Book Of Magic 3: CLAES (ON-GO...

By AliceInRedribbon

11K 1K 449

[ SLOW-UPDATE ] "Let the Light cross your path again, Chosen..." The Secret World Of Magic Continues ... STAR... More

Book of Magic 3: CLAES (ON-GOING)
THE CHOSEN
CELESTIAL MAGIC ACADEMY
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Chapter 136
Chapter 137
Chapter 138
Chapter 139
Chapter 140
Chapter 141
Chapter 142
Chapter 143
Chapter 144
Chapter 145
GREETINGS..... From ME d^_^b
Chapter 146
Chapter 147
Chapter 148
Chapter 149
Chapter 150
Chapter 151
Chapter 152
Chapter 153
Chapter 154
Chapter 155
Chapter 156
Chapter 157
Chapter 158
Chapter 159
Chapter 160
Chapter 161
Chapter 162
Chapter 163
Chapter 164
Chapter 165.1: Sakura Hinomiya (PART 1)
Chapter 165.2: Sakura Hinomiya (PART 2)
Chapter 165.3: Sakura Hinomiya (PART 3)
Chapter 165.4: Sakura Hinomiya (LAST PART)
ANNOUNCEMENT
THIS IS NOT STILL AN UPDATE
Chapter 166: MINERVA ATHENA GARCIA
Chapter 167 (NEW UPDATE)
Chapter 168 (SPOILER) (2024 UPDATE)
PROMOTION

Chapter 130

225 26 5
By AliceInRedribbon

















Chapter 130:











•••
•••











<• ANOTHER SOMEONE POV •>








Napahinto kami sa paglakad. Sabay na umangat ang tingin namin sa Digital Bulletin Board. Mula doon ay lumabas ang mukha ng Anim na Studyanteng mga Enchanters. E-nanounce ang tagumpay nila.

Kitang-kita ang pagod sa mukha nila. Ang dumi ng mga suot. Hinihingal. Halatang galing sa Isang mabangis na laban.

"Wow! Ang laki ng Inangat nila." nakangiting wika ni Madonna.

Kahit kalaban kami sa Level Up Ranking Quest nato, ay syempre hindi padin namin mapigilang humanga sa mga kalaban namin. Ang lalakas mga bes. Lalong-lalo na sa kanila.

At kahit mga Enchanters sila, kalaban sila ng City namin, amazed padin kami.

Except pala sa mga boys.

"From Rank Number 8. Enchanted Hollow Academy Students Now is On the Rank Number 5!" Malakas na sigaw ng Announcer.

"From Rank 8 to Rank 5? Nice." nakangiti ding wika ni Anna. "Lahat ata ng sumusubok sa Eight Gates ay laging umuuwing tagumpay." dagdag nya.

"Yeah." Agree naman ni Kelly.

Ilang minuto lang ay may mga Medical Alchemist ang sunod-sunod na lumabas galing sa loob na Arena. Naka-higa sa mga Stretcher ang Anim na Enchanters.

Mukhang nahimatay?

Tumama ang tingin ko sa Isa sa kanila. Kahit nawala na sya sa paningin ko ay nakatitig padin ako sa pinanggalingan nya.

Nicole...

Napangiti nalang ako.

Ang laki na ng pinagbago nya. Masaya na ako para sa kanya. Nakakamiss din yung dating sya.

"Guyss!" Sabay kaming napalingon sa taong sumigaw. "Lets beat them."

"Sino?" tanong ko.

"Enchanted Hollow Students." sagot nya.

Hindi ko napigilang matigilan.

"Yan na nga ba sinasabi ko. Nakalimutan mo ba yung plano natin Lexer?" tanong ni Kelly.

"Nope."

"Then stick to it. We didn't came here to beat their record or surpass their skills. Nandito tayo para mag-aral."

"Kalma lang Kelly." wika ko.

Tumingin naman sya sakin sabay ngiti. "Kalma lang naman ako Rhea." binaling nya ulit ang kanyang tingin kay Lex. "Nawawala lang ang kalma ko pagdating sa kanya." Nahagip ko ang pag-pula ng kanyang pisngi.

Napangiti naman ako. Yieehhh. May gusto sya kay Lexer. Nasabi nya sakin ng hindi sadya dati. Hehehe.

