A Little Bit of Sunshine

By aennui

865 124 206

A Little Bit of Sunshine || Sunshine is just your ordinary high school girl. Umikot ang buhay niya sa school... More

Opening Remarks
Simula
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
Wakas

13

12 3 0
By aennui

Kabanata 13: Sleepover (Part I)

"One two three and jump! Very good guys!" Napangiti ako ng makitang sabay-sabay namang nagawa ng mga bagong cheerdancers ang steps na itinuro ko.



Bilang cheerleader ng grupo ngayong school year ay ako dapat ang numero unong nandito sa gymnasium para magturo. Magkakaroon kasi kami ng screening mamaya para palitan ang mga gumraduate na cheerdancers ng ACHS last year.



Nakakatuwa namang makita ang mga mag ii-screening this year. Malapit na kasi ang Intramurals kaya simula nanaman maging busy ang buong school. Pero bago yun ay 1st Grading Examination muna ang kailangan naming problemahin at syempre magcecelebrate nanaman kami dahil makakasurvive na kami sa first grading!



"Water break muna mga babies!" Pumasok si Coach Chelsea at pumalakpak sa amin. Sabay sabay naman na tumigil sa pagsasayaw ang trainees at nginitian siya.



"Thank you Coach! Thank you Ate Sunshine!"



Nagbabaan ang mga bata sa stage para pumunta sa mga bag nila na nasa bleachers. Pinanood ko ang mga bubwit na nakangiti bago ako humarap kay Coach Chelsea na tinapik ang balikat ko.



"Hey Sunshine! You're doing good ha!"



"Thank you Coach. Sana lang ay hindi ako mahirapan sa pagpili mamaya."



Niyaya niya akong umupo sa gilid ng stage at ibinitin ang mga paa ko. Kinuha ko na ang water bottle ko mula sa bag at uminom habang pinapakinggan siyang magkwento.



"I can't believe it na graduating ka na."



"Graduating nga Coach pero yun ay kung ga-graduate ba talaga." Sabay kaming tumawa bago niya itinaas ang kamay niya para ituro ang mga trainees namin.



"Isa ka lang sa mga maliliit na kuto na yan dati pero tignan mo ang sarili mo ngayon, kuto ka pa rin." Nasamid ako sa sinabi ni Coach.



"Ouch. Akala ko naman nakakalubag damdamin ang sasabihin mo, Coach."



"Joke lang. Seryoso na." Sumeryoso na siya bago pinaglaruan ang kamay niya.



"Actually may problema talaga ako ngayon."



"Ano po yun Coach?" Hindi ko inaasahang mag-oopen up sa akin ngayon si Coach Chelsea. Close naman siya sa buong squad pero iba talaga ang aura niya ngayon.



"After the announcement of the cheerleader, hindi na pumasok si Emily ng klase niya." Muntik ko ng mabitawan ang bote ko dahil sa sinabi ni Coach.



"P-Po? Ano po bang nangyari sa kanya?"



Kinabahan ako. Napaka grade conscious ni Emily at matalino talaga siya. Palagi siyang kasama sa honor students kaya halos hindi umaabsent sa klase ang babaeng yun.



"I just found out this morning because of Syrene kaya hindi ko pa talaga nachi-check. But I'm planning to visit her later at their house, do you want to come?" Nakagat ko ang labi ko. Never pa akong nakabisita sa bahay nila Emily. Hindi naman sa pagiging O.A. pero naiimagine ko na babatuhin niya ako ng flower vase pagpasok ko pa lang ng bahay nila.



"Sa tingin ko po, mas mabuti kung babalitaan niyo nalang ako." Bumuka ang bibig niya na para bang ngayon pa lang nagsink in ang relasyon namin ni Emily sa isip niya.



"Sige, babalitaan nalang kita."



Nagpaalam muna siya na bibili sa cafeteria kaya naman lumabas na muna siya ng gym. Napangiti ako ng makitang paparating na sila Syrene, Vince at Serene na nakasuot na ng kanilang mga practice uniforms. Kinawayan nila ako at nagpaunahan naman kaagad sila na makapunta dito sa itaas ng stage at tumabi sa akin.



"Hi Sunshineeeey!"

"We're finally here~!"



Niyakap ako ng kambal habang si Vince naman ay nakipag-apir sa akin. Nagtaray-tarayan naman ako at hindi nagpakita ng kahit na isang segundong ngiti.



"100 push ups! Late na kayo!"



