Sino?

By 13blackandwhite

5.5K 995 130

Stephanie,mahal kita. - Japs Mahal kita Steph. - RJ (Kilalanin ang isang babaeng nabitter dahil sa unang bese... More

AUTHOR'S NOTE
ONE
TWO
THREE
FOUR
FIVE
SIX
SEVEN
EIGHT
NINE
TEN
ELEVEN
TWELVE
THIRTEEN
FOURTEEN
FIFTEEN
SIXTEEN
SEVENTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY ONE
TWENTY TWO
TWENTY THREE
TWENTY FOUR
TWENTY FIVE
TWENTY SIX
TWENTY SEVEN
TWENTY EIGHT
TWENTY NINE
THIRTY
THIRTY ONE
THIRTY TWO
THIRTY THREE
THIRTY FOUR
THIRTY FIVE
THIRTY SIX
THIRTY SEVEN
THIRTY EIGHT
THIRTY NINE
FORTY
FORTY ONE
FORTY TWO
FORTY THREE
FORTY FOUR
FORTY FIVE
FORTY SIX
FORTY SEVEN
FORTY NINE
FIFTY
FIFTY ONE
FIFTY TWO
FIFTY THREE
FIFTY FOUR
FIFTY FIVE
FIFTY SIX
FIFTY SEVEN
FIFTY EIGHT
LAST PART

FORTY EIGHT

85 11 2
By 13blackandwhite

AUTHOR'S NOTE

[Please listen to Hanggang Dito Na Lang by FRIO while reading this part]

JANUARY 2021
Steph's 22nd Birthday
(Saturday)

(RJ's POV)

Gustuhin ko mang maging masaya ngayon dahil birthday ng babaeng mahal ko.

pero may parte padin sa puso ko na malungkot ako dahil hindi ko na pwede pang ipakita ang nararamdaman ko para sakanya.

nakahanda na kami para sa pagdating niya.

pagbukas ng pintuan ay agad kong nasilayan ang kagandahan niya.

bagay na bagay sakanya ang suot niya.

nakikita ko din ang malaki nyang ngiti na nakapagpapadagdag sa kagandahan niya.

nang yakapin siya ng lahat ay nag aalinlangan pa ako nung una na yakapin din siya dahil baka naiilang siya sakin.

nang lumapit siya sakin para yakapin ako ay hinigpitan ko na ang kapit ko sakanya.

happy birthday steph,bagay na bagay sayo ang suot mo,i-i m-miss you,but i know na hanggang dun nalang yun.

hindi siya umimik at nanatili lang siyang nakakapit sakin.

nang kusa na siyang bumitaw sa pagkakayakap sakin ay parang ito nadin ang oras at panahon na kailangan ko nadin siyang bitawan.

habang kumakain ang lahat ay hindi ko maialis ang tingin ko sakanya.

maya maya lang ay biglang may nagdoorbell.

si steph na ang nagbukas nito.

agad nag iba ang ekspresyon ng mukha ko ng makita ko kung sino ang iniluwa ng pinto.

tumayo ako para batiin siya.

ngumiti ako sakanya kahit na pilit lang ito.

kung dati ay lahat halos ng bagay ay nasasabi ko kay japs,ngayon ay parang nagbago na ang lahat sa pagitan namin.

naupo siya sa tabi ni steph at kumain nadin.

parang tinutusok ng paulit ulit ang puso ko habang nakatitig lang sa kanilang dalawa.

kitang kita ko naman ang mga ngiti at tawa ni steph habang magkausap silang dalawa.

kahit kelan ay hindi ko ito nasilayan sakanya habang ako ang kasama at kausap niya dahilan para mas lalong kumirot ang puso ko.

pinipigilan ko ang pagtulo ng luha ko habang nakikita ko na ang taong dati lang ay ako ang kasama ay sa iba na ngayon sumasaya.

ngayon ay nararamdaman ko na ang naipadama ko sakanya noon na ang sakit sakit pala makita ang isang taong alam mong nagpapasaya sayo noon ay ang dahilan ngayon ng kalungkutan mo.

masakit ba?

napalingon ako ng may magsalita sa tabi ko.

alam mo ng masakit tapos titig na titig ka pa sa kanila.

nakatitig lang ako kay angel habang sinasabi niya ang mga salitang ito.

hindi siya lumilingon at nakatitig lang sa kawalan,pero alam ko namang ako ang tinutukoy niya dahil kaming dalawa lang ang magkatabi dito.

