When Heaven Smiled

notyourangelx tarafından

7.3K 817 1.3K

El Cielo Series #1 ✔️ There are things in life that you don't easily forget. Some of their memories will stil... Daha Fazla

When Heaven Smiled
Dedication
PROLOGUE
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
EPILOGUE I
EPILOGUE II
Note
Special Chapter

25

117 14 23
notyourangelx tarafından

Chapter 25
A Future with You

♥️:
Slr bb ano yon?

I didn't reply to his texts and answer his phone calls. I turned off my phone because I wasn't in the mood to talk to him. It may sound petty, but it's just I don't like to talk for a while.

I understand that you cannot please everyone... But it's just I thought they could still respect me. Hindi naman tago ang relasyon namin ni Maxon, aware naman silang lahat na kami pa rin.

I looked at my busy mother in the dining area. Her forehead was creased while typing on her laptop.

"Ma, mukha ka nang stressed." I commented, I went to the kitchen and made her some coffee.

"Thank you," She gave me a small smile when I placed the coffee in front of her. Sabay din kaming nagkatinginan nang marinig namin ang door bell. "Manang pakitingin naman kung sino 'yon." Mama said.

"Alice, si Maxon!" she yelled from the outside. Pumasok din siya agad at pabulong-bulong pa. "Diyos kong mga batang 'to, gabi na at—hay."

"Nag-away ba kayo?" Mama asked in confusion. Hindi ko na siya sinagot at pumunta na agad ako sa labas.

"Why are you here?" I asked him in a sarcastic tone. Nakapamaywang pa 'ko habang siya naman ay nakatingin sa 'kin na parang nagmamakaawang tuta. "Dito na lang tayo mag-usap, ayoko sa loob." I dragged a monoblock chair.

"Hindi ka sumasagot ng tawag, nag-aalala ako. Galit ka ba? Ano ginawa ko?" His eyes were full of guilt, nakonsensya agad ako. "I don't like silent treatments, Alice. Please..."

I looked away so that I couldn't see his eyes. Alam ko agad na bibigay ako at papatawarin siya kahit 'di pa siya nagso-sorry.

"Yes. And I still don't want to talk to you but, since nandito ka na. May magagawa pa ba 'ko?" I rolled my eyes to remind myself of my irritation towards him.

"Hindi ko agad nakita 'yung message mo. Biglaan din kasi 'yung lakad na 'yon sa Batangas. Pinilit pa nga 'ko nina Mom doon kahit ayoko." He reached for my hand. "I'm sorry babawi ako, please?"

Hindi ko pa rin siya nililingon. Nakakaramdam pa rin ako ng tampo. Did he see the comment of his dad? Pero hindi ko rin naman kasi kayang magtaas ng pride nang matagal.

Inilapit niya pa lalo ang upuan niya sa akin. He reached for my hand again and played with my fingers. Hindi pa rin ako umiimik at hinayaan lang siya.

"Ano nasa isip mo?"

"'Yung comment ng dad mo..." I frowned, it still affects me. Iba kasi siguro 'yung pakiramdam na kampante kang tanggap ka ng pamilya ng partner mo.

Nag-angat siya ng tingin sa akin, he made me face him. "Nabasa mo pa pala 'yon... Pina-delete ko agad no'ng nabasa ko. Nag-away pa nga kami e." He sighed.

"H-huh?" I acted as if I didn't hear it clearly. I suddenly felt guilty.

"Wala" the side of his lips rose as he caressed my hands. "Ay, sabi nga pala ni Mom dalhin naman daw kita minsan sa 'min. 'Yung boyfriend kasi ni Ate Eve laging nandoon nauumay na siguro siya."

I smiled a bit, at least his mom likes me. Pwede na rin.

