Right Time wrong Identity (CO...

By rollerthinker

413 111 5

What will happen to a person who wants to beloved? But the destiny can't give it? Should I look forward into... More

Right time Wrong identity
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Special Message
Q/a

Chapter 6

5 7 0
By rollerthinker

Dedicated to; Mysterial_Moon

Pahapon na at napag pasyahan kong lumusong na sa tubig. Kulay asul parin ang langit pero hindi na gaanong  mainit. Kahit hapon na  marami paring naliligo , iba ibang tao.

Tuwang tuwa ang mga kaibigan ko ng lumusong ako. Puros asaran at daldalan parin kahit na naliligo na. Maraming naka swimsuit na babae  ang napapalingon sa mga kaibigan kong lalake. Hindi ko maitatanggi iyon dahil magaganda ang hubog ng mga katawan nila.

Nagbabad ako buong hapon. Hindi ko tinantanan ang dagat. Busy narin ang mga kaibigan ko sa kanikanilang kwento.

Umupo ako sa buhangin ng mapagod akong makipag paligsahan sa alon. Habang tanaw tanaw ang ibang imbitado na syang naandoon sa kubo...Hindi ko alam pero hinanap sya ng mga mata ko. Nang mapagtantong wala sya doon tsaka  ko nilibot ang paningin ko.

Tumigil ang paningin ko ng makita ko sya doon sa may kalayuang  kubo. Hindi ko napansin yon kanina kasi malayo yon kumpara kung saan kami. Lalo akong nabahala ng Makita ko si Doc Ezra na nakakapit sa kanyang damit at mukang pinpigilan syang umalis.

Timing?

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Naisip kong kaya lang sya nandito ay dahil nandoon ang doktorang ito. Hindi ko alam kung anong mayroon sa dalawang yon pero nakaramdam ako ng sakit sa aking puso.

Pinilit kong libangin ang sarili ko at iiwas ang paningin sa kanya. Pero kahit anong pilit ko hindi lilipas ang isang minuto ay babalik at babalik ako.

Hanggang sa mag Gabi na. Nakapag bihis na kami at nag tipon tipon sa gitna ng bonfire sa lilim ng buhangin. Masaya lalo na ng binigay namin ang regalo namin Kay Aldi.

Hindi kami nakabili ng cake para sa kanya. masyadong malayo at kakain ng oras. Kaya regalo nalang. Binili namin  nung isang araw sa mall pagkatapos ng class.

"Here! Regalo naming mga girls"  Sabi ni Riva na syang may pakana ng kalokohang ito.

Tumatawa kami simula palang dahil alam na namin kung ano ang laman non.

"Ano to?, I'm sure nag aksaya nanaman kayo ng pera!" Tawa ni Aldi habang kuryosong kinakalog ang kahon

Totoong masasayang ang pera namin pero wala yon. Birthday nya Kaya para sa kanya talaga yon. Tandang tanda ko pa kung gaano kami katawa at kahiya nung binili namin yon. Halos mabaliw kami sa kakatanong kung saan mayroon non. Hindi ko alam kung ano nalang ang naiisip ng mga sales lady saamin.

"Come on! Make it fast! Ang daldal mo!, Open it!" Excited na sigaw ni Keli at nakahanda na ang camera. Ganon din kami.

Sandali pang tumingin ng masama  saamin si Aldi na para bang may ginawa kaming labag sa batas,  tsaka Isa isang tinanggal ang pagkakabalot ng regalo.

Kahit Hindi pa lubusang natatanggal ang balot. Tawa na kami ng tawa. May tatlo pang regalo na nakabalot galing sa iba naming kaibigan. Yun ngalang hindi kami sigurado kung seryosong regalo bayon. Alam ng lahat na kapag may birthday ang Isa walang maayos na regalo.

"I knew it! Mga kaibigan ko talaga kayo!" Sigaw ni ni Aldi at ibinato saamin ang kahon ng regalo.

Tumatawang tumayo ito at parang baliw na sumayaw sayaw habang hawak ang hindi kalakihang  teady bear na  hugis ari ng lalaki.

Tumayo kami at nakisayaw kasabay ng sigawan. Hindi ko pinansin ang paligid. Basta ang alam ko masaya ako para sa kaibigan ko.

"Stop it para kayong baliw" Maya mayay hila ni Gavin sa braso ko at pinaupo. Ganon din ang ginawa nya Kay Aldi at Riva.

Bigla akong nahinto . Alam ko sa sarili kong hindi ako lasing dahil hindi pa naman nagsisimula pero parang dumaloy na ang hilo ng kuryente sa paghawak nya sa braso ko.

"Sus kj!" Reklamo ni Riva pagka upo sa buhanginan. Binalingan  lang sya ni Gavin ng masamang tingin na ngayon ay inaawat ang iba sa pagsayaw. Nakatayo narin sina Kian para paupuin ang iba. Iba  talaga ang kagaguhang dala ng barkada. Na- imagine ko yung itsura namin habang nagsasayaw ng walang kanta. Muka nga kaming baliw.

..

