HEART ARREST II (PAGSUKO O PA...

By raibrielle

4.9K 463 82

Panibagong hamon, panibagong Giyera, Handa kaya silang sumulong at sumugal? o mas maiging kanila nilang itong... More

MAIN CASTS :
C2: PROMOTIONS
C3: SAF:SULONG 2.0
C4: ELLA AND ABELAINE
C5: THE PROPOSAL
C6: PELIGRONG MISYON
C7: LEVEL UP
C8: Flipped Pages
C9: UPGRADING
C10: TORN
C11: GET OVER
C12: ONE GREAT LOVE
C13: HEART OVER PAIN
C14: Huling Bakbakan
C15: THE FINALE (PART 1)

C1: PANIBAGONG MUNDO

624 34 7
By raibrielle

Gabb's P.O.V

" Bilis bilisan mo naman diyan malelate na tayo." natatawa nalang ako sa dalawang ito. Naka coaster kase kaming lahat papunta sa Baguio City, dun kasi gaganapin ang Garden Wedding nina Gray at Laine.

" Kiss muna bibilisan ko."

" E ngudngud ko yang nguso mo sa manibela eh."

Haaay halos lahat dito sa mga kasama ko may partner. lalo na tung si Eyrez at Mina na nagtatalo. Si Eyrez kasi nagmamaneho ng Mini Coaster.

" Hoy! Baka mabangga tayo niyan eh." Sambit ko

" Chief Sibug, ako nalang po magmaneho." Sambit ni Jehan

" Buti pa nga baka mabangga pa tayo sa kaharutan ng dalawabg toh." Napailing kong sambit

Kaya huminto muna kami at pumalit si Jehan sa pagmamaneho. Okay mas lalo akong naiinis, pano ba naman kase.

Tatay Jace at Nanay Sheki, Eya at Zeus, Coleen at Brei, Omar at Ice, Eyrez at Mina. Okay Gabo tanggap ko na Nag-iisa lang ako, NAG-IISA PALANG AKO!

" Nak! Ayos ka lang?." Sambit ni Tatay Jace

" Opo Tay, Ayos lang talaga." Sambit ko, natawa naman sya. Tatay tawag ko sa kanya pag outside ng duty.

" Hitsura ng Ayos Ate Gabo." Sambit ni Zeus kaya binato ko siya ng Empty Can ng Coke

" Hayaan niyo na yan si Gabb, may MAJOR problem lang yan." Pang-aasar ni Ecka, Oo na Oo na, namimiss ko lang talaga siya. babalik pa kaya talaga yun? Isang taon na mahigit di ko pa siya nakakausap.

Di ko nalang sila pinansin, kinabit ko earphones ko at nagpatugtog ng music habang tinatanaw ang litrato ng Mayora ng puso ko.


I miss you so much Rai, asan ka na ba? I'm longing for you. sabi mo diba babalikan mo ako? Nasan ka na? Handang handa na ako eh.

" Miss na miss niya talaga si Ate Major." Sambit ni Eya na sumisilip pala kaya agad kong binulsa phone ko

" Sus Dad huli na you hahahaha. babalik yun Dad. and when she comes back, don't ever let her go na talaga." Sambit ni Eya

" Nak, pormahan mo agad pagbalik." Natawa naman ako sa sambit ni Tatay Jace

" Oo nga Gabo, Itali mo na agad." Sambit ni Omar

" Mga baliw talaga kayo. liligawan ko pa yun noh?." Sambit ko

" Sus, sa tagal ng hinintay mo? wala ng ligaw ligaw, sunggab agad." Buang talaga toh si Sibug kahit kelan, buti nalang wala dito si Brual dahil mabubugbog na naman ako sa pang-aasar ng Tatlo.

Nakarating na kami sa Venue, isa siyang private lot. Garden Civil Wedding kase siya.

" Ang ganda ng venue!." Sambit ni Nanay Sheki

" Mas maganda ka mahal." Sambit ni Tatay Jace na ikinapula naman ng mukha ni Nanay Sheki

" Tay, Nay pose nga kayo pipicturan ko lang kayo." Sambit ko at nilabas ang phone ko, pinicturan ko sila at agad na pinost ko.