Pinauwi ko na rin siya pagkatapos namin mag-usap. It's already night time, may pasok pa siya kinabukasan. Napansin ko rin na pasilip-silip sa 'min si Manang. Nagkunwari na lang ako na hindi ko siya nakita. At saka, ayaw ko naman na ma-late pa si Maxon ng uwi. Sinabi niya rin sa akin na susunduin niya raw ako bukas dahil babawi siya.

"Hi Bea-babe!" bungad niya agad pagkapasok ko ng sasakyan niya. Nagulat ako nang makita na may bouquet of roses pa siyang dala. Hindi naman namin monthsary, at lalong di naman namin anniversary. "Flowers, dahil scholar na ang bebe ko."

"Thank you, pero 'di ba nag-usap tayo?" I squinted.

Tiningnan niya rin ako ng parang batang guilty. "Yes ma'am, pero deserve mo naman kasi 'yan. It's a gift." he smiled and pinched both of my cheeks para ngumiti rin ako. "Saka 'di naman ho ako magastos, nag-iipon nga tayo 'di ba?" pagpapaliwanag niya pa.

Napag-usapan kasi namin na hindi kami masyadong gagastos kapag magkasama kami. Walang unnecessary luxury, para sa anniversary namin mayroon kaming natabing money for our dream vacation.

Pero, aasa na lang akong payagan ako. My mother may be easy with me but she's such a conservative woman! Hindi kami papayagan no'n mag overnight. Laging sinasabi no'n na "bed undefiled", kahit wala naman sa isip namin gawin ang bagay na 'yon!

"Okay, so sa'n tayo punta ngayon?" Tanong ko. My face was a bit squished. Ang mga kamay niya ay nasa magkabilang pisngi ko pa rin.

"Secret. Pero huwag kang mag-aalala kung papagalitan ka dahil pinaalam kita." he gave me a quick peck on the lips.

And we left again with no destination. Pakiramdam ko, ito 'yung paraan niya nang pagbura ng alaala noong huling beses naming ginawa 'to. Noong gabing gusto ko takasan ang lungkot.

"Papatugtog ako ah," sabi ko habang kinakalikot ang phone niya. Napangiti ako nang mapansin na ako ang homescreen wallpaper niya. Ang alam ko lang kasi ay matchy kami ng lockscreen. Hindi rin naman kasi ako nakikialam ng phone.

"He is sensible and so incredible, and all my single friends are jealous..." nakisabay ako sa tugtog. Natuwa ako dahil nakiride pa siya sa akin at nakiki head bang pa ng slight.

Wala rin naman kasi siyang reklamo kahit paulit-ulit na Taylor Swift ang ipatugtog ko. Sometimes I think I already turned him to be her fan.

Inilabas ko ang phone ko para makakuha ng video. I want to capture each moment we have together. Kahit gaano kaliit, kasi ayon ang babalik-balikan namin pag tumanda na kami.

Gosh, I sound so old and sentimental.

"Hi guys, so we're going on a date. Pero hindi ko talaga alam kung saan kami pupunta." I extended my hands so Maxon could be seen on the front camera. "Say hi to the vlog, babe."

"Hi!" he greeted and fixed his hair in front of the camera. "Ang gwapo ko diyan." turo niya sa kanyang reflection.

"True." sagot ko naman sa kanya at nakisabay lang kami sa tugtog. Inilapag ko sa dashboard ang phone ko para makita kami pareho. Siya naman nag decide sa sumunod na kanta.

"Sasalubungin natin ang kinabukasan nang walang takot at walang pangamba.Tadhana'y mayro'ng trip na makapangyarihan. Kung ayaw, may dahilan, kung gusto, palaging mayro'ng paraan" We both danced with the music while it's traffic. I played with his free hand. Pinakita ko pa 'yon sa video.

Kinalas ko ang pagkakahawak sa kanya. In-off ko na rin ang video pagkatapos dahil baka ma-low batt pa 'ko. Hinawakan niya uli ang kamay ko at saka hinalikan iyon. Halos di na nga niya bitawan 'yon hanggang makarating kami sa mall.

