Wicked Angel (Part Two) The T...

By DonaQuixote

2.9K 430 341

[ONGOING] - [SNAIL UPDATE] ✓ We all lie. We all have a darkest secret. We all have a devil/demon inside. Wi... More

Declaimer
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY ONE
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY TWO
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY THREE
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY FOUR
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY FIVE
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY SIX
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY SEVEN
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY EIGHT
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY NINE
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY
❣️💌Note💌❣️
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY ONE
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY TWO
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY THREE
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY SIX (Inter High - Opening Remarks)
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY FIVE -(Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY SIX - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY SEVEN - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY NINE - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY ONE - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY TWO - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY THREE - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY FOUR - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY FIVE - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY SIX - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY SEVEN - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY EIGHT
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY NINE
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY ONE
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY TWO
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY THREE
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY FOUR
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY FIVE
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY SIX
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY SEVEN
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY EIGHT
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY NINE
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY ONE
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY TWO
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY THREE
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY FOUR
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY FIVE
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY SIX
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY SEVEN
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY EIGHT
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY NINE
CHAPTER ONE HUNDRED SEVENTY
CHAPTER ONE HUNDRED SEVENTY ONE
CHAPTER ONE HUNDRED SEVENTY TWO - (THE TRUTH)
CHAPTER ONE HUNDRED SEVENTY THREE - (THE TRUTH)

CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY EIGHT - (Interhigh)

69 9 16
By DonaQuixote

A/N : Sorry antagal,walang internet hahaha

-Tatashart 😘

CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY EIGHT
(I'm fine)

Angel's point of view

Matapos ang laro ng medyo payapa naman para saakin.Masamang tingin lang ang iginawad saakin ni Rosh, masama 'ata ang loob at umalis nalang basta at hindi pinatapos ang announcement sa susunod na paghaharap namin.Ako naman ay nakinig sa announcement para alam ko kung anong ginagawa ko.

Hindi ko na hinanap pa sila Chad at iba pa.Hindi ko sila nakita at hindi ko alam kung nanood ba sila o hindi.Basta maganda ang mood ko ngayon para mabadtrip sa simpling bagay na 'yon.

Huminga ako ng malalim at inalis ang uniform at naiwan nalang ang itim na sando.Mainit e.

"Congrats!"

"Ang husay mo,"

"Nice one Angel,"

Bati at papuri ng mga kateammate ko saakin.Mayabang na nginitian ko lang sila at tinanguan.

Nilapitan din kami ng ibang mga racer.

"It's my first time seeing a girl like you,your cool."

Ngumiti ako sa lalaking nasa harap ko at base sa suot niyang uniform ay taga N.U siya.

"Well, congratulations,babae pa talaga ang nakatalo--- i mean nakapantay sa defending champion ng drag racing ng ilang taon."

"Ganoon talaga..." sagot ko at tinaas pa ang balikat sa coach ng lalaking kaharap ko.Napangiti siya at umiling dahil sa naging sagot ko.

Binati niya rin ang coach namin.Narinig ko pa ang usapan nila at natawa ako ng bahagya dahil ang coach namin na nag aalangan lang saakin nitong nakaraang araw ay pinagmamalaki ako.

"Actually nag aalangan talaga ako kay Ms.Benavidez this past few days  before the game kasi hindi siya nagprapractice" sambit pa ni coach sa coach na kaharap niya.Hindi makapaniwalang nilingon naman ako nila ako,maging ang mga player na nasa paligid na nakarinig ng usapan nila.

Napakamot pisngi nalang ako sa kahihiyan dahil nilaglag lang naman ako ng coach ko bilang tamad magpractice.

"You mean... hindi siya nagprapractice?" nakaharap ang coach ng N.U kay coach habang nakaturo ang hintuturo saakin.

"Definitely yes," nagmamalaking sagot ni coach.

"So it's means your pro!" maganda ang ngiti,kumikinang ang mga matang nilingon ako ng coach ng N.U.

Pro? as in Professional?

"Hindi naman..." tanggi ko naman.Hindi naman talaga ako pro.

