Isla Fontana Series #2: Ownin...

By RosasVhiie

4.1M 126K 18.3K

| A VERY MATURED CONTENT | The 2nd installment of Isla Fontana Series. Zeke Velasquez grew up with a silver s... More

Owning Her. Soon!
Prologue
Chapter 1 (Warning)
Chapter 2 (First Kiss)
Chapter 4 (Safe In His Arms)
Chapter 5 (Tie)
Chapter 6 (Mysterious Sponsor)
Chapter 7 (Safest Place)
Chapter 8 (Heartbeat)
Chapter 9 (A Little Taste)
Chapter 10 (Only His)
Chapter 11 (Hard)
Chapter 12 (Gentle)
Chapter 13 (Deep)
Chapter 14 (Confused)
Chapter 15 (Jealous)
Chapter 16 (Baby Tiger)
Chapter 17 (Surrender)
Chapter 18 (Marked Her)
Chapter 19 (Temptation)
Chapter 20 (Cliff)
Chapter 21 (Inlove)
Chapter 22 (Message)
Chapter 23 (Cold)
Chapter 24 (Blood Stain)
Chapter 25 (Reveal)
Chapter 26 (Kiss Mark)
Chapter 27 (Sweetest Punishment)
Chapter 28 (Scream)
Chapter 29 (Dominate)
Chapter 30 (Owned Her)
Chapter 31 (Girlfriend)
Chapter 32 (Officially Mine)
Chapter 33 (Seduced)
Chapter 34 (Moan)
Chapter 35 (Throw Up)
Chapter 36 (Cravings)
Chapter 37 (Pass Out)
Chapter 38 (Sign)
Chapter 39 (Pain)
Chapter 40 (Separated)
Chapter 41 (Cry)
Chapter 42 (Karma)
Chapter 43 (Under the Rain)
Chapter 44 (His Property)
Chapter 45 (Hungry Beast)
Chapter 46 (Wild)
Chapter 47 (Unending Love)
Chapter 48 (Promise)
Chapter 49 (His Queen)
Epilogue
PUBLISHED BOOK!

Chapter 3 (Restraint)

71.1K 2.4K 321
By RosasVhiie

CHAPTER 3

MISTULANG naging tuod si Alyssa pagkatapos nang mapagparusang halik ng lalaking nasa harapan niya.

Nakita niya ang pagngisi nito sa kabila ng matamang titig ng binata sa buong mukha niya.

Dahan-dahan siyang napalunok, wala sa sariling napahawak sa sariling dibdib. Gusto niyang umiyak sa hindi malamang kadahilanan.

Unti-unti ay kumilos siya at unti-unting tumalim ang mga mata.

"Manyakis ka!" Sigaw niya.

Sa halip na magulat ay mas lalo lang itong ngumisi, tila aliw na aliw pa sa hitsura niya ngayon.

"Bakit mo ako hinalikan?!" Tanong niya nang makabawi.

Kunwari ay inosente siya nitong tiningnan.

"Hindi mo ba gusto?"

"Sagutin mo kasi ako!"

"Bakit nanliligaw ka ba? Ang alam ko lalaki ang nanliligaw," pamimilosopo nito.

"Kuya Zeke!"

"Kuya? Gusto mo yatang halikan kita ulit?" Humakbang ito kaya napaatras siya.

"Bahala ka sa buhay mo!" Inis na inis talaga siya!

"Huwag ka na magalit, mas lalo kang pumapangit."

Sinasadya siya nitong asarin. Namumuo ang luha sa mga mata niya sa sobrang inis. Hanggang sa hindi na niya napigilang mapahikbi.

Tinakpan niya ang mukha gamit ang dalawang kamay.

"Alyss—"

"Huwag mo akong kausapin! Gago ka!" Pigil na pigil niya ang sariling hindi lumakas ang iyak.

"Tang...ina..." Narinig niya ang malutong na mura nito na mas lalong dumagdag sa sama ng loob niya.