"Ano gagawin natin dito? Pa secret-secret ka pang nalalaman!" I exclaimed. Hindi ko alam kung ano pumasok sa isip niya e, MOA lang din naman pala kami pupunta.

"Skating." he smirked. I didn't get the chance to react because he reached for my hand and pulled me closer to him. Para tuloy akong bata na kasama ang kuya.

Akala mo naman mawawala ako kapag bumitaw ako.

He helped me put my skates on. I insisted na ako na lang ang maglalagay pero mas mapilit siya! Ganito ba talaga kapag may kasalanan?

He let me wear his jacket before going to the rink. Kapit na kapit lang ako sa gilid dahil natatakot ako madulas, pero inalalayan niya ako kaya nakarating pa kami sa gitna.

"Dali, kaya mo 'yan! Try lang natin!" He was convincing me to let go of his hands so that I could skate alone.

I shook my head a lot of times. Paano kung madulas ako? Masakit kaya!

"Try lang, sasaluhin naman kita kapag nahulog ka!" dagdag niya pa.

I glared at him because it sounded like a banat.

"Seryoso ako! Grabe ka sa akin!" he laughed. Napaka-defensive.

"Fine, pero huwag ka lalayo ah?" I said as I tried to let go of his hands.

Dahan-dahan siyang nag skate paatras. Even though my legs feel cold and I'm struggling, I still managed to skate towards him. I smiled when I noticed that we're getting further. Nang mapansin nga niya na nakakalayo kami ay binilisan niya ng kaunti ang pag-skate.

I attempted to chase him but I instantly regretted it. Bigla akong nadulas at nahulog! Naramdaman ko agad ang sakit sa may puwetan ko dahil sa lamig ng yelo. Nakasuot pa naman ako ng school uniform. Puti pa!

He immediately skated towards me and pulled me. Nakatayo naman ako ng kaunti pero dumulas ang isang paa ko kaya nahulog uli ako. My palms hit the ice and it turned a little red. I started to laugh to ease the pain. Maxon looked so worried habang ako ginagawa lang iyong biro. Pero ang totoo, ginaw na ginaw ako.

"Seaside tayo?" pag-aya ko, masyado na 'kong nilamig sa ice skating. "Mayroon din namang rides do'n, if you want. Then dinner na tayo after."

"Wow, bilis magplano. Baka ganyan kabilis mo rin iplano ang future natin ah?" He wiggled his brows.

"Corny." I rolled my eyes.

Nasunod naman ang plano ko. Sinakyan niya ang trip ko na sumakay ng carousel. Pinilit ko siya na sumama rin sa 'kin kaya lang ayaw niya. Pinagtatawanan niya ako habang vini-video-han. Karamihan kasi ng mga katabi kong nakasakay din sa kabayo ay elementary.

"Feeling baby." he said on the video, "Joke lang, baby ko talaga 'yan." bigla niyang dinagdag pang bawi.

Nag-o-order siya habang ako naman ay tinitingnan ko ang pictures at videos namin ngayong araw. Sa sobrang hilig namin mag pictures, mapupuno na ang iCloud ko.

Dumating naman na rin siya agad kaya naman inilagay ko na agad sa bag ko ang phone. Kahit mahilig kami mag-picture at video, itinatabi namin ang cellphone kapag kakain. We like to talk about things when eating.

He prayed for the food before we eat. He also separated and fixed everything first. Inilagay niya muna lahat ng pagkain ko sa harapan ko, bago niya inayos ang kanya.

"So, did you enjoy?" he asked me. Kahit alam niya naman ang sagot ay tinatanong niya pa rin ako.

"Definitely." I gave him a small smile.

Because of the things we did today, I am really looking forward to our travels in the future. He was spontaneous and ready for everything. Sigurado ako na marami kaming magagawa.

"Sulat mo rito sa notes ko mga gusto mo pang puntahan." he slid his phone to my direction. He sipped on his cola while looking at me.

