Slept with a Stranger #Wattys...

By Whroxie

31.5M 534K 37K

Have you ever had sex with a complete stranger? What if you did? What are you going to do if you had sex with... More

Slept with a Stranger
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
Chapter 20
CHAPTER 21
Chapter 22
Chapter 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
Chapter 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40(Restricted)
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43(restricted)
CHAPTER 44
Chapter 45
CHAPTER 46
CHAPTER 4 7
To my beloved readers
Chapter 48
CHAPTER 49
Chapter 50
The Finale
Author's note
#MyWattysChoice

CHAPTER 19

529K 9.9K 469
By Whroxie

Hong Kong:

Kakarating lang nila ng Hong Kong, paglabas nila ng airport, nand'on na ang private shuttle na magdadala sakanila sa Disney Hotel Resort. 9:30 am sila dumating dahil maaga naman silang umalis. Sumakay sila dito.

It tooks about 35 minutes ng marating nila ang hotel, pagbaba nila ng shuttle agad na may tumulong sakanilang bellhop para kunin ang mga gamit nila. Pumasok sila ng hotel at nag punta ng hotel front desk.

"Good morning sir, ma'am." Bati ng hotel ng receptionist.

"Hi, Reservation for Iñigo Galvez." Binigay niya ang passport dito at agad na tinignan sa computer ang pangalan niya.

Binigay sakanya ang dalawang keycard ng suite nila. Umakyat sila at pumunta sa kwarto na para kila Cassandra at Gelo. Binuksan ni Iñigo ang kwarto at pumasok sila kasunod naman ang bellhop at agad ding umalis pagkahatid ng mga luggage.

Kingdom club suite ang kinuha ni Iñigo para sa dalawa. The room is actually big, there's a king size bed covered with floral bedsheet , floor to ceiling glass window with white and gold curtain. Huge flatscreen television na nakapatong sa wooden television rack na may mga drawer. Oval mirror hangs on the wall at may small wooden table and chair sa harap nito and one black leather long sofa na nasa malapit sa pinto. Four lampshade na nakakabit sa wall dalawa sa may gilid ng kama.

"Ang laki naman nito Iñigo para samin ni Gelo." Agad naman sumampa si Gelo sa kama.

"Pasyal na tayo." Aya ni Iñigo.

"Pasyal na agad tayo? Wala ka pa bang gagawin?" Tanong ni Cassandra kay Iñigo.

"Wala pa, bukas pa ang conference."

"Gan'on ba? Okay sige." Pag sangyon ni Cassandra.

Iniwan lang muna ni Iñigo ang luggage niya sa suite nila Cassandra tsaka sila lumabas. Paglabas nila ng hotel meron na agad nag aantay sakanilang private shuttle.

Sumakay sila dito at habang papasok palang sila sa Disney Land park, tuwang-tuwa na agad si Gelo ng makita ang arko kung saan makikita si Mickey mouse at ang fountain na may whale kung saan nag s'surfing si Mickey sa ibabaw ng whale.

Nang marating nila ang entrance agad silang bumababa ng shuttle. May tickets na rin sila kasama na yun sa reservation sa hotel na binigay sakanila kasama ng keycard.

Pumasok sila at kumuha ng guidelines map sa rack sa may entrance. Nag picture sila sa malaking mukha ni Mickey Mouse sa may entrance..

Nagsimula silang magikot, enjoy na enjoy naman si Gelo.

"Sasakay tayo ng cruise Gelo." Sabi ni Iñigo habang karga-karga si Gelo at papasakay ng cruise.

Jungle river ang pinuntahan nila pagkatapos pasukin ang mga una nilang nadaanan.

"Happy Gelo?" Tanong ni Cassandra ng makaupo sila. Kandong ni Iñigo si Gelo.

"Yes mommy." Masiglang sagot ni Gelo.