Hinarap niya ito habang umiiyak.

"Unang halik ko 'to! Bakit ninakaw mo? Ang sama ng loob ko dahil hindi na birhen ang labi ko! Gago ka! Gago!" Galit na galit siyang sumigaw.

Napakurap ito at napanganga, tila hindi inaasahan ang dahilan kung bakit siya umiiyak.

Halos hindi makapaniwalang napasabunot ito sa sariling buhok, hindi alam kung matatawa ba o aaluin siya.

"Tangina naman, Alyssa." Hindi nito mapigilang matawa habang nakasabunot pa rin sa buhok.

Tumitig ito sa kanya, binuka ang bibig pero kaagad din iyong itiniklop na tila nag-aalangang ituloy ang sasabihin.

Muli itong ibinuka ang bibig pero muli ay itiniklop. Napapailing na naglakad ito ng pabalik-balik sa harapan niya at kapagkuwan ay tumingin sa kanya.

"Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa'yo. Hindi mo ba talaga alam ang totoong dahilan kung bakit kita hinalikan? Matalino ka. Dapat alam mo ang totoong dahi—"

"Wala akong pakialam kung ano ang dahilan mo! Dahil ang alam ko palagi mo akong pinaglalaruan! Una pa lang, gustong-gusto mo na akong inaasar. Nakakainis ka, alam mo ba 'yon? Ikaw lang ang lalaking sinasabihan akong pangit at lampa!" Nilabas niya lahat ng sama ng loob.

"Pangit ka naman talaga!" Tumaas ang boses nito, naiinis.

Hindi makapaniwalang tiningnan niya ito. Napaka-gago talaga!

"Kapag may nanligaw sa'kin, humanda ka! Lulunukin mo 'yang sinabi mo." Sinimangutan niya ito.

Ngumisi lang ito sa sinabi niya. Na tila ba sinasabing napaka-imposibleng may manligaw sa kanya.

"Punasan mo 'yang luha mo, baka sakali gumanda ka," nang-aasar na utos nito.

Inis na pinunasan niya ang mga luha. Nang muli niya itong tingnan ay hindi nakatakas sa paningin niya ang lambot sa guwapong mukha nito. O imahinasyon lamang niya? Dahil kaagad din itong ngumisi nang magsalubong ang mga mata nila.

"Akala mo naman kung sinong guwapo," bulong-bulong niya.

"Guwapo naman talaga ako." Narinig siya ng binata, nagmamayabang.

"Babaero!" Singhal niya.

Nanlaki ang mga mata nito.

"Paano akong naging babaero?"

"Marami kang babae dito sa isla. Akala mo hindi ko alam? Kung saan-saan pa nga daw kayo nakakarating? Anong pakiramdam na iba-ibang babae ang nakakandong mo? Pinagsawaan mo? Hindi na nakakapagtaka kung balang araw ay may lalapit na sa'yo at sasabihing buntis sila. Ganyan ka kalibo—" Napaatras siya nang humakbang ito.

Ang kaninang nakangising mukha nito ay biglang napalitan. Bigla itong naging seryoso, tumalim ang mga mata.

"Babaero ako pero hindi mo alam ang totoo, Alyssa. Wala kang alam. Tangina, wala kang alam," mariin itong nagsalita, halatang nagpipigil ng galit.

Bigla siyang nakaramdam ng kaba. Nakakatakot ang seryosong mukha nito.

"Ano bang dapat kong malaman?" Sa kabila ng kaba ay nagtatapang-tapangan pa rin siya.

Nakakainis lang sa tuwing kaharap niya ito dahil nakatingala siya. Hindi sapat ang taas niya dahil matangkad na lalaki talaga ito. Siya ay maliit lang.

Sa halip na sagutin siya ay ngumisi lang ito. Nawala ang galit sa guwapong mukha.

"Bumalik ka na doon habang nagtitimpi pa ako sa'yo," utos nito at umatras.

Sumimangot siya at inirapan ito.