"But—"

"Sorry Lexer. Pero hindi kami pumunta dito para makipagcompetensya." wika ni Anna.

Biglang sumeryoso ang expression ng mukha ni Lex. "Nakalimutan nyo nadin ba ang namamagitang away between Wizards and Enchanters?" seryoso nyang tanong.

Kumunot ang noo ko.

"Hindi." sumeryoso nadin si Kelly. "Hindi namin yun makakalimutan." dagdag nya.

"Then bakit ayaw nyo silang lampasan? This is the right time to beat them. The war between us and the Enchanters are not yet over. Remember the day when an Enchanters attack the city? Mag-isa lang sya, kung nagkataon na wala tayo dun ay mawawasak nya ng tuluyan ang Smaragd City."

"Ano naman kung ganun?"

"Mag-isip ka nga Kelly. She almost destroyed our City. Gumawa sya ng scene na nakakapagpalala sa sitwasyon. She's an Enchanters, and worst Isa sya sa mga kalaban natin ngayon. Eto na ang tamang pagkakataon na patumbahin sya at ang kanyang buong groupo."

Gumagawa ka din naman Lex na magpapalala ng sitwasyon sa atin pati nadin sa kanila...

Tinitigan ko si Lex. Ito ang unang pagkakataon na narinig ko mismo ang mga salitang yan sa kanyang bibig.

"Nagawa nya tayong kalabanin dahil kasalanan daw natin kung bakit nasira ang kanyang tahanan." dagdag nya. Napayuko naman ang ulo ko.

Hindi yan ang dahilan kung bakit galit sa amin si Nicole...

Maliban sa Wizardry kami at Enchanters sya. Na magkalaban amg City namin. Ay may Iba pang rason kung bakit sya galit sa amin.

Nagsinungaling ako sa kanila... Ayoko lang kasing lumala pa ang problema.

"This is not you Lexer." umiiling-iling na wika ni Kelly.

"This is me Kendrick. Hindi mo lang talaga ako lubos na kilala." biglang humangin. "I told you many times, believe me or not. But you can't end a war between Wizardry and Enchanters. Hanggat nag-eexist sila, hindi magiging peaceful ang lagay natin. Specially Me." bigla syang tumalikod at umalis ng hindi na kami nililingon.

Galit sya...

"Hindi nya naiintindihan..." Umupo sya sa sahig. "Hindi ko man sya masyadong kilala pero hindi nya padin naiintindihan." Napahilamos sya gamit ang kanyang kamay. "Sa sinabi nya..." umupo si Anna sa kanyang tabi at niyakap sya. "Pinapalala nya lang ang away."

Wala akong nagawa kundi ang tumitig sa sahig. Sumimangot at mag-isip sa Inaasta ngayon ni Lex.

Tama si Kelly... Naiintindihan ko ang bawat salitang binibitawan nya.

Mali si Lex...

'You know Rhea, Everyone can ends a war. As long as you believe that you can...'

Nagsinungaling ka ba sa sinabi mo sakin noon Lex? Bakit Iba na ata ang lumabas sa bibig mo ngayon? Bakit naging baliktad na? Sinabi mo lang bayun sakin para pagaanin ang loob ko?

Kung ganun...

Napangiti ako ng palihim.

... Pareho pala tayong sinungaling.

"Wuyy! Anyare sa inyo dyan?" Bumalik ako sa realidad dahil sa boses ni Mckenzee. "Teka, nasaan si Lexer? Nagpaalam yun samin na dito daw punta nya?" Nagkatinginan kaming Lima sa tanong nya. "Ahh, may nangyare ba na hindi namin alam?"

Walang sumagot sa kanya.

"We saw him." Bored na sabat ni Glaucus. Sabay tingin kay Caerus.

Kakarating lang din nila.

"Saan?"

"Ah, kanina. May nakasalubong kami na lalakeng kamukha ng kapatid nya." paliwanag naman ni Caerus.

"Kaya pala sya naging ganun." tumatango-tangong wika ni Madonna. "Nag-iiba ang personality nya kapag pumapasok sa isipan nya ang kanyang kapatid. Hayst."

"Ako yung naguguluhan sa usapan nyo. Pero babalik pa ba si Lexer?" tanong ni Mckenzee.

"Babalik yun." sagot ni Kelly.