" Tay at Nay Habangbuhay ❤️."  @pgenpadillaofficial @arzagasheks

Pinalitan ko nalang yung background kasi nagalaw eh. kaya ayan mas maganda.

" Skribikin tara silipin natin sina Brual." Sambit ni Eyrez kaya nagtungo kami sa Hall kung saan sila nagpipictorial.

" Ay iba! ang chix mo ngayon Brual ah?." Sambit ko

" As in sisiw?." Sambit ni Eyrez at natawa kami

" Atleast ikakasal na ako di na ako alone forever." Sambit ni Gray

" Uy! May Belle din ako." Sambit ni Sibug

Napakunot noo naman ako, pinagsisihan ko ata pagpunta dito ah? pulutan na naman ako ng asar.

" Ang pogi naman natin ngayon Gabo!." Sambit ni Laine

" Hala Salamat Laine, By the way, pag-isipan mo mabuti toh ha? ilang minuto nalang Laine, kaya kapag nagbago isip mo sabihan mo lang ako tutulungan kitang tumakas." Sambit ko

" Baliw ka Gabo! Siyempre siguradong sigurado na ako dito kay Gray, kahit minsan nakakairita toh, mahal ko toh." Sambit ni Laine

" Hahahaha May naiinggit Babe, sige pa." Sambit ni Gray, kulang nalang talaga hahampas ko na yung bouquet sa kanya

" Tigil tigilan niyo nga ako. Oh post nga muna kayong dalawa Gray at Laine, atleast may picture kung sakaling magbago isip mo Laine." Sambit ko

" Gabo niyo Bitter!." Sambit ni Gray at nag pose naman sila ni Laine

" Ang ganda nung nakapink lang! 😏 Pero seryoso Best wishes sa pinaka long lasting na couple na kilala ko. SANA ALL!."  @brualgray @caldejonlaine


Kakatapos lang ng Seremonya at ngayon ay nagpipicture taking na bago magtungo sa Reception na dito lang din naman gaganapin.

" Friends na daw sabi ng photographer." Sambit ni Omar

" SAF:Sulong daw muna tas friends na lahat." Sambit ni Eya

" Coleen, sali ka kasamahan ka pa rin naman namin." Sambit ni Gray

" So part pa rin ako?." Sambit ni Coco

" Aba'y syempre! kahit umalis ka na part ka pa rin." Sambit ki at ngumiti

Pumwesto na kaming lahat naghahanda na para sa pagkuha ng pic.

" Oh Kumpleto na ba tayo Agents?." Sambit ni Tatay Jace

" Opo Sir!." Sambit namin

" Okay ready na po 1...2..--.." Naputol na sambit ng Photographer

" SANDALEEEE!!! PA JOIN AKO!!."

Napatingin naman kaming lahat sa sumigaw at tumatakbo papunta samen.

" MAJOR!!!!."

" WAAAAHHHH MAJOR GUIA!!!."

" ATE RAAAAIIII!."

Tila mistulan akong statwa na nakatingin sa kanya, totoo ba toh? siya talaga toh?

" Tulaley Skribikin?." Nabalik ako sa wisho sa sambit ni Eyrez

" Oh Mamaya na, picture na muna tayong lahat." Sambit ni Tatay Jace

Pagkatapos namin magpose at kuhanan ng mga 4 na litrato. ay tila di pa rin ako makapaniwala na nandito na siya. tinatanaw ko lang sila na sabik na sabik na e welcome si Rai. yakap dito, yakap don, bati dito, bati dun. Kaya hinayaan ko na muna dahil sa totoo lang kinakabahan ako na ewan. lumayo muna ako ng konti at kinocompose ang sarili ko.

" Kalma lang Gabo anong nangyayare sayo?." Nakatalikod ako sa kanila habang mahinang kinakausap sarili ko

" Hi Captain!." Mas lalong lumakas ang pagtibok ng puso ko ng makilala ko ang boses ng nagsasalita, dahan dahan ko siyang nilingon at nakangiti siya saken, nagbago man ng konti ang ayos niya Talagang napakaganda pa rin talaga ng Marsela ko.

