Embracing the Forbidden (COMP...

By 1wannabefr33

234K 5.3K 610

DEVOZIONE ISLAND SERIES #1 THE NUN Rafflesia Aletris De León pledged to God that she will serve him for the r... More

Embracing the Forbidden
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Wakas

Kabanata 4

8K 236 18
By 1wannabefr33

Cuddle

"OUCH! Hey! Stop! Baby what--fvck! You're hurting me baby." natigil naman ako sa paghahampas sa kanya ng unan nang tumingin ito sa 'kin ng nakakaawa.

Nakasalag naman ang kamay nito sa mukha niya kung saan ko siya pinalo. Unti-onti naman nitong binaba ang kamay tsaka ngumuso sa 'kin. Umirap naman ako dahil sa inakto niya. Natawa naman ito nang mahina.

"Damn. You know how to rolled your eyes, baby. And It's a fvcking turn on. But why are you hitting me? You're being a violent lady and I kinda liked it." ngisi nitong sabi habang tumataas-baba ang kilas.

Hinampas ko ulit siya sa mukha kaya naguumarte na naman ito. Mahina lang naman ang paghampas ko pero kung makadaing ay parang binabalatan ko siya ng buhay.

"Sabi mo hindi kana magmumura pero nagmumura ka pa rin. Tsaka bakit ka sa kwarto ko natulog? At talagang tumabi ka sa 'kin habang walang suot na damit. Magbihis ka nga tsaka umalis kana sa kwarto ko. Baka makita ka pa nila Mama dito at kung ano pa ang isipin. Hala. Sige, alis na." pagalit kong sabi sakanya habang tinutulak ang katawan niya paalis sa kama.

Nagpaawa naman ito ng tingin at parang batang umiling. Dumapa naman ang katawan nito at iniunan ang kandungan ko. Tinigil ko na ang pagtutulak ko sakanya dahil wala naman 'yong silbi sa laki ng katawan nito. Huminga ako nang malalim at hinayaan na lang siya dahil mauubos lang ang lakas ko kapag pinatulan ko pa siya.

Natigilan ako nang makita ko ang tattoo niya sa bandang likod. Nanliit ang mata ko ay mas nilapit ang mukha ko roon.

Isang 'yong malaking ahas na nakatusok sa malaking ispada na napapalibutan ng kung anong salita. Sa tingin ko ay nakasulat 'yon sa lengguwaheng Latin.

Hinawakan ko 'yon kaya napaangat ng tingin si Kalas. Inosente ko naman itong tininganan at nginuso ang tattoo niya. Kumunot naman ang noo nito bago paharap na humiga sa kandungan ko.

"Bakit ka may tattoo Kalas?" sumeryoso naman ang mukha nito.

"Why? You don't like a man with a tattoo, babydoll?" umiling naman ako at hinaplos ang buhok nito. Napapikit naman ito at tumagilid na yumakap sa bewang ko.

"Hindi naman Kalas. Ang astig nga eh. Pero ano bang ibig sabihin ng nakasulat d'yan sa tattoo mo?"

"Its nothing babydoll. Just focus on me, instead hm." paos nitong sabi tsaka mas hinigit ang bewang ko.

"Ewan ko sa 'yo. Umalis kana nga dito. Baka may makakita pa sa 'yo." umiling naman ito ng parang bata at mahinang kinagat ang tiyan ko.

Dumaing naman ako at natawa ng matunog niya 'yong hinalikan.

"No babydoll. Just let me stay here for a while. I wanna cuddle with you hm. Please, let me babydoll."

Pinigilan ko naman ang sarili kong matawa dahil pinaliit niya ang boses niya habang sinasabi niya 'yon. Para siyang bata kung umasta.

Tumingin ako rito ng seryoso kahit sa loob-loob ko ay nangigigil na 'ko sa kakukitan niya. Mas lalo itong ngumuso at pinagsalubong ang makapal niyang kilay. Umiwas na lang ako ng tingin dahil tila nahihipnotismo na naman ako ng mga mata niya.

"Kalas. Hindi mo ako madadala sa kakaganyan mo. Magbihis kana at umalis dito baka maabutan ka pa nila at yari tayo. Baka pumunta sila Papá sa kwarto mo at magtaka kung bakit wala ka roon." mahinang sabi ko habang nakatingin sa puting pader ng kwarto ko.

Tumingin naman ako sa pwesto nito nang bigla itong umupo at tumapat sa 'kin. Pinagkrus naman nito ang binti niya at tumingin nang nakakaawa. Tinikom ko naman ang bibig ko at napapikit nang mariin. Para siyang tuta na hindi binigyan ng amo niya ng pagkain.