Napatitig ako sa kanya. Nakikita ko mga mata nya na hindi sya sigurado na babalik si Lex. Pero may pag-asa doon. Umaasa sya na 'Sana nga'.

"Kapag usapang kapatid nya. Huwag na kayong umasa na Isang Etherious Lexer ang kaharap natin." lahat kami ay napalingon kay Jessie. "Hayystt... He's really has this 'Two Timer Personality Syndrome'. Don't mind it, gawa-gawa ko lang ang pangalan yan. Malay ko ba kung anong tawag sa ganung sakit ni Lexer. Tsk!"

Prenteng-prente lang syang naka-upo sa malinis na sahig. May nahahagip akong ibang mga Studyante na galing sa Ibat-ibang panig ng Mundo. Ang Iba ay napapatingin na kay Jessie.

Malamang, sa dami ba namang mga benches dito sa labas ng Arena ay sa sahig pa talaga nya naisipang umupo.

Hehehe. Sa bagay, sanay nga pala si Jessie sa ganyan.

"Past is really a good place to visit." dagdag nya. "But the scariest place to stay." Makahulugang tumingin sa amin ang mga mata nya.

"Ayan nanaman yung Quotes nya." mahinang wika ni Mckenzee. "Tapos ka na ba Jay?"

Tumayo na sya galing sa pagkaka-upo sa sahig. "Yup! Kailan ba tayo papasok ng Arena?" tanong nya.

"Mamaya na siguro? Hihintayin muna natin ang Iba. Kulang pa tayo." tumango nalang kami sa sinabi nya.

Imbis na umupo ay pinili nalang naming tumayo. Maliban kina Kelly and Anna na nasa sahig padin. Sinusupportahan ni Anna si Kelly. Malalim siguro Iniisip.

Matagal naman kaming mapapagod. Sanay kaming laging nakatayo. Trinaining kami ni Mistress Gwen dito.

Napasimangot ako.

Ang Training nayun talaga ang unang bumungad sakin pagkatapak ko palang sa Academing yun. Imagine, akala ko ay simpleng training lang ang gagawin namin, like push-up, running, mga physical activities. Pero halos gusto kong umalis dahil ang layo pala ng nasa Imagination ko. Huhuhuh.

Si Mistress Gwen kasi ihh. Pinatayo ba naman kami ng Isang Araw. Oo! As in ISANG ARAW Talaga! Nagsimula kami sa Umaga. Natapos kami Gabi na. Nakatayo lang kami sa loob ng Training room ng halos 15 hours. 7:00am to 9:00pm kaming nakatayo. Araw-araw, ganun ang training namin. Nakahinga lang ako ng maluwag pagdating ng 15 Days. Huhuhuh.

Kaya ngayon, sanay na sanay na kaming tumayo. Kaya naming tumayo ng mahigit 15 hours. Pero syempre pagpapawisan kami dahil mainit. Pero hindi napapagod.

Nakakapag-tataka nung una. Pero ang sabi ni Mistress Gwen nakakatulong daw yun sa Physical Defense namin. Na which mean ay totoo.

"Hindi pa ba tayo susubok sa pangalawang Gate?" Basag na katahimikan ni Mckenzee.

"Hindi na muna." sagot ni Anna.

"Nakakapagtataka talaga ang Ranking Quest nayan."

"Yeah. Minsan napapatanong ako kung 'Required ba talaga yan? Bakit kailangan pang magmataasan? Pwede namang gawing pantay ah'." rinig kong agree ni Madonna.

Agree din naman ako sa kanya. Bakit may pa Ranking-ranking pa? Para ano? Para matanghal kung sino ang pinakamalakas na Paaralan sa buong Magic World?

Walang saysay yan. Dahil para sa akin, Isang Paaralan lang ang malakas.

Wala man akong masyadong alam tungkol sa paaralang yun, kung nag eexist ba yun, kung totoo bayun, pero umaasa ako na sana totoo sila.

Gusto ko nga silang makita at makilala sa personal...

"Alam nyo naman na nakakastress yung unang gate. Ano pa kaya kapag sa pangalawa na?"

"Halos stress naman ang dulot ng walong gates nayun. Ni hindi nga natin alam kung anong naghihintay satin dun."

