Hello po sa inyo :))
---------
Chloe's POV
It's been 2 days since i met Dylan, after that day na nakilala ko siya, palagi na siyang sumasama sakin or palaging niya akong sinasamahan, lalo na pag wala si Jen at si Drew
Palagi rin niya akong nililibre ng Mcdo, ang saya! Pag kasama ko siya, palagi akong busog haha,
He's like an angel down from the heaven (ano daw?! Hahaha)
Sobrang bait niya sakin, crush ko nga siya e, dami kong crush no? Crush lang naman e, pagbigyan :)
Tapos na ang screening para sa mga tatakbo para maging officers ng school, kanina lang, bukas pa namin malalaman kung sino yung mga makakalaban namin
Lunch namin ngayon, kasama ko nanaman si Dylan at si Jen as always mabubusog nanaman ako ng walang ginagastos hahaha
"Anong ulam mo?" Tanong sakin ni Dylan
"Porkchop lang akin, salamat" sagot ni Jen, ako kaya yung tinatanong tss
Tumango naman si Dylan
"Ikaw AC?"
"Chickenfillet lang" i said
"Best, wala po tayo sa mcdo haha" sabi ni Jen habang tumatawa
"Ay, haha. Kahit ano na lang" sabi ko at tumango naman si Dylan saka umalis para mag-order
Kilala na ni Jen si Dylan kasi nga diba sa kanya hiningi ni Dylan yung number ko at halata naman kay Jen e, fc siya kay Dyl -_-
Napatingin naman ako sa dalawang nagtatawanan papasok ng canteen, na-ouch ako. Masaya siya kasama yung babae
Tiningnan ko lang siya---sila hanggang sa maka upo, medyo malayo yung inupuan nila kaya siguro hindi niya ako nakita
Nakatitig lang ako sa dalawang naglalandian -_-
"Best baka malusaw haha"
Umiwas na ako ng tingin at tumungo, feeling ko nasaktan ako, sobrang saya
Ni Drew....... At si Hannah pa ata yung babae
Ano ba tong feelings ko?! Crush ko lang siya, pero iba yung feel ko ngayon, parang may iba. Hay nako Chloe!!
"Nagseselos ka best no?"
Hindi ako umimik, tama nga ba si Jen? Nagseselos nga ba ako? Hindi pwede
Dumating naman si Dylan,
"Oh, bakit ang tahimik niyo ata?" Tanong ni Dyl habang inaabot sakin yubg pagkain ko
"Wala yan, masama lang ata pakiramdam niyan ni Chloe" sabi naman ni Jen kay Dyl
"If you need medicine, pupunta akong clinic now na" sabi ni Dyl sakin at halata sa mata niya na nag aalala siya
"No, okay lang ako. Wala lang to, dahilan lang ata to ng mga questions kanina sa screening" i smiled to him fakely
Tumango naman siya at nagsimula ng kumain
"Wala naman kasing gamot para sa broken na puso" Bulong ni Jen pero narinig ko at nag smirk pa
Napatingin naman ako kay Dyl kung narinig niya pero dirediretso lang siya sa paglamon, baka hindi naman niya narinig e, okay na yun
"Oy! Hinay hinay lang, wala aagaw sayo" sabi ni Jen kay Dyl
Pero ganun pa din siya hanggang sa natapos
Pagkatapos naming kumain, nagyaya na akong umakyat, nandito parin sila Drew ang happy happy nila tss -_-
Mapapadaan kami sa table nila, hindi ako tumitingin kasi baka makita na niya ako, pero saktong pagtapat ko sa table nila bigla may natapon sakin na juice
"Shocks! Are you blind?!" Sigaw nung babaeng kasama ni Drew
Patayo na kasi siya hawak ang juice at ako ang nakabangga sa kanya, dahil hindi ako tumitingin sa kanila
"No i won't! Baka ikaw?! Ang landi mo kasi!" Sabi ko
"At pano ako naging malandi?!" Sigaw niya ulit sakin, hilig niya akong sigawan pero magtitimpi muna ako
"Tanong mo sa juice mo na natapon sa damit ko!" Sabi ko, gigil na gigil na siya ah
"Eh pano pag ayoko?! Dahil ang gusto ko e, langgamin ka sa tamis ng juice ko, bitch!" sabi niya at saka binuhos ng tuluyan sakin ang juice na natira sa ulo ko with slow motion pa
Biglang gumalaw ang kamay ko palapit sa muka niya at nasampal ko siya
Napa 'ohhhhh' naman ang nakatingin samin,
"Chloe stop it!" Drew said, nasaktan naman ako dun, ako pa ang may kasalanan?
hinatak naman ako bigla ni Dyl
Narinig ko naman na parang may sumampal at ang boses ni Jen
"Never do that to my bestfriend again!! Or else i will kill you!! BITCH!!"