bumuntong hininga pa ito bago nagsalitang muli.

darating din yung araw na magugulat ka nalang na nakalimutan mo na pala siya.

titig na titig lang ako kay angel habang sinasabi niya ito sakin.

nandito lang ako ha?pwede mo akong kausapin kapag namimiss mo siya.

bigla siyang tumingin sakin at ngumit nang malaki.

ngumiti din ako sakanya dahil parang bigla nalang gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos niyang sabihin ang mga bagay na iyon.

tama si angel,kung patuloy ko lang iisipin si steph at pagmamahal ko dito ay malulungkot lang ako.

pinapangako ko na tutulungan ko ang sarili kong kalimutan na siya.












AUTHOR'S NOTE

[Please listen to Bakit Ganyan Ka by GRACENOTE and CHITO MIRANDA while reading this part]


(Steph's POV)

Sobrang masaya ako ngayong araw.

hindi ko akalaing darating ang araw na ito na hindi na ako matatakot na harapin ang birthday ko dahil sa nangyaring trahedya noon.

habang kumakain kami ay may nagdoorbell.

ikaw na magbukas bes.

utos sakin ni ash at agad naman akong tumayo para buksan ito.

biglang lumakas ang tibok ng puso ko nang makita ko kung sino ang nasa harapan ko ngayon.

hindi ko mapigilan ang pagngiti ko kahit na kinagat ko na ang ibabang labi ko para pigilin ito.

kahit na nakaface mask pa siya ay kitang kita ko na nakangiti din siya.

bigla siyang yumakap sakin at tsaka bumulong.

happy birthday gorgeous.

naramdaman ko naman ang pag init ng pisnge ko dahil sa sinabi niya.

nang makabati na siya sa lahat ay dumiretso na siya na kumain at nagulat ako ng bigla siyang tumabi sakin.

inalis niya na din ang ang face mask niya kaya ramdam ko ang mainit nyang paghinga sa tenga ko.

nag iisip naman ako ng pwedeng sabihin dahil baka naiinip na siya.

ah si tine?umuwi na ba siya?ah akala ko di ka na darating e,its already 6pm nadin pala,buti nakapunta ka pa.

parang nakaramdam naman ako bigla ng pagkapahiya dahil sa mga nasabi ko.

sobrang dami ko ng nasabi kaya tuloy matagal din siyang nakatitig lang sakin.

ah sor-------

hindi na niya ako pinatapos pa at nagsalita na siya.

pwede ba namang hindi ako magpunta?e ikaw yan e.

nakakunot naman ang noo ko habang pilit na iniintindi ang sinabi niya.

tumalikod ako sakanya dahil baka makita niya akong isip ng isip at mukhang engot dahil hindi ko siya nagets.

napangiti naman ako ng marealize kung ano ang sinabi niya sakin.

nilingon ko siya at natawa naman ako dahil nakita kong nakangiti siya habang busy lang na nakatitig sa pagkain at kumakain.

nang mapatingin siya sakin ay natawa nadin siya at nagmukha naman kaming dalawa na hindi naman alam kung anong nakakatawa.



7pm na nang magsimula nang mag inuman ang lahat.

kanya kanyang grupo nalang ang ginawa namin dahil bawal din naman na sobrang lapit sa isa't isa.

sina ate dea,kuya paulo,angel at rj sa isang table.

sina kuya carl,chael,kuya josh at ate shanne naman sa isa.

habang kami naman nila frances,ash at japs ang magkakasama sa isang table.

magkatabi kaming dalawa ni ash habang nasa harapan naman namin sina frances at japs.

nagkanya kanya na ang lahat dahil magkakahiwahiwalay naman kami.

nagbukas na si ash ng wine na favorite namin at pasalubong ng dad niya.

agad akong uminom.

parang nagbalik ang alaala ko noon na sabay naming nilalantakan ito ni ash noong college palang kami.

nakita ko namang hindi pa nainom si japs at nakatitig lang samin.

tikman mo,masarap promise.

iniabot ko sakanya ang baso kong may lamang wine at agad naman niyang kinuha ito at uminom.

nakita ko naman ang paggalaw ng adam's apple niya habang nilulunok niya ito.

agad kong iniwas ang mata ko sa pagkakatitig sakanya ng iabot niya sakin ang baso ko.

tumayo nadin siya para kumuha ng baso niya at alam ko namang nagustuhan niya ang lasa nito.

nagbukas pa ng isa pang wine si ash at inilagay ito sa tapat naming dalawa ni japs.