"Hoy Madam cheerleader! May quiz pa kami!" Itinaas ni Syrene ang kamay niyang hawak ang one whole na may mga Math equations.



Myghad. Tatlong segundo ko lang nakita yung papel pero bigla akong nahilo!



"May activity din po kami! Here madam!" Ibinuklat naman ni Serene ang libro niya na nagpangiwi sa akin. Mga numero nanaman!



"Eto din oh. Para di mo na maisip yang push up push up na yan." Muntik na talaga akong magcollapse ng makakita nanaman ako ng mga numero sa notebook ni Vince.



"Sige na! Sige na! Wala ng push up!" Binigyan ko nalang sila ng isa-isang batok.



"Kayo na ang bahalang magtrain sa mga bata! Magpapahinga muna ako!"



"Aye aye captain!"



Pinaghahampas ko ang mga pwet nila para simulan na nilang kumilos. Tutal at alam naman nila ang steppings kaya sila naman ang papagurin ko sa ngayon.



Nagpupunas ako ng pawis ko ng makitang pumasok sa gymnasium ang basketball team ng ACHS. Lahat sila ay naka suot na ng jersey na color dark blue. Nang magkasalubong ang mata namin ng tatlong J's ay kinawayan nila ako.  May ganap din naman pala ang mga lalaking to kahit papano.



Kakawayan ko sana sila ng magkasalubong ang mga mata namin ni Ouie. Isasabit niya sana ang isang puting towel sa leeg niya ng mapatigil din siya. Ngingitian ko na sana siya para subukan kung anong magiging reaksiyon niya ngunit umiwas siya agad ng tingin.



Nagpaalam muna ako kanila Vince para lumabas ng gym. Tumakbo na ako kaagad papunta sa cafeteria dahil naghahanap nanaman ang bibig ko ng Nips. Habang naghihintay ng sukli ay bnuksan ko kaagad yung Nips at kumain. Sa pag-ikot ko, muntik ko ng maibuga ang Nips sa mukha mismo ni Hanson.



"Hi!"



"Pota naman Hanson. Kanina ka pa diyan?!" Sinuntok ko ang dibdib ko ng maramdaman kong parang may tamis ng Nips atang nalihis ng landas.



Pucha. Kaya ayokong ginugulat eh.



"Busy ka?" Hinablot niya ang Nips sa kamay ko at nagnakaw ng ilang praso.



"Hindi ba obvious?"



Hindi siya nakasuot ng uniform ngayon kaya naman lumilitaw nanaman ang pagka-Rich Kid sa porma niya.. Kasalukuyan siyang nakasuot ng mustard yellow and white stripes na polo na bukas ang isang butones at black fitted pants. Nakababa lang ang buhok niya ngayon na halos matakpan na ang mata niya.



"Ang boring sa classroom. I regretted going to school." Napakamot siya sa batok niya bago napabuntong hininga.



Napalunok ako. Ang lakas nanaman ng dating niya ngayon sa buhok niya pero behave ka muna heart.



"Bakit ba naman kasi hindi ka sumali ng sports? Wala ka bang alam gawin?"



Sa aming magkakaklase ay iilan lang ang walang ganap. Lahat ng kaibigan ko siyempre ay kasama sa mga busy ngayon sa kanya-kanya nilang sports. Si Gracie ay member ng Badminton Team, si Happy at Greggy naman ay Volleyball, si Bryle sa Sepak Takraw at panghuli ay sina Ouie, Japhet, Jethro, at John sa basketball team.



"FYI. I'm the MVP of our school's basketball team last year." Automatiko naman napa-O ang bibig ko.



Sabagay. Matangkad naman talaga tong si Hanson at bagay sa basketball. Paniguradong tinitilian din ang isang to sa school niya.



"Eh bakit hindi ka sumali sa team dito?"



"Tinatamad ako. I want to try something new."



"Anong something new?"



Hinawakan niya ang tuktok ng ulo ko at itinulak ako para makapunta kami sa isang table. Umupo naman ako at ilang segundo siyang pinanood na sumipsip sa soya milk niya.



"Yung wala lang ginagawa. That's something new for me." Ngumiti siya at bahagyang kinagat ang straw niya ng makitang ako naman ang ngumiti ng sarkastiko. "You know, I'm a vey busy person before."



"Ah okay. Wala na akong pake dun."



Inagaw ko ang inumin niya at hindi na siya naka-angal ng mabilis ko itong hinigop hanggang sa huling patak. Nang makita ko namang nahagip ng tingin niya ang Nips ko ay nagkaagawan pa kami pero sa huli ay sa bibig niya bumagsak lahat ng ito.