"Hahaha asaan na ang pagmamayabang mo kanina?" natatawang tanong nito saakin kaya naman medyo sumeryoso ako.

"Ang purihin ako't sabihing cool at magaling ako ay kaya kong ipagmayabang pa...pero hindi ang pagiging pro. dahil kung isa akong pro. tapos na ang laro ng drag racing ngayong araw lang at wala ng susunod pa." mahabang linyahan ko.

Umawang ang labi ng kausap ko at rinig ko ang reaction ng mga nakarinig sa paligid ko kaya naman napangisi ako.

Ganoon din ang ginawa ng ibang eskwelahan.Binati nila kami at sinabing galingan namin sa susunod na laban.Maraming papuri rin ang narinig ko, nagpasasalamat nalang ako at nginingitian sila.At mga nang mamaliit na tingin nilang lahat ay napalitan ng panghanga.

Wala,ang galing ko kasi hahaha.

Isaang laro lang sana ang drag racing pero nag tie kami ni Rosh kaya naman may pangalawang laro pa para magtapat kami at dapat may matalo na saaming dalawa.

At si Rosh 'yon...

"Dandan," tawag ko sa lalaki na kanina pa nakatitig saakin.Natauhan naman siya at ngingiti ngiting lumapit saakin.

"You call me Dandan, again." amusement will read in his eye.Napangiti ako dahil gusto niya talaga na tinatawag ko siya sa pangalan niyang 'yon.

"Ayaw mo?" tanong ko sa nag bibirong tono.

"Gusto... gustong gusto"

"Oh sayo muna 'to" saad ko at binato ang susi ng kotse ko sakan'ya na mabilis naman niyang nasalo."Kukunin ko nalang sa game." saad ko at sumunod na sa mga kasama ko na niyaya na kaming umalis na sa track race.

"Sabay ka na saakin," Imporma niya nang makalabas kami.

Inilibot ko muna ang paningin ko sa paligid upang hanapin na ang mga kasama ko,si Chad pero bigo pa rin ako, hindi ko sila mahagilap.

Napabuntong hininga ako.

Nag eenjoy ako sa naririnig na papuri kanina kaya hindi ko sila hinanap pa pero ngayon...gusto ko sila naman ang pumuri saakin...pero wala naman sila.Hayst.

"Hinihintay mo sila?" tanong ni Daniel,mukang napansin niya ang kinilos ko.

"Kanina pa..."

"Baka may ginawa lang sila o 'di kaya naman ay hindi ka lang talaga nila pinanood." saad ni Daniel.Medyo nainis ako sa sinabi niya pero pinigilan ko 'yon dahil baka nga may tama sa mga sinabi niya.

Pero... mas nag aalala ako.Hindi ko sila nakita e.Baka may nangyayari?Baka pinakilos ni Rosh ang mga tauhan niya.Kasi hindi naman pwedeng may kasabay ang game namin sa game ng ibang sport na kabilang ang mga kasama ko dahil ang laro namin ang huling laro bago matapos ang unang araw ng interhigh.

"Sana naman ay maayos lang sila." sabi ko nalang at nagpatiunang naglakad at pumasok sa kotse ni Daniel.

Inihatid nga ako ni Daniel sa bahay namin.Hindi kami nag usap sa byahe dahil nagpanggap akong natutulog.Ayoko lang na kausapin niya ako para naman makapag isip ako ng ayos.Mabuti nalang at alam niya na ang bahay namin kaya hindi na niya ako inabalang gisingin pa upang tanongin ako.

Shit!

Sana naman ay maayos lang talaga sila.Hindi ko at nag aalala ako sakanila e alam ko naman na hindi sila basta basta pero...Hindi ko maiwasan.

Ilang minuto akong nagtulog tulogan hanggang sa naramdaman ko nalang na huminto na ang kotse ni Daniel.Naramdaman ko ang paggalaw niya at narinig ko ang tunog ng pag alis niya ng safe belt niya.Umakto akong nagigising na.

"Narito na ba tayo?" tanong ko at inilibot ang paningin sa paligid at narito na nga kami.

"Yap." tangong sagot niya.

