The Living Fictions

By violetarae

2.8K 457 50

Love's When Series #1 An Acosta daughter, Ayezza Nathalie Acosta, is a plain timid girl from a wealthy househ... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Chapter 34
Epilogue
Author's Note

Chapter 32

55 7 0
By violetarae

Chapter Thirty-Two

Labag man sa kalooban ko ay pinilit ko ang katawan ko na kumilos para papasok sa eskwela. Nakatulugan ko na naman ang sarili kong umiiyak kagabi dahil sa dami ng iniisip at ang aking haka-haka na parang may alam si Ryden tungkol sa gulo ng pamilya namin. He disregard it and never even told me about it. Hanggang ngayon ay nandito pa rin sa utak ko ang lahat ng sakit at pagdududa. Sumakit din ang ulo ko kaka-figure out sa lahat ng pangyayari sa libro. Lalo na doon sa pinakitang litrato ni Ashton sa akin at ang pagdududa ko kay Ryden. Ayaw niya mang sabihin, alam kong may tinatago siya sa akin. Wala akong ibang nararamdaman ngayon kundi poot sa kaniya. How dare he!

Pumasok ako sa eskwela nang may dalang bigat sa aking kalooban. Hindi ko mawari kung ano ang itsura ko ngayon basta ang alam ko lang, nakatulala ako habang naglalakad dito sa hallway.

“Arin, palit tayo,” I plead to her.

Nakakunot naman agad ang kilay niya at nagtatakang pinagmasdan ako.

“Love quarrel? ” Mapanuri itong tumingin sa akin. “Iiyak mo lang 'yan Aye, mawawala din iyan.” Dugtong nito sabay tapik sa balikat ko.

Mabuti nama't hindi na siya nakipagtalo sa akin. Nahalata niya siguro ang tulala kong itsura. Hindi naman ganoon ka strict ang rules namin dito kaya ayos lang kapag palipat-lipat ka ng pwesto sa upuan.

Hindi pa dumadating si Ryden kaya medyo nakahinga ako ng maluwag. Hindi ko siya kayang harapin ngayon. Nagbabasa lamang si Arin sa notes niya kaya matatakpan talaga ang itsura niya. Hindi mahahalata ni Ryden mamaya na hindi ako ang naroon. Kagaya ng ginawa ni Arin, nagkukunware din akong nagbabasa ng ano-ano sa notes ko kahit wala naman. Ayaw kong makita ako ni Ryden ngayon.

“Late na naman ako, kainis na Ashton 'to!”

Nakarinig ako ng  bumulong sa tabi ko. Si Quinn lang pala na kakarating lang.

“Oh my gosh! Akala ko si Arin! Good morning Aye, bakit diyan ka nakaupo—I mean, uh si Arin diyan di'ba?”  she warmly greeted me.

“Basta, ayaw ko lang makita ang katabi ko.” Tanging malamig kong sagot. Tumango-tango lamang ito bilang sagot.

“Bakit ikaw ang nandiyan?” Dali-dali kong tinakpan ang itsura ko gamit ang notebook nang marinig ko ang boses ng taong pinagtataguan ko. Tinaasan naman siya ng kilay ni Arin.

Agad kong hinatak paupo ang nakatayong si Quinn at medyo naintindihan niya naman ang pinaparating ko. Hinatak ko siya para may pagtataguan ako.

“Kasi, wala lang. Sawa na akong umupo do'n eh. Dito muna 'ko ha!” sagot nito.

Nagkibit balikat lamang si Ryden at gayon nalang ang gulat ko nang magtama ang tingin namin. Did he saw me?

***

“Ayezza, ”

Lalabas na sana ako sa classroom nang biglang hilain ni Ryden ang palapulsuhan ko. Pumait ang lalamunan ko at naalala ang nangyari kahapon. Pinilit kong hatakin pabalik ang braso ko pero hindi ako kasing-lakas niya.

“Ano ba!” Pabagsak kong hinatak ang braso ko pero wala pa rin.

“Mag-usap naman tayo, oh.”

Parang may kung anong tumusok sa dibdib ko nang marinig ko ang nagmamakaawa niyang boses.

Ilang segundo akong napatigil hanggang sa nahila ko na ang braso ko. Tumakbo ako palabas dahil ayaw ko na siyang makita. Akala ko ay hahabulin niya ako gaya ng inaasahan ko kahapon pero wala.

Naging ganoon ang takbo ng bawat araw namin. Nandoon pa rin ang poot at pagkadismaya ko sa kaniya. Pero patagal ng patagal ay mas lalo niya akong hinahabol. Nasasaktan ako sa ganito pero hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin at gagawin.