Nagsimulang umandar ang nasasakyan nila. Pag dating nila sa may pinakagitna may biglang nagsplash na tubig at medyo nasasabuyan ang sinasakyan nila kaya tili ng tili si Gelo, kahit si Cassandra napapasiksik kay Gelo at inakbayan ito ni Iñigo habang tawa ng tawa.

Hindi niya mapigilan hindi halikan ang ulo ni Cassandra at ni Gelo habang yakap niya ang dalawa. Mukha talaga silang masayang pamilya.

Kumain lang sila at marami pa silang pinuntahan, nanood din sila ng parade kung saan tuwang-tuwa si Gelo dahil sa nakikita niya ang mga Disney Characters.

Lumapit pa sakanila si Mickey mouse, kaya lalong tuwang-tuwa si Gelo habang karga ni Iñigo. Hindi naman namalayan ni Cassandra na napakapit na siya sa bewang ni Iñigo habang tinuturo niya ang mga Disney Character kay Gelo.

Napapatitig naman si Iñigo kay Cassandra habang nakangiti at minsan yayakap pa ito kay Gelo habang nakahawak sa Bewang niya. Napapangiti nalang din siya.

No doubt! Gusto na talaga kita Cassandra. Sana pag sinabi ko sayo na ako ang lalaking nakasama mo ng gabing yun, sana maging okay sayo. Sana maging okay ang lahat. -He thinks himself

Natapos nilang ikutin ang halos buong park bumalik sila sa hotel na gabi na, kumain sila isang international buffet kung saan may mascot na Mickey mouse na nakasuot ng chef uniform dahil gusto pa daw ni Gelo makita si Mickey kaya dito sila kumain. Umupo sila sa isang seat pagkatapos nilang kumuha ng pagkain.

Nagsimula silang kumain at sinusubuan ni Cassandra si Gelo.

"Hindi ka ba napapagod Gelo? Bukas papasyal uli tayo." Sabi ni Iñigo dahil hyper parin ang bata. Ikinatuwa naman ng husto ni Gelo na papasyal uli sila.

"Iñigo, baka umasa yan. Baka nakakalimutan mong may Business Conference ka bukas." Ngumiti si Iñigo.

"Wala na, hindi tuloy, na'cancel." Ang totoo wala naman talagang business conference. Dahilan lang niya yun.

"Gan'on sayang naman ang pinunta mo dito."

"Hindi yun sayang, tignan mo si Gelo, priceless ang ngiti niya." Napatingin si Cassandra sa anak niya.

Muling tumingin kay Iñigo, hinawak ni Cassandra ang likod ng kamay ni Iñigo na nakapatong sa lamesa.

"Salamat Iñigo. Hindi ko alam kung bakit mo 'to ginagawa pero salamat talaga. Pinasaya mo ng husto si Gelo." Inalis ni Iñigo ang kamay niya sa ilalim ng kamay ni Cassandra at siya ang humawak dito.

"Wala yun, masaya akong kasama si Gelo, kayo." Seryosong sabi ni Iñigo habang nakatitig kay Cassandra. Ngumiti si Cassandra.

"Pero bakit?" Pinisil ni Iñigo ang kamay niya at huminga ng malalim.

"Because I like you Andra." Napahigit ng hininga si Cassandra.

"Hindi ba obvious?" Tanong ni Iñigo.

Umiwas ng tingin si Cassandra at binawi ang kamay sa pagkakahawak nito. Naiilang na naman siya mga titig nito. She could feel herself blushing.

Gan'on ba ako kamanhid para hindi ko yun mapansin? Nasabi na niya sakin yun minsan, pero hindi ko naman naisip na seryoso talaga siya.

"Akala ko ba marunong kang bumasa ng tao?" Pagkway sabi ni Iñigo.

"Sa career ko lang yun. Hindi sa love." Sagot niya habang nakayuko.

"Yun ang pag kakaiba natin? As a businessman, I can easily judge the character of different kind of people, I can read their mind." Tumingin si Cassandra kay Iñigo.