"That's karma." Dumila siya bago tumawa.



"Psh. Di ko na uulitin."



Palihim kong ipinakita sa kanya ang middle finger ko at dumila. Tumawa naman ang mokong bago siya nakipagkwentuhan saglit at nagpaalam na ako na babalik na sa gym. Okay na sila ng Tatay niya kaya masaya akong nakikita siyang nagiging mas masiyahin siya kaysa dati.



Naganap ang screening namin sa squad sa buong maghapon. Out of 48 aspiring cheerdancers ay 20 lang ang maswerteng natanggap dahil bigay todo talaga silang sumayaw. Ki-nongratulate namin ang mga bagong members habang ang 28 na hindi natanggap ay kinausap ko.



"Wag niyo isiping wala kayong talent sa pagsayaw kaya hindi kayo natanggap. Magaling kayong lahat pero meron talagang umaangat. Sa ngayon ay subukan niyong mas i-improve ang self confidence niyo at impact sa mga taong nanonood sa inyo. Wag na wag lang kayong susuko hanggang sa maipapakita niyo na sa lahat ang tunay na galing niyo."



Napangiti ako ng mapansing medyo lumiwanag ang mukha ng mga batang kanina pa down na down dahil sa pagkatalo.



"Katulad niyo rin ako dati pero nag-succeed ako na talunin yung hindi ko pagtitiwala sa bagay na kaya kong gawin. Dapat makita ko ang mga mukha niyong magperform sa squad sa mga susunod na performance, okay?"



"YES ATE SUNSHINE!"



Nagtayuan na ang mga bata para lumabas ng gym. Nauna na ding umalis ang kambal at si Vince dahil may iba pa silang dadaanan. Hindi na ako sumama sa kanila dahil gustong gusto ko ng tumaob sa bahay at matulog. Hindi ko na nga siguro kakayaning kumain dahil sa pagod.



Nagbihis na ako ng white shorts at over sized shirt para pamalit sa pawisan kong practice uniform. Bibitbitin ko na sana ang bag ko para bumaba ng stage ng makita ko si Ouie na nagdidribble pa sa baba. Tagaktak na ang pawis niya habang seryoso siya sa pagshoot ng bola.



Hapon na kaya kami nalang dalawa ang nasa loob ng gymnasium ngayon. Tangging tunog nalang ng sapatos niya, bola at ring ang naririnig ko. Gusto ko siyang kausapin pero may pumipigil sa akin. Hindi ko alam kung ano nanamang gagawin niya sa akin. Baka this time babatuhin niya na ako ng bola.



Nagmadali akong bumaba ng stage at tatakbo na sana palabas ng tumalbog ng malakas ang bola. Nanlaki ang mga mata ko ng mashoot ito sa kabilang ring. Dahan-dahan kong nilingon si Ouie at nakita kong nakatingin ito ng seryoso sa akin habang nakapameywang sa gitna ng gymnasium.



"Uuwi ka na?" Napalunok ako ng mag echo ang mala kapre na boses niya sa buong gymnasium.



"O-Oo! Bakit?"



Bakit ba ako natatakot sa kanya?



"Hatid na kita." Napakurap ako ng sipain niya ang bola bago siya naglakad papunta sa bag niya.



"Hindi na! Kaya ko naman mag-isa."



"Shut up. Ibinilin ka sakin ni Tito. Wag ka ng makulit."



Napasimangot nalang ako at hinintay si Ouie na matapos sa pagpapalit ng damit niya. Wala kaming imikan sa buong biyahe at tanging salamat lang ang nasabi ko pagkababa ko ng kotse nila.



Okay na ba kami? Ewan! Awkward pa rin eh.



Sunod sunod na ang mga naging summative test namin bago mag periodical. Konting review ng mga notes at salamat naman ay nakakapasa talaga. Doble nga lang ang nararamdaman naming pagod ng mga kaibigan ko dahil wala ring patawad ang practice dahil para sa Intramurals next next month.



"Gusto ko na matapos ang lecheng week na to." Nakasubsob ang mukha ni Gracie sa lamesa habang nagbabasa ng notes niya.



"Oo nga sis. Nahahaggard na ang aking beauty." Halos pumikit na si Greggy pero patuloy pa rin siya sa ginagawa niya.



"Wala kang beauty. Wag kang feelingero." Wika ni Happy bago humikab. Pinalo naman siya kaagad ni Greggy sa ulo ng notebook pero mahina lang ito.