“Ayezza—”

Hindi naituloy ni Ryden ang sasabihin niya nang hatakin ako ni Ashton paalis sa cafeteria. Ayaw ko muna siyang makausap ngayon. Bahala siya. Kailan ba siya mapapagod kakahabol sa akin? mas lalo akong nasasaktan eh. There's a part of me that wants to talk to him pero may parte sa akin na natatakot tanggapin ang maaari niyang sabihin. Natatakot ako sa pwedeng mangyari. Hindi ko alam kung kailan titigil ito.

“Wuy, kailan mo kakausapin iyon? kawawa naman.” Kinalabit ako ni Quinn.

Sa totoo lang, hindi ko din alam. Hindi na lamang ako kumibo.

“Kung ano man iyang problema sa inyo, pag-usapan niyo 'yan. Mahirap nang magkalabuan pa kayo.” Rinig kong sambit nito.

“Kapag ba sasabihin kong hindi pa ako handa na kumausap sa kaniya, masama na ba ako doon?” tanong ko sa kaniya.

Tumitig lang ito sa akin na halatang pinag-isipan ang tanong ko. “Alam kong may mga rason ka. But make sure to talk about it sooner or you'll regret it. Pero nasa iyo pa rin naman 'yan. Take your time Aye.” She gently smiled.

Habang nagdidiscuss ang subject teacher namin sa harapan ay nakatulala naman ako. Wala na akong pakialam, wala naman sigurong magaganap na oral recitation ngayon.

Nang matapos na ang klase ay dali-dali kong niligpit ang aking mga gamit at lumabas na agad. Ayaw kong maabutan niya na naman ako.

Halos nangangati na ang paa ko sa inip dahil hindi pa dumadating ang driver namin. Ayaw kong maabutan dito ni Ryden ano! Nang mapansin kong unti nalang kaming estudyante rito ay napahinga ako ng malalim.

Ngunit halos lagutan ako ng hininga nang makasalubong ng aking mata ang ang kaniyang madilim na mga titig. This feels like a dejá vu.

“Ayezza, please,” pagsusumamo nito nang humakbang ako.

“Hindi mo ako pinansin ng ilang araw, pinalagpas ko iyon Aye, kasi gusto kitang bigyan ng space at oras kahit na—kahit na ako iyong masaktan. Kaya please, kahit ngayon lang. Pagbigyan mo naman ako para magpaliwanag, oh.”

Napapikit ako ng mariin nang marinig ko ang boses niya. Heaven knows how I miss him. Wala na, wala na akong takas sa kaniya ngayon.

Bumuntong-hininga ako. Ano ba ang nararapat kong gawin?

“Bakit? ano bang ipapaliwanag mo?! pasensya ka na pero wala na akong panahon na paniwalaan ka.” Paglaban ko. Hindi ko na maiwasang taasan ang boses ko. “Tapos ngayon, anong sasabihin mo sa akin? Aaminin mo na ba na naghihiganti ka lang sa'kin dahil sa galit ng mga magulang mo sa'min? na ginamit mo lang ako para saktan sa huli dahil iyon ay tagumpay mo?” Dugtong ko. Hindi ko na napigilan ang mga luha kong patuloy lamang sa pagtulo.

“Ayezza, ano bang pinagsasabi mo? Saan mo nakuha 'yan? I'm not using you, okay?” He frustratingly said.

Hinatak ko ang kamay kong hawak niya at naglakad palayo hanggang doon sa tahimik na daan kung saan iilan lamang ang dumadaan at kahit ni isang bahay ay wala.

Kahit anong lakas kong takbo ay naabutan niya pa rin ako.

“Ayezza, hanggang kailan mo ba ako iiwasan?” rinig kong sambit niya sa likuran ko. Wala akong choice kundi ang lumingon.

“Ayaw na kitang makita.” I coldly said. Para ko namang pinagsisihan ang sinabi ko nang mapagtanto ko kung ano iyon. Napakagat ako sa aking labi dahil sa katangahang nasabi.

Kitang-kita ko kung paano pumula ang mga mata niya kaya nag-iwas ako ng tingin.

“Ayezza please, bawiin mo ang sinabi mo,” he frownly plead.