Napangiti naman ako sa ginawa niya, she's my childhood bestfriend, kaya alam na niya lahat tungkol sakin
Napatingin naman ako kay Dyl at patuloy pa din ang paghila sa akin,
"Teka, Dyl san mo ko dadalhin?" Tanong ko
"Magpapalit ka ng damit! Sobrang lagkit mo" he said na parang naiinis
"Eh, bakit kailangan manghatak?" Tanong ko
"Wala lang" at saka niya ako binitawan
Dumating naman si Jen, hingal na hingal,
"Okay ka lang? Ipapahiram ko muna sayo extra uniform ko" sabi ni Jen sakin
"Baliw. Okay lang ako" sabi ko at ngumiti
Pero hindi parin siya pumayag kaya wala na akong nagawa,
"Best, hindi ko papabayaan na may mananakit sayo no! Dahil ako lang ang may karapatan na manakit sayo" sabi niya at binatukan ko siya
"Hahahaha joke lang" sabi niya at nag-peace sign
Nagbihis na ako, umalis na rin si Dylan di ko alam kung bakit.
Pumasok na kami dahil nag-start na ang class, pagpasok ko sa room halos lahat sila nakatingin sakin, wala pa naman yung teacher namin
Tumungo na lang ako at pumunta sa upuan ko, sinundan naman ako ni Jen
Nagulat ako ng naghiyawan ang mga classmates ko kasama si Jen
"Hoooooh! Galing mo Chloe!"
"Inaway mo yung feeling maganda sa school na 'to hoooooh!"
"Syempre bestfriend ko yan!"
"Iloveyou Chloe!"
Napanganga naman ako, akala ko napahiya ako sa kanila dahil tinapunan ako nung babaeng yun pero natuwa pa sila
Napangiti na lang ako,
"Hindi na daw papasok si Mam, enjoy your day na lang daw pero wag masyadong maingay!" Sabi ni Kelly, president namin
Nagsigawan nanaman sila, ngayon hindi ko na maiitatanggi pa, mga yaong bundok nga talaga sila hahahaha
Ayun, nagpakasaya sila. Ako naman nag soundtrip katabi si Jennifer, wala ako sa mood makipagkulitan sa kanila e
"Chloe stop it!"
"Chloe stop it!"
"Chloe stop it!"
Paulit ulit na sinasabi ng isip ko,
Ako pa ang may kasalanan Drew? Tss. Sinadya ko ba? Hindi ako tumitingin sa inyo kasi nagseselos ako! Ano ba Drew?!
Gusto kong sabihin lahat yan kay Drew pero wala siya e.
Hay, Oo nga, nagseselos nga ata ako
Hanggang sa nag-bell na lang at uwian na. Sabay kami ni Jen, naalala ko naman si Dyl, bakit parang wala siya?
"Best! Si Dyl?" Tanong ko
"Hindi daw muna sasabay, may gagawin pa siya" sagot ni Jen sakin at nalungkot naman ako dun
Tuloy na kami sa paglakad medyo walking distance lang naman ang bahay namin, ang tahimik ni Jen hindi ako sanay :(
"Mahal mo na siya?" Nagulat naman ako sa tanong niya
"Sinong siya?"
"Alam mo naman kung sino ang tinutukoy ko e" she said,
Hindi ako sumagot, hindi ko naman kasi alam kung sino
"Halata naman sa pagtingin mo kanina sa kanya habang may kasamang iba" she said again
Now, i realize si Drew pala ang tinutukoy niya
"Hindi ah" sabi ko
"Best, sabi ko naman sayo diba? Halata kaya kanina. FAKE girlfriend ka lang best kaya pigilan mo yang feelings mo for him, hindi tama. Ano ba kasing pumasok sa utak mo at pumayag ka sa deal na yan!" Sabi ni Jen
Hindi ako sumagot, hindi ko naman talaga alam ang isasagot ko, hindi ko alam kung bakit ako pumayag, hindi ko alam
"Mahirap na kapag lalo kang nahulog, pigilan mo na hangga't kaya pa"
Nakarating na kami sa bahay at pumasok, nagbihis na ako at matutulog, di na ako kakain. Wala na akong gana,
---------
Hanggang dito po muna siya,
Sorry ngayon lang po, salamat po sa mga nagbasa(kahit ang pangit ng story na to)
/anengneng13