" Ha-Hi Ma-Major." Nauutal kong sambit, nakatingin lang ako sa kanya at may napansin akong bagay na may halaga samen dalawa.

" Okay ka lang Captain?." Napatingin ako ulit sa kanya na tila nagwowonder sa inaasta ko, pero ang totoo niyang sabik na akong yakapin siya.

" Capta----." agad ko siyang hinila at niyakap ng sobrang higpit, naramdaman ko namang yumakap siya pabalik saken.

" Bumalik ka." Sambit ko habang yakap yakap ko pa rin siya ng mahigpit

" Oo naman, Andito yung puso ko eh." Sambit niya

" Akala ko kinalimutan mo na ako." Sambit ko

" Pwede ba yun? Diba nga magraramen pa tayo?." Sambit niya,  napangiti naman ako sa sinabi niya

" Sinuot mo na pala." Sambit ko, at tumingin sa kanya habang nakapulupot ang mga braso ko sa bewang niya

" I'm Ready." Sambit niya at binigyan ako ng napakatamis na ngiti.

I slowly leaned closer at pumikit, I'm attempting to kiss her...

" Major, Captain, Tara na! Kumain na tayo!." Sambit ni Eyrez at Gray at hinila kami ni Rai, Mamaya saken tung dalawang daot na toh.

Kakatapos lang namin kumain, kakabalik ko lang din sa inuupuan namin. Napansin kong kami lang dalawa naiwan sa table kase abala ang iba.

" San ka galing?."

" Tara!." Sambit ko at hinila ko siya, ilalayo ko na toh dito bago pa maistorbo.

Lumayo lang kami ng Konti sa venue nasa may daan kami ng kakahuyan.

" Anong ginagawa natin dito?." Nakatawa niyang sambit

" Di kase kita masolo dun eh, daming daot!." Sambit ko

" Awweee ang cute mo Captain!." Sambit niya

" Ito mas cute" pinakita ko sa kanya ang isang bouquet of roses.

" For the lady I love the most." Sambit ko at ngumiti

" Halaaa! so yan yung dahilan na ang tagal mo nawala?." Sambit niya

" opo, naghahanap akong bulaklak para sa napakagandang siopao ng buhay ko." Sambit ko

" Awweee ang sweet mo talaga eh.* Sambit niya sabay sumiksik ng yakap saken kaya niyakap ko rin siya pabalik

" Humanda ka dahil lalanggamin ka sa kasweetan ko." Sambit ko

" Dati pa Captain." Natawa niyang sambit habang nakayakap sa leeg ko, ang isang kamay ko nakahawak sa bewang niya ang isa sa bouquet

" Mas hihigitan ko pa ngayon Majorbaby." Sambit ko at ngumiti

" Bring it on!. " Sambit niya nakatawang nakatingin saken

Heto na talaga, Dahan dahan kong nilapit ang mukha ko sa mukha niya, nag nose to nose kami.

" I love you so much Major Guia!." Sambit ko habang nakadikit ang mga noo naman at nakangiti

" I love you too so much Captain Skribikin." Sambit niya, I pulled her waist even closer and I slowly captures her soft lips, for the second time our lips collided. Yes Second time since may muntik na ring mangyari samen years ago.

(Flashback)

Papunta ako ngayon sa Condo ni Rai, pano panay na naman kasi yung iyak dahil kay Mie. So After ng duty ay pinuntahan ko agad siya, gusto daw niya uminom kaya dinalhan ko siya pati pagkain.

Nagdoodoorbell na ako...

" GABOOO! Dumating ka!" sambit niya at yumakap saken

" Oo naman, kailangan mo Ako eh." Sambit ko at niyakap siya pabalik

Matapos namin kumain ng Dinner ay nagsimula na kaming mag-inuman.

" P*ny*ta siya talaga! Bakit niya ako iniwan? " Laklak lang siya ng JD hard drink kase nirequest nito.

Hanggang sa tuluyan na ngang maging Lasing ang Singkit, pinili kong wag masyadong maglasing para matutukan ko siya.

