Judith.
Brion Rodriguez, siya ang bully noong elementary. Hindi ko nga magets kung bakit nawala na lang ang inis at galit ko sa kanya. Dahil ba kailangan ko ng kausap ngayon? Dahil ba ganito ang nararamdaman ko ngayon? Napapansin ko ring chinachat ako nito na parang gusto lang niya ng kausap kaso nagpapaalam ako agad.
Hindi naman niya ako direktang binubully pero tinatawag niya lang ako ng Hey Judeㅡwhich is, okay lang dahil maganda rin naman ang kanta. Kaso noong elementary ay maraming incident ang nangyari sa akin sa paggawa niya! Sabi naman niya, aksidente! Hindi ko alam kung papaniwalaan ko ba siya pero nag-sosorry din naman siya. Mahina pa naman ako sa mga sincere na humihingi ng tawad.
Besides, ilang taon na rin naman 'yun. Baka naman nagbago siya ngayon?
Kaso may pumipigil pa rin sa aking reply-an siya kaya nakipagtitigan ako sa profile picture niya.
━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━
Brion:
u ok?
uhm ewan ko ba kung tama ba 'to kasi biglaan
wala lang
i know we had some shit happened back then
i just wanted to ask if u r ok
kasi nga bothered ako sa 'hahaha' mo
no offense
or sana hindi ka maweirduhan
kasi ako dapat ang maweirduhan na ganun ka
well ilang beses lang naman tayo nag-usap dito
mostly, inis ka
tapos ngayon tatawa ka
besh shooketa
━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━
Natawa ako at pinunasan ang mga luhang tumutulo sa mga mata ko. Kinailangan ko pang tanggalin ang salamin ko para takpan ang mga mata ko. Hindi ko na rin alam kung tapos na ba sila mag-away sa loob. Ayaw ko rin namang umiyak nang umiyak dahil medyo sensitibo ang mga mata ko. Mabuti na lang, may eye protection feature ang phone na binigay sa akin ng tita ko sa abroad.
Binasa ko na lang ulit ang mga messages ni Brion. Hindi ko naman ineexpect na ganito ang pagsasalita niya sa chats.
Pinindot ko ang profile picture niya at pinagmasdan ang mukha niya. Meron siyang bilog na mga mata, maiitim at mahahaba ang mga pilik mata niya. Medyo mahaba rin ang buhok niya na nakaponytail. Medyo may pagkamoreno siya. Mukha talaga siyang matinong bad boy.
Malayong-malayo siya sa itsura niya noong elementary.
━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━
Brion:
seen
seentamis
ng puso ng saging
Judith:
Di ka kumakain nun
Brion:
huh
kinakain pala 'yun??@?@?
Judith:
Oo??@?@?@?@
Brion:
binabalatan ba parehas sa saging? mahaba rin? dilaw din?
Judith:
BRO?!?!?@?@?
Brion:
TEKA?@?@?@ HINDI?!??!
so pula?
Judith:
Oo ata
Baka
Brion:
kalabaw
Judith:
Kalabaw
Ay wow
Bilis magtype ah
Brion:
yes mamser
so
i heard sa mga bata noon
na kapag may puso ang saging, kailangang tumigil at ilapat ang kamay sa dibdib?
Judith:
O tapos?
Kakanta ng pambansang awit?
Wala naman sa Araling Panlipunan na gawing substitution ang puso ng saging bilang watawat
Brion:
AWIT AHAHHAHAHAHAHAHAHAHHAH
wag mo ako sisihin
YUNG MGA BATA NAGSABI!!
Judith:
HAHAHAHAHAHHA defensiiiveee
Brion:
guilty pero slight pero hindi talaga
Judith:
Awit ka talaga
Brion:
yieeee capslock na ang tawaaa
Judith:
Ba't mo ba ako chinachat?
Bet mo na ba ako?
Brion:
HAYEOP BRO
KAPAL NG PAHINA NATIN AH
Judith:
LUH
ANG KAPAL DIN NAMAN NG MUKHA MO PRE AH
Brion:
us2 q lang naman maging friends tau 👉👈
Judith:
Ay0qOuh pHoez 👉👈
Brion:
bad ka po <3
Judith:
Sa'yo lang po <3
Brion:
so sweet <3
huwag kalimutang kumain <3
Judith:
Hating gabi na tsong <3
Brion:
ay oo nga pala
Judith:
Tapos na sila sa loob hahaha
Need na pumasok
Brion:
w8
nasa labas ka?!?@?@?
Judith:
Bak8?
Concern ka?
Brion:
di ko naman ineexpect na may meet up mga mamaw tuwing hating gabi
Judith:
Ang ibig palang sabihing B sa pangalan mo ay Bad ka po <3
Brion:
sa'yo lang po <3
Judith:
Heh hahahaha
Brion:
disclaimer: 100% jokes onleh
oki?
Judith:
Yeh yeh
Pero 100% bad ka
Brion:
aw8 ka pre
Judith:
HAHAHAHAHA
Thank you btw
Brion:
saan? sa jokes?
Judith:
For asking if I'm okay
I really needed that rn
Brion:
btw, di ka sumagot
Judith:
Kailangan pa ba sagutin 'yun?
Nice instinct ah
Alam ang galaw ng babae eh
Dami mo sigurong babae
Brion:
OY oY OY
NANIBAGO NGA LANG AKO SA HAHAHAHA MO AMP
Judith:
Awit ka talaga
Pero tnx
Makakatulog ns ako hahaha
Brion:
wala pa rin talaga akong natanggap na oo o hindi sa tanong ko hmmp
Judith:
Hindi ka kasagot-sagot. Ayaw kitang sagutin
Brion:
ouch
awts
pighati
porkchop
tulog ka na nga diyan
huwag mong hintayin na sabihin kong 'pupuntahan na ba kita diyan at ako na ang magpapatulog sa'yo'
di ako malanding tao pre
madaldal oo
ay nyeta tulog na amp
geh
nyt nyt