Agree din ako kina Anna and Kelly. Nakakastress naman kasi ihh. Nagulat nalang kami nung Isang araw na may mission daw kami, at yun ang pumunta dito. Simula daw dun ay dito na kami mag-aaral sa paaralang to. Nakakastress dahil may pa Level Up Ranking Quest pa. Mas nakakastress nang pasukin namin ang Isa sa mga Gates—Yun daw ang basehan sa Ranking namin.

Pagpasok namin kahapon sa Isang Gate, Isang dambuhalang Ahas ang bumungad samin. Litsi naman kasi. Umabot ata kami ng Isang oras sa pagpatay nun. Tapos wala pang daan palabas, kailangan pa na may Isa sa inyo ang kayang gawin ang Teleportation or Transfer Jutsu.

Mabuti nga may alam si Ryou sa Transfer Jutsu nayan.

Pero ako? Waley mga bes. Hehehe.

"Saan na ba ang dalawang yun?" tanong ni Anna. "May alam ba kayo?"

"Si Hudget sinundan si Lexer. Si Waltz nasa weapon shop." sagot ni Caerus. Nasa hawak na libro nya ang kanyang paningin.

"Nasira nanaman ba ang baril ng babaeng yun?"

"Oo." sagot nya habang nasa libro padin ang tingin. Mukhang may binabasa.

"Ano nanaman yang binabasa mo?" tanong ni Madonna sabay tayo nya. Lalapitan nya sana si Caerus ng nilayuan sya nito. "Ang OA? Babasahin ko lang."

"No." matigas nyang sagot sabay ayos ng kanyang suot na Reading Glasses. "I'm busy Henrix."

"Patingin lang." umirap sya sa ere. "Kaya walang nagkakagusto sayo. Maarte ka masyado."

Dahil sa sinabi nya. Mabilis na Isinara ni Caerus ang kanyang librong binabasa. Pinakita nya ang cover malapit sa mukha ni Madonna.

"Nabasa mo?" tanong nya. Tumango nalang si Madonna sabay Irap sa ere.

"Tsk! Mahilig ka palang magbasa nyan?" tanong nya. Tumango naman si Caerus. "Interesado ka ba sa paaralang yan?" Tumango ulit si Caerus. "Gusto mo din ba silang makilala?" tanong nya ulit. Tango ulit ang isinagot ni Caerus. "Eh gusto mo bang maging isa sa kanila?" hindi tumango si Caerus. "Akala ko tatango ka na naman. Tsk!"

"Lustrous Academy?" patanong na wika ni Kelly. "Ngayon lang namin alam na fan ka pala sa paaralang yan."

"Except Gayus. Matagal nya ng alam ang tungkol dyan. My favoritism. Hindi man lang tayo sinabihan." mahina nyang sinuntok sa gilid ng balikat si Caerus.

"What the—problema mo Walker?"

"Wala. Trip ko lang. Masyado kang focus sa binabasa mo. Kailan ka pa naging fan dyan?"

"Hindi ako naging fan. I just admired them." sagot nya.

"Admired? Sino?"

"The S—"

"Congratulations! Sorceres Hunter Academy Students!"

Bigla kaming nakarinig ng malakas na sigaw galing sa speaker. Boses ng announcer. Naagaw nun ang pansin namin kaya halos lahat ng mga studyante ay napatingala sabay tutok sa digital bulletin screen.

Mula sa screen ay lumabas ang mukha ng Sampung studyante plus Isa na galing sa paaralang yun.

Sorceres Hunter Academy...

"Wow. They already finish the third gate? Ang bilis ah." puri ni Kelly.

Nakita ko mismo ang mukha ng sampung tao na ang Iba ay kilala ko. Sa sampung mukha doon, Tatlo ang kilala ko.

Plus ang pang 11 sa kanila.

Ilang days nadin ang nakalipas ng huling magkaharap kami...

Tadhana nga naman...

"From Rank Number 2. Sorceres Hunter Academy Now Is In the First Rank!"

Hindi ko enexpect na dito kami muling Ipinagtagpo.

"Rank 2 na ang Celestial Magic Academy. Sila na ang bagong Rank 1? Luh! Naagaw nila ang pwesto? Break the record?" tanong ni Anna na mukhang sa sarili nya lang.

"Halata naman na mag nu-number 1 sila. Ang yayabang." wika ni Mckenzee.