" Tama na yan, sleep na tayo." Sambit ko

" Hi...Hindi inom pa tayo." Sambit niya

" Rai lasing ka na.." Sambit

" Lasheng shinong lasheng?." Pulang pula na yung itlog

" Tama na yan Marsela!." Sambit ko

" Hindi inom pa inom!." Sambit niya, No choice ako kaya binuhat ko siya at dinala sa kwarto niya

" Inom pa tayo Gaboo.. shige na inom pa." Sambit niya

Napailing naman ako, agad akong kumuha ng maligamgam na tubig para punasan siya. She's so wasted.

" Gabo? inom pa tayo."

" Stop na okay? may work pa tayo bukas." Sambit ko habang pinupunasan ko ang mukha niya

" May kulang pa ba shaken?." Sambit niya nakapikit siya

" Wala Major, you're more than enough!." Sambit ko

" Eh bakit lagi akong naeechapwera? Bakit hindi ako pinipili?." Tinanaw ko siya habang pinupunasan ko ang kamay niya, nakikita ko ang pagbagsak ng mga luha niya sa gilid, Naaawa na talaga ako sa kanya.

" Hindi pa siguro dumating yung para sayo talaga." Sambit ko, pinupunasan ko mga luha niya

" Wag mo akong iiwan." Sambit niya habang nakapikit pa rin

" oo naman hinding hindi." Itinabi ko ang planggana at bimpo. Nang marinig kong humagulhol siya ng iyak

" Ayy nako Marsela tahan na please." Tumabi ako ng higa sa kanya, at niyakap ko siya ng mahigpit

Iyak lang siya ng iyak habang niyayakap ko. Nang biglang...

" Sana ikaw nalang minahal at pinili ko Gabo." Napatingin ako sa kanya at napatuon ako sa mga labi niya, hindi ko alam kung dala ba ito ng alak o talagang naaakit akong halikan ang mga labi niya. At yun na nga, sinunggaban ko siya ng halik, pinakirdaman ko kung magagalit siya or what but nagulat ako dahil mas dumikit siya saken at gumaganti ng halik. The kiss went deeper kaya dumagan ako sa kanya, hinahalikan ko pa rin siya hanggang sa bumaba ang mga halik ko pero nang ibalik ko ang tingin sa kanya ay humihilik na ito, Nakatulog siya. Napailing nalang ako at natawa sa nagawa namin. Inayos ko siya ng higa at kinumutan. Hinalikan ko ang noo niya at niyakap ko siya at natulog na rin.

Hindi na namin napag-usapan yun at nabigla nalang ako nang ipakilala niya saken si Dee bilang jowa niya. Baka nga siguro dala lang yun ng kalasingan.

(End of Conversation)

I broke the kiss at tumitig sa mga singkit niyang mata. habang hinahaplos ng isang kamay ko ang mukha niya. Nakangiti kami sa isa't isa.

" Ba't ganyan makatitig Captain?. " Nakatawa niyang sambit

" Ganda mo kasi major." Sambit ko na ikinapula ng pisngi niya

" Asus nambola pa toh." Sambit niya na sumiksik ng yakap saken kaya hinalikan ko yung tuktok ng ulo niya

" Mahal na mahal kita." Sambit ko habang nakatingin sa kanya

" Mahal na mahal din kita." Sambit niya habang nakasiksik pa rin ng yakap saken ng marinig namin si Sibug

" Ayun di na lonely si Kapitan. Hahahaha." napabitaw naman kami ng yakap

" Hi Major! Hi Captain!." Nakangising sambit ni Brual

" He-hello." Nahihiyang sambit ni Rai, kahit kelan talaga tong dalawang toh eh.

" Oh andito lang pala kayo, Skribikin, Guia." Sambit ni Tatay Jace na nakasunod din sa kanila

" Uh-Uhm Opo Tay, Gusto ko solohin yung Mayora ko." Sambit ko

" Yown! Masaya ako para sa inyong dalawa. Dati pa ako nababagayan sa inyo eh." Sambit ni Tatay Jace

" Ako rin! Kaya nga diba? napabili si Sibug ng isang buong lechon dahil nagpustahan kami noon." Sambit ni Gray

