman silang magagawa dahil nandiyan na eh. Pero bago manganak si Olivia, yayayain ko na siyang magpakasal. Gusto ko namang maging Mrs. Lorenzo ko muna siya bago lumabas ang anak namin." Napangiti nanaman ako bago siya kinurot sa braso.



"Ang lakas mo talaga Bryle. Ninang ako ha!" Tumawa siya bago tumango.



"Siyempre naman. Para magmana ang inanak mo sa pagiging dancer mo!" Sabay kaming nagtawanan at nagkwentuhan pa ng mapasulyap ako sa labas ng pintuan.



"Wala ka pa bang balak na sabihin sa kanila?"



"Gusto ko munang isikreto ang tungkol dito Sunshime Hindi pa kasi ako handa." Ngumiti ako bago tinapik sa balikat si Bryle.



"Hayaan mo, tutulungan kitang sabihin sa kanila. Matatanggap ka pa rin ng mga kaibigan natin kung yun ang inaalala mo." Bumalik na kami sa sala ni Bryle at balik kami sa pagngiti sa harap ng mga kaibigan namin.



"Antagal mo naman ata bumalik. Umebak ka ba sis?" Kinurot ko ang tagiliran ni Gracie bago hinagis sa mukha niya yung isang balot ng Nova.



"Sira. Basta. May inisip lang ako." Pinagbibigay ko na yung mga chips bago ko sinenyasan si Bryle na magpaalam na sa kanila.



"Guys. Kailangan ko na nga palang umalis."



"Anong meron brad?"



"Sasabihin ko sa inyo next time pero kailangan ko na talagang umalis."



"Sige na Bryle. Umalis ka na." Sinenyasan na siya ni Ouie na umalis kaya naman agad itong tumayo. Napatitig tuloy ako ng ilang segundo kay Ouie dahil dito.



Sa aming lahat ay sila ang pinakaclose Bryle. Alam niya kaya yung sikreto ni Bryle? Hindi pa siguro. Wala din namang kinwento si Bryle eh.



"Babawi ako next time mga erp."



"HOY BRYLE PARE! WALANG GANYANAN!" Sigaw ni Japhet habang nakatingin kaming lahat kay Bryle na nagmamadaling umakyat para kunin ang gamit niya.



"Let him be. Magpalit na kayo para sa night swimming." Anunsiyo ni Ouie kaya naman sabay sabay na nagtayuan kaming lahat umakyat sa kwarto.



"Ay pucha! Dapat kanina pa tayo nagswimming brad!"



Aakyat na din sana ako ngunit nakita kong nagpaiwan si Ouie para ayusin ang mga kalat namin. Nagpaiwan naman din ako para kunin yung mga bote at mga platong may lamang chips namin. Tahimik lang kaming dalawa sa ginagawa namin ng makita ko si Bryle na nagmamadali pababa ng hagdanan



"Alis na ako Ouie and Sunshine!"



"Yeah."



"Ingat sa pagdadrive Bryle! Nakainom ka pa naman!" Nakangiti siyang tumango bago sumaludo at tumakbo na papalabas ng pintuan.



Bumalik na ako sa ginagawa ko at halos maibagsak ko ang mga bote ng makitang magkasalubong ang mga kilay ni Ouie habang nakatitig sa akin. Kinabahan tuloy ako dahil ang weird ng tingin niya ngayon.



"Oh? Anong problema mo?"



"I want to ask you something but I'm scared of the answer that you'll probably give me." Ako naman ang nagsalubong ang mga kilay habang nakatitig sa kanya na naglalakad papunta sa kusina.



"Anong problema ng isang yun?"



Napangiwi nalang ako bago naglakad paakyat sa kwarto namin. Nakita ko naman kaagad sina Gracie at Happy na nakabihis na ng pangligo sa swimming pool. Dahil hindi sila prepared ay nakasuot lang sila ng t-shirt na tinucked in sa high waist na shorts.



Nagbihis na din naman ako ng damit na hawig sa kanila at inilugay ang buhok ko. Wala naman akong planong maligo kaya naman hindi ko na tinanggal ang kwintas ko. Baka mawala pa dahil nakalimutan ko kung saan ko inilagay. Ang weak pa naman ng memory ko.



Nang makapunta na kami sa pool area ay nakita naming nagkakatuwaan na ang mga boys sa paglalaro ng volleyball sa tubig habang sina Hanson at Ouie ay abala sa pagsisimula ng barbeque nila.