"Malibog ka," pang-aasar niya.

Sa halip na mainis ay mahina lang itong natawa.

"Mag-iingat ka sa mga sinasabi mo. Baka balang-araw susuko ka sa pagiging malibog ko." Ngising-ngisi ang lalaki.

Inamin ngang malibog. Kadiring lalaki. Muli niya itong inirapan at tuluyang tumalikod, dire-diretsong bumalik kung saan ginaganap ang okasyon.

Nang malayo na siya ay hindi niya mapigilang lumingon. Nakita niya ang lalaki, hinihilot ang sentido nito na tila kanina pa sumasakit ang ulo sa kanya pero hindi nakatakas sa paningin niya ang bahagyang pagngiti nito.

Napasimangot siya at nagpasyang aliwin ang sarili sa okasyong ginaganap taon-taon dito sa isla.

Nang oras ng uwian ay kasabay na niya ang mga kapatid. Nasa bahay na sila. Mahimbing nang natutulog ang mga kasama niya sa bahay pero siya ay hindi makatulog.

Nakatulala lang siya habang ang isip ay bumabalik sa halik na naranasan niya kanina. Wala sa sariling napahawak siya sa ibabang labi kasabay ng pagkabog ng puso niya.

Muling nanumbalik sa isip niya kung gaano kalambot ang labi ng lalaking humalik sa kanya. Hindi pa niya naranasang halikan ng ibang lalaki ngunit bakit sa tingin niya ay napakagaling nitong humalik?

Napabalikwas siya ng bangon sa naisip at paulit-ulit na umiling. Bakit ang halik na iyon ang nasa isipan niya? Bakit hindi iyon mabura sa isip niya?

Inis na bumaba siya mula sa papag na kama at napabuntong-hininga.

Madaling araw na pala. Ni hindi niya namalayan ang paglipas ng oras.

Nagpasya siyang lumabas. Medyo maliwanag sa labas dahil sa bilog na buwan sa kalangitan. Iyon ang nagsilbing ilaw niya patungo sa dalampasigan. Tinungo niya ang lugar kung saan ay siya lang ang nakakaalam. Pumupunta siya doon sa tuwing nalulungkot o kapag gusto niyang mapag-isa.

Awtomatiko siyang napangiti nang makita ang naglalakihang mga bato. Naririnig niya ang mahinang hampas ng alon mula sa dagat sa mga batong iyon.

Naglakad siya at sumampa sa hindi kalakihang bato. Umupo siya doon at hinayaan ang mga paa na abutin ng tubig dagat.

Lumingon-lingon siya sa paligid. Alam niyang sa mga oras na ito ay wala pang tao. Kaya nagpasya siyang hubarin ang bestida niya at sumuong sa dagat. Natatakpan siya ng naglalakihang mga bato kaya tiwala siyang walang makakakita sa kanya kung may tao man. Pero ayaw pa rin niyang maging kampante. Mabilis lang naman siya. Gusto lang niyang maginhawaan at mabura sa isip niya ang halik na iyon.

Nakaramdam siya ng kaginhawaan nang nasa tubig na. Halos laking dagat na siya kaya para sa kanya ay napakasarap kapag nasa dagat ang katawan niya.

Hindi na siya gaanong lumangoy. Nanatili lang ang katawan niya sa tubig, dinadama ang lamig at alat niyon.

Natigilan siya nang marinig ang papalapit na boses. Hindi lang isa kung hindi iilang tao. Boses lalaki ang mga iyon.

Natatarantang lumapit siya sa bato kung nasaan ang hinubad niyang bestida. Inabot niya iyon pero dahil hindi sapat ang taas niya ay nahirapan siyang abutin ang damit niya.

Napangiwi siya at tumingkayad pero nadulas siya na ikinanlaki ng mga mata niya. Malapit ang iilang bato sa kanya kaya kinabahan siya na baka tumama ang ulo niya doon.