"Hmm, ilalagay ko 'yung mga gusto 'nating' puntahan." I corrected him.

I want to know where he wants to go too. Saka kung ano ba ang mga gusto niyang gawin. Like, kanina ko lang na-discover na marunong pala siyang mag skating. Nasanay na kasi kami na kahit bahay lang or condo okay na.

He named the list 'Adventures with Alice' kaya naman tumingin ako sa kanya. He raised both of his eyebrows, habang inuubos ang coke niya. Umiling ako at ngumisi; nag-iisip pa ng una kong ilalagay sa listahan.

"Alam ko na, Baguio! Hindi pa ako nakakapunta ro'n." I started to type it on bullet form. "Ikaw?"

"New York," he replied. Inilagay niya ang balat ng chicken joy niya sa plato ko.

"Thanks," I cleared my throat. "Sa Pilipinas muna! Pero sige nilista ko na."

"Hmm, Cebu and Palawan." nag-isip pa siya nang matagal.

Type lang ako nang type ng mga lugar na nabanggit niya kaya 'di ko na ata namalayan na lumalamig na ang pagkain.

"Kumain ka muna, na-enjoy mo na masyado pag-ta-type." kinuha na niya mula sa akin ang phone niya.

Hindi na natapos ang kwentuhan namin. Tumawag pa kasi siya sa akin nang makauwi na siya. Hindi ko na nga namalayan ang oras kaya napuyat pa ako.

♪♪♪

Hindi na naman kami nakapagkita ng ilang araw dahil na rin sa schedule. Mahilig naman siya mag-update ng mga ginagawa niya kahit hindi ko tinatanong.

♥️:
bb I have chika.


I rolled my eyes and replied. This guy, mas marami pa atang kuwento kaysa sa 'kin.

Ako:
Spill mare.


♥️:
Kanina napag-usapan namin na mag try mag-audition para sa WRecords.

Try lang naman. Pero malay mo diba?

Sa Thursday raw sched namin. Wish me luck.


Ako:
Kaya n'yo 'yan, fighting :))

Libre kita kapag nakapasok kayo.


♥️:
Gagalingan ko para dyan


Ipinasok ko na bulsa ko ang phone at nakinig sa pinagsasabi ng leader namin. Kahit naman hindi sila makapasa sa audition, ay lilibre ko naman talaga siya. He deserves it, kahit 50/50 kami palagi ay mas madalas na siya ang manlibre.

"Mikee, kapag mag soft opening ang mini mart ni Mama, punta ka ah." I said when our groupmates already left to get some food.

"Wow, big time na si Tita Klara ah? May pakain ba?" ngumisi siya.

Sumimangot ako at saka hinablot mula sa kanya ang minutes of the meeting.

"Ito naman! Joke lang! Syempre pupunta ako ro'n may pakain man o wala. Although mas maganda sana kung meron—"

"Sige, joke na lang din pala. Huwag ka na pumunta."

"Huy! Sorry na!" nag-aalala niya akong tinignan. Hindi ko napigilan ang sarili ko na tumawa dahil sineryoso niya pala.

"Basta pumunta ka."

"Nakakaproud si Tita, akalain mo 'yon? Patago pala nag wo-work. Magugulat ka na lang, boom! May mini-mart na." she motioned both of her hands, may action pa kahit nagkukwento lang naman.

What Mikee said was true, ilang buwan niya rin itinago sa akin iyon. Kahit ako ay nabigla na lang nang dalhin niya ako sa lugar. I told her that the place looks a bit dull. I even asked her a couple of times if she's really sure with it. Ang sabi naman niya, ang negosyo niya ang isa sa magbibigay buhay sa lugar na iyon. And I trusted and supported her with that; everyone starts at zero after all.

When Friday came, ang nakabusangot na Maxon ang sumipot sa akin sa Jollibee.

"Bad day?" I asked the obvious. Hindi siya sumagot. At dahil badtrip siya ay ako na ang pumila para sa order niya.