Lumabas na ako ng kotse niya at nagpasalamat.Nakita ko na parang may gusto pa siyang sabihin pero hindi niya tinuloy at napabuntong hininga pa.

"Good night, kita nalang tayo bukas." saad niya nalang.

Nginitian ko siya."Good night din,take care!" kumaway kaway ako habang papasok sa bahay.Nang nakapasok na ako mula sa gate ay pinanood ko naman siyang umalis.

Huminga ako ng malalim at tiningala ang bahay namin.Bukas ang ilaw.Narito na sila.

Hindi ba talaga nila pinanood ang laro ko?

"Tss...asar!" usal ko pa bago naglakad na papasok ng bahay.

Nadatnan ko silang lahat sa sala at seryoso na naman ang mga muka nila at mukang may pinag uusapan sila at ayaw nilang marinig ko 'yon dahil tumigil sila sa pag uusap nang makita ako.

'Yan na naman.Nangyari na 'to kailan lang ah!.Ano kayang pinag uusapan nila?Bakit ayaw nilang malaman ko?.

"Hi," bati ko. Magsasalita palang sana si Gaio ng sumenyas akong huwag na.Magpapalusot lang siya,e. "Uhmm nagtie pala kami sa laro ng defending champion ng drag racing ng ilang taon kanina kung hindi niyo pa alam.At...segeh na aakyat na ako, pagod din kasi ako, e.Tuloy niyo na pinag uusapan niyo na ayaw niyong malaman ko," pumiyok ako sa huling salitang binitiwan ko pero pinilit kong maging normal at nginitian sila.

Sa unang pagkakataon.Bigo akong itago ang tunay na nararamdaman ko at nabasa nila ang tunay na dinadamdam ko dahil nakita ko ang pagguhit ng konsensya sa muka nila.

Eh?

Nakonsyensya sila?hahaha hindi naman dapat sila makonsyensya dahil deserve ko hindi malaman ang pinag uusapan nila dahil nga... espeya ako.

"Uhmm segeh, goodnight!" Sabi ko at nilagpasan sila.

May tumawag sa pangalan ko pero hindi ko na 'yon nilingon at tuloy tuloy nalang akong naglakad patungo sa kwarto ko.

Gustong gusto kong malaman ang pinag uusapan nila pero pinigilan ko ang sarili na pakinggan sila ng palihim gaya ng ginawa ko dati.

Siguro mas mabuti ngang wala nalang akong alam sa pinag uusapan nila.Dadagdag pa 'yon sa isipin e.

Tama tama

Nahiga na agad ako sa kama ko dahil sa pagod.Ipinikit ko ang mga mata ko at iniisip kung ano kung sakali ang pinag uusapan nila doon sa baba.I'm curious as hell!I want to ask them directly pero...huwag nalang.

Tangina,oo, mas mabuti ngang wala akong alam pero muka naman akong tanga at walang muwang sa nangyayari.Nakaiinis lang pero wala naman akong magagawa.

Kinabukasan...

Nagising ako na mabigat ang katawan.'Yong pakiramdam na pasan ko ang mundo at isang kalabit lang saakin ay masasaktan ako.Pagod kasi akong natulog,ni hindi nga ako nakaligo bago natulog dahil 'yong suot kung umuwi ay suot ko pa rin hanggang ngayon.

"Yak!" nandidiring usal ko bago ako dali daling pumasok sa banyo at naligo na agad.Dahan dahan lang ang pagkilos ko dahil nga masakit ang katawan ko.Dinadama ko ang bawat patak ng malamig na tubig sa katawan ko at ang kaninang mabigat na katawan ay gumaan at naging presko.

Matapos kong gawin ang nakasanayan ko tuwing umaga ay tatlong beses muna akong huminga ng malalim bago ko pinihit ang pinto at lumabas ng kwarto.Napapikit ako dahil naalala ko 'yong kadramahan ko kagabi at 'yong usapan nila na hindi ko na inintindi pang pakinggan.

Hayst bahala na nga si catwoman!

Bumaba na agad ako.Napahigpit ang hawak ko sa uniform ko na dadalhin ko sa labahan nang makita ko si Chad at Justin na sabay lumabas sa kwartong ukupado ni Justin.