"Yeah. I agree." wika ni Jessie.

"Palabas na sila."

Dahil sa sinabi ni Anna, tutok na kaming lahat sa entrance ng Arena. Lumabas na doon ang sampung taong muntik na kaming patayin days ago.

"Kung dito sila dadaan, mukhang mapapasabak tayo sa second round fight. May atraso sila sakin. Tsk!"

Napansin ko kaagad na Isa sa kanila ay napatingin sa gawi namin. Parang nagka-intindihan sila sa tingin lang kaya sabay silang tumungo sa direksyon namin.

Imbis na kabahan dahil malalakas silang kalaban. Ay nananatili akong kalmado. Pero alam ko na ang Iba samin ay pigil na pigil ang hininga.

Mabuti nga wala si Ryou dito.

Napangiti ako nang matingnan ko silang Isa-isa naglakad papunta sa gawi namin. May bigla akong naalala.

'Saan mo ako nakita?'

Catarina...

Napatanong ako sa sarili ko...

... Saan ko nga ba sya nakita? Bakit bigla nalang yung lumabas sa bibig ko? Ni hindi ko nga rin matandaan kung saan kami unang nagkatagpo.

"Emerald Academy Students. Rank 8. Nice game." Mayabang na wika ni Reven. Hawak-hawak nya padin ang kanyang malaking Axe.

Sa Itshura nila. Parang wala lang nangyare sa kanila sa loob ng Gate. Medyo halata na may dumi ang suot, pero mas nangingibabaw padin ang ganda at lakas nila. Parang hindi sila napagod? Ganun.

"Sorceres Hunter Academy. The New Rank 1 Students. Nice game also." mataray na wika ni Madonna. Kapag talaga pagdating sa kanila, nagiging ganyan sya.

Hindi ko man tingnan ang Isa sa kanila, ramdam ko naman na nakatitig ito sa sakin.

Kilala ko ang taong nakatitig sa akin...

"We can't wait to fight with you guyss." nakangiting wika ng Isa sa kanila. Kulay Magenta ang kanyang buhok na hangang leeg ang haba.

Lalake ba sya o babae?

Pero mukhang lalake. Halata ko lang sa boses nya.

"Same. We can't also wait. Maghihintay kami." nakangiti ding wika ni Madonna. Walang halong takot.

"Ang yayabang." rinig kong bulong ni Mckenzee sa kanyang sarili.

"Ahh. Hindi pa ba tayo aalis?" tanong ng Isang babae. Nakasuot sya ng Pale Pink Veil. Ang Innocente ng mukha at ang hinhin ng boses nya, pero halata ko padin na may kayabangan ang babaeng to.

"We're leaving." paalam ng Isa pang babae.

Sakura Hinomiya...

Nagkasalubong ang mga tingin namin. Nag smirked sya sabay daan sakin. Mabuti nga at hindi nya ako binangga.

"Alis nadin ako. Bye bye!" paalam ng naka Pale Pink Veil.

"Kung makikipagtitigan lang naman kayo. Mabuti pang umalis na tayo." bored na wika ng Isang babae.

"Maghihintay din kami sa away natin Wizards." wika din ng Isa.

Kahawig nya ang naunang nagsalita sa kanya. Kambal ba sila? Kapatid? Pareho din sila ng kulay ng buhok. Black na may halong pagkabrown. Same eyes. Medyo mataray nga lang ang Isa.

"Hunk?"

Nakatingala sa kalangitan ang Isa sa kanila. Nakapikit ang mga mata. Parang may dinaramdam.

"They're coming..."

Biglang umihip ang hangin. Nililipad nito ang aking kulay berdeng buhok. Hanggang waist ko nito ang haba.

"Finally." dagdag nya.

"Tsk!" Sabay alis ng Isa din sa kanila.

Hanggang sa sunod-sunod na ang pagkawala nila sa paningin namin. At Isa nalang ang natira.

"This is just the beginning..." malamig nyang sabi saka nagsimula nadin syang humakbang palayo. "Rhea."

Nakatayo lang kami ng mahigit Isang minuto. Parang hindi makapaniwala sa nakita.

"Woah!"

Sabay kaming nakahinga ng maluwag. Maliban kina Glaucus and Jessie na mukhang walang pakealam.