Sa hindi inaasahan ay may humapit sa beywang niya para tulungan siyang maibalanse ang katawan. Gulat na nilingon niya ito at ganoon na lamang ang kabog ng dibdib niya nang makilala ito.

"A-Anong g-ginagawa mo dito?" Nauutal na tanong niya.

Kunot-noong bumaba ang tingin nito sa kanya, parang galit pa.

"Ako dapat ang nagtatanong niyan. Anong ginagawa mo dito?"

"N-Naliligo," parang tangang tugon niya.

"Naliligo? Ng ganitong oras?" Galit ang tono nito.

"Bakit ka nagagalit?" Inis na tanong niya.

"Hindi ako galit, tanga," mariing tugon nito.

"Tanga?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Oo tanga na, manhid pa. Tsk." Napailing ito.

Akmang magsasalita siya nang may narinig.

"Zeke, nasaan ka?"

"Nandito!" Tugon ng binata.

"May nakita akong maliit na isda, pakalat-kalat. Pinakawalan ko lang." Nakatingin ito sa kanya habang nagsasalita, umangat ang sulok ng labi.

Pakiramdam niya ay namumula na siya ngayon sa sobrang inis.

"Kaya pala bigla kang nawala. Bilisan mo at nang makarami tayo ng huli ng isda ngayon." Iyon lang at nawala na ang iilang boses na narinig niya kanina.

Nabigla pa siya nang hawak na ng binata ang bestida niya at binihisan siya. Halos gusto niyang malubog sa kahihiyan dahil huli na niya napagtantong wala siyang suot na bra!

"Sa liit mong ito, may ibubuga naman pala. Ang laki," ngising-ngisi ito, nang-aasar.

"Bastos!"

"Sino bang naligo nang nakahubad dito?" Tumaas ang kilay nito.

Itinulak niya ito.

"Lumayas ka sa harapan ko!"

"Masusunod, mahal na reyna," tugon nito, mas lalo siyang inaasar.

Gusto niya itong batuhin pero nawala na ang lalaki sa harapan niya. Nasa malaking bato na ito, nakatunghay sa kanya. Saktong tumatama ang liwanag ng buwan sa mukha nito kaya kitang-kita niya ang tila nalalasing na mga mata nito.

Nakatunghay ang binata sa kanya, nakangisi habang nasa malaking bato samantalang siya ay nakaangat ang tingin dito.

Sumimangot siya kasabay ng pagtalikod nito pero kaagad din nitong ibinalik ang tingin sa kanya.

"Mag-iingat ka sa susunod. Kapag mangyari ulit ito, hindi ko maipapangakong magiging maginoo ako. Hindi mo alam kung anong klaseng pagpipigil at pagtitimpi na ang ginagawa ko, Alyssa. Kaya pakiusap, huwag mong dagdagan ang paghihirap ko," makahulugang sabi nito. He is saying that he is only restraining himself from something.

Tumalikod ito at iniwan siya.

Awtomatikong kumunot ang noo niya. Ni hindi maintindihan ang ibig nitong sabihin.

To be continued...

A/N: ZEKEEEEEEEEE ENEBE??? HEHEHEHE 😚😚😂😂 Spank me bebeeeee! Nyahahahaha 😂😂😂

Continue Reading

You'll Also Like

3.8M 160K 62
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
10.8M 251K 60
𝐅𝐫𝐨𝐦 𝐄𝐧𝐞𝐦𝐢𝐞𝐬 𝐭𝐨 𝐋𝐨𝐯𝐞𝐫𝐬 Enzo Mariano is known for being nothing but ruthless. He is feared by all in the Italian mafia. He kills on...
16.7K 2.5K 12
Stand-Alone story. Being a freshman at the same college as his big brother was a dream that Sailor never thought would come true, but now that he was...
2.6M 86.7K 38
A VERY MATURED CONTENT. ISLA FONTANA SERIES IFS #1: Stolen Heart Thea Marie found her paradise, her peace of mind, and her home in Isla Fontana. The...