When Tears And Rain Collabora...

By Diwtty

1.5K 124 5

Status:Completed #1 Started: 022422 Ended:070522 More

00
01
02
03
04
05
06
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
Epilogue
Ittʼs

07

37 3 0
By Diwtty

Hindi na alam ni Jastine kung ilang balde na ng luha niya ang kanyang naipon. Baradong barado na ang kanyang ilong pero parang walang balak tumigil ang kanyang mata sa pag iyak. Buong araw ay umiyak siya, hindi tumigil.

Ang kanina pa niyang kasama na si Aidan ay naiinis na sa kanya pero wala itong magawa kundi ang punasan lang ang kanyang luha. Naawa na siya sa binata kaya naman ng nakita niya itong nag napapagodna kakasalita at kakatahan sa kanya ay tumigil na siya.

Kahit naman ganon ay may awa siya sa binata. Mabuti na lang ay hindi siya nito iniwan dahil kung iniwan siya ay hindi na yata niya alam kung anong mangyayari sa kanya. Siguro magigising na lang siya na nasa kwarto na ng iba.

Inayos niya ang pag kakahiga at suminghot. Hindi na siya makahinga ng maayos dahil barado na ang kanyang ilong. Sumasakit na din ang kanyang ulo dahil sa walang tigil na pag iyak.

Nang suminghot ay pinunasan niya ang kanyang ilong gamit ang damit niya. Nakakadiri man pero wala na siyang pakealam. Dalawang araw na siyang umiiyak at mabuti na lang ay tumigil na ito.

Lumingon sa kanya si Aidan na nag tatype sa kanyang selpon."Mabuti naman tumigil ka na sa pagiyak. Para ka kasing namatayan" Yung puso ko ang namatayan. Inirapan ko siya saka bumangon sa pag kakahiga upang uminom ng tubig.

"Pinuntahan ka ni Dew kagabi pero ng makita ako ay biglang tinalikuran ako" Sabi pa nito na nag pakabog ng kanyang puso.

Shit! Nag kita silang dalawa? Ano na lang ang iisipin niya?!

Mabilis na kinuha ni Jastine ang shoulder bag at selpon niya.Kailangan niyang puntahan ang binata dahil kung hindi ay baka mag isip ito ng kung ano.

Nagtaka si Aidan sa ginawa niya kaya naman nag tanong ito. "Saan ka pupunta?" Ani.

"Kailangan ko siyang puntahan" Sagot niya saka mabilis na lumabas.

Naiwan nsi Aidan na parang nabagsakan ng mabigat na bato. Sino nga naman siya para pakinggan.

Hindi alam ni Jastine kung nasaan si Dew kaya naman tinext niya ang kapatid nito. Alam niyang alam ng kapatid ng binata kung nasaan ito kaya ito ang tinanong niya.

Mabuti na lang ay sinabi kaagad sa kanya at ngayon ay hinihintay na lang niyang ibigay ang number ng kwarto ng mommy ni Dew.

"Room 512 po" Mahinahong sabi ng nurse.

Nag pasalam si Jastine sa babae saka tinakbo ng mabilis ang elevator.

Hingal na hingal man siya ay hindi niya iyon binigyan ng pansin. Ang nasa isip niya lang ay ang mag paliwanag upang hindi na ito mag isip ng masama.

Nang bumukas ang elevator ay huminga siya ng malalim. Kailangan niya maging maayos lalo na kung makakaharap nito ang ina ng binata. Nang masigurong maayos na ay nag lakad siya papunta sa room na sinabi. Nakasara iyon kaya kumatok muna siya ng ilang beses. Sa ikatlong katok ay bumukas ang pinto.

Isang magandang babae na mala chinita ang bumungkad sa kanya.

"Sino ka?" Tanong nilang pareho sa isat-isa.

Ngayon niya lang nakita ang nasa harap niya at siguradong hindi ito kapamilya ni Dew dahil kilala niya ang buong pamilya nito.

Bumuntong hininga ang dalagang nasa harap niya at saka binuksan ng malaki ang pinto. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya ng makita si Dew na nasa tabi ng ina habang hawak ang kamay nito.

Naawa siya bigla at parang nadurog ulit ang kanyang puso.

"Dew, You know her?" Biglang sabi ng babae na nasa harap niya.

Lumingon sa kanya si Dew at bigla itong tumayo ng makita siya.

Walang emosyong makikita sa kanyang mukha na mas lalong kinabilis ng pag tibok ng puso niya.

"What are you doing here" Kaagad na tanong sa kanya ng makalapit ito sa kanya.

"Ahm, G-gusto ko--"Hindi na niya natapos ang sasabibin niya ng biglang mag salita ang babaeng nasa pinto parin.

"Sino siya, Dew?"Tanong ng babae.

Lumingon sa kanya si Dew saka muling binalik ang tingin sa kanya.