Kainan nanaman pala kami mamaya. Sabagay ay nagugutom na din naman ako dahil pancit canton lang yung inatake namin kanina.



"Nandito na pala ang mga chix!" Sigaw ni Japhet bago sila sumipol nila John at Jethro. Sabay-sabay naman naming itinaas ang kamay namin nila Gracie at Happy sa ere para ipakita ang middle finger namin.



Umupo kami sa gilid ng pool at inilublob ang mga paa namin habang nanonood sa kanila na maglaro. Medyo mainit init ang tubig kaya naman hindi nakakapanginig.



Baka naman umihi na ang mga to? Eeew! Hindi ko nalang iisipin yun!



"Mga brad! Nilalamig na ako! Tangina" Asar na sabi ni Japhet. Nagtawanan naman kaming lahat ng manginig siya at yakapin niya ang sarili niya.



"Kambing ka brad! Kambing!" Pang-aasar nila Jethro. Sumimangot naman ang isa at nagpakyu din sa mga kaibigan niya.



"Gago! Hindi lang ako sanay sa midnight swimming!"



Bumalik ang tingin ko sa mga nag-iihaw ng makaamoy na ako ng usok. Nagkatama ang mga mata namin ni Hanson kaya nginitian ko siya. Ngumiti din siya pabalik ngunit ng magkasalubong ang mga mata namin ni Ouie ay bigla akong napasinghap dahil ganun pa rin ang tingin na ibinibigay niya sa akin.



Ano ba talagang problema ng isang yun?



"Maglaro talaga kayo ng maayos na volleyball guys! May scoring na this time at ang matatalong team ay may gagawing dare sa panalong team!" Anunsiyo ni Happy habang pumapalakpak.



"Dare nanaman? Wala ka bang maisip na iba? Amboring!" Pag-iinarte ni Greggy.



Halatang pinapainit lang din ang ulo ni Happy na hindi naman nagpaapekto dahil sabay-sabay namang sumang-ayon ang lahat.



"Sige mga brad! Usap usap muna tayo kung anong magiging dare!" Nagdikit dikit ang mga boys sa magkabilang team at seryosong nag-usap. Mukhang seseryosohin talaga nila ang larong to ah.



"Gusto kong maglaro!" Sabi ni Gracie at nagpout. Nang magkatama ang mga mata namin ay nakangiti niya inilapit ang mukha niya sa akin.



"Marunong ka Sunshine?" Napausog ako bago mabilis na umiling.



"Juskopo. Wag ako Gracie. Babagsak ang kabilang team kapag sumali ako."



Wala akong alam sa mga sports sports na yan. Pasang-awa nga lang ako sa basketball at badminton namin nung Grade 11 sa P.E. class. Tamang dribble at hampas lang ng raketa o tatakbo lang ako sa grupo na may magagaling na members.



Sa awa ng Diyos ay nakapasa pa rin naman. Buhay na buhay pa rin ako sa last year ko sa high school.



"Ito nalang si Happy. Paniguradong sporty." Inakbayan ko si Happy na mabilis na umangat ang isang gilid ng labi.



"Nako nako. Baka umiyak ang team niyo Gracie kapag sumali ako." Naalala kong volleyball player nga pala ang babaeng to. Iiyak nga siguro talaga ang team nila Gracie kapag sumali siya.



"Hoy hoy hoy! Wag kang magpapakampante dahil sa team nila Greggy ako sasali! Bubuhatin mo yung tatlong tukmol na yun!" Bumilog ang bibig ko ng magsimula silang mag-bangayan.



Volleyball player nga din pala si Greggy! Ayos to!



"Wag kang basta basta nangjajudge Gracie! Sige, sa team nila Jethro ako maglalaro!" Nagfist bump silang dalawa habang naka smirk.



"Bring it on!"



Sabay sabay na napalingon sa pwesto namin ang mga boys ng tumayo sina Gracie at Happy bago tumalon sa swimming pool. Napangiwi ako ng matalsikan ako ng tubig ngunit pinili ko nalang manahimik at titigan sila ng masama. 



"Sorry Sunshine!" Nakita ko naman silang dalawa na nagpeace sign sa akin habang lumalangoy patalikod.



"May magagawa pa nga ba ako?" Tumikhim ako bago pinagpag ang damit ko. Hindi naman grabe yung basa kaya okay lang.