"First wave pa lang to guys. Wag kayong ano diyan." Nagsalumbaba ako habang nagpatuloy sa pagsusulat. Nang tamarin na ako ay sumubsob nalang din sa arm desk ko.



Naging ganun lang ang routine namin sa buong week. Papasok sa school, mag-aaral, kakain, practice, at uuwi. Hanggang sa dumating na finally ang First Grading Exams! Kahit na aminado akong bobo ako ay nagstudy talaga ako ng maayos para hindi ako ngumanga sa test paper at itlog ang score. Pukpok ang aabutin ko kay Tatay pag nagkataon.



"Cheer up everyone! Wag niyo akong bibiguin ha? Dapat pasado kayong lahat!" Nakangiti at energetic na sabi ni Ms. Olivia bago kami mag-uwian.



"Yes Maam!"



Hinati ang classroom namin sa Morning at Afternoon Schedule. Magkakasama kami nila Happy, Gracie, Greggy, at Ouie sa umaga habang sa hapon naman sina Hanson, Bryle at ang tatlong J's.



Last day na ng exams ngunit one seat apart pa rin ang pauso ng mga teachers para mahirap daw magkopyahan. Pero kanya kanya pa ring paraan ang magkakaklase. May pasimpleng bumubulong, nag-uunat, o ipapakita ang daliri nila. May mga nakakakaba pa nga dahil ipinapasa talaga nila ang papel sa katabi nila.



"Psst Sunshine. Anong answer sa number 30?" Napangiwi ako ng tawagin ako ni Hazel, isa kong kaklase habang nasa may pintuan si Maam at ka-chika ang isang teacher.



"Wala nga din akong sagot tapos ako pa talaga tatanungin mo?" Inirapan niya ako bago bumalik sa pag-aanswer.



"Damot." Mapait akong natawa habang nakaturo pa rin sa sarili ko.



Bakit parang ako pa ang masama? Ayaw ko naman siyang madamay sa kabobohan ko. Baka kapag mali ang binigay kong sagot, kutusan niya pa ako pag uwian.



"B" Napalingon ako sa kanan ko at nakita ko si Ouie na seryosong nakatitig lang sa papel niya.



"Yung number 30?" Pagtatanong ko para sure.



"Hindi. Yung number 31." Akala ko seryoso siya kaya naman isusulat ko na sana ang B sa 31.



"Fvck. 30 nga. Pinipilosopo lang kita." Nagsalubong ang mga kilay ko. Ayaw ko na yung tono niya.



Gigil kong sinulat ang letter B sa number 30 bago nagfocus ng todo sa pag-answer. Hindi gumana ng mabuti ang utak ko pero nagawa ko pa ring answeran ang mga natitirang questions pati na ang mga sumunod na exams. Namawis nga lang ako ng todo pati na ang mga palad ko.



Pota. Ilang exams pa ang dadaanan namin bago mag graduation. Idagdag pa natin ang college entrance exams next year. Ang sakit sa ulo!



"Congratulations Sunshine!" Nanglalanta ako ng salubungin ako sa pintuan nila Happy, Greggy at Gracie na naunang makatapos ng exam.



"Bagsak ako. Wag niyo akong kausapin." Sabay sabay akong niyakap ng tatlo at mistulang kinomfort.



"Makakapasa ka dear. Believe in us." Sabi naman ni Gracie.



"Sabay-sabay tayong ga-graduate. Tiwala lang!" Pinakita ni Happy ang kamao niya. Niyugyog ko naman na ang ulo ko para tanggalin na ang negativity.



"Ano na? Saan na tayo?" Bumalik na ang ngiti ko bago kami nagsimulang maglakad palabas ng school.



"Edi sleepover! Ano? Nakapagpaalam ka na ba sa Tatay mo?!" Mabilis akong napapreno sa sinabi ni Greggy. Pota.



Bago pa mag exams ay napag-usapan na naming magii-sleep over. Hindi naman talaga matutulog dahil balak lang namin magkwentuhan overnight hanggang sa bumagsak na kami sa antok. Ang importante lang talaga ay may bahay na matutuluyan.



"Patay! Nakalimutan ko!" Sabay na sumimangot sina Happy at Greggy ngunit mas lumawak ang ngiti ni Gracie.



"Wag ka ng mag-alala Girl! Ako bahala magpaalam kay Tito!"



"Wow maka-Tito. Close kayo?" Pang-aasar ng dalawa kay Gracie na hindi naman nagpaapekto.