Tuluyan nang lumabo ang paningin ko dahil sa walang tigil na mga luha. “Hindi mo alam kung paano ako muntik nang mababaliw kakaisip sa mga sagot sa tanong ko.” Napasinghap ako. “'Ano kayang meron sa mga magulang ko dati? Why are they seems always bringing back the past? Anong meron?’ Ikaw ba Ryden, alam mo? Edi nice! Sinabi ko sa'yo lahat ng problema ko kasi pinagkakatiwalaan kita! Pero nagmumukha lang akong tanga!”

“Sorry Ayezza, I didn't know—”

“'Yon nga eh! Wala kang alam! Bakit hindi mo nalang sinabi nung nagsimulang maging tayo? Anong gusto mo? Mag-iisang taon na akong nagmumukhang tanga sa'tin. Ang dami mo sanang panahon para sabihin mo sa'kin ang lahat pero hindi mo ginawa!”

Hinabol ko ang aking hininga.  “Why Ryden? do you even know how painful it was? seeing your parents always fighting for the unknown reason? Hindi di'ba? Kaya hinding-hindi mo ako maiintindihan dahil wala kang alam! Hindi ikaw ang nasa sitwasyon ko kaya hindi mo talaga alam kung gaano kasakit! Hindi mo alam kung gaano ako ka-fustrate everytime I witnessed them arguing! Hindi ikaw iyong naiipit sa gulo! You know nothing about how I feel!” sumbat ko habang gumagaralgal ang boses.

I can see the  pain in his eyes. I looked at him straightly there. He tried to held my hand pero pilit ko iyong nilalayo.

“I'm sorry, Ayezza inaamin ko na nagkakamali ako pero wala na akong magagawa. Tama ka, wala akong alam. Pero kung pwede ko lang saluhin lahat ng pinapasan mo, matagal ko nang ginawa. You know, I hate seeing you in pain…”

“Tama na.” I raised my left arm. “Hindi ko na kailangan ng paliwanag mo.” Yumuko ako dahil sa sakit na nararamdaman ko. Para akong dinaganan ng isang napakamalaking bato ngayon.

“Ayoko na, itigil na natin 'to.” Suminghap ako at bumuga ng malalim na hiningab

Binalot ng katahimikan sa pagitan namin matapos kong bitawan ang mga katagang iyon. Ramdam ko agad ang bigat ng loob ko. Napapikit ako sa sakit no'n.

Pagkatapos nun ay binalot kami ng katahimikan.

“What do you mean?” he coldly asked.

Inangat ko ang tingin ko sa kaniya. “L-Let's break up.”  matapos kong sabihin iyon ay umiwas agad ako ng tingin.

Ilang minuto siyang napahinto na ikinataka ko.

“No, walang maghihiwalay.” Malamig na boses nito.

Napakagat naman ako sa pang-ibabang labi. Hangga't maari ay h'wag na muna akong umiyak ngayon. Todo pigil ko sa aking nararamdaman. Nasasaktan ako habang nakikita siyang pinaglaban ang kung anong meron sa amin.

“Please, h'wag mo na akong pahirapan Ryden, kapag sinabi kong ayoko na, wala na tigil na!” pagsusumamo ko. “Please…”

Nahihirapan na ako eh. Hindi ko alam kung ano nga bang totoo sa lahat ng 'to. I don't know who to trust anymore. Gusto ko munang ayusin ang gulo sa aking isipan.

Hindi ko mapigilan ang paghagulgol. Unti-unti akong binabalot ng galit at kalungkutan.

Mas lalo akong nasaktan nang makita ko ang mga mata niyang sabay-sabay na tumutulo ang mga luha. “Kung iyan ang ikasisiya mo, I respect your decision Aye, ang nais ko lang naman ay kasiyahan para sa'yo. Basta't tandaan mo, kahit saan man ako dalhin ng mga paa ko, mananatili pa rin ako sa'yo." Sandali siyang huminto. "Mahal na mahal kita eh, sana man lang, h'wag mo akong kalimutan… Salamat, salamat sa lahat... ”  dugtong nito.

At tuluyan na nga siyang tumalikod sa'kin.

Pagkarating ko sa bahay ay doon ko ibinuhos lahat ng aking nararamdaman. Pumunta pa ako sa CR para mas lalong walang makakarinig sa hikbi ko. Para na akong mababaliw kakaiyak. Tama ba ang mga sinabi ko? Satisfied na ba ako? Tama bang nakikipaghiwalay ako sa taong mahal ko? Tama ba ang naging desisyon ko?

Sinandal ko ang sarili ko sa likod ng pintuan. Hindi ko na alam ang aking gagawin.

Inaamin ko, sa kabila nitong nararamdaman ko ay naroon pa rin ang pagmamahal ko sa kaniya. Hindi ito mawawala kagaya ng sinabi niya.