Magkakagrupo sina Greggy, Gracie, at Japhet habang sa kabilang team naman ay sina John, Jethro, at Happy ang magkakasama.



"Kung sinong team ang una na maka-20 ang panalo! Ikaw taga score Sunshine!" Sigaw ni Happy at sumaludo nalang ako bago pinanood ang pagpapasahan nila ng bola.



Wala akong alam sa volleyball kaya naman hinihintay ko lang sila na sumenyas sa akin. Iaangat ko lang ang dalawang kamay ko at babanggitin ang current score ng dalawang grupo.



Habang nageenjoy sila ay bigla nalang akong nilamig at parang babagsak ang mga talukap ko. Sinapo ko ang noo ko para icheck ang temp ko pero masyado namang malamig ang kamay ko.



"7-9!" Hindi ko na mapigilang mapahikab sa pag anunsyo. Hindi pa nga pala ako nakakabawi sa ilang araw na puyatan dahil sa periodical.



"Uy guys! Kawawa naman si Sunshine oh!" Pilit kong idinilat ang mata ko ng magsalita si Greggy. Nanlalabo na ang paningin ko ngunit napakamot nalang ako sa leeg ko na biglang nangati.



"Hindi! Sige lang! Laro lang kayo!" Ngumiti ako at bumalik naman sila sa paglalaro. Hindi nakaligtas sa mata ko ang nag-aalalang mukha ni Hanson at ang nakakunot na noo ni Ouie habang nag-iihaw pa rin sila.



Nakapagfocus naman ako sa pagii-score kahit na dinalaw na talaga ako ng antok. Leading na ang team nila Gracie katulad ng inaasahan ko pero isa lang ang lamang nila sa grupo nila Happy.



"14-15!" Humikab nanaman ako at tinanggal ang mga binti ko sa tubig para mayakap ito at maipatong ang ulo ko sa tuhod.



"Yung scorer natin babagsak na yata!" Narinig kong tumawa silang lahat sa sinabi ni Japhet habang ako ay pilit na binuksan nanaman ang mga mata ko.



"Sige na! Magpatalo nalang kayo Japhet!" Nakanguso kong sabi at mas niyakap ang mga binti ko.



Pagdating ng 18-19 sa score nila ay naging mainit ang laban.  Halos ilang minuto ng hindi bumabagsak ang bola dahil ayaw talagang magpatalo nila Happy. Nababadtrip na tuloy ako.



"Magpatalo nalang kayo!" Sigaw ni Gracie bago sinalo ang bola na sinalo naman ni Happy sa kabila. "Hindi kami magpapatalo no!"



Tinalon ni Japhet ang huling pagkakapasa ni Jethro at malakas itong ini-spike. Natapos ang laban at nagdiwang ang tatlo habang ako naman ay sinubukang tumayo ngunit halos mahulog ako sa pool ng biglang umikot ang paningin ko.



"Sunshine! Ayos ka lang?" Hindi ko napansing nakalapit na pala sa akin sina Happy at Gracie na niyugyog ang mga binti ko. "Mukha ka nanamang nakadrugs."



"Mga gaga. Ayos na ayos lang ako." Ngumiti ako at sinibukan ulit na tumayo. Nakatayo naman na ako bago nagpaalam na pupuntang Cr habang nagsilapit naman sila kanila Ouie para kumain ng inihaw.



"Argh. Bakit ngayon pa sumakit ang ulo ko?" Hinilot ko ang sentido ko bago naghilamos. Hindi naman ako nakainom kaya bakit antok na antok ako ngayon?



Nang makalabas ako ng cr ay halos nakapikit na ang mga mata ko. Pumunta muna ako sa kwarto namin para kuhain ang cellphone ko. Nang makababa na ako ay muntik na nga akong matumba ng mabangga ako sa poste ng bahay nila eh. Gaga talaga. Antok na antok na talaga ako!



Nilabas ko ang cellphone ko habang naglalakad at parang nawala ang lahat ng antok sa katawan ko ng makita ang isang message mula sa unknown number. Wala namang ibang tatawag sa akin ng ganito kaya nagkakutob na ako kung sino.



From: +6391678000009

Kamusta ka na anak? Miss na miss na kita. Sana pumayag ka ng magkita tayo ulit.