"Basta Tito na ang tawag ko kay Tito! Kung naiinggit kayo, just follow!"



Sinamahan ako ni Gracie, Happy at Greggy sa pag-uwi sa bahay. Mabuti nalang ay saktong ding coding ang jeep ni tatay kaya naman nasa bahay lang siya buong araw. Ang buong akala ko ay magagalit siya at magtatanong ng kung ano anong bagay sa mga kaibigan ko pero mabilis lang siyang um-oo.



"Basta ingatan niyo lang ang prinsesa ko ha?"



"Oo naman po Tito!"



Dito na kami sa bahay kumain ng tanghalian at masaya akong magaan pa rin ang loob ni Tatay sa mga bago kong kaibigan. Una na niyang nakilala sina Syrene at parehas nito ay mahaba-haba din ang nangyaring kwentuhan. Tumigil lang sila ng mapansin na pahapon na at umuwi muna sa mga bahay nila para kunin ang gamit nila.



Nagbihis, kumuha ng damit, at hinintay silang makabalik bago kami umalis. Napanganga pa nga ako ng bigyan ako ng 200 bill ni Tatay at yakapin para lang sa sleepover na to.



Wow ha. Palagi nalang kaya akong mag sleep over?



Nagpunta na kami nila Greggy sa grocery para bumili ng mga pagkain ngayong gabi. Ako ang kinawawa nilang tagatulak ng push cart habang sila ang panay sa pagdampot ng mga pagkain.



"Ano pa bang kailangan natin?" Wika ni Gracie habang nililibot ang paningin niya sa mga shelves. "Meron na tayong mga inumin at chips-"



"Uy guys! Wag nating kakalimutan ang mahiwagang pancit canton!" Bigla namang tumakbo si Happy papunta sa isang shelf at naghakot ng Pancit Canton.



"Woy bakit parang pang isang barangay to? Mauubos ba natin yan ng overnight lang?" Dahil nauna sila sa akin ay pare-pareho silang napahinto sa paglalakad at napalingon sa akin.



Halos magkalahati na ang laman ng big push cart na tulak ko kaya nagsimula na akong magtaka. Parang pang sampung katao ang pagkain na hinahakot nila! May hindi ba sila sinasabi sa akin?



"Hindi mo sinabi sa kanya Gracie?!" Tutok nila Happy at Greggy kay Gracie na nakangiti na ngayon ng malapad.



"Hehehe. Hindi naman siya nagtanong eh." Dahan dahan siyang nag peace sign sa amin at doon ko na naramdaman na may mali pero hindi na ako nagtanong.



"Gaga ka talaga?!"



"Pero may utak ka ha!" Sabay na binatukan nila Happy at Greggy si Gracie na nakangiti pa rin. Ano bang nangyayari?



Si Gracie ang nagbayad sa lahat ng pinamili namin dahil sa sinasabi niyang sponsor. Nagtaka ako pero hindi na ako nagtanong. Aleast hindi nabawasan ang aking blue bill! Hoho!



Nagsikipan kaming apat sa isang taxi habang papunta sa bahay na pagoovernight-an namin. Tikom pa rin ang mga bibig nila kaya hindi ko maisip kung anong kabaliwan ang nasa utak nila ngayon.



Panay ang kwentuhan namin sa taxi pero unti-unting nawala ang ngiti ko ng lumiko ang taxi sa gate ng Alveolar Heights kung saan nakatira ang pinakamayayaman na pamilya sa buong Alveolar City. Isa lang ang taong alam kong nakatira dito kaya naman kinabahan ako at unti-unting napalingon sa mga kaibigan ko.



"Anong pakulo to?" Sabay-sabay nilang itinaas ang mga kamay nila at nag-peace sign.



"Napansin namin na hindi na kayo nagpapansinan. Gusto lang namin na mapag-ayos kayo!" Sabi naman ni Happy na ikinabuntong hininga ko.



"Alam niya ba na pupunta ako?" Nababadtrip pa rin ako sa ginawa niya kanina sa exam!



"Sinabi namin sa kanya na hindi ka pa sure. Bale masusurprise nalang siya ngayon!"



Huminto kami sa harap ng mansion ng mga Cortaga katulad ng inaasahan ko. Tahimik lang akong bumaba at sinundan sila papunta sa gate kung saan nakita ako ni Tatay Bobong na ilang taon ng gwardiya ng bahay nila dito. Ngumiti ako nang pagbuksan niya kami at magbless ako sa kanya. Gumaya din naman ang tatlo.