He was so silent while we were eating. I already knew what it meant. Hindi sila natanggap.

"Okay lang 'yan..." nagkaroon ako ng lakas ng loob aluin siya noong nasa kotse na kami. I know he doesn't want to show any kind of weakness so I assured him that it's fine. "May susunod pa..."

Bumuntong-hininga siya at tumingin sa itaas. Namumula na ang mga mata niya. Nang hindi niya na mapigilan ay yumakap na siya sa akin.

"Pangatlong subok na namin 'yon, 'di ko lang sinabi sa'yo." I felt his hot tears on my shoulder. "Ito kasi... Naging confident ako, akala ko makukuha kami."

I caressed his back gently. I remembered how tormenting rejection felt. Lalo na kung ilang beses ka nang sumubok.

"Your time will come," I whispered. Hinaplos ko ang buhok niya habang umiiyak siya.

I just let him cry on my shoulders. He looked really disappointed in himself. He stayed silent the whole time, ni hindi ko naririnig ang pag-iyak niya.

Maxon was indeed my partner, sabay namin sinagupa lahat ng dumating na problema at disappointments. Sabay din kaming nagdiwang sa lahat ng achievements na natatamo namin.

Like normal couples do, we also argue and fight. Pero sa ilang away na iyon ay sorry din ang kakahantungan.

Hindi ko alam kung ilang beses ko nang nasabi, pero pakiramdam ko ay hindi ko na talaga kakayanin kung mawala siya. We were giving our all in this relationship.

Inalalayan niya ang daliri ko at nilapat sa mga string ng gitara. I was paying attention even though my fingertips already hurt.

"Masasanay ka rin diyan, ganyan talaga sa una." Paalala niya sa akin. Para talaga siyang instructor kung magsalita.

"What if gawin mong sideline ang pagtuturo?" I randomly asked him.

Banayad niyang hinawakan ang likod ko sabay tawa. "Babe, saan ko pa ilalagay 'yan sa oras ko? Pareho na tayong binabaliw ng college."

"Oo nga 'no. Hindi ko naisip 'yon." I laughed as well. Kalaunan ay natugtog ko ang unang parte ng "Can't help falling in love."

It's been three years since we became official... Since then, I only felt the warmth and comfort of his love.

"I have kwento, kairita 'yung kaklase ko. Hindi na nga nag-aambang sa research tapos 'yung girlfriend pinagkamalan pa akong third party?!" I ranted while aggressively typing on my keyboard.

"Hindi ka naman napaaway?" Nag-aalang tanong niya.

"Nope. Muntik lang!" I proudly said when I pressed enter.

"Muntik lang?!"

"I hope that girl realizes her worth though." I shrugged. "Isipin mo, nagiging insecure siya sa relasyon nila ng boyfriend niyang hindi naman marunong gumawa ng research? Hindi niya deserve."

I heard him cackling in amusement. Iniwan kong bukas ang laptop ko. Mula sa computer chair na kinauupuan ko, tumayo ako para kumandong paharap kay Maxon. His body stiffened. Ipinatong ko ang baba ko sa balikat niya. I breathed deep.

"Alice, baka mapagalitan tayo ni Tita." He tapped my back, urging me to get away from him. "You know we can't be like this in your room... Pangit tingnan."

"Hindi 'yan..." Parang batang nagmamaktol na sambit ko. "Magalit siya kung hindi ko boyfriend ang niyayakap ko nang ganito!"

"Pilya talaga." I heard him murmuring. Parang sandali pa siyang nakipagdebate sa sarili niya. "Mahal ko naman." he answered himself.

At tuluyan niya na akong hinayaan yumakap sa kanya. Sumilay ang ngiti sa labi ko. Oo nga, mahal niya naman.

Slowly, the young dreamer inside of me was going back. Everything was falling into its right place.

Kaya ngayong pinagmamasdan ko siyang nakikipag-usap sa mga tita at tito ko, I already know that he's the one I'm gonna end up with.