"Do you read mine?" Ngumiti si Iñigo.

"I like you too Iñigo. That's what I read on your mind." Napailing si Cassandra.

"Wow! Are you sure about that? I think you've got wrong." She says

"Aw! For the first time, mukhang nagkamali ako. But it's okay, I'll do everything para magustuhan mo ako or to love me." Napayuko bigla si Cassandra.

Arghh! Bakit hindi ko kinakaya ang pangbobola niya? Bakit hindi ko masakyan? Ugghh! Why I'm so affected? -

"Mommy" Biglang tawag ni Gelo sabay hikab nito. Natigil siya pagiisip.

"Sleepy na si Gelo?" Nakangiting tanong niya dito. Tumango naman ito.

"Halika na." Aya ni Iñigo at tumayo, binuhat nito si Gelo. Tumayo na rin siya at nagpunta sila ng elevator.

Walang imik si Cassandra hanggang marating nila ang floor kung saan ang suite nila.

Pagbukas ng elevator naunang lumabas si Cassandra at tumuloy sa kwarto nila. Binuksan ni Cassandra ang pinto at naunang pumasok si Iñigo at pinaupo si Gelo sa kama. Si Iñigo na rin ang nagtanggal ng sapatos nito.

Nagtatalon si Gelo sa kama, mukhang nawala ang antok nito.
"Tito Iñigo halika ka." Aya nito kay Iñigo, agad naman umupo si Iñigo sa kama at bigla siya nito dinaganan kaya napahiga si Iñigo na tawa ng tawa.

Umupo si Cassandra sa mahabang sofa at pinagmamasdan ang dalawa.

"Gelo, gusto mo ba ng baby brother and baby sister?" Tanong ni Iñigo. Umupo si Gelo sa tyan ni Iñigo.

"Opo. gusto ko! Gusto ko! Gusto ko!" Napa aahh! Si iñigo ng magpatalbog talbog si Gelo sa tiyan niya. Umupo si Iñigo na hawak-hawak si Gelo.

"Mommy gusto daw ni Gelo ng baby brother and baby sister." Iñigo says with a naughty smile.

"Edi igawa mo." Sagot ni Cassandra at ngumisi.

"Gusto mo ba?" Makahulugang tanong ni Iñigo. Nailing si Cassandra dahil sa kabaliwan ni Iñigo. Bumulong si Iñigo kay Gelo.

"Mommy I want baby brother! I want baby brother! I want baby brother." Walang humpay na paulit-ulit ni Gelo pagkatapos itong bulungan ni Iñigo kaya natawa si Iñigo.

"Iñigo pwede ba tigilan mo si Gelo. Kung ano-ano ang tinuturo mo d'yan ah." Saway ni Cassandra.

"Ayaw ni mommy Gelo oh." Nag sisigaw uli si Gelo ng I want baby brother.

"Hay naku! Pasaway talaga. Oo na Gelo, pag dating ni daddy bibigyan ka namin ng baby brother at baby sister kahit gaano karami gusto mo. Okay na?" Sabi nalang niya para matahimik lang si Gelo.

"YEHEY!!" Napangiti naman ng husto si Iñigo sa sinabi ni Cassandra.

"Sinabi mo yan Andra."

"Ano?" Naguluhan naman siya sa sinabi ni Iñigo.

"Wala! Pero wala ka pa bang balak sundan si Gelo?" Tanong ni Iñigo. She let out a gasp of disbelief, dahil sa mga tanong ni Iñigo.

"Iñigo kung magtanong ka parang ang tinatanong mo may asawa no? na anytime pwedeng mag buntis. Hindi mo ba alam ang process ng paggawa ng anak. P'ano ako mabubuntis kung walang dadaloy na sperm sa sinapupunan ko." Walang prenong litanya ni Cassandra dahil sa mga unbelievable na tanong ni Iñigo.