Nakagat ko ang labi ko bago bumuntong hininga at itinago ang cellphone ko sa bulsa ko. Bumalik ako sa pool area at tulalang kumuha ng inihaw na hotdog at baboy bago tumabi kanila Happy at Gracie na nakabalot ngayon ng tuwalya.



"Anyare sayo girl?" Hindi ko sinagot si Happy at pinatong lang ang ulo ko sa balikat niya. Nakita kong sinulyapan niya si Gracie na umiling lang dahil sa kinikilos ko.



"Masama ba pakiramdam mo?"

"May dalaw ka?"

"Masakit ang ulo mo?"

"May lagnat ka ba?"



Pare-parehas kong inilingan ang mga sinabi nila at nagpatuloy lang sa pagkain. Hindi naman sila nagpumilit dahil alam na nilang ganito ako kapag nababad trip. Nagkwentuhan at nag asaran nalang saglit sina Greggy at Happy pati na rin ang tambalang JethCie bago kami umakyat sa mga kwarto namin.



Ilang minuto akong nakatitig lang sa kisame at inaalala yung text ni Nanay. Akala ko ay hindi na talaga ako makakatulog pero bigla nalang bumigat ang mga talukap ng mata ko.





"I'm so sorry baby but I have to do this." Tinitigan ko si Nanay at sinubukang abutin ang mukha niya para punasan ang mga pisngi niyang nabasa dahil sa luha.



"Bakit Nanay? Hindi mo na ba ako mahal?" Yumuko siya para halikan ang maliit kong kamay at ang ibabaw ng ulo ko.



"Mahal kita baby pero may gusto pa akong abutin sa buhay. Maiintindihan mo rin ako paglaki mo." Hindi ko na magawang hawakan ulit si Nanay ng unti-unti siyang maglaho sa harap ko.





"Nanay? Nasaan ka?"



Lumingon ako sa paligid ko at nakitang nasa isa akong lupaing napupuno ng mga bulaklak. Tumakbo ako ng tumakbo para mahanap siya habang nararamdaman ko ang unti-unting pagbabago ng katawan ko. Bigla nalang na nagdilim ang paligid at napunta ako sa lugar na may nagtataasang mga puno.



"Nanay? Nasaan ka na? Natatakot na ako!" Sumigaw ako habang patuloy na tumatakbo. Naramdaman ko ang pagpapawis ng noo ko at paglakas ng tibok ng puso ko sa kakaikot sa paligid.



"Anak! Nandito lang ako!"



Natigilan ako ng makita si Nanay sa dulo ng kakahuyan. Muling nagliwanag ang paligid at napalitan ng isang lugar na puro bulaklak. Nakangiti siya kaya naman napangiti din ako bago nagmadaling tumakbo papalapit sa pwesto niya. Natigilan nalang ako ng makitang bangin ang nasa likod niya ngunit patuloy lang siyang umaatras.



"N-Nanay! Lumayo kayo diyan!"



"Pasensiya na sa lahat lahat anak. Nagsisisi na ako sa ginawa ko sayo. Sana kausapin mo na ako." Nanginginig ako ng makita siyang patuloy pa rin sa pag-atras.



"O-Opo Nanay! Kakausapin ko na kayo basta wag na kayong gagalaw!"



Nakahinga naman ako ng maluwag ng dahan-dahan na siyang maglakad papunta sa akin. Napakusot ako sa mata ko ng mapuwing ako. Sa muling pagdilat ko ay nabigla ako ng makita ang isang lalaking nakatakip ang buong mukha na mahigpit na hinahawakan sa leeg si Nanay.



"A-Anong ginagawa mo? Bitawan mo si Nanay!" Sinubukan ko siyang itulak ngunit hindi ko siya natamaan. Masyado akong mahina.



Naglakad siya pabalik sa bangin habang kinakaladkad si Nanay. Nahigit ko lahat ng hininga ko ng parang laruan niya lang inihagis pababa si Nanay.



"NANAY!"





"SUNSHINE WAKE UP!" Napadilat ako ng mata ko at sumalubong sa akin ang nag-aalalang mukha ni Ouie.



"Ouie." Napaupo ako at niyakap siya ng mahigpit habang patuloy pa rin sa pagbuhos ang mga luha ko.



"Shhh. It's just a dream, okay?"



Hindi ko alam kung bakit paulit ulit na nagpi-play sa utak ko ang panaginip ko. May kahulugan ang bawat panaginip at si Nanay ang napasama sa panaginip ko. Natatakot ako.