sainyo yang dalawa,ito samin ni frances.

nakita ko namang tumingin si japs kay frances kaya napatingin din ako.

natawa naman ako dahil parang nagpapaawa pa ang mukha ni frances habang nakatitig sa kuya niya.

okay sige,18 ka na kaya pwede na.

yes!

ngayon lang yan dahil birthday naman ng ate steph mo,a-ah i-i mean ni steph.

ang cute talaga tingnan nilang magkapatid.

isang oras palang ang nakalipas pero nakadalawa ng bote sina frances at ash,pero alam ko namang si ash ang nakakarami dahil maayos na maayos pa si frances,samantalang si ash naman ay nagiging madaldal at maingay na.

wait lang,kukuha pa ako ng ice.

tatayo na sana ito pero agad na sinabin ni japs na siya na dahil parang tataob na ito dahil sa tama.

pagbalik ni ash ay bigla niyang hinila si ash at pilit na pinaupo sa tabi ko.

napasapo naman ako sa noo ko dahil sa ginawa niya.

nang makaupo na siya sa kaninang pwesto ni japs ay rinig ko pa ang bulong nito dahil malakas naman.

bagay talaga sila noh?grabe naman,sana all nalang diba?

hiyang hiya na ako sa mga pinagsasasabi ni ash pero wala naman akong walang naririnig dahil nakikita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin si japs at tumatawa pa.

bigla namang nagpatugtog si ash ng malakas at napatapat pang sweet anh tugtog kaya pinagtulakan niya kaming dalawa ni japs sa gitna at nakisali pa sina ate dea sa panunukso.

ano ba bes lasing ka na!
nakalimutan mo atang hindi ako marunong sumayaw!

bulong ko sakanya pero wala itong pakialam at tumungga lang ulit ng wine.

hiyang hiya na ako dahil lahat kami ay nakatayo at nakatingin lang sila sakin,habang hindi naman ako makatingin kay japs na nakatayo sa harapan ko habang hinihintay ako.

nagulat naman ako nang bigla niyang kunin ang kamay ko at inilagay niya ito sa balikat niya.

habang dahan dahan naman niyang inilagay ang dalawa niyang kamay sa magkabilang bewang ko.

don't worry,akong bahala sayo.

bulong niya habang nakalapit ang bibig sa tenga ko.

habang ako naman ay nakanganga ng bahagya dahil sa pagkagulat sa ginagawa niya.

ang sabi mo hindi ka marunong?hindi mo naman ako natatapakan e.

pagkasabi niya nito ay napangiti ako.

maya maya ay sumabay na ang lahat at nagsayaw nadin.

sina ate dea at kuya paulo.

ate shanne at kuya josh.

rj at angel.

ash at chael.

frances at kuya carl.

nagulat ako nang bigla akong hatakin ni japs palapit sakanya at niyakap habang patuloy padin kami sa paggalaw.

pakiramdam ko ay sasabog na ang puso ko dahil sa sobrang lakas ng pagtibok nito.

gustuhin ko mang lumayo sakanya dahil baka marinig niya ang isinisigaw nito pero mahigpit ang pagkapit niya sakin.

alam mo ba kung gaano ka kaganda ngayon?

actually lagi naman pero iba yung ngayon.

habol niya pa na nagpainit ng pisnge ko.

nakangiti naman ako dahil hindi niya naman ito makikita dahil nakadikit ang baba ko sa balikat niya habang ramdam ko naman ang hinga niya sa pisnge ko.

habang tumatagal ay mas lalong lumalakas ang tibok ng puso ko dahil magkadikit padin kami.

ramdam na ramdam ko din ang bawat pagtibok ng puso niya.

hindi nga ako sanay sa ganitong ayos e,hindi ko din alam kung bakit ba ito ang pinahiram sakin ni frances.

i heard him chuckled.

agad naman akong lumayo para tingnan siya pero agad niya akong hinila para mapalapit ulit sakanya.

hindi ko alam kung bakit ganito si japs ngayon.

inisip ko nalang na dahilan ito na baka lasing na siya.

happy birthday steph,ang gusto ko lang palagi ay maging masaya ka.

napangiti ako ng sabihin niya ito.

bumitaw naman siya sa pagkakayap sakin at may kinukuha siya sa bulsa niya.

habang kinakapa niya pa ito ay pinagmasdan ko ang suot niya.

ngayon ko lang nakita na nakablack din pala siya at talaga namang bagay na bagay ito sakanya.