" Pustahan?." Sambit ni Rai

" Nakipagpustahan kase itong si Brual saken Major. sabi niya pagtama hinala niya na may something kayo ni Caotain eh ako sasagot sa lechon sa kasal niya Hahaha kaya heto nabudol ako ni Brual." Sambit ni Eyrez

" Ginawa niyo pa kaming pustahan ng mahal ko." Sambit ko

" Legal ba yan? Sibug? Brual?." Natatawang sambit ni Tatay Jace

" hulihin mo yang dalawang yan Tay, walang permit yun." Sambit ko na ikinatawa naming lahat

" Edi gawing legal. Andyan pa naman yung huwes dali pakasal na kayo." Sambit ni Gray

" Baliw ka Brual!." Sambit ni Rai na tawang tawa

" Mas baliw ako sayo Major." Sambit ko sabay ko kindat

" Yown oh! Mana saken toh si Gabo, talagang hindi dapat ikinakahiya ang minamahal natin." Sambit ni Tatay Jace

" ipagsisigawan ko pa sa mundo Tay." Sambit ko

" Pulang pula na si Major." Sambit ni Eyrez

" Naging itlog na pula na." Sambit ni Gray

" O sya tara na at baka hinahanap na rin tayo ng iba." Sambit ni Tatay Jace

" Saglit lang, Sibug kunan mo kami ng litrato ng Mahal kong Mayora please." Sambit ko at inabot sa kanya ang phone ko

" Yun lang pala oh dali pose na."

" EYREZ ERICKA!!."

Dahil sa tawag ni Mina ay nataranta si Eyrez kaya minadali ang pagkuha ng litrato. Kaloka under yata kay Mina toh.

" Kaloka toh si Sibug, nagiging tuta pagdating kay Belle." Sambit ko at napailing pero nung makita ko yung pic ay nakyutan naman ako. kaya pinost ko na habang nakaupo kaming magkatabi ng Mayora ko.

" Ano yan?." Sambit niya saken habang nakayakap sa gilid ko

" Ipakilala ko na sa buong mundo ang Majorbaby ko." Sambit ko at hinalikan ang tuktok ng ulo niya.

" Love story'ng di inaasahan, Sa huli tayo pala sa isa't isa. i love you My Majorbaby. ❤️." @selaraiguia


" Awweee ang cute natin." Sambit niya nakayakap pa rin aiya saken habang nakatingin sa picture

" Nope hindi tayo cute, Bagay tayo." Sambit ko, napatingin naman siya saken at nag kilig smile

" Kahit tayo na, Gusto ko pa ring ligawan ka." Sambit ko

" Halaaa Tayo na ba?. " Nanlaki ang singkit niyang mata

" Nag i love you han na tayo sa isa't isa, nahalikan ko na labi mo, magjowa na asta natin tas di pa pala tayo. Luh Marsela Pa fall ka ha?." Nakapout kong sambit na ikinatawa naman niya ng malakas

" Ang cute cute mo. of course you're mine and i'm yours. Gusto lang talaga kitang asarin Captain." Sambit niya at kiniss ako sa lips

" Luh, respeto naman." Napalingon naman kami at natawa, siya nalang bukod tanging single dito.

" Echarri kain ka nalang cake, matamis yun." Sambit ko

" Grabe naman Capt. pero congrats di ka na lonely." Sambit ni Jehan

Nakabalik na kami sa City at ngayon naisipan naming magtungo ng Isla Vendetta ni Rai. Preserved Government property na siya kaya malaya kaming nakakapunta. Nag-alay kami ng bulaklak at kandila sa lugar kong saan sumabog ang Chopper noon.

" Hi Abelaine, sorry ngayon lang ako nakadalaw ha? wag ka na mag-alala saken, masaya na ako at alam kong ito rin ang nais mo. I'm happy with Gabb now, but that does not mean na kakalimutan na namin kayo ni Ella. you and Ella always have a special place in our hearts. Sayo naman Ella, Mars don't worry aalagaan, mamahalin at hinding hindi ko iiwan ang Gabrielle natin. You will always be her Akin at hindi ako papalag dun. Mananatili ang mga masasayang alaala niyo sa aming mga puso. Rest peacefully both of you." Sambit ni Rai habang nakaback hug naman ako sa kanya

" Akin, Ella Masaya ako at masaya ang puso ko kaya wala kang dapat ipag-alala ha? Sayo naman Mie, Wag mo na rin alalahanin si Rai, I will always be with her at mamahalin ko siya at poprotektahan kahit anong mangyare. Mahal na mahal ko rin itong Marsela natin." Sambit ko at hinalikan ang pisngi ng singkit

Nasa loob na kami ng yacht, lumapit ako sa kanya habang nakatingin sa view.