"It hurts...here!" Pahiyaw na turo ni Riva sa kanyang dibdib kung nasaan ang puso. Kahit na hilo na sa mga ininom na  alak pinipilit ko paring makinig sa kanila. Kitang Kita ko kung paanong umagos ang luha nya sa pisngi ng sabihin nya yon. Hindi ko rin maiwasan ang pagiging madaldal tuwing may ganitong dramahan sa inuman. 

Lasing narin ang iba at may kanya kanya ng kwento, maging si keli ay umiiyak na sa diko malamang kadahilanan. Masyado nakong hilo hindi ko na alam kung sino ang uunahin ko. Pero sa kanila ng pagkahilo nagawa ko paring tignan si Gavin. Ilang tao Lang ang layo nya saakin sa harap at kung hindi ako nagkakamali nakikita kong hindi manlang sya umiinom.

Pero bakit? Dahil ihahatid nya pa ang doktorang iyon?

"That fucking doctor" bulong bulong ko na napalakas ata dahil nakita kong tumingin sya saakin.

Nanlalaking mata akong nag iwas at kinuha ang isang bote ng alak ,walang pasubaling ininuman. Masakit ang dibdib ko sa kakaisip na sana mali ang iniisip ko.Kapag nangyari yon parang ayoko nang--

"Can you please stop drinking?" Isang iglap nawala ang boteng hawak ko at nasa harapan Kona ang lalaking to.

Lambot nabalikat, matamlay na mata  ang isinukli ko sa kanya. Kitang Kita ko kung paano galit ang ekspresyon nya. Galit ba sya? Pero bakit?

"Are you mad at me now?" Hilo Kong sabi

Sandaling kumunot ang kanyang noo at umayos ng upo. Binalingan ang iba at inilayo ang alak na nasa gitna.

"It's already late. Dapat tulog na tayong lahat." Sabi nya ng makitang nagrereklamo sina Aldi ng kunin nya ang alak. Wala ring nagawa ang iba dahil tinulungan na nina Kian na akayin sila papuntang kani kanilang kwartong unupahan.

Hindi ko inintindi kung hindi nya sinagot ang tanong ko. Laylo ang ulo at inaantok na ako. Matutulog na  ang laman ng utak ay puros pakiramdam na nakakasakit. Wala akong pakialam kung matulog ako sa buhanginan.

"Ang gusto ko Lang naman ay mahalin ako pabalik.... Bakit hindi mo yon magawa.. bakit?" Sabi ko habang padapang gumapang sa buhanginan. Kampante ng dito matulog. Tumulo narin ang luha ko pero wala akong pakialam. Pakiramdam ko hindi unepekto ang alak saakin. Akala ko ba nakakalimutan natin ang lahat ng sakit kapag tayoy lasing? Pero bakit saakin hindi?

"Nakakapagod ka. .." Sabi ko muli ng nakapikit at nakahilata na sa buhanginan habang walang habas ang pagtulo ng mga taksil na luha.

Kahit ilang beses ko rin palang paniwalain ang sarili ko tatamaan at tatamaan parin ako ng reyalidad. 

"What are you saying den? Am sorry- I didn't understand" " what is it? Do you need something? "And why the hell are you doing there?,madumi" sunod sunod na Sabi nya at doon ko naramdaman na pilit nya akong itinatayo.

"And.." saglit nyang tinignan ang muka ko at pinagpagan ang damit ko " why are you crying?" Umiling iling to sabay sabing " you're drunk"

"Why you can't... love me back?" Pikit na tanong ko.Sabay tungo ng ulo sa kanyang balikat. Sa totoo Lang hindi ko na alam Kung ano anong lumalabas sa bibig ko. Maybe  because I'm drunk?.

Ramdam kong hindi sya gumalaw kaya ginalaw ko Ang kamay ko sa braso nya at tinapik sya.

"You're too drunk, did she broke your heart? What was her name?" tumawa pa ito tsaka ako inakay patayo.

Doon ako napamulat. He taught it was a girl. He taught I was broken hearted because of a girl. He taught that I'm imagining him as my girl.

No it was you.

Tumawa nalang ako sa kanyang pagkakaintindi. Ganoon siguro talaga kapag walang nararamdaman ang tao sayo. Ni hindi ko manlang sya nakitaan ng sakit o kahit lintik na lungkot manlamang.

Why are you care for me? Why are you here for me ? What is that for?  Parang kurot sa pusong tanong na paulit ulit sa sarili ko.

I can't  imagine.....I can't deny. I'm so in love to this man, even he's giving me  heart ache.

__________________________________________________________________________________

:)

Continue Reading

You'll Also Like

155K 6.2K 72
โžฝJust short love stories...โค โ‡โค๏ธ. โ‡๐Ÿ–ค. โ‡โ™ฅ๏ธ. โ‡๐Ÿ’™. โ‡๐Ÿฉท. โ‡๐Ÿค. โžฝ๐Ÿ’›Going on. โžฝ๐ŸฉถComing up [Ignore grammatical mistakes. I will improve my writing gradual...
90.5M 2.9M 134
He was so close, his breath hit my lips. His eyes darted from my eyes to my lips. I stared intently, awaiting his next move. His lips fell near my ea...