bigla naman niyang kinuha ang kamay ko at tsaka isinuot sakin ang isang bracelet na silver.

hindi maialis ang pagkakatitig ko dito at inikot ikot pa ito ng maisuot niya sakin.

hindi mawala ang ngiti ko nang makita ko ang mga design nito na moon and stars na talaga namang favorite ko.

thank you japs,pinasaya nyo ako ng sobra.

ang dami ko pang gustong sabihin sakanya pero hindi ko nalang ito tinuloy.

ngayon ay alam ko ng unti unti na akong nahuhulog kay japs.

pero hindi ko pa ito pwedeng ipakita at iparamdam sakanya dahil kay tine.

nakangiti siya sakin habang hindi maialis ang pagkakatitig sa mga mata ko.

tapos na mag inom ang lahat.

habang papalapit ako sa kinauupuan ni frances ay napatigil nang may marinig ako.

kapag iinom ka sa tiyan ang diretso,hindi sa ulo.

bigla kong naalala ang lalaking palaging laman palagi ng panaginip ko.

si rj ito habang pilit na itinatayo si angel na nakahiga sa sahig.

nang yumuko si rj para buhatin siya ay bigla siyang hinawakan nito at hinalikan sa labi.

nanlaki ang mata ko dahil sa nakita ko pero wala naman akong naramdamang kahit na ano dahil matagal ko ng natanggap na hanggang doon nalang kami ni rj.

napatingin naman si rj sakin dahilan para alisin ko agad ang tingin ko sa kanila.

matagal ko nadin namang nahahalatang may lihim na pagkagusto si angel dito kaya alam kong hindi lang dahil lasing siya kaya niya hinalikan si rj.

agad akong lumapit kay frances at umupo sa tabi niya.

wow,bago yang bracelet mo ate?parang ngayon ko lang po nakita.

sabi niya habang pinaikot ikot pa ito habang suot ko.

bigay ng kuya mo.

bigla namang dating ni japs at naupo sa harapan namin ni frances.

naks naman kuya,may dress at heels tapos may pahabol palang bracelet,ang sweeeeet!

napaawang ang labi ko dahil sa sinabi ni frances.

nakita ko namang napakamot ng ulo si japs at pilit na iniiwas ang tingin sakin.

sayo galing tong suot ko ngayon?

napatakip naman ng bibig si frances dahil nalaman niyang hindi ko pa pala alam.

ngumiti naman si japs sakin na parang napapahiya at tsaka tumango.

kaya pala siya tumawa kanina dahil sakin pala talaga ito.

bakit naman ako bibilhan ng ganito kaiksing dress ni japs kung alam naman niyang hindi ako sanay?

ako talata namili niyan ate,sorry po kung sobrang iksi and sexy.

naguilty naman ako ng sabihin ito ni frances dahil baka isipin nilang hindi ko ito nagustuhan.

sobrang nagustuhan ko frances,and japs thank you so much,i promise na iingatan ko lahat ng bigay mo.

hindi ko alam kung nagmukha ba akong sobrang cheesy pero ito talaga ang gusto kong sabihin kaya iyon ang sinabi ko.





9:30 pm ng hanapin ng mata ko si ash.

kaya lumabas ako para samahan siya.

anong ginagawa mo dito sa labas bes?

bigla naman niyang inihirap ang phone niya sakin.

may gusto daw bumati sayo bes.

nakangiti niyang sabi at nakita kong mom and dad niya pala ito.

happy birthday anak!

sabay na bati ni tita at tito sakin.

thank you po tita,tito,miss ko na po kayo.

pinipigilan ko ang pagtulo ng luha ko dahil sobrang saya ko ngayon.

pumunta ka dito bukas ha?tayong apat naman ang mag iinom.

hahahaha lasing na lasing na nga po si ash kanina tito e.

sabi ko naman at agad kaming nagtawanan.

ash,anak umuwi ka mamaya ha?

opo mommy uuwi po ako,kaso si steph naman ang walang kasabay bukas?

agad namang tumingin si ash sakin.

okay lang bes,malapit lang naman dito yung sainyo e,kaya ko na.

ngumiti naman si ash sakin.

stephanie pupunta ka bukas ha?hihintatin ka naming tatlo.

naglalambing na sabi ni tito sakin.

opo tito promise po darating ako.

bakit ba pakiramdam ko ay madaming tao bukas,stephanie magfeface mask ka bukas ha?wag mo kakalimutan yan palagi.