"Mahigit isang buwan ka ng hindi bumisita dito Sunshine ah!" Awkward akong ngumiti kay Tatay Bobong. Hindi naman kasi niya alam kapag may nangyayaring mga away sa pagitan namin ni Ouie.



"Opo Tatay. Masyado na po kasing busy sa school eh."



"Sige Sunshine, mga hija at hijo. Pumasok na kayo at naghihintay na si Sir sa inyo."



Pumasok na kami sa Mansion habang nagmamaktol ang bakla dahil tinawag daw siya ni Tatay Bobong na 'hijo'. Ngunit sa mismong pagtapak namin sa bahay nila Ouie, nawala ang pagmamaktol niya at napalitan ito pagkamangha kasabay ng iba ko pang mga kaibigan.




"Oh em gee! Ang sarap mapangasawa ni Fafa Ouie!"

"Mga royalties ba ang nakatira dito?!"

"Ang ganda!"



Napangiti nalang ako habang pinapanood ang tatlo na nagsight seeing sa paligid ng mansion nila Ouie habang ako naman ay nanatiling nakaupo sa may sala. May lumapit na maid nila na nagserve sa akin ng juice at snacks na may dagdag para sa tatlong bigla nalang nawala. Magpipresinta na sana silang magluluto ng pagkain na mga binili namin ngunit pinigilan ko sila.



"Wag na po mga ate! Wala pa din naman po yung ibang kasama namin. At saka pancit canton lang din naman po ang lulutuin."



"Okay po Maam. Aalis din po kaming lahat ng mga maids dito sa mansion mamaya. Kayo nalang po ang bahala sa kusina."



Tumango ako at sinimulang inumin ang juice habang naghahanap ng channel. Panay lang ako sa pagpindot ng remote ng masulyapan ko si Ouie na pababa ng hagdan.



"Akala ko hindi ka sasama?"



Parang nag-slow motion ang pagbaba niya sa hagdanan habang nagpupunas ng pawis niya. Nakasuot siya ng jogging pants na para bang galing siyang magwork out. Bigla nalang akong nasamid sa iniinom ko ng ma-realize na wala siyang damit pang-itaas.



May abs na pala- PUCHA! Sunshine lingon!



"A-ahh. Hindi sana ako sasama pero pinilit ako nila Gracie." Sinuntok suntok ko ang dibdib ko at ifi-nocus ang mga mata ko sa TV.



Naramdaman ko namang umupo sa tabi ko si Ouie na kumuha din ng juice sa table. Tinignan ko ang basong ginamit niya at halos lumuwa ang mata ko ng makitang parehas ito sa basong ginamit ko.



"Teka lang! Baso ko yan!"



"Ano naman?"



Aagawin ko sana yung baso ngunit humarap siya sa kabilang direksiyon at dire-diretsong nilagok yung juice. Pinilit ko pa rin kuhanin yung baso hanggang sa narealize ko na para bang nakaback hug na ako sa kanya at napakalapit na ng mukha namin sa isa't-isa.



"GRABE NO?! ANG GANDA TALAGA NG MANSION NILA OUIE!" Automatiko kaming napaurong ni Ouie sa isa't-isa ng dumating sila Gracie na kasama na pala ngayon sila John. "Uy hi Ouie! Pasensya na kung naglibot kami sa bahay niyo ha?!"



"H-Hey. No it's fine. Pwedeng pwede pa kayong pumunta sa itaas to check out the rooms if you want." Napaubo ako at nag-aalangang nilingon si Ouie na nasaktuhan ko ding sinulyapan ako.



Pota. Ano kayang reaksiyon nila kung nakita nila kami sa ganung posisyon? Paniguradong aasarin nanaman ako.

Continue Reading

You'll Also Like

40.3K 1.7K 51
Garnett Sardoncillo is known as one of the smartest in the school of Alvarez University. She is also known as Top students off all times. Apart from...
17.7K 712 33
"Sa pagbalik ko sa panahon ko, syaka ko lamang nalaman na marami pa lang pinagbago ang kasalukuyan."
2.8K 301 90
Ang sabi nila kahit gaano pa kasakit kung mahal mo magpapakatanga ka, at oo napatunayan ko yun sa sarili ko dahil simula ng minahal ko siya nag bulag...
73.2K 2.7K 36
Geca Rella, a die hard fan of a romance and mafia novels that full of red flag male leads. Highest Ranking: #2 in Reincarnation #13 in Fantasy #1 in...