Wala na… Wala na kami… Tinigil ko na… Ako ang tumapos… Ako ang sumuko...

Pabalik-balik iyang mga salitang iyan sa isip ko. Mahal na mahal kita Ryden, pasensya na kung nagawa kong sabihin iyon, kung nagawa kong bitawan ang kung anong meron sa atin ng ganun-ganun lang. Nangako ako… Nangako ako sa mismong harapan mo na hinding-hindi kita sasaktan pero hindi nagkamali ang mama mo na sa huli ay sasaktan rin kita.

Huli na nga ba talaga?... Baka pwede pang maayos.

Gusto ko lang muna na magpakalayo sa mundo.

Seconds, minutes, hours, days, weeks, months passed by. Ilang buwan na rin ang dumaan pero nandito pa rin ang sakit. I already cut ties with him.

“Kamusta ka na?”

Napalingon ako sa aking likuran ng marinig ko ang boses niya na sobra kong na-miss. Nakaupo ako ngayon sa bench dito sa field habang pinapanood ang ibat-ibang estudyante na may kaniya-kaniyang mundo.

Biglang tumibok ng malakas ang aking dibdib. “O-Okay naman,” mahina kong sagot.

“Ryden! Nandiyan ka lang pala, tara na! Kanina pa tayo hinihintay doon!”

Sabay kaming napalingon kay Alice. Napamaang pa si Ryden doon. Nilingon niya ako saglit pero umiwas ako ng tingin.

Napalunok ako nang makita ko silang dalawa na sabay na naglalakad. Halatang nag-uusap sila. Iyon ang dahilan kung bakit pumait ang lalamunan ko ngayon.

***

Mabilis lumipas ang mga araw. Until I found myself always staying inside the bookstore while looking for a book to read. I already done reading a lot of book this summer and made it as my catharsis. Kaya paulit-ulit akong nagbabasa. Hindi naman ako nagsasawa. Especially that book Dad wrote.

Hinding-hindi ko pagsasawaan ang nakapaloob sa librong ito. Masyadong mahalaga sa akin.

Pinunasan ko ang luhang mula sa aking mata pababa. Naalala ko na naman iyon, nakatunganga lang ako dito sa aking kinatatayuan habang nakatanaw sa mga dagat ng libro. A gift for myself for my nineteenth birthday next week.

May narinig ako na mga yapak sa di kalayuan papunta sa at agad akong lumingon roon.

Lumakas ang tibok ng aking puso nang masulyapan ko siya roon. Parang may humaplos sa aking dibdib nang makita ko siya.

Nakapamulsa sa kanyang itim na jacket. Inayos ko ang aking sarili, I wanna go to him and hug him but I can’t. Its been months nung last ko siyang nakausap, and yes! I miss him.

I really do.

Madilim ang iginawad niyang tingin sa akin nang lumingon siya. Parang may sinasabi at pinapahiwatig ang mga titig na iyon.

Sinuot niyang muli sa kaniyang ulo ang hood ng kaniyang itim na hoodie jacket at walang ganang umalis na roon. Umalis siya nang makita ako.

I want to chase him pero wala na akong karapatan, at para saan pa? Marami akong atraso sa kaniya and I don’t know if he’ll forgive me.

Ang tanga ko sa part na conclude ako ng conclude without knowing what’s the truth. Kaya ayon, nasaktan lamang ako.

Kapag nagbabasa ako ng libro, napagtanto ko kung gaano kahalaga ang alamin ang point of view ng bawat characters. I learned but I didn’t apply it.

Muli akong napatingin sa direksyong iyon ngunit wala na siya roon. Hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot. Dito exactly sa kinatatayuan ko ngayon, this is where we met each other. Iyong mga panahong sinasabi niya sa akin na sasamahan niya ako kapag nakikita niyang mag-isa lang ako.

He understood me for so many things. Samantalang ako, kahit explanation niya ay hindi ko pinakinggan ng maayos. Ang sama-sama ko sa kaniya at hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin.

I’m sorry Ryden…

Continue Reading

You'll Also Like

907K 29.5K 39
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
2.8M 175K 58
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
1.5K 246 82
Kahit kailan hindi naman talaga naging madali ang pag-amin ng tunay nararamdaman lalo pagdating sa taong nagugustuhan. Pero si Asher, gagawin niya. A...
8.1K 377 27
6SH Series #1 : Guitar an epistolary Sofia has a long time friend Zandrick. His friend dreams to be part of the band 6-Seconds Harmony, but Sofia bro...