bilin naman sakin ni tita at tumango nalang ako dito.

o sya sige na,ash umuwi ka ha?sabay sabay tayong matutulog,stephanie hihintayin ka namin ha?

happy birthday anak,mahal ka namin tandaan mo yan palagi.

hindi ko na napigilan pa ang pagtulo ng luha ko dahil napakaswerte ko at nagkaroon ako ng pangalawang magulang.

kumaway pa ako hanggang sa patayin na nila ito.

nanatili lang kaming nakatayo ni ash habang ako naman ay nakatitig lang sa langit.

biglang hinawakan ni ash ang kamay ko kaya napatingin ako sakanya.

iniabot nya sakin ang isang papel.

bes ikaw na ang magtuloy nito para sakin,please.

agad namang tumulo ang luha ko dahil hawak ko ngayon ang to do list nya na may apat ng check at dalawa nalang ang wala pa.


hinawakan ko ito ng mahigpit habang siya naman ay may kinukuha sa likuran niya.

binigay niya sakin ang isang pahabang box.

at nang buksan ko na ito ay kwintas ito na may pendant na parang isang maliit na bote.

kinuha ko ito at tinitigan.

bes gusto ko sanang kumuha ka ng kaunting ash ko pagkatapos ay ilagay mo dyan para kahit mawala na ako ay palagi mo padin akong kasama.

tuloy tuloy lang sa pagtulo ang luha ko at kasabay pa nito ang pagkirot ng puso ko habang nakatitig lang sakanya.

tanging tango lang ang naisagot ko sakanya dahil para bang hindi ko magawang magsalita pagkatapos ng mga sinabi niya sakin.

niyakap ko siya ng sobrang higpit.


10pm na kaya hindi na nagsiuwi ang lahat at nagpasya na dito nalang muna magpahinga,maliban kay ash dahil naghihintay sakanya sina tito at tita.

nag aayos na siya at nakapag paalam na sa lahat nang bigla kong naisipan na wag nalang muna siyang pauwiin.

bes sabay nalang kaya tayo bukas?

umirap lang ito at dinedma lang ako.

bes bukas nalang tayo umuwi sainyo,sige na.

sabay yakap ko naman sakanya na parang bata.

hindi pwede,naghihintay na sakin sila mommy,kung sana kasi kanina sinabi mo nung kaharap sila,edi sana bukas sabay na tayo.

bumuntong hininga naman ako at tsaka naglakad na kami papalapit sa pinto.

bes nagbago na talaga yung isip ko,sabay nalang tayo bukas,tabi na tayo sa kama ko ngayon please.

akala ko ay pagbibigyan niya na ako pero lumabas na siya ng pintuan.

magpahinga ka na bes,hihintayin ka nalang naming tatlo.

hawak hawak ko padin ang braso niya at pilit padin na pinipigilan siya pero ayaw niya talaga.

niyakap niya ako ng sobrang higpit sabay halik sa pisnge at noo ko.

mauuna na ako bes,happy birthday ulit,mahal kita palagi.

naglakad na siya papalayo sakin.

bes ingat ka,i love you so much.

sigaw ko at ngumiti naman siya ng malaki sakin.

bago pa man siya makasakay ng elevator ay lumingon pa ulit siya sakin at tsaka nagflying kiss.

napangiti naman ako dahil ngayon ko lang siyang nakitang nagflying kiss sakin.

pumasok na ako sa loob.

nagpahinga na ang lahat ng lalaki sa dating kwarto ni grace.

samantalang kaming apat na mga babae ay sa kwarto ko na nagpahinga.

bago ko pa man ipikit ang mata ko ay tinitigan ko na muna ang magandang regalong kwintas sakin ni ash at tsaka ko ito itinago na muna sa drawer.

nagdasal ako at nagpasalamat dahil napakaganda ng araw na ito.

pagkatapos ay natulog na ako dahil maaga pa akong pupunta sa bahay nila ash bukas.











AUTHOR'S NOTE

(Kapit lang hanggang sa dulo!)

enjoy reading!❣️

Continue Reading

You'll Also Like

108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
Hatid By calistaluhv

Teen Fiction

59.6K 2K 45
𝐇𝐚𝐭𝐢𝐝 ∥𝘊𝘖𝘔𝘗𝘓𝘌𝘛𝘌𝘋 - "Lets just stop this, because we already know... I lost. I know that I will regret this but, this is the only way...
11.5M 336K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...
8.6K 272 17
AshMatt fanfic