A couple of friends were with us during the ribbon cutting. My mother's family also joined us. Nagkaroon lang ng kaunting salu-salo kaya naman si Mikee ay nahiya bigla, naalala siguro ang paghirit niya.

"Grabe, whipped." I snapped back to reality when I felt Elmo's presence. "Sana may tumingin din sa 'kin ng ganyan, kung paano n'yo tingnan isa't isa."

I chuckled. "Ayan oh si Mikee."

I pointed at my friend who's busy talking with Adrian. Kasama rin nila si Genesis na nainom lang ng C2 at nakikinig lang sa kanila.

Hindi nakapagsalita si Elmo at nakita ko siyang namula ang tainga. "Hala, mainit ba?"

"Huh? Uh—hindi ah! Ang lamig nga ng aircon n'yo e. Wooh!" pagpapalusot niya pa.

I came near to my mother while she's busy typing on her iPad. She's so workaholic, wala na atang araw na hindi ko siya nakikitang nakatutok sa computer or iPad niya. Nabigla pa siya sa presensya ko, halatang kanina pa siya occupied.

"Ano ba 'yan Ma? Chill and enjoy your day habang wala pang customers oh." hinawakan ko siya sa magkabilang balikat.

She chuckled even though she looked stressed. "Just let me be Alice, nagbibilang lang ako ng bayarin."

I shrugged, "Okay then."

Iniwan ko muna sila roon para magpahangin. Tahimik kong pinagmasdan ang street, sana dumami pa customers sa ibang araw.

"Oh my gosh!" napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman ang kamay sa balikat ko. Nilingon ko siya at nakitang si Maxon nga iyon na patawa-tawa pa.

"Oh my gosh." he mocked. Nagseryoso naman siya agad nang mapansin ang tingin ko. "It's Mom's birthday sa Sunday, invited ka."

I pursed my lips. Parang hindi ko kayang harapin ang pamilya niya. Kasi alam kong may rason bakit hindi kami madalas pumunta roon.

"But if you're uncomfortable, okay lang naman Alice—"

"I'll go, okay?"

A smile crept on his face. "I'll tell her. Sigurado akong matutuwa 'yon."

Sa sobrang kaba ko para sa araw na iyon ay hindi ako makapili ng isusuot ko. Maxon's family is intimidating, maliban kay ate Eve. 'Yung aura na mayroon sila kapag magkakasama... parang sila 'yong pamilya na ayaw mo banggain.

Nang hindi ako makapili ay nag-chat na ako sa group chat namin nina Lhaine.

Alice:
Hi pahelpppp Idk what to wear, punta raw ako sa birthday ng mama ni Maxon. Swimming daw huhuhuhu ;(

Lhaine:
mag two-piece ka para bongga HAHAHAHA

Genesis:
Gago

Lhaine:
joke lang, ang OA huh?

Lhaine:
but seriously, kalmahan mo lang! magbaon ka rash guard tapos mag comfy na dress ka na lang papunta.

Genesis:
Agree.

Alice:
Thanks! Kanina pa ako natetense rito e. Miss you both ^3^

Nagsuot na lang ako ng puting dress gaya ng nakagawian ko na. I also finished the look by putting some nude lipstick on to make it more subtle and innocent.

I opened my Twitter while we were on our way to the venue. I was intrigued by Mikee's message about Lhaine's pictures that reached thousands of likes and hundreds of retweets.

My eyes widened when I saw her picture. It already has 10,000 likes and 2,000 retweets.

It was posted by a random account, walang icon pero may iilang followers. Medyo creepy pa nga dahil may ilang litrato rin ng magagandang babae sa account niya.

Lhaine was only wearing her simple pambahay habang namamalengke. Sa unang picture, tinitingnan niya ang isang tali ng sitaw. Sa sumunod na litrato naman ay nakahalukipkip siya habang hinihintay ang mga binili niya. At sa huling litrato naman ay nahuli ng kasama niyang lalaki ang kumukuha ng litrato dahil masama ang tingin nito sa camera. He looked familiar, I forgot where I saw him.