"Fine. Pero wag ka nang masyadong dumikit sa 'kin at magbihis ka na rin." sabi ko at bumaba na sa kama.

Kinuha naman nito ang kamay ko at pinaharap sakanya. Wala na ang maamo nitong mukha at napalitan na ng mariin na tingin.

"Where do you think your going lady? Go back to your bed and lets cuddle." mariin nitong sabi habang tinatapik ang kama.

Tumitig ako sa maugat nitong kamay. Parang lalabas na roon ang mga ugat niya. Bumalik naman ang tingin ko sakanya ng tumikhim ito.

"A-ah ano. Sa b-banyo lang. Babalik naman ako agad."

Tinitigan ako nito nang matiim. Parang naglaho ng parang bula ang tapang ko kanina dahil sa pagseseryoso nito.Napahinga ako nang maluwag nang binitawan na nito ang aking kamay.

"Make it quick baby or else your bathroom door will gonna be shattered." pagbabanta nitong sabi.

Agad naman akong tumago ng ilang beses. Lumapit naman ito sa 'kin at hinalikan ako sa noo.

Nanlalaku naman ang mata ko nang makita ko na sobrang daming pantal sa leeg ko. Nakita ko ang pantali ko sa sink at agad ko itong kinuha para itali sa buhok ko. Mas lalong nanlaki ang mata ko dahil mas maraming pantal sa batok ko. Hinawakan ko 'yon nang dahan-dahan.

Bakit may mga ganito ako? Nakagat na naman ba ako ng insekto? Pero bakit si kalas ay parang wala namang ganito. Dapat may kagat din siya ng insekto kasi magkasama kami sa kwarto.

Natigil ako sa pagtitig sa mga ito nang may malakas na kumatok sa pinto.

"What took you so long babydoll. Get out of there baby." rinig kong sigaw ni Kalas sa labas ng banyo.

Napakamainipin talaga ng lalaking 'yon. Wala pa nga akong limang minuto sa banyo ay pinapalabas na agad ako. Kumatok ulit ito at parang may balak na gibain ang pinto kaya agad-agad kong binuksan ang pinto.

Akmang sisipain na sana nito ang pinto ng banyo nang makita niya ako. Mabilis naman itong napatayo at inayos ang nagusot na puting tshirt.

Nagtataka naman akong tumingin dito habang siya ay matalim na nakatingin sa 'kin. "What were you doing there babydoll? Didn't I told you to make it fast?" 

Tinaasan ko naman ito ng kilay at pinagkrus ang braso ko sa harap. Napatingin naman ito roon at mariing napalunok bago tumingin sa mukha ko.

"Parang magtatatlong minuto palang akong nasa loob ng banyo Kalas. Bakit kung makapagsabi ka ay parang isang oras na akong nasa banyo."  huminga naman ito at napakamot sa batok.

"Sorry babydoll. But, can we cuddle now?" malambing nitong sabi.

Umiling naman ako rito kaya bumagsak ang balikat nito. Lihim naman akong natawa sakanya.

"Hindi pwede kalas. Tsaka tingnan mo oh." tinuro ko ang leeg ko. Napatingin naman ito roon at ngumisi.

Tumingala ito at iniling-iling ang ulo habang mahinang tinatapik ang nakayukom nitong kamao sa kanyang dibdib.

"Ang dami kong pantal sa leeg, kalas. Kinagat na naman siguro ako ng insekto. Pero bakit ikaw ay walang ganito, eh magkatabi naman tayong natulog." nakanguso kong sabi.

"Damn. That's my fvcking marks. I did it man, I'm so fvcking happy. Tangina."

Mahina itong bumubulong sa sarili kaya hindi ko marinig ang mga pinagsasasabi niya. "Hoy! Ano bang sinasabi mo d'yan?" taas-kilay kong tanong sakanya.

Tumingin naman ito sa 'kin na hanggang ngayon ay nakangiting aso pa rin.

"Para kang tanga d'yan Kalas. Tsaka itong mga pantal ko sa leeg. Hindi kaya madengue ako? kailangan ko na bang magsindi ng katol tuwing matutulog ako para hindi na sila makakagat sa 'kin? Ano sa tingin mo Kalas?"

Naiinis ko itong tiningnan nang malakas itong humalakhak. Seryoso ko itong tiningnan kaya natigil agad ito sa pagtawa. Tumikhim ito at ngumiti nang pilit.

"Ah yeah. That's an insect bites babydoll. Come here baby. Im gonna treat that thing."