0_0

Nanlalaki ang matang pinagkatitigan ko silang dalawa at tinuro.

"Omygash tangina!.Teka...kayong dalawa?D'yan natulog?" tanong ko habang nakaturo sakanila at turo sa pintong nilabasan nila.

"Good morning too," pairap na saad ni Chad.

"About your question,it's a no." Sabi ni Justin kaya napatango ako at nilagapasan sila at dumeretso sa labahan.

Maaga pa kaya naman sila Chad at Justin palang ang nakita kong gising.Mabuti na rin 'yon at nang makaalis din agad ako ng maaga para hindi ko na sila makasalamuha ngayong.Pakiramdam ko kasi hindi ko masisikmura haha.Iniisip ko palang kung anong iniisip nila sa nangyaring kadramahan ko kagabi ay bumabaliktad na ang sikmura ko.

Sinimulan ko nang labahan 'yong uniform ko at drinayer 'yon bago ko kinuha at naglakad pabalik pero parang ayoko na lumabas sa labahan namin dahil naririnig ko na ang ingay ng mga kasamahan ko sa kusina.

Malas!

"Good morning!" boses ni Gaio.

"Gago, walang good sa morning dahil may game kami ngayon!" reklamo naman 'yon ni Shadow.

"Excited na ako kingina, good morning!" boses naman 'yon ni Carl.

"Liza, magluto ka na!" boses naman 'yon ni Owen.

"Si Oscar hindi hinugasan pinagkainan kagabi!Tanga tanga!" bwesit na boses naman 'yon ni Sedan dahil siya ang taga hugas tuwing umaga.

Natigil sila sa pagbabatian habang nagbabayangan nang makita nila ako.Nginitian ko sila at ganoon din sila saakin at binati.

"Good morning, malabs!" bati saakin ni Gaio at inakbayan ako.Inis ko naman inalis 'yong braso niya at derederestong naglakad.

"Saan ka pa pupunta?Kain na!" saad ni Cole.Pinakita ko lang sakaniya 'yong dala dala kong damit at napatango naman siya nang maintindihan niya 'yon.

Hanep.Parang walang nangyari.Ganoon naman lagi e, 'yong nangyari kagabi ay parang wala lang kinabukasan.Mas mabuti na ngang ganoon nalang pero...may parte saakin hindi nagustuhan ang nangyayari.Parang ang dating kasi ay wala silang pakialam sa nangyari.

Bumaba uli ako matapos kong maayos ang gamit na dadalhin ko.

Nagsalo salo kami ng almusal gaya ng nakasanayan.Kumakain habang nag aasaran.Nakisali naman ako sa asaran nila at bangayan at tumigil lang kami nang nagkapikonan na at nang awat na ang magaling naming KJ na leader.

"Sabay na ako..." pagpupumilit ko kay Gaio.

"Ayoko,"

Napasinghap nalang ako nang bigla niyang pinaharurot paalis ang kotse niya.Napabuntong hininga nalang akong napatingin kay Chad na tumatawa na ngayon saakin.Sakan'ya raw ako sasabay kaso ayaw ko dahil ayaw ko nga lang at sinabing sasabay ako sa iba pero iniwan nila ako gaya ng ginawa ni Gaio. Kaya wala akong pagpipilian at sasabay ako kay Chad.

Sumakay na ako sa kotse niya.