"Ano tinitignan mo?" Maxon lowered the volume para marinig ko siya. He glanced at the photo. "Uy si Jasper 'yan ah."

"Jasper?" I still could not remember his name.

"'Yung isa sa nag-ayos ng debut ni Lhaine, 'yung bantay niya ata. Nakakuwentuhan namin 'yan... Tanda ko nagtatanong pa kung pasaway ba raw talaga si Lhaine. Mukhang sakit siya sa ulo no'n." he chortled, remembering the man's remark.

"Wow, he sounded like a yaya."

"Buti na lang ikaw hindi ka pasaway. Pero pinapasakit ng mga nagkakagusto sa 'yo ulo ko minsan. Tsk."

"Grabe ka huh!" hinampas ko ang braso niya. "Wala naman na nagkakagusto sa 'kin kasi alam nilang taken ako!"

"Meron kaya." bulong niya pa.

"Sige nga? Sino?"

"Adrian." his jaw moved, natahimik ako. "Kaya nga pakakasalan na kita e, para wala na 'kong iniisip."

Itinawa ko na lang 'yon para mawaglit na sa isipan niya si Adrian. That guy knows his limitations, wala naman siyang ginagawa sa akin.

"Ang petty ha, porke may nagkakagusto lang e." I murmured.

"I'll marry you once I already got a stable job." sabi niya na parang hindi iyon big deal.

I got stunned. Bigla naging seryoso ang usapan. Mukha rin naman siyang nagbibiro kanina!

"Sira ka, matagal pa 'ko mag-aaral." I said as a matter of fact.

Ito naman, kanina nagbibiruan lang tas biglang usapang kasal!

"After med school? May trabaho na 'ko no'n! Sikat na kami no'n!" He said proudly while glancing at me. Ibinalik niya agad ang tingin niya sa daan.

Hindi ko na siya kinontra kasi mukha nga siyang seryoso. "Hmm, okay."

"After four years?" bawi niya pa.

"Sige, six years." I answered as I laughed at his disappointed reaction. "No, I mean kasi at least may two years pang allotted para makapag-ipon. Hindi kaya biro ang med! Ano ba akala mo? Mayaman agad? May ilang taon pa ng practice after gumraduate!"

I bit the insides of my cheeks. If it goes according to plan then we'll get married during my med school days. Mahirap, pero never naman naging distraction si Maxon sa pag-aaral ko noon pa man. I'll live the best of both worlds.

"Okay, point taken. Whenever you're ready..." He twisted his lips. "Ilang anak gusto mo?"

"Hmm, I want two. Pero depende pa rin, you know, given my heart condition..." I casually said.

I'm glad I could talk to him about these things because that's what we'll face in the near future. Hindi naman kasi naging sagabal ang puso ko para mamuhay ako ng normal. My condition is not severe. Mas okay na kumpara sa dati. But of course, it's better to be safe.

"Oh, let's just have one." He replied as if he got scared with what I said. "Pero kahit wala ng anak basta kasama ka."

"Don't be a bummer, let's at least have one."

"Okay, in six years... I'll marry you. We can be a family with or without children." Inabot niya ang kamay ko at saka hinalikan iyon. "Ipagdarasal ko na 'yan gabi-gabi." he said before we get off his car.

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

31.6K 578 7
Aravella Serene is the woman who have all the means in the world. If she would ask for a universe, the clan would immediately obliged. If she would a...
43.7K 1.1K 27
At such a young age, Curl Aguado had already lived through more than most people twice her age. Her life revolves around improving her health, develo...
990K 28.3K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...
793K 4.3K 8
Kung may mga tao na pinagtagpo para mahalin ang isa't-isa, naniniwala si Amber na may mga tao din na pinagtagpo para kamuhian ang isa't-isa. And that...