Tumawa ng malakas si Iñigo sa sinabi ni Cassandra. Parang bigla naman nahiya si Cassandra sa sinabi niya.

"Haist! Kainis ka. Wag ka na ngang magtanong." Tumawa lang lalo si Iñigo, sabay gulong ni Iñigo at pinahiga si Gelo at pinagkikiliti. Tawa ng tawa si Gelo at sigaw ng sigaw.

"Ayaw na! Ayaw na! Tito Iñigo ayaw na." Sigaw ng sigaw si Gelo pera ayaw parin tigilan ni Iñigo. Kiniliti niya ito sa t'yan gamit ang mukha niya.

"Iñigo tigilan mo na yan!" Saway ni Cassandra. Pero patuloy parin 'to.

"Iñigo hindi mo ba alam na pagkinilit mo ang bata, magiging bansot daw." Tumigil si Iñigo at tumingin sakanya. Humarap uli ito kay Gelo at bumulong.

"OPO!" Masiglang sagot ni Gelo sa ano mang binulong nito.

Tumayo si Iñigo at lumapit kay Cassandra. Yumukod ito at biglang nalang siyang binuhat.

"Hoy! Iñigo anong gagawin mo?" Napahawak si Cassandra sa batok nito.

"Dahil wala pang baby sister si Gelo, ikaw daw muna ang baby namin. Right Gelo?" Nag opo naman agad si Gelo.

"Ibaba mo na nga ako para kang baliw." Binaba naman siya nito sa kama at biglang hinawakan ni Iñigo ang dalawa niyang kamay, inipit nito sa kama sa may gilid ng ulo niya.

"Anong gagawin mo?" Nanglalaki ang mata na tanong ni Cassandra.

"Dahil bawal kilitiin si Gelo, ikaw nalang.. Gelo attack." Utos ni Iñigo, agad namang lumapit si Gelo at kinilit si Cassandra.

"Baliw ka talaga, bitawan mo na nga ako." Dahil parang hindi naman nakikiliti si Cassandra, binitawan ni Iñigo ang kamay niya at kiniliti siya sa tagiliran nito.

"Aaah! Iñigo tama na. Ayoko na! Ayoko na!" Sigaw ng sigaw si Cassandra dahil talagang nakikili siya, pero ayaw siyang tigilan ni Iñigo.

"Aaah!" Tumigil at humiga si Iñigo sa paanan ng kama at sapo ang kanang balikat dahil kinagat ito ni Cassandra.

"Kasi naman eh! Nakakapanakit talaga ako pag kinikiliti ako." Sabi ni Cassandra na nakaupo na.

"Gelo mommy hurts me." Pagsusumbong ni Iñigo. Biglang napangisi si Cassandra at biglang lumapit sa gilid ni Iñigo.

"Now, it's my turn. Gelo help mommy dali." Kiniliti naman niya si Iñigo at tumulong din si Gelo.

Natawa naman ng malakas si Iñigo at nagpumilit makawala pero tuwing tatayo siya itutulak siya ni Cassandra sa dibdib.

"Aaay!" Hinatak ni Iñigo si Cassandra kaya nasubsob ito sa ibabaw niya at gumulong si Iñigo kaya nagkapalit sila ng posisyon, nakapatong si Iñigo kay Cassandra.

"I'm stronger than you Andra baby." Sabay half smile niya.

Ang half smile na nakakapag patunaw sa puso ni Cassandra.

Gustong-gusto niya talaga ang half smile ni Iñigo. Tinitigan siyang mabuti ni Iñigo at bahagya pang hinawi ang ilang hibla ng buhok humarang sa mukha ni Cassandra.

Halos hindi humihinga si Cassandra sa pagkakalapit nila o pagkakapatong nila.

Nanglaki bigla ang mata ni Cassandra.

"IÑIGO ALIS!" Sigaw ni Cassandra sabay pikit ng madiin. Kahit si Iñigo sobrang nataranta dahil sa ginawa ni Gelo.