"Ang lakas talaga ang kapangyarihang dumadaloy sa kanila."

"Himala nalang at hindi nila kinuha si Rhea."

Sabay silang napatingin sakin.

"Weird."

"Maybe siguro nasa Iisang Academy tayo? Siguro nagplaplano na sila. Magiging madali lang yun para sa kanila dahil nasa Iisang school nga lang tayo." mahabang wika ni Kelly.

"Kung mapapadali lang naman pala ang pagkuha nila kay Rhea dahil sa nasa Iisang school tayo, wala yung problema sa kanila. 'Madali' nga diba? Ibigsabihin, hindi na nila kailangang magplano. Kung mapapadali lang naman pala ang pagkuha nila kay Rhea." mahabang paliwanag ni Madonna.

"Yeah. You're right."

"Pero bakit hindi sila umaksyon ngayon?" tanong ni Anna.

"Ewan." sabay kibit-balikat nya. "Maybe may hinihintay sila? Nakita nyo Inaasta ni Hunk kanina? He's looking at the sky. Alam natin na may Ability sya na kayang makiramdam sa paligid. Naramdaman nya siguro na paparating na ang kanilang hinahanap." paliwanag nya.

'They're coming...'

"Sino naman ang paparating kung ganun?" tanong ulit ni Anna.

"Maybe, kagaya natin ay nag-aantay din sila sa pagdating nila."

'Finally...'

"May Isa pang paaralan na wala dito. Sila ang hinihintay ng lahat. Kaya siguro sila rin ang hinihintay nila. You know, para marami silang mabingwit. Mga Immortal ang nasa special section dun."

"I don't think they're up to those Immortal Students." sabay napalingon kay Jessie. "Hula ko lang." sabay peace sign nya.

"Eckkk!"

"Baka naman gusto nilang e challenge ang paaralang yun. Natatakot sila na maagawan ng pwesto." nakangising wika ni Madonna.

"Kailan ba dating nila?"

"Bukas." si Caerus ang sumagot sa tanong ni Kelly.

"Alam na alam ah." sabay palo nya nito sa balikat. Muntik naman syang paluin ng libro mabuti at nakalayo kaagad sya. "Sorry naman. OA. Tsk!"

"Paano mo nasabing bukas?" naninigurong tanong ni Madonna.

Napatingala sya sa kalangitan. "Nararamdaman ko din." sabay Ihip ulit ng hangin.

'Nararamdaman...'

Tumingala din ako. Kulay asul na kalangitan ang nakikita ko. Hindi masyadong mainit ang araw. Normal lang. Medyo mahangin din. Wala din namang bagyo.

Pero nararamdaman ko na may paparating...

"Pero alam nyo, parang familiar ang Isa sa kanila."

"Sino?" bigla akong napatanong.

"That guy with Blue or Violet Hair. Nakita na natin sya. Saan ba..."

Familiar din ako sa lalakeng yun...

"I don't know kung ano ang Magic na meron sya. Pero hula ko ay Lightning."

"Paano mo naman nasabing Lightning sya Kendrick?" tanong ni Anna.

"I can feel the Electricity flowing on his body." sagot nya.

"Oww. Paano kung ganun nga? Saan natin sya nakita?"

"During at our Mission." lahat napalingon kay Glaucus. Kumunot ang noo nya sa reaction namin. "What?"

"Himala at naging Interesado ka sa Topic."

"Tsk!" sabay ayos nya sa kanyang Monocle.

"During at our mission..." lahat nanaman ay napatingin kay Jessie. "Yeah I remember. Isa sya sa mga kasamahan ng Apat na tumulong satin during our fight with the Enchanter."

Si Nicole ba ang tinutukoy nyang Enchanter? At ang Apat ay yung mga mysteryosong babae na nakilala namin?

Catarina...

"Aria, Diane, Sophia and..."

"Hilary." ako na ang dumugtong sa sasabihin nya.

"Nung nasa forest tayo papuntang Academy, Inambush tayo ng Isang Swordwomen and Axe Man. Sa kalagitnaan ng laban natin, may biglang dumating na Anim na tao. Na halata naman na kasamahan nilang Apat. At Isa sa kanila ang may Magic na Lightning." mahaba nyang paliwanag.