"Lalaine, this is Jastine my friend" Kung nasa barilan lang sana si Jastine ay baka na baril na siya. Ito ang unang beses na ipinakilala siya bilang kaibigan. Oo mag kaibigan talaga sila pero alam nilang pareho na hindi lang sila kaibigan sa isat isa. "Meet my co-workers, Jas" Pakilala naman nito sa babaeng nasa pinto.

Gusto man niyang mag hi o mag hello ay hindi niya magawa. Bukod sa nahihiya siya ay walang mailabas ang kanyang bibig.

Tinignan niya mula ulo hanggang paa si Lalaine, Ang laho laho ng pananamit nito sa papamit niya. Maganda nga siya pero kung ito ang araw-araw niyang kaharap ay matatabunan ang ganda niya.

"Mag uusap lang kami. Ikaw na muna bahala kay Mommy" Paalam ni Dew kay Lalaine.

Nang isara ang pinto ay kaagad na hinila ako ni Dew upang makalayo.Nabigla man ay hindi na iyon binigyan pansin pa ni Jastine.

"Anong kailangan mo?" Nagulat si Jastine sa tanong sa kanya kaya naman napakagat labi siya. "Akala ko ba kasama mo si Aidan? May nangyare ba sainyong dalawa?" Sunod sunod na tanong nito.

Kita ni Jastine ang inis sa mata nito at ang galit na hindi niya alam kung saan nang gagaling.

"May nang yari ba sainyong dalawa?" Pag uulit nito ng hindi siya nakasagot kaagad.

"Walang nangyari saʼmin." Sagot niya.

Hindi man niya sabihin pero parang nakahinga ng maluwag si Jastine ng hindi na nag tanong pa sa kanya ang binata. Natatakot siya na baka pag isipan siya nito ng masama lalo na hindi na niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip nito.

"Alam mo bang subra akong nagalit nung makita ko siya? Nag seselos ako pero makita ka lang ngayon ay wala na," Lumapit si Dew sa kanya at hinawakan ang kamay nito. Hinawakan niya pabalik ang kamay nito na matagal na niya hindi nahahawakan. "Yung selos na naramdaman ko kagabi parang wala na lang kase alam ko naman na ako lang ang gusto mo" Kinagat niya ang kanyang labi. Paano na lang kung malaman nitong minsan na ding tumibok ang puso niya sa iba. Ano na lang ang magiging reaksyon niya. "And im sorry kung pinaghintay kita, its not my intention, liebe" Parang may paru-parong nag siliparan sa kanyang tiyan. Ngayon niya na lang ulit narinig ang endearment nito sa kanya.

"Subrang na miss kita, Dew"Hindi na niya napigilan ang sarili. Siya na mismo ang yumakap sa binata. "Miss na kita kasama. Miss na kita kausap. Miss na kita katabi. Miss na kita yakapin. Miss na miss ko na ang lahat sayo, Dew" Hindi kompleto ang araw niya kapag hindi nakikit ang binata. Nasanay na siyang lagi itong kasama kaya subra na lang ang emosyon niya ng hindi na niya ito nakikita.

Niyakap siya pabalik ni Dew kaya napapikit siya habang ang kanyang ulo ay nasa balikat nito. "I miss you so much too, Jas"

Pareho silang masaya at mag kahawak kamay na bumalik sa hospital. Pag pasok nila ay gising na ang ina ng binata kaya naman lumapit si Jastine sa ginang upang halikan ito sa pisngi.

"Ang ganda ganda mo na, Jastine!" Masayang sabi sa kanya ng ginang. "Mabuti naman binisita mo ako, akala ko hindi na kita makikita" The last time they see each other is 5 years ago. Mga panahong pareho silang unamin ng nararamdaman nila ni Dew.

Naiilang siyang ngumiti dahil nakatingin sa kanya si Lalaine. Parang pinagmamasdan ang galaw niya kanina pa.

"Kumusta ka naman ba?" Tanong nito sa kanya.

"Okay naman po ako, Tita" Hindi dapat siya kinakabahan dahil hindi naman nangangain ang ginang, pero ewan niya ba kung bakit ang bilis ng tibok ng puso niya.

Naramdaman niyang may humawak ng bewang niya kaya napalingon siya kay Dew. Hindi man lang niya napansin na nasa likod niya ang binata dahil sa subrang kaba na nararamdaman.

"Mom, you need to rest." Wika ni Dew sa kanyang ina.

"Anak, hayaan mo munang mag usap kami ni Jastine." Oo nga naman. "Ihatid mo na si Lalaine sa bahay niya kase maaga pa daw siya bukas sa trabaho" Napatingin siya kay Lalaine.

Ngumiti ito sa kanya pero alam niyang peke iyon.Problema niya?

"I'll be back" Bulong ni Dew sa tenga niya dahilan para man lamig ang kanyang katawan. Bago umalis ang binata ay humalik muna ito sa kanyang ina at sa kanya. Bigla tuloy siyang nahiya dahil sa ginawa.