" Are you okay Mahal?." Sambit ko at pinatong ko chin ko sa shoulder niya

" Yes very very okay Mahal." Sambit niya at hinawakan pisngi ko.

" Pagdating natin sa City, kunin mo na lahat ng gamit mo sa bahay ng Parents mo and live with me." Sambit ko

" Itatanan mo na ako Captain?." Natawa niyang Sambit nakaharap na siya saken napakaganda talaga eh.

" Kung gusto mo pakasal na tayo agad agad eh." Nakahawak naman ako sa bewang niya.

" Ikaw talaga, pero seryoso ka ba? Magsasama na tayo sa iisang bahay?." Sambit niya

" Yes! Nakatira na ako sa isang Condo malapit sa Head Quarters ibinenta ko na yung dating bahay ko." Sambit ko while I'm kissing her lips

" Awweee! New house pala ang Mahal ko. Sige I'll live with you." Sambit niya

" Wala ka talaganh choice dahil baka kidnappin kita bigla at w uwi sa Condo ko." Nakatawa kong sambit

" Asus pilya mo." Sambit niya

" Slight." sambit ko sabay kindat

" Ba't kase napakaganda at pogi mo Mahal? Kaya Naparupok mo ako eh." Nakatawa niyang Sambit

" Well, Basta isa lang alam ko, Mahal na mahal kita." Sambit ko habang nakatitig sa kanya

" Mahal na mahal din kita." Sambit niya at ngumiti

Hinalikan ko ng madiin ang noo niya at nagyakapan kami ng mahigpit.

Rai's P.O.V

" So what can you say? Maganda ba ang bago mong Palasyo Aking Reyna?." Sambit niya

Tumingin tingin naman ako sa paligid at napapangiti dahil nakikita ko mga pictures namin sa paligid.

" Malaki laki pala itong Condo mo Mahal?". Sambit ko

" Yes, Para di masikip saten at sa future family natin."

Napangiti naman ako Haaay Gabb, Napakasweet mo talaga. Masayang masaya akong sumugal ulit akong buksan ang puso ko dahil alam kong worth it naman so Gabb. pinag-isipan ko talaga ito nung nasa Ice Land pa ako. Habang nandun ako andami kong nakikitang Bi Couples na sobrang saya sa isa't isa. lalo na yung neighbor ko dun, sobrang in love nila sa isa't isa kaya mas lalo kong namimiss ang Gabrielle ko. Kaya matapos ang isang taon na pag-iisa ay nagpasya na akong umuwi sa Pinas.

(Flashback)

Bago ang alis ko kinabukasan ay inaayos ko na mga gamit ko, nakita ko yung box na binigay ni Gabb saken nung paalis ako. Sabi niya buksan at gamitin ko paghanda na ako. And since I'm ready, ay di na ako nagdalawang isip na buksan ito.  may nakita akong short note at isang kwintas na heart shape ang pendant.

" Major ,

alam kong hindi tayo nauna sa isa't isa, pinagtagpo tayo sa panahong hindi pa pabor saten ang tadhana pero ngayon tadhana na ang nagsabing, ako'y sayo lamang at ika'y para saken lamang. kapag ito'y binuksan mo at sinuot mo ang kwintas na yan, it means that you pledge to be the sole propietor of my heart. At susugal ka sa pag-iibigang ito. I'll be waiting for you major. I love you ❤️

Captain. "

Di ko napigilang di maluha, kase finally sa dami ng pinagdaanan kong mapapait at masasakit, nandito na yung taong magpapawi sa lahat. And yes handa na ako ulit sumugal sa pag-ibig para sayo Gabo.

Continue Reading

You'll Also Like

865K 23.7K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...