"At ang Lightning user nayun ay Isa sa mga Sorceres Academy Students." wika ni Kelly. Hindi yan tanong, kundi Isang confirmation.

Naalala ko na...

"Pa—anong naging myembro sya ng Immortal Hunters?"

Lahat napa-isip sa tanong ni Anna.

Paano?

May nangyare ba matapos silang mawala sa paningin namin?

Matapos silang mawala nalang bigla ay nilibot namin ang buong City para hanapin sila, nagtanong-tanong pa kami. Humingi nadin kami ng tulong kay Mistress Gwen.

Kaso...

Hindi namin sila nahanap.

Para silang multo na bigla nalang nagpapakita, tapos nawawala nalang na walang bakas na naiwan.

Multo kaya sila?

"Heyyy!" napalingon ako sa sigaw nayun. "Sorry kung hinintay nyo ako ng matagal. Hehehe." tumigil sya sa harapan namin. Napansin nya siguro ang expression ng mukha namin. "Ahh. Anyare sa inyo? Ba't nakasalubong talaga ang mga kilay nyo?" tanong nya. Isa-isa nya naman kaming tiningnan.

"Waltz." tawag ni Mckenzee. "Alam kong may photographic memory ka. May Itatanong ako sayo."

"A-ah. A-ano?" nautal na sagot ni Ririna ng makita ang pagkaseryoso ng mukha ni Mckenzee.

"During the fight at the Forest of Emerald. Huli kang dumating samin nun. Naabutan mo kami na kalaban ang dalawang Immortal Hunters at ang Master nila. May kasama ka nang dumating ka doon, Anim sila. Sino sila?"

Napa-isip muna si Ririna. Matagal-tagal bago sya nakasagot.

"Naalala ko ang mga pangalan nila. Limang lalake at Isang babae. Sila yung Ikinuwento ko sa inyo na mysteryoso. Halatang hindi taga dito."

"Ano-ano ang mga pangalan nila?"

"Ahh. Jessel, sya ang nag-iisang babae. Walter, medyo greenish yung kulay ng buhok. Eiron, the one with the Black Hair. Ronnie, Brown Hair. He has a Teleportation Ability. Then Cylex, may Pulang buhok. And the last, I think Leader sya nila. His name is..."

Lahat hinihintay ang susunod nyang sasabihin. Mukhang pare-pareho kami ng Iniisip ngayon. Na ang pang-huling babangitin nya ay ang lalakeng pinag-uusapan lang namin.

"Fyre." dagdag nya na. "His name is Fyre. Ang cold nya. He's a Lightning user. Nakita ko during the fight. Bago dumating ang tinatawag nilang Strongest Sorceres."

Fyre...

Naalala ko na sinave nya si Catarina bago pa man tatama sa kanya ang Ball of Spear ni Dark.

At that time...

May nakita ako sa mga mata nya...

He wants to protect Catarina...

Even If It's cost his life.

'I'm glad that you're okay...'

He's...

Idiot.


























































To be Continued .....




































































So ayun. Hanggang dito nalang muna. Naging busy ako. Nagka-BRAIN DAMAGE ako sa Sarili kong Modules. DUMUGO ILONG ko sa Modules ng Kapatid ko. HAHAHAHA

Maliban sa BUSY ako sa mga MODULSS. Nagbabasa din ako sa ng Ibang Stories sa Wattpad.

Binabasa ko ngayon ang "TWO PATHS" (Sequel of 'Why Me') bale Book 2 na sya. By: animelove123. It's a FanFiction story. Based on Masashi Kishimoto Manga. Naruto FanFiction story. But the story is about SASUKE UCHIHA.

Grabe! Ang ganda mga bes! Huhuhuh.

Maliban sa nagbabasa din ako. Busy din ako sa kakapanood ng Anime. Im watching "FRUITS BASKET 1st Season" (2019)

Hehehehe SherKoleng!

Continue Reading

You'll Also Like

3M 154K 81
Flare Fyche Henessy is her name. Living an adventurous life across the four continents of Elysian Empire. She's a daredevil, blunt, and feisty woman...
1.8M 179K 203
Online Game# 2: MILAN X DION
2.4M 184K 109
In Olympus Academy, the first and only school to house Filipino demigods and mythological creatures, students are divided into four classes: Alpha, B...
9.9M 493K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...