"Stop crying Sunshine, okay?" Napayakap ako sa kanya ng yakapin niya ako. Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya habang patuloy sa paghikbi.



Hindi nagising sa pag-iyak ko sina Gracie. Kaya naman para hindi sila maistorbo ay binuhat ako ni Ouie at dinala papunta sa may sala para manood muna ng t.v. Nanatili akong nakaupo sa may sofa at nakayakap sa mga binti ko bago siya bumalik ng may dala-dalang baso ng tubig na kaagad ko namang ininom.



"Ayos ka na ba?" Tumango ako bago niya nilagay ang ulo ko sa balikat niya. "Now, tell me what your dream is."



"S-Si Nanay. Nakita ko si Nanay. Sinakal siya ng isang lalaki. T-tapos hinulog siya sa bangin, Ouie. Parang totoo. Baka may masamang mangyari kay N-Nanay." Naramdaman ko ang paghaplos niya sa likod ko habang patuloy ako sa pag-iyak.



"That's just a dream. It won't happen, okay?" Hinawakan niya ang mukha ko bago pinunasan ang luha ko. Tinitigan ko siya at sinubukang paniwalain ang sarili ko sa sinabi niya.



Hindi mangyayari yun. Hindi.



"Stop crying now and calm down." Nakinig ako sa sinabi niya bago huminga ng malalim at pinikit ang mga mata ko.



Ilang segundo na akong nakapikit kaya naman tuluyan na akong kumalma. Biglang pumasok sa alaala ko yung ginawa ni Ouie sa Acquaintance Party at ang mahigit sa isang buwan niyang hindi pagpansin sa akin. Mukhang panahon na to para ayusin namin ang gulong nangyari sa amin.



"Galit ka pa rin ba sa akin, Ouie?" Binuksan ko ang mga mata ko at sinalubong ang tingin ni Ouie na natigilan at napainom ng bote ng beer na dinala niya kasabay nung akin.



"I never got mad at you, Sunshine. It's just that I'm mad at myself."



"Bakit?"



Napalunok ako ng siya naman ang nagpatong ng ulo niya sa balikat ko. Lumakas ang tibok ng puso ko ng siya naman ang yumakap ng mga braso niya sa beywang ko bago ipinatong ang ulo niya sa balikat ko.



"I really tried my best to hold back and continue being your bestfriend na pwede mong lapitan kapag may problema ka. I really wanted to pretend that I'm just okay with our bestfriend set up. But fuck, hindi ko na pala kayang tiisin Sunshine. I confessed but you ran away. Nasaktan ako and ended up hurting you many times. Kaya nagagalit na ako sa sarili ko."



Narinig kong pinatunog niya ang dila niya bago siya humiwalay sa akin at umupo sa sahig. Sinandal niya ang likod niya sa katawan ng sofa at hinablot yung natitirang beer sa mesa bago dire-diretsong nilagok ang inumin hanggang sa huling patak.



Hindi ko alam kung ano pang pwede kong sabihin. First time pa lang to na may nagconfess sa akin at wala talaga akong ideya sa pwede kong gawin.



"Sorry Ouie. Nasaktan mo nga ako pero alam kong mas nasaktan kita." Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko kaya napayuko ako.



"It's not your fault, okay? Matulog ka na ulit at wag mo na isipin yung panaginip mo." Umangat ang ulo niya at piningot ang ilong ko. "I'll make sure to be over you completely. So please accept me again as your friend when that time comes, okay?"



Tumango ako at sumilay naman ang niti sa labi ni Ouie. Sa panghuling beses ay yumuko siya para bigyan ako ng halik sa noo bago ko siya pinanood na tuluyang maglakad papalayo sa akin.



Mahal kita Ouie pero hanggang kaibigan lang talaga.



Bagsak ang mga balikat ko ng magpunta ako sa kusina para uminom ng tubig. Halos mapalundag naman ako ng makita ko si Hanson na nakaupo sa isang stool at pinaglalaruan ang wine sa baso niya. Napahinto siya nang makita niya ako pero sabay din kaming ngumiti.



Kanina pa kaya siya nandito? Nakita niya kaya kami ni Ouie- Nevermind.



"Bakit umiinom ka mag-isa? Hindi ka ba makatulog?" Umupo ako sa tabi ni Hanson at nagsalumbaba habang pinapanood siya na magsalin ng wine. Medyo tinatamaan na ako ng antok pero gusto ko pang makipag-usap saglit.