Napahinga ako ng malalim.Hindi na ako mapakali.Kating kati ako sa kinauupuan ko.Parang gusto ko nalang umiyak kahit wala naman akong dahilan ngayon--hindi...may dahilan ako,gusto kong umiyak dahil parang wala lang 'yong nangyari kagabi sakanila!Hindi nila ako pinanood kaya samang sama ang loob ko tapos umuwi ako ng bahay ng naabotan ko silang nagmemeeting at hindi man nila sabihin ay alam kong ayaw nilang marinig ko 'yon dahil halata naman,hindi naman ako tanga para hindi malaman 'yon sa isang tinginan lang o maramdaman man lang at ano ba 'yong pinag uusapan nila? tungkol ba uli sa babaeng sumugod sa hideout nila at pinatakas si Hunter?tungkol ba uli doon at pinag aawayan nila kung ako na 'yong babaeng 'yon o hindi? tungkol ba uli kay Beatrice? Sino ba kasi 'yon?ano? tungkol ba sa mga susugurin nilang hideout at hindi na naman ipapaalam saakin ang gagawin nilang 'yon at hindi rin ako isasama sa mga lakad nilang ganoon?ano?hindi ko alam,wala akong kaalam alam sa mga pinag uusapan nila tapos kinaumagahan ay parang wala lang!Ni hindi man lang nila ako tinanong kung anong nangyari o kahit anong tanong na konektado sa laro ko.Hindi man lang sila nagsabi ng kahit anong dahilan o kahit pagpapalusot lang sa nadatnan ko kagabi.Nakakasama ng loob sa totoo lang.

"Now, ask me, tell me your rant, anything." Sabi ni Chad habang nasa byahe na kami na bumasag sa katahimikan naming dalawa.

" H-huh?"

"I know you have so many questions right now, so, ask me," saad niya at inihinto ang kotse sa gilid ng high way at hinarap ako.

Napalunok ako.Bakit kung kailan libre na akong magtanong...wala akong masabi?.

"W-wala wala naman"

"Liar.Akala mo ba... nakalimutan ko na 'yong nangyari kagabi?" sinasabi niya 'yan habang nakatingin lang ng deretso sa mga mata ko.

"Hindi, huwag mo ng inintindihin 'yon, joke ko lang 'yon hihihi" Sabi ko sabay iwas ng tingin.Senenyasan ko siyang magdrive na pero hindi niya pa rin inaalis ang pagkakatingin niya saakin.

"It's now or never"

"Bakit hindi niyo gustong ipaalam saakin 'yong pinag uusapan niyo?" tanong ko kaagad na kinaawang ng labi niya. "Hindi ako tanga Chad, alam kong meron kayong tinatago saakin, ano 'yon?" dagdag ko pa.

"Well,it's about the interhigh,"

"Tsk.Bakit mo ba ako inalok na sabihin at tanongin ang gusto kong sabihin at tanongin kung hindi ka rin naman magsasabi ng totoo?" I said.Oh!Note the sarcasm.

"I'm telling the truth here,"

"Tanga,hindi ako tanga, manahimik ka na nga lang at magdrive ng makarating na tayo sa RIS!" pagalit na sigaw ko na kinagulat niya.

Natawa ako.

"Now,sinisigawan mo ako,"

"Deserve mo, gago,"

"And minumura." Hindi makapaniwalang saad niya at hinawakan ang manebela at pinaandar ang kotse niya.

Katahimikan ang bumalot saaming dalawa hanggang sa makarating kami sa Rios International School.Dito kasi gaganapin ang laro ng billiard, badminton, at volleyball.

Una akong bumaba at hindi na inantay na pagbuksan niya ako gaya ng utos niya dahil narito raw ngayon ang magulang niya dahil billiard ang sport ni Lee.Binuksan ko ang truck ng kotse niya at kinuha doon ang gamit ko, isusukbit ko na sana 'yong bag ko sa likod ko nang hinablot 'yon ni Chad.

"Let me," saad niya at inakmang isusukbit niya 'yong bag ko sa likod niya pero hindi ko siya pinayagan at inagaw 'yong bag sakaniya.

"Ako na!" pabalang na saad ko.

"Let me carry this for you!" Sabi niya sabay agaw ng bag saakin.

"Ako na nga 'diba?!" inagaw ko uli 'yong bag pero inagaw niya uli 'yon saakin.Para na kaming tanga rito habang pinapanood ng mga nagdadaang mga estudyante.

"I can---"

"Chad!" nauubusang pasensyang sigaw ko sa pangalan niya na kinatigil niya.

"I'm trying to be gentleman here, Angel," mahinahong sabi nito.

"Hindi, ginagawa mo 'yan kasi narito ang magulang mo, para hindi nila mahalata na nagpapanggap lang tayo,"

"Bitterness on your voice,"

"Hindi, ganoon lang talaga boses ko," depensa ko agad.