Nang makalabas si Lalaine at si Dew ay kinurot ng ginang ang bewang ni Jastine dahilan para mapaaray ito. "Kayo na ba?" Biglang tanong nito sa kanya.

"Hindi pa po--"

"Hindi mo pa ba sinasagot? Ang tagal niyo ng magkakilala ng anak ko, ah" Hindi naman po kasi siya nang liligaw kaya bakit ko po sasaguti? "o baka naman kaya hindi mo pa sinasagot kase hindi nang liligaw?" Nabasa yata nito ang nasa isip.

Dahan-dahan siyang tumango at ang ginang naman ay napamura.

"Hayaan mo na, sigurado naman akong ikaw lang ang gusto niyang makasama" Sana.

Matapos ang usapan nila ay pinag pahinga niya na ang ginang. Baka kasi biglang sumakit ang likod nito dahil sa matagal na pag upo. Hindi pa naman subrang matanda ang ginang pero kahit ganon ay kailangan parin mag ingat.

Tahimik na bumukas ang pinto at iniluwa doon si Dew na may bitbit na pagkain.Tumayo siya sa pag kakaupo at kinuha iyon.gutom na gutom na siya at wala siyang balak na kausapin ang binata.

"Baka mabulunan ka" Gamit ang tissue ay pinunasan ni Dew ang gilid ng labi niya.

"Dalawang araw akong hindi kumain dahil nainis ako na pinaghintay mo ako" Kung hindi mo sana ako pinaghintay ay baka hindi ako magugutom ng ganito. "Pinaghintay mo ako, nasaktan ako ng subra"

"Im really sorry, Jas, hindi na mauu---pwede bang dahan-dahan sa pag kain? Baka mabulunan-shit!" Hindi nga nag kakamali si Dew. Bigla siyang nabilaukan na kaagad naman inabutan ng tubig ni Dew at ipinainom sa kanya. "Sabi ko naman kase sayong dahan-dahan! Hindi ka naman mauubusan"

"Favorite ko pa kase ang binili mo!"

"Now its my fault!"

"oo! Sa susunod kase huwag---" Hindi na niya natapos ang sinasabi niya ng biglang lumapit si Dew sa kanya at hinalikan siya sa labi.

Ramdam ni Jastine ang malambot na labi ng binata na gumagalaw at pilit na ipinapasok ang dila nito sa kanya. Gusto niya sanang lumayo pero parang mas gusto niyang maramdaman ang halik nito sa kanya.

Unti-unting binitawan ni Jastine ang pagkain na hawak niya at saka isinapit ang dalawang kamay sa leeg ng Binata. Mas lalo siyang lumapit upang mas lalo niyang maramdaman ang nag iinit na halik nilang dalawa.

Walang ibang nasa isip ngayon ni Jastine kundi ang mahalikan ng husto ang binata. Naramdaman niya ang simpleng pag haplos nito sa kanyang bewang kaya mahina siyang napa ungol.

"Oh my god" Pareho silang napalayo sa isat isa. Gulat na napalingon ang dalawa sa ginang na nakatakip ang bibig at halata ang gulat sa mukha. "What is the meaning of this? Dew? Jastine?"

Hindi nakagalaw ang dalaga pero ang binata ay napatayo at nilapitan ang ina. Hinawakan niya ito sa balikat at nag salita. "Just be blind for now, mom"

"Ayuko.Kinikilig ako sainyong dalawa! Nag kiss kayo at nakita ko yun! Oh, i think i am the happiest fangirl today!" Kinikilig na sabi nito habang ang kamay ay pumapalakpak."I want a apo, Dew and Jas"

"....."

"......"

"Bigyan niyo na ako ng apo" Hindi alam ni Jastine kung mahihiya ba siya o matatawa.

Basta ang alam niya lang ay ramdam niya pa hanggang ngayon ang labi ng binata sa labi niya.

"Ma, tumigil ka"

"Gusto ko Lalaki para may mag tatanggol sa pangalawa niyong anak na babae. Gusto ko ang pangalan ng panganay ay Light at ang babae naman ay Shine"

Patuloy sa pag papatigil ang binata sa kanyang ina pero ayaw tumigil ng ginang kaya naman hinayaan niya ang dalawa na mag away.

Continue Reading

You'll Also Like

4.5K 163 21
The three brothers of the village always live laughing. but what happens when the jail the three of them look over is one day commanded to be tear d...
1.7K 70 35
After the incident that day, 20 years old, Rowoon Ko became restless thinking about the woman he accidentally met at the alley in Joseph's neighbourh...
21.4K 717 14
Hey guys this is my first story or novel ever written hope you like it! Actually this is Taglish and the genre is Romance and Comedy. Made this accor...
92.4K 1.9K 9
A girl who runaway after she discover that will break her heart . At sa Pag alis niya ay may munting alaala naman na naiwan sa kanya .