Lumapit naman ako sakanya. Hinila ako nito paupo sa gilid ng kama at pinaharap niya ako sa kanya. Matiim itong nakatitig sa leeg ko kaya tumikhim ako. Ngumisi ito sa 'kin bago hinawakan ng marahan ang ulo ko at pinatagilid.

"Anong ginagawa mo kalas? Kala ko ba gagamutin mo yan?" nagtataka kong tanong. Para naman itong natauhan at mariing napailing.

"Calm your fucking self Kalas."

Nagsalubong naman ang kilay ko nang muli na naman itong bumulong.

"Kalas, okay ka lang ba? Okay lang naman kung hindi mo siya kayang magamot. Ako na lang ang gagamot dito o kaya naman ay magpapatulong ako kay Nanay Rosing."

"No. I can do it baby. I just need a---oh fvck!" sinamaan ko naman ito ng tingin.

"Sorry babydoll. But I remember that I don't have a concealer to hide your bites baby." mahina nitong sabi sa 'kin.

"Bakit kailangan ng concealer? Tsaka itatago? Bakit naman?" nagtataka kong tanong.

Bakit ko naman itatago eh kagat lang naman 'to ng insekto. Dapat nga ipakita ko 'to kila Mama, baka magkadengue ako dahil dito.

"Because it's inappropriate to show it to others? Yeah. That's why. I'll buy a plenty of concealers later. But for now, do you have a turtle neck or scarfs on your closet babydoll?"

Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Inappropriate? Sabagay, hindi nga naman maganda ang ipakita ang mga pantal ko sa iba. Tumango naman ako at ngumiti.

"Sige. Tsaka sa tingin ko ay meron akong turtle neck d'yan. Bigay ata 'yon ni Mama. Wait kunin ko lang."

Agad naman akong tumayo sa kama at pumunta sa walk in closet ko. Nang makita ko na ito ay lumapit na agad ako sa harap ni Kalas at umupo na sa dating pwesto.

"Here. Ano nga palang gagawin mo d'yan?" kinuha niya naman ito at tiningnan. Iniharap niya naman ito sa katawan ko at mariing tinitigan.

"Perfect. Wear that baby. That's the only alternative way to hide your hickeys." tumango na lang ako dito at nagpasalamat. Ngumiti rin ito sa 'kin at niyakap na naman ang aking bewang.

"Ayan kana naman Kalas. Diba sabi ko hindi 'yan pwede." naiiling kong sabi at tinatanggal ang braso nitong nakayakap sa aking katawan.

Umiling naman ito at mas yumakap pa. "No. Didn't I told you that I want a cuddle." umiling na lang ako at hinayaan ito.

Napatingin ako sa orasan at alas syete na pala ng umaga. Sigurado akong gising na sila Mama para pumunta sa trabaho. Kinabahan naman ako dahil baka pumunta ang mga ito sa kwarto ni Kalas at baka magtaka kung bakit wala ito ro'n.

"K-kalas. Baka hinahanap kana nila Mama sa baba. Baka magtaka sila kung bakit wala ka ro'n. Umalis kana rito bago kapa makita nila Mama."

Ginalaw-galaw ko naman ang malapad na balikat nito ngunit hindi man lang ako nito pinansin.

"Ano ba Kalas. Tsaka alam mo naman na hindi tama itong ginagawa natin. Isa itong malaking kasalanan Kalas. Magiging madre na ako at hindi maganda na napapalapit ako sa ibang lalaki lalong-lalo na ang mga ginagawa natin." napabangon naman ito at tinitigan ako nang madilim.

"No. There's nothing wrong about this babydoll. Don't mind what others might think about us being together. Because everything is wrong in the eyes of the judgemental people."

Unti-onti nitong nilapit ang mukha nito sa 'kin. Kusang pumikit ang mga mata ko at hinintay ang gagawin niya. Malapit na sana ito sa mukha ko nang biglang may kumatok sa pinto.

Agad naman akong napamulat ng mata at napatayo mula sa kama. Natataranta naman akong tumingin kay Kalas na ngayon ay nakanguso na.

"Rafflesia anak. Gising kana ba? Pwede ba akong pumasok anak?" sigaw ni Mama sa labas.

Mas lalo naman akong nataranta dahil doon. Nanlalaki ang mata kong napatingin kay Kalas na parang wala lang sakanya na nasa labas si Mama. Agad naman akong lumapit dito at niyugyog ang balikat niya.

"Kalas nasa labas na si Mama. Sinasabi ko na nga ba eh. Ang tigas kasi ng ulo mo. Mapapa--" hindi na natapos ang sinasabi ko nang kumatok ulit si Mama sa pinto.

"Anak. Okay ka lang ba dyan?" mas lalo tuloy akong nataranta.