"Angel,"

"Pwede ba!"

"Bakit ba sigaw ka ng sigaw?Ang init init ng ulo mo."

"Sinungaling ka kasi!"

"I am not!"

"Tara na nga!" sigaw ko at ibinato 'yong bag ko sakan'ya at nagpatiunang naglakad.

Nakakainis na!

Naramdaman ko nalang ang mainit na likidong tumutulo na sa pisngi ko at mabilis ko 'yong tinuyo agad dahil ayokong makita 'yon ni Chad.Hindi ko alam!Naiinis ako at ang kaninang masama na ngang loob ko ay mas sumama pa dahil sa ginagawa ni Chad.

Hindi ko maintindhan at sobrang naapektohan ako ng sobra sa mga ginagawa niya.

Derederesto lang ang lakad na ginawa ko hanggang sa makita ko si Daniel kaya tinawag ko siya. Lumapit naman agad 'to saakin at nagtatakang nilingon niya si Chad kaya naman nilingon ko rin ang lalaki at kita ko kung paano nagdilim ang muka niya habang nakatingin kay Daniel.

"Akin na 'yan," inilahad ko ang kamay ko kay Chad para kuhanin 'yong bag ko pero hindi niya 'yon ginawa.

"Ihahatid kita sa room niyo,"

"Bahala ka nga!" usal ko at hinarap si Daniel at nakita ko na naintindihan niya agad ang nangyayari at hindi na siya nagtanong pa. "Saan room natin?" tanong ko kay Daniel at naglakad na.

Naramdaman ko naman ang pagsunod ni Chad sa likod at ang pagtabi saakin ni Daniel.

"Actually, dapat meron kaso kulang ang rooms for players kaya wala raw tutal hindi naman tayo maglalaro today," sagot ni Daniel saakin.

"Sa room ka na namin tumuloy."

"Ayoko," sagot ko agad sa suhisyon ni Chad.

Hinarap ko siya at nakita ko kung paano siya napabuntong hininga, nauubusan ng pasensya saakin.Napabuntong hininga rin ako at kinuha ko ng sapilitan ang bag ko kay Chad.

"Ang pangit mo kausap, sinungaling." saad ko at iniwan ko silang dalawa doon.

Natawa nalang ako nang makalayo.Natawa nalang ako ng natawa sa sarili ko habang naglalakad sa mataong lugar.Nakakatawa.Bakit ang sakit sakit?. Nakakatawa.Bakit ang bigat bigat?. Nakakatawa.Bakit...nagkakaganito ako?.

Hinanap ng mga mata ko ang iba ko pang mga kaibigan.Malaki ang eskwelahan na 'to kaya naman medyo natagalan ako sa paghahanap pero ilang minuto pa ay nakita ko na sila Cole kaya naman wala sa sariling napangiti ako at lalapitan ko na dapat sila pero bago ko pa man maihakbang ang mga paa ko ay may humarang na lalaki sa harap ko at nang nakaalis na 'yong lalaki, nawala na sila Cole sa kinatatayuan nila kanina.

Napabuntong hininga na naman ako at napasabunot sa buhok.

Mag isa na naman ako.

__
Your votes and comments are highly appreciated 😘Thank you sayo ng hard!I love you extremely!!😘

Continue Reading

You'll Also Like

66.5K 1.5K 78
Harry Potter x female reader °。°。°。°。°。°。°。°。°。°。°。°。 Cedric Diggory has a younger sister named Y/n and she's starting her fourth year at Hogwarts. H...
Riptide By V

Teen Fiction

330K 8.4K 118
In which Delphi Reynolds, daughter of Ryan Reynolds, decides to start acting again. ACHEIVEMENTS: #2- Walker (1000+ stories) #1- Scobell (53 stories)...
34.1K 2.2K 15
الكاتبه : رند السبيعي✍🏼 روايتي الاولى أتمنى تعجبكم واستمتعو...
Lucent By ads ¡¡

Teen Fiction

179K 4.1K 18
lucent (adj); softly bright or radiant ✿ ✿ ✿ My brother's hand traces the cut on my right cheek for some minutes. I have no idea how a cut can b...