"Yeah. Hindi malakas ang tama ko kaya nahihirapan talaga akong makatulog sa ibang bahay." Ininom niya ang laman ng baso bago nagsimulang magsalin ulit. "What about you? Why are you still up?"



"Binangungot ako." Lumaki ng kaunti ang mga mata niya kaya hindi ko mapigilang mapangiti. Ngayon ko lang siya nakita na gulat na gulat.



"Talaga!? What did you dream about!?"



Sinimulan kong ikwento sa kanya ang napanaginipan ko. Tahimik lang naman siyang nakikinig sa akin at pinagmamasdan ako habang patuloy na umiinom. Katulad ng sinabi ni Ouie ay sinabi niya ring ideny ko lang yun dahil baka daw nasama lang yun sa mga napanood ko na movies.



Hindi ko pa naikukwento sa kanya ang tungkol sa Nanay ko kaya this time ay pinili ko ng mag open up. Unti-unti tuloy na gumagaan ang pakiramdam ko ng sabihan niya ako ng ilang mga words of wisdom para maging buo ang desisyon ko na harapin ulit si Nanay.



"Talk to her. Don't deny her up to the end dahil baka pagsisihan mo." Ngumiti siya sa akin bago niya tinapik ang ulo ko. "Ikaw na rin ang nagsabi niyan sa akin noon. But I can't believe that you're not even applying it to your own life."



"Psh. Oo na." Napasalumbaba ulit ako bago tumitig sa bote ng wine. "Madali nga lang talagang mag-advice or magbigay ng words of comfort sa isang tao. Pero hindi ako nag-iisip na mahirap palang gawin mismo sa buhay mo yung in-advice mo."



"You're right." Lumagok siya bago nagsalumbaba at lumingon sa akin. "Pero alam kong kaya mong magpatawad Sunshine. I was able to do it successfully to someone who hurted me for years. Kaya naman I'm putting my bet on you."



Nakatulala lang ako ng muli niyang iangat ang bote at magsalin. Napakurap ako ng ipadulas ni Hanson ang baso palapit sa akin bago ako tinanguan.



"Huy. Ayoko! Hindi ako umiinom." Tumaas ang kilay ni Hanson bago mas itinulak ito sa akin.



"It's just wine. Maliit lang ang alcohol content so its no big deal." Kinuha niya ang kamay ko at nilagay dito ang baso ko. "Just try it. Hindi naman yan tulad ng ibang drinks na parang sinusunog ang lalamunan mo."



Napabuntong hininga ako bago sinubukang lumagok ng wine. Masarap dahil lasa itong ubas kaya naman agad na nanlaki ang mata ko at napathumbs up.



"Wow! Masarap nga!" Nilagok ko ang natitira sa baso ko bago nilapit ito ulit sa kanya para magpa refill habang nakangiti. "Binabawi ko na yung sinabi ko. Pwede pa bang magdagdag?"



Nawala ang mga mata niya ng tumawa siya bago muling binuhusan ng wine ang baso ko. Nagcheers kami at nagkwentuhan hanggang sa maubos na ng tuluyan ang wine at bumigat na ang talukap ng mga mata namin. Ngunit bago pa ako makatulog ay nagtype muna ako ng message para kay Nanay.



---

To: Nanay

Hello Nanay. Ayos lang naman po ako. Kayo po? Kamusta na po kayo?

---


Hindi lahat ng tao ay nakakatulog ng mapayapa sa pagpatak ng dilim. Maraming iniisip ang mga taong mahal nila malayo sa kanila, may nag-iisip kung paano malulutas ang problema nila, at may nag-iisip kung magagawa pa ba nilang gumising kinabukasan.



Kaya naman bago magdilim, dapat inaayos natin lahat ng mga hindi pagkakaintindihan natin. Mga pag-aaway na kung matatagalan sa pag-ayos ay maaring madala nalang ng limot. Wag nating hahayaang mahantong ang lahat sa ganito lalo na kung may parte sila sa kabuuan natin at naging espesyal naman sila sa atin.

Continue Reading

You'll Also Like

90.4K 4.7K 52
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man. Language used: Tagalog and English Status: Completed Date Started...
21M 767K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
826 60 25
(UNDER EDITING) Tiffany Perez is the woman who will do anything for her dream. Her beauty and intelligence are not hidden. She perseveres to finish h...
502K 35.3K 54
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...