Inupuan siya nito sa likod at walang humpay na nangabayo, kaya nagpatalbug-bog sila sa kama na magkapatong. Awkward talaga ang itsura nila. Agad na hinawakan ni Iñigo si Gelo mula sa likod niya at agad siyang gumulong palayo kaya napahiga pa si Gelo sa kama.

Agad na umupo si Cassandra at Iñigo. Umupo si Iñigo sa gilid ng kama. Si Cassandra sa kabilang gilid ng kama.

Napa 'o' shape ang bibig ni Iñigo at bumuga ng hangin. Napahaplos siya sa batok niya at bahagya pa niya itong pinisil, pero napangiti siya ng maalala ang itsura nila ni Cassandra kanina. Lumingon siya kay Cassandra na nakatalikod na malamang sobrang nahihiya.

Tumayo si Iñigo at pumunta sa may gawi ni Cassandra, umupo siay sa tabi nito. Halos mapaigtad naman si Cassandra sa pagdidikit ng braso nila, hindi siya makatingin dito. Mga sandaling katahimikan sa pagitan nila, habang nasa likod ang malikot na si Gelo.

"Andra." Basag ni Iñigo sa katahimikan sa pagitan nila. Hindi umimik si Cassandra, nakayuko lang ito.

Tinitigan naman siya ni Iñigo at lakas loob nitong hinawakan ang kamay niya. Para namang dumoble ang kaba na nararamdaman niya.

Binitawan ni Iñigo ang kamay niya at tumayo, hinila nito ang isang upuan na nasa harap ng lamesa at nilagay sa harap ni Cassandra at umupo siya dito. Nakulong ang hita ni Cassandra sa pagitan ng mga hita ni Iñigo dahil sa sobrang lapit nito.

Hinawakan ni Iñigo ang ilalim ng baba ni Cassandra at inangat ito kaya nagtama ang mata nila.

"Cassandra" He pauses for a moment as he licks his lips and took a little breath. Parang hindi niya mahanap ang tamang salita.
"Andra.. I... I like you.... Oo, tama, I like you very much." Para siyang natutuyuan ng laway, mautal-utal siya sa pag sasalita na parang kanina lang ang lakas niyang mangbola.

Iñigo Galvez, kelan kapa natorpe ng ganyan. Umayos ka...- He scolded himself. He gently holds her hands.

"N'ong una palang kitang nakita,... sa coffee shop, I felt something for you." Nakatitig lang si Cassandra sakanya, na parang nagpipigil din ng paghinga.

"Gusto kita, gustong-gusto." Parang dahan-dahan umalon ang dibdib ni Cassandra dahil sa pag release niya ng hangin na parang naipon lahat sa dibdib niya na kanina pa niya pinipigil.

"Gusto kitang ligawan Andra." Patuloy ni Iñigo.

"Andra, okay lang ba?" Hindi nagsasalita si Cassandra. Binitawan ni Iñigo ang kamay niya at hinawakan nito ang mukha ni Cassandra.

"Mag salita ka naman."

"Huh!?" Tanging salating lumabas sa bibig niya. Ngumiti si Iñigo.

"Nakakapipi ba yung sinabi ko?"

"Medyo" Anas ni Cassandra. Natawa ng mahina si Iñigo.

Hindi rin niya maintindihan ang sarili niya, ang totoo marami naman nagsasabing liligawan siya, ang iba pa nga kasal agad ang alok sa kanya, maging tatay ng anak niya pero hindi naman siya n'tetense ng ganito.

"Ang bilis mo kasi. Nakakatuyo ng likido sa katawan." Lalong natawa si Iñigo.

Continue Reading

You'll Also Like

94.1K 4K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
2.8M 176K 58
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
346K 6.4K 7
Still can't get enough of the boys? Here's a special book of the isa't kalahating gago gang! Have a peek on their lives after marriage. Witness how t...