Para na akong hihimatayin ano mang oras. Agad namang tumayo si Kalas at lumapit sa 'kin. Pinakalma niya ako at pinahingang malalim. Hindi rin nagtagal ay kumalma na ako. Kumatok na naman si Mama na mas malakas kaysa kanina.

"G-gising na po Ma! S-sandali lang po."

Nagisip ako kung saan ko pwedeng itago si Kalas. Nang makita ko ang pinto ng banyo ay agad ko siyang kinaladkad patunggo ro'n.

"Huwag kang lalabas dito Kalas ha. Wag ka rin gagawa ng ingay. Lagot tayo kapag nakita ka ni Mama sa kwarto ko. Naiintindihan mo?" parang nagsesermon lang ako ng bata ngayon.

Walang gana naman itong tumingin sa 'kin at tipid na tumanggo. Sasaraduhan ko na sana ang pinto nang hinawakan niya ang kamay ko. Tumingin naman ako sakanya ng may pagtataka.

"Just promise me that we'll cuddle again later, babydoll." seryoso nitong saad. Natawa naman ako ng payak.

"Seryoso ka Kalas? Malapit na nga tayong mahuli tapos cuddle pa rin ang nasa isip mo?" sarkastiko kong sabi at payak na tumawa.

"I'm serious babydoll." matalim niya akong tiningnan. Umiwas naman ako ng tingin at marahang tumango.

"Fine. Basta wag kang maingay d'yan." tumango naman ito na parang bata.

Sinarado ko na ang pinto at nagmamadaling pumunta sa pinto ng aking kwarto. Bubuksan ko na sana iyon nang maalala ko ang mga pantal ko sa leeg.

Naalala ko ang sinabi ni Kalas kanina na hindi dapat ito makita ng iba. Kaya naman inilagay ko ang aking mahabang buhok sa magkabilang gilid kaya kahit papaano ay natatakpan ang mga ito. Huminga naman ako nang malalim bago ko binuksan ang pinto.

Ngumiti naman ako ng matamis kay Mama na ngayon ay nakakunot ang noo. Hindi ko pinahalata na kinakabahan ako dahil baka mas lalo itong magtaka sa aking inaakto.

"Magandang araw m5a." masiglang bati ko at hinalikan siya sa pisngi. "Sorry po kung naghintay kayo ng matagal. Nag-ayos lang po kasi ako ng sarili ko." nakangiti ko pa ring sabi.

Ngumiti naman sa 'kin si Mama at tumango-tango. "Mukhang masarap ang tulog mo anak ha. Bumaba kana at sabay-sabay na tayong mag-umagahan." tumango naman ako at ngumiti sakanya.

Nakokonsyensya na ako sa mga ginagawa ko. Sunod-sunod na ang mga nagagawa kong kasalanan. Simula nang dumating sa buhay ko si Kalas, nakakagawa na ako ng mga hindi ko nagagawa noon.

Pero hindi ko rin maunawaan ang sarili kk. Dahil sa tuwing malapit sa akin si Kalas,  nawawala sa isip ko kung ano ang tama at mali. Kapag nand'yan siya ay kusang gumagalaw ang katawan ko.

"A-ah sige po Mamá. S-susunod po ako sainyo. Aayusin ko lang po ang kama ko." mahinang sinaway ko ang aking sarili dahil sa pagkakautal ko. Baka mas lalo akong mahahalata ni Mama dahil doon.

Tumango naman ito habang magkasalubong ang kilay. Nagpaalam naman ito at naglakad na paalis ng kwarto ko. Napahinga naman akoko nang maluwag. Isasarado ko na sana ang pinto nang tumingin ulit sa 'kin si Mama.

"By the way hija. Nakita mo ba si Russo? Wala kasi siya sa kwarto niya. Tinanggal niya pa ang swero na nakakabit sakanya kahit hindi pa siya gano'ng magaling." muli na naman akong kinabahan ngunit pilit ko itong tinago sa pamamagitan ng pag ngiti.

"Hindi po Ma. Baka naman po nagpapahangin lang sa labas. Hayaan niyo po pag n-nakita ko po si Kalas ay pagsasabihan ko." tumango naman si Mama.

"Sige anak. Tsaka kapag nakita mo ay alukin mo ng kumain para sabay-sabay na tayong lahat." ngumiti naman ako at tumango ng ilang beses.

Napasandal naman ako sa likod ng pintuan ng masarado ko na ito. Malalim akong napahinga at hinawakan ang aking sintido nang parang kumirot ito.

"Hey. You okay there babydoll? Can I go out now?" nahina naman akong natawa ng sumigaw na parang bata si Kalas.

Nang mabuksan ko na ang pinto ng banyo ay agad itong lumabas at yumakap nang mahigpit sa bewang ko. Nilagay din nito ang mukha sa aking balikat.

"Nakakarami kanang yakap sa 'kin Kalas. Umaabuso kana ha. Bitaw na kalas baka pumunta na naman dito si Mama dahil ang tagal ko bago makasunod sakanya." umungol lang ito at mas lalong yumapos.

Napailing naman ako. Lagi na lang ganito ang nangyayare kapag sinasaway ko siya. Kaya hinahayaan ko na lang dahil alam kong wala naman akong magagawa.

"Kalas. Sige na naman oh. Kahit ngayon lang. Kailangan na talaga nating bumaba. Alam mo bang hinanap ka sa 'kin ni Mama dahil wala ka raw sa kwarto mo. Sinabi ko naman sa 'yong mangyayare 'yon pero binalewala mo. Kaya please bumaba na tayo." naramdaman ko naman huminga ito at pinakawalan na ako sakanyang pagkakayakap.

"As you wish babydoll. Now, let's go downstairs." sabi niya at hinawakan ang isang kamay ko at hinila papalabas ng kwarto. Pinigilan ko agad ito at pinaharap sa 'kin.

"Mauna ka na Kalas. At kung pwede sana ay humanap ka ng ibang daanan pababa. Huwag mo munang gamitin ang hagdan, baka magtaka sila pag nakita kang galing sa taas." matagal pa itong tumitig sa 'kin. Hindi rin nagtagal ay tumango ito at lumapit sa 'kin.

Hinalikan ako nito sa noo at tinitigan ng mariin. "I can do that babydoll. But what's the bribe?" nakangisi nitong sabi at tinaas-baba ang makapal nitong kilay.

Natawa naman ako at mahinang pinalo ang kanyang dibdib. Nagulat pa ako nang maramdaman ko ang matigas nitong dibdib. Mas lalo itong napangisi kaya naramdaman ko na namang uminit ang pisngi ko.

"U-umalis kana nga. Tsaka anong bribe ka dyan? Walang bride no. Dapat kusa mo 'yong gagawin." may diin kong sabi at napataas ng kilay.

Natawa naman ito at inilapit ang mukha sa 'kin. Napaatras naman ako sakanya ngunit hinawakan nito ang likod ko at hinapit palapit sakanya.

"No. I want a bribe. And the bribe I want is just a simple cuddle with you babydoll." mapaglarong sabi nito. Inirapan ko lang siya at ngumisi.

Tumawa naman ito at hinalikan ng mabilis ang mata ko. Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa ginawa niya. Napailing naman ako at ipinag sa walang bahala ko na lang 'yon. Hindi na ako nasanay sa bigla-bigla nitong pangcha-chansing sa 'kin.

"Puro kana lang cuddle, Kalas. Kanina mo pa 'yan sinasabi. Hindi kaba nagsasawa? Umalis kana nga, ang tagal na natin dito sa kwarto at sigurado akong nagtataka na sila Mama." tinulak ko naman ito at mabilis na umalis sa harap niya. Sumunod naman ito sa 'kin at nagsalita.

Napabuntong hininga na lang ako sa kalulitan niya. Hindi raw siya aalis dito nang hindi ako pumapayag sa gusto niya. Napakatigas ng ulo ng lalaking 'to.
Tatanda ata ako ng maaga dahil sa kasutilan niya. Wala na rin naman akong nagawa kung hindi pumayag sa gusto niya. Nagaalala na rin ako, baka anong isipin nila mama kung bakit ang tagal kong bumaba sa 'king kwarto.

"Babydoll. Don't you ever forget about the bribe huh. Im claiming my cuddles later. Cuddle, cuddle, cuddle."

Continue Reading

You'll Also Like

31.7K 1.1K 25
Leyandrius Costiño is known for being a good son, a Mama's boy. Isang seafarer, matangkad, gwapo at mabait na anak. Lumaki siyang hindi nakilala ang...
27.2K 1.2K 39
Warning: SPG/R-18 (Slight lang) KOLEHIYALA 3 And she just found herself married to the black sheep of the Montecillo's, Kendrick.
87.8K 2.6K 25
Alam ni Ana Perlita na isang babaero ang lalaking kanyang hinahangaan kaya pilit niyang iniiwasan na mahulog ng tuluyan dito. Pilit niyang tinatangga...
177K 4.2K 36
The last time she remembered, she's at the club, dancing and enjoying the night, just to wake up in a yacht